Gusto ko si Clark hahahaha
CLARISSA “Is it true? Your brother has a new girlfriend,” napatingin ako kay Aru matapos niyang sabihin iyon. “Hindi ko alam,” sinubukan kong mag concentrate sa ginagawa ko pero ang utak ko ay lumilipad na sa sinabi niya. Bakit ba kasi napaka-marites niya? “You know what, break ko mamaya. Gusto mong sumama?” “Saan?” “Sa bahay. Magpapaluto ako kay tiyang ng pagkain,” Come to think of it, hindi pa ako nakakapunta sa bahay nila. “Payagan kaya ako ni dad?” “I’m with you, and your dad likes me,” walang halong pagmamayabang sa sinabi niya. Gusto talaga siya ni daddy. “Oh saan kayo?” si dad nang makita niya kami ni Aru. Kakapasok lang niya sa office at napansin si Aru na nakadungaw sa akin. “Can I snatch your daughter sir? I wanna bring her with me,” ngumiwi ako. His terminologies are inappropriate. “Saan?” “Kakain po sa labas,” “Kayong dalawa lang?” Kinakabahan ako sa iisipin ni dad. Tumingin ako kay Aru, hindi ko man lang makitaan nang kahit na anong pangamba sa mukha niya. “
CLARK “Gusto mo ng kape?” ang bumungad sa akin matapos kong buksan ang pintuan ng kwarto ko. “No,” Hindi siya nakinig, pumasok pa rin siya na para bang pagmamay-ari niya ang kwarto ko. Na para bang pagmamay-ari pa rin niya ako. She’s so evil, she knows that I’m head over heels to her kaya madali lang sa kaniya pakialaman ako. Pinagkunutan ko siya ng noo habang nakamasid sa kaniya. Anong ginagawa niya? Tumingin siya sa kama ko saka sa akin. “Anong oras ka na natulog? Mom and dad were not here. May nilakad sila,” And why is she asking me that? Ano naman sa kaniya kung madaling araw na ako natulog? “You seemed pretty close lately. Congrats, you gained their trust already. Ipinagpalit mo ‘ko sa kanila diba?” “I didn’t. Wala pa rin naman akong boyfriend,” aniya matapos niyang tupihin ang kumot ko. Kumuyom ang kamao ko. “They are our parents and they always have a place in my heart. They are family.” “Then how about me?” hindi ko maitago ang tabang sa boses ko. “You are my kuya an
Clarissa ISANG MALAKAS na sampal ang natanggap ko kay dad. Ilang beses na nga ito? Five? Ten? I lost count. “Talaga bang hanggang doon lang ang kaya mo? Hindi mo kayang mapasunod si Rod sa ‘yo!” Ang bilis ng oras. Kamakailan lang, mabait si dad sa akin ngayon, hindi na. Noon lang, malaya pa akong mahaIin si Clark, ngayon hindi na. “Sir, that’s enough!” Aru tried to defend me, pero inalis ko ang kamay niya. Ayaw kong pag-initan siya ni daddy dahil lang sa pinagtatanggol niya ako. “I’m sorry dad. Susubukan ko po ulit siyang paamuin.” “You better do your job perfectly done this time, Clarissa. Ayaw kong sayangin mo ang chance na ito dahil sa kabubohan mo!” I never expected that dad will insult me like this but sige lang, I can endure it. When he left, doon na bumuhos ang luha sa mga mata ko. Niyakap ako ni Aru ng mahigpit. “Is he like this? Ilang beses ka na niyang sinaktan?” bulong niya. I can feel the bloodlust in his voice. “Wala siyang kwentang ama!” Ang dagdag niya. It’s hi
CLARISSA MAG-ASAWANG SAMPAL na naman ang natanggap ko kay dad matapos naming makauwi ng bahay. “Dad, Aru didn’t do anything wrong. Bakit niyo siya pinakulong?” umiiyak na sambit ko. “He kidnapped you!” “Hindi po, ako po ang sumama sa kaniya,” Sinampal niya ulit ako. “Kung nilalason niya ang utak mo para huwag akong sundin na pakasalan si Rod then he needs to be eliminate.” “Quil,” si mommy na gaya ko ay nag-aalala kay Aru. “Aru is a great kid. I’m sure walang kasalanan ang binatang iyon sa kabobohan ni Clarissa. Kailangan bang humantong sa ganito?” “My answer is final, Prena. Makukulong si Warrius sa ayaw at sa gusto niyo,” “Dad,” humawak ako sa kamay niya. “Anong gagawin ko?” sabi ko, I looked desperate now but ayaw kong makulong si Aru dahil sa akin. Hindi ko kaya. “Anong gagawin ko para lang palayain niyo siya?” “Marry Rod then I’ll release him,” yumuko ako, umiiyak na tumango. “Gagawin ko po ang lahat para lang maikasal kay Rod,” hindi sumagot si dad at umalis na siya
CLARISSA“Ma’am Clarissa, bagay po sa inyo ang wedding dress niyo,” sabi ni yaya. Tumingin ako sa wedding dress na nasa likuran ko.Hindi ko magawang magsaya.Ilang ulit ko ng naimagine na magsusuot ng wedding dress pero si Clark ang groom but right now, my groom is a different person.“Yaya, may balita po ba kayo kay Rod?”“Ang rinig ko po senyorita, gabi gabi po siya lasing. Nagkakagulo po ang Chavez ngayon dahil ayaw makinig ni Rod.”Nakokonsensya ako. Alam kong gaya ko ay ayaw ni Rod sa kasalang ito.“Yaya, pakikuha po ng bag ko.”“Saan po kayo ma’am?”“Kay Rod po,”“Sige po,”Kinuha ni yaya ang bag ko at agad akong lumabas ng bahay para pumunta sa bahay ni Rod. Alas siete na gabi pero si Rod, nadatnan ko siya sa labas ng bahay niya, nakahiga sa lupa at mukhang lasing.Natutulog siya doon.Nagmamadali akong pumasok para tulungan siya. Kasalanan ko ito lahat. Halata talaga sa mukha niya na ayaw niya sa nangyayari sa buhay niya.“M-March,” binabanggit niya ang pangalan ni March.Nap
CLARISSA “Hindi ba kayo magpapansinan dalawa?” tumingin ako kay Aru na kunot ang noo. Bakit ba lagi niya kaming ipinagkalulo ni Clark? Akala ko ba ayaw niya sa ideyang may relasyon kami? Tumabi si Aru sa akin habang si Clark naman ay tumingin sa gawi namin. Akala ko magagalit siya, pero iba ang nangyari. Tinignan niya lang ako gamit ang malulungkot niyang mga mata. “I will leave the country before you fly to USA,” Nanlaki ang mata ko. “What?” “Hindi ba doon gaganapin ang wedding mo with Rod?” “Anong kinalaman no’n? Bakit ka aalis?” “It’s a long story.. But on the other hand, I don’t think pupunta ako ng USA para lang makita kang ikasal sa lalaking hindi mo naman gusto.” “Saan ka ba pupunta? Bakit biglaan?” “Europe,” simpleng sagot niya. “Hahanapin ko ang pamilya no’ng lalaking pumatay kay mama,” nanlaki ang mata ko. Pinatay? Ang mama niya? “Anong sabi mo?” tumingin siya sa akin at natawa. “Oo nga pala, hindi ko pa nasasabi sa ‘yo. Tiyang Ysabel is not really my aunt. Inal
2 MONTHS of living with Rod is like a hell for me. “Rod, nagluto ako ng pagkain,” “Itapon mo, baka mamaya nilagyan mo ng lason iyan.” Nilagpasan niya ako na para bang hindi ako asawa niya. I know he’s hurt because of me kaya hindi ko siya masisisi kung gaganituhin niya ako. The next day, I was patiently waiting for him to come home but I was surprise to see a blonde woman brought him in our condo. I can’t live this life. With Rod’s look, alam ko saan siya galing. He’s wasted. My husband doesn’t want to respect me. Aru is gone, Clark hates me. Wala akong kakampi. At some point, I was hoping na baka mag work out kami ni Rod pero mali ako. Hindi talaga siguro kasi may mahal kaming iba. Until the day came, Rod was busy packing his things. Uuwi na kami ng Pinas at ayaw kong umuwi. Ayaw kong makita si dad. Ayaw kong maging tuta habangbuhay. “You can stay here as many years as you want. Ipapaasikaso kita sa ibang negosyo ko dito para naman magkasilbi ka. After all, ayaw kong makasama
CLARISSA “Babalik ka na sa US?” Nag-angat ako nang tingin at nakita si Clark, nakahilig sa pintuan ng kwarto ko. “Nasa labas na si Rod, hinihintay ako,” sabi ko sa kaniya. Nagbaba ako nang tingin. “I’m hoping you to wear my ring but I guess it’s too impossible na mangyari,” natigilan ako sandali bago nagpatuloy. I can’t wear his ring. H-Hindi pwede. It’ll give him hopes. “Gusto kitang ihatid sa airport, pwede ba?” He’s so strange. I was expecting him na lalayuan niya na ako dahil kasal ako kay Rod but it looks like hindi iyon ang nangyayari. “Hindi pwede. Magtataka ang asawa ko,” sabi ko. Hindi ako tumingin sa reaction niya dahil natatakot ako. Nang maisarado ko na ang maleta ko, agad ko itong binuhat ngunit hinawakan niya ako sa kamay—sa kamay kung saan nakahawak ako sa maleta. Binawi niya ang maleta at naunang lumabas. Hindi na ako nakipagtalo at sumunod sa kaniya. Sa labas ng bahay, nakita ko si Rod na nakatingin sa akin. Tumingin siya kay Clark at kinuha ang maleta ko pa