Fun fact, Aru babysit Clarissa 7 years ago... Right now, he's babysitting Clark. Kawawa talaga si Aru hahahaha pwede na mag change career..
ARU “Tiyang, hindi na po ako tutuloy,” “Huh? Bakit?” “Ayaw kong makita ang chairman,” ang sabi ko. Mula ng makabalik ako galing Europe, hindi pa ako kailanman nagpapakita sa kanila. “Umalis ka na Aru at baka kailangan ka ng dalawang kapatid mo doon,” sabi ni Tiyang Ysabel sa akin habang hinahanda ang susuotin ko. “Pero tiyang— “Sige na. Magbihis ka na,” Ayaw ko talaga pero hindi rin ako mapakali kung anong mangyayari oras magkita si Clark at Clarissa. Tumayo ako para magbihis pero naalala ko ulit ang chairman—ang walang kwenta kong ama. Napaupo ako dahil ayaw ko talaga siyang makita. Pero tumayo na naman ako nang maisip si Clark at Clarissa. “Warrius, tatamaan ka sa akin kung tatayo at hihiga ka lang diyan sa sofa,” naiinis na si Tiyang. Napangiwi ako sa sinabi niya. Sa kaniya yata nagmana si Clark. Pareho silang masama ang ugali minsan e. “Anong oras na oh? Sige na… Magbihis ka na,” Napabuntong hininga ako at nagbihis na lang dahil baka hindi na makatiis si tiyang at maka
ARU “Hindi ka pa ba aalis anak? Ilang araw ka ng nagkukulong sa kwarto mo,” nag-aalalang sabi ni tiyang habang nakasilip siya sa akin mula sa pintuan. “Tiyang,” “Alam mo ba na balita ngayon sa TV ang tungkol kay Clark at Clarissa?” Bumangon ako sa kama ko at tinignan si tiyang. “Tiyang ano naman pong gagawin ko? Kita mo naman na maraming militar sa bahay ng mga Malaque,” “Iyon ay dahil nagtatangka si Clark na tumakas.” Natahimik ako. Nagbaba tingin sa mga daliri ko dahil ayaw kong tignan ang nag-aalalang mukha ni tiyang Ysabel. Alam kong nag-aalala siya sa totoong pamangkin niya. Ilang ulit ko siyang nahuling laging nanonood ng balita tungkol sa insidente doon kay Clark. “Tiyang, alam niyo po bang naisip ko no’ng una na ang malas ko at ako ang naging biktima niyo ni mama na ipalit kay Clark?” Natahimik si tiyang at nanlalaki ang mata. “Aru-" “Pero no’ng makasama ko na ang mga Malaque, biglang nabago ang pananaw ko. Sa amin ni Clark, ako pala ang iniligtas ni mama Cecil,” Mat
ARU “Mama?” gulat na sabi ng totoo kong ina sa likuran ko. “Anong pinagsasabi mo?” galit na sabi nang chairman na masamang nakatingin sa akin. Sa mga mata niya, para bang gusto niya na akong patayin. Tumingin ako kay mama at kay Clark, bago ako humarap kay chairman. “Buwan ng Diyembre taong xxxx, sa Sacred Heart Hospital, hindi ba doon nanganak si Prena Malaque, ang asawa mo?” Nakita ko ang gulat sa mga mata ng ama ko. “Sa buwan din na iyon, may babaeng dinala sa sa Sacred Heart Hospital na kasabayan ni Prena sa panganganak.. That’s Cecil Unong, ang totoong ina ni Clark.” Narinig ko ang singhapan nila. “Aru, what are you saying?” mahinang saad ng mama ko sa likuran. “I have here the DNA test result,” ang sabi ko sa mama ko. Hinablot ng chairman ang hawak kong folder at tinignan ang laman no’n. Para siyang tinakasan ng dugo nang makita ang resulta. Galit siyang humarap sa akin at agad akong kwinelyuhan pero hindi ako nagpatinag. “Sinong nagpadala sa ‘yo? Ang mga Chavez ba? An
CLARK I opened my eyes and I saw Aru who’s looking at me with his dreadful stares. “Plano mo bang isang taon matulog gago ka?” Napangiwi ako nang murahin niya ako. “Ilang araw na ba akong tulog?” “Araw? Gago ka! Mahigit isang linggo na. Tang.ina ito, talo mo pa ang comatose ah?!” May natawa sa likuran niya at nang tignan ko ito, nakita ko si mommy na masayang nakatingin sa amin. Right, hindi ako totoong Malaque. Tumingin ako sa kinilala kong ina or can I still call her mom? “How are you feeling?” sabi ni mommy at umupo pa sa kama. Napatitig ko sa mukha niya. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Why is she treating me like this? She’s so warm that I hardly recognize if she’s mad or not. “Why are you looking at me like that?” natatawang tanong niya. “Why are you like this m-mom?” I can’t even utter the word mom. “Bakit parang kinakabahan ka?” Nagbaba tingin ako. “Gago, ayaw kong makitang umiiyak ka,” nag-angat tingin ako kay Aru at pinagsingkitan siya ng mata. Kanina pa niya
CLARK “No words from Clarissa?” si mommy paglabas namin ng kwarto. Umiling si Aru at agad na lumapit sa akin para ibigay ang phone niya. “Hindi ko siya ma-contact ngunit balita ko’y paalis na sila ngayon,” Nagtaka ako sa ibig niyang sabihin. “Saan siya pupunta?” “US for the divorce,” Agad akong kinabahan sa sinabi ni Aru. “Kasama niya si Ralph at Punn,” dagdag niya. “Open the phone and you’ll know who’s Punn,” sabi ni Aru. Nagtataka kong binuksan ang phone niya at agad kumunot ang noo ko nang makita ang larawan ni Aru kasama ng isang bata. “Biological son ni Clarissa. He’s Punn Gabriel Malaque, anak niyo.” Tumingin ako kay Aru. Kunot ang noo at prinoseso pa ang sinabi niya. Biological son ni Clarissa.. teka, Tumingin ako kay mommy, gaya ko ay nagulat rin siya. "Anak nila?" si mommy nagtanong. Si Aru naman ay biglang napakamot sa ulo sa niya. "Well... It's a long story but yeah," sagot niya at tumingin sa mga mata ko. Bigla akong napaatras sa narinig ko. I have a so
CLARISSA “Tito, why does the pink dinosaur take care of the green one? That is not her son,” nagtatakang tanong ni Punn kay Rod. Nakangiti ako habang sinusulyapan sila na nag-uusap. Nakakandong si Punn kay Rod habang nanonood ng movie. Tumingin si Rod sa akin at napakamot sa ulo. Inilingan ko sila at nagpatuloy sa ginagawa. This is weird and strange cause ngayon na magdi-divorce na kami, saka pa kami naging magkaibigan at nagngingitian sa isa’t-isa. “What do you want for lunch?” “Mama, can I request chicken curry?” Hindi ako marunong anak pero sige. “Okay baby,” “Thank you mama,” natutuwang sabi ng anak ko. Tumingin ako kay Rod, “what Punn requested, iyon nalang din akin,” tumango nalang ako. “Okay Rod,” sabi ko at iniwan sila. Ralph is not here. Ang sabi ni Rod, huwag na muna dumikit si Ralph sa amin hangga’t on going ang divorce to avoid any conflicts daw pero sa tingin ko naman ay hindi makaka-apekto iyong bagay na nakaaligid si Ralph. Pero sumunod naman si Ralph at lahat
CLARISSA I cannot explain how happy I am now. Parang ang nangyayari ngayon ay ang buhay na pinangarap ko 7 years ago. Punn is crying and so as his father. Si Rod nasa tabi, masayang nakatingin sa dalawa habang nakaakbay naman si Aru sa akin. Nang ipakilala ko si Punn kay Clark kanina bilang totoong papa niya, agad itong umiyak bagay na hindi ko inaasahan. Kahit na kinalakihan niyang papa si Ralph, alam ni Punn na hindi niya ito totoong papa. Naiiyak ako habang nakayakap kay Aru. “What a small world,” ang sabi ko habang nakatingin sa mag-ama ko. “Ever since I saw you, kahit sinabi mong ampon ka, iyong puso ko, naniniwala na kapatid kita,” sabi ni Aru sa akin.. “The truth came out. I just want you and Clark to be happy,” tumingin ako kay Aru na nag-aalala. “Paano ka?” Hindi ba, kaya hindi niya pinakilala ang sarili niya noon dahil gusto niya nang tahimik na buhay? Ngayon, ginawa niya ito para sa amin ni Clark. Mag-iiba ang buhay niya ngayon. “Don’t worry about me. I can handle m
CLARK (After Rod and March’s Wedding) “Bye papa, bye mama,” ang sabi ng anak namin habang si Tiyang Ysabel ay nasa tabi niya. Pupunta kami sa bahay ni Miss Tanya dahil may itatanong si Clarissa sa kaniya. “Tama lang kayang tanungin ko siya tungkol sa bagay na ito?” kinakabahang tanong ni Clarissa sa akin. Hinawakan ko siya sa kamay niya para pakalmahin siya. “You were invested to the people’s comments. Pwede rin namang kapatid mo talaga siyang tunay,” ang sabi ko. “Pero baka kasi magkamukha lang kami dahil sa make-up?” Natatawa kong dinala ang kamay niya sa labi ko. “Stop overthinking. Let’s ask your mother about this,” Lumaylay ang balikat niya. “I’m not used to hear that she’s my mom,” “Love, galit ka ba talaga sa kaniya?” Napabuntong hininga siya. “How can I? e siya ang natatakbuhan ko noon kung wala ka,” nakasimangot na aniya. Nakagat ko nalang ang labi ko para mag-concentrate sa pagmamaneho dahil baka mahaIikan ko lang siya. Kahit na nagsasama na kami sa bahay ni tiyang
LAST AUTHOR’S NOTE Hi everyone, this is your Ms. A. I’m no longer putting some special chapters here to avoid any confusion. Nag end na po talaga ang story sa Epilogue. Naglagay lang ako ng SC to prolong the story a bit para may ma e look forward kayo na medyo related kina March at Clarissa. Iyong special chapters, medyo confusing na yata sa ibang readers so ayaw ko naman magkaganoon, that’s why, I’m ending it here. Ganoon pa man, nagpapasalamat ang puso ko sa inyo na sinamahan niyo ako sa journey ko dito. See you sa story ni Aru. Hope nandoon pa rin kayo. Kitakits sa April! This is indeed a long journey noh? September tayo unang nagkilala sa story ni March at nagtatapos sa 2024. Haha. Basta, mahal ko kayong lahat. Thank you po talaga. --Love, bulalakaw. (Ang story ni Aru ay series, remember the friends of Clark na si Hut, Jed, at Fero? Iyong business nila na Ship of Temptation ang gagawin kong series. Si Aru ang mauuna sa kanila (the first member) at isusulat ko siya sa 3rd po
MARCH “Ma, si kuya DJ ayaw akong samahan sa mall,” sumbong ni Farrah. Mainit ang ulo ko dahil kagabi pa hindi umuuwi si Rod. Kasama niya si kuya, Symon, Yu at Kin. Sinabi ko ng umuwi siya ng maaga pero nilasing ng walangho kong kapatid. “DJ?” Tumayo si Daniel at naglalambing na tumabi sa akin. Binata na ang boys ko pero kung umasta, parang bata pa rin. “Ma, huwag ako please.. Ayoko,” “Kuya, bakit ayaw mo kasi?” “Dahil kasama mo for sure ang baliw mong kaibigan,” nakangusong sabi ni Daniel. “Farrah, ang ate Alexa mo nalang ang isama mo,” sabi ko at wala siyang choice kun’di ang pumayag sa sinabi ko. Nang umalis si Farrah sa harapan namin, tumingin ako kay DJ. Nagpeace sign siya agad. “Ma, pupunta ka ba kay lolo ngayon?” “Bakit?” “Can I come?” “At bakit nga?” Lumapit siya sa tenga ko at may ibinulong. “Lolo has a treasure,” Pinagsingkitan ko siya nang mata at saka ko na namalayan na kumpleto na pala ang mga anak ko sa harapan. “Anong ginagawa niyo?” tanong ko. Nakasuot s
MARCH Pagpasok namin sa kwarto kung nasaan ang lolo Renan, napahinto kami nang makita siyang nakaupo sa kama at tinitignan ang sarili sa maliit na salamin. “Gwapo na ba ako?” sabi niya sa assistant niya. Tumingin ako sa tabi ko, nakita kong nalukot ang mukha ng kuya ko habang nakatingin sa lolo namin. “Dapat gwapo ako oras na magkita kami ng isa ko pang apo,” sabi niya. “Bakit hindi naman siya nagpagwapo no’ng ako ang kinita niya?” bulong bulo ni Clark sa tabi ko/ “LO!” Tumingin si lolo Renan sa gawi namin at agad umaliwalas ang mukha niya nang makita niya ako. “Ang apo ko!” Sabi niya at tumayo pero nakaalalay ang mga nurses papunta sa akin. “Hello po,” nahihiya kong sabi. “Apo, sa wakas, nandito ka na,” sabi pa niya. “Lo, apo mo rin ako,” sabi ni Clark pero hindi siya pinansin ni lolo Renan. “Parang isang beses pa niyang nakita ang paborito niyang apo ah,” si Clark na agad kinurot ni Ate Clarissa. “Tumahimik ka nga love,” ate “Bitter ka lang e,” Rod Sinimangutan silang da
MARCH “Let’s go?” sabi ni ate at tumango ako. Hinawakan niya ang kamay ko saka niya pinaandar ang sasakyan niya paalis papunta sa bahay ng lolo ni Clark. Kinakabahan ako. Pero nakita at nakilala ko na naman si lolo Renan sa tagal ng panahon na magkakilala kami ni ate at Clark. At masasabi kong sobrang spoiled talaga ako sa kaniya. Akala ko ay natural lang siyang ganoon pero ngayon, alam ko na bakit kakaiba ang kabaitan niya sa akin at sa mga anak ko. Nagring ang phone ko at nakita kong tumatawag si mama. “Ma?” “Papunta na kayo sa lolo niyo?” “Opo ma at kasama ko si ate,” “Are you okay anak?” Tumingin ako kay ate bago sumagot ng “yes ma, I’m okay,” Narinig ko ang pagbuntong hininga nito sa kabilang linya. “Ma, I’m fine. Huwag na kayong mag-alala sa akin,” “Hindi ko maiwasang mag-alala anak lalo pa’t-" hindi na natuloy ni mama ang sasabihin niya.. Naiintindihan ko kung mahirap sa kaniya na pagkatiwalaan muli si Sr. Renan kahit pa ilang taon na ang lumipas. “Ma, kasama ko n
MARCH “Nina texted me, your boys ordered a 1 case of beer from her.” Nakasimangot na sabi ko. Rod smiled at kissed my forehead. “Hindi ka pa ba nasanay?” “Why are you looking so proud there?” Natawa siya. “I’m not proud ah, what are you talking about?” “Sus, hindi daw!” “Oo nga. By the way, they are here,” sabi niya habang nakatingin sa gate. Nakita namin si ate na nakatayo sa labas at sa likod niya ay naroon si Clark na nagtatago sa akin. It’s been what? More than 10 years nang pinili nilang itikom ang bibig nila para sa akin. “Why are you hiding from ate’s back?” taas kilay na tanong ko. Oo, inabot ako ng ilang taon para tanungin kay mama kung sino ang totoong ama ko. When mama said the name Abeola, I knew that Clark and his grandfather are somewhat connected to me. Noon pa man, nagtataka na ako sa kabaitan ng lolo ni Clark sa akin, pero pinili kong huwag pansinin at piniling mamuhay kasama ni Rod, mga anak namin, ni mama, at ibang malapit sa amin. Hindi ko na inisip pa an
PUNN Lalapit na sana ako kay kuya BJ at Munn nang may kumalabit sa akin sa likuran. Nang tignan ko kung sino, nakita ko si Farrah. She’s smiling from ear to ear and hula ko ay may kailangan siya sa akin. “Kuya Punn, are you busy tomorrow?” Yeah. Tomorrow is Sunday, magsisimba kami. “Magsisimba kami bukas, bakit?” “Kuya, pasama ako bukas after ng samba niyo. Is it fine?” “Saan ka pupunta?” lumapit siya sa akin at may binulong. Nanlaki ang mata ko nang banggitin niya ang pangalan ng taong pupuntahan niya bukas. “Why me? Your brothers wouldn’t mind kung sila ang sasabihan mo,” Nakita kong humaba ang nguso niya. “Papa wouldn’t let me to come alone for sure. And ate AJ has something important to do tomorrow. Sina kuya naman, may training sila bukas sa martial arts.” “Yeah but I’m sure one of them wouldn’t mind to skip that training for you,” Pinagsingkitan niya ako ng mata. “Ayaw mo ba akong samahan kuya?” She’s here again, gaslighting me to get what she wanted. Farrah is a sl
PUNN “Punn, the table is set! Sunduin mo nga mga kuya mo sa labas!” ate AJ said, annoyed cause my cousins are not here yet. “Ate, walang magpapaypay dito!” I am pertaining to the barbeque na ginagawa namin. Ako nakatoka, kanina pa. “Si Farrah na bahala diyan!” I sighed and put down the fan para sunduin ang mga kuya ko na bumili lang naman ng drinks sa labas ng villa. Paglabas ko palang, I saw my cousins hitting on Aleng Nina’s granddaughter. Jujelen is at my age, and I heard kuya Blake kinda like her. I’m wondering, what’s with her, why kuya find her pretty? She’s plain and simple. I just sighed. “Kuya,” tawag ko sa kanila nang makalapit ako sa kanila. Jujelen looked at me, I just stared at her blankly before I look at my cousins. “Hanap kayo ni ate AJ,” sabi ko. I saw how kuya Elias’ eyes widen. “I told you kuya na bumili na tayo ng beer at bumalik. You didn’t listen,” kuya CJ said while busy on his phone. “Aleng Nina-" “Sinabi ng magulang niyo na no beer so walang beer. K
CLARISSA (15 years later) “Clarissa, pakilagay ito sa mesa,” “Mommy, wala pa po ba si kuya?” Napabuntong hininga siya. “Ewan ko ba dito sa kuya mo, sinabi ng agahan nila umuwi pero hanggang ngayon, wala pa rin,” Natawa ako. “Prena, hindi ka pa nasanay sa anak nating iyon,” natatawang sabi ni tiyang Ysabel na kakapasok lang ng kusina kasama ng mga maids sa likuran niya. Lumapit si mommy kay tiyang at isinabit niya ang kamay niya sa kamay ni tiyang. “Alam mo bang ang panyong ginawa mo?” “Talaga ba? Magbenta kayo ako sa mga amega mo?” Natawa nalang ko at napailing sa kanilang dalawa. “Tawagan ko lang si kuya mom, tiyang,” paalam ko pero hindi yata nila ako narinig na. Isang dial palang sinagot na agad ni kuya Aru ang tawag. “Nasaan ka na ba kuya?” “Easy lang little sis. Malapit na kami diyan. Nandiyan ba si tiyang?” “Kanina pa. At lagot ka sa kanila ni mommy pagpunta mo dito. Ang tagal mong dumating e,” “Traffic kasi sa langit kanina e. Hindi makadaan ang airplane na sinasakya
Happy new year, dear readers! Thank you po sa inyong lahat. Sana happy kayo kung nasaan kayo ngayon. :3 Please know na I am happy and grateful for what you've done to me. Sobrang salamat talaga sa inyong lahat kasi naging part kayo ng 2023 ko. Alam kong I'm not here to where I am now kung wala kayo. Kaya your Ms. A is very happy na nameet kayo. This is a sudden message. Haha. Pero gusto ko lang e type ito at sabihin sa inyo na heto, thankful ako. Sana po, hayaan niyo ako maging part ng 2024 niyo at maging part kayo ng 2024 ko. Hoping for a prosperous and bless year this coming 2024 and sana lahat tayo masaya. ------ Love, bulalakaw.