Mdadilim pa salabas ng magising ako kinabukasan kaya naman agad na akong bumangon at kumuha ng maliinis kong kasuotan at agad na nagtungo sa banyo upang maligo na. Dahil Disyembre na at nasa probinsya kami, idagdag mo pa na malapit kami sa dagat ay damang-dama ko ang malamig na simoy ng hangin patunay na buwan na ng kapaskuhan. Mabilis lamang ang naging pagliligo ko at agad na pinatuyo ang buho gamit ang hair dryer na matagal ko ng ginagamit habang nakaupo sa harap ng salamin ko. Agad na tiningnan ko ang oras sa orasan kong nakasabit sa dingding at ng makitang pasado ala singko na ng umaga ay agad na akong nagtungo sa labas upang makapaghanda na ako ng umagahan naming tatlo.Tahimik pa sa labas at sigurado akong tulog pa ang mag-ama kaya dahan-dahan at may pag-iingat ang naging kilos ko upang hindi sila magising. Nakahinga ako ng maluwag noong makarating ako sa kusina kaya naman naghanap na ako ng pwede kong lutuin na bagay sa ganitong kalamig na panahon. Nakita ko ang isang buong ka
Mabilis na lumipas ang mga araw at nakahanap na din naman ako ng resort na pweding pagdausan ng kaarawan ni Ken sa Enero 5. Hindi na din nagawa pang makahanap ng tutuluyan si sir Mark sa buong pananatili niya dito sa amin dahil sa talagang punuan na nga ang mga hotel at resort. Wala na ulit dito ang mag-ama dahil kasalukuyan ang mga ito na nanliligo sa dagat na naging paborito na atang gawain ng bata sa tuwing nandito kami. Abala ako sa pagluluto ng aming pananghalian dahil sigurado akong gutom na ang dalawa kapag bumalik na sila dito galing sa dagat. Naisip ko na kausapin na din si sir Mark tungkol sa plano nito sa bata upang hindi na ako mangapa pa sa sitwasyon namin. Kalahating minuto pa ang hinintay ko bago ako natapos sa pagluluto at napangiti ako ng makita ko ang anak ko na masiglang naglalakad papalapit sa akin kahit na basa pa ito mula sa panliligo sa dagat."Mommy ano po ulam?" tanong nito sa akin"Paborito mo pong tinola" nakangiting tugon ko dito kaya agad na nagniningning
Isang taon na simula nang magtrabaho ako sa DLC Enterprise bilang isang accountant. Madaming pagsubok din ang kinaharap ko sa buhay bago ako nakarating sa kinatatayuan ko ngayon. "Katherine sama ka samin mamaya sa bar" aya sa akin ni Miles na isa sa mga katrabaho ko sa department at naging kaibigan ko na rin. "Bakit anong ganap?" nakangiting tanong ko dito habang patuloy na nagtitipa sa harapan ng kompyuter ko "Birthday ni akla at nag-aya na magbar treat daw nya" tugon nito sa akin habang nakahalumbabang nakatingin sa akin "Sige minsan lang mag-aya si Alex kaya sulitin na natin" nakangiting sabi ko dito kaya agad itong napatalon sa tuwa Napailing na lamang ako sa inasal nang kaibigan ko bago muling itinuon ang atensyon sa trabaho ko. Madami kaming accountant sa kompanya ngunit mahigit na sampu ang kadalasang hindi nakakapasok. "Katherine kailangan ko ito mamaya bago mag-uwian" napatingala ako mula sa pagkakayuko ko ng marinig ang head namin at agad na kinuha ang folder
Unti-unti nang nagsidatingan ang mga katrabaho ko at bago magsimula sa trabaho ay nagpunta muna sila sa pantry upang magbanaw ng kape. Nakita ko ang mapanuring tingin sa akin ng mga kaibigan ko kaya napaiwas ako ng tingin sa mga ito. "Ang aga mong pumasok ngayon ah" nagtatakang saad sa akin ni Alexa pagkalapag ng gamit nito sa working table niya "Maaga lang akong nagising kaya nagdecide na lang akong pumasok ng maaga" paliwanag ko dito "Hindi ka ba nahirapang gumising or nagka hangover man lang?" nagtatakang tanong sa akin ni Alex noong dumaan ito sa cubicle ko "Nahirapan syempre at medyo masakit pa ang ulo ko pero need kong kumayod para may pera ako" saad ko sa mga ito na ikinatango naman nila "Sabagay tama ka naman" pagsang-ayon sa akin ni Miles Nang makaalis na sila sa tapat ng cubicle ko ay agad kong itinuon ang atensyon ko sa trabaho ho. Malapit ko na din namang matapos na maencode ang nasa files na ito. Kalahating oras ang itinagal ko sa pag-eencode nito dahil kail
Lumipas ang isang linggo ngunit hindi ko pa din nahahanap ang kwentas ko. Naging busy din ako sa trabaho kaya hindi ko na nagawang makabalik pa sa bar upang magbakasakaling makita ang lalaking iyon. Agad akong napabangon ng makaramdam ng pag-asim ng sikmura ko kaya agad akong nagtatakbo sa banyo ko. Agad akong sumuka ng sumuka ngunit hindi ko wala akong maisuka kundi puro laway lamang. Napaiyak na ako dahil sa pagsuka at napaupo na lamang ako sa sahig ng matapos sa pagsuka dahil sa nakaramdam ako ng panghihina. Nang makabawi ng lakas ay agad akong tumayo at naghilamos sa may sink dito sa loob. Tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin at nakita ko ang pagkaputla ko. Agad akong nagtungo sa aking kama dahil upang muling matulog dahil wala kaming pasok ngayong araw. Tanging ang mga nasa matataas lamang na posisyon ang papasok ngayon upang paghandaan ang pagpasok bukas ng anak ng boss namin.Agad akong nakaramdam ng antok kaya agad kong ipinikit ang mata ko at papatulog na sana ako ng ma
Maaga akong nagising kinabukasan dahil maaga kaming pinapapasok ngayon sa kompanya dahil ngayon ang dating ng bago naming boss. Ayoko naman na paghintayin ang mga kaibigan ko dahil nagpakaon na din ako sa kanila para hindi na ako mahirapan na sumakay papasok sa trabaho."Good morning best" nakangiting bati sa akin ni Miles nang makapasok ako sa sasakyan nito"Good morning din Miles, Alex at Alexa" nakangiting bati ko sa kanila pagkaupo ko sa upuanAgad na umandar ang kotse ni Miles paalis sa apartment ko upang magtungo na kami sa kompanya. Tahimik lang kaming lahat habang nasa byahe dala nang pagkaantok. Nasa passenger seat si Alex na may pagtatanong na nakatingin sa akin kaya nginitan ko na lamang ito."Saan mo nahanap ang kwentas? bulong sa akin ni Alex nang makababa kami sa kotse "May nagsauli lang sa akin kahapon noong nasa bahay ako" tugon ko dito at agad na humawak sa akin patungo sa elevator"Kayong dalawa anong pinag-uusapan ninyo?" mapanuring tanong sa amin ni Alexa kaya na
Hindi na ako bumaba pa sa cafeteria upang mananghalian dahil mas pinili na lang namin ni Alex na dito na lang kumain sa office. Napansin ko kanina ang kakaibang kinikilos ni Alwxa ngunit hindi ko na lamang ito pinansin pa. Masaya kaming kumain ni Alex ng lunch namin dahil mas tahimik naman dito sa may terrace sa department namin."Baks bakit nga pala nandito kanina ang CEO?" tanong ko dito matapos nitong makabalik nang magtapon ito ng pinagkainan namin"Hindi ko alam dahil nawala na ako sa sarili kanina sa pagkataranta sa nangyari sa iyo" tugon nito sa akin kaya tumango na lamang ako"Saan nga pala galing kanina yung ininom mo?" nagtatakang tanong ko dito dahil sa pagkakaalala ko ay wala nang tubig sa water despenser kanina "Kay Mr. CEO nanggaling iyon at nakasalubong ko ito kanina nang papalabas na sana ako ng pantry para tumakbo sa kabilang team" paliwanag nito sa akin kaya tumango na lamang akoHindi naman siguro nito alam na ako ang babae na naikama nito noong gabing iyon dahil
Malakas pa din ang ulan ng magising ako kinabukasan kaya agad na akong bumangon para magluto ng umagahan namin. Medyo masama na ang pakiramdam ko pero pinilit ko pa ding bumangon dahil may trabaho pa ako. Agad akong nagtingin sa group chat kung may announcement ba pero nanlumo na lamang ako ng makitang hindi man lang nila nagawang suspendihin ang pasok namin sa trabaho. Agad akong pumasok sa banyo at naligo na para naman hindi na ako makikipagsabayan sa kanila sa pagligo mamaya. Nang matapos ay agad na akong nagbihis ng pamasok ko sa trabaho at saka nagtungo sa kusina upang magluto.Alas kwatro pa lamang ng madaling araw kaya sigurado akong tulog pa ang mga nakitulog sa bahay ko. Maingat ngunit mabilis ang naging kilos ko sa pagluluto para hindi ko sila magising dahil sa ingay na nililikha ko sa kusina. Isang oras ang itinagal ko sa pagluluto at nang matapos ay kumuha na ako ng tupper ware upang maglagay ng baon ko na kanin. Naghanap na din ako ng tubigan sa aking kabinet upang hindi
Mabilis na lumipas ang mga araw at nakahanap na din naman ako ng resort na pweding pagdausan ng kaarawan ni Ken sa Enero 5. Hindi na din nagawa pang makahanap ng tutuluyan si sir Mark sa buong pananatili niya dito sa amin dahil sa talagang punuan na nga ang mga hotel at resort. Wala na ulit dito ang mag-ama dahil kasalukuyan ang mga ito na nanliligo sa dagat na naging paborito na atang gawain ng bata sa tuwing nandito kami. Abala ako sa pagluluto ng aming pananghalian dahil sigurado akong gutom na ang dalawa kapag bumalik na sila dito galing sa dagat. Naisip ko na kausapin na din si sir Mark tungkol sa plano nito sa bata upang hindi na ako mangapa pa sa sitwasyon namin. Kalahating minuto pa ang hinintay ko bago ako natapos sa pagluluto at napangiti ako ng makita ko ang anak ko na masiglang naglalakad papalapit sa akin kahit na basa pa ito mula sa panliligo sa dagat."Mommy ano po ulam?" tanong nito sa akin"Paborito mo pong tinola" nakangiting tugon ko dito kaya agad na nagniningning
Mdadilim pa salabas ng magising ako kinabukasan kaya naman agad na akong bumangon at kumuha ng maliinis kong kasuotan at agad na nagtungo sa banyo upang maligo na. Dahil Disyembre na at nasa probinsya kami, idagdag mo pa na malapit kami sa dagat ay damang-dama ko ang malamig na simoy ng hangin patunay na buwan na ng kapaskuhan. Mabilis lamang ang naging pagliligo ko at agad na pinatuyo ang buho gamit ang hair dryer na matagal ko ng ginagamit habang nakaupo sa harap ng salamin ko. Agad na tiningnan ko ang oras sa orasan kong nakasabit sa dingding at ng makitang pasado ala singko na ng umaga ay agad na akong nagtungo sa labas upang makapaghanda na ako ng umagahan naming tatlo.Tahimik pa sa labas at sigurado akong tulog pa ang mag-ama kaya dahan-dahan at may pag-iingat ang naging kilos ko upang hindi sila magising. Nakahinga ako ng maluwag noong makarating ako sa kusina kaya naman naghanap na ako ng pwede kong lutuin na bagay sa ganitong kalamig na panahon. Nakita ko ang isang buong ka
Madilim na sa labas ng magising kaya agad akong napabalikwas ng bangon at dali-daling bumaba ng kama at mabilis na nagtungo sa pinto upang lumabas ng silid ko dahil baka hindi pa kumakain ang anak ko ng tanghalian gayong napasarap ang tulog ko at nakaligtaan na magluto ng pananghalian namin. Hindi ko na naisip ang hitsura ko at agad na nagtungo sa baba ng bahay at agad na hinanap si Ken upang tanungin kung nakakain na ito at natigilan ako noong pagpasok ko sa kusin ay nandoon pa din si sir Mark at abala sa pagluluto. "Daddy bakit po hindi pa nagigising si mommy? Matutulog po ba ulit ito ng mahaba katulad noong nasa Manila pa kami? Maghihintay po ba ulit ako ng matagal bago ko maramdaman ang pagmamahal ni mommy? Marinig yung malambing at mahinahon na boses nito sa tuwing kausap ako? Hindi ko po ba ulit masisilayan ang kislap ng mga mata nito sa tuwing masaya ito at ang mga halakhak nito sa tuwing nanonood kami ng mga palabas sa tv?" malungkot na sunod-sunod na tanong ni Ken sa ama nit
Matapos naming kumain ay agad na hinila ni Ken ang ama palabas ng kusina kaya napailing na lamang ako sa ginawa nito. Tumayo na din ako upang magligpit ng pinagkainan naming tatlo at hugasan na ito. Maingat ngunit mabilis ang naging kilos ko sa paghuhugas ng pinggan bago ako at saktong katatapos ko lamang ng maramdaman ko na may humawak sa damit ko. Napangiti na lamang ako dahil si babay Ken ko lang naman ang gumagawa ng ganito kapag may gusto itong gawin o puntahan upang mabilis akong mapapayag. "Mommy" napatingin ako sa anak ko ng marinig ko ang cute na boses nito "Ano po iyon anak ko?" malambing na tanong ko dito matapos kong lumuhod sa harapan nito upang mapantayan ang anak "Pwede po ba ako magpunta sa tabing dagat kasama ang daddy ko?" inosente nitong tanong sa akin kaya napangiti ako dito bago haplusin ang malambot nitong buhok "Ipapasyal mo si daddy?" pigil ngiting tanong ko dito kaya agad itong tumango sa akin ng paulit-ulit "Opo mommy pwede po ba?" umaasang tanong nito
Saktong ala said ng umaga ng magising ako kaya dali-dali akong bumangon upang asikasuhin ang sarili ko bago pa magising ang baby boy ko. Agad akong nagtungo sa banyo bitbit ang malinis na pares ng damit at mabilis na naligo at nag toothbrush. Nang matapos ay agad akong lumabas ng banyo at mabilis na pagsusuklay lang ang ginawa ko bago lumabas ng silid. Bago ako nagtungo sa baba ay nagpasiya ako na silipin muna si Ken sa silid nito. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng silid ng anak at napangiti na lamang ako ng makita ko si Ken na mahimbing pa ding natutulog sa kama nito. Maingat kong isinarado ang pinto at agad na nagtungo sa hagdan upang bumaba na at maghanda na ng almusal naming mag-ina. Wala pa kaming stock na pagkain dahil biglaan lamang ang pag-uwi namin dito at hindi ko na natawagan pa si Aling Marta upang sabihin dito na uuwi na kami ng paborito nitong apo. Nagbakasakali ako na baka mayroon na naliga dito na pagkain na pwede ko pang lutuin at kung wala naman ay mapipilitan
Lumipas ang isang araw at hindi ko pa rin nakakausap ng masinsinan si Mark kaya naman hindi ko alam kung ano ang plano nito sa anak namin lalo na at ngayon ay nagbubuntis na naman ako sa anak nito. Maingat kong inaayos ang aking mga gamit at inilalagay sa bag upang makaalis na ako ngayon dito. Wala akong kasama dito dahil si kuya ay nagkaroon ng biglaang lakad kasama si Smith. Si sir Mark naman ay nagkaroon ng biglaang business trip sa ibang bansa kaya wala ito ngayon. "Best ayos na ba ang mga gamit mo?" napatingin ako sa may pinto ng marinig ko ang boses ni Miles kaya hindi ko napigilan na mapatingin sa mga ito "Anong ginagawa mo rito Miles at nasaan si Alex?" nagtatakang tanong ko dito at agad itong nilapitan at niyakap ng mahigpit na mahigpit dahil namiss ko din ang kaibigan kong ito "Kami ni Alex ang sunod mo at huwag kang mag-alala dahil nakaleave naman kaming mag-asawa" nakangiting sabi nito sa akin at agad akong tinulungan sa pag-aayos ko ng gamit "Nag-abala pa kayong
Nakaalis na sila Mr. at Mrs. Dela Cuesta kasama ang anak ko kaya agad akong nahiga sa kama ko dahil nakaramdam na ako ng pagka-antok. Wala din dito si kuya dahil pinuntahan nito ang kaniyang mag-ina para balitaan ang mga ito na gising na ako. Wala din dito si sir Mark kaya ako lamang mag-isa ang naiwan dito sa silid ko kaya agad akong nakaramdam ng sobrang pagkalungkot. Hindi ko pa din nakakausap si sir Mark tungkol sa anak namin at kung ano ang magiging plano nito sa anak namin. "Katherine" napatingin ako sa may pinto noong may tumawag sa akin kaya agad akong ngumiti dito ng makita na si Sean pala iyon. "Magandang gabi Sean" nakangiting bati ko dito "Pwede ba kitang makausap?" magalang na tanong nito sa akin kaya agad akong tumango dito "Oo naman bakit naman kita hindi papayagan na kausapin ako? May nagawa ka bang mali o may kasalan ako sa iyo para hindi kita makausap?" sunod-sunod na tanong ko dito habang may mga ngiti sa labi ko "Alam natin pareho Katherine ang totoo k
Mataas na ang sikat ng araw ng magising ako dahil sa pasado ala una na ng umaga kami ni kuya kanina simula ng magising ako sa mahabang pagkakatulog ko. Nakatitig lamang ako sa puting kisame habang inaalala ang mga nangyari sa akin bago ako nakatulog ng mahaba-haba dito sa hospital. Marami akong kailangan na isipin para sa ikabubuti naming lahat. Agad akong napasimangot ng maramdaman ko ang matinding pagkagutom dahilan upang mapatingin sa akin ang mga kasama ko dito sa silid na mga seryosong nanonood ng palabas sa telebisyon."Gising ka na pala bunso" nakangiting sabi sa akin ni kuya at dali-daling lumapit sa akin "Hindi kuya tulog pa ako, tulog pa kita mo na ngang nakamulat na mga mata ko tapos sasabihin mo sa akin gising na ako" pilosopong sabi ko dito at agad itong napasimangot dahil sa sinabi ko"Bunso naman" ungot nito sa akin kaya iningusan ko na lamang ito at agad na hinaplos ang tiyan kong nanghihingi na ng pagkain"Katherine ito na ang pagkain mo" mabilis akong napatingin kay
Naalimpungatan ako mula sa mahimbing kong pagkakatulog ng maramdaman ko na may gumalaw sa katabi ko. Napakunot ang noo ko dahil sa pilit na inaalis ng katabi ko ng kamay ko sa katawan nito kaya mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa katawan ni Katherine. Agad akong napamulat ng mapagtanto na si Katherine ang katabi ko at may posibilidad na gising na ito dahil sa nararamdaman ko. Mas lalo akong hindi makapaniwala ng makita ko at mapatunayan sa sarili ko na gising na ang aking babae na minamahal. Dahan-dahan akong bumangon kaya napatingin ito sa akin at agad na nag-iwas ng tingin at tila nahihiya sa akin. "Gi...gising ka na" hindi makapaniwalang sabi ko dito at agad na kinabig ito ng yakap at tuluyan ng tumulo ang luha ko "Si..sino ka?" nahihiyang tanong nito sa akin kaya natigilan ako sa aking narinig "Katherine anong?" nagtatakang tanong ko dito at mabilis ang pagtibok ng puso ko dahil sa narinig kong tanong nito "Biro lang naman" nakangusong sabi nito sa akin kaya agad ako