Lumipas ang isang linggo ngunit hindi ko pa din nahahanap ang kwentas ko. Naging busy din ako sa trabaho kaya hindi ko na nagawang makabalik pa sa bar upang magbakasakaling makita ang lalaking iyon. Agad akong napabangon ng makaramdam ng pag-asim ng sikmura ko kaya agad akong nagtatakbo sa banyo ko. Agad akong sumuka ng sumuka ngunit hindi ko wala akong maisuka kundi puro laway lamang.
Napaiyak na ako dahil sa pagsuka at napaupo na lamang ako sa sahig ng matapos sa pagsuka dahil sa nakaramdam ako ng panghihina. Nang makabawi ng lakas ay agad akong tumayo at naghilamos sa may sink dito sa loob. Tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin at nakita ko ang pagkaputla ko. Agad akong nagtungo sa aking kama dahil upang muling matulog dahil wala kaming pasok ngayong araw. Tanging ang mga nasa matataas lamang na posisyon ang papasok ngayon upang paghandaan ang pagpasok bukas ng anak ng boss namin. Agad akong nakaramdam ng antok kaya agad kong ipinikit ang mata ko at papatulog na sana ako ng magsimula namang tumunog ang cellphone ko. Hindi ko na pinansin ang pagtunog ng cellphone ko at agad na pumaling paharap sa bintana ng bigla na namang tumunog ang cellphone ko. Naiinis akong bumangon sa higaan ko at agad na kinuha ng phone ko na nasa bedside table. *phone conversation* "Hello" paos na sagot ko sa tawag "........" napakunot noo ako ng walang sumagot sa kabilang linya kaya agad kong tiningnan ang screen kung naka on pa ba ang tawag "Sino ito?" naiinis na tanong ko sa kabilang linya ngunit bigla akong nakarinig ng mahinang halakhak sa kabilang linya "Kung wala kang sasabihin pwede ba huwag kang tumawag kasi nakakaistorbo ka ng tulog" galit sabi ko dito bago binabaan ito ng tawag "Bwesit sa dinami-daming tao sa mundo ako pa ang naging biktima ng prank call na iyon" naiinis na sabi ko at agad na inilagay ang phone sa lamesa at agad na nahiga upang bumalik sa pagtulog Tanghali na ng magising ako kinaumagahan kaya dali-dali akong bumangon at nagtungo sa kusina lalo na ng makaramdam ako ng gutom. Limang buwan na lamang ang kontrata ko sa DLC bago ako mawalan ng trabaho. Balak kong bumalik sa Palawan upang tubusin ang resort na nasanla ng sugarol kong ama noong nabubuhay pa ito. I hate him so much dahil hinayaan nito na malubog kami sa kahirapan masustinstuhan lamang ang bisyo nito. Nagluto ako ng adobo at isinalang ko na din sa rice cooker ang bigas habang iniintay na maluto ang ulam ko. Nang mapaiga ang sabaw ng adobo ay saktong nainin ang kanin ko kaya agad akong kumuha ng pagkain ko. Hindi na ako nag-abala na maghayin pa dahil gutom na talaga ako. Nang matapos sa pagkain ay agad kong hinugasan ang pinagkainan ko. Agad akong nagtungo sa kwarto ko upang kunin ang phone ko at saka nagtungo sa sala upang doon na lamang tumambay. Nang buksan ko ang cellphone ko ay bumungad sa akin ang isang text mula sa unknown number. Dahil curious ako sa nilalaman ng message nito ay agad kong binuksan ang text ng stranger na ito. From: Unknown Number I miss you so much and nasa akin pala ang necklace mo and for the meantime ay ako na muna ang nag-iingat nito. --->MKDLC Kumabog nang malakas ang dibdib ko ng mabasa ang text nito at mas nakuha nito ang atensyon ko noong mabanggit ang tungkol sa kwentas ko. Isa lang naman ang possible na nakakuha ng kwentas ko at iyon ay yung lalaki na nakakuha ng virginity ko. Napakagat-labi ako habang nakatitig sa text message sa akin ng lalaking iyon. To: Mr. Stranger Pwede mo ko bang makuha ang kwentas ko? Hindi kasi pwede na mawala iyan sa akin ng matagal dahil iyan na lang natitirang alaala sa akin ng mommy ko. Can we meet? --------->MKV Agad akong napaupo ng ayos habang nakatingin sa phone ko at hinihintay ang text ng stranger na iyon. Naiiyak na ako sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko ngayon kaya agad akong napatayo. Nagpalakad-lakad ako sa sala habang hinihintay ang text nito sa akin pero nakuha ang atensyon ko ng kumakatok sa labas ng pinto ng apartment ko. Agad akong naglakad patungo sa pinto upang pagbuksan ng pinto ang hindi ko inaasahang bisita. "Sino po sila?" nakangiting bungad ko sa lalaking nakatayo sa harapan ko "I'm Angelo and I'm here para isauli sa iyo ang isang important belongings mo" nakangiting pakilala nito sa akin kaya agad kong tinanggap ang pakikipagkamay nito. "Katherine po pala" pakilala ko sa sarili ko "tuloy po kayo, pasensya na po kayo sa bahay ko at medyo maliit" paanyaya ko pa rito Agad itong pumasok sa bahay ko at inilibot ang paningin sa buong sala ko. Agad ko itong iginiya sa isang mahabang sofa at doon na lamang ito pinaupo. Agad akong nagtungo sa kusina upang ipaghanda ng meryenda ang bisita ko. Nang matapos ihanda ang ipapakain ko sa bisita ko ay agad akong bumalik sa sala. "Meryenda po muna kayo, pasensya na po at iyan lamang ang nakayanan ko" nakangiting paghingi ko dito ng paumanhin Agad itong uminom ng juice pero hindi nito inibo ang tinapay na nasa mesa. Tiningnan ko kung anong oras na at nagulat ako ng malapit na palang maglunch. Agad na tumayo ang bisita ko at nagtungo sa isang larawan ko kung saan suot ko ang kwentas ko roon. That is the last picture na kasama ko pa si mama kaya mahalaga sa akin ang picture na iyan. "Kumakain po ba kayo ng bahaw at adobong baboy?" nag-aalangang tanong ko dito kaya napatingin ito sa akin "Yeah" maiksing tanong nito sa akin kaya agad akong nagtungo sa kusina upang initin ang kanin at ulam. Agad ko ding nilagyan ng dalawang plato, kutsara at tinidor at baso sa hapag bago ako bumalik sa ipinapainit kong ulam. Nang mainit ng maayos ang ulam ay agad akong nagsalin sa isang mangkok at naglagay naman ako sa isang pinggan ng madaming kanin bago dinala sa lamesa. Nagulat ako ng pagharap ko ay nakaupo na si Mark sa hapagkainan. "Kain na po kayo" nakangiting sambit ko dito at agad itong nilagyan ng pagkain sa plato ng makita ang pagkailang nito sa akin Hindi ko na pinansin ang pagtitig nito at agad akong tumayo upang kunin ang aking binanaw na juice. Pagbalik ko sa kusina ay nagulat ako ng makitang may laman nang pagkain ang plato ko kaya agad ko itong nginitian bilang pasasalamat. "Huwag mo na akong ipo dahil bata pa naman ako at kung hindi ako nagkakamali ay mid 20's ka lang din" seryoso nitong sabi sa akin habang nakatitig sa mga mata ko kaya napaiwas ako dito ng tingin dala ng pagkailang "I'm only 21 po at still na mas matanda ka po sa akin" pag-amin ko dito ng totoo dahilan upang masamid ito kaya dali-dali kong inabot sa kaniya ang juice ko na agad naman nitong inabot at deritsong ininom iyon "Ayos ka lang po?" nag-aalalang tanong ko dito kaya agad ako nitong sinamaan ng tingin "21 ka pa lang pero nagbabar ka na" hindi makapaniwalang pahayag nito sa akin kaya nakaramdam ako ng pagkainsulto sa sinabi nito "Still I'm not a minor" kibit balikat na sagot ko dito kaya napailing ito sa akin "Yeah at nagawa mo na ngang makipagtalik sa kaibigan ko" walang preno nitong sambit sa akin dahilan ng pagkasamid ko Agad akong uminom ng juice at sinamaan naman ng tingin ang binata na nasa harapan ko. Naging tahimik na kaming kumain at nang matapos ay agad nitong ibinalik sa akin ng kwentas ko. Agad akong nagpasalamat dito at hindi na nagawa pang isipin ang ibang bagay dahil ang mahalaga ay nasa akin na ang kwentas ko. Masaya akong nagtatalon ng makaalis ang bisita ko at hindi na inisip pa ang mga tambak kong linisin. Agad kong sinuot ang kwentas ko at inilagay sa ilalim ng damit ko bago ako nagtungo sa kusina upang maglinis na.Maaga akong nagising kinabukasan dahil maaga kaming pinapapasok ngayon sa kompanya dahil ngayon ang dating ng bago naming boss. Ayoko naman na paghintayin ang mga kaibigan ko dahil nagpakaon na din ako sa kanila para hindi na ako mahirapan na sumakay papasok sa trabaho."Good morning best" nakangiting bati sa akin ni Miles nang makapasok ako sa sasakyan nito"Good morning din Miles, Alex at Alexa" nakangiting bati ko sa kanila pagkaupo ko sa upuanAgad na umandar ang kotse ni Miles paalis sa apartment ko upang magtungo na kami sa kompanya. Tahimik lang kaming lahat habang nasa byahe dala nang pagkaantok. Nasa passenger seat si Alex na may pagtatanong na nakatingin sa akin kaya nginitan ko na lamang ito."Saan mo nahanap ang kwentas? bulong sa akin ni Alex nang makababa kami sa kotse "May nagsauli lang sa akin kahapon noong nasa bahay ako" tugon ko dito at agad na humawak sa akin patungo sa elevator"Kayong dalawa anong pinag-uusapan ninyo?" mapanuring tanong sa amin ni Alexa kaya na
Hindi na ako bumaba pa sa cafeteria upang mananghalian dahil mas pinili na lang namin ni Alex na dito na lang kumain sa office. Napansin ko kanina ang kakaibang kinikilos ni Alwxa ngunit hindi ko na lamang ito pinansin pa. Masaya kaming kumain ni Alex ng lunch namin dahil mas tahimik naman dito sa may terrace sa department namin."Baks bakit nga pala nandito kanina ang CEO?" tanong ko dito matapos nitong makabalik nang magtapon ito ng pinagkainan namin"Hindi ko alam dahil nawala na ako sa sarili kanina sa pagkataranta sa nangyari sa iyo" tugon nito sa akin kaya tumango na lamang ako"Saan nga pala galing kanina yung ininom mo?" nagtatakang tanong ko dito dahil sa pagkakaalala ko ay wala nang tubig sa water despenser kanina "Kay Mr. CEO nanggaling iyon at nakasalubong ko ito kanina nang papalabas na sana ako ng pantry para tumakbo sa kabilang team" paliwanag nito sa akin kaya tumango na lamang akoHindi naman siguro nito alam na ako ang babae na naikama nito noong gabing iyon dahil
Malakas pa din ang ulan ng magising ako kinabukasan kaya agad na akong bumangon para magluto ng umagahan namin. Medyo masama na ang pakiramdam ko pero pinilit ko pa ding bumangon dahil may trabaho pa ako. Agad akong nagtingin sa group chat kung may announcement ba pero nanlumo na lamang ako ng makitang hindi man lang nila nagawang suspendihin ang pasok namin sa trabaho. Agad akong pumasok sa banyo at naligo na para naman hindi na ako makikipagsabayan sa kanila sa pagligo mamaya. Nang matapos ay agad na akong nagbihis ng pamasok ko sa trabaho at saka nagtungo sa kusina upang magluto.Alas kwatro pa lamang ng madaling araw kaya sigurado akong tulog pa ang mga nakitulog sa bahay ko. Maingat ngunit mabilis ang naging kilos ko sa pagluluto para hindi ko sila magising dahil sa ingay na nililikha ko sa kusina. Isang oras ang itinagal ko sa pagluluto at nang matapos ay kumuha na ako ng tupper ware upang maglagay ng baon ko na kanin. Naghanap na din ako ng tubigan sa aking kabinet upang hindi
"Bakla gising" nagising na lamang ako nang maramdaman ko ang pag-alog ng gumigising sa akin kaya napilitan akong magmulat "Baks andito ka na pala anong oras na ba?" mahinahong tanong ko dito at agad na bumangon "7 na bakla" tugon nito sa akin kaya napatingin ako dito dahil sa narinig "Napasarap pala ang tulog ko" mahina kong saad "Late ka na natapos sa trabaho kaya late ka na ding nagising at isa pa hindi ko na nakauwi sa bahay mo" mahabang wika nito sa akin kaya napaiwas ako dito nang tingin Agad akong nagtungo sa banyo na nandito at agad na naghilamos. Naramdaman ko pa na nakatingin sa akin si Alex pero hindi ko na lamang ito pinansin pa. Naghilamos at nagmumog na lamang ako bago lumabas nang banyo at agad na kumuha nang make up at pabango sa bag. Nag-apply ako nang make up upang matakpan ang aking pagkaputla habang pamango naman upang maging mabangong muli ang kasuotan ko."Tara na baks" maikling saad ko ko dito bago naunang lumabas nang silid na iyon Nakasalubong ko ang boss
Naalimpungatan ako na nang maramdaman ko ang paglutang ko sa ere ngunit wala akong lakas pa upang magmulat nang mga mata. Hinayaan ko na lamang itong dalhin ako kung saan dahil wala na akong lakas pa upang magreklamo sa bumuhat sa akin. Nakalimutan ko ang pakay ko kung bakit ako nagpunta sa opisina nang boss ko dahil sa sama nang pakiramdam ko.Naramdaman ko ang paglapat nang likod ko sa malambot na kama kaya mas lalo akong inaantok. Hinayaan ko ang sarili na makatulog dahil mas kailangan ko nang pahinga nagyon. Titiisin ko na lamang ang pamamahiya at panenermon sa akin ng head sa harap nang mga katrabaho ko dahil sa aking hindi natapos sa trabaho."Rest well Maria Katherine Velasquez" malambing na bulong nang isang tinig sa aking tenga bago ako kinumutan Agad akong tumagilid nang higa upang maging mas komportable sa pagtulog ko. Nang makaramdam nang ginaw ay agad akong tumagilid at binalot ang sarili sa kumot. Nagising ako na madilim na sa labas at hindi ko magawang makabangon pa.
Mataas na ang sikat nang araw sa labas nang magising ako kinabukasan at hindi pa din nagbabago ang pakiramdam ko. Wala din akong kasama dito sa silid kaya sinamantala ko ang pagkakataon upang lisanin ang silid na ito. Kahit na medyo nanghihina pa ako ay pinilit ko ang sarili na bumangon at maglakad patungo sa pinto. Nang buksan ko ay bumungad sa akin ang opisina na ni boss at isa lang ang ibig sabihin nito, nasa kompanya pa rin ako ngayon at dito na ako nakatulog. Nakita ko din ang aking bag na nakapatong sa middle table kaya agad akong tumungo roon upang kuhanin iyon. Kinuha ko ang bag ko at agad na nagsuklay pagkatapos ay nagsulat sa sticky note ko nang mensahe nang pasasalamat kay sir Mark.Agad na akong lumabas sa opisina at agad na nagtungo sa elevator at laking pasasalamat ko na walang tao ngayon na naliga dito. Agad akong bumaba sa first floor at nag-abang nang sasakyan sa tapat nang entrance. Nang may huminto sa tapat ko na taxi ay agad akong sumakay at nagpahatid sa tinutulu
Nang magising kinabukasan ay medyo maayos na ang pakiramdam ko. Agad na akong bumangon sa aking higaan at agad na kumuha nang pares na damit at agad na nagtungo sa banyo upang maligo. Papasok na ako ngayon sa trabaho dahil sayang ang kikitain ko ngayong araw kung hindi ako papasok gayong kaya ko na naman kahit papaano ang pumasok nang trabaho ko."Good morning" mahinang bati sa akin nang isang tinig mula sa likod ko kaya napatingin ako dito "Ano bang ginagawa mo dito gayong nakita mo na ako na naghihirap hindi ba? Wala na din si mama kaya pwede ka nang umalis sa bahay ko" inis na wika ko dito at agad na nagtungo sa kusina upang kumuha nang tubig upang uminom at sa kompanya na lamang ako kakain dahil ayaw ko nang makita at makasama ang kapatid ko dito "Katherine let's talk" pagmamakaawa nito sa akin kaya napatigil ako sa paglabas nang bahay ko"May trabaho ako na kailangan kong pasukan at saka wala naman tayong dapat pang pag-usapan dahil malinaw na sa akin ang lahat nang sinabi mo s
"Katherine gising na" naalimpungatan ako sa pagtulog ko dahil sa mahinang paggising sa akin ng kasama ko sa bahay ko"Five minutes pa" ungot ko dito at agad na nagtalukbong nang kumot ko"Alas singko na nang umaga" wika nito sa akin kaya napabalikwas ako nang bangon dahil sa narinig Agad akong kumuha nang pamasok ko sa kabinet ko at agad na pumasok sa loob nang banyo at mabilis na naligo. Pagkalabas ko nang banyo ay hindi ko na nakita pa si kuya kaya agad kong inilagay sa bag ko ang mga gamit ko. Dinala ko na ito sa sala at ipinatong sa sofa at agad na pumunta sa kusina upang magluto nang agahan."Kain ka na" wika nito sa akin at agad akong ipinaghila nang upuan "Salamat at saka bakit marunong kang magsalita ng tagalog?" takang tanong ko dito nang makaupo ito sa harapan ko"Mom taught me how to speak Filipino" wika nito sa akin kaya tumango akoNagdasal na muna kami bago kumain at nang matapos ako ay agad kong dinala sa lababo. Huhugasan ko na sana ang hugasing pinggan nang pigilan
Mabilis na lumipas ang mga araw at nakahanap na din naman ako ng resort na pweding pagdausan ng kaarawan ni Ken sa Enero 5. Hindi na din nagawa pang makahanap ng tutuluyan si sir Mark sa buong pananatili niya dito sa amin dahil sa talagang punuan na nga ang mga hotel at resort. Wala na ulit dito ang mag-ama dahil kasalukuyan ang mga ito na nanliligo sa dagat na naging paborito na atang gawain ng bata sa tuwing nandito kami. Abala ako sa pagluluto ng aming pananghalian dahil sigurado akong gutom na ang dalawa kapag bumalik na sila dito galing sa dagat. Naisip ko na kausapin na din si sir Mark tungkol sa plano nito sa bata upang hindi na ako mangapa pa sa sitwasyon namin. Kalahating minuto pa ang hinintay ko bago ako natapos sa pagluluto at napangiti ako ng makita ko ang anak ko na masiglang naglalakad papalapit sa akin kahit na basa pa ito mula sa panliligo sa dagat."Mommy ano po ulam?" tanong nito sa akin"Paborito mo pong tinola" nakangiting tugon ko dito kaya agad na nagniningning
Mdadilim pa salabas ng magising ako kinabukasan kaya naman agad na akong bumangon at kumuha ng maliinis kong kasuotan at agad na nagtungo sa banyo upang maligo na. Dahil Disyembre na at nasa probinsya kami, idagdag mo pa na malapit kami sa dagat ay damang-dama ko ang malamig na simoy ng hangin patunay na buwan na ng kapaskuhan. Mabilis lamang ang naging pagliligo ko at agad na pinatuyo ang buho gamit ang hair dryer na matagal ko ng ginagamit habang nakaupo sa harap ng salamin ko. Agad na tiningnan ko ang oras sa orasan kong nakasabit sa dingding at ng makitang pasado ala singko na ng umaga ay agad na akong nagtungo sa labas upang makapaghanda na ako ng umagahan naming tatlo.Tahimik pa sa labas at sigurado akong tulog pa ang mag-ama kaya dahan-dahan at may pag-iingat ang naging kilos ko upang hindi sila magising. Nakahinga ako ng maluwag noong makarating ako sa kusina kaya naman naghanap na ako ng pwede kong lutuin na bagay sa ganitong kalamig na panahon. Nakita ko ang isang buong ka
Madilim na sa labas ng magising kaya agad akong napabalikwas ng bangon at dali-daling bumaba ng kama at mabilis na nagtungo sa pinto upang lumabas ng silid ko dahil baka hindi pa kumakain ang anak ko ng tanghalian gayong napasarap ang tulog ko at nakaligtaan na magluto ng pananghalian namin. Hindi ko na naisip ang hitsura ko at agad na nagtungo sa baba ng bahay at agad na hinanap si Ken upang tanungin kung nakakain na ito at natigilan ako noong pagpasok ko sa kusin ay nandoon pa din si sir Mark at abala sa pagluluto. "Daddy bakit po hindi pa nagigising si mommy? Matutulog po ba ulit ito ng mahaba katulad noong nasa Manila pa kami? Maghihintay po ba ulit ako ng matagal bago ko maramdaman ang pagmamahal ni mommy? Marinig yung malambing at mahinahon na boses nito sa tuwing kausap ako? Hindi ko po ba ulit masisilayan ang kislap ng mga mata nito sa tuwing masaya ito at ang mga halakhak nito sa tuwing nanonood kami ng mga palabas sa tv?" malungkot na sunod-sunod na tanong ni Ken sa ama nit
Matapos naming kumain ay agad na hinila ni Ken ang ama palabas ng kusina kaya napailing na lamang ako sa ginawa nito. Tumayo na din ako upang magligpit ng pinagkainan naming tatlo at hugasan na ito. Maingat ngunit mabilis ang naging kilos ko sa paghuhugas ng pinggan bago ako at saktong katatapos ko lamang ng maramdaman ko na may humawak sa damit ko. Napangiti na lamang ako dahil si babay Ken ko lang naman ang gumagawa ng ganito kapag may gusto itong gawin o puntahan upang mabilis akong mapapayag. "Mommy" napatingin ako sa anak ko ng marinig ko ang cute na boses nito "Ano po iyon anak ko?" malambing na tanong ko dito matapos kong lumuhod sa harapan nito upang mapantayan ang anak "Pwede po ba ako magpunta sa tabing dagat kasama ang daddy ko?" inosente nitong tanong sa akin kaya napangiti ako dito bago haplusin ang malambot nitong buhok "Ipapasyal mo si daddy?" pigil ngiting tanong ko dito kaya agad itong tumango sa akin ng paulit-ulit "Opo mommy pwede po ba?" umaasang tanong nito
Saktong ala said ng umaga ng magising ako kaya dali-dali akong bumangon upang asikasuhin ang sarili ko bago pa magising ang baby boy ko. Agad akong nagtungo sa banyo bitbit ang malinis na pares ng damit at mabilis na naligo at nag toothbrush. Nang matapos ay agad akong lumabas ng banyo at mabilis na pagsusuklay lang ang ginawa ko bago lumabas ng silid. Bago ako nagtungo sa baba ay nagpasiya ako na silipin muna si Ken sa silid nito. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng silid ng anak at napangiti na lamang ako ng makita ko si Ken na mahimbing pa ding natutulog sa kama nito. Maingat kong isinarado ang pinto at agad na nagtungo sa hagdan upang bumaba na at maghanda na ng almusal naming mag-ina. Wala pa kaming stock na pagkain dahil biglaan lamang ang pag-uwi namin dito at hindi ko na natawagan pa si Aling Marta upang sabihin dito na uuwi na kami ng paborito nitong apo. Nagbakasakali ako na baka mayroon na naliga dito na pagkain na pwede ko pang lutuin at kung wala naman ay mapipilitan
Lumipas ang isang araw at hindi ko pa rin nakakausap ng masinsinan si Mark kaya naman hindi ko alam kung ano ang plano nito sa anak namin lalo na at ngayon ay nagbubuntis na naman ako sa anak nito. Maingat kong inaayos ang aking mga gamit at inilalagay sa bag upang makaalis na ako ngayon dito. Wala akong kasama dito dahil si kuya ay nagkaroon ng biglaang lakad kasama si Smith. Si sir Mark naman ay nagkaroon ng biglaang business trip sa ibang bansa kaya wala ito ngayon. "Best ayos na ba ang mga gamit mo?" napatingin ako sa may pinto ng marinig ko ang boses ni Miles kaya hindi ko napigilan na mapatingin sa mga ito "Anong ginagawa mo rito Miles at nasaan si Alex?" nagtatakang tanong ko dito at agad itong nilapitan at niyakap ng mahigpit na mahigpit dahil namiss ko din ang kaibigan kong ito "Kami ni Alex ang sunod mo at huwag kang mag-alala dahil nakaleave naman kaming mag-asawa" nakangiting sabi nito sa akin at agad akong tinulungan sa pag-aayos ko ng gamit "Nag-abala pa kayong
Nakaalis na sila Mr. at Mrs. Dela Cuesta kasama ang anak ko kaya agad akong nahiga sa kama ko dahil nakaramdam na ako ng pagka-antok. Wala din dito si kuya dahil pinuntahan nito ang kaniyang mag-ina para balitaan ang mga ito na gising na ako. Wala din dito si sir Mark kaya ako lamang mag-isa ang naiwan dito sa silid ko kaya agad akong nakaramdam ng sobrang pagkalungkot. Hindi ko pa din nakakausap si sir Mark tungkol sa anak namin at kung ano ang magiging plano nito sa anak namin. "Katherine" napatingin ako sa may pinto noong may tumawag sa akin kaya agad akong ngumiti dito ng makita na si Sean pala iyon. "Magandang gabi Sean" nakangiting bati ko dito "Pwede ba kitang makausap?" magalang na tanong nito sa akin kaya agad akong tumango dito "Oo naman bakit naman kita hindi papayagan na kausapin ako? May nagawa ka bang mali o may kasalan ako sa iyo para hindi kita makausap?" sunod-sunod na tanong ko dito habang may mga ngiti sa labi ko "Alam natin pareho Katherine ang totoo k
Mataas na ang sikat ng araw ng magising ako dahil sa pasado ala una na ng umaga kami ni kuya kanina simula ng magising ako sa mahabang pagkakatulog ko. Nakatitig lamang ako sa puting kisame habang inaalala ang mga nangyari sa akin bago ako nakatulog ng mahaba-haba dito sa hospital. Marami akong kailangan na isipin para sa ikabubuti naming lahat. Agad akong napasimangot ng maramdaman ko ang matinding pagkagutom dahilan upang mapatingin sa akin ang mga kasama ko dito sa silid na mga seryosong nanonood ng palabas sa telebisyon."Gising ka na pala bunso" nakangiting sabi sa akin ni kuya at dali-daling lumapit sa akin "Hindi kuya tulog pa ako, tulog pa kita mo na ngang nakamulat na mga mata ko tapos sasabihin mo sa akin gising na ako" pilosopong sabi ko dito at agad itong napasimangot dahil sa sinabi ko"Bunso naman" ungot nito sa akin kaya iningusan ko na lamang ito at agad na hinaplos ang tiyan kong nanghihingi na ng pagkain"Katherine ito na ang pagkain mo" mabilis akong napatingin kay
Naalimpungatan ako mula sa mahimbing kong pagkakatulog ng maramdaman ko na may gumalaw sa katabi ko. Napakunot ang noo ko dahil sa pilit na inaalis ng katabi ko ng kamay ko sa katawan nito kaya mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa katawan ni Katherine. Agad akong napamulat ng mapagtanto na si Katherine ang katabi ko at may posibilidad na gising na ito dahil sa nararamdaman ko. Mas lalo akong hindi makapaniwala ng makita ko at mapatunayan sa sarili ko na gising na ang aking babae na minamahal. Dahan-dahan akong bumangon kaya napatingin ito sa akin at agad na nag-iwas ng tingin at tila nahihiya sa akin. "Gi...gising ka na" hindi makapaniwalang sabi ko dito at agad na kinabig ito ng yakap at tuluyan ng tumulo ang luha ko "Si..sino ka?" nahihiyang tanong nito sa akin kaya natigilan ako sa aking narinig "Katherine anong?" nagtatakang tanong ko dito at mabilis ang pagtibok ng puso ko dahil sa narinig kong tanong nito "Biro lang naman" nakangusong sabi nito sa akin kaya agad ako