Nang magising kinabukasan ay medyo maayos na ang pakiramdam ko. Agad na akong bumangon sa aking higaan at agad na kumuha nang pares na damit at agad na nagtungo sa banyo upang maligo. Papasok na ako ngayon sa trabaho dahil sayang ang kikitain ko ngayong araw kung hindi ako papasok gayong kaya ko na naman kahit papaano ang pumasok nang trabaho ko."Good morning" mahinang bati sa akin nang isang tinig mula sa likod ko kaya napatingin ako dito "Ano bang ginagawa mo dito gayong nakita mo na ako na naghihirap hindi ba? Wala na din si mama kaya pwede ka nang umalis sa bahay ko" inis na wika ko dito at agad na nagtungo sa kusina upang kumuha nang tubig upang uminom at sa kompanya na lamang ako kakain dahil ayaw ko nang makita at makasama ang kapatid ko dito "Katherine let's talk" pagmamakaawa nito sa akin kaya napatigil ako sa paglabas nang bahay ko"May trabaho ako na kailangan kong pasukan at saka wala naman tayong dapat pang pag-usapan dahil malinaw na sa akin ang lahat nang sinabi mo s
"Katherine gising na" naalimpungatan ako sa pagtulog ko dahil sa mahinang paggising sa akin ng kasama ko sa bahay ko"Five minutes pa" ungot ko dito at agad na nagtalukbong nang kumot ko"Alas singko na nang umaga" wika nito sa akin kaya napabalikwas ako nang bangon dahil sa narinig Agad akong kumuha nang pamasok ko sa kabinet ko at agad na pumasok sa loob nang banyo at mabilis na naligo. Pagkalabas ko nang banyo ay hindi ko na nakita pa si kuya kaya agad kong inilagay sa bag ko ang mga gamit ko. Dinala ko na ito sa sala at ipinatong sa sofa at agad na pumunta sa kusina upang magluto nang agahan."Kain ka na" wika nito sa akin at agad akong ipinaghila nang upuan "Salamat at saka bakit marunong kang magsalita ng tagalog?" takang tanong ko dito nang makaupo ito sa harapan ko"Mom taught me how to speak Filipino" wika nito sa akin kaya tumango akoNagdasal na muna kami bago kumain at nang matapos ako ay agad kong dinala sa lababo. Huhugasan ko na sana ang hugasing pinggan nang pigilan
Madilim na sa labas nang magising ako kaya agad na akong bumangon mula sa pagkakahiga ko. Nagsuklay lamang ako nang buhok at nagpalit nang damit bago lumabas nang silid ko. Agad akong nagtungo sa kusina at bumungad sa akin ang kapatid ko na tila malalim ang iniisip. "Kuya" mahinang pagtawag ko dito kaya nagulat ito at napatingin sa akin "Saan ka ba galing at bakit ngayon ka lang?" tanong nito sa akin at nabasa ko sa mga mata nito ang pag-aalala kaya nginitian ko ito "Sa silid ko po" mahinang tugon ko dito kaya napatingin ito sa akin na tila hindi naniniwala sa sinabi ko "Maaga po akong umuwi kanina kaso wala ka po kaya natulog na lamang po ako at ngayon lamang po ako nagising" mahinang paliwanag ko dito kaya agad ako nitong hinila paupo sa silya kaharap nang upuan nito "Kain na tayo kasi alam ko na gutom ka na" pag-aaya nito sa akin at agad akong pinagsalin nang pagkain sa plato ko "Salamat po kuya" nakangiting pasasalamat ko dito at agad ko itong nginitian bago nagsimu
Maaga akong nagising kinabukasan upang pumasok sa trabaho. Agad akong kumuha nang isang pares nang pamasok ko at agad na pumasok sa banyo upang maligo na. Nang matapos na maligo ay agad ko namang inayos ang mga mgamit ko na dadalhin ko papasok sa opisina. "Good morning kuya" bati ko kay kuya nang makarating ako sa hapag "Good morning bunso" balik na bati nito sa akin at agad akong ipinaghila nang upuan "Nakakahiya sa iyo kuya dahil ikaw na ang nagluto nang umagahan natin" nahihiyang wika ko dito kaya agad itong napasimangot "Bumabawi lang naman si kuya sa iyo bunso sa mga panahong wala ako sa tabi ninyo ni mama para protektahan kayo" nakangiting wika nito sa akin kaya napangiti rin ako "Thank you so much kuya" malambing at madamdaming wika ko dito "Your welcome bunso, let's eat" nakangiting sabi nito sa akin at agad akong ipinagsalin nang pagkain sa plato ko Nagsimula na kaming kumain ni kuya at nang matapos ay ako na ang nagpresinta na maghugas nang pinggan. Nang m
Naalimpungatan ako mula sa pagkakatulog ko nang maramdaman ko na lumutang ako kaya bahagya akong nagmulat. Naaninag ko ang mukha ni kuya na siyang bumuhat sa akin na seryosong naglalakad papasok sa bahay."Kuya" ungot kong tawaag dito kaya napatingin ito sa akin"Shhh, tulog ka pa bunso" malambing na wika nito sa akin kaya pumikit na ako dahil sa sobrang antok na nararamdaman koNaramdaman ko ang paglapat nang likod sa malambot na bagay kaya mas lalo akong hinila nang antok. Agad akong tumagilid nang higa at hindi ko na pinansin na nakapangtrabaho pa ako na damit. Mas naging komportable ako nang maramdaman ko na kinumutan ako ni kuya at hinalikan ako nito sa noo bago nito nilisan ang silid ko."Bunso gising ka muna" nagising ako nang bahagya nang marinig ang boses ni kuya na pilit akong ginigising"Kuya inaantok na po ako" ungot ko dito at agad na nagtalukbong nang kumot bago bumalik sa pagtulog"Bunso hindi naman pwede yan, kailangan mong kumain dahil hindi mo lang katawan yan, may b
"Mama" nakangiting bati ko sa aking ina pagkalabas ko sa maliit kong silid "Magandang umaga aking munting prinsesa" malambing na bati sa akin ni mama at agad akong binuhat pagkatapos ay pinaulanan nang halik sa buong mukha ko dahilan upang mapahalakhak ako sa kiliting nararamdaman "Mama" ungot natawag ko dito sa kabila nang mga halakhak ko "Play ka muna sa room mo anak at huwag na huwag kang lalabas kapag hindi kita tinatawagan" utos nito sa akin kaya napatango ako dito Agad akong pumasok sa room namin ni mama dito sa bahay. Wala dito si papa dahil ang sabi ni mama ay nasa trabaho daw ito sa malayo at lagi din nitong sinasabi sa akin na hindi ko daw papa yung kasama namin dito sa bahay. "Katarina" napatigil ako sa aking paglalaro nang marinig ko ang malakas na sigaw ni papa na tinatawag si mama kaya agad akong napatayo dahil sa wakas makakasama ko na ulit ito. Agad kong binuksan nang dahan-dahan ang pinto at sumilip sa sala kung nasaan sina mama at papa "Bakit Victor?" natata
Kinakabahan akong sinalo si Katherine nang mawalan ito nang malay nang makita si tita Cassy ang bagong asawa ni dad simula nang talikuran nila ito. Walang alam si daddy sa mga ginagawa sa akin nang bago nitong asawa sa akin sa tuwing wala ito sa palasyo. Dad doesn't know about mom's company na ipinatayo niya dito sa Pilipinas dahil inilihim ito ni mommy sa kaniya at ito ang ipinamana niya sa amin ni Katherine."Katherine" kinakabahang paggising ko dito kaya agad ko itong binuhat nang maayos at agad na tiningnan si dad at ang asawa nito"Kapag may nangyaring masama sa kapatid ko at kapag nalaman ko na may kinalaman kayo sa nangyari kung bakit nangyari ito sa kapaitd ko humanda kayo sa akin" babala ko sa kanila at agad na umalis nang para dalhin sa malapit na hospital ang kapatid ko"Ihanda nyo ang sasakyan" malakas na sigaw ko sa kanila kaya agad naman silang nagsitalima sa utos koMabilis ang naging kilos ko pababa nang hagdan at agad na nagtungo sa labas pagkatapos ay agad akong sum
"Doc ano pong lagay nang kapatid ko?" kinakabahan kong tanong dito pagkaiupong pagkaupo ko"Sa katunayan maayos na naman ang lagay ni Ms. Velasquez at ang concern ko lang ngayon ay ang pagbubuntis nito" paliwanag nito sa akin kaya napakunot ang noo ko"Ano pong problema sa pinagbubuntis nito?" kinakabahan kong tanong dito"Masyadong sensitive ang kapatid mo tungkol sa nakaraan nito at labis itong nakakaapekto sa bata dahilan upang malagay ito sa peligro" tapat na wika nito sa akin kaya kinabahan ako nang husto"Her past?" nagtatakang tanong ko dito kaya napatango ito"Ako ang isa sa mga doctors na umasikaso sa kanilang mag-ina noongg dalhin sila sa hospital kung saan ako nagvolunter" paliwanag nito sa akin kaya napaupo ako nang seryoso"May alam po ba kayo tungkol sa ina at kapatid ko?" kinakabahan kong tanong dito kaya napatango ito sa akin"Hindi naman buo pero naging isang taga pakinig at tagapag-alaga niya ako nang mga panahon na iyon bago siya kunin nang DSWD at ako din ang humaw
Mabilis na lumipas ang mga araw at nakahanap na din naman ako ng resort na pweding pagdausan ng kaarawan ni Ken sa Enero 5. Hindi na din nagawa pang makahanap ng tutuluyan si sir Mark sa buong pananatili niya dito sa amin dahil sa talagang punuan na nga ang mga hotel at resort. Wala na ulit dito ang mag-ama dahil kasalukuyan ang mga ito na nanliligo sa dagat na naging paborito na atang gawain ng bata sa tuwing nandito kami. Abala ako sa pagluluto ng aming pananghalian dahil sigurado akong gutom na ang dalawa kapag bumalik na sila dito galing sa dagat. Naisip ko na kausapin na din si sir Mark tungkol sa plano nito sa bata upang hindi na ako mangapa pa sa sitwasyon namin. Kalahating minuto pa ang hinintay ko bago ako natapos sa pagluluto at napangiti ako ng makita ko ang anak ko na masiglang naglalakad papalapit sa akin kahit na basa pa ito mula sa panliligo sa dagat."Mommy ano po ulam?" tanong nito sa akin"Paborito mo pong tinola" nakangiting tugon ko dito kaya agad na nagniningning
Mdadilim pa salabas ng magising ako kinabukasan kaya naman agad na akong bumangon at kumuha ng maliinis kong kasuotan at agad na nagtungo sa banyo upang maligo na. Dahil Disyembre na at nasa probinsya kami, idagdag mo pa na malapit kami sa dagat ay damang-dama ko ang malamig na simoy ng hangin patunay na buwan na ng kapaskuhan. Mabilis lamang ang naging pagliligo ko at agad na pinatuyo ang buho gamit ang hair dryer na matagal ko ng ginagamit habang nakaupo sa harap ng salamin ko. Agad na tiningnan ko ang oras sa orasan kong nakasabit sa dingding at ng makitang pasado ala singko na ng umaga ay agad na akong nagtungo sa labas upang makapaghanda na ako ng umagahan naming tatlo.Tahimik pa sa labas at sigurado akong tulog pa ang mag-ama kaya dahan-dahan at may pag-iingat ang naging kilos ko upang hindi sila magising. Nakahinga ako ng maluwag noong makarating ako sa kusina kaya naman naghanap na ako ng pwede kong lutuin na bagay sa ganitong kalamig na panahon. Nakita ko ang isang buong ka
Madilim na sa labas ng magising kaya agad akong napabalikwas ng bangon at dali-daling bumaba ng kama at mabilis na nagtungo sa pinto upang lumabas ng silid ko dahil baka hindi pa kumakain ang anak ko ng tanghalian gayong napasarap ang tulog ko at nakaligtaan na magluto ng pananghalian namin. Hindi ko na naisip ang hitsura ko at agad na nagtungo sa baba ng bahay at agad na hinanap si Ken upang tanungin kung nakakain na ito at natigilan ako noong pagpasok ko sa kusin ay nandoon pa din si sir Mark at abala sa pagluluto. "Daddy bakit po hindi pa nagigising si mommy? Matutulog po ba ulit ito ng mahaba katulad noong nasa Manila pa kami? Maghihintay po ba ulit ako ng matagal bago ko maramdaman ang pagmamahal ni mommy? Marinig yung malambing at mahinahon na boses nito sa tuwing kausap ako? Hindi ko po ba ulit masisilayan ang kislap ng mga mata nito sa tuwing masaya ito at ang mga halakhak nito sa tuwing nanonood kami ng mga palabas sa tv?" malungkot na sunod-sunod na tanong ni Ken sa ama nit
Matapos naming kumain ay agad na hinila ni Ken ang ama palabas ng kusina kaya napailing na lamang ako sa ginawa nito. Tumayo na din ako upang magligpit ng pinagkainan naming tatlo at hugasan na ito. Maingat ngunit mabilis ang naging kilos ko sa paghuhugas ng pinggan bago ako at saktong katatapos ko lamang ng maramdaman ko na may humawak sa damit ko. Napangiti na lamang ako dahil si babay Ken ko lang naman ang gumagawa ng ganito kapag may gusto itong gawin o puntahan upang mabilis akong mapapayag. "Mommy" napatingin ako sa anak ko ng marinig ko ang cute na boses nito "Ano po iyon anak ko?" malambing na tanong ko dito matapos kong lumuhod sa harapan nito upang mapantayan ang anak "Pwede po ba ako magpunta sa tabing dagat kasama ang daddy ko?" inosente nitong tanong sa akin kaya napangiti ako dito bago haplusin ang malambot nitong buhok "Ipapasyal mo si daddy?" pigil ngiting tanong ko dito kaya agad itong tumango sa akin ng paulit-ulit "Opo mommy pwede po ba?" umaasang tanong nito
Saktong ala said ng umaga ng magising ako kaya dali-dali akong bumangon upang asikasuhin ang sarili ko bago pa magising ang baby boy ko. Agad akong nagtungo sa banyo bitbit ang malinis na pares ng damit at mabilis na naligo at nag toothbrush. Nang matapos ay agad akong lumabas ng banyo at mabilis na pagsusuklay lang ang ginawa ko bago lumabas ng silid. Bago ako nagtungo sa baba ay nagpasiya ako na silipin muna si Ken sa silid nito. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng silid ng anak at napangiti na lamang ako ng makita ko si Ken na mahimbing pa ding natutulog sa kama nito. Maingat kong isinarado ang pinto at agad na nagtungo sa hagdan upang bumaba na at maghanda na ng almusal naming mag-ina. Wala pa kaming stock na pagkain dahil biglaan lamang ang pag-uwi namin dito at hindi ko na natawagan pa si Aling Marta upang sabihin dito na uuwi na kami ng paborito nitong apo. Nagbakasakali ako na baka mayroon na naliga dito na pagkain na pwede ko pang lutuin at kung wala naman ay mapipilitan
Lumipas ang isang araw at hindi ko pa rin nakakausap ng masinsinan si Mark kaya naman hindi ko alam kung ano ang plano nito sa anak namin lalo na at ngayon ay nagbubuntis na naman ako sa anak nito. Maingat kong inaayos ang aking mga gamit at inilalagay sa bag upang makaalis na ako ngayon dito. Wala akong kasama dito dahil si kuya ay nagkaroon ng biglaang lakad kasama si Smith. Si sir Mark naman ay nagkaroon ng biglaang business trip sa ibang bansa kaya wala ito ngayon. "Best ayos na ba ang mga gamit mo?" napatingin ako sa may pinto ng marinig ko ang boses ni Miles kaya hindi ko napigilan na mapatingin sa mga ito "Anong ginagawa mo rito Miles at nasaan si Alex?" nagtatakang tanong ko dito at agad itong nilapitan at niyakap ng mahigpit na mahigpit dahil namiss ko din ang kaibigan kong ito "Kami ni Alex ang sunod mo at huwag kang mag-alala dahil nakaleave naman kaming mag-asawa" nakangiting sabi nito sa akin at agad akong tinulungan sa pag-aayos ko ng gamit "Nag-abala pa kayong
Nakaalis na sila Mr. at Mrs. Dela Cuesta kasama ang anak ko kaya agad akong nahiga sa kama ko dahil nakaramdam na ako ng pagka-antok. Wala din dito si kuya dahil pinuntahan nito ang kaniyang mag-ina para balitaan ang mga ito na gising na ako. Wala din dito si sir Mark kaya ako lamang mag-isa ang naiwan dito sa silid ko kaya agad akong nakaramdam ng sobrang pagkalungkot. Hindi ko pa din nakakausap si sir Mark tungkol sa anak namin at kung ano ang magiging plano nito sa anak namin. "Katherine" napatingin ako sa may pinto noong may tumawag sa akin kaya agad akong ngumiti dito ng makita na si Sean pala iyon. "Magandang gabi Sean" nakangiting bati ko dito "Pwede ba kitang makausap?" magalang na tanong nito sa akin kaya agad akong tumango dito "Oo naman bakit naman kita hindi papayagan na kausapin ako? May nagawa ka bang mali o may kasalan ako sa iyo para hindi kita makausap?" sunod-sunod na tanong ko dito habang may mga ngiti sa labi ko "Alam natin pareho Katherine ang totoo k
Mataas na ang sikat ng araw ng magising ako dahil sa pasado ala una na ng umaga kami ni kuya kanina simula ng magising ako sa mahabang pagkakatulog ko. Nakatitig lamang ako sa puting kisame habang inaalala ang mga nangyari sa akin bago ako nakatulog ng mahaba-haba dito sa hospital. Marami akong kailangan na isipin para sa ikabubuti naming lahat. Agad akong napasimangot ng maramdaman ko ang matinding pagkagutom dahilan upang mapatingin sa akin ang mga kasama ko dito sa silid na mga seryosong nanonood ng palabas sa telebisyon."Gising ka na pala bunso" nakangiting sabi sa akin ni kuya at dali-daling lumapit sa akin "Hindi kuya tulog pa ako, tulog pa kita mo na ngang nakamulat na mga mata ko tapos sasabihin mo sa akin gising na ako" pilosopong sabi ko dito at agad itong napasimangot dahil sa sinabi ko"Bunso naman" ungot nito sa akin kaya iningusan ko na lamang ito at agad na hinaplos ang tiyan kong nanghihingi na ng pagkain"Katherine ito na ang pagkain mo" mabilis akong napatingin kay
Naalimpungatan ako mula sa mahimbing kong pagkakatulog ng maramdaman ko na may gumalaw sa katabi ko. Napakunot ang noo ko dahil sa pilit na inaalis ng katabi ko ng kamay ko sa katawan nito kaya mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa katawan ni Katherine. Agad akong napamulat ng mapagtanto na si Katherine ang katabi ko at may posibilidad na gising na ito dahil sa nararamdaman ko. Mas lalo akong hindi makapaniwala ng makita ko at mapatunayan sa sarili ko na gising na ang aking babae na minamahal. Dahan-dahan akong bumangon kaya napatingin ito sa akin at agad na nag-iwas ng tingin at tila nahihiya sa akin. "Gi...gising ka na" hindi makapaniwalang sabi ko dito at agad na kinabig ito ng yakap at tuluyan ng tumulo ang luha ko "Si..sino ka?" nahihiyang tanong nito sa akin kaya natigilan ako sa aking narinig "Katherine anong?" nagtatakang tanong ko dito at mabilis ang pagtibok ng puso ko dahil sa narinig kong tanong nito "Biro lang naman" nakangusong sabi nito sa akin kaya agad ako