"Doc ano pong lagay nang kapatid ko?" kinakabahan kong tanong dito pagkaiupong pagkaupo ko"Sa katunayan maayos na naman ang lagay ni Ms. Velasquez at ang concern ko lang ngayon ay ang pagbubuntis nito" paliwanag nito sa akin kaya napakunot ang noo ko"Ano pong problema sa pinagbubuntis nito?" kinakabahan kong tanong dito"Masyadong sensitive ang kapatid mo tungkol sa nakaraan nito at labis itong nakakaapekto sa bata dahilan upang malagay ito sa peligro" tapat na wika nito sa akin kaya kinabahan ako nang husto"Her past?" nagtatakang tanong ko dito kaya napatango ito"Ako ang isa sa mga doctors na umasikaso sa kanilang mag-ina noongg dalhin sila sa hospital kung saan ako nagvolunter" paliwanag nito sa akin kaya napaupo ako nang seryoso"May alam po ba kayo tungkol sa ina at kapatid ko?" kinakabahan kong tanong dito kaya napatango ito sa akin"Hindi naman buo pero naging isang taga pakinig at tagapag-alaga niya ako nang mga panahon na iyon bago siya kunin nang DSWD at ako din ang humaw
atNagising ako mula sa masamang panaginip na iyon na pilit ko nang ibinabaon sa limot dahil paulit-ulit lamang ako nitong ibabalik sa sakit at pait nang nakaraan ko. Hindi ko na inisip kung nasaan ako ngayon dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon. "Hey sis, don't cry" mahinang wika nang tinig nang isang lalaki kaya napatingin ako dito at bumungad sa akin ang nag-aalalang si kuya "Kuya ang sakit" umiiyak na sumbong ko dito kaya wala itong nagawa kundi ang yakapin ako nito "Nandito lang si kuya handang damayan ka" nakangiting wika nito sa akin habang tinitigan ako nito nang mahinahon kaya napaiyak ako nang lubos "Ang sarap po pala sa pakiramdam na mayroon kang isang kadugo na nag-aalala sa iyo" mahinang wika ko rito "Patawad kong nahuli nang dating si kuya, hayaan mo simula ngayon ay poprotektahan kita sa abot nang aking makakaya" nangangakong wika nito sa akin kaya napatango ako rito "Kuya ikaw na pong bahalang magpasa nang resignation letter ko sa DLC dahil hindi ko p
Nagising ako na wala pa si kuya at wala na din si Sean kaya agad akong napasimangot dahil hindi man lamang ako nito nagawang gisingin. May pumasok na isang nurse sa loob nang silid ko at napangiti ako nang makilala ko ito."Good afternoon Nurse Smith" nakangiting bati ko rito kaya nginitian rin ako nito"Good afternoon din po ma'am" nakangiting bati nito sa akin at agad na inilagay sa harapan ko ang aking umagahan at tanghalian"Nalipasan na pala ako nang gutom" napailing na wika ko sa kaniya"Mahimbing po kasi ang naging tulog ninyo kaya kayo nalipasan na kayo nang gutom at hindi na din po namin kayo nagawang gisingin dahil ayaw po namin na sirain ang magandang panaginip ninyo" nakangiting wika nito sa akin kaya napatango ako rito"Naiintindihan ko naman iyon Nurse Smith" nakangiting wika ko rito at agad na inumpisahang kumain para malamnan na ang tiyan ko"Walang anuman po ma'am handa po akong paglingkuran kayo habang nandito kayo o kahit kailan nyo kailangan ng serbisyo ko" mahina
Tatlong araw ang naging pananatili ko sa hospital na ito para mamonitor nila ang kalagayan bago nila ako pinayagang lumabas. Hindi ko na din nakausap pa si Sean tungkol sa koneksyon nito sa binatang Dela Cuesta at sana manatiling lihim ang nalaman nito. Nakaimpake na lahat nang gamit ko dahil ang hinihintay na lang namin ay ang pagdating ni kuya."Ma'am ingatan mo po ang sarili mo ha para naman hindi ka na bumalik pa dito sa hospital" bilin sa akin ni Smith habang tinitiklop nito ang mga gamit ko "Bakit ayaw mo bang nandito ako?" pabiro kong tanong dito kaya napairap ito sa naging sagot ko"Gusto kita laging makasama pero ayaw ko namang bumalik ka dito na isa na namang pasyente namin" gigil na saad nito sa akin at binatukan ako nito nang pabiro"Oo na, aampunin na lamang kita para maging ate kita" nakanguso kong saad dito kaya napatawa ito sa akin dahil sa kaniyang narinig"Hindi mo na ako maampon aber, malapit na akong magkaroon nang sarili kong pamilya at saka hindi naman habang bu
Limang taon na din ang nakalipas at sa limang taon na iyon ay pinili kong maglaho na parang bula para lamang manatiling tahimik ang buhay naming mag-ina. Nagpunta ako dito sa probinsya nang batangas kung saan ang pangarap namin ni mama na mapuntahan noong nabubuhay pa lamang ito. Mas pinili kong putulin muna ang komunikasyon ko sa Manila lalo na kila kuya para naman hindi na ako masaktan pa. "Mama" napangiti ako nang marinig ko ang maliit na boses nang anak kong lalaki kaya kinawayan ko ito mula sa pwesto ko"Ahon ka na diyan anak at baka magkasakit ka pa" malambing na wika ko rito kaya agad itong lumabi dahil sa sinabi ko"Pero mama gusto pa ni Ken na magswim sa dagat" pagprotesta nito sa akin kaya agad na akong lumapit rito para paliwanagan ang makulit na bata"Anak hindi pwede na magtagal ka pa na magswim at baka magkasakit ka na naman, alam mo naman na nasasaktan si mama kapag nakikita kitang may sakit hindi ba?" mahinahon kong pagkausap rito at ipinaiintindi na hindi pwedeng ang
Maaga akong nagising kinabukasan dahil kailangan ko pang magluto ng umagahan namin ng baby ko. Hinalikan ko muna ito sa kaniyang noo bago ako bumangon at nagtungo sa banyo para magligo na ng mabilis. Nang makatapos sa panliligo ay agad akong nagbihis ng damit ko na formal bago lumabas ng banyo. Napangiti ako ng makitang mahimbing pa ding natutulog ang anak ko sa kama naming mag-ina. Agad akong lumabas ng silid para magtungo na sa kusina upang magluto na. Nang buksan ko ang ref ay napatampal ako sa noo ng maalala na wala nga pala kaming stock ng grocery ngayon. Muli akong bumalik sa silid para kunin ang nadala kong stock na pagkain namin galing probinsya. Mamaya ko na lang aayusin ang gamit namin kapag nakarating na ako galing kompanya. Muli akong bumalik sa kusina at nagluto na lamang ng pancake para sa anak ko at nagtoast na lamang ako ng tinapay para sa akin. Hindi ako marunong uminom ng kape kaya naman gatas ang binanaw ko para sa aming mag-ina.Pagkatapos kong gawin ang umagaha
DLC Enterprise limang taon na din simula noong huling tapak ko dito at nakakamiss din pala ang magtrabaho sa napakalaking kompanyang ito. Malaki na ang ipinagbago nito at mas lumaki pa ito at marami na ding mga taong nabibigyan ng pagkakataon na makapasok at makapagtrabaho dito. Agad akong nagtungo sa front desk upang sabihin dito ang pakay ko ngayong umaga sa buliding na ito. "Magandang umaga miss" magalang na bati ko sa isang dalaga na nasa may front desk ng building na ito kaya naagaw ko ang atensyon nito mula sa ginagawa nito "Yes ma'am ano pong kailangan nila?" magalang na tanong nito sa akin habang may malawak na ngiti sa mga labi nito "Ako nga pala yung nandito for final interview sa accounting department" magalang na tugon ko rito kaya agad nitong tiningnan ang computer para tingnan kung may schedule ba ako for today "Maria Katherine Velasquez?" tanong nito sa akin matapos sigurong hanapin ang pangalan ko na nakasaad sa expeccted visitor nila ngayon "Yes miss ako nga iyon"
Maaga akong nagising kinabukasan ay agad akong bumangon para mag-ayos ng sarili ko. Kinuha ko ang uniform ko sa trabaho at agad na pumasok sa banyo para maligo na at ng makapagluto na ako ng umagahan namin ni Ken. Pagkatapos kong maligo ay sunod ko namang inasikaso ang aking bag na gagamitin ko sa pagpasok sa trabaho. Hinalikan ko ang noo ng anak ko na mahimbing pa ding natutulog at agad na akong nagtungo sa kusina. Agad kong inihanda ang mga kailangan kong ingredients sa lulutuin kong gulay. Nagsimula na din akong magsaing ng kanin bago ako nagpatuloy sa pagluluto ng ulam namin. Nang matapos ako sa aking pagluluto ay agad kong pinatay ang kalan at agad na nagtungo sa aking silid. Napailing na lamang ako ng makitang bahagyang nakanganga ang bata at sigurado akong hindi ko ito makakasabay kumain. Agad akong humarap sa salamin at sinimulang ayusin ang aking sarili. "Mommy aalis ka na po?" napatingin ako sa anak ko na nakahiga sa kama ng marinig ko ang maliit na boses nito at bakas pa
Mabilis na lumipas ang mga araw at nakahanap na din naman ako ng resort na pweding pagdausan ng kaarawan ni Ken sa Enero 5. Hindi na din nagawa pang makahanap ng tutuluyan si sir Mark sa buong pananatili niya dito sa amin dahil sa talagang punuan na nga ang mga hotel at resort. Wala na ulit dito ang mag-ama dahil kasalukuyan ang mga ito na nanliligo sa dagat na naging paborito na atang gawain ng bata sa tuwing nandito kami. Abala ako sa pagluluto ng aming pananghalian dahil sigurado akong gutom na ang dalawa kapag bumalik na sila dito galing sa dagat. Naisip ko na kausapin na din si sir Mark tungkol sa plano nito sa bata upang hindi na ako mangapa pa sa sitwasyon namin. Kalahating minuto pa ang hinintay ko bago ako natapos sa pagluluto at napangiti ako ng makita ko ang anak ko na masiglang naglalakad papalapit sa akin kahit na basa pa ito mula sa panliligo sa dagat."Mommy ano po ulam?" tanong nito sa akin"Paborito mo pong tinola" nakangiting tugon ko dito kaya agad na nagniningning
Mdadilim pa salabas ng magising ako kinabukasan kaya naman agad na akong bumangon at kumuha ng maliinis kong kasuotan at agad na nagtungo sa banyo upang maligo na. Dahil Disyembre na at nasa probinsya kami, idagdag mo pa na malapit kami sa dagat ay damang-dama ko ang malamig na simoy ng hangin patunay na buwan na ng kapaskuhan. Mabilis lamang ang naging pagliligo ko at agad na pinatuyo ang buho gamit ang hair dryer na matagal ko ng ginagamit habang nakaupo sa harap ng salamin ko. Agad na tiningnan ko ang oras sa orasan kong nakasabit sa dingding at ng makitang pasado ala singko na ng umaga ay agad na akong nagtungo sa labas upang makapaghanda na ako ng umagahan naming tatlo.Tahimik pa sa labas at sigurado akong tulog pa ang mag-ama kaya dahan-dahan at may pag-iingat ang naging kilos ko upang hindi sila magising. Nakahinga ako ng maluwag noong makarating ako sa kusina kaya naman naghanap na ako ng pwede kong lutuin na bagay sa ganitong kalamig na panahon. Nakita ko ang isang buong ka
Madilim na sa labas ng magising kaya agad akong napabalikwas ng bangon at dali-daling bumaba ng kama at mabilis na nagtungo sa pinto upang lumabas ng silid ko dahil baka hindi pa kumakain ang anak ko ng tanghalian gayong napasarap ang tulog ko at nakaligtaan na magluto ng pananghalian namin. Hindi ko na naisip ang hitsura ko at agad na nagtungo sa baba ng bahay at agad na hinanap si Ken upang tanungin kung nakakain na ito at natigilan ako noong pagpasok ko sa kusin ay nandoon pa din si sir Mark at abala sa pagluluto. "Daddy bakit po hindi pa nagigising si mommy? Matutulog po ba ulit ito ng mahaba katulad noong nasa Manila pa kami? Maghihintay po ba ulit ako ng matagal bago ko maramdaman ang pagmamahal ni mommy? Marinig yung malambing at mahinahon na boses nito sa tuwing kausap ako? Hindi ko po ba ulit masisilayan ang kislap ng mga mata nito sa tuwing masaya ito at ang mga halakhak nito sa tuwing nanonood kami ng mga palabas sa tv?" malungkot na sunod-sunod na tanong ni Ken sa ama nit
Matapos naming kumain ay agad na hinila ni Ken ang ama palabas ng kusina kaya napailing na lamang ako sa ginawa nito. Tumayo na din ako upang magligpit ng pinagkainan naming tatlo at hugasan na ito. Maingat ngunit mabilis ang naging kilos ko sa paghuhugas ng pinggan bago ako at saktong katatapos ko lamang ng maramdaman ko na may humawak sa damit ko. Napangiti na lamang ako dahil si babay Ken ko lang naman ang gumagawa ng ganito kapag may gusto itong gawin o puntahan upang mabilis akong mapapayag. "Mommy" napatingin ako sa anak ko ng marinig ko ang cute na boses nito "Ano po iyon anak ko?" malambing na tanong ko dito matapos kong lumuhod sa harapan nito upang mapantayan ang anak "Pwede po ba ako magpunta sa tabing dagat kasama ang daddy ko?" inosente nitong tanong sa akin kaya napangiti ako dito bago haplusin ang malambot nitong buhok "Ipapasyal mo si daddy?" pigil ngiting tanong ko dito kaya agad itong tumango sa akin ng paulit-ulit "Opo mommy pwede po ba?" umaasang tanong nito
Saktong ala said ng umaga ng magising ako kaya dali-dali akong bumangon upang asikasuhin ang sarili ko bago pa magising ang baby boy ko. Agad akong nagtungo sa banyo bitbit ang malinis na pares ng damit at mabilis na naligo at nag toothbrush. Nang matapos ay agad akong lumabas ng banyo at mabilis na pagsusuklay lang ang ginawa ko bago lumabas ng silid. Bago ako nagtungo sa baba ay nagpasiya ako na silipin muna si Ken sa silid nito. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng silid ng anak at napangiti na lamang ako ng makita ko si Ken na mahimbing pa ding natutulog sa kama nito. Maingat kong isinarado ang pinto at agad na nagtungo sa hagdan upang bumaba na at maghanda na ng almusal naming mag-ina. Wala pa kaming stock na pagkain dahil biglaan lamang ang pag-uwi namin dito at hindi ko na natawagan pa si Aling Marta upang sabihin dito na uuwi na kami ng paborito nitong apo. Nagbakasakali ako na baka mayroon na naliga dito na pagkain na pwede ko pang lutuin at kung wala naman ay mapipilitan
Lumipas ang isang araw at hindi ko pa rin nakakausap ng masinsinan si Mark kaya naman hindi ko alam kung ano ang plano nito sa anak namin lalo na at ngayon ay nagbubuntis na naman ako sa anak nito. Maingat kong inaayos ang aking mga gamit at inilalagay sa bag upang makaalis na ako ngayon dito. Wala akong kasama dito dahil si kuya ay nagkaroon ng biglaang lakad kasama si Smith. Si sir Mark naman ay nagkaroon ng biglaang business trip sa ibang bansa kaya wala ito ngayon. "Best ayos na ba ang mga gamit mo?" napatingin ako sa may pinto ng marinig ko ang boses ni Miles kaya hindi ko napigilan na mapatingin sa mga ito "Anong ginagawa mo rito Miles at nasaan si Alex?" nagtatakang tanong ko dito at agad itong nilapitan at niyakap ng mahigpit na mahigpit dahil namiss ko din ang kaibigan kong ito "Kami ni Alex ang sunod mo at huwag kang mag-alala dahil nakaleave naman kaming mag-asawa" nakangiting sabi nito sa akin at agad akong tinulungan sa pag-aayos ko ng gamit "Nag-abala pa kayong
Nakaalis na sila Mr. at Mrs. Dela Cuesta kasama ang anak ko kaya agad akong nahiga sa kama ko dahil nakaramdam na ako ng pagka-antok. Wala din dito si kuya dahil pinuntahan nito ang kaniyang mag-ina para balitaan ang mga ito na gising na ako. Wala din dito si sir Mark kaya ako lamang mag-isa ang naiwan dito sa silid ko kaya agad akong nakaramdam ng sobrang pagkalungkot. Hindi ko pa din nakakausap si sir Mark tungkol sa anak namin at kung ano ang magiging plano nito sa anak namin. "Katherine" napatingin ako sa may pinto noong may tumawag sa akin kaya agad akong ngumiti dito ng makita na si Sean pala iyon. "Magandang gabi Sean" nakangiting bati ko dito "Pwede ba kitang makausap?" magalang na tanong nito sa akin kaya agad akong tumango dito "Oo naman bakit naman kita hindi papayagan na kausapin ako? May nagawa ka bang mali o may kasalan ako sa iyo para hindi kita makausap?" sunod-sunod na tanong ko dito habang may mga ngiti sa labi ko "Alam natin pareho Katherine ang totoo k
Mataas na ang sikat ng araw ng magising ako dahil sa pasado ala una na ng umaga kami ni kuya kanina simula ng magising ako sa mahabang pagkakatulog ko. Nakatitig lamang ako sa puting kisame habang inaalala ang mga nangyari sa akin bago ako nakatulog ng mahaba-haba dito sa hospital. Marami akong kailangan na isipin para sa ikabubuti naming lahat. Agad akong napasimangot ng maramdaman ko ang matinding pagkagutom dahilan upang mapatingin sa akin ang mga kasama ko dito sa silid na mga seryosong nanonood ng palabas sa telebisyon."Gising ka na pala bunso" nakangiting sabi sa akin ni kuya at dali-daling lumapit sa akin "Hindi kuya tulog pa ako, tulog pa kita mo na ngang nakamulat na mga mata ko tapos sasabihin mo sa akin gising na ako" pilosopong sabi ko dito at agad itong napasimangot dahil sa sinabi ko"Bunso naman" ungot nito sa akin kaya iningusan ko na lamang ito at agad na hinaplos ang tiyan kong nanghihingi na ng pagkain"Katherine ito na ang pagkain mo" mabilis akong napatingin kay
Naalimpungatan ako mula sa mahimbing kong pagkakatulog ng maramdaman ko na may gumalaw sa katabi ko. Napakunot ang noo ko dahil sa pilit na inaalis ng katabi ko ng kamay ko sa katawan nito kaya mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa katawan ni Katherine. Agad akong napamulat ng mapagtanto na si Katherine ang katabi ko at may posibilidad na gising na ito dahil sa nararamdaman ko. Mas lalo akong hindi makapaniwala ng makita ko at mapatunayan sa sarili ko na gising na ang aking babae na minamahal. Dahan-dahan akong bumangon kaya napatingin ito sa akin at agad na nag-iwas ng tingin at tila nahihiya sa akin. "Gi...gising ka na" hindi makapaniwalang sabi ko dito at agad na kinabig ito ng yakap at tuluyan ng tumulo ang luha ko "Si..sino ka?" nahihiyang tanong nito sa akin kaya natigilan ako sa aking narinig "Katherine anong?" nagtatakang tanong ko dito at mabilis ang pagtibok ng puso ko dahil sa narinig kong tanong nito "Biro lang naman" nakangusong sabi nito sa akin kaya agad ako