Unti-unti nang nagsidatingan ang mga katrabaho ko at bago magsimula sa trabaho ay nagpunta muna sila sa pantry upang magbanaw ng kape. Nakita ko ang mapanuring tingin sa akin ng mga kaibigan ko kaya napaiwas ako ng tingin sa mga ito.
"Ang aga mong pumasok ngayon ah" nagtatakang saad sa akin ni Alexa pagkalapag ng gamit nito sa working table niya "Maaga lang akong nagising kaya nagdecide na lang akong pumasok ng maaga" paliwanag ko dito "Hindi ka ba nahirapang gumising or nagka hangover man lang?" nagtatakang tanong sa akin ni Alex noong dumaan ito sa cubicle ko "Nahirapan syempre at medyo masakit pa ang ulo ko pero need kong kumayod para may pera ako" saad ko sa mga ito na ikinatango naman nila "Sabagay tama ka naman" pagsang-ayon sa akin ni Miles Nang makaalis na sila sa tapat ng cubicle ko ay agad kong itinuon ang atensyon ko sa trabaho ho. Malapit ko na din namang matapos na maencode ang nasa files na ito. Kalahating oras ang itinagal ko sa pag-eencode nito dahil kailangan ko pang tingnan kong tama ba ang lahat ng ginawa ko. "Sinong may hawak ng files na naka assigned kay Vera?" tanong sa amin ng aming head kaya napatingin ako dito "Ako po ma'am" nakatayong sabi ko dito kaya napatingin sa akin ang lahat "Ikaw? Ang pagkakaalam ko ay maaga kang umalis kaysa kay Vera ah?" nakataas kilay na tanong ng head namin na ikinatango ko "Pagpasok ko po kasi kanina ay nakita ko yung folder na nasa ibabaw ng working table ko at may kasamang notes" paliwanag ko dito kaya napakunot noo ito sa narinig "Notes lang ang iniwan niya at hindi man lang ipinaliwang sa iyo ng personal ang trabaho na ipinasa sa iyo?" galit na tanong nito sa akin kaya napatungo ako "Opo" mahinang sagot ko "Kailangan ko ang files na iyon hard and soft copies" bilin nito sa akin kaya napahinga ako ng maluwag nang tumalikod ito sa akin Agad kong binuksan ang files na ginawa ko at agad na inilagay sa flash drive at pati ipinasa sa mail bago ako tumayo upang pumunta sa office ng head namin. *tok* *tok* *tok* "come in" striktang wika ng head namin kaya agad kong binuksan ang pinto at pumasok sa loob Agad kong isinarado ang pinto ng office bago naglakad patungo sa table ni ma'am. Nakita ko na seryoso nitong binabasa ang files na nasa screen ng computer nito. "Ma'am ito na po yung mga kailangan nyo na inendorse sa akin ni Vera" magalang na sabi sa wika ko at agad na inilapag ang folder at ang flash drive sa ibabaw ng table nito "Natapos mo na agad?" nagtatakang tanong sa akin ni ma'am "Opo maaga po kasi akong nakarating kanina kaya nagawa ko po kaagad" nakangiting paliwanag ko rito na ikinatango nito "You may go now" utos nito sa akin kaya agad akong lumabas ng office Napahikab ako ng makabalik na sa cubicle ko dahil sa sobrang antok na nararamdaman ko. Agad akong nagtungo sa pantry upang magbanaw ng matapang na kape kahit hindi naman ako marunong magkape. Hindi ko na pinansin ang mapanuring tingin sa akin ng mga kaibigan ko dahil sa hindi ko normal na lakad. Napahinga ako ng maluwag noong makapasok ako sa pantry area at agad akong nagbanaw ng kape ko. 7 pa lang ng umaga at walang trabaho na nag-aantay sa akin sa desk ko kaya hindi muna ako bumalik sa cubicle ko. Ininom ko na ang kape kahit na napapaitan ako upang magising lamang ang diwa ko. "Care to share bakit paika-ika kang lumakad?" tanong ng boses sa likod ko kaya napatalon ako sa gulat "May dalaw lang ako ngayon at masakit ang gitna ko dahil sa buo-buong inilalabas na dugo" alibi ko dito para mapagtakpan ang tunay na nangyari kagabi "Gaga ka, huwag ako dahil kitang-kita ng dalawang mata ko na may kasama kang lalaki palabas ng bar" mahinang bulong nito sa akin dahilan upang masamid ako "Bakla kita mo naman pala tapos hinayaan mo lang ako na sumama sa lalaking hindi ko kilala" naiiyak na hinaing ko dito dahil sa hindi ko matanggap ang nangyari sa akin kagabi "Sorry na sis, hinabol ko naman kayo noong matauhan ako kaso huli na, nakaalis na kayo ng parking lot" paliwanag nito sa akin "Sana pala hindi na ako sumama sa inyo kagabi" nagsisising sabi ko dito kaya napalo ako ni Alex sa braso "Aray ha bakla mapanakit ka na" naiiyak na reklamo ko dito habang hinihilot ang pinalo nito "Bakit ka nagsisising sumama sa amin unless may nangyari sa inyo ng lalaking kasama mo?" mapanuring tanong sa akin ni Alex "Wa...wala ah ang imagination mo bakla" iwas tingin kong tanggi rito "Kunwari naniniwala ako sa iyo" mapanuksong wika nito sa akin kaya agad kong inubos ang kape ko "Malaki ba?" natatawang tanong nito sa akin kaya sinamaan ko ito ng tingin "May kapote bang suot yung lalaki?" seryosong tanong nito sa akin kaya napatigil ako sa kinatatayuan ko at lumingon sa kaibigan ko "Anong kapote?" inosente kong tanong dito kaya agad itong napaatras dahil sa tanong ko "Ay inosente si girl sabagay 21 ka pa lang" naiiling na pahayag ni Alex sa akin na ipinagtaka ko "Condom po ang ibig sabihin ng kapote kapag may sex na naganap sa pagitan nyo ng lalaki" paliwanag nito sa akin kaya mas lalo akong nagtaka "Condom? Ano yun?" takang tanong ko dito kaya napahampas ito sa noo "Ginagamit yun ng mga lalaki para isuot sa ari bago magbakbakan sa kama para safe at hindi majuntis si girl" paliwanag nito sa akin "Pano ba masasabing may suot ang katalik ko kagabi?" mahinang tanong ko dito kaya nagulat ito sa tanong ko "So may nangyari nga sa pagitan nyo ng lalaking iyon tapos hindi mo alam kung may suot na condom ang lalaking kasama mo?" nahihintakutang tanong sa akin ni bakla "Oo pero ang huli kong natatandaan ay may mainit na bagay na pumuno sa puson ko ano ba yun?" nahihiyang sabi ko dito kaya napahawak ito sa akin at tila hindi kinaya ang narinig "Bebe girl kailan ka magkakaroon ng dalaw mo?" naiiyak na tanong nito sa akin kaya napatingin ako dito "Next week" mahinang sabi ko dito "Baby girl may chance na majuntis ka, kilala mo ba ang nakasex mo kagabi?" nag-aalalang tanong nito sa akin kaya napailing ako dito "Basta kahit anong mangyari andito lang kami para sa iyo" nakangiting pagpapalakas ng loob nito sa akin Magkasama kaming lumabas ng pantry at pasalamat ako na wala pang trabaho na nag-iintay sa akin. Agad akong napahawak sa puson ko dahil sa napag-usapan namin kanina ni Alex. Hindi pa ako handang magkaanak dahil hindi pa ako stable sa buhay at marami pang bayarin na utang. Hindi na ako bumaba pa ng cafeteria para kumain dahil sa nagbaon na ako ng sarili kong pagkain. Sa may terrace ng department na lamang ako kumain at doon na lamang nagpahinga. Mabilis na natapos ang araw at sobrang pagod na ako sa trabaho plus wala pa akong matinong tulog. Hindi ko na nagawa pang magluto ng pagkain ko ngayong gabi dahil sa matinding antok na nararamdaman ko. Nagpalit na lamang ako ng damit ko at agad na nahiga na sa aking kama at hinayaan na ang sariling makatulog ng mahimbing. Ako nga pala si Maria Katherine Velasquez, 21 years old at maagang naulila sa magulang. Nagawa kong makapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo dahil sa sarili kong pagsisikap. Kailangan kong kumayod ng kumayod upang kumita ng pera para may maibayad sa utang na siyang ipinamana sa akin ng wala kong kwentang ama. Maaga akong nagising kinabukasan dahil sa nakaramdam na ako ng matinding pagkagutom. Agad akong nagtungo sa aking maliit na kusina upang maghanap ng makakain ko ngayong umaga. Wala nang ready to eat na pagkain kaya agad akong kumuha ng isang noodles upang kainin. Agad akong nagpainit ng tubig at ng kumulo na ito ay agad kong ibinuhos sa noodles na nasa mesa ko. 12 pa lang ng umaga kaya naman sobrang antok pa ako at panira lamang naman ng masarap kong tulog ang nagugutom ko nang tiyan. Nang makitang luto na ang pagkain ko ay agad ko na itong nilantakan upang makabalik na sa pagtulog kahit na sobrang init pa nito. Nang maubos ay agad kong iniligpit ang mga ginamit ko at itinapon ang cup sa basurahan. Nakaramdam na din ako ng pagkaihi kaya naman agad akong nagtungo sa banyo ko sa kwarto ko. Nang makaihi ay agad akong nagtungo sa lababo upang maghugas ng kamay. Napatingin ako sa repleksyon ko sa salamin ng may napansin ako sa leeg ko. Agad akong kinabahan ng makitang nawawala ang kwentas na ipinamana sa akin ni mama. Sabi sa akin ni mama ay galing daw iyon sa kaniyang ina at ipapamana naman daw niya iyon sa akin. That necklace is a family heirloom at sabi ni mama ay iyon daw ang susi upang mahanap ako ng pamilya niya. Iyon ang huling alaala sa akin ni mama kaya hindi pwedeng mawala iyon. Agad akong lumabas ng banyo at agad na hinanap ang kwentas sa bawat sulok ng bahay ngunit wala ito. Agad akong napaiyak dahil hindi ko alam kung saan ko ito naiwala. Sabi ni mama ay ako lamang ang makakabukas ng kwentas na iyon at wala nang iba. Hindi ko maintindihan iyon noong una ngunit talagang iniingatan ko iyon. Maraming nagsasabi sa akin na hindi daw ako mukhang pinoy pero hindi ko na iyon pinansin. My mom is a foreign at ang ama ko naman ay isang Pinoy kaya naman naiintindihan ko kung bakit ang hitsura ko ay isang banyaga. "Bakla napansin nyo ba na suot ko yung kwentas ko noong nagpunta tayong bar noong birthday mo?" naiiyak na text ko sa kay Alex Hindi ko na nagawa pang makatulog at ilang minuto na lamang ay iiyak na ako. Hindi ko matanggap na nawala ang kwentas ko in the same day na nawala ang virginity ko. Agad akong inayos ang apartment ko bago nahiga sa kama at pinilit ang sariling makatulog na. Akala ko ay pagbibigyan ako ng katawan ko pero tumunog na ang alarm clock ko pero hindi pa din ako nakatulog. Agad akong bumangon at naligo na lamang kahit na para akong naupos na kandila. Agad kong tiningnan ang sarili ko sa salamin at pasalamat ako dahil sa hindi halata sa mga mata ko na hindi ako nakatulog ng ayos. Nagluto na lamang ako ng agahan at pinilit ang sariling kumain. Agad akong nag-ayos ng sarili para sa pagpasok ko sa trabaho. Agad akong nag-abang ng taxi at agad na nagpahatid sa DLC. Agad akong nagbayad ng pamasahe ko at agad na pumasok sa loob ng building. Binati pa ako ng guard pero nginitian ko lamang ito at agad na nagtungo sa elevator. Agad akong sumakay at agad na priness ang 5 button at hinintay na magbukas ito sa palapag kung saan ako bababa. Ako ang unang nakadating sa aming magkakaibigan kaya naman agad akong naupo sa swivel chair ko. Napaubob na lang ako at hinintay na dumating si Alex para malaman ang sagot nito. "Bakla ayos ka lang?" nag-aalalang tanong sa akin ni Alex kaya agad akong napatunghay at agad na bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha nito "Nabasa mo ba ang text ko sayo kanina?" nag-aalalang tanong ko dito at umaasang nakita nito ang kwentas ko "Oo bakla, nakita kong suot mo iyon noong nag bar tayo" mahinang bulong nito sa akin "Bakit nawawala ba?" nag-aalalang tanong nito sa akin na ikinatango ko rito "Hindi kaya naiwan mo noong alam mo na at hindi mo lang napansin?" bulong nito sa akin kaya namutla ako sa sinabi nito "Bakla paano iyon hindi ko naman alam kung saan iyon at hindi ko kilala" naiiyak na sumbong ko dito "Hayaan mo na sis, babalik din iyon sa iyo" pagpapakalma nito sa akin kaya napailing ako "Paano naman babalik iyon sa akin kung hindi ko naman kilala yung istranghero na iyon" naiiyak kong wika dito "Sa panahon ngayon bihira na lamang ang virgin na babae kaya malakas ang pakiramdam ko na hahanapin ka ng lalaking naka one stand mo" nakangising wika nito sa akin dahilan upang lumaglag ang panga ko This is the start of my story in Hiding The Billionaire's Son.Lumipas ang isang linggo ngunit hindi ko pa din nahahanap ang kwentas ko. Naging busy din ako sa trabaho kaya hindi ko na nagawang makabalik pa sa bar upang magbakasakaling makita ang lalaking iyon. Agad akong napabangon ng makaramdam ng pag-asim ng sikmura ko kaya agad akong nagtatakbo sa banyo ko. Agad akong sumuka ng sumuka ngunit hindi ko wala akong maisuka kundi puro laway lamang. Napaiyak na ako dahil sa pagsuka at napaupo na lamang ako sa sahig ng matapos sa pagsuka dahil sa nakaramdam ako ng panghihina. Nang makabawi ng lakas ay agad akong tumayo at naghilamos sa may sink dito sa loob. Tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin at nakita ko ang pagkaputla ko. Agad akong nagtungo sa aking kama dahil upang muling matulog dahil wala kaming pasok ngayong araw. Tanging ang mga nasa matataas lamang na posisyon ang papasok ngayon upang paghandaan ang pagpasok bukas ng anak ng boss namin.Agad akong nakaramdam ng antok kaya agad kong ipinikit ang mata ko at papatulog na sana ako ng ma
Maaga akong nagising kinabukasan dahil maaga kaming pinapapasok ngayon sa kompanya dahil ngayon ang dating ng bago naming boss. Ayoko naman na paghintayin ang mga kaibigan ko dahil nagpakaon na din ako sa kanila para hindi na ako mahirapan na sumakay papasok sa trabaho."Good morning best" nakangiting bati sa akin ni Miles nang makapasok ako sa sasakyan nito"Good morning din Miles, Alex at Alexa" nakangiting bati ko sa kanila pagkaupo ko sa upuanAgad na umandar ang kotse ni Miles paalis sa apartment ko upang magtungo na kami sa kompanya. Tahimik lang kaming lahat habang nasa byahe dala nang pagkaantok. Nasa passenger seat si Alex na may pagtatanong na nakatingin sa akin kaya nginitan ko na lamang ito."Saan mo nahanap ang kwentas? bulong sa akin ni Alex nang makababa kami sa kotse "May nagsauli lang sa akin kahapon noong nasa bahay ako" tugon ko dito at agad na humawak sa akin patungo sa elevator"Kayong dalawa anong pinag-uusapan ninyo?" mapanuring tanong sa amin ni Alexa kaya na
Hindi na ako bumaba pa sa cafeteria upang mananghalian dahil mas pinili na lang namin ni Alex na dito na lang kumain sa office. Napansin ko kanina ang kakaibang kinikilos ni Alwxa ngunit hindi ko na lamang ito pinansin pa. Masaya kaming kumain ni Alex ng lunch namin dahil mas tahimik naman dito sa may terrace sa department namin."Baks bakit nga pala nandito kanina ang CEO?" tanong ko dito matapos nitong makabalik nang magtapon ito ng pinagkainan namin"Hindi ko alam dahil nawala na ako sa sarili kanina sa pagkataranta sa nangyari sa iyo" tugon nito sa akin kaya tumango na lamang ako"Saan nga pala galing kanina yung ininom mo?" nagtatakang tanong ko dito dahil sa pagkakaalala ko ay wala nang tubig sa water despenser kanina "Kay Mr. CEO nanggaling iyon at nakasalubong ko ito kanina nang papalabas na sana ako ng pantry para tumakbo sa kabilang team" paliwanag nito sa akin kaya tumango na lamang akoHindi naman siguro nito alam na ako ang babae na naikama nito noong gabing iyon dahil
Malakas pa din ang ulan ng magising ako kinabukasan kaya agad na akong bumangon para magluto ng umagahan namin. Medyo masama na ang pakiramdam ko pero pinilit ko pa ding bumangon dahil may trabaho pa ako. Agad akong nagtingin sa group chat kung may announcement ba pero nanlumo na lamang ako ng makitang hindi man lang nila nagawang suspendihin ang pasok namin sa trabaho. Agad akong pumasok sa banyo at naligo na para naman hindi na ako makikipagsabayan sa kanila sa pagligo mamaya. Nang matapos ay agad na akong nagbihis ng pamasok ko sa trabaho at saka nagtungo sa kusina upang magluto.Alas kwatro pa lamang ng madaling araw kaya sigurado akong tulog pa ang mga nakitulog sa bahay ko. Maingat ngunit mabilis ang naging kilos ko sa pagluluto para hindi ko sila magising dahil sa ingay na nililikha ko sa kusina. Isang oras ang itinagal ko sa pagluluto at nang matapos ay kumuha na ako ng tupper ware upang maglagay ng baon ko na kanin. Naghanap na din ako ng tubigan sa aking kabinet upang hindi
"Bakla gising" nagising na lamang ako nang maramdaman ko ang pag-alog ng gumigising sa akin kaya napilitan akong magmulat "Baks andito ka na pala anong oras na ba?" mahinahong tanong ko dito at agad na bumangon "7 na bakla" tugon nito sa akin kaya napatingin ako dito dahil sa narinig "Napasarap pala ang tulog ko" mahina kong saad "Late ka na natapos sa trabaho kaya late ka na ding nagising at isa pa hindi ko na nakauwi sa bahay mo" mahabang wika nito sa akin kaya napaiwas ako dito nang tingin Agad akong nagtungo sa banyo na nandito at agad na naghilamos. Naramdaman ko pa na nakatingin sa akin si Alex pero hindi ko na lamang ito pinansin pa. Naghilamos at nagmumog na lamang ako bago lumabas nang banyo at agad na kumuha nang make up at pabango sa bag. Nag-apply ako nang make up upang matakpan ang aking pagkaputla habang pamango naman upang maging mabangong muli ang kasuotan ko."Tara na baks" maikling saad ko ko dito bago naunang lumabas nang silid na iyon Nakasalubong ko ang boss
Naalimpungatan ako na nang maramdaman ko ang paglutang ko sa ere ngunit wala akong lakas pa upang magmulat nang mga mata. Hinayaan ko na lamang itong dalhin ako kung saan dahil wala na akong lakas pa upang magreklamo sa bumuhat sa akin. Nakalimutan ko ang pakay ko kung bakit ako nagpunta sa opisina nang boss ko dahil sa sama nang pakiramdam ko.Naramdaman ko ang paglapat nang likod ko sa malambot na kama kaya mas lalo akong inaantok. Hinayaan ko ang sarili na makatulog dahil mas kailangan ko nang pahinga nagyon. Titiisin ko na lamang ang pamamahiya at panenermon sa akin ng head sa harap nang mga katrabaho ko dahil sa aking hindi natapos sa trabaho."Rest well Maria Katherine Velasquez" malambing na bulong nang isang tinig sa aking tenga bago ako kinumutan Agad akong tumagilid nang higa upang maging mas komportable sa pagtulog ko. Nang makaramdam nang ginaw ay agad akong tumagilid at binalot ang sarili sa kumot. Nagising ako na madilim na sa labas at hindi ko magawang makabangon pa.
Mataas na ang sikat nang araw sa labas nang magising ako kinabukasan at hindi pa din nagbabago ang pakiramdam ko. Wala din akong kasama dito sa silid kaya sinamantala ko ang pagkakataon upang lisanin ang silid na ito. Kahit na medyo nanghihina pa ako ay pinilit ko ang sarili na bumangon at maglakad patungo sa pinto. Nang buksan ko ay bumungad sa akin ang opisina na ni boss at isa lang ang ibig sabihin nito, nasa kompanya pa rin ako ngayon at dito na ako nakatulog. Nakita ko din ang aking bag na nakapatong sa middle table kaya agad akong tumungo roon upang kuhanin iyon. Kinuha ko ang bag ko at agad na nagsuklay pagkatapos ay nagsulat sa sticky note ko nang mensahe nang pasasalamat kay sir Mark.Agad na akong lumabas sa opisina at agad na nagtungo sa elevator at laking pasasalamat ko na walang tao ngayon na naliga dito. Agad akong bumaba sa first floor at nag-abang nang sasakyan sa tapat nang entrance. Nang may huminto sa tapat ko na taxi ay agad akong sumakay at nagpahatid sa tinutulu
Nang magising kinabukasan ay medyo maayos na ang pakiramdam ko. Agad na akong bumangon sa aking higaan at agad na kumuha nang pares na damit at agad na nagtungo sa banyo upang maligo. Papasok na ako ngayon sa trabaho dahil sayang ang kikitain ko ngayong araw kung hindi ako papasok gayong kaya ko na naman kahit papaano ang pumasok nang trabaho ko."Good morning" mahinang bati sa akin nang isang tinig mula sa likod ko kaya napatingin ako dito "Ano bang ginagawa mo dito gayong nakita mo na ako na naghihirap hindi ba? Wala na din si mama kaya pwede ka nang umalis sa bahay ko" inis na wika ko dito at agad na nagtungo sa kusina upang kumuha nang tubig upang uminom at sa kompanya na lamang ako kakain dahil ayaw ko nang makita at makasama ang kapatid ko dito "Katherine let's talk" pagmamakaawa nito sa akin kaya napatigil ako sa paglabas nang bahay ko"May trabaho ako na kailangan kong pasukan at saka wala naman tayong dapat pang pag-usapan dahil malinaw na sa akin ang lahat nang sinabi mo s
Mabilis na lumipas ang mga araw at nakahanap na din naman ako ng resort na pweding pagdausan ng kaarawan ni Ken sa Enero 5. Hindi na din nagawa pang makahanap ng tutuluyan si sir Mark sa buong pananatili niya dito sa amin dahil sa talagang punuan na nga ang mga hotel at resort. Wala na ulit dito ang mag-ama dahil kasalukuyan ang mga ito na nanliligo sa dagat na naging paborito na atang gawain ng bata sa tuwing nandito kami. Abala ako sa pagluluto ng aming pananghalian dahil sigurado akong gutom na ang dalawa kapag bumalik na sila dito galing sa dagat. Naisip ko na kausapin na din si sir Mark tungkol sa plano nito sa bata upang hindi na ako mangapa pa sa sitwasyon namin. Kalahating minuto pa ang hinintay ko bago ako natapos sa pagluluto at napangiti ako ng makita ko ang anak ko na masiglang naglalakad papalapit sa akin kahit na basa pa ito mula sa panliligo sa dagat."Mommy ano po ulam?" tanong nito sa akin"Paborito mo pong tinola" nakangiting tugon ko dito kaya agad na nagniningning
Mdadilim pa salabas ng magising ako kinabukasan kaya naman agad na akong bumangon at kumuha ng maliinis kong kasuotan at agad na nagtungo sa banyo upang maligo na. Dahil Disyembre na at nasa probinsya kami, idagdag mo pa na malapit kami sa dagat ay damang-dama ko ang malamig na simoy ng hangin patunay na buwan na ng kapaskuhan. Mabilis lamang ang naging pagliligo ko at agad na pinatuyo ang buho gamit ang hair dryer na matagal ko ng ginagamit habang nakaupo sa harap ng salamin ko. Agad na tiningnan ko ang oras sa orasan kong nakasabit sa dingding at ng makitang pasado ala singko na ng umaga ay agad na akong nagtungo sa labas upang makapaghanda na ako ng umagahan naming tatlo.Tahimik pa sa labas at sigurado akong tulog pa ang mag-ama kaya dahan-dahan at may pag-iingat ang naging kilos ko upang hindi sila magising. Nakahinga ako ng maluwag noong makarating ako sa kusina kaya naman naghanap na ako ng pwede kong lutuin na bagay sa ganitong kalamig na panahon. Nakita ko ang isang buong ka
Madilim na sa labas ng magising kaya agad akong napabalikwas ng bangon at dali-daling bumaba ng kama at mabilis na nagtungo sa pinto upang lumabas ng silid ko dahil baka hindi pa kumakain ang anak ko ng tanghalian gayong napasarap ang tulog ko at nakaligtaan na magluto ng pananghalian namin. Hindi ko na naisip ang hitsura ko at agad na nagtungo sa baba ng bahay at agad na hinanap si Ken upang tanungin kung nakakain na ito at natigilan ako noong pagpasok ko sa kusin ay nandoon pa din si sir Mark at abala sa pagluluto. "Daddy bakit po hindi pa nagigising si mommy? Matutulog po ba ulit ito ng mahaba katulad noong nasa Manila pa kami? Maghihintay po ba ulit ako ng matagal bago ko maramdaman ang pagmamahal ni mommy? Marinig yung malambing at mahinahon na boses nito sa tuwing kausap ako? Hindi ko po ba ulit masisilayan ang kislap ng mga mata nito sa tuwing masaya ito at ang mga halakhak nito sa tuwing nanonood kami ng mga palabas sa tv?" malungkot na sunod-sunod na tanong ni Ken sa ama nit
Matapos naming kumain ay agad na hinila ni Ken ang ama palabas ng kusina kaya napailing na lamang ako sa ginawa nito. Tumayo na din ako upang magligpit ng pinagkainan naming tatlo at hugasan na ito. Maingat ngunit mabilis ang naging kilos ko sa paghuhugas ng pinggan bago ako at saktong katatapos ko lamang ng maramdaman ko na may humawak sa damit ko. Napangiti na lamang ako dahil si babay Ken ko lang naman ang gumagawa ng ganito kapag may gusto itong gawin o puntahan upang mabilis akong mapapayag. "Mommy" napatingin ako sa anak ko ng marinig ko ang cute na boses nito "Ano po iyon anak ko?" malambing na tanong ko dito matapos kong lumuhod sa harapan nito upang mapantayan ang anak "Pwede po ba ako magpunta sa tabing dagat kasama ang daddy ko?" inosente nitong tanong sa akin kaya napangiti ako dito bago haplusin ang malambot nitong buhok "Ipapasyal mo si daddy?" pigil ngiting tanong ko dito kaya agad itong tumango sa akin ng paulit-ulit "Opo mommy pwede po ba?" umaasang tanong nito
Saktong ala said ng umaga ng magising ako kaya dali-dali akong bumangon upang asikasuhin ang sarili ko bago pa magising ang baby boy ko. Agad akong nagtungo sa banyo bitbit ang malinis na pares ng damit at mabilis na naligo at nag toothbrush. Nang matapos ay agad akong lumabas ng banyo at mabilis na pagsusuklay lang ang ginawa ko bago lumabas ng silid. Bago ako nagtungo sa baba ay nagpasiya ako na silipin muna si Ken sa silid nito. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng silid ng anak at napangiti na lamang ako ng makita ko si Ken na mahimbing pa ding natutulog sa kama nito. Maingat kong isinarado ang pinto at agad na nagtungo sa hagdan upang bumaba na at maghanda na ng almusal naming mag-ina. Wala pa kaming stock na pagkain dahil biglaan lamang ang pag-uwi namin dito at hindi ko na natawagan pa si Aling Marta upang sabihin dito na uuwi na kami ng paborito nitong apo. Nagbakasakali ako na baka mayroon na naliga dito na pagkain na pwede ko pang lutuin at kung wala naman ay mapipilitan
Lumipas ang isang araw at hindi ko pa rin nakakausap ng masinsinan si Mark kaya naman hindi ko alam kung ano ang plano nito sa anak namin lalo na at ngayon ay nagbubuntis na naman ako sa anak nito. Maingat kong inaayos ang aking mga gamit at inilalagay sa bag upang makaalis na ako ngayon dito. Wala akong kasama dito dahil si kuya ay nagkaroon ng biglaang lakad kasama si Smith. Si sir Mark naman ay nagkaroon ng biglaang business trip sa ibang bansa kaya wala ito ngayon. "Best ayos na ba ang mga gamit mo?" napatingin ako sa may pinto ng marinig ko ang boses ni Miles kaya hindi ko napigilan na mapatingin sa mga ito "Anong ginagawa mo rito Miles at nasaan si Alex?" nagtatakang tanong ko dito at agad itong nilapitan at niyakap ng mahigpit na mahigpit dahil namiss ko din ang kaibigan kong ito "Kami ni Alex ang sunod mo at huwag kang mag-alala dahil nakaleave naman kaming mag-asawa" nakangiting sabi nito sa akin at agad akong tinulungan sa pag-aayos ko ng gamit "Nag-abala pa kayong
Nakaalis na sila Mr. at Mrs. Dela Cuesta kasama ang anak ko kaya agad akong nahiga sa kama ko dahil nakaramdam na ako ng pagka-antok. Wala din dito si kuya dahil pinuntahan nito ang kaniyang mag-ina para balitaan ang mga ito na gising na ako. Wala din dito si sir Mark kaya ako lamang mag-isa ang naiwan dito sa silid ko kaya agad akong nakaramdam ng sobrang pagkalungkot. Hindi ko pa din nakakausap si sir Mark tungkol sa anak namin at kung ano ang magiging plano nito sa anak namin. "Katherine" napatingin ako sa may pinto noong may tumawag sa akin kaya agad akong ngumiti dito ng makita na si Sean pala iyon. "Magandang gabi Sean" nakangiting bati ko dito "Pwede ba kitang makausap?" magalang na tanong nito sa akin kaya agad akong tumango dito "Oo naman bakit naman kita hindi papayagan na kausapin ako? May nagawa ka bang mali o may kasalan ako sa iyo para hindi kita makausap?" sunod-sunod na tanong ko dito habang may mga ngiti sa labi ko "Alam natin pareho Katherine ang totoo k
Mataas na ang sikat ng araw ng magising ako dahil sa pasado ala una na ng umaga kami ni kuya kanina simula ng magising ako sa mahabang pagkakatulog ko. Nakatitig lamang ako sa puting kisame habang inaalala ang mga nangyari sa akin bago ako nakatulog ng mahaba-haba dito sa hospital. Marami akong kailangan na isipin para sa ikabubuti naming lahat. Agad akong napasimangot ng maramdaman ko ang matinding pagkagutom dahilan upang mapatingin sa akin ang mga kasama ko dito sa silid na mga seryosong nanonood ng palabas sa telebisyon."Gising ka na pala bunso" nakangiting sabi sa akin ni kuya at dali-daling lumapit sa akin "Hindi kuya tulog pa ako, tulog pa kita mo na ngang nakamulat na mga mata ko tapos sasabihin mo sa akin gising na ako" pilosopong sabi ko dito at agad itong napasimangot dahil sa sinabi ko"Bunso naman" ungot nito sa akin kaya iningusan ko na lamang ito at agad na hinaplos ang tiyan kong nanghihingi na ng pagkain"Katherine ito na ang pagkain mo" mabilis akong napatingin kay
Naalimpungatan ako mula sa mahimbing kong pagkakatulog ng maramdaman ko na may gumalaw sa katabi ko. Napakunot ang noo ko dahil sa pilit na inaalis ng katabi ko ng kamay ko sa katawan nito kaya mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa katawan ni Katherine. Agad akong napamulat ng mapagtanto na si Katherine ang katabi ko at may posibilidad na gising na ito dahil sa nararamdaman ko. Mas lalo akong hindi makapaniwala ng makita ko at mapatunayan sa sarili ko na gising na ang aking babae na minamahal. Dahan-dahan akong bumangon kaya napatingin ito sa akin at agad na nag-iwas ng tingin at tila nahihiya sa akin. "Gi...gising ka na" hindi makapaniwalang sabi ko dito at agad na kinabig ito ng yakap at tuluyan ng tumulo ang luha ko "Si..sino ka?" nahihiyang tanong nito sa akin kaya natigilan ako sa aking narinig "Katherine anong?" nagtatakang tanong ko dito at mabilis ang pagtibok ng puso ko dahil sa narinig kong tanong nito "Biro lang naman" nakangusong sabi nito sa akin kaya agad ako