Maaga akong nagising kinabukasan dahil maaga kaming pinapapasok ngayon sa kompanya dahil ngayon ang dating ng bago naming boss. Ayoko naman na paghintayin ang mga kaibigan ko dahil nagpakaon na din ako sa kanila para hindi na ako mahirapan na sumakay papasok sa trabaho.
"Good morning best" nakangiting bati sa akin ni Miles nang makapasok ako sa sasakyan nito
"Good morning din Miles, Alex at Alexa" nakangiting bati ko sa kanila pagkaupo ko sa upuan
Agad na umandar ang kotse ni Miles paalis sa apartment ko upang magtungo na kami sa kompanya. Tahimik lang kaming lahat habang nasa byahe dala nang pagkaantok. Nasa passenger seat si Alex na may pagtatanong na nakatingin sa akin kaya nginitan ko na lamang ito.
"Saan mo nahanap ang kwentas? bulong sa akin ni Alex nang makababa kami sa kotse
"May nagsauli lang sa akin kahapon noong nasa bahay ako" tugon ko dito at agad na humawak sa akin patungo sa elevator
"Kayong dalawa anong pinag-uusapan ninyo?" mapanuring tanong sa amin ni Alexa kaya nagkatinginan kami ni Alex bago ngumisi sa kanilang dalawa
"Secret" sabay naming sabi kaya napasimangot ang mga ito bago kami sumakay sa elevator
"Ganoon pala ah, hindi tayo bati kung ganoon" nagtatampong wika ni Miles dahilan upang mapahagalpak kami ng tawa ni Alex kaya napaingos ito sa amin
"Ako din" ungot ni Alexa at agad na dumais ito sa kay Miles at lumayo sa amin
Napailing na lamang ako sa kanilang dalawa dahil sa mga inasta nila at dinaig pa nila ang mga batang nagtatampo. Hindi na lamang namin sila pinansin ni Alex hanggang sa makarating kami sa 5th floor kung saan kami nagtatrabaho. Nauna silang lumabas ng elevator at agad na nagtungo sa kani-kaniyang cubicle at agad na naupo roon. Naghiwalay naman kami ni Alex at agad na nagtungo sa aking upuan para ilagay ang gamit ko at buksan ang computer na ginagamit ko sa trabaho.
Marami kaming gagawin ngayon dahil sa nawalan kami ng pasok kahapon kaya napabuntong hininga na lamang ako. Agad akong tumayo sa swivel chair ko at agad na nagtungo sa pantry area upang magbanaw ng gatas upang mag-almusal muna. Hindi ko na nagawang makakain ng umagahan ko dahil 4:30 na ako nagising at hindi ko na nagawang makapagluto pa ng umagahan ko. Saktong 5:10 dumating sa may apartment ko sila Miles upang sunduin ako.
"Nagtatampo talaga sa atin ang dalawang bruha" mahinang bulong sa akin ni Alex nang makalapit ito sa may terrace ng office namin
"Hayaan mo muna sila hindi ko rin kasi alam kong papaano sasabihin sa kanila ang kinahinatnan kong gabing iyon kaya mas mabuti pa sigurong ganito na lamang muna na tayong dalawa lang ang nakakaalam" mahinahon kong paliwanag dito bago kinagat ang tinapay na baon ko
"Sabagay tama ka naman at hindi mapagkakatiwalaan ang bibig ng dalawang iyan kapag ganito nang kaseryoso ang pinag-uusapan" pagsang-sayon nito sa akin "Sino nga pala yung nagsauli sa iyo ng kwentas na iyan?" nagtatakang tanong nito sa akin kaya agad kong hinawakan ang kwentas na suot ko ngayon
"Hindi ko kilala pero sigurado akong hindi siya ang lalaking nakasama ko noong gabing iyon" mahinang tugon ko dito sapat lang para ito lamang ang makarinig
"Lalaki ba?" kuryosong tanong nito sa akin na agad kong ikinatango kaya agad na nagningning ang mga mata nito
"Oo at sa pagkakaintindi ko sa sinabi niya sa akin ay kaya nasa kaniya ang kwentas ko ay kaibigan niya ang binatang iyon" tugon ko dito at agad na inubos ang natitira kong gatas bago tumayo upang itapon ang paper cup na hawak ko
"Anong balak mo kapag nagbunga?" nag-aalalang tanong nito sa akin
"Hindi ko pa alam pero sa ngayon kailangan ko munang magfocus sa pag-iipin ng pera para sa pantubos ko sa business namin na iniwan sa akin ng mama ko na isinanla naman ng walang kwenta kong ama" nanghihina kong tugon kay Alex at wala sa sariling napahawak sa may puson ko
Sana walang mabuo dahil isang gabi lang naman iyon at hindi na naulit pa dahil hindi ko na alam ang gagawin ko kung sakaling magbunga man iyon. Hindi ko pa kayang maging isang ina at pumasan ng responsibilidad sa ngayon dahil madami pa akong kailangan unahin at bayadan.
"Everyone in the lobby now" sigaw ng head namin kaya agad kaming nagsitayo upang sundan ito
Sa halip na sa elevator kami sumakay ay nagpasya ang head namin na gamitin na lamang namin ang hagdan pababa kaya napasimangot ako. Agad na kumapit sa akin ang nalulumong si Alex dahil sa naging pasya ng head namin. Nakita kong nag-iwas tingin sa akin ang dalawa ko pang kaibigan kaya naiiling ako dahil sa inasal ng mga ito.
Pawisan kami ng makarating sa lobby kaya nagrereklamo na ang katabi ko at pilit na itinatago ang pagkabakla nito habang ginagawa iyon. Marahan ko namang hinilot ang mga binti ko ng maramdaman ko ang pananakit niyon. Agad kaming nagsiayos ng tayo ng makita naming may pumaradang magarang sasakyan sa may entrance ng kompanya. Agad na nagsihelira kami at nagsiyuko nang pumasok na ang bago naming boss.
"GOOD MORNING MR. CEO, WELCOME TO THE COMPANY" sabay-sabay na bati namin habang nakayuko
Agad kaming nagsiayaos ng tayo ng makasakay na ng elevator ang CEO kaya napahinga ako ng maluwag. Hinintay muna namin na mawala ang mga tao sa lobby at agad na nagtungo sa may hagdan paakyat sa 5th floor kaya nagsimula nang magreklamo ang iba. Natahimik lamang sila nang saman na kami ng tingin ng head bago nagpatuloy sa paglalakad.
"Bakla mamamatay yata ako ng maaga dahil sa head natin na ito" nagrereklamo nitong bulong sa akin kaya napailing na lamang ako dahil sa sinabi nito
"Hayaan mo na sa ikalimang palapag lang naman tayo" nakangiting tugon ko dito upang bigyan ito ng lakas para makaakyat ito sa taas ng walang angal
"Nilang mo lang asaan ang hustisya" reklamo nito sa akin
"Masakit na din naman ang mga binti ko plus naka high heels pa ako kaya mas mahirap para sa amin ang umakyat sa ikalimang palapag pero nagawa na nating makaakyat hanggang ikaapat ngayon pa ba tayo susuko gayong isang palapag na lang ang aakyatin natin" nakangiting paliwannag ko dito kaya napasimangot ito sa narinig sa akin
"Kung sabagay" nakangusong pagsang-ayon nito sa sinabi ko
Agad kong nagtungo sa cubicle ko upang magpahinga at hindi na ininda ang uhaw at pananakit ng binti ko. Napahinga ako ng maluwag nang makaupo at agad na isinandal ang likod sa sandalan ng upuan ko dahilan upang mapahinga ako ng maluwag. Nang makuntento sa pahinga ay tatayo na sana ako sa upuan ko ng magulat ako ng may nakaaro na sa akin na mineral water kaya napatingin ako sa may hawak noon.
"Salamat po" nahihiyang pasasalamat ko dito at agad na kinuha ang hawak nitong tubig
Agad itong umalis sa harap ng cubicle ko na nagpanganga sa akin pero nailang ako sa mga titig sa akin ng mga katrabaho ko. Agad kong binuksan ang tubig na ibinagay sa akin ng lalaking iyon dahil uhaw na uhaw na ako. Pamilyar sa akin ang lalaki at parang nakita ko na ito kung saan pero hindi ko lang maalala kaya hinayaan ko na lamang. Agad ko nang binuksan ang computer ko upang magtingin ng mails na galing sa head na kailangan ng hard copy at analysis.
Agad akong napatingin sa kay Alex na may mapanuring tingin habang kunot ang noo ni Miles at Alexa na nakatingin sa akin. Nagulat na lamang ako ng makita ko ang selos at inggit sa mata ni Miles kaya tinitigan ko ito pero agad itong nag-iwas ng tingin sa akin. Agad ko na lamang itinuon ang atensyon sa trabaho ko at hinayaan na lamang ang mga katrabaho ko. Pagsapit ng meryenda ay agad na lumapit sa akin si Alex at hinila ako papuntang elevator.
"Anong ibig sabihin noong kanina?" nagtatakang tanong sa akin ni Alex kaya napakunot noo ako sa tanong nito
"Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong ko dito
"Bakit ka binigyan ng tubig ni boss?" maoanuring tanong sa akin kaya natahimik ako dahil sa hindi ko akalain na ito pala ang CEO
"Bakit ka natahimik?" nagtatakang tanong sa akin ni Alex kaya napailing ako dito
"Hindi ko naman alam na ito pala ang CEO saka hindi ko din alam na siya ang big boss natin" paliwanag ko dito
"Oh siya mamaya na ulit ang tanungan natin at nagwawala na ang anak ko sa tiyan" maarte nitong wika sa akin kaya napatawa ako sa sinambit nito
"Patawa ka talaga kaya lab na lab kita eh" tumatawang sabi ko dito habang naka angkla sa isang bisig nito
"Good morning po CEO" magalang na bati ni Alex sa lalaking nakatingin sa amin ng walang emosyon at agad akong siniko ng katabi ko kaya napabitaw ako dito
"Good morning po Mr. CEO" magalang na bati ko dito at bahagyang yumuko upang ipakita ang paggalang ko sa nakatataas
Agad akong natahimik at sinundan ito ng tingin nang umalis ito sa harapan namin bitbit ang itim na awra kaya natahimik kami. Napailing ako at agad na hinila si Alex papasok ng cafeteria upang umorder na nang pagkain dahil gutom na ako. Kakaunti na lamang ang nakapila kaya mabilis lamang kaming nakaorder ng pagkain namin. Masaya kaming nagkukwentuhan ng dumaan sa tabi namin ang CEO at naupo sa likod ko at nang tumingin ako sa oras ay ilang minuto na lamang ang breaktime namin kaya agad komng inubos ang pagkain ko.
Agad kong hinila si Alex at hindi na nagawang magpaalam sa CEO dahil malelate na kami sa office hours. Naramdaman ko ang matalim na tingin nito sa likod namin pero hindi na namin ito pinansin dahil ayaw naming masermunan kami ng head. Nananalangin na lamang kami ni Alex na sana ay hindi na kami pagalitan kung late kami dahil 15 minutes lamang ang natitira sa amin ng bumaba kami sa cafeteria. Saktong pagbukas ng elevator ay agad naming tinakbo ang computer namin upang magtime log-in ulit doon.
"Buti na lang at nakaabot pa kami" hinihingal kong sambit sa sarili ko at agad akong napatayo upang uminom ng tubig dahil nakalimutan ko dahil sa pagmamadali ko
Nakita ko na tumayo din si Alex sa upuan nito at kasunod ko itong pumasok sa pantry upang uminom din. Nag-unahan kami sa pagpunta sa water despenser ng makitang wala nang laman itong tubig pero naunahan kami ni Aexa kaya napasimangot kami ni bakla.
"Ano ba iyan kailangan ko nang uminom ng tubig kasi pakiramdam ko yung kinain ko nasa lalamunan ko pa" nagpapadyak na reklamo sa akin ni Alex kaya napasimangot din ako
"Baks gusto ko na nang tubig" naiiyak na sumbong ko dito dahil pakiramdam ko ay nagbara ito sa may dibdib ko at nagsisimula na akong mahirapan na huminga
"Hala ka anong nangyayari sa iyo?" natatarantang taning nito sa akin pero hindi ko na ito nagawang sagutin at tinatapik ko na ang dibdib ko
"Sandali kukuha lang ako ng tubig sa kabilang department intayin mo ako dito ha" naiiyak na pag-aalo nito sa akin habang inalalayan ako nito paupo sa isang upuan na nandito
"Whats happening here?" umalingawngaw ang buo ngunit malalim na boses ng isang lalaki pero hindi ko na ito pinansin pa at itiunon ang sarili na makahinga. Nagulat na lamang ako ng makita si baks na nasa harapan ko at may hawak na tubig pero nagulat ako ng makita ang CEO na may hawak na inumin kaya doon ako napatingin.
"Drink this" nag-aalala nitong sabi sa akin kaya agad kong kinuha iyon at ininom iyon
Napahinga ako ng maluwag nang mawala ang nakabara sa may bandang dibdib ko at naiiyak na tumungin ako kay baks bago sa lalaking nasa harapan ko. Napuyuko ako dala ng pagkahiya ko sa nangyari at ikinalam ko muna ang sarili ko bago ko hinarap ang boss ko.
"Salamat po sa juice at sorry po kasi nakaabala pa ako sa inyo" mahinang wika ko dito at nag-iwas ng tingin pero nagulat ako ng hindi ko na nakita si Alex at mas nagulat ako nang maramdaman ko ang bahagyang paghaplos nito sa kamay ko habang nakatingin sa akin pababa sa may puson ko.
"Mag-iingat ka sa susunod" paalala nito sa akin bago tumayo at lumabas na ng pantry area at sinundan ko na lamang ito ng tingin. Biglang sumagi sa isip ko ang mukha ng lalaking kumuha ng virginity ko at ang mukha ng boss ko ay iisa kay agad akong nakaramdam ng kaba para sa sarili ko. Ilang buwan na lamang naman ang itatagal ko dito kaya hindi ko na kailangan ko na lamang na magpanggap na hindi ko ito naaalala.
Hindi na ako bumaba pa sa cafeteria upang mananghalian dahil mas pinili na lang namin ni Alex na dito na lang kumain sa office. Napansin ko kanina ang kakaibang kinikilos ni Alwxa ngunit hindi ko na lamang ito pinansin pa. Masaya kaming kumain ni Alex ng lunch namin dahil mas tahimik naman dito sa may terrace sa department namin."Baks bakit nga pala nandito kanina ang CEO?" tanong ko dito matapos nitong makabalik nang magtapon ito ng pinagkainan namin"Hindi ko alam dahil nawala na ako sa sarili kanina sa pagkataranta sa nangyari sa iyo" tugon nito sa akin kaya tumango na lamang ako"Saan nga pala galing kanina yung ininom mo?" nagtatakang tanong ko dito dahil sa pagkakaalala ko ay wala nang tubig sa water despenser kanina "Kay Mr. CEO nanggaling iyon at nakasalubong ko ito kanina nang papalabas na sana ako ng pantry para tumakbo sa kabilang team" paliwanag nito sa akin kaya tumango na lamang akoHindi naman siguro nito alam na ako ang babae na naikama nito noong gabing iyon dahil
Malakas pa din ang ulan ng magising ako kinabukasan kaya agad na akong bumangon para magluto ng umagahan namin. Medyo masama na ang pakiramdam ko pero pinilit ko pa ding bumangon dahil may trabaho pa ako. Agad akong nagtingin sa group chat kung may announcement ba pero nanlumo na lamang ako ng makitang hindi man lang nila nagawang suspendihin ang pasok namin sa trabaho. Agad akong pumasok sa banyo at naligo na para naman hindi na ako makikipagsabayan sa kanila sa pagligo mamaya. Nang matapos ay agad na akong nagbihis ng pamasok ko sa trabaho at saka nagtungo sa kusina upang magluto.Alas kwatro pa lamang ng madaling araw kaya sigurado akong tulog pa ang mga nakitulog sa bahay ko. Maingat ngunit mabilis ang naging kilos ko sa pagluluto para hindi ko sila magising dahil sa ingay na nililikha ko sa kusina. Isang oras ang itinagal ko sa pagluluto at nang matapos ay kumuha na ako ng tupper ware upang maglagay ng baon ko na kanin. Naghanap na din ako ng tubigan sa aking kabinet upang hindi
"Bakla gising" nagising na lamang ako nang maramdaman ko ang pag-alog ng gumigising sa akin kaya napilitan akong magmulat "Baks andito ka na pala anong oras na ba?" mahinahong tanong ko dito at agad na bumangon "7 na bakla" tugon nito sa akin kaya napatingin ako dito dahil sa narinig "Napasarap pala ang tulog ko" mahina kong saad "Late ka na natapos sa trabaho kaya late ka na ding nagising at isa pa hindi ko na nakauwi sa bahay mo" mahabang wika nito sa akin kaya napaiwas ako dito nang tingin Agad akong nagtungo sa banyo na nandito at agad na naghilamos. Naramdaman ko pa na nakatingin sa akin si Alex pero hindi ko na lamang ito pinansin pa. Naghilamos at nagmumog na lamang ako bago lumabas nang banyo at agad na kumuha nang make up at pabango sa bag. Nag-apply ako nang make up upang matakpan ang aking pagkaputla habang pamango naman upang maging mabangong muli ang kasuotan ko."Tara na baks" maikling saad ko ko dito bago naunang lumabas nang silid na iyon Nakasalubong ko ang boss
Naalimpungatan ako na nang maramdaman ko ang paglutang ko sa ere ngunit wala akong lakas pa upang magmulat nang mga mata. Hinayaan ko na lamang itong dalhin ako kung saan dahil wala na akong lakas pa upang magreklamo sa bumuhat sa akin. Nakalimutan ko ang pakay ko kung bakit ako nagpunta sa opisina nang boss ko dahil sa sama nang pakiramdam ko.Naramdaman ko ang paglapat nang likod ko sa malambot na kama kaya mas lalo akong inaantok. Hinayaan ko ang sarili na makatulog dahil mas kailangan ko nang pahinga nagyon. Titiisin ko na lamang ang pamamahiya at panenermon sa akin ng head sa harap nang mga katrabaho ko dahil sa aking hindi natapos sa trabaho."Rest well Maria Katherine Velasquez" malambing na bulong nang isang tinig sa aking tenga bago ako kinumutan Agad akong tumagilid nang higa upang maging mas komportable sa pagtulog ko. Nang makaramdam nang ginaw ay agad akong tumagilid at binalot ang sarili sa kumot. Nagising ako na madilim na sa labas at hindi ko magawang makabangon pa.
Mataas na ang sikat nang araw sa labas nang magising ako kinabukasan at hindi pa din nagbabago ang pakiramdam ko. Wala din akong kasama dito sa silid kaya sinamantala ko ang pagkakataon upang lisanin ang silid na ito. Kahit na medyo nanghihina pa ako ay pinilit ko ang sarili na bumangon at maglakad patungo sa pinto. Nang buksan ko ay bumungad sa akin ang opisina na ni boss at isa lang ang ibig sabihin nito, nasa kompanya pa rin ako ngayon at dito na ako nakatulog. Nakita ko din ang aking bag na nakapatong sa middle table kaya agad akong tumungo roon upang kuhanin iyon. Kinuha ko ang bag ko at agad na nagsuklay pagkatapos ay nagsulat sa sticky note ko nang mensahe nang pasasalamat kay sir Mark.Agad na akong lumabas sa opisina at agad na nagtungo sa elevator at laking pasasalamat ko na walang tao ngayon na naliga dito. Agad akong bumaba sa first floor at nag-abang nang sasakyan sa tapat nang entrance. Nang may huminto sa tapat ko na taxi ay agad akong sumakay at nagpahatid sa tinutulu
Isang taon na simula nang magtrabaho ako sa DLC Enterprise bilang isang accountant. Madaming pagsubok din ang kinaharap ko sa buhay bago ako nakarating sa kinatatayuan ko ngayon. "Katherine sama ka samin mamaya sa bar" aya sa akin ni Miles na isa sa mga katrabaho ko sa department at naging kaibigan ko na rin. "Bakit anong ganap?" nakangiting tanong ko dito habang patuloy na nagtitipa sa harapan ng kompyuter ko "Birthday ni akla at nag-aya na magbar treat daw nya" tugon nito sa akin habang nakahalumbabang nakatingin sa akin "Sige minsan lang mag-aya si Alex kaya sulitin na natin" nakangiting sabi ko dito kaya agad itong napatalon sa tuwa Napailing na lamang ako sa inasal nang kaibigan ko bago muling itinuon ang atensyon sa trabaho ko. Madami kaming accountant sa kompanya ngunit mahigit na sampu ang kadalasang hindi nakakapasok. "Katherine kailangan ko ito mamaya bago mag-uwian" napatingala ako mula sa pagkakayuko ko ng marinig ang head namin at agad na kinuha ang folder
Unti-unti nang nagsidatingan ang mga katrabaho ko at bago magsimula sa trabaho ay nagpunta muna sila sa pantry upang magbanaw ng kape. Nakita ko ang mapanuring tingin sa akin ng mga kaibigan ko kaya napaiwas ako ng tingin sa mga ito. "Ang aga mong pumasok ngayon ah" nagtatakang saad sa akin ni Alexa pagkalapag ng gamit nito sa working table niya "Maaga lang akong nagising kaya nagdecide na lang akong pumasok ng maaga" paliwanag ko dito "Hindi ka ba nahirapang gumising or nagka hangover man lang?" nagtatakang tanong sa akin ni Alex noong dumaan ito sa cubicle ko "Nahirapan syempre at medyo masakit pa ang ulo ko pero need kong kumayod para may pera ako" saad ko sa mga ito na ikinatango naman nila "Sabagay tama ka naman" pagsang-ayon sa akin ni Miles Nang makaalis na sila sa tapat ng cubicle ko ay agad kong itinuon ang atensyon ko sa trabaho ho. Malapit ko na din namang matapos na maencode ang nasa files na ito. Kalahating oras ang itinagal ko sa pag-eencode nito dahil kail
Lumipas ang isang linggo ngunit hindi ko pa din nahahanap ang kwentas ko. Naging busy din ako sa trabaho kaya hindi ko na nagawang makabalik pa sa bar upang magbakasakaling makita ang lalaking iyon. Agad akong napabangon ng makaramdam ng pag-asim ng sikmura ko kaya agad akong nagtatakbo sa banyo ko. Agad akong sumuka ng sumuka ngunit hindi ko wala akong maisuka kundi puro laway lamang. Napaiyak na ako dahil sa pagsuka at napaupo na lamang ako sa sahig ng matapos sa pagsuka dahil sa nakaramdam ako ng panghihina. Nang makabawi ng lakas ay agad akong tumayo at naghilamos sa may sink dito sa loob. Tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin at nakita ko ang pagkaputla ko. Agad akong nagtungo sa aking kama dahil upang muling matulog dahil wala kaming pasok ngayong araw. Tanging ang mga nasa matataas lamang na posisyon ang papasok ngayon upang paghandaan ang pagpasok bukas ng anak ng boss namin.Agad akong nakaramdam ng antok kaya agad kong ipinikit ang mata ko at papatulog na sana ako ng ma