Alex's POV"Divorce papers na kailangan mong pirmahan Alex. Palayain mo na ako at hayaan mo na akong makahinga." Namilog ang mga mata ko sa gulat. Marahan akong napalunok. Para akong nabulunan dahil sa inihaing salita sa akin ni Juliana.Hihiwalayan niya ako bilang asawa niya? Hindi biro ang gagawin niya. Hindi pwedeng mangyari ang gusto niya.'Palayain mo na ako at hayaan mo na akong makahinga', iyon ang hinihiling niya sa akin. Ang kalayaan niya bilang asawa. Ang pakawalan ko siya para hindi ko na siya masakop pa. Hindi ko alam kung gaano ko siya nasaktan. Hindi ko alam kung gaano ko siya nadurog. "Isa lang ang kahilingan ko Alex. Palayain mo ako. Hayaan mo na akong makawala dahil hindi mo na ako asawa,"Nakatingin lamang ako sa envelope na ihinagis niya sa ibabaw ng table ko. Ito na ba ang wakas ng lahat? Ito na ba ang panahon para singilin niya ako? Bahagya akong napailing. Hindi maaaring mangyari 'to. Hindi pwede. Kung kailangan kong pigilan siya gagawin ko. Hindi niya pweden
Amelia's POVNapasulyap ako sa magara kong wristwatch. Sa pag-ikot ng oras. Hindi ko namamalayan ay labis na akong nananabik sa paghihintay ko sa asawa ko.Gumaan ang aking pakiramdam nang makita kong paparating na ang car ni Alex. Kapag nakikita ko na ang kaniyang sasakyan ay nakakahinga na ako ng maluwag.Kinuha ko ang payong para sunduin siya sa kaniyang sasakyan. Malakas kasi ang bugso ng ulan sa labas. May kasama itong pagdagundong.Bumaba siya ng sasakyan nang makita niya ako. Hindi man lang siya natuwa na nakita ako. Sa halip pagkauyam ang nakita ko sa mga labi niya nang umarko ang mga ito. Parang hindi niya ako asawa."Nag-abala ka pa. Dapat hindi mo na ginawa 'to. Nagpapagod ka lang Amelia." pagbigkas niya na kasing lamig ng panahon. Ang lamig ng pagkatao niya habang papasok kami ng mansion.Hindi naman siya ganito sa akin. Ewan ko kung ano ang nangyayari sa asawa ko? Hindi ko na maintindihan ang ikinikilos niya sa tuwing kasama ko siya. Marami ng pinagbago sa kaniya.Napabun
Briana's POV"Daddy!"Pumatak na lamang ang mga luha ko. Nanikip ang dibdib ko dahil sa nakikita ko kanina pa. Hindi ako makapaniwalang sinasaktan ni Daddy si Mommy.Inis na binitawan ni Daddy ni Mommy. Kita ko ang galit na lumiliyab sa kaniyang mga mata. Gusto niyang durugin ni Mommy sa kaniyang paningin."Narinig ko ang pinag-aawayan niyo ni Mommy Dad. Hindi po ako makapaniwalang nagiging magulo ang pamilyang 'to Daddy. Bakit niyo po hinahayaang masaktan si Mommy?" Nagtatanong lamang ang bawat tingin ko sa kaniya. Pumapatak ang mga luha sa aking mukha. Ang sakit-sakit sa pakiramdam. Parang dinudurog ang damdamin ko sa mga sandaling ito.Ang makita kong nag-aaway sila ni Mommy ay parang sinasakal ako sa leeg. Parang ayaw ko ng mabuhay pa sa mundo. Binabalot ng sakit at hapdi ang aking puso.Nakita kong napahikbi si Mommy sa pag-iyak. Nasasaktan siya. Napapunas rin siya ng kaniyang mga luha. Hindi niya mapigil ang kaniyang paghikbi."Mahal niyo po ba talaga kami Dad ni Mommy o napipi
Alyana's POV"Nasaan na ang divorce papers na ibinigay ko sayo Alyana? Napirmahan na ba ni Alex? Gusto kong makita iyon dahil hindi mo pa sa 'kin ibinabalik." Malamig na kumilos si Eduard sa harapan ko. Nakasuot siya ng long sleeve at black pants. Bagay na bagay sa kaniya ang kaniyang suot. Bumagay pa ito sa kaniyang haircut. Dahil sa suot niya ay nagmimistula siyang Mr. International. Naaamoy ko rin ang pabango niya. Ang lakas makahatak ng amoy niya. Yong tipong hindi ako magsasawa sa kaniyang bango araw-araw.Ito yong gusto sa kaniya. Simply but hot. Kaya nga siguro natutunan ko siyang mahalin. Natutunan ko siyang tanggapin."Hindi pa sa akin ibinabalik ni Alex. Hindi ko alam kung ano ang dahilan niya? Pero babalikan ko siya Eduard. Kakausapin ko uli siya."Hindi ko sinabi sa kaniya ang totoo na ayaw ni Alex na pirmahan ang divorce papers. Kailangan kong magsinungaling sa kaniya.Kailangan kong gawin ito para iiwas sila sa gulo. Alam kong minsan na silang nagtalo noon. Minsan na n
Abby's POV "Marcus! Marcus! Marcus!" malakas na hiyawan ng mga fans sa sport complex ng University. Nagkaupo lang ako habang pinapanuod ang mga basketball players. Oo, kasali na doon si Marcus. Isa rin siya sa mga varsity ng University. Hinihiyaw ang kaniyang pangalan dahil marami siyang fans sa campus. Nagtitilian ang mga ito. Hindi mapakali ang kaniyang mga fans. Minsan nga ang ilang sa mga fans niya ay nag-aaway pa malapitan at mahawakan lang si Marcus. Maraming tawag sa kaniya. Campus idol, crush ng campus at marami pang iba.Isa rin siya sa mga heartrobs ng University. Isa sa mga hinahangaan pagdating sa sports. Magaling kasi siya sa kahit anong larangan.Mula sa malayo natatanaw ko siyang tumatakbo habang dala niya ang bola. Basang-basa na siya sa kaniyang pawis. Ang hot niya tingnan."Marcus! Marcus! Marcus!" pagsigaw pa rin ng kaniyang mga fans. Ang ilan sa kanila ay may iwinawagay-way pa na tarpaulin. Ipinapakita nila kung gaano sila ka-supportive bilang fans ni Marcus.N
Amelia's POV"Well, well, well, ang ganda pa naman ng araw ko pero nasira lang. May dumating kasing masamang ihip ng hangin. Nakakalason, hindi tuloy ako makahinga."Napatigil si Alyana sa paglalakad. Tanging ingay ng kaniyang sandals ang maririnig sa apat na sulok ng Empire company. Nakakatakot naman ang kaniyang suot na sandals. Parang nang bubugaw ng kaniyang kasalubong. Dapat ba akong matakot? Nasorpresa siya nang makita ang pagmumukha ko. Parang nagtataka siya kung bakit nandito ako sa Empire company?Pwes! Siya naman talaga ang sinadya ko. Gusto kong guluhin ang tahimik niyang buhay. Gusto kong gawing itong isang impyerno dahil iyon ang gusto niya. Ang magkagulo ang pamilya namin."Ako ba ang pinaririnigan mo Amelia? Wala naman ibang tao rito ha. Ang ganda ng panahon masukal na agad ang naririnig ko sayo. Galing ka ba sa kalye? Kasi kasing baho ng kalye ang mga lumalabas sa bunganga mo."Bahagya akong natawa dahil sa mga paandar ni Alyana. Hindi na bago sa akin yon. Matinik si
Alyana's POV"Stop it!" "Ahhh! Hayop ka papatayin kita Alyana." dumagundong ang pagsigaw sa akin ni Amelia. Sumasabog siya sa sobrang galit."Stop it Amelia! Why are you here?" Hindi ko masilayan kung sinong lalaki dumadagundong ang bose para awatin kami. Pero malakas ang pakiramdam ko na siya Alex iyon. Kilala ko ang tunog ng boses niya.Buong lakas niya kaming pinaghiwalay ni Amelia ang kaniyang asawa. Namimilog ang kaniyang mga mata sa gulat. Hindi siya makapaniwalang naririto ang kaniyang asawa sa Empire company. Nagtatanong ang bawat galaw ng kaniyang mga mata.Sa puntong ito ay itinago ako ni Alex sa kaniyang likuran para hindi ako masugod ng kaniyang asawa. Ts. Hindi ko alam kung bakit ginagawa ito sa akin ni Alex? Huwag niyang sabihin na pinapaboran niya ako kaysa sa kaniyang asawa? Nanlilisik ang mga mata ni Amelia sa amin ni Alex. Nanunuklaw ang mga titig niya sa amin. Gusto niya kaming puluputan. Sasabog siya sa sobrang galit."Sige Alex! Siya ang kampihan mo. Yang babae
Amelia's POV"Are you out of mind para gawin mo 'yon Amelia? Pumunta ka pa talaga sa Empire company para doon ka manggulo? Who told you para pumunta ka doon?"Dumagundong ang boses ni Alex sa apat na sulok ng living room. Hindi pa ako nakakahinga pinagsisigawan niya na ako. Anong klasing asawa siya para hindi niya ako maintindihan? Hindi ko siya pinapahamak."Alam mo kung bakit ko iyon ginawa Alex? Ginawa ko 'yon kasi gusto kitang protektahan. Gusto kitang ingatan. Why you don't understand my side? Bakit ba?"Hindi dapat ako ang sisihin niya. Kung may dapat man sisihin sa lahat ay walang iba kundi ang Alyana na iyon. Siya ang nagsimula ng gulo. I hate her. Ako pa ngayon ang may kasalanan."What? Pinuprotektahan mo 'ko?" nakakalokong pagtanong sa akin ni Alex at natawa siya. "Para saan Amelia? Para sirain ang pagkatao ko? Para ipahiya ako sa kanila? Iyon ba ang ginagawa mo Amelia?"Malakas na napabuntong hininga si Alex. Nagsasalubong ang galit sa kaniyang emosyon. Isang kaaway ang ti