Abby's POV "Ahh, shit!" Bigla na lamang nanlaki ang mga mata ko sa kuryusidad nang tumilapon ang tray sa harapan ni Avery. Hindi ko alam kung saan galing ang tray na iyon dahil sa daming estudyante dito sa canteen. Catch attention ang eksena kaya ang lahat ng estudyante sa paligid ay napalingon sila sa amin. Kuryusidad ang nasa mga mata nila. "What happened ?" tanong ng iilan. All students forming around us para makipag-usisa sa nangyari. Bullying is free in this university kaya akala nila may binubully na naman. "Paharang-harang ka kasi sa dadaanan ng tao. Yon tuloy nagmukha kang pinaliguan ng sardinas," Oo, walang iba kundi si Briana. Ang anak ng kabit ng Dad ko. Napairap tuloy ito kay Avery habang diring-diri. Tila ikinatuwa niya ang nangyari. Napatingin ako sa uniform ni Avery. Nabuhusan ito ng juice at spaghetti. Nagmukha tuloy basahan ang hitsura niya. "Sa susunod tumingin ka naman sa dinadaanan mo! Tanga ba, bitch?" Nakita kong napairap pa ulit si Briana. Sekretong
"Hands off me!" singhal sa akin ni Briana nang awatin ko. Dumadagundong ang boses niya. Tila isa akong basura sa kaniyang mga mata para itaboy. Nanlalaki ang kaniyang mga mata sa pagkamuhi sa amin ni Avery. "Ipinagtatanggol mo siya? Isa ka pa din Abby. Tinatakpan mo ang kasinungalingan ng kapatid mo." sigaw sa pagmumukha ko ni Briana. Halos manuklaw siya sa sobrang galit. I shook my head. Hindi ko alam kung ano ang nagawa ko. Ganoon na lamang ang galit sa akin ni Briana. Naramdaman kong bahagyang pumatak ang mga luha ko. Hindi ko siya maunawaan. Halos durugin niya ako sa kaniyang mga tingin. Siguro kung isa lang akong basura? Siguro matagal na niya akong inapak-apakan. Is that the way her parents disciple her? Ang sama ng ugali niya. "Mga basura," pagsigaw ni Briana sa harapan namin. Napatingin ito sa kaniyang sarili. Puno ng dumi ang kaniyang uniform. Ngayon alam niya ang pakiramdam ang tapunan ng pagkain, ang maligo sa sauce ng spaghetti. Masakit at nakakahiya. Hindi
"Dahil sa ginawa niyo pwede kayong ma-kick-out or ma-suspended sa University Of Asia." Nasaharapan lamang kami ni Ms. Dean at pinagsesermonan na animo'y mga bata. Nakasalamin siya at medyo may edad na. Hindi ko pa rin maiwasan pumatak ang mga luha ko. Napalingon ako kay Avery, sa aking kapatid. Nakahawak lamang ito sa kaniyang dibdib para takpan ang sira at madungis niyang uniporme. Hindi rin ako nabigong sulyapan si Briana dahil kagagawan niya ito. Confident ito sa pagkakatayo niya at nakita ko pang pasekretong napairap. Hanggang ngayon masaya pa rin siya. Hindi siya natatakot kahit ma-kick-out or ma-suspended. Sabagay mayaman sila. Kahit saan niya gustuhin umaral ay mararating niya. Her parents willing to paid everything for her future. Pero sa isang tulad niyang bulok ang ugali kahit sinong university ay tatanggihan siya. Mabuti na lang galing siya sa mayamang pamilya dahil kung hind, baka kung saan siya pinulot ngayon dahil sa ugali niya. Dahil sa isang exclusive univ
Alyana's POV "What happened to her? Bakit ganiyan ang hitsura mo anak, Avery?" Nanlalaki ang mga mata ni Eduardo sa kuryusidad nang makita ang sitwasyon ng kaniyang anak. Kararating lang namin ng mansion. Hindi makaimik si Avery at Abby sa tanong ng kanilang ama. Walang emosyon lamang ang dalawa nang bumungad ng sala. "Ano ang nangyari sa kanila? Tell me? Bakit ganiyan ang hitsura ng anak natin, hon?" Sa pagkakataong hinarap ako ni Eduardo para alamin ang katotohanan. Ramdam kong hindi na siya mapakali sa kaniyang kinatatayuan. Alam kong sa puntong ito. Bilang ama si Eduardo ay kailangan niyang malaman kung ano ang katotohanan. Masakit ito sa kaniyang makitang parang pulubi si Avery sa hitsura. Kahit ako ay naaawa sa kalagayan ng anak namin. Nadudurog ang puso ko sa hitsura ni Avery. Para siyang pinaliguan ng putik. "What happened to her? Ano?" muling pagsulong ni Eduardo. May galit ito sa kaniyang mga mata. Sa palagay niya hinayaan ko lang ang anak namin na magkaganoon? Akala
"Ganoon ba talaga ang tingin mo sa akin? Isang maruming asawa? Walang karapatan maging malinis kahit minsan." Isinugod ko ang mga salitang iyon sa pagmumukha ni Eduardo. Hindi ko matanggap sa sarili kong tiningnan niya ako bilang maruming babae. Akala ko mahal niya ako? Akala ko hindi niya ako kayang masaktan? Akala ko nirerespeto niya ako bilang asawa? Akala ko matatanggap niya ang ako ng buo? Pero hindi pala! Isa palang kaladkarin na babae ang tingin niya sa akin bilang asawa. Ang sakit! Parang sinaksak at piniraso ang puso ko sa kirot. Para akong pinapatay ng sakit sa dibdib ko. Nanunumbalik tuloy ang lahat na nangyari sa akin. Nang mga panahong durog na durog ako. Mga panahong wala akong masasandalan na kahit sino? Isa ba itong pananginip? Nakakatakot naman! Sana'y magising ang puso kong naiidlip sa sakit! Hindi ko kayang harapin ang lahat ng ito. Pakiramdam ko nanlambot ang mga buto ko sa paa! Lubos akong nagsisisi! Ano bang klasing buhay ang pinasok ko? Is this hell? No!
Briana's POV "From now on, let break our friendship! Hindi na tayo magkaibigan Briana. Ituring mo na din akong isang estranghero sa buhay mo." Para akong sinaksak sa dibdib ng kutsilyo paulit-ulit. Hindi lang ako nasugatan ng mga salitang iyon. Para akong pinatay ng mga katagang iyon. Pumapatak lamang ang mga luha ko. Ang sakit sa dibdib ang mga sinabi sa akin ni Marcus. Tumatagos sa puso ang kirot at hapdi. Ang sakit-sakit. Hindi ko matanggap sa sarili ko. Sa mga segundong ito. Gusto niyang putulin ang pagiging magkaibigan namin? Gusto niyang wakasan ang lahat. Marahas kong hinawi ang mga luhang dumadaloy sa pisngi ko. Hindi ko mapigilan ang hindi mapahikbi ng malakas. I shook my head. Nakatingin lamang ako sa mga mata ni Marcus. Kita ko ang pagkainis sa kaniyang mapupulang mga labi. "Bakit gusto mong putulin ang pagiging magkaibigan natin Marcus? Tapatin mo nga ako. Mahalaga ba sila kaysa sa akin? Masbatimbang ba si Abby at Avery diyan sa puso mo?" Nakita kong umarko ang mga
Marcus's POV Nanlalaki ang mga mata ko sa pagkagulat dahil sa mga narinig ko. Hindi ako makapaniwala sa kauna-unahang pagkakataon. I shook my head. Naguguluhan lamang ang sarili ko. Gustong maawa ang puso ko sa kaniya pero hindi ko magawa. Nagalit ako dahil sa mga sinabi niya. "I'm sorry Marcus! Sana mapatawad mo ako! Sana matanggap mo parin ako. I know this is all my fault." Wala akong ibang marinig kundi ang paghingi niya ng kapatawaran sa ginawa niya. Gusto niyang isugod sa akin ang mga salitang iyon para maramdaman ko siya, para maintindihan ko siya. Umiiyak lamang siya sa harap ko. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakita kong umiyak siya ng ganito. She fell in love with me. Kaya pala napaka-possessive niya pagdating sa akin. Kaya pala hindi ko siya maintindihan kasi sobra na siyang nagseselos pagdating sa mga ikinikilos ko. I can't imagined that my best friend fell in love with me. Sa palagay ko hindi pagmamahal ang nararamdaman niya sa akin kundi isang obsession. Ku
Briana's POV "Malay ko bang nag-away sila Alex. So ako ngayon ang sinisisi mo? Bakit ako? Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo? Ako talaga ang may kasalanan sa lahat?" Papasok palang ako ng mansion naririnig ko na ang malakas na sigaw ni mommy. Ramdam ko ang sakit sa mga salitang galing sa kaniyang bibig. Hindi ako magkakamali na nag-aaway na naman sila ni Daddy Alex. Alam kong minsan na silang nagtalo at nagsisigawan sa bawat isa. Hindi nila alam na sa tuwing nag-aaway sila ay naririnig ko iyon. Pero alam ko naman na ayaw nila akong masangkot sa kanilang gulo. Sa kanilang away. "Nagiging magulo ang family na 'to Amelia dahil sayo. Kung hindi ka sana nakikialam sa mga likos ko? Wala sana tayong problema. Hindi sana nagkalintik-lintik ang buhay natin ngayon." Hindi ko sila maintindihan. Parang kung makapagsalita si Daddy kay mommy ay walang preno. Parang hindi nila asawa ang bawat isa. Ano bang nangyayari sa kanila? Naguguluhan ako! Hindi ko masikmura na unti-unting nababasa