“Hey stop it!” saway ni Santana sa mga bata habang patuloy pa rin siya nitong binabato. Tatlong bata iyon na tantiya niya ay nasa sampung taong gulang. Pinapangunahan ng babaeng mayroong maikling buhok ang mga bata na mukhang lider-lider-an ng mga ito. Ni sa hinagap ay hindi naisip ni Santana na mangbabato sa kaniya nang ganoon dahil sa galit—at mga bata pa. Ramdam na ramdam niya ang pagkamuhi ng mga ito sa kaniya na mas lalong nagliliyab dahil hindi pa rin siya umaalis.“Santana!” sigaw ni Gringo.“Tama na iyan, Kristel!” sigaw ng isang magandang babae habang pinapaulanan pa rin siya ng putik ng mga bata. Mukhang Kristel ang pangalan ng nangunguna sa mga bata. Natigil ang nga bata nang dumating ang babae kasabay niyon ang paghila sa kaniya ni Gringo palayo roon. Ang malilinis na kamay ng asawa ay narurumihan na ng putik dahil inaalis nito ang mga ito sa katawan niya pati sa kaniyang buhok. Kahit ang puti-puting damit ay nadudumihan na rin.Imbes na pasiklabin ang namumuong galit pa
“Wala ka talagang palabra de honor, Santana! Akala ko ba’y kailanman ay hindi ka na aapak sa bayang ito!” Sukdulan ang disgusto ni Santana Rios sa kaniyang sarili habang minamaniubra ang kaniyang sedan. Binabagtas niyon ang daan papunta sa Casa Monasterio—ang lugar na kinapopootan niya dahil nagpapaalala lamang ito kung paano nasira ang buhay niya. Humigpit ang hawak ni Santana sa manibela nang maisip kung paano siya pagtatawanan ng asawang si Gringo Monasterio. Ang mga mababagsik na salitang binato niya sa lalaki limang taon na ang nakakaraan ay kakainin niya sa oras na magharap sila muli. Hindi niya iyon matanggap pero dahil sa kaniyang ganid ay gagawin niya iyon para lang sa kapangyarihang minimithi niya sa Mort. Ang Mort ay isang eksklusibong sororidad na binubuo ng mga makapangyarihan at maimpluwensyang babae sa Pilipinas. Isa si Santana sa mga kandidato na maaaring mamuno sa organisasyon ngunit nalagay sa alanganin ang kaniyang kanditatura nang malaman ng samahan ang estado
“You will stoop so low in order to gain power. Ganiyan ka na ba talaga kadesperada?” nangagaalaiting untag ni Gringo nang matanto ang gustong mangyari ni Santana. Hindi ito makapaniwala sa kaniyang kondisyon. Isang ngiti ang namutawi sa labi ni Santana nang makita ang pagkamuhi para sa kaniya. Gustong-gusto niya ang nakikitang prustasyon sa kaniyang asawa matapos sambitin ang kaniyang kondisyon para sa inaasam nitong annulment.Kahit na annulled silang dalawa, kung mayroon silang anak ay sigurado siyang panalo pa rin siya. Nakatitiyak si Santana na siya pa rin ang papaburan ng pamilya ni Gringo na paboritong-paborito siya kung sakaling maikasal ito kay Bianca. Mas mapapasunod niya pa rin ito at mapaparusahan kahit annulled na silang dalawa. Hinding-hindi niya pa rin ito patatahimikin.Sa oras na magkaroon silang dalawa ni Gringo ng anak, batid niyang susundin lahat ng mga Monasterio ang mga kagustuhan niya. Sapat na ang suportang iyon para mapanatili ang koneksyon at impluwensyang ni
Matapos utusan ang mga kasambahay na linisan ang silid na tutulugan ni Santana, napagpasiyahan niya na pumunta sa terasa. Hindi sana ang mga ito susunod pero nadaan niya lang sa kaniyang awtoridad. Natanaw niya mula roon kung gaano binago ng modernisasyon ang bayang kinalakihan. Paunti-unti nang nawawala ang mga bakas ng makalumang estraktura at establisyemento.“Sa kabila ng kapabayaan mo bilang asawa, wala ka man lang naramdamang kahihiyan para bumalik pa rito.”Nilingon ni Santana si Maredes, isa itong may katandaan nang mayordoma ng mga Monasterio na tapat at napamahal na sa pinagsisilbihang pamilya. Kitang-kita niya ang nakalaang galit nito sa kaniya—parang kailan lang noong masayang-masaya ang matanda dahil ikakasal siya kay Gringo.“Labis-labis ang kahihiyang binigay mo kay Gringo tapos ngayong naisipan niyang magmahal muli ay babalik ka para guluhin siya.”Napahalakhak na lang si Santana sa tinuran ng matanda. Hindi na siya nagtataka kung kinamumuhian na siya nito gayung mabai
Chapter 4Kinaumagahan, hindi na mawala ang ngiti ni Santana sa kaniyang mukha nang malamang umiiyak na umalis si Bianca sa Casa Monasterio. Iniisip niya na nagkaroon ng pagtatalo si Gringo at ang kerida nito kaya ganoon na lang ang nangyari.“Duwag talaga. Mas pipiliin palagi ang pamilya niya kaysa sa mahal niya, huh?” napaiiling na sambit ni Santana habang maligayang kumakain ng umagahan. “Isang banta ko lang, tumiklop na siya agad?”“Masayang-masaya ka siguro ngayon dahil mayroong hindi pagkakaunawaan ang dalawa.” Muntik nang mabuga ni Santana ang iniinom niyang kape nang biglang nagsalita si Maredes. Mabuti na lang dahil napigilan niya ang sarili. Bakit kasi ito nagsasalita nang hindi man lang siya binabati ng magandang umaga? At talagang iyon pa ang ibubungad sa kaniya? Wala na bang konsiderasyon ang mayordoma sa kaniya na gustong-gusto niya noon?“Alam mo, matanda na si Gringo para magdesisyon. Kung desisyon niyang magkaanak kami, siya ang sisihin mo. Ayaw mo bang magkaanak kam
"Damn that bastard! He is so full of himself!” Halos sumabog na ang baga niya dahil kanina pa niya inuusal ang pagkadisgusto sa kaniyang asawa. Kung komportable lang sana siya sa suot nito ay papatulan niya talaga ang asawa. Paano siya makakalaban kung may panlaban itong mahaba’t malaking hindi niya raw naaapektuhang— “Damn it,” malutong niyang mura. Pakiramdam niya ay inaapakan ng kaniyang asawa ang pagiging babae niya. “Humanda talaga siya sa pasabog ko mamaya!”Napagpasiyahan ni Santana ang maligo para mapakalma ang kaniyang sarili. Matapos iyon ay inubos niya ang kaniyang oras sa pagpapaganda. Isang white high pants ang suot niya at butterfly crochet top. Tapos na siya sa pag-aayos, tinatali niya ang mahaba’t kulot niyang buhok nang bigla siyang kinatok ng isa sa mga kasambahay.“Ma’am Santana, nasa labas po si Mayor Connor sa baba. Hinihintay kayo.”Lumabas na siya’t nasasabik sa gagawin. Inimbitahan kasi siya ng kababata niyang si Connor Evangelista sa photoshoot ng mga kandida
“Okay ka lang? Pansin ko ang pananahimik mo,” tanong ni Connor kay Santana matapos kausapin nito ang tauhan na namumuno sa photoshoot. Katatapos lang niyon pero halos wala siyang pakailam dahil masyado siyang lunod sa iniisip.Simula nang makarating sila sa resort na pinagdausan ng photoshoot ay napapaisip si Santana tungkol sa mga sinabi ni Connor kanina. Akala niya’y napuksa na ang iringan ng kaniyang asawa at ng kaniyang kaibigan pero hindi. Mukhang naggagamitan lang ang dalawa dahil sa politika’t kapangyarihan. Hindi naman talaga ang mga ito magkaibigan talaga. Kahit na hindi naman iyon bago kay Santana ay hindi niya mapigilang mabigo. Hindi niya ring maiwasang mabahala sapagkat may nakakaalam ng sekreto ni Gringo. Natigil siya sa kaniyang pag-iisip nang matanto ang kaniyang pag-aalala.‘Wala na ako dapat pakialam sa lalaking iyon. Total ay magpapa-annul naman kami kinalaunan!” aniya sa kaniyang isip.“Siyempre naman. It’s been years since I saw the sea here. I couldn’t help but