Matapos utusan ang mga kasambahay na linisan ang silid na tutulugan ni Santana, napagpasiyahan niya na pumunta sa terasa. Hindi sana ang mga ito susunod pero nadaan niya lang sa kaniyang awtoridad. Natanaw niya mula roon kung gaano binago ng modernisasyon ang bayang kinalakihan. Paunti-unti nang nawawala ang mga bakas ng makalumang estraktura at establisyemento.
“Sa kabila ng kapabayaan mo bilang asawa, wala ka man lang naramdamang kahihiyan para bumalik pa rito.”Nilingon ni Santana si Maredes, isa itong may katandaan nang mayordoma ng mga Monasterio na tapat at napamahal na sa pinagsisilbihang pamilya. Kitang-kita niya ang nakalaang galit nito sa kaniya—parang kailan lang noong masayang-masaya ang matanda dahil ikakasal siya kay Gringo.“Labis-labis ang kahihiyang binigay mo kay Gringo tapos ngayong naisipan niyang magmahal muli ay babalik ka para guluhin siya.”Napahalakhak na lang si Santana sa tinuran ng matanda. Hindi na siya nagtataka kung kinamumuhian na siya nito gayung mabait ito sa kaniya noon.“Tama ba ang naririnig ko? Sinusuportahan mo siya sa pagtataksil niya sa akin? Baliktad na ata ang mundo.”Masyadong madaling basahin ang matanda. Mukhang nagulat at nainsulto ito dahil hindi nito inaasahan ang paraan ng pakikipag-usap niya. Malayong-malayo na kasi siya sa mahinhin, ubod ng bait at uto-u***g Santana.”Mabuti at marangal na babae si Bianca. Mahal na mahal niya si Gringo at kailanman ay hindi niya ito pinabayaan simula noong umalis ka," ani Maredes nang makabawi sa pagkagulat.Napailing na lang si Santana dahil sa mapangahas nitong pagkokompara sa kanilang dalawa ni Bianca. Kung alam lang sana nito ang ginawa ng kinakampihan para makaalis siya sa puder ni Gringo noon.“Isipin ninyo na ang gusto ninyo isipin. Hindi ninyo rin ako basta-basta mapapaalis dito. Asawa pa rin ako ni Gringo. Sa ngayon, sa akin lang ang asawa ko.”Bastos na kung bastos ngunit walang sabi-sabing iniwan niya ang matanda na marami pa sanang gusto isumbat sa kaniya. Habang tumatagal ay ramdam na ramdam niya na ang galit ng mga taong naroon sa mansyon sa kaniya. Hindi na rin siya magtataka kung pati ang mga alagang hayop ay galit din sa kaniya.“Martha, bakit ka napatawag?” tanong ni Santana sa nakababatang kapatid. Nasa loob na siya ng kaniyang bagong linis na silid nang tumawag ito.“Nasa Casa Monasterio ka raw?”“Oo.”“Nababaliw ka na ba!” untag ng kaniyang kapatid. Nahihimigan niya rin ang pagkataranta nito. “Alam mo ang plano ni Daddy na putulin na ang koneksyon sa kanila, hindi ba? Ano ang ginagawa mo riyan!”“Just trust me, okay? I won’t stay here for long. How’s Mommy?” pagkukumusta ni Santana sa inang nakaratay ngayon sa hospital. Noon, kung malalaman lang sana nito na nasa Casa Monasterio siya ay magbubunyi ito at aasang magkakaroon agad ng apo. Gustong-gusto kasi nito na magkaanak na sila ni Gringo.“Ganoon pa rin.”Napahinga nang maluwag si Santana sa sagot ng kapatid. May punyal na sumasaksak sa puso niya.“Alam ko na nagagalit ka dahil pinagtataksilan ka ng asawa mo pero huwag ka masyadong padalos-dalos diyan dahil baka ikasira iyon ng plano ni Daddy sa pamilyang iyan.”“Martha, hindi mo kailangang paalalahanan ako. Alam ko ang ginagawa ko. Please take care of Mommy for me, okay?”“Okay. Bago ko pala patayin ang call, Luis is looking for you. Sabihin ko ba kung nasaan ka? Hindi mo raw sinasagot ang tawag niya.”“Don’t. Let me handle him.” Pinatay niya na ang tawag matapos ang mahabang bilin sa kapatid.***“Gringo, ano ang gagawin natin? Alam mo ang mga patagong tira sa iyo ng manugang mo,” tanong ni Maredes kay Gringo habang naroon silang tatlo sa study room ng lalaki. Nagpasyang lapitan ng dalawa si Gringo na kanina pa napapaisip sa gustong mangyari ni Santana.Kinapopootan ni Gringo ang kaniyang asawa dahil sa limang taong pag-aabanduna nito sa kaniya. Sinubukan naman niyang maghintay at unawain ito pero umabot na siya sa kaniya ng limitasyon. Mas umalab ang kaniyang galit nang hindi nito pinirmahan ang annulment paper na binigay niya.Naagaw ang atensyon ni Gringo ng huling sinabi ng matanda. Kahit na nasa bakasyon si Gringo, alam niya ang nangyayari sa kompanya niya sa syudad na unti-unting pinapabagsak ng manugang niyang si Fernan Rios.Hindi niya mapigilang magalit sa mga Rios. Maganda ang pakikitungo ng pamilya niya rito noon pa man ngunit sa hindi malamang dahilan ay tila nagkaroon sila ng lamat. Hindi man iyon isinasatinig ng manugang niya kapag nagkikita sila sa kompanya, ramdam niya naman iyon. “Siguradong nandito iyon si Santana dahil sumusunod sa ama. Tanda mo naman ang sinabi ng asawa mo sa iyo noon bago umalis, hindi ba? Hindi niyon kakainin ang mga salita niya nang walang rason. Siguro’y wala nang nagawa dahil utos na ng ama,” sabi ni Maredes sa kaniya.Simula noong dumating ang asawa niyang si Santana sa mansyon, hindi na makapag-isip si Gringo ng mga hakbang na dapat niyang gawin. Sa loob ng limang taon, iyon pa ang unang pag-uusap nilang dalawa.“Sa tingin ninyo ba’y gugustuhin ni Tito Fernan ang magkaapo sa akin?”Natahimik ang matanda nang maalala ang nangyari sa ina ni Santana. Sa kabilang banda, hindi masabi ni Bianca kay Gringo ang tungkol sa organisasyong kinabibilangan nilang dalawa. Hindi kasi maaaring ilantad ang samahan sa ibang tao. Ayaw rin ni Bianca sabihin iyon sapagkat takot itong malaman ni Gringo ang bagay na iyon. Baka magbago ang tingin ni Gringo.“Kailangan na malaman natin kung bakit nandito si Santana. Sa pagkakakilala natin sa kaniya, hindi siya iyong taong basta-basta na lang kakainin ang salita nang walang rason,” ani Gringo.Hindi man niya kilala ang bagong Santana na nakaharap niya kanina, kompiyansa pa rin si Gringo na kahit papaano ay ang babae pa rin ang kababata niya—ang pinakasalan niya.“Kailangang ay malaman natin kung bakit talaga siya narito. Dapat may isa sa atin na dapat malaman iyon mula sa kaniya,” ani Maredes.“Let me do the—” Pinutol ni Gringo ang sasabihin ni Bianca na magboboluntaryo sana.“No. May trabaho ka pa sa Manila, Bianca. At sa relasyon ninyong dalawa, nakatitiyak ako na ipagkakait niyang malaman mo ang totoong rason.”“K-kung ganoon, sino ang gagawa niyon, Gringo?” kabadonv tanong nito.“Ako. Ako ang sadya niya rito at ako lang naman ang makakalapit sa kaniya.”“Pero—”Tumayo na siya at handa nang umalis. “Kailangang sakayan ko siya sa gusto niya mangyari, Bianca, nang sa ganoon ay malaman ko kung bakit siya nangugulo.”Umalis na si Gringo bago pa man makaangal si Bianca. Pagkatapos ay tumungo siya sa kaniyang kwarto para makaligo.Naalala niya bigla ang nangyari matapos ang kasal—bago lumisan ang babaeng pinakasalan niya. Hindi niya pa rin maintindihan kung bakit umalis ito, kung bakit hindi nito nagampanan ang pagiging asawa niya at kung bakit simula noong ikasal sila ay nagbago na ito. Kung alam niya lang na magbabago ang lahat sa oras na ikinasal silang dalawa, hindi na sana niya ito pinakasalan.Napakuyom na lang si Gringo nang maalala ang pang-aakusa sa mga mata ni Santana sa kaniya na para bang mayroon siyang ibang babae. Ang kapal ng mukha nitong pagbintangan siya gayung madalas itong makita kasama si Luis Roxas.“Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa akin. Sisiguraduhin kong hindi ka na makakaalis sa mansyong ito.”Chapter 4Kinaumagahan, hindi na mawala ang ngiti ni Santana sa kaniyang mukha nang malamang umiiyak na umalis si Bianca sa Casa Monasterio. Iniisip niya na nagkaroon ng pagtatalo si Gringo at ang kerida nito kaya ganoon na lang ang nangyari.“Duwag talaga. Mas pipiliin palagi ang pamilya niya kaysa sa mahal niya, huh?” napaiiling na sambit ni Santana habang maligayang kumakain ng umagahan. “Isang banta ko lang, tumiklop na siya agad?”“Masayang-masaya ka siguro ngayon dahil mayroong hindi pagkakaunawaan ang dalawa.” Muntik nang mabuga ni Santana ang iniinom niyang kape nang biglang nagsalita si Maredes. Mabuti na lang dahil napigilan niya ang sarili. Bakit kasi ito nagsasalita nang hindi man lang siya binabati ng magandang umaga? At talagang iyon pa ang ibubungad sa kaniya? Wala na bang konsiderasyon ang mayordoma sa kaniya na gustong-gusto niya noon?“Alam mo, matanda na si Gringo para magdesisyon. Kung desisyon niyang magkaanak kami, siya ang sisihin mo. Ayaw mo bang magkaanak kam
"Damn that bastard! He is so full of himself!” Halos sumabog na ang baga niya dahil kanina pa niya inuusal ang pagkadisgusto sa kaniyang asawa. Kung komportable lang sana siya sa suot nito ay papatulan niya talaga ang asawa. Paano siya makakalaban kung may panlaban itong mahaba’t malaking hindi niya raw naaapektuhang— “Damn it,” malutong niyang mura. Pakiramdam niya ay inaapakan ng kaniyang asawa ang pagiging babae niya. “Humanda talaga siya sa pasabog ko mamaya!”Napagpasiyahan ni Santana ang maligo para mapakalma ang kaniyang sarili. Matapos iyon ay inubos niya ang kaniyang oras sa pagpapaganda. Isang white high pants ang suot niya at butterfly crochet top. Tapos na siya sa pag-aayos, tinatali niya ang mahaba’t kulot niyang buhok nang bigla siyang kinatok ng isa sa mga kasambahay.“Ma’am Santana, nasa labas po si Mayor Connor sa baba. Hinihintay kayo.”Lumabas na siya’t nasasabik sa gagawin. Inimbitahan kasi siya ng kababata niyang si Connor Evangelista sa photoshoot ng mga kandida
“Okay ka lang? Pansin ko ang pananahimik mo,” tanong ni Connor kay Santana matapos kausapin nito ang tauhan na namumuno sa photoshoot. Katatapos lang niyon pero halos wala siyang pakailam dahil masyado siyang lunod sa iniisip.Simula nang makarating sila sa resort na pinagdausan ng photoshoot ay napapaisip si Santana tungkol sa mga sinabi ni Connor kanina. Akala niya’y napuksa na ang iringan ng kaniyang asawa at ng kaniyang kaibigan pero hindi. Mukhang naggagamitan lang ang dalawa dahil sa politika’t kapangyarihan. Hindi naman talaga ang mga ito magkaibigan talaga. Kahit na hindi naman iyon bago kay Santana ay hindi niya mapigilang mabigo. Hindi niya ring maiwasang mabahala sapagkat may nakakaalam ng sekreto ni Gringo. Natigil siya sa kaniyang pag-iisip nang matanto ang kaniyang pag-aalala.‘Wala na ako dapat pakialam sa lalaking iyon. Total ay magpapa-annul naman kami kinalaunan!” aniya sa kaniyang isip.“Siyempre naman. It’s been years since I saw the sea here. I couldn’t help but
“Hindi ka ba nag-iisip, Gringo? Hindi ka ba makapaghintay na makauwi ako roon para sagutin iyang tanong mo?” iritadong tanong ni Santana matapos nila tumigil sa may cottage. Walang tao roon na pagala-gala kaya roon siya tumigil para makapag-usap silang dalawa mag-asawa.Hindi mawala sa isip niya ang mga taong nakasaksi ng sagutan ng dalawa na kung hindi lang siya pumagitna ay baka nauwi na naman iyon sa suntukan kagaya noon. Hindi alam ni Santana kung posible pa iyon gayung malalaki na sila pero hindi niya pa rin inaalis ang posibilidad. Hindi basta-bastang mga mamamayan sina Gringo at Connor sa bayan nila. Batid niyang pagpipiyestahan iyon ng mga tao. “Bakit hindi? Alam mo kung gaano kahalaga ang plantasyong iyon sa mga Villaruel tapos bibilhin mo?” bigong tanong ng asawa sa kaniya. Kung makatingin ito sa kaniya ay para bang siya na ang pinakamasamang tao sa buong mundo.“May plano akong bilhin pero hindi ko pa sila nakakausap kung papayag sila,” pagkaklaro niya.Natawa nang pagak s
“Hey stop it!” saway ni Santana sa mga bata habang patuloy pa rin siya nitong binabato. Tatlong bata iyon na tantiya niya ay nasa sampung taong gulang. Pinapangunahan ng babaeng mayroong maikling buhok ang mga bata na mukhang lider-lider-an ng mga ito. Ni sa hinagap ay hindi naisip ni Santana na mangbabato sa kaniya nang ganoon dahil sa galit—at mga bata pa. Ramdam na ramdam niya ang pagkamuhi ng mga ito sa kaniya na mas lalong nagliliyab dahil hindi pa rin siya umaalis.“Santana!” sigaw ni Gringo.“Tama na iyan, Kristel!” sigaw ng isang magandang babae habang pinapaulanan pa rin siya ng putik ng mga bata. Mukhang Kristel ang pangalan ng nangunguna sa mga bata. Natigil ang nga bata nang dumating ang babae kasabay niyon ang paghila sa kaniya ni Gringo palayo roon. Ang malilinis na kamay ng asawa ay narurumihan na ng putik dahil inaalis nito ang mga ito sa katawan niya pati sa kaniyang buhok. Kahit ang puti-puting damit ay nadudumihan na rin.Imbes na pasiklabin ang namumuong galit pa
“Wala ka talagang palabra de honor, Santana! Akala ko ba’y kailanman ay hindi ka na aapak sa bayang ito!” Sukdulan ang disgusto ni Santana Rios sa kaniyang sarili habang minamaniubra ang kaniyang sedan. Binabagtas niyon ang daan papunta sa Casa Monasterio—ang lugar na kinapopootan niya dahil nagpapaalala lamang ito kung paano nasira ang buhay niya. Humigpit ang hawak ni Santana sa manibela nang maisip kung paano siya pagtatawanan ng asawang si Gringo Monasterio. Ang mga mababagsik na salitang binato niya sa lalaki limang taon na ang nakakaraan ay kakainin niya sa oras na magharap sila muli. Hindi niya iyon matanggap pero dahil sa kaniyang ganid ay gagawin niya iyon para lang sa kapangyarihang minimithi niya sa Mort. Ang Mort ay isang eksklusibong sororidad na binubuo ng mga makapangyarihan at maimpluwensyang babae sa Pilipinas. Isa si Santana sa mga kandidato na maaaring mamuno sa organisasyon ngunit nalagay sa alanganin ang kaniyang kanditatura nang malaman ng samahan ang estado
“You will stoop so low in order to gain power. Ganiyan ka na ba talaga kadesperada?” nangagaalaiting untag ni Gringo nang matanto ang gustong mangyari ni Santana. Hindi ito makapaniwala sa kaniyang kondisyon. Isang ngiti ang namutawi sa labi ni Santana nang makita ang pagkamuhi para sa kaniya. Gustong-gusto niya ang nakikitang prustasyon sa kaniyang asawa matapos sambitin ang kaniyang kondisyon para sa inaasam nitong annulment.Kahit na annulled silang dalawa, kung mayroon silang anak ay sigurado siyang panalo pa rin siya. Nakatitiyak si Santana na siya pa rin ang papaburan ng pamilya ni Gringo na paboritong-paborito siya kung sakaling maikasal ito kay Bianca. Mas mapapasunod niya pa rin ito at mapaparusahan kahit annulled na silang dalawa. Hinding-hindi niya pa rin ito patatahimikin.Sa oras na magkaroon silang dalawa ni Gringo ng anak, batid niyang susundin lahat ng mga Monasterio ang mga kagustuhan niya. Sapat na ang suportang iyon para mapanatili ang koneksyon at impluwensyang ni