Chapter 4
Kinaumagahan, hindi na mawala ang ngiti ni Santana sa kaniyang mukha nang malamang umiiyak na umalis si Bianca sa Casa Monasterio. Iniisip niya na nagkaroon ng pagtatalo si Gringo at ang kerida nito kaya ganoon na lang ang nangyari.“Duwag talaga. Mas pipiliin palagi ang pamilya niya kaysa sa mahal niya, huh?” napaiiling na sambit ni Santana habang maligayang kumakain ng umagahan. “Isang banta ko lang, tumiklop na siya agad?”“Masayang-masaya ka siguro ngayon dahil mayroong hindi pagkakaunawaan ang dalawa.”Muntik nang mabuga ni Santana ang iniinom niyang kape nang biglang nagsalita si Maredes. Mabuti na lang dahil napigilan niya ang sarili. Bakit kasi ito nagsasalita nang hindi man lang siya binabati ng magandang umaga? At talagang iyon pa ang ibubungad sa kaniya? Wala na bang konsiderasyon ang mayordoma sa kaniya na gustong-gusto niya noon?“Alam mo, matanda na si Gringo para magdesisyon. Kung desisyon niyang magkaanak kami, siya ang sisihin mo. Ayaw mo bang magkaanak kami?” naglalaro ang tono ng kaniyang boses nang itanong iyon sa matanda.“Wala akong problema sa anak pero ikaw? Bilang ina? Alam kong magiging pabaya ka," ani Maredes na hinuhusgahan na agad siya hindi pa man siya nagiging ina.Batid niyang sinisira lang ng matanda ang umaga niya kaya pinili niyang huwag magpaapekto sa mga tirada nito. Nginitian niya na lang ito na mas nagpairita sa matanda.“Wala akong pakailam sa opinyon mo," mariin niyang sabi.Bago pa makapagsalita ang matandang mayordoma ay umalis na siya, sinadya ang pagbangga. May pahabol na komento pa sana ito pero dumaan lang iyon sa kaniyang kabilang tainga.Babalik na sana si Santana sa kaniyang silid nang marinig ang boses ng kaniyang asawang si Gringo, nagmumula ang ingay na iyon silid nito na nakaawang. Hindi niya tinuloy ang unang binabalak na pagpasok sa silid bagkus, tinaluntun niya ang daan papunta sa silid na iyon.Nakatingin si Gringo sa labas ng bintana habang nakapameywang na sinasagot ang tawag sa telepono. Napasandal si Santana sa haligi ng pinto at pinagkrus ang kaniyang mga braso sa ibabaw ng kaniyang dibdib.Tanging tuwalya lang ang nakatapis sa hubo’t hubad na katawan ni Gringo. Halatang katatapos lang nito maligo dahil kitang-kita niya ang pagdausdaus ng tubig sa makisig na katawan nito. Hindi niya mapigilang mapalunok sa maraming pisikal na pinagbago ng katawan ng asawa. Daig pa nito ang isang modelo sa sikat na magazine. Hindi na siya magtataka kung bakit marami pa rin ang nagkakandarapa sa lalaki kahit may asawa na.Napatawa na lang siya nang pagak nang maalala niya na sa huwes nga lang pala sila kinasal. Piling mga tao lang ang nakakaalam ng relasyon nilang dalawa. At hindi na siya magtataka kung tinatanggi siya ng asawa.“Yes, Dad. She’s here,” ani Gringo habang hinihilot ang kaniyang sentido.“That’s good to know, son. It is better to build intimate relationship to wife. I know, you are product of arranged marraige but she used to be fond of you.”“Dad—”“Extend your vacation. Let your brother handle the company. I know he’s young but Vernon can manage.”Huminga nang malalim si Gringo matapos marinig iyon. Alam ni Santana na malaki ang tiwala ng asawa sa kapatid. Siguro’y ayaw lang pahabain ang bakasyon dahil nasa Casa Monasterio siya.“I already did,” ani Gringo. “I’ll call you about the progress of the plantation.”“Bakit kailangan mo pang paalisin si Bianca kagabi gayung puwede niya naman tayong panooring magsiping,” nanunuyang sambit ni Santana sa asawa matapos patayin nito ang tawag.“What the fuck are you doing here!” bulyaw nito sa kaniya. Natawa si Santana sa reaksyon ng asawa. Kung makaakto ito ay para bang hindi ito pinapahawak ng lalaki noon sa kaniya.“Kailan ka pa naging konserbatibo? Sa lahat ng tao ay sa akin mo pa talaga iyan ipagdadamot,” panunuya niya saka umupo sa malambot na kama ng lalaki. Pinagkrus niya ang kaniyang mga hita at tuluyang inakupa ang personal na espasyo nito. “Ilang taon ko rin iyan hindi nasisilayan, hindi mo man lang ba ako pagbibigyan?”“Cut the crap, Santana. Ano ang karapatan mong pumasok sa kwarto ko?” parang kulog ang boses na sigaw ni Gringo.“I am your wife. I am your other half,” matapang niyang sambit kahit pinaghaharian na siya ng takot. Mukhang napuputol na niya ang manipis na pasensya ng asawa.“Wife?” Natawa nang pagak ang asawa. “You don’t deserve to be called as wife. If I only know that you are up to no good, I should have rejected you.”Tila galtiyo ang sinabi ni Gringo na nagpaalab ng kaniyang galit.“Hindi ko alam kung saan mo nakukuha ang kakapalan ng mukha mo, Gringo,” aniya. “You lured me. You thought you can control me then now you are complaining?’“What the fuck are you talking about?” naguguluhang tanong nito sa kaniya.“Don’t act like you don’t know anything, bastard.”“Don’t turn the tables, Santana. It’s you who ruined this marraige in the first place. I don’t understand why you didn’t sign the papers I’ve given to you!”Tumayo na si Santana bago pa siya pumutok na parang bulkan. Babagtasin na sana niya ang daan papunta sa labas ng silid nang hinuli siya ni Gringo saka idiniin sa pader.Naghuhuramentado ang puso ni Santana dahil sa liit ng distansya nilang dalawa. Kahit naka-air conditioner naman ang silid ng binata ay bigla siyang pinagpawisan. Masyadong nakakadala ang init ng asawa niya na dumadampi sa kaniyang balat. Ang pamilyar na damdaming kay tagal niyang kinalimutan ay biglang umusbong. Hindi niya iyon matanggap.“Why are you leaving, my butterfly? Scared to know the truth?”Kahit na gusto nang umalpas ng puso ni Santana sa loob ng dibdib niya ay pinakalma niya ang sarili at nagsalita. Hindi siya makapapayag na manalo ang lalaki sa argumento nilang dalawa.“I know you’ve already made your own fucking version. I have so many things to do than to listen to your lies!”“How can the truth have different versions, Santana?”Tiningnan niya ang lalaki nang masama nang nagsisimulang maglakbay ang kamay nito sa kaniyang hita.“You will not accept my condition if you are telling the truth.”Napahalakhak muli ang lalaki sa kaniyang tinuran na para bang nakakatawang biro iyon. Nagtagis na lang ang kaniyang bagang sa reaksyon nito.Labis ang gulat ni Santana nang bigla na lang dinala ang kaniyang kamay ni Gringo sa maumbok na parte ng kaniyang hita. Ramdam niya ang laki at haba niyon kahit na may pumapagitnang tuwalya sa pagitan ng kamay niya at pag-aari nito. Mas lalo siyang pinagpawisan, bakit mas malaki na ito kumpara sa nahawakan niya noon?“What the hell are you doing?” nahihisteryang tanong ni Santana. Gusto niyang alisin ang kaniyang kamay peri masyadong malakas ang puwersa ng asawa kaya hindi niya iyon matanggal.“How can I get you pregnant if you can’t turn me on?” pang-iinsulto ng lalaki sa kaniya dahilan para itulak niya ito.Puno ng pang-uuyam ang lalaki sa kaniya nang makita ang apektado niyang reaksyon. Isang ngisi pa ang namutawi sa mga labi nito dahilan ng pagsiklan pa ng kaniyang galit.Siyempre, hindi siya makapapayag na aalis siyang talo!“Right, how can we have a baby if it’s small? Shall I refuse to give you a special option and drag you instead? I know men out there can satisfy me more!”“You fucking slu—”“Don’t fucking push my buttons, Gringo. I am not the same Santana you know. You are under my mercy so don’t you dare to provoke me!”Bago pa makapagsalita ang lalaki ay umalis na siya roon habang ramdam na ramdam pa rin niya ang kahabaan at kalakihan ng pag-aaru nitong hindi niya raw maapektuhan.‘Humanda ka, Gringo! Huwag mo ako basta-bastang hinahamon! Sisiguraduhin ko na maglalaway ka muna bago mo ako matikman!”***"Damn that bastard! He is so full of himself!” Halos sumabog na ang baga niya dahil kanina pa niya inuusal ang pagkadisgusto sa kaniyang asawa. Kung komportable lang sana siya sa suot nito ay papatulan niya talaga ang asawa. Paano siya makakalaban kung may panlaban itong mahaba’t malaking hindi niya raw naaapektuhang— “Damn it,” malutong niyang mura. Pakiramdam niya ay inaapakan ng kaniyang asawa ang pagiging babae niya. “Humanda talaga siya sa pasabog ko mamaya!”Napagpasiyahan ni Santana ang maligo para mapakalma ang kaniyang sarili. Matapos iyon ay inubos niya ang kaniyang oras sa pagpapaganda. Isang white high pants ang suot niya at butterfly crochet top. Tapos na siya sa pag-aayos, tinatali niya ang mahaba’t kulot niyang buhok nang bigla siyang kinatok ng isa sa mga kasambahay.“Ma’am Santana, nasa labas po si Mayor Connor sa baba. Hinihintay kayo.”Lumabas na siya’t nasasabik sa gagawin. Inimbitahan kasi siya ng kababata niyang si Connor Evangelista sa photoshoot ng mga kandida
“Okay ka lang? Pansin ko ang pananahimik mo,” tanong ni Connor kay Santana matapos kausapin nito ang tauhan na namumuno sa photoshoot. Katatapos lang niyon pero halos wala siyang pakailam dahil masyado siyang lunod sa iniisip.Simula nang makarating sila sa resort na pinagdausan ng photoshoot ay napapaisip si Santana tungkol sa mga sinabi ni Connor kanina. Akala niya’y napuksa na ang iringan ng kaniyang asawa at ng kaniyang kaibigan pero hindi. Mukhang naggagamitan lang ang dalawa dahil sa politika’t kapangyarihan. Hindi naman talaga ang mga ito magkaibigan talaga. Kahit na hindi naman iyon bago kay Santana ay hindi niya mapigilang mabigo. Hindi niya ring maiwasang mabahala sapagkat may nakakaalam ng sekreto ni Gringo. Natigil siya sa kaniyang pag-iisip nang matanto ang kaniyang pag-aalala.‘Wala na ako dapat pakialam sa lalaking iyon. Total ay magpapa-annul naman kami kinalaunan!” aniya sa kaniyang isip.“Siyempre naman. It’s been years since I saw the sea here. I couldn’t help but
“Hindi ka ba nag-iisip, Gringo? Hindi ka ba makapaghintay na makauwi ako roon para sagutin iyang tanong mo?” iritadong tanong ni Santana matapos nila tumigil sa may cottage. Walang tao roon na pagala-gala kaya roon siya tumigil para makapag-usap silang dalawa mag-asawa.Hindi mawala sa isip niya ang mga taong nakasaksi ng sagutan ng dalawa na kung hindi lang siya pumagitna ay baka nauwi na naman iyon sa suntukan kagaya noon. Hindi alam ni Santana kung posible pa iyon gayung malalaki na sila pero hindi niya pa rin inaalis ang posibilidad. Hindi basta-bastang mga mamamayan sina Gringo at Connor sa bayan nila. Batid niyang pagpipiyestahan iyon ng mga tao. “Bakit hindi? Alam mo kung gaano kahalaga ang plantasyong iyon sa mga Villaruel tapos bibilhin mo?” bigong tanong ng asawa sa kaniya. Kung makatingin ito sa kaniya ay para bang siya na ang pinakamasamang tao sa buong mundo.“May plano akong bilhin pero hindi ko pa sila nakakausap kung papayag sila,” pagkaklaro niya.Natawa nang pagak s
“Hey stop it!” saway ni Santana sa mga bata habang patuloy pa rin siya nitong binabato. Tatlong bata iyon na tantiya niya ay nasa sampung taong gulang. Pinapangunahan ng babaeng mayroong maikling buhok ang mga bata na mukhang lider-lider-an ng mga ito. Ni sa hinagap ay hindi naisip ni Santana na mangbabato sa kaniya nang ganoon dahil sa galit—at mga bata pa. Ramdam na ramdam niya ang pagkamuhi ng mga ito sa kaniya na mas lalong nagliliyab dahil hindi pa rin siya umaalis.“Santana!” sigaw ni Gringo.“Tama na iyan, Kristel!” sigaw ng isang magandang babae habang pinapaulanan pa rin siya ng putik ng mga bata. Mukhang Kristel ang pangalan ng nangunguna sa mga bata. Natigil ang nga bata nang dumating ang babae kasabay niyon ang paghila sa kaniya ni Gringo palayo roon. Ang malilinis na kamay ng asawa ay narurumihan na ng putik dahil inaalis nito ang mga ito sa katawan niya pati sa kaniyang buhok. Kahit ang puti-puting damit ay nadudumihan na rin.Imbes na pasiklabin ang namumuong galit pa
“Wala ka talagang palabra de honor, Santana! Akala ko ba’y kailanman ay hindi ka na aapak sa bayang ito!” Sukdulan ang disgusto ni Santana Rios sa kaniyang sarili habang minamaniubra ang kaniyang sedan. Binabagtas niyon ang daan papunta sa Casa Monasterio—ang lugar na kinapopootan niya dahil nagpapaalala lamang ito kung paano nasira ang buhay niya. Humigpit ang hawak ni Santana sa manibela nang maisip kung paano siya pagtatawanan ng asawang si Gringo Monasterio. Ang mga mababagsik na salitang binato niya sa lalaki limang taon na ang nakakaraan ay kakainin niya sa oras na magharap sila muli. Hindi niya iyon matanggap pero dahil sa kaniyang ganid ay gagawin niya iyon para lang sa kapangyarihang minimithi niya sa Mort. Ang Mort ay isang eksklusibong sororidad na binubuo ng mga makapangyarihan at maimpluwensyang babae sa Pilipinas. Isa si Santana sa mga kandidato na maaaring mamuno sa organisasyon ngunit nalagay sa alanganin ang kaniyang kanditatura nang malaman ng samahan ang estado
“You will stoop so low in order to gain power. Ganiyan ka na ba talaga kadesperada?” nangagaalaiting untag ni Gringo nang matanto ang gustong mangyari ni Santana. Hindi ito makapaniwala sa kaniyang kondisyon. Isang ngiti ang namutawi sa labi ni Santana nang makita ang pagkamuhi para sa kaniya. Gustong-gusto niya ang nakikitang prustasyon sa kaniyang asawa matapos sambitin ang kaniyang kondisyon para sa inaasam nitong annulment.Kahit na annulled silang dalawa, kung mayroon silang anak ay sigurado siyang panalo pa rin siya. Nakatitiyak si Santana na siya pa rin ang papaburan ng pamilya ni Gringo na paboritong-paborito siya kung sakaling maikasal ito kay Bianca. Mas mapapasunod niya pa rin ito at mapaparusahan kahit annulled na silang dalawa. Hinding-hindi niya pa rin ito patatahimikin.Sa oras na magkaroon silang dalawa ni Gringo ng anak, batid niyang susundin lahat ng mga Monasterio ang mga kagustuhan niya. Sapat na ang suportang iyon para mapanatili ang koneksyon at impluwensyang ni
Matapos utusan ang mga kasambahay na linisan ang silid na tutulugan ni Santana, napagpasiyahan niya na pumunta sa terasa. Hindi sana ang mga ito susunod pero nadaan niya lang sa kaniyang awtoridad. Natanaw niya mula roon kung gaano binago ng modernisasyon ang bayang kinalakihan. Paunti-unti nang nawawala ang mga bakas ng makalumang estraktura at establisyemento.“Sa kabila ng kapabayaan mo bilang asawa, wala ka man lang naramdamang kahihiyan para bumalik pa rito.”Nilingon ni Santana si Maredes, isa itong may katandaan nang mayordoma ng mga Monasterio na tapat at napamahal na sa pinagsisilbihang pamilya. Kitang-kita niya ang nakalaang galit nito sa kaniya—parang kailan lang noong masayang-masaya ang matanda dahil ikakasal siya kay Gringo.“Labis-labis ang kahihiyang binigay mo kay Gringo tapos ngayong naisipan niyang magmahal muli ay babalik ka para guluhin siya.”Napahalakhak na lang si Santana sa tinuran ng matanda. Hindi na siya nagtataka kung kinamumuhian na siya nito gayung mabai