Share

Hidden Marriage: Billionaire's Despised Wife
Hidden Marriage: Billionaire's Despised Wife
Author: Persephona

Chapter 1: Condition

“Wala ka talagang palabra de honor, Santana! Akala ko ba’y kailanman ay hindi ka na aapak sa bayang ito!”

Sukdulan ang disgusto ni Santana Rios sa kaniyang sarili habang minamaniubra ang kaniyang sedan. Binabagtas niyon ang daan papunta sa Casa Monasterio—ang lugar na kinapopootan niya dahil nagpapaalala lamang ito kung paano nasira ang buhay niya.

Humigpit ang hawak ni Santana sa manibela nang maisip kung paano siya pagtatawanan ng asawang si Gringo Monasterio. Ang mga mababagsik na salitang binato niya sa lalaki limang taon na ang nakakaraan ay kakainin niya sa oras na magharap sila muli. Hindi niya iyon matanggap pero dahil sa kaniyang ganid ay gagawin niya iyon para lang sa kapangyarihang minimithi niya sa Mort.

Ang Mort ay isang eksklusibong sororidad na binubuo ng mga makapangyarihan at maimpluwensyang babae sa Pilipinas. Isa si Santana sa mga kandidato na maaaring mamuno sa organisasyon ngunit nalagay sa alanganin ang kaniyang kanditatura nang malaman ng samahan ang estado ng kaniyang asawa at ni Bianca Tiu—ang mainit niyang kakompetensya sa eleskyon.

“Sisiguraduhin kong magdudusa kayo dahil ginawa ninyo akong katatawanan,” nagagalaiti niyang sabi matapos sulyapan ang mga litratong punit-punit nina Bianca at Gringo.

Ilang beses nakunan sina Gringo ang Bianca sa mga eksklusibong club at hotel ng tauhan niya—dahilan iyon para humina ang kaniyang impluwensya na makaaapekto sa eleskyon. Malakas ang kutob ni Santana na pinagkakaisahan siya ng dalawa at kailangan niyang puksain ang pagsasanib-puwersa ng mga ito. Iyon ang dahilan kung bakit wala siyang pagpipilian kung hindi ang bumalik sa Casa Monasterio.

Halo-halong emosyon ang naramdaman ni Santana nang tumigil siya sa matayog at gawa sa tanso na tarangkahan ng Monasterio. Imbes bigyan ng panahon ang pagbabalik-tanaw at paglasap ng mga sari-saring emosyong iyon ay tinahak na niya ang daan papunta sa loob.

“Ma’am Santana?” windang na tanong ng pamilyar na kasambahay. Tinapunan niya lang ito ng isang blankong tingin at inabot ang susi ng kotse.

“Pakilagay ng mga gamit ko sa kwarto at pakilipat ng kotse sa garahe,” utos ni Santana.

Magsasalita pa sana ito nang nagsimula na siyang pumanhik sa hagdan, sinusundan kung saan galing ang pamilyar na halakhak ng kaniyang asawa. Batid niya na kinasusuklaman siya ng mga tao sa mansyong iyon pero wala siyang pakailam—siya pa rin ang legal na asawa ni Gringo.

“Nice shot, Gringo,” malanding papuri ni Bianca Tiu. Narinig iyon ni Santana nang tumigil siya sa silid kung saan madalas tumambay ang asawa para maglaro ng bilyar. Kumunot ang noo ni Bianca nang namataan siya nito, makapal ang apog na parang naiinis pa ito sa kaniyang presensya.

Nagbago ang ekspresyon ni Bianca at nanunudyo na siya nitong tinitingnan. Hinawakan pa ng kirimpot na babae ang makisig na likod ng kaniyang asawa na nanadyang insultuhin siya.

Kung hindi lang napipinid ni Santana ang kaniyang sarili na hampasin nang walang tigil si Bianca ng tako ay baka nakahandusay na ito sa sahig. Halatang pinapatagis nito ang kaniyang bagang dahil sa lantarang panglalandi nito sa kaniyang asawa.

Nilipat na lang ni Santana kay Gringo ang kaniyang atensyon. Humahalakhak ang kaniyang asawa sa mga papuri at biro ng mga negosyanteng kalaro sa bilyar. Pinapadulas ng lalaki ang dulo ng tako sa hawak na parisukat na pulbos. Masyado nang sinuswerte si Gringo sa pustahan kasama ang mga kasyosyo—dahil siguro iyon sa mga sekswal na paghaplos ni Bianca!

Matapos yumuko at tantiyahin ang tamang anggulo, isang swabeng pwersa ang pinakawalan ni Gringo para matira ang pamato na naging dahilan para makapasok ang itim na bola.

“See? I told you a while ago to exclude me from the game. It seems like you’ll be sending a million to my account,” mayabang na sabi ni Gringo na tinawanan ng mga kalaro. Pinasadahan ng lalaki ng kaniyang daliri ang itim nitong wolf-style na buhok at muling napahalakhak.

“Ibang klase ka talaga, Gringo!”

“Akala ko naman ay pagbibigyan mo kami."

“Huwag na kayo magtaka kay Gringo. Magaling talaga siya magpa-shoot,” makahulugang sambit ni Bianca at pinisil-pisil ang matigas na braso ng kaniyang asawa. Isang ngisi lang ang namutawi sa labi ni Gringo at napailing.

“Magaling lang naman si Gringo kung may pampadulas pero kung wala? Paniguradong may sabit iyan,” pasaring ni Santana sa asawa dahilan para makuha niya ang atensyon ng mga taong naroon. “I know because I’m his legal wife, right Bianca?”

Alam ng mga taong naroon ang gustong palabasin ni Santana sa kaniyang komento. Isang pang-iinsulto iyon sa pagkalalaki ng kaniyang asawa at pang-uuyam sa kirimpot na kerida nito.

Dumilim ang mukha ni Gringo nang masilayan siya kasabay nang pagtagis ng bagang. Limang taon na rin ang nakalilipas simula nang masilayan nila ang isa’t isa nang personal at iyon pa ang binungad niya. Hindi si Santana nagsisisi sa mga isinatinig niya datapwa’t nasisiyahan siya sa reaksyon ng dalawa.

“What the fuck are you doing here!” marahas at malutong na mura ni Gringo nang itanong iyon. Tila kulog iyon na dumagundong sa silid. Palatandaan iyon sa mga taong naroon para lumisan at hayaan silang dalawa. Isa lang naman ang nangahas na magpaiwan at iyon ay walang iba kung hindi si Bianca.

“Ano ba ang ginagawa mo rito? Bakit ka nanggugulo? Pagkatapos mong umalis ng ilang taon ay babalik ka na parang walang nangyari!” nahihisteryang sigaw ni Bianca sa kaniya. “He’s not your husband anymore, Santana! He already filed an annulment! Wala na kayo!”

“Ibang klase ka rin, ‘no? Alam kong propesor ka pero hindi ko akalain na ganiyan ka katanga. Sa natatandaan ko ay wala akong pinipirmahang annulment paper.”

“Gringo will make a way to kick you out of his life!”

“At sa tingin mo’y hahayaan ko iyon mangyari habang masaya kayong dalawa? Over my dead body, Bianca.”

Susugurin sana ni Bianca si Santana ngunit mariin itong hinawakan ni Gringo. Makahulugan itong tiningnan ng kaniyang asawa. Hindi mapigilan ni Santana mapansin ang lalim ng pagsasama ng dalawa na kahit walang binibigkas na mga salita ay para bang nagkaiintindihan na ang mga ito. Naikuyom niya na lang ang kaniyang mga kamay. Kitang-kita rin niya na gusto pa sanang manatili ni Bianca pero umalis ito roon at iniwan silang dalawa ni Gringo.

“Answer my damn question, Santana. Why are you here?” mariing tanong ni Gringo sa kaniya. Ramdam ni Santana na pinipinid lamang ng lalaki ang galit na gustong umalpas palabas sa dibdib nito. “Huwag mong sabihing sabik ka sa akin kaya ka nandito.”

“Paano kung ganoon na nga, Gringo? Pagbibigyan mo ba ako?” malambing niyang tanong at malagkit na tumingin sa asawa. Nanlalaki ang mga mata niya nang marahas itong lumapit sa kaniya dahilan lara umatras siya.

“I am not kind, Santana. I know you know that,” nagbabantang sabi nito.

Hindi pinansin ni Santana ang naghuhuramentado niyang puso na epekto ng lalaki sa kaniya. Bagkus ay nginisihan niya lang ito para mas lalo itong magtagis.

“And why are you not yet signing the document? You are just making our lives miserable.”

Naalala niya ang pinadala nito na hindi pinansin. Ang kapal nitong manguna sa pagpapa-annul ng kanilang kasal gayung ang pamilya nito ang may pakana niyon?

“Pipirmahan ko lang iyon sa isang kondisyon,” seryosong sabi niya sa lalaki.

“What’s your condition?”

“Buntisin mo ako.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status