Share

Chapter 5: Demon

"Damn that bastard! He is so full of himself!” Halos sumabog na ang baga niya dahil kanina pa niya inuusal ang pagkadisgusto sa kaniyang asawa. Kung komportable lang sana siya sa suot nito ay papatulan niya talaga ang asawa. Paano siya makakalaban kung may panlaban itong mahaba’t malaking hindi niya raw naaapektuhang—

“Damn it,” malutong niyang mura. Pakiramdam niya ay inaapakan ng kaniyang asawa ang pagiging babae niya. “Humanda talaga siya sa pasabog ko mamaya!”

Napagpasiyahan ni Santana ang maligo para mapakalma ang kaniyang sarili. Matapos iyon ay inubos niya ang kaniyang oras sa pagpapaganda. Isang white high pants ang suot niya at butterfly crochet top. Tapos na siya sa pag-aayos, tinatali niya ang mahaba’t kulot niyang buhok nang bigla siyang kinatok ng isa sa mga kasambahay.

“Ma’am Santana, nasa labas po si Mayor Connor sa baba. Hinihintay kayo.”

Lumabas na siya’t nasasabik sa gagawin. Inimbitahan kasi siya ng kababata niyang si Connor Evangelista sa photoshoot ng mga kandidato sa isang pageant. Isa ang pageant sa mga events sa fiesta ng lugar. Sa totoo lang ay hindi ang photoshoot ang kinakasabikan niya kung hindi ang tanawin doon. Minsan lang siya magbakasyon at makalanghap ng sariwang hangin kaya susulitin niya iyon.

Siyempre, ayaw niya naman ilaan ang buong oras at araw niya kay Gringo kaya noong inaya siya ng kababatang mayor ay hindi na siya tumanggi. Magkatunggali ang mga Evangelista at mga Monasterio kaya gagamitin niya iyon para mas mabwesit si Gringo. Ano kaya ang mararamdaman ng lalaki kung itatangi niyang asawa niya ito? Hindi na siya makapaghintay.

Hindi mapigilan ni Santana ang pagkunot ng kaniyang noo nang makitang kaswal na nag-uusap ang dalawa. Kailanman ay hindi niya pa ito nakitang mag-usap. Madalas nga’y magrambulan ito kapag nagkakapikunan noon. Marami na talaga ang nangyari sa loob ng limang taon. Ang dating magkatunggali sa maraming bagay ay mukhang magkasundo na ngayon.

Maganda pa ang disposisyon ni Gringo nang kausap si Connor pero nagbago iyon nang makita siya. Hinagod siya ng tingin nito mula ulo hanggang paa. Samantalang awtomatiko namang napatingin si Connor sa kaniya. Kitang-kita niya kung paano nagningning ang mata ng kaibigan nang masilayan siya.

“Santana, I miss you,” sabi nito. Ikinagulat niya nang bigla siya nitong niyapos nang mahigpit. Samantalang isang blanko at malamig na tingin naman ang binabatong tingin sa kaniya ni Gringo.

“I miss you too, Connor,” malambing niyang sabi habang nakatingin sa asawa. Hindi na ito makatingin sa kaniya at mukhang pikon na pikon na. “I’m sorry. I wasn’t able to visit you last month like I promised.”

“It’s okay, Connor. Binawi mo naman sa regalo. Salamat din sa mga bulaklak.”

“You’re contacting each other, Connor?” Pansin ni Santana ang kritikal na tanong ng kaniyang asawa sa kaniyang kaibigan.

“Of course. Since hindi siya nakapupunta rito, ako ang bumibisita sa kaniya simula noong umalis siya.”

“Alam mo naman itong si Connor. Gagawa at gagawa ng paraan para makita ako,” pasaring niya. “Hindi hadlang ang politika para hindi niya ako dalawin.”

“Tara?” tanong ni Connor sa kaniya. Hindi nakatakas sa mga mata ni Santana ang pagdilim ng mukha ni Gringo nang makita ang pagdausdus ng kamay ni Connor sa baywang niya. Mas dumilim ito nang mas dinikit niya ang sarili sa kaibigan.

“Where are you taking her?” seryosong tanong ni Gringo.

“I invited her to watch the photoshoot for the pageant next week. Actually, it’s just an alibi to tour her around especially sa pagdadausan ng photoshoot na bagong bukas na beach.”

“Really? Santana didn’t mention anything that she missed about this town. She didn’t even mention you,” tahasang sabi nito.

“How can she mention it to you? It will be awkward. You are always with Bianca.”

“Oo nga,” pagsang-ayon niya pa na ikinatahimik ng lalaki.

“Anyway, we can spend our time at the resort, Santana. May night party room kapag weekend,” aya ni Connor.

“Tita Carolina will visit this evening for dinner. Santana can’t stay there overnight,” ani Gringo.

Hindi mapigilan ni Santana ang mairita sa asawa dahil pinapangunahan na siya nito. Ngunit nang malamang ang tiyahin niya iyon ay hindi na siya umangal at tinanggihan na lang si Connor.

“Sorry, I have to decline. But can we do it tomorrow night?” tanong niya na hindi nagustuhan ni Gringo pero wala na itong nagawa.

“Mauna na kami, Gringo. Ibabalik ko si Santana bago gumabi para sa hapunan ninyo.”

Kitang-kita niya ang pagkuyom ng kamao ni Gringo bago sila umalis. Hindi mawala ang ngiti ni Santana habang pinagmamasdan ang reaksyon ng lalaki. Dapat lang na maramdaman nito na hindi lang ito ang lalaking puwedeng maging malapit sa kaniya!

“Kailan pa kayo naging malapit ni Gringo?” tanong ni Santana nang makapasok na siya sa sasakyan ng lalaki.

“We have a common friend. It’s Governor Diego Casas. In the world of politics, it’s better to widen your scope. I had to lower my pride to befriend someone as powerful as him. Beside wala naman kaming dapat pang pag-awayan pa kagaya dati,” mahulugang sabi nito. Hindi siya makatingin sa kaibigan sapagkat alam niya ang ibig sabihin nito.

“And do you know the rumors? They said nagpakasal daw kayo. Of course, I didn’t believe it!”

“That’s just a rumor. Yes, I liked him before but I despise him.”

Napangisi lamang si Connor sa sinabi niya. “Yes. They might look clean in the eyes of the public but they are dangerous people living here in town.”

Nanlalaki ang mga mata ni Santana nang mapagtanto niya na mukhang batid din ng lalaki ang sekreto ng mga Monasterio. Naalala niya na hindi rin pala isang simpleng tao si Connor. Isa itong politiko na walang pagpipilian kung hindi ang maghanap ng kakampi para manatili ang posisyon. Mabubuti man ito o masasama.

“Sometimes, being in politics and business show us the true colors of people, Santana. It’s a good thing that he’s not after you anymore because I might use his secret against him.” Hinawakan ni Connor ang mga kamay niya na ikinabigla niya. “Gringo is a demon. No, he’s scarier than a demon. He doesn’t deserve someone like you.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status