Share

Chapter 6: Plantation

“Okay ka lang? Pansin ko ang pananahimik mo,” tanong ni Connor kay Santana matapos kausapin nito ang tauhan na namumuno sa photoshoot. Katatapos lang niyon pero halos wala siyang pakailam dahil masyado siyang lunod sa iniisip.

Simula nang makarating sila sa resort na pinagdausan ng photoshoot ay napapaisip si Santana tungkol sa mga sinabi ni Connor kanina. Akala niya’y napuksa na ang iringan ng kaniyang asawa at ng kaniyang kaibigan pero hindi. Mukhang naggagamitan lang ang dalawa dahil sa politika’t kapangyarihan. Hindi naman talaga ang mga ito magkaibigan talaga. 

Kahit na hindi naman iyon bago kay Santana ay hindi niya mapigilang mabigo. Hindi niya ring maiwasang mabahala sapagkat may nakakaalam ng sekreto ni Gringo. Natigil siya sa kaniyang pag-iisip nang matanto ang kaniyang pag-aalala.

‘Wala na ako dapat pakialam sa lalaking iyon. Total ay magpapa-annul naman kami kinalaunan!” aniya sa kaniyang isip.

“Siyempre naman. It’s been years since I saw the sea here. I couldn’t help but to remember the past,” pagsisinungaling ni Santana. Akala niya’y hindi na iyon papansinin ni Connor pero nagkamali siya.

Kumunot ang kamao nito saka hinawakan ang kaniyang kamay. Tiningnan siya nito gamit ang pamilyar na mapupungay na mata. Natatawa siya sapagkat kabaliktaran niyon ang natatanggap niya mula sa asawa. Natigilan ulit siya dahil bakit niya ba iniisip si Gringo gayung si Connor ang kaharap niya?

“Forget the past. Alam kong pinagsisisihan mo ang mga desisyon mo noon. Mas maganda kung gumawa ka ulit ng bago at siyempre, dapat kasama mo ako,” wika ng lalaki. Hahawakan sana nito ang kaniyang pisnge nang biglang tumunog ang kaniyang cellphone.

“Excuse me,” wika niya. Tumango lamang si Gringo bago siya hinayaang umalis. “

Hindi ni Santana maiwasang kabahan nang makita ang pangalan ng Daddy niya na nasa screen ng kaniyang cellphone. Hindi na siya magtataka kung alam na nito na bumalik siya sa bayan kung nasaan ang asawa—kung saan nagsimula ang lahat. Hinanda niya na rin ang kaniyang sarili sa galit ng ama sapagkat hindi siya nakapagpaalam na babalik siya sa lugar.

Ang totoo’y malapit silang mag-ama ngunit nagkaroon ng lamat ang relasyon nila simula noong maaksidente ang kaniyang ina. Pagkatapos niyon ay nagbago ito’t naging malupit sa lahat—lalo na sa kaniya. Bukod sa pamilya ni Gringo, siya ang sinisisi nito kung bakit nagkaganoon na lamang ang kaniyang ina.

“Nasabi sa akin ni Connor na magkasama kayo ngayon. Bakit hindi mo sa akin sinabi na nariyan ka?” malamig na tanong nito. Parang binibiyak ang puso niya sa paraan ng pagkausap sa kaniya ng kaniyang ama. Hindi na ito kagaya noon.

Napatingin si Santana kay Connor na kasalukuyang pinagmamasdan siya sa malayo. Isang ngiti ang namutawi sa mga labi nito. 

“Dad—”

“Dapat sinabi mo sa akin na may plano kang negosyo riyan. Kung hindi pa sinabi sa akin ni Connor ay hindi ko malalaman. Balita ko’y tutulungan ka niya na bilhin ang plantasyon ng mga Villaruel.”

“Ang totoo’y hindi pa sigurado ang planong iyan sapagkat—”

“He assured me he can. Magtiwala ka sa kaniya,” pagpuputol sa kaniya ng ama. 

“Opo, Dad.” Wala na siyang nagawa.

“Huwag kang mananatili sa Monasterio. Nasabi sa akin ni Connor na puwede kang tumuloy sa kanila pansamantala habang nariyan ka at pinag-uusapan ang negosyo. Sigurado akong wala ka naman sa puder ng asawa mo, hindi ba?”

“Yes, Dad. Bakit naman ako uuwi roon?” Pinilit niyang huwag mautal sa kabila ng kabang nararamdaman. Hindi dapat malaman ng kaniyang ama ang pananayili sa puder ng kaniyang asawa. 

“Mabuti,” sabi nito. “Sabihan mo na lang kung ano ang progress mo riyan…at sana ay huwag na huwag mong sisirain ang plano ko sa pamilya ng asawa mo.”

Bago pa siya makapagsalita ay pinatayan na siya nito ng tawag. Hindi niya maiwasang masaktan sa panlalamig nito sa kaniya. Kung kaya niya lang ibalik sa lahat sa dati at bawiin ang mga desisyon niyang pagpapakasal kay Gringo ay gagawin niya—bumalik lang ang dati nilang samahan.

“Kumusta ang pag-uusap ninyo?” bungad sa kaniya ni Connor nang makabalik siya. 

“Salamat, Connor. Hindi mo sinabi kay Daddy na nasa Monasterio ako,” wika ng dalaga.

“Santana, you should stay in my place. Hindi magugustuhan ng Daddy mo kung naroon ka,” mungkahi nito.

“I don’t want to. I’m a married woman. Nandito lang ang mansyon ni Gringo. Ayaw kong madungisan ang pangalan mo.”

“But no one knows about that! And who cares? Halos kalokohan lang ang kasal-kasalan ninyo noon at ilang taon kayong hindi nagkikita. At ‘di ba sinabi ko sa iyo na ilang beses ka niyon tinanggi,” pamimilit nito. Ang totoo’y kay Connor niya nalalaman ang ginagawang pagtangi ni Gringo sa kaniya.

“Connor, you are not an ordinary civilian here. You are the Mayor of this town. Tinitingala ka ng lahat at ayaw kong madungisan ang pangalan mo—”

“Marriage now is nothing but just a piece of paper. Do you want me to take care of your annulment? Gusto mo bang maging void iyon? May mga kilala akong makakatulong sa atin total ay sa huwes lang naman kayo ikinasal.”

“Thank you, Connor, but I want to deal with it alone. Isa pa, mabuti nang kaming dalawa ni Gringo ang mag-handle nito.”

Huminga nang malalim si Connor na tila kinokontrol ang sarili mula sa kaniya.

“Promise me that you won’t allow yourself to be fooled again, Santana,” mariing sabi nito. “Handa kitang pagtakpan sa Daddy mo basta tuparin mo iyang sinasabi mo.”

Ngumiti lang si Santana at tumango sa kaibi*an. Ganunpaman, hindi niya maipagkakaila na parang may kakaiba sa paraan nito ng pagkausap sa kaniya. Hindi na lang niya iyon b-in-i* deal sapagkat ayaw niya pag-isipan ang kaibi*an. Lalo pa’t nagboluntaryo pa ito na tutulong sa annulment. Hindi naman talaga kailangan ang tulong ni Connor dahil may pera’t kapangyarihan naman sila si Gringo para gawin iyon.

“Let’s go to the grand villa. I’ve prepared lunch for us,” anang lalaki sa kaniya. Hinawakan ng kaniyang kaibigan ang kaniyang baywang pero hindi na lang niya iyon binigyan ng malisya. Maliwanag pa sa sikat ng araw ang sinabi niya noon sa lalaki na hanggang pagkakaibigan lang ang kaya niyang ibigay. 

‘Natural lang kay Connor ang maging touchy. Okay lang iyan, Santana,’ pagkukumbinsi niya sa kaniyang sarili. 

Papunta na sana silang dalawa sa grand villa nang napansin nila ang kumusyon ng mga kandidata sa may pool side. Hindi na sana iyon papansinin ni Santana nang matagpuan niya ang nagbabagang tingin ng kaniyang asawang si Gringo. Mukhang ito ang pinagkakaguluhan ng mga babae. Sa suot na white polo na hapit na hapit sa katawan nito at isang khaki short, sinong babae ang hindi makakapansin sa lalaki?

‘Ano ang ginagawa niya rito?’

Papalapit si Gringo sa kanilang dalawa ni Connor. Maging ang kaibigan niya ay natigilan dahil sa awrang pinapamalas ng kaniyang asawa. 

Kunot ang makakapal na kilay ni Gringo at kung hindi niya ito kilala ay aakalain niyang manghahamon ito ng away. Hindi niya mapigilang mapuna kung gaano pa rin ito kagwapo kahit may mabagsik itong ekspresyon sa mukha. Napapailing na lang si Santana sa naiisip dahil hindi siya makapaniwala na gayun ang iniisip niya. Hindi niya dapat pinupuri ang asawa, dapat ay kinamumuhian niya ito!

“Santana, totoo bang bibilhin mo ang plantasyon ng mga Villaruel?” matalim ang tingin na tanong ni Gringo sa kaniya. Napakunot ang noo ni Santana sa asawa.

Paano nito nalaman ang kaniyang plano? Si Connor at ang ama lang niya ang may alam ng plano niyang pagbili niyon pero hindi niya pa nakakausap ang mga Villaruel. Wala pa naman talagang kasiguraduhan ang lahat at pinag-iisipan niya pa ang bagay na iyon.

“What’s wrong with that, Gringo? Naghihikahos na ang pamilyang iyon at marami pang utang na kailangang bayaran. Idagdag pa na kailangan nila ng pera para hospital. Tama lang na bilhin iyon ni Santana para mas natulungan ang pamilya—”

“Shut up and f*cking cut the crap, remove your hands out of my wife! I’m not talking to you!”

Laking gulat ni Santana sapagkat hinila siya palapit ng kaniyang asawa. Mas kinagulat niya ang sinabi nito na rinig na rinig ng mga naroon. Maliit lang ang kaniyang bayan at alam niyang kakalat ito agad!

Bago pa magkaroon ng suntukan doon ay pumagitna na siya. Kita niya rin kasi na mukhang papatulan din ng kaibigan ang kaniyang asawa.

“Sorry, Connor, but let me talk to him about this,” aniya.

“No! Santana, may pupuntahan pa tayo—”

“I’ll call you. I promise. I have important matters to talk about with Gringo.“

Hindi niya na hinintay na makapagsalita ito sapagkat hinila niya na ang asawang nanunuya pa! 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status