Share

Chapter 2: Hatred

“You will stoop so low in order to gain power. Ganiyan ka na ba talaga kadesperada?” nangagaalaiting untag ni Gringo nang matanto ang gustong mangyari ni Santana. Hindi ito makapaniwala sa kaniyang kondisyon.

Isang ngiti ang namutawi sa labi ni Santana nang makita ang pagkamuhi para sa kaniya. Gustong-gusto niya ang nakikitang prustasyon sa kaniyang asawa matapos sambitin ang kaniyang kondisyon para sa inaasam nitong annulment.

Kahit na annulled silang dalawa, kung mayroon silang anak ay sigurado siyang panalo pa rin siya. Nakatitiyak si Santana na siya pa rin ang papaburan ng pamilya ni Gringo na paboritong-paborito siya kung sakaling maikasal ito kay Bianca. Mas mapapasunod niya pa rin ito at mapaparusahan kahit annulled na silang dalawa. Hinding-hindi niya pa rin ito patatahimikin.

Sa oras na magkaroon silang dalawa ni Gringo ng anak, batid niyang susundin lahat ng mga Monasterio ang mga kagustuhan niya. Sapat na ang suportang iyon para mapanatili ang koneksyon at impluwensyang ninanais niya.

“Sa tingin mo’y hahayaan ko kayong magsaya habang ginagawa ninyo akong katatawanan? Simple nga lang ito, Gringo, kumpara sa ginagawa mong pagtataksil!” akusa ni Santana.

Ang totoo’y gustong-gusto niya sumbatan si Gringo dahil ang kapal ng mukha nitong mangalunya. Ang lalaki ang pumasok sa tahimik niyang buhay. Hindi siya makapapayag na tahimik itong aalis at masaya sa pagbuo ng bagong pamilya habang siya ay nagdurusa!

Nakita niya ang kalituhan sa mukha ng lalaki na mabilis din namang nawala. Napalitan iyon ng mas umaalab na galit para sa kaniya. Hindi niya mapigilan ang manibago sa pinapakitang reaksyon ng lalaki. Parang kailan lang noong walang pagsidlan ang pagmamahal nito sa kaniya.

“Kasuhan mo ako kung ganoon! Mas gugustuhin ko pang makulong kaysa patulan ka! Walang lalaki ang gugustuhing tumikim sa iyo!”

Hindi mapigilan ni Santana ang pagkislot ng kaniyang puso sa sinabi nito na para bang pinapalabas na isa siyang maruming babae. Kaya pala ni minsan ay hindi man lang ito gumawa ng aksyon noong umalis siya.

Tumawa si Santana at inayos ang kuwelyo ng kaniyang asawa. Sa totoo lang ay hindi siya komportable sa liit ng distansya nilang dalawa. Natatakot siyang marinig ng lalaki ang malakas na pagtambol ng kaniyang puso. Subalit nilalabanan at iniignora niya ang nararamdaman dahil ayaw niyang ipakita ang kaniyang kahinaan.

Tiningnan niya sa nanunuyang tingin ang asawa. Napalunok siya nang makitang nakatitig din sa kaniya ang mga bughaw at puno ng galit na mga mata nito. Bago pa siya matunaw ay binalik niya ang tingin sa kwelyo nito at nagsalita.

“Nakalilimutan mo na ata ang pangako natin sa isa’t isa, Gringo,” malambing niyang sabi at naalala ang kanilang kasal—ang araw kung saan nasira ang lahat lalo na ang buhay niya. “Sa hirap man o sa ginhawa. Tingin mo hahayaan kitang sumaya? I’ll drag you with me.”

Nakaramdam siya ng takot nang ungkatin niya ang kasal nila lalo na nang masilayan ang galit na iniipon ng asawa. Naalala niya kung paano siya umalis matapos ang kasal at hindi nagparamdam sa asawa. Kung paano niya ito iniwasan at kung paano niya kinalimutan ang kaniyang obligasyon sa nakalipas na mga taon. Ngumisi ang lalaki kahit batid ni Santana na hindi ito natatawa.

“Try and see if you can do it to me. I will not promise that I won’t fight back,” matapang na sambit nito. Sa sinabi nito, batid ni Santana na sirang-sira na silang dalawa at hindi na talaga maibabalik ang dati.

“Who said that you will be the only one to suffer, Gringo?” Ang kaninang kompiyansa sa sarili ay nawala sa mukha ng kaniyang asawa nang makuha ang gusto niya iparating. “You and your family will suffer. Wala akong ititira sa inyo. You know me better than anyone. I will reveal your darkest secrets.”

“You will not do that, Santana.” Napangisi si Santana nang makita ang multo ng takot sa mukha nito. Simula bata pa lang silang dalawa ay alam na niya kung ano ang kinakatakutan ni Gringo. Gagamitin niya iyong alas laban sa asawa para pumayag ito sa kaniyang kondisyon.

“Kung gusto mo ng katahimikan, pumayag ka sa kondisyon ko. May panahon ka pa para makapag-isip,” determinadong sinabi ni Santana. “Alam mo kung saan ako hahanapin.”

Linisan ni Santana ang silid na iyon ngunit binungad naman siya ni Bianca. Humihikbi ito sa galit sa kaniya.

“Anong pinaplano mo, Santana? Tungkol ba ito sa plano kong pagtakbo sa Mort? Sige, hindi ko na itutuloy basta ba’y umalis ka na rito!”

Hindi makapaniwala si Santana na naging matalik niyang kaibigan pa ang aahas sa asawa niya. Ngayon niya lang napagtanto kung bakit siya sinuportahan nito sa planong pag-alis pagkatapos ng kasal nilang dalawa ni Gringo. May plano na pala itong sulutin ang asawa at nagpasulot naman ang walanghiya.

“Sana lang ay ganiyan lang kadali, Bianca. But the damage has been done. Sa tingin mo’y rerespetuhin pa rin ako ng samahan kung may umaaligid na kagaya mo?” asik ni Santana.

Kung sakaling siya ang maging presidente niyon, oo’t batas ang lahat ng sasabihin niya pero sigurado siyang pagtatawanan siya kapag nakatalikod siya. Naiisip niya pa lang ay nakaaapak na ng pagkababae. Kung ganoon lang din naman ang mangyayari ay gusto niyang mas malala ang maramdaman nina Gringo. Masyado siyang ma-pride para magpakumbaba sa kasayahan ng dalawa.

“Ano ang gusto mong gawin ko para manahimik ka na?” desperadang tanong ni Bianca.

“Pilitin mo si Gringo na pumayag sa gusto ko,” nakangisi niyang sabi. “Gusto mong malaman kung ano ang gusto ko?”

“A-ano?”

“Sipingan niya ako hanggang sa mabuntis ako.”

“Ano? Hindi! Hindi iyan maaari!” Ang kapal ng mukha nitong ipagdamot ang asawa niya sa kaniya.

Iniwan na lang ito ni Santana na panay ang pagmumura sa kaniya. Pumunta siya sa nakalaang silid sana nilang mag-asawa sa mansyon. Pansin ni Santana na maalikabok doon at parang inabandona. Mukhang hindi man lang inabala ni Gringo na palinisan iyon.

Naagaw ang atensyon niya ng pamilyar na kwaderno. Ganoon pa rin ang ayos nito sa sa ibabaw ng kanilang kama. Kinuha niya iyon at mabilis na binuklat saka binasa ang huling nakasulat.

'Ngayon na ang kasal naming dalawa ni Gringo. Hindi na ako makapaghintay na pakasalan ang lalaking mahal na mahal ko.'

Isa-isang tumulo ang mga luha ni Santana sa kaniyang pisnge nang maalala ang kainosentihan ng batang Santana—na pinaglaruan at ginamit lang ng isang Gringo Monasterio at ng pamilya nito.

Hindi siya makapapayag na makaalis ito nang hindi siya nakagaganti. Kay Bianca. Sa pamilyang Monasterio. Lahat ng taong mahahalaga may Gringo ay gagantihan niya. At kung sakali mang pumayag ito sa kondisyon niya, gaganti pa rin siya—kahit na sa magiging anak nilang dalawa.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status