Home / YA/TEEN / Hey! Mr. Rebound! / Chapter 1. “A Broken Heart”

Share

Chapter 1. “A Broken Heart”

Author: BadReminisce
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Chapter 1. “A Broken Heart”

Jana’s POV

            To: Julius <3

            -Nasaan ka na? Malapit ka na ba?

            Sending…SENT!

            Mabilis akong napatingin sa pinto ng coffee shop kung nasaan ako ngayon nang marinig kong tumunog ang chime na nakasabit sa pinto. Ngunit tulad nang ilang tao na ang pumasok sa pintong iyon, hindi pa rin si Julius ang kakapasok lang. Napabuntong hininga ako at pinagkuskos ang dalawang palad ko. Bakit ba kasi ang lahat ng aircon dito sa loob ng coffee shop gayong ang lakas naman ng ulan sa labas. Tama! Malakas ang ulan kaya siguro ang tagal ni Julius.

            Muli kong narinig ang chime sa pinto kaya mabilis ulit akong napatingin dito. Napangiti ako nang makita ko ang pumasok. Isang lalaking nakasuot ng itim na jacket ang pumasok. Tatayo na sana ako para salubungin siya pero natigilan ako nang lumingon ang lalaki. Hindi si Julius, kasing katawan at kasing tangkad lang. Nawala agad ang ngiti sa aking mukha at binalot ulit ng pagkairita. Tiningnan ko naman iyong lalaking kakapasok lang at nabigla ako nang mahuli ko siyang nakatingin sa akin sabay umiwas. Tinaasan ko lang siya ng kilay at inirapan.

            Habang naghihintay pa rin at nakamasid sa labas ng coffee shop. Nagulat ako nang may naupo sa bakanteng upuan sa harap ko. Siya iyong lalaking pumasok kanina-nina lang.

            “Excuse me, may nakaupo ko riyan.” Inis kong sabi sa lalaki pero tiningnan lang ako nito at ngumisi pa saka ininom ang kape niya. Napasinghap ako sa ginawa niya. Naku naman! Ngayong naiinis na ako at kanina pa ako naghihintay dito tapos may antipatikong lalaki sa harap ko ngayon? Baka makasapak ako ng di oras.

            Tinitigan ko siya ng masama pero sige lang siya sa pag-inom ng kape niya. Habang tinitingnan ko siya napansin ko ang damit niya sa loob ng jacket niyang itim. Parehas sila ng uniform ng lalaki sa school namin? So schoolmate ko siya? Siguro naman hindi siya magtatagal dito? Hayaan na nga.

            Isa. Dalawa. Tatlong oras na ang nakalipas pero walang Julius ang dumating. Nakatingin lang ako sa phone ko. ‘Yong puro text ko lang ang nasa thread at wala siyang reply? Gusto ko ng ibato ang phone ko. Napatingin ako sa labas malakas pa rin ang ulan. Kung hindi siya makakapunta bakit hindi siya magtext? Apat na oras na akong nandito. Nakakainis.

            “Nakakainis.” Aniko sa pagitan ng paghikbi ko. “Nakakainis naman.” Ang tanga ko naman. Para akong aso na naghihintay dito sa amo kong hindi pa dumadating.

            “Here,” Napatingin ako sa tissue sa harap ko. Bakit nandito pa siya sa harap ko? Akala ko sandali lang siya rito.

            “May panyo ako.” Mataray kong sabi sa lalaking nakajacket na itim.

            “I guess he’s not coming.” Saad niya na ikinabigla ko.

            “Paano mo nalaman na naghihintay ako rito?” Tanong ko sa kanya. Tumawa naman siya at tinanggal ang hood sa ulo niya.

            “Halata naman e, you’re here for almost four hours. Ano ‘yon? Nagsa-sight seeing ka lang sa ulan?” Natatawa niyang sabi. Tama nga naman siya.

            “E ikaw? Bakit ka nandito?” Tanong ko sa kanya. Sandali siyang natahimik at naglaho ang ngiti sa kanyang labi.

            “I just feel that someone is needed a company.” Nakangiti niyang sabi. Hindi ko naman na-gets ang sinabi niya. Siguro marami lang siyang oras.

            Tumahimik na lang ako at nagmasid ulit sa labas. Umaasa na may darating na Julius Corpuz.

            “Hindi ka pa uuwi?” Tanong ng lalaki sa harapan ko. Napakunot ako ng noo. Sa totoo lang, naiinis na ako sa kanya. “Maggagabi na oh.” Dagdag niya pa.

            Tiningnan ko siya ng masama. “Maghihintay pa ako.” Sabi ko sa kanya. Tumango-tango naman siya sa sinabi ko.

            “Okay, sige sasamahan muna kita.” Nakangiti niyang sabi. Iniinis niya talaga ako.

            “Hindi ko kailangan.” Mataray kong sabi saka siyang inirapan. Sandali siyang natahimik.

            “Hindi, alam kong kailangan mo.” Napatingin ako sa kanya. Nakangiti siya sa akin na para bang alam niya ang nangyayari at mangyayari. “Alam kong kailangan mo ako, Jana.” Aniya saka tumayo at naglakad na palabas ng pinto. Naiwan naman akong tulala at nanlalaki ang mga mata.

            “Paano niya nalaman ang pangalan ko?” Naguguluhang tanong ko sa sarili.

            Kinabukasan. Hindi pa rin maayos ang lahat. Ang gulo ng nangyayari sa amin ni Julius. These past days, parang iniiwasan niya ako. Hindi ko naman alam kung bakit? I don’t even have any idea why? Ang alam ko okay naman kaming dalawa. Pero nitong mga nakaraang araw palagi siyang tahimik kapag magkasama kaming dalawa. Tapos palagi niyang gusto umuwi ng maaga. Kapag tinatanong ko naman siya, ang sinasabi niya wala lang daw. Alam kong may problema siya. At bilang girlfried, hindi ba dapat sinasabi niya iyon sa akin para matulungan ko siya? Para madamayan ko siya.

            Pagdating sa school dumaan ako sa room ni Julius pero wala pa siya. Habang papunta sa room ko. Nakita ko si Sena, siya ang bestfriend ko.

            “Sena!” Tawag ko sa kanya at tumakbo palapit. Paglapit ko napansin kong parang nagulat siya. “Uy, okay ka lang?” Tanong ko. “Para kang nakakita ng multo.”

            “Ah—eh, okay lang. Ikaw ba?” Tanong niya.

            “Okay lang naman,” Natahimik ako’t napaiwas ng tingin. “Though, hindi pala kasi pinaghintay lang naman ako ni Julius ng apat na oras kahapon. Nakakainis!” Inis pero nakangiti kong sabi sa kanya. “Ikaw kumutas na kayo ng boyfriend mo? Hindi pa ipapakilala mo na siya sa akin?” Masigla kong tanong sa kanya.

            “Ah, oo! Mamaya after class, kita tayo sa school garden.” Ani Sena.

            “Wow! Talaga! Sige sige! Tara sabay na tayong pumasok!”

            Naglakad na kami papasok si Sena sa room pero nang malapit na kami sa classroom natigil kami nang makita naming ang daming tao sa tapat ng classroom namin, to be specific puro sila babae. Ano naman meron? Nasa classroom ba namin si Song Joong Ki?

            “Sena! Mukhang nasa classroom si Song Joong Ki!” Manghang sigaw ko kay Sena saka nauna sa kanya sa pinto ng classroom.

            Nakipagsisikan ako sa mga babae. Kainis! Do’n nga kayo sa classroom niyo! Pagdating ko sa pinto ng classroom at matapos kong makipaggera sa mga babaeng ‘to. Pagtingin ko sa pinto, wala naman akong nakitang nakapang-sundalong lalaki. Wala naman si Song Joong Ki! Kainis.

            “Jana!” Napatingin ako sa tumawag sa akin. Pagtingin ko, isang lalaki. Sandali? Kilala ko ba siya? Lumapit siya sa akin. “Kanina pa kita hinihintay.”

            “Kilala ba kita?” Tanong ko. Ngumuso naman ‘to at naningkit ang mga mata.

            “Sa pogi kong ‘to? Kinalimutan mo na ang mukha ko?” Mayabang niyang sabi. Ano raw?

            Tiningnan ko ang paligid namin at binalik ang tingin sa kanya. “So ikaw ang dahilan kaya ang daming babae rito?” Tanong ko sa kanya.

            “Bingo!” Aniya saka kumindat. Napangiwi naman ako sa ginawa niya.

            “Gung-gong.” Ani ko saka siya nilagpasan at pumasok na sa loob ng classroom namin. Naramdaman ko namang sumunod siya sa akin sa loob.

            “Jana, ako ‘to. Iyong lalaki sa coffee shop kahapon!” Aniya. Hindi ko naman siya tiningnan at inayos ang bag ko.

            “Hindi naman kita kilala. So what kung ikaw yung kahapon?” Saad ko rito.

            “Grabe, sa sikat kong ‘to sa school natin di mo talaga ako kilala?” Nagmamayabang na naman siya.

            “Sino ka b—“ Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang paglingon ko sa kanya ay napasandal ako sa dibdib niya. ‘Yong mukha ko hanggang dibdib niya lang. Ang tangkad naman niya. “Ano ba!” Tinulak ko siya. “Ang kulit mo rin ‘no?” Inis kong sabi sa kanya. Ang gung-gong naman tumatawa pa.

            “Ang pandak mo pala.” Natatawa niyang sabi. Napasinghap ako sa inis.

            “Anong sabi mo?” Sigaw ko sa kanya at akmang sasapakin siya nang biglang nag-ring na ang bell at nagsipasukan na ang mga kaklase ko. “Kainis! Pasalamat ka!” Banta ko sa kanya pero ang gung-gong nakangiti lang at bago pa umalis at binelatan pa ako. Isip bata!

            Uwian na pero hindi ko pa rin nakikita si Julius. Kaninang lunch pinuntahan ko siya sa classroom nila pero wala siya. Pumasok naman daw ito. Hinanap ko siya sa cefeteria pero wala rin. Wala rin si Sena kaya mag-isa lang akong kumain ng lunch, ay hindi pala dahil nakiupo na naman si gung-gong. Sinabi niya kanina ang pangalan niya pero dahil wala akong pake, hindi ko na tinandaan. Habang inaayos ko ang gamit ko napansin kong tahimik si Sena habang hawak ang cellphone niya.

            “Sena, okay ka lang?” Mabilis naman niya akong tiningnan at parang nagulat siya sa pagtawag ko sa kanya.

            “Oo, okay lang.” Sagot niya at ngumiti.

            “Sure ka? San ka ba galing kaninang lunch? Mag-isa lang tuloy ako.” Malungkot kong sabi.

            “May pinuntahan lang. Masanay ka na.”

            “Ha?” Para yatang nabingi ako sa huli niyang sinabi.

            “Wala.” Aniya’t ngumiti sa akin. Ilalagay ko na sana sa bag ko ang cellphone ko nang may nag-text. Agad kong tiningnan kung sino, at isang malapad na ngiti ang nagawa nito nang makita ko ang pangalan ni Julius sa screen ng phone ko. Agad kong binuksan ang message.

            From: Julius <3

            -Jana, nandito ako sa school garden.

            End of Message

            “Sena! Tara nasa school garden! Nandon rin si Julius.” Sabik kong anyaya kay Sena.

            Mabilis kaming tumakbo kami ni Sena papuntang school garden. Sa wakas, makikita ko na ulit si Julius. Tatanungin ko siya kung ano bang problema. Kailangan naming mag-usap. Pagdating namin sa school garden, nakita namin si Julius na nakaupo sa isang bench.

            “Julius!” Masigla tawag ko sa kanya. Lumingon naman ito sa akin at matipid na ngumiti. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. “San ka ba galing kanina? Hinanap kita e akala ko di ka pumasok.”

            “May pinuntahan lang.” Aniya at ngumiti. Humiwalay naman ako ng yakap sa kanya.

            “Ah, Julius sandali lang ah, kasi ipapakilala ni Sena ang boyfriend niya.” Nilingon ko ang buong paligid. “Pero mukhang wala pa yata.”

            “Hindi, nandito na siya.” Ani Sena.

            “Talaga? Nasaan na raw?” Sabik kong tanong sa kanya. Sandaling natahimik si Sena at tiningnan ako sa aking mga mata. Lumapit siya sa akin.

            “Alisin mo ang kamay mo sa kanya.” Seryosong sabi ni Sena sa akin. Naguguluhan ako.

            “Sena? Kanino? Kay Julius?” Malokong sagot ko sa kanya at saka tiningnan si Julius pero nakita kong nakayuko lang si Julius at iwas ang tingin sa akin. Teka bakit kinakabahan ako? Tama ba ang nasa isip ko?

            Binalik ko ang tingin kay Sena. “Palabiro ka talaga, Sena.” Natatawa kong sabi. “Nasaan na ba yung boyfriend mo?” Muli kong tanong sa kanya pero ngisi lang ang sinagot niya sa akin at tiningnan ako ng taas ang kilay niya. Tiningnan ko si Julius at nakayuko pa rin siya. Sandali, naguguluhan ako. Ano ang nangyayari?

Seryoso kong tiningnan si Sena. Huminga ng malalim at naglakas loob na tinanong ang kanina ko pang hinala.

“Sandali, Sena si Julius ba ang boyfriend mo?”

Related chapters

  • Hey! Mr. Rebound!   Chapter 2. “Friendship Over”

    Chapter 2. “Friendship Over”Jana’s POVBakit hindi ko man lang nahalata? Bakit hindi ko man lang napansin? Gano’n na ba ako kamanhid para hindi ko maramdamang niloloko ako ng boyfriend ko at mismong bestfriend ko pa? Mabilis akong tumakbo habang umiiyak. Hindi ko mapigilan ang pag-agos ng luha ko mula sa aking mata. Kasabay no’n ay ang kirot sa puso ko.Huminto ako at marahan nang naglakad. Hinihingal man ay patuloy pa rin akong umiiyak.“Nakakainis!” Sigaw ko habang humahagulgol ng iyak habang naglalakad pauwi. “Nakakainis kayo!”Muling bumalik sa isip ko ang nangyari kanina.“Sandali, Sena si Julius ba ang boyfriend mo?” Nanginginig ang boses ko nang tanungin ko si Sena. Kasabay ang pagiipon ng luha sa aki

  • Hey! Mr. Rebound!   Chapter 3. “Mr. Rebound”

    Chapter 3. “Mr. Rebound”Jana’s POV “Gawin mo akong rebound mo.” “Rebound? Ano ‘yon?” “Rebound, sa basketball ito yung kapag hindi na-shoot yung bola tapos mahuhulog sa ring, tapos kukunin mo yung bola para sa team niyo pa rin ang bola.” “So bola ka?” “Hindi, sa tao naman. Para madali mo siyang makalimutan, itutuon mo sa ibang tao &l

  • Hey! Mr. Rebound!   Chapter 4. “How to move on?”

    Chapter 4. “How to move on?”Xial’s POV“Bakit mo ba ako tinutulungan?” Seryosong tanong ni Jana sa akin. Nang mga oras na itanong niya sa akin iyon, para bang automatic na nag-flashback ang lahat sa isip ko. Ang isang pangyayari kaya ako ganito ngayon. Kaya hindi na ako nag-aabalang magmahal pa.I was once like her. Apat na taon na ang nakakaraan. I was fooled by my girlfriend and my own bestfriend. Oo, tulad ng sitwasyon ni Jana, naranasan ko na ring maloko ng sarili kong bestfriend at ng girlfriend ko. Siguro dahil sa itsura ko kaya niya ako pinagpalit. Actually, mali pala dahil in the first place, ginamit niya lang pala ako dahil bestfriend ko ang sikat at ang tinitiliang si Harold Buenamente.Nerd ako noon. Mahaba ang buhok at magulo. Nakasuot

  • Hey! Mr. Rebound!   Chapter 5. “Ako si Takore”

    Chapter 5. “Ako si Takore”Xial’s POV Dinala ko si Jana rito sa park malapit sa school namin. Nag-over-the-bakod pa kami para lang makalabas sa school. Ayaw niya raw kasing pumasok muna sa klase niya dahil mukha raw siyang umiyak, e umiyak naman talaga siya. Ayaw niya raw na ipakita sa mga tao ang kahinaan niya. Kinuha ko pa sa classroom nila yung bag niya at saka siya sinamahan rito sa park. Mula sa school habang papunta kami rito sa park hindi pa rin siya tumitigil sa pag-iyak niya. Ako naman ay tahimik na nakasunod sa kanya. Habang naglalakad pansin kong panay ang tingin ng mga taong madadaanan namin. Anong meron?&

  • Hey! Mr. Rebound!   Chapter 6. “Mr. Tutor”

    Chapter 6. “Mr. Tutor”Xial’s POV Calling…Jana “Hays! Bakit hindi niya sinasagot?” Banas kong sabi saka inalis ang phone ko sa kanang tainga ko. Ang aga ko pang nagising ngayong Sabado para sa kanya tapos hindi niya sinasagot ang tawag ko? Siya na nga may kailangan eh! Tss. Nagpatuloy na ako sa paglalakad papunta sa bahay nila Jana. Ngayong araw ang umpisa ng pagtuturo ko sa kanya para sa retake exam niya sa Monday. Habang naglalakad natigil ako nang makasalubong ko siya. Nagkatinginan kami. Nakita kong parang nabigla siya nang makita ako. Hindi ba siya si S

  • Hey! Mr. Rebound!   Chapter 7. “Love On!”

    Chapter 7. “Love On!”Jana’s POV Ang dapat ay magre-review ako ngayon para sa retake exam ko sa Monday pero heto ako ngayon, kasama si Takore at nasa labas. Nandito kami sa train station at naghihinatay sa pagdating ng train papuntang Taft Avenue. Ang sabi niya dadalhin niya ako kung saan ako makakalimot. Saan namang lugar ‘yon? Magkaka-amnesia ba ako sa lugar na ‘yon para makalimutan ang kahayupan ng mga ‘yon? Dumating na ang tren at pumasok na kami. Pinauna niya pa ako. Pagpasok ko, ang sikip na ng tren at wala nang upuan. Tumalikod ako at pagtalikod ko saktong napaharap ako sa dibdib niya. Tumingala ako at tiningnan siya, nakang

  • Hey! Mr. Rebound!   Chapter 8. “Super Takore!”

    Chapter 8. “Super Takore!”Jana’s POV “Saan ba tayo pupunta?” Inis kong tanong kay Takore habang nasa jeep kami. Pagtapos namin kumain kanina pumunta kaming bookstore, bumili siya ng mga libro at binigay niya sa akin. Ang sabi niya basahin ko raw ‘yon para raw malimutan ko si Julius. Sabi niya pa mas mabuti na ang ma-in love ako sa mga fictional characters at least daw hindi ako masasaktan. Hindi naman ako mahilig magbasa ng mga romance books. Mas gusto kong manuod ng anime o kaya Korean drama. “Malapit na.” Aniya saka may kinuha sa bag niya. Inilabas niya mula sa bag niya ang isang paper bag ng Adidas. “Oh, suoti

  • Hey! Mr. Rebound!   Chapter 9. “Pain of the Past”

    Chapter 9. “Pain of the Past”Jana’s POV Nakarating na kami sa tapat ng bahay nila Takore. Malaki ito kung titingnan sa mula sa labas, mas malaki lang ng konti sa bahay namin. Maganda rin ang style ng bahay nila at maganda ang kulay. Hindi rin naman ito ganoon kalayo sa bahay at sa school namin.Natigil ako sa pagmamasid sa bahay nila nang bumukas ang pinto ng bahay nila. Isang babae ang lumabas sa pinto at nagtungo sa gate kung saan kami nakatayo. Pagbukas ng gate ng Mama ni Takore, kukurap-kurap akong tiningnan ng Mama ni Takore na parang bang gulat na gulat nang makita ako. Tiningnan ko naman si Takore sa tabi at tumingin din siya sa akin saka ngumiti. 

Latest chapter

  • Hey! Mr. Rebound!   Epilogue

    EpilogueJana’s POV Messenger To: Gian Xial Bustamante Oy Takore, nandito ako ngayon sa ice skating rink. Magaling na ako! Kaya bumalik ka rito para maglaro tayo. >Download Image Sent! 08/17/16 03:41PM----------------------------------------------------------------------------------------------------------------- To: Gian Xial Bustam

  • Hey! Mr. Rebound!   Chapter 24. “Bye, Mr. Rebound”

    Chapter 24. “Bye, Mr. Rebound”Jana’s POV Pauwi na ako galing ospital. Dumating na ang Mama ni Julius kaya nakauwi na ako. Paglabas ko ng ospital kanina ko pa iniisip si Takore. Kanina ko pa tinatawagan si Takore pero unattended ang phone niya. Nakapatay ba ang phone niya? Pagpunta ko sa room niya kanina sa ospital ay wala na siya, ang sabi ng nurse kanina pa raw nag-discharge. Napahinto ako sa paglalakad at kinapa ang kaliwang dibdib ko. Bakit ganito ang pakiramdam ko? Bakit ako kinakabahan? Pagdating ko sa tapat ng gate namin, huminto ako at nilingon ang bahay nila Takore. Madilim ang loob at patay na ang mga ilaw. Ang aga naman n

  • Hey! Mr. Rebound!   Chapter 23. “The hardest choice”

    Chapter 23. “The hardest choice”Jana’s POV “Mahal kita, Jana.” Rinig kong sabi ni Takore matapos niya akong halikan. Nagulat ako sa ginawa niya maging sa sinabi niya. Ramdam ko ang malakas na kabog ng dibdib ko. Pero agad na napipigilan ang kabog ng dibdib ko ng pagkalito nang maalala ko si Julius. Napaiwas ako ng tingin at napayuko. Hindi ko alam ang sasabihin o isasagot sa sinabi niya. Naguguluhan ako. Sobra akong naguguluhan. “Jana,” Muli akong napatingin nang tawagin niya ako. “Mahal mo pa rin ba siya?” Tanong niya sa akin. Nagkatitigan

  • Hey! Mr. Rebound!   Chapter 22. “The saddest truth”

    Chapter 22. “The saddest truth”Jana’s POV “Galingan mo Takore!” Sigaw ko. Napalingon naman siya sa akin at ngumiti. Nagsimula na ulit ang laro, ngayon kasali na si Takore. Sa pagpasa sa kanya ng bola mas umingay pa ang court. Marami ang sumisigaw sa pangalan niya. Yung iba mga supporters na ng kalaban nila pero si Takore ang chini-cheer. Hindi naman ako nagpatalo sa pagchi-cheer at nilabas ko na ang banner na ginawa ko para kay Takore. “Go! Takore!” Sigaw ko may ibang babae pa ang nagtaka kung sino ang chini-cheer ko dahil Takore ang sinisigaw ko.

  • Hey! Mr. Rebound!   Chapter 21. “Love is sacrifice”

    Chapter 21. “Love is sacrifice”Jana’s POV Nakahiga si Julius at nagpapahinga. Ang sabi ng school doctor dapat daw umuwi na si Julius at magpahinga. Tinanong ko naman siya at sinabi niyang may sakit raw si Julius pero hindi na niya nasabi nang may tumawag sa kanya. Tiningnan ko si Julius na natutulog, bigla namang dumilat ang mga mata niya at bumangon. “Sandali ayos ka na ba?” Tanong ko sa kanya. Tiningnan niya ako at tumango. “Oo.” Sagot niya. “Ang sabi ng school doctor may

  • Hey! Mr. Rebound!   Chapter 20. “My rebound, My love”

    Chapter 20. “My rebound, My love”Xial’s POVPapunta na kaming cafeteria ni Margaret. Tulala ako habang naglalakad dahil iniisip ko si Jana. Ano naman kaya ang iniisip niya? Bakit parang may gumugulo sa isip niya?“You like her?” Natigil ako sa pag-iisip ko nang marinig ko ang sinabi ni Margaret.“Ha?” Paglilinaw ko. Tiningnan naman niya ako.“Jana, do you like her?” Tanong niya ulit. Napangiti ako at napaiwas ng tingin. “I see it in your smile. That’s why you choose to be in our section?” Natahimik ako sa sinabi niya.“How did you know?” Seryosong tanong ko. Huminga ng malalim si Margaret.“Xial, babae ako. Alam ko na ang mga pakulo niyong mga lalaki.” Natatawang sagot niya.

  • Hey! Mr. Rebound!   Chapter 19. “Love? No, its charity work”  

    Chapter 19. “Love? No, its charity work”Jana’s POVIlang araw na ang lumipas nang makauwi kami rito sa Manila pero hanggang ngayon iniisip ko pa rin ‘yong mga nalaman ko no’ng nasa bus kami. Alam ko namang dapat hindi ko siya magustuhan dahil unang-una, kilala siyang playboy sa school, pangalawa maraming baliw na babae sa kanya, pangatlo baliw siya, gung-gong, mokong at sira ang tuktok. Pero bakit kapag pilit ko siyang inaayawan, naiisip ko naman lahat ng mga pagtulong at pag-aalaga niya sa akin?Hindi na naman ako makatulog dahil sa kakaisip sa mga bagay na hindi ko alam kung paano ko sosulusyunan. Iiwasan ko ba siya? O…“Oo, dahil ‘yon ang trabaho ng isang rebound.”Sasabihin ko na sa kanyang nakalimutan ko na si Juliu

  • Hey! Mr. Rebound!   Chapter 18. “Destined? Maybe we”

    Chapter 18. “Destined? Maybe we”Jana’s POV Alas-dyis na pero wala pa rin si Takore. Napapaisip tuloy ako kung pumunta ba si Jasmine sa Burnham Park para magkita sila. Pero paano kung hindi pumunta si Jasmine? Baka naman naghihintay pa rin si Takore do’n. Kanina pa siya ng tawag ng tawag e. Napabuntong hininga ako. “Ano ka ba Jana, ano ba kasing iniisip mo?” Inis kong sabi sa sarili ko’t napakamot sa ulo. “Tawagan ko na kaya? O puntahan? Tama puntahan ko na lang, sasabihin ko na lang na sumakit ang tiyan ko—“ Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang marinig kong bumukas ang pinto.&

  • Hey! Mr. Rebound!   Chapter 17. “Feelings? No, it shouldn’t”

    Chapter 17. “Feelings? No, it shouldn’t”Jana’s POV “Good morning! Good morning!” Sigaw ko habang nagtatatalon sa kama ni Takore. Nagising naman siya sa ginawa ko. “Jana, ano ba umalis ka nga.” Aniya’t natulog pa ulit. “Gumising ka na Takore! Gagala tayo!” Masiglang sabi ko sa kanya. “Pwede bang mamaya na?” Natahimik naman ako sa sinabi niya at natigil sa pagtatalon sa kama niya. Kainis ang isang ‘to. Bakasyon na bakasyon ay tinatamad guma

DMCA.com Protection Status