Chapter 5. “Ako si Takore”
Xial’s POV
Dinala ko si Jana rito sa park malapit sa school namin. Nag-over-the-bakod pa kami para lang makalabas sa school. Ayaw niya raw kasing pumasok muna sa klase niya dahil mukha raw siyang umiyak, e umiyak naman talaga siya. Ayaw niya raw na ipakita sa mga tao ang kahinaan niya. Kinuha ko pa sa classroom nila yung bag niya at saka siya sinamahan rito sa park.
Mula sa school habang papunta kami rito sa park hindi pa rin siya tumitigil sa pag-iyak niya. Ako naman ay tahimik na nakasunod sa kanya. Habang naglalakad pansin kong panay ang tingin ng mga taong madadaanan namin. Anong meron?
“Ang aga aga nagbe-break sila, Kuya.” Rinig kong sabi ng nakasalubong namin. Tiningnan ko nama sila na puno ng pagtataka. Umiwas naman sila ng tingin sa akin at nagpatuloy sa paglalakad.
Hindi ko sila pinansin at sinundan na lang si Jana, pero napagtanto ko ang lahat nang marinig ko ang sinabi ng babaeng nakasalubong namin.
“Walang forever, break na yan!” Natatawang sabi ng babae sa kasama niya.
Napapikit ako ng mata sa inis at hinabol si Jana. Oo nga, isang babaeng umiiyak habang may lalaking nakasunod. Mukha pala kaming nagbe-break ni Jana.
“Jana!” Tawag ko sa kanya saka siya hinawakan sa braso. “Sandali la—aray!” Sigaw ko nang bigla niya akong sapakin sa mukha.
Napahawak ako sa mukha ko sa sakit. Sinundan ko lang siya ng tingin habang namimilipit sa sakit. Ang sadista naman niya! Ako na nga lang ang karamay niya eh.
Masakit man ang mukha ko, sinundan ko pa rin si Jana. Hindi naman na ako makakapasok sa school e. At saka alam kong mas kailangan niya ako ngayon. Pagdating sa park, naupo lang siya roon habang tulala at lumilipad ang isipan. Hindi na siya umiiyak pero bakas sa mukha niyang galing siya sa pag-iyak. Kitang kita sa mukha niyang malungkot siya.
Tumabi ako sa kanya at pinagmasdan ang mukha niya pero hindi niya ako pinapansin. Tulala lang siya at tila ba hindi ako nararamdaman.
“Ano bang gagawin ko?” Bulong ko sa sarili ko. “Paano ko ba siya mapapasaya?”
Nilibot ko ang paningin ko sa buong park. “Ayos!” Saad ko nang makakita ako ng nagtitinda ng ice cream. “Sandali lang, Jana ah!” Paalam ko at saka tumayo para bumili ng ice cream.
Pagbili ko ng ice cream bumalik ako sa upuan namin. Hindi pa rin siya kumikibo, tulala pa rin.
“Jana oh, para sa’yo.” Sabi ko rito habang dinidilaan ang hawak kong ice cream. “Dalawa binili ko eh, sa’yo na lang isa.” Masayang sabi ko sa kanya.
Tiningnan naman niya ang hawak kong ice cream. Matagal niya ‘tong tiningnan at mayamaya pa bigla na lang siyang umiyak. Nabigla ako. Inaano naman siya ng ice cream?
“Hoy walang kasalanan ang ice cream ah!” Nag-aalalang sigaw ko sa kanya. Hindi sa kanya kundi sa ice cream baka mamaya itapon niya ‘to eh.
Nilayo ko agad ang ice cream sa harap niya. Umiiyak na naman ulit siya.
“Kumakain din kami ng ice cream ni Julius dati.” Aniya sa pagitan ng pag-iyak niya. Ngayon alam ko na kung bakit siya umiiyak. Napabuntong-hininga ako. Pinaalala pa ng ice cream na ‘to ang hambog na ‘yon sa kanya.
Akmang itatapon ko ang ice cream na hawak nang pigilan niya ako. Napatingin ako sa kanya. Humihikbi siya. “Akin na ‘yan.” Sabi niya saka kinuha ang ice cream ko. Napangiti ako at agad na inabot sa kanya ang ice cream.
Pagkuha niya ng ice cream akala ko kakainin niya pero napanganga ako nang bigla niyang ibato yung ice cream sa puno habang umiiyak. Hala ka! Sayang yung ice cream ah!
“’Wag ka na nga umiyak.” Saway ko sa kanya, pero hindi niya ako pinapansin. “Ang iyakin mo naman.” Dagdag ko pa pero tulad kanina wala pa rin siyang reaksyon. Hindi ako sanay magpasaya ng tao. Lalo na kapag ganitong broken hearted. Sarili ko nga di ko mapasaya siya pa kaya.
Bigla ko namang naalala ang kantang ‘yon. Ewan ko ba pero natatawa ako sa kantang ‘yon eh.
“Jana!” Tawag ko sa kanya. Nilingon naman niya ako pero umiiyak pa rin siya. Malapad akong ngumiti sa kanya. “Kakantahan at sasayawan kita para di ka na umiyak.” Masigla kong sabi sa kanya pero gaya kanina wala pa rin siyang reaksyon.
Tumayo ako sa harapan niya. “Jana Dayne Encarnacion, sa buong buhay ko ngayon pa lang ako sasayaw ah at para lang mapasaya ka!” Masigla kong sabi. Nilibot ko nang tingin ang paligid. Mabuti na lang at wala pa gaanong tao rito sa park.
Nakakahiya naman ‘to pero sige na nga. Pinasok ko ‘to eh.
Huminga ako ng malalim at tiningnan siya saka ngumiti.
“Ako si Takore pandak at mataba.” Pagkanta ko saka umakto na isang takoreng mataba. “Ito ang hawakan at ito ang buhusan.” Inilagay ko sa baywang ko ang isang kong kamay para magmukhang hawakan ng takore at tinaas ko naman na parang cobra ang isa kong kamay para sa bukusan ng takore. “Pagkumukulo-kulo, KULO KULO KULO!” Sigaw ko saka kumembot sa harap niya. “Hawakan ko ako.” Kinuha ko ang kamay niya at nilagay sa braso kong parang hawakan ng takore. “At ibuhos mo ako!” Masiglang pagtapos ko sa kanta.
Napansin ko namang marami na palang tao ang nakatingin sa akin. Pero si Jana hindi pa rin masaya. Napalunok ako at naupo sa tabi niya. ‘Yong mga tao naman sa paligid naman nagtatawanan. Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko sa hiya. Hindi ko na gagawin ulit ‘to umiyak man ng dugo si Jana. Kainis ah!
Napalingon naman ako kay Jana nang makarinig ako ng mahinang bungisngis. Dali-dali ko siyang hinarap at tiningnan ang mukha. At doon ko nakitang tumatawa siya.
“Ta-Takore daw.” Aniya sa pagitan na pagtawa niya. Napangiti naman ako dahil napasaya ko siya. “Gung-gong talaga siya.” Agad na napasimangot ako sa dinagdag niya.
Hinintay kong tumigil siyang tumawa. Maya’t maya naman ang tawag niya ng takore sa akin. Pinapaulit niya pa sa akin yung kanta at sayaw pero sabi ko ayoko na.
“Dali na, Xial! Nakakatawa kasi e” Natatawa niyang sabi.
“Leche! Ayoko na! Ikaw lang masaya e.” Sabi ko rito saka siya tinalikuran.
Natahimik naman siya at ganon din ako.
“Salamat.” Rinig kong sabi niya. Nilingon ko siya at nakita kong masaya siyang nakangiti sa akin. “Salamat sa’yo, Mr. Rebound.”
Nanglaki ang mga mata ko sa narinig kong sinabi niya. Nang mga oras na ‘yon, kakaibang ngiti ang nakita ko sa mukha ni Jana. Isang ngiting kakaiba ang dinala sa puso ko.
“Sus, wala ‘yon.” Sagot ko sa kanya.
“So? Kakanta ka nan g takore?” Pang-aasar niya. Naningkit ang mata ko sa sinabi niya. Pero natawa na lang ako dahil saw akas, nakapagpasaya ako ng taong kailangan ako.
Jana’s POV
“Ayos ka na ba talaga, Jana?” Tanong ni Xial habang pabalik kami ng school. Kumain na kami ng lunch kaya pabalik na kami ng school. Magha-half day na lang kaming dalawa. Hinanda ko na rin ang sarili ko na makita sina Sena at Julius sa school. Pero sino ba sila para pagtuunan ko pa ng pansin?
“Okay na ako, alam ko namang nandiyan ka eh, di ba?” Masigla kong sabi kay Xial. Ngumiti naman siya ng malapad.
“Naman! Ako yata si Gian Xial Bustamante, ang Mr. Rebound ni Jana Dayne Encarnacion!” Ganadong sabi niya at nagpa-macho pa sa harap ko.
“Gung-gong, kumanta ka na lang ng takore.” Pang-aasar ko sa kanya saka nauna sa kanya sa paglakad. Ang babaw man pero dahil sa takore niya, natuwa ako. Oo nakakatuwa talaga, kahit sino naman ang makakakita ng ginawa ni Xial matatawa talaga. Kahit pa na ako, na isang broken hearted. Napahinto ako nang sumagi ulit sa isip ko ang nangyari kanina.
Jana, tama na. Lakasan mo ang loob mo.
“Jana!” Napalingon ako sa tumawag sa akin. Pagtingin ko kung sino, si Abby pala. Nagtaka naman ako dahil parang nagmamadali siyang makita ako. Hingal na hingal siya nang makarating sa lugar ko.
“Bakit, Abby?” Nagtatakang tanong ko.
“Ba’t ba di ka pumasok kanina? Sa’n ka ba galing?” Tanong niya sa pagitan ng paghingal niya.
“Ah, umuwi ako sa bahay. Alam mo na, call of nature.” Pagdadahilan.
“Tss. E bakit si Xial pa kumuha ng gamit mo?” Tanong niya. Hinanap ko naman si Xial sa likod pero wala na ang takore. Bigla tuloy akong napangiti. “Oy? Ningingiti-ngiti mo diyan? Makakangiti ka pa kaya kapag nakita mo ‘to?” Ani Abby saka binigay sa akin ang isang papel. Pagtingin ko, yung 4th grading periodical exam ko sa Math.
Binuksan ko ang test paper at halos maluha ako sa nakita. Isang tumatagingting na F ang grade ko!
“Sabi ni Ma’am Borromeo mag-retake ka raw sa Monday niyang exam mo, kapag bumagsak ka pa raw sa retake exam. Magsa-summer ka na raw.” Paliwanag ni Abby. Paano na ‘to? Kainis naman!
Natapos na ang afternoon period namin. Buong period kong pinilit isipin na invisible si Sena. Habang si Julius naman ay pinagdarasal kong wag pumunta sa classroom namin. Section 2 ako habang si Julius naman ay Section 4. Bigla akong napaisip, ano nga palang section ni Takore?
Cleaners ako ngayon kaya naiwan ako. Mag-isa na lang ako sa classroom. Hapon na rin at konti na lang ang mga istudyante. Kung minamalas ka nga naman. Ang malas ko naman ngayong araw, una akala ko makikipagbalikan sa akin si Julius, pangalawa nakita ko pa silang naghahalikan ni Sena, pangatlo bagsak ako sa Math exam ko, pang-apat walang magtuturo sa akin! Kainis talaga!
“Anong gagawin ko?” Tanong ko sa sarili ko habang nagma-mop ng sahig.
“Bakit, Jana?” Napatingin ako sa likod ko. Si Xial takore pala. Napabuntong-hininga ako at naipo sa isang desk.
“Bagsak kasi ako sa exam ko sa Math.” Sagot ko kay Xial. Sandali siyang natahimik pero biglang tumawa ng malakas. Inis ko siyang tiningnan. “Tawa pa? Takore?” Pang-aasar ko. Natigil naman siya sa pagtawa niya.
Pauwi na kami ni Xial pero lutang pa rin ang isip ko. Dalawang araw na review tapos exam na. Kaya ko ba? Math ‘yun eh! Dapat gantong oras nagpapakasenti pa ako pero heto ako ngayong nag-iisip tungkol sa exam ko. Isang malalim na buntong hininga ang binitawan ko at huminto sa paglalakad. Bigla naman akong nabangga ni Xial na nasa likod ko dala ang teddy bear na binigay niya sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin.
“Jana, kainis ka naman! Ikaw na nga binigyan ako pag pinagdadala mo nito.” Reklamo niya.
“Edi iwan mo diyan sa kalsada!” Sigaw ko sa kanya.
“Wag na, ang mahal kaya nito!” Aniya’t nauna sa paglalakad sa akin. Nginusuan ko lang siya sa sobrang inis. Bigla naman siyang tumigil sa paglalakad kaya napatigil din ako.
“Oh? Bakit?” Tanong ko. Seryoso niya akong tiningnan saka ngumisi sa akin.
“Alam mo, inuuna mo pa yung lalaking ‘yon, bagsak ka naman pala sa Math. Tingnan mo magsa-summer ka pa tuloy.” Natatawa niyang sabi. Masaya pa siyang magsa-summer ako?
“Hoy! Di pa naman sure yun! May retake exam pa ko ‘no!” Sigaw ko sa kanya. “Kung nandito lang si Julius, matutulungan niya sana ako.” Ani ko sa sarili ko.
“Bakit? Di lang naman si Julius ang magaling sa Math ah!” Maktol niya. Napakunot ako ng noo dahil sa inasal niya.
“Oh? Ba’t ka nagagalit diyan?” Tanong ko. Napansin ko namang parang nataranta siya.
“Wala.” Sabi niya saka naglakad pauna sa akin pero bigla ulit siyang huminto at nilingon ako. Nagulat naman ako nang seryoso niya akong tiningnan. “Ako na ang magtuturo sa’yo,” Seryoso niyang sabi saka ako tinalikuran. “Hay rebound na, naging tutor pa! Kainis!” Maktol niya habang naglalakad.
Napangiti naman ako habang pinapanuod siya.
Chapter 6. “Mr. Tutor”Xial’s POV Calling…Jana “Hays! Bakit hindi niya sinasagot?” Banas kong sabi saka inalis ang phone ko sa kanang tainga ko. Ang aga ko pang nagising ngayong Sabado para sa kanya tapos hindi niya sinasagot ang tawag ko? Siya na nga may kailangan eh! Tss. Nagpatuloy na ako sa paglalakad papunta sa bahay nila Jana. Ngayong araw ang umpisa ng pagtuturo ko sa kanya para sa retake exam niya sa Monday. Habang naglalakad natigil ako nang makasalubong ko siya. Nagkatinginan kami. Nakita kong parang nabigla siya nang makita ako. Hindi ba siya si S
Chapter 7. “Love On!”Jana’s POV Ang dapat ay magre-review ako ngayon para sa retake exam ko sa Monday pero heto ako ngayon, kasama si Takore at nasa labas. Nandito kami sa train station at naghihinatay sa pagdating ng train papuntang Taft Avenue. Ang sabi niya dadalhin niya ako kung saan ako makakalimot. Saan namang lugar ‘yon? Magkaka-amnesia ba ako sa lugar na ‘yon para makalimutan ang kahayupan ng mga ‘yon? Dumating na ang tren at pumasok na kami. Pinauna niya pa ako. Pagpasok ko, ang sikip na ng tren at wala nang upuan. Tumalikod ako at pagtalikod ko saktong napaharap ako sa dibdib niya. Tumingala ako at tiningnan siya, nakang
Chapter 8. “Super Takore!”Jana’s POV “Saan ba tayo pupunta?” Inis kong tanong kay Takore habang nasa jeep kami. Pagtapos namin kumain kanina pumunta kaming bookstore, bumili siya ng mga libro at binigay niya sa akin. Ang sabi niya basahin ko raw ‘yon para raw malimutan ko si Julius. Sabi niya pa mas mabuti na ang ma-in love ako sa mga fictional characters at least daw hindi ako masasaktan. Hindi naman ako mahilig magbasa ng mga romance books. Mas gusto kong manuod ng anime o kaya Korean drama. “Malapit na.” Aniya saka may kinuha sa bag niya. Inilabas niya mula sa bag niya ang isang paper bag ng Adidas. “Oh, suoti
Chapter 9. “Pain of the Past”Jana’s POV Nakarating na kami sa tapat ng bahay nila Takore. Malaki ito kung titingnan sa mula sa labas, mas malaki lang ng konti sa bahay namin. Maganda rin ang style ng bahay nila at maganda ang kulay. Hindi rin naman ito ganoon kalayo sa bahay at sa school namin.Natigil ako sa pagmamasid sa bahay nila nang bumukas ang pinto ng bahay nila. Isang babae ang lumabas sa pinto at nagtungo sa gate kung saan kami nakatayo. Pagbukas ng gate ng Mama ni Takore, kukurap-kurap akong tiningnan ng Mama ni Takore na parang bang gulat na gulat nang makita ako. Tiningnan ko naman si Takore sa tabi at tumingin din siya sa akin saka ngumiti. 
Chapter 10. “Foolish King and Queen”Jana’s POVNapabangon ako sa sinabi niya. Gulat na gulat at hindi makapaniwala. Tumahimik na lang ako dahil ramdam kong ayaw naman niyang pag-usapan ang tungkol sa ex niya.Iniwas ni ang tingin niya sa akin at nilipat sa frame sa table niya. “I was so in love with her that time. Sobrang saya ko. And I can risk everything for her, gano’n ko siya kamahal.” Pag-uumpisa niya ng kwento niya. Seryoso ang tono nga boses niya habang taimtim na nakatingin sa picture frame. Tahimik naman akong nakinig sa kanya. Nakita kong malalim siyang huminga saka tumingin sa akin.“But like you, naloko rin ako. I was fooled and I didn’t even notice that she’s cheating on me with my bestfriend. That she’d just use me to
Chapter 11. “The Ex and the Rebound”Xials’s POV Nagising ako nang makaramdam ako ng pangangalay ng binti. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako rito sa sudy table. Umayos ako ng upo para iunat ang mga binti ko. Pag-upo ko nang maayos nahulog ang kumot na nasa likod ko kaya kinuha ko ito, nagtaka naman ako kaya napatingin ako sa nasa kama at doon ko nakita si Jana na nakahiga at natutulog. Napangiti ako at pinagmasdan ang mukha niya. Ang payapa nito at napakamaamo ng mukha niya. Inagaw naman ng notebook na pinasagutan ko sa kanya ang aking tingin. Kinuha ko ang notebook, pagtingin ko napasinghap ako sa nakita ko. “Hindi ni
Chapter 12. “Stay away!”Jana’s POV Monday morning. Paglabas ko ng bahay nagulat ako nang nasa gate na si Takore. Oo nga pala, kapit-bahay ko na nga pala siya ngayon. Inirapan ko siya dahil nakakainis siya, hindi niya man lang sinabi sa akin na sila pala ang bagong lilipat sa bahay na ‘yan. Papasok na kami ngayon pero parang sumasakit ang ulo ko dahil sa puyat kagabi. Pero ang isang ‘to parang fresh na fresh pa rin at wala man lang bahid ng puyat. Nakita ko namang nasa labas ng bahay nila sila Tita Xyra kasama sina Xiera at Xyron na nakauniform na rin. Kumaway sa akin si Tita Xyra kaya ngumiti rin ako at kumaway. Nakita ko namang nakatingin sa akin si Takore na bakas ang yamot sa mukha.&nbs
Chapter 13. “I’m glad that you’re safe”Jana’s POV“Pwede ba wag mo na akong pakialaman? Hindi kita kailangan! Hindi ko kailangan ng rebound! Hindi ko kailangan ng tutulong sa akin para makalimutan siya! Hindi ko kayo kailangan!”Lutang ang isip ko habang nasa harap ng pagkain ko mag-isa dito sa cafeteria. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang mga sinabi ko? Kung tama ba ‘yon o mali. Alam kong walang kasalanan si Takore. Kung tutuusin marami na siyang ginawa para sa akin. Naa-appreciate ko naman ang lahat ng ‘yon.Napabuntong hininga ako at napayuko habang nilalaro ng kutsara ang pagkain ko. “Anong gagawin ko?” Saad ko sa sarili ko. Napatingala naman ako nang may nagtungo sa harap ko. Pagkakita ko sa kanila agad na
EpilogueJana’s POV Messenger To: Gian Xial Bustamante Oy Takore, nandito ako ngayon sa ice skating rink. Magaling na ako! Kaya bumalik ka rito para maglaro tayo. >Download Image Sent! 08/17/16 03:41PM----------------------------------------------------------------------------------------------------------------- To: Gian Xial Bustam
Chapter 24. “Bye, Mr. Rebound”Jana’s POV Pauwi na ako galing ospital. Dumating na ang Mama ni Julius kaya nakauwi na ako. Paglabas ko ng ospital kanina ko pa iniisip si Takore. Kanina ko pa tinatawagan si Takore pero unattended ang phone niya. Nakapatay ba ang phone niya? Pagpunta ko sa room niya kanina sa ospital ay wala na siya, ang sabi ng nurse kanina pa raw nag-discharge. Napahinto ako sa paglalakad at kinapa ang kaliwang dibdib ko. Bakit ganito ang pakiramdam ko? Bakit ako kinakabahan? Pagdating ko sa tapat ng gate namin, huminto ako at nilingon ang bahay nila Takore. Madilim ang loob at patay na ang mga ilaw. Ang aga naman n
Chapter 23. “The hardest choice”Jana’s POV “Mahal kita, Jana.” Rinig kong sabi ni Takore matapos niya akong halikan. Nagulat ako sa ginawa niya maging sa sinabi niya. Ramdam ko ang malakas na kabog ng dibdib ko. Pero agad na napipigilan ang kabog ng dibdib ko ng pagkalito nang maalala ko si Julius. Napaiwas ako ng tingin at napayuko. Hindi ko alam ang sasabihin o isasagot sa sinabi niya. Naguguluhan ako. Sobra akong naguguluhan. “Jana,” Muli akong napatingin nang tawagin niya ako. “Mahal mo pa rin ba siya?” Tanong niya sa akin. Nagkatitigan
Chapter 22. “The saddest truth”Jana’s POV “Galingan mo Takore!” Sigaw ko. Napalingon naman siya sa akin at ngumiti. Nagsimula na ulit ang laro, ngayon kasali na si Takore. Sa pagpasa sa kanya ng bola mas umingay pa ang court. Marami ang sumisigaw sa pangalan niya. Yung iba mga supporters na ng kalaban nila pero si Takore ang chini-cheer. Hindi naman ako nagpatalo sa pagchi-cheer at nilabas ko na ang banner na ginawa ko para kay Takore. “Go! Takore!” Sigaw ko may ibang babae pa ang nagtaka kung sino ang chini-cheer ko dahil Takore ang sinisigaw ko.
Chapter 21. “Love is sacrifice”Jana’s POV Nakahiga si Julius at nagpapahinga. Ang sabi ng school doctor dapat daw umuwi na si Julius at magpahinga. Tinanong ko naman siya at sinabi niyang may sakit raw si Julius pero hindi na niya nasabi nang may tumawag sa kanya. Tiningnan ko si Julius na natutulog, bigla namang dumilat ang mga mata niya at bumangon. “Sandali ayos ka na ba?” Tanong ko sa kanya. Tiningnan niya ako at tumango. “Oo.” Sagot niya. “Ang sabi ng school doctor may
Chapter 20. “My rebound, My love”Xial’s POVPapunta na kaming cafeteria ni Margaret. Tulala ako habang naglalakad dahil iniisip ko si Jana. Ano naman kaya ang iniisip niya? Bakit parang may gumugulo sa isip niya?“You like her?” Natigil ako sa pag-iisip ko nang marinig ko ang sinabi ni Margaret.“Ha?” Paglilinaw ko. Tiningnan naman niya ako.“Jana, do you like her?” Tanong niya ulit. Napangiti ako at napaiwas ng tingin. “I see it in your smile. That’s why you choose to be in our section?” Natahimik ako sa sinabi niya.“How did you know?” Seryosong tanong ko. Huminga ng malalim si Margaret.“Xial, babae ako. Alam ko na ang mga pakulo niyong mga lalaki.” Natatawang sagot niya.
Chapter 19. “Love? No, its charity work”Jana’s POVIlang araw na ang lumipas nang makauwi kami rito sa Manila pero hanggang ngayon iniisip ko pa rin ‘yong mga nalaman ko no’ng nasa bus kami. Alam ko namang dapat hindi ko siya magustuhan dahil unang-una, kilala siyang playboy sa school, pangalawa maraming baliw na babae sa kanya, pangatlo baliw siya, gung-gong, mokong at sira ang tuktok. Pero bakit kapag pilit ko siyang inaayawan, naiisip ko naman lahat ng mga pagtulong at pag-aalaga niya sa akin?Hindi na naman ako makatulog dahil sa kakaisip sa mga bagay na hindi ko alam kung paano ko sosulusyunan. Iiwasan ko ba siya? O…“Oo, dahil ‘yon ang trabaho ng isang rebound.”Sasabihin ko na sa kanyang nakalimutan ko na si Juliu
Chapter 18. “Destined? Maybe we”Jana’s POV Alas-dyis na pero wala pa rin si Takore. Napapaisip tuloy ako kung pumunta ba si Jasmine sa Burnham Park para magkita sila. Pero paano kung hindi pumunta si Jasmine? Baka naman naghihintay pa rin si Takore do’n. Kanina pa siya ng tawag ng tawag e. Napabuntong hininga ako. “Ano ka ba Jana, ano ba kasing iniisip mo?” Inis kong sabi sa sarili ko’t napakamot sa ulo. “Tawagan ko na kaya? O puntahan? Tama puntahan ko na lang, sasabihin ko na lang na sumakit ang tiyan ko—“ Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang marinig kong bumukas ang pinto.&
Chapter 17. “Feelings? No, it shouldn’t”Jana’s POV “Good morning! Good morning!” Sigaw ko habang nagtatatalon sa kama ni Takore. Nagising naman siya sa ginawa ko. “Jana, ano ba umalis ka nga.” Aniya’t natulog pa ulit. “Gumising ka na Takore! Gagala tayo!” Masiglang sabi ko sa kanya. “Pwede bang mamaya na?” Natahimik naman ako sa sinabi niya at natigil sa pagtatalon sa kama niya. Kainis ang isang ‘to. Bakasyon na bakasyon ay tinatamad guma