Home / All / Hey! Mr. Rebound! / Chapter 6. “Mr. Tutor”

Share

Chapter 6. “Mr. Tutor”

Author: BadReminisce
last update Last Updated: 2021-03-01 11:05:07

Chapter 6. “Mr. Tutor”

Xial’s POV

            Calling…Jana

            “Hays! Bakit hindi niya sinasagot?” Banas kong sabi saka inalis ang phone ko sa kanang tainga ko. Ang aga ko pang nagising ngayong Sabado para sa kanya tapos hindi niya sinasagot ang tawag ko? Siya na nga may kailangan eh! Tss.

            Nagpatuloy na ako sa paglalakad papunta sa bahay nila Jana. Ngayong araw ang umpisa ng pagtuturo ko sa kanya para sa retake exam niya sa Monday. Habang naglalakad natigil ako nang makasalubong ko siya. Nagkatinginan kami. Nakita kong parang nabigla siya nang makita ako. Hindi ba siya si Sena?

            “Hello, Miss?” Tanong ko. “Are you alright?”

            “Ah—eh, oo pasensya.” Aniya at dali-daling naglakad paalis. Sinundan ko naman siya ng tingin habang nagtataka.

            Nagpatuloy na ako papunta kila Jana. Pagdating ko sa bahay nila, sarado pa ang pinto nila. Mukha hindi pa gising ah. Tingnan mo nga naman. Napangisi na lang ako habang naiiling. Siya pa ang nagbigay ng oras kagabi.

            “Hay rebound na, naging tutor pa! Kainis!”

            “Sandali!” Tawag sa akin ni Jana. Nilingon ko naman siya.

            “Oh?” Tanong ko. Bigla niya namang nilapit ang mukha niya sa akin na ikinagulat ko. Taimtim niya akong tinitigan habang tahimik lang ako.

            “Parang wala naman sa hitsura mo ang matalino. Playboy ka di ba?” Mataray niyang sabi saka lumayo sa akin.

            “Hoy, don’t underestimate me baby.” Natatawa kong sabi.

            “Sus, ako nga na section 2 nahihirapan sa Math ikaw pa kayang…”

            “Section 1 at soon to be valedictorian.” Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya. Nakita ko namang natahimik siya at nagulat sa sinabi ko. Nginisian ko lang siya. Mukha yatang nagulat talaga siya. Tumalikod na ako para umalis.

“Don’t worry akong bahala sa—“ Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang makarinig ako ng mahinang tawa. Pagtingin ko sa kanya nakaupo na siya habang malakas na tumatawa.

“Iba ka talaga Takore!” Aniya habang humahagalpak sa tawa. Naningkit naman ang mga mata ko sa inis.

Habang tumatawa siya. Hiniharap ko ang bag pack ko at kinuha ang test paper ko sa Math.

“Oh, see it for yourself.” Ani ko at iniharap sa mukha niya ang test paper ko. Tumigil naman siya sa pagtawa nang makita niya ang test paper ko. Malapad akong napangiti at inasar siya ng tingin habang nakataas ang kilay ko. Kitang kita kong nabigla siya sa nakita niya.

“Edi ikaw na,” Aniya saka tumayo ng maayos. “Bukas pumunta ka sa bahay ah! Alas-syete ng umaga! Maliwanag?” Utos niya sa akin.

“Opo!” Sagot ko sa kanya’t nagsaludo pa sa kanya. Inis naman niya akong tiningnan habang ako naman ang natatawa ngayon. Tumalikod na siya at naglakad papasok sa bahay nila.

Nilibot ko nang tingin ang buong bahay nila. Tulog pa nga yata siya. Napaisip ako at agad na napangiti ako nang makaisip ako ng gagawin. Kumuha ako ng bato para ihagis sa bubong nila. Akmang ihahagis ko na ang bato nang biglang bumukas ang pinto nila. Caught in the act naman akong nakita ng Mama ni Jana na lumabas ng pinto. Nanglaki ang mga mata ko sa hiya at agad na hinagis ang batong hawak ko.

“Oh, Xial napadaan ka?” Tanong ng Mama ni Jana. Ngumiti naman ako.

“Good morning po, dito po talaga ako pupunta.” Saad ko. Nabigla naman ang Mama ni Jana.

“Oh? Bakit? May date ba kayo ni Jana?” Natatawang tanong ng Mama ni Jana. Natawa na lang din ako.

“Hindi po, i-tu-tutor ko po si Jana sa Math, bumagsak po kasi siya sa exam e.” Naging mahina ang tatlong huling salitang sinabi ko nang makita kong napakunot ng noo ang Mama ni Jana. Natahimik na lang ako habang ang Mama naman ni Jana ay napabuntong hininga.

“Hindi niya sinabi sa akin. Naku talaga.” Ani Mama ni Jana at dali-daling pumasok sa bahay nila. “Pasok ka, Xial.” Paanyaya sa akin. Pumasok naman ako agad at naupo sa sofa.

“Ma, natutulog pa po ako.” Rinig kong sigaw ni Jana mula sa itaas.

“Ano ka ba! Nandiyan na si Xial naghihintay sayo! Ikaw talagang bata ka! Bagsak ka na naman sa Math!” Rinig kong sigaw ng Mama niya.

“Sinabi sayo ng gung-gong na ‘yon? Malalagot siya sa akin!” Sigaw ni Jana. Narinig ko naman ang malalakas na hakbang pababa ng hagdan. Pagbaba niya saktong nagbanggaan ang tingin namin. Kitang kita kong galit siya habang gulo-gulo pa ang buhok niya at nakasuot pa ng pajama.

“Jana, ano ka ba! Maghilamos ka nga muna!” Saway ng Mama niya sa kanya at hinila siya paakyat ulit.

Nandito kami sa harap ng dining table nila. Naghain na ang Mama niya ng pagkain pero si Jana tulog pa rin habang nakaupo. Natawa na lang ako habang pinapanuod siya.

“Hay nako, siguro di ka pa nagbe-breakfast ‘no?” Tanong ng Mama ni Jana saka inilapag ang bowl of rice at naupo na.  Kaharap ko si Jana habang nasa gilid namin pareho ang Mama niya. Tumango naman ako.

“Opo, maaga po kasi ang usapan namin e.” Sagot ko saka ulit tiningnan si Jana. “Pero tulog mantika pa rin ang tuturuan ko.” Natatawa kong sabi. Bigla namang pinalo ng Mama niya si Jana kaya nagising siya.

“Kain na tayo.” Ani Mama niya. Kumain na kami pati na rin si Jana. Habang kumakain pansin kong mugto pa rin ang mata niya. Pinapanuod ko siyang kumain at pansin kong hindi siya ganado. Mukhang hindi pa rin siya nakakalimot sa mga nangyari kahapon. Alam ko namang hindi madaling kalimutan ‘yon. Mukhang hindi pa siya nakatulog ng maayos.

“Ay, Jana okay ka lang ba rito?” Tanong ng Mama niya sa kanya. Walang emosyon naman siyang tumango-tango at hindi man lang tiningnan ang Mama niya. “Isarado mo ang pinto mamaya ah!” Nagtaka naman ako sa sinabi ng Mama niya.

“Bakit po? Saan kayo pupunta?” Tanong ko sa Mama niya.

“Harvest na kasi sa farm. Aakyat muna akong bagyo. Uuwi naman ako sa Lunes.” Paliwanag ng Mama niya. Kumain na ako ulit pero muntik ko nang maibuga ang kinakain ko nang marinig ko ang sinabi ng Mama niya.

“Xial, pwede mo naman samahan si Jana dito sa bahay e.” Nabigla ako sa sinabi ng Mama niya. Napatingin ako kay Jana at nanglaki ang mga mata ko nang salubong ang kilay nito at nanlilisik ang mga matang nakatingin sa akin. Inayos ko naman ang sarili ko at nginitian siya.

“Sige po.” Pagsang-ayon ko.

“Hoy!” Sigaw ni Jana. Napaurong naman ako sa lakas ng sigaw niya. “Ayaw ko nga!”

“Ano ka ba! Mas okay nga ‘yon eh at least may kasama ka.” Sabi ng Mama niya. “Hindi naman gagawa ng kalokohan ‘yan si Xial e, at saka kahit naman may mangyari okay lang sakin.” Natatawang sabi ng Mama niya.

“Ma!” Maktol ni Jana sa Mama niya. “Para mo naman akong binibenta sa lalaking ‘yan. Mag-aaral lang kami.” Inis niyang sabi.

“Okay, fine. Wag na muna ‘yon. Xial, hijo pigil muna ah.” Natatawang sabi ng Mama niya. Natawa na lang din ako habang si Jana naman halatang napipikon na.

Pagtapos naming kumain. Naghugas muna ng plato si Jana at naligo. Habang ang Mama naman niya nag-aayos ng gamit paalis. Habang nasa sala nila ako, tumingin muna ako ng mga nakadisplay na litrato. May mga picture ni Jana noong bata siya, meron din noong graduation niya ng elementary. Mag mga kuha rin siya habang naglalaro ng volleyball. Mayroon ding may hawak siyang trohpy at medals. Habang tinitingnan ko ang larawan ni Jana habang hawak ang trophy niya at masayang nakangiti, bigla kong naalala ang unang beses na nakita ko siya.

Matapos nang pangyayaring niloko ako ng bestfriend ko at ng girlfriend ko. Inayawan ko na ang sports na basketball. Dahil kibit ng larong ‘yon ang pinagsamahan namin ni Harold. Simula noon hindi na ako naglaro ng basketball. Pero dahil kay Jana, noong nakita ko siyang naglalaro ng volleyball noong sportfest sa school. Bumalik ang loob ko sa paglalaro. Nag-try out ako sa varsity team at nakapasok ako. Ngayon, ako na ang team captain ng team namin. Ang alam ko si Jana rin ang team captain ng volleyball team. Simula nang araw na ‘yon, naging interesado ako kay Jana, pero nalaman kong may boyfriend pala siya.

Napansin ko naman ang isang picture ng lalaki habang buhat si Jana noong bata pa siya. Maigi ko itong tiningnan, kamukha kasi ni Jana ang lalaki.

“’Yan ang Papa ni Jana,” Napalingon ako sa likuran ko nang magsalita ang Mama ni Jana. “Matagal na siyang wala, volleyball player din ang Papa niya, at siya ang nagturo kay Jana.” Tumango-tango ako sa kwento ng Mama niya.

“Ma, aalis ka na ba?” Rinig kong sigaw ni Jana mula sa kusina.

“Oo, iwan ko na kayo ah.” Sagot ng Mama niya.

“Ingat Ma ah! Yung strawberry ko pag-uwi mo ah!” Natawa naman ang Mama niya.

“Sige na, Xial. Alis na ako, kayo na ang bahala rito ah!” Paalam ng Mama niya.

“Sige po, mag-ingat po kayo.” Nakangiting sabi ko. Nginitian lang din ako ng Mama niya at tinapik sa balikat saka lumabas ng pinto. Paglabas ng Mama niya sakot namang paglabas ni Jana sa kusina.

“Oh? Umalis na si Mama?” Tanong niya.

“Hindi, nandito pa.” Pilosopong sagot ko. Napangiwi naman siya at kumuha ng throw pillow saka binato sa akin.

“Tara na nga, turuan mo na ako.” Saad niya’t kinuha ang mga libro niya.

Binigyan ko muna siya ng mga basic problems para sagutan niya habang nirereview ko naman ang test paper niya. Habang tinitingnan ko ang test paper niya, sumasakit ang mata ko. Bakit kahit hula man lang hindi siya tumama? Sa 100 items na tanong at lahat naman nasagutan niya hindi man lang umabot sa 50 ang  tamang sagot niya. Talaga ngang “F” ang grade niya.

“Tapos ka na?” Tanong ko sa kanya pero hindi siya sumasagot. Pagtingin ko sa kanya napailing-iling na lang ako nang makita kong tulala siya. “Hoy!” Sigaw ko sa kanya.

Inis naman niya akong tiningnan. “Hindi mo masasagutan ‘yan kung tititigan mo lang.” Sabi ko sa kanya. Bumuntong-hininga naman siya.

“Wala kasi akong gana.” Matamlay niyang sabi. Napasabunot ako sa buhok ko. Hindi talaga siya makakapasa nito sa retake niya kung ganyan siya.

            Pinanuod ko siya. Kung tutuusin, mahirap nga ang sitwasyon niya. Hindi siya makakapagconcentrate gayong may heartache siyang pinagdaraanan.

            “Mag-summer class ka na lang.” Inis kong sabi saka tumayo. “Uuwi na ako.” Saad ko saka siya tinalikuran pero napahinto ako. Mariin kong pinikit ang mata ko at saka siya hinarap ulit. Kinuha ko ang braso niya. “Tara sumama ka sa akin.” Sabi ko rito at hinila siya.

            “Teka! San naman tayo pupunta?” Tanong niya. Tinapik ko ang ulo niya at nginitian siya.

            “Sa lugar kung saan ka makakalimot.” Sagot ko sa kanya sabay kindat.

Related chapters

  • Hey! Mr. Rebound!   Chapter 7. “Love On!”

    Chapter 7. “Love On!”Jana’s POV Ang dapat ay magre-review ako ngayon para sa retake exam ko sa Monday pero heto ako ngayon, kasama si Takore at nasa labas. Nandito kami sa train station at naghihinatay sa pagdating ng train papuntang Taft Avenue. Ang sabi niya dadalhin niya ako kung saan ako makakalimot. Saan namang lugar ‘yon? Magkaka-amnesia ba ako sa lugar na ‘yon para makalimutan ang kahayupan ng mga ‘yon? Dumating na ang tren at pumasok na kami. Pinauna niya pa ako. Pagpasok ko, ang sikip na ng tren at wala nang upuan. Tumalikod ako at pagtalikod ko saktong napaharap ako sa dibdib niya. Tumingala ako at tiningnan siya, nakang

    Last Updated : 2021-03-01
  • Hey! Mr. Rebound!   Chapter 8. “Super Takore!”

    Chapter 8. “Super Takore!”Jana’s POV “Saan ba tayo pupunta?” Inis kong tanong kay Takore habang nasa jeep kami. Pagtapos namin kumain kanina pumunta kaming bookstore, bumili siya ng mga libro at binigay niya sa akin. Ang sabi niya basahin ko raw ‘yon para raw malimutan ko si Julius. Sabi niya pa mas mabuti na ang ma-in love ako sa mga fictional characters at least daw hindi ako masasaktan. Hindi naman ako mahilig magbasa ng mga romance books. Mas gusto kong manuod ng anime o kaya Korean drama. “Malapit na.” Aniya saka may kinuha sa bag niya. Inilabas niya mula sa bag niya ang isang paper bag ng Adidas. “Oh, suoti

    Last Updated : 2021-03-01
  • Hey! Mr. Rebound!   Chapter 9. “Pain of the Past”

    Chapter 9. “Pain of the Past”Jana’s POV Nakarating na kami sa tapat ng bahay nila Takore. Malaki ito kung titingnan sa mula sa labas, mas malaki lang ng konti sa bahay namin. Maganda rin ang style ng bahay nila at maganda ang kulay. Hindi rin naman ito ganoon kalayo sa bahay at sa school namin.Natigil ako sa pagmamasid sa bahay nila nang bumukas ang pinto ng bahay nila. Isang babae ang lumabas sa pinto at nagtungo sa gate kung saan kami nakatayo. Pagbukas ng gate ng Mama ni Takore, kukurap-kurap akong tiningnan ng Mama ni Takore na parang bang gulat na gulat nang makita ako. Tiningnan ko naman si Takore sa tabi at tumingin din siya sa akin saka ngumiti. 

    Last Updated : 2021-03-01
  • Hey! Mr. Rebound!   Chapter 10. “Foolish King and Queen”

    Chapter 10. “Foolish King and Queen”Jana’s POVNapabangon ako sa sinabi niya. Gulat na gulat at hindi makapaniwala. Tumahimik na lang ako dahil ramdam kong ayaw naman niyang pag-usapan ang tungkol sa ex niya.Iniwas ni ang tingin niya sa akin at nilipat sa frame sa table niya. “I was so in love with her that time. Sobrang saya ko. And I can risk everything for her, gano’n ko siya kamahal.” Pag-uumpisa niya ng kwento niya. Seryoso ang tono nga boses niya habang taimtim na nakatingin sa picture frame. Tahimik naman akong nakinig sa kanya. Nakita kong malalim siyang huminga saka tumingin sa akin.“But like you, naloko rin ako. I was fooled and I didn’t even notice that she’s cheating on me with my bestfriend. That she’d just use me to

    Last Updated : 2021-03-01
  • Hey! Mr. Rebound!   Chapter 11. “The Ex and the Rebound”

    Chapter 11. “The Ex and the Rebound”Xials’s POV Nagising ako nang makaramdam ako ng pangangalay ng binti. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako rito sa sudy table. Umayos ako ng upo para iunat ang mga binti ko. Pag-upo ko nang maayos nahulog ang kumot na nasa likod ko kaya kinuha ko ito, nagtaka naman ako kaya napatingin ako sa nasa kama at doon ko nakita si Jana na nakahiga at natutulog. Napangiti ako at pinagmasdan ang mukha niya. Ang payapa nito at napakamaamo ng mukha niya. Inagaw naman ng notebook na pinasagutan ko sa kanya ang aking tingin. Kinuha ko ang notebook, pagtingin ko napasinghap ako sa nakita ko. “Hindi ni

    Last Updated : 2021-03-01
  • Hey! Mr. Rebound!   Chapter 12. “Stay away!”

    Chapter 12. “Stay away!”Jana’s POV Monday morning. Paglabas ko ng bahay nagulat ako nang nasa gate na si Takore. Oo nga pala, kapit-bahay ko na nga pala siya ngayon. Inirapan ko siya dahil nakakainis siya, hindi niya man lang sinabi sa akin na sila pala ang bagong lilipat sa bahay na ‘yan. Papasok na kami ngayon pero parang sumasakit ang ulo ko dahil sa puyat kagabi. Pero ang isang ‘to parang fresh na fresh pa rin at wala man lang bahid ng puyat. Nakita ko namang nasa labas ng bahay nila sila Tita Xyra kasama sina Xiera at Xyron na nakauniform na rin. Kumaway sa akin si Tita Xyra kaya ngumiti rin ako at kumaway. Nakita ko namang nakatingin sa akin si Takore na bakas ang yamot sa mukha.&nbs

    Last Updated : 2021-03-01
  • Hey! Mr. Rebound!   Chapter 13. “I’m glad that you’re safe”

    Chapter 13. “I’m glad that you’re safe”Jana’s POV“Pwede ba wag mo na akong pakialaman? Hindi kita kailangan! Hindi ko kailangan ng rebound! Hindi ko kailangan ng tutulong sa akin para makalimutan siya! Hindi ko kayo kailangan!”Lutang ang isip ko habang nasa harap ng pagkain ko mag-isa dito sa cafeteria. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang mga sinabi ko? Kung tama ba ‘yon o mali. Alam kong walang kasalanan si Takore. Kung tutuusin marami na siyang ginawa para sa akin. Naa-appreciate ko naman ang lahat ng ‘yon.Napabuntong hininga ako at napayuko habang nilalaro ng kutsara ang pagkain ko. “Anong gagawin ko?” Saad ko sa sarili ko. Napatingala naman ako nang may nagtungo sa harap ko. Pagkakita ko sa kanila agad na

    Last Updated : 2021-03-01
  • Hey! Mr. Rebound!   Chapter 14. “Special Someone”

    Chapter 14. “Special Someone”Jana’s POV Nasa kwarto ko na ako habang nakahiga. Hindi ako makatulog. Hindi ko alam kung bakit pero bakit parang nagi-guilty ako sa nangyari kay Takore dahil sa mga sinabi ko. Ang sama ko bang tao? Bumangon ako mula sa pagkakahiga at sumilip sa bintana. Tinanaw ko ang bahay nila Takore na katapat na lang namin. Bukas pa ang ilaw ng kwarto niya malamang ay hindi pa siya tulog. Hindi naman na siguro siya gumagawa ng assignment dahil last week na lang ng school. Habang nakatanaw ako bigla namang nag-ring ang phone ko. Nang tingnan ko kung sino nabig

    Last Updated : 2021-03-01

Latest chapter

  • Hey! Mr. Rebound!   Epilogue

    EpilogueJana’s POV Messenger To: Gian Xial Bustamante Oy Takore, nandito ako ngayon sa ice skating rink. Magaling na ako! Kaya bumalik ka rito para maglaro tayo. >Download Image Sent! 08/17/16 03:41PM----------------------------------------------------------------------------------------------------------------- To: Gian Xial Bustam

  • Hey! Mr. Rebound!   Chapter 24. “Bye, Mr. Rebound”

    Chapter 24. “Bye, Mr. Rebound”Jana’s POV Pauwi na ako galing ospital. Dumating na ang Mama ni Julius kaya nakauwi na ako. Paglabas ko ng ospital kanina ko pa iniisip si Takore. Kanina ko pa tinatawagan si Takore pero unattended ang phone niya. Nakapatay ba ang phone niya? Pagpunta ko sa room niya kanina sa ospital ay wala na siya, ang sabi ng nurse kanina pa raw nag-discharge. Napahinto ako sa paglalakad at kinapa ang kaliwang dibdib ko. Bakit ganito ang pakiramdam ko? Bakit ako kinakabahan? Pagdating ko sa tapat ng gate namin, huminto ako at nilingon ang bahay nila Takore. Madilim ang loob at patay na ang mga ilaw. Ang aga naman n

  • Hey! Mr. Rebound!   Chapter 23. “The hardest choice”

    Chapter 23. “The hardest choice”Jana’s POV “Mahal kita, Jana.” Rinig kong sabi ni Takore matapos niya akong halikan. Nagulat ako sa ginawa niya maging sa sinabi niya. Ramdam ko ang malakas na kabog ng dibdib ko. Pero agad na napipigilan ang kabog ng dibdib ko ng pagkalito nang maalala ko si Julius. Napaiwas ako ng tingin at napayuko. Hindi ko alam ang sasabihin o isasagot sa sinabi niya. Naguguluhan ako. Sobra akong naguguluhan. “Jana,” Muli akong napatingin nang tawagin niya ako. “Mahal mo pa rin ba siya?” Tanong niya sa akin. Nagkatitigan

  • Hey! Mr. Rebound!   Chapter 22. “The saddest truth”

    Chapter 22. “The saddest truth”Jana’s POV “Galingan mo Takore!” Sigaw ko. Napalingon naman siya sa akin at ngumiti. Nagsimula na ulit ang laro, ngayon kasali na si Takore. Sa pagpasa sa kanya ng bola mas umingay pa ang court. Marami ang sumisigaw sa pangalan niya. Yung iba mga supporters na ng kalaban nila pero si Takore ang chini-cheer. Hindi naman ako nagpatalo sa pagchi-cheer at nilabas ko na ang banner na ginawa ko para kay Takore. “Go! Takore!” Sigaw ko may ibang babae pa ang nagtaka kung sino ang chini-cheer ko dahil Takore ang sinisigaw ko.

  • Hey! Mr. Rebound!   Chapter 21. “Love is sacrifice”

    Chapter 21. “Love is sacrifice”Jana’s POV Nakahiga si Julius at nagpapahinga. Ang sabi ng school doctor dapat daw umuwi na si Julius at magpahinga. Tinanong ko naman siya at sinabi niyang may sakit raw si Julius pero hindi na niya nasabi nang may tumawag sa kanya. Tiningnan ko si Julius na natutulog, bigla namang dumilat ang mga mata niya at bumangon. “Sandali ayos ka na ba?” Tanong ko sa kanya. Tiningnan niya ako at tumango. “Oo.” Sagot niya. “Ang sabi ng school doctor may

  • Hey! Mr. Rebound!   Chapter 20. “My rebound, My love”

    Chapter 20. “My rebound, My love”Xial’s POVPapunta na kaming cafeteria ni Margaret. Tulala ako habang naglalakad dahil iniisip ko si Jana. Ano naman kaya ang iniisip niya? Bakit parang may gumugulo sa isip niya?“You like her?” Natigil ako sa pag-iisip ko nang marinig ko ang sinabi ni Margaret.“Ha?” Paglilinaw ko. Tiningnan naman niya ako.“Jana, do you like her?” Tanong niya ulit. Napangiti ako at napaiwas ng tingin. “I see it in your smile. That’s why you choose to be in our section?” Natahimik ako sa sinabi niya.“How did you know?” Seryosong tanong ko. Huminga ng malalim si Margaret.“Xial, babae ako. Alam ko na ang mga pakulo niyong mga lalaki.” Natatawang sagot niya.

  • Hey! Mr. Rebound!   Chapter 19. “Love? No, its charity work”  

    Chapter 19. “Love? No, its charity work”Jana’s POVIlang araw na ang lumipas nang makauwi kami rito sa Manila pero hanggang ngayon iniisip ko pa rin ‘yong mga nalaman ko no’ng nasa bus kami. Alam ko namang dapat hindi ko siya magustuhan dahil unang-una, kilala siyang playboy sa school, pangalawa maraming baliw na babae sa kanya, pangatlo baliw siya, gung-gong, mokong at sira ang tuktok. Pero bakit kapag pilit ko siyang inaayawan, naiisip ko naman lahat ng mga pagtulong at pag-aalaga niya sa akin?Hindi na naman ako makatulog dahil sa kakaisip sa mga bagay na hindi ko alam kung paano ko sosulusyunan. Iiwasan ko ba siya? O…“Oo, dahil ‘yon ang trabaho ng isang rebound.”Sasabihin ko na sa kanyang nakalimutan ko na si Juliu

  • Hey! Mr. Rebound!   Chapter 18. “Destined? Maybe we”

    Chapter 18. “Destined? Maybe we”Jana’s POV Alas-dyis na pero wala pa rin si Takore. Napapaisip tuloy ako kung pumunta ba si Jasmine sa Burnham Park para magkita sila. Pero paano kung hindi pumunta si Jasmine? Baka naman naghihintay pa rin si Takore do’n. Kanina pa siya ng tawag ng tawag e. Napabuntong hininga ako. “Ano ka ba Jana, ano ba kasing iniisip mo?” Inis kong sabi sa sarili ko’t napakamot sa ulo. “Tawagan ko na kaya? O puntahan? Tama puntahan ko na lang, sasabihin ko na lang na sumakit ang tiyan ko—“ Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang marinig kong bumukas ang pinto.&

  • Hey! Mr. Rebound!   Chapter 17. “Feelings? No, it shouldn’t”

    Chapter 17. “Feelings? No, it shouldn’t”Jana’s POV “Good morning! Good morning!” Sigaw ko habang nagtatatalon sa kama ni Takore. Nagising naman siya sa ginawa ko. “Jana, ano ba umalis ka nga.” Aniya’t natulog pa ulit. “Gumising ka na Takore! Gagala tayo!” Masiglang sabi ko sa kanya. “Pwede bang mamaya na?” Natahimik naman ako sa sinabi niya at natigil sa pagtatalon sa kama niya. Kainis ang isang ‘to. Bakasyon na bakasyon ay tinatamad guma

DMCA.com Protection Status