Chapter 7. “Love On!”
Jana’s POV
Ang dapat ay magre-review ako ngayon para sa retake exam ko sa Monday pero heto ako ngayon, kasama si Takore at nasa labas. Nandito kami sa train station at naghihinatay sa pagdating ng train papuntang Taft Avenue. Ang sabi niya dadalhin niya ako kung saan ako makakalimot. Saan namang lugar ‘yon? Magkaka-amnesia ba ako sa lugar na ‘yon para makalimutan ang kahayupan ng mga ‘yon?
Dumating na ang tren at pumasok na kami. Pinauna niya pa ako. Pagpasok ko, ang sikip na ng tren at wala nang upuan. Tumalikod ako at pagtalikod ko saktong napaharap ako sa dibdib niya. Tumingala ako at tiningnan siya, nakangiti siya sa akin kaya iniwas ko ang tingin sa kanya. Ang tangkad naman kasi ng Takoreng ‘to.
Nang umandar na ang tren bigla akong napa-out of balance mabuti na lang at nakahawakan ako ni Takore sa baywang.
“Mag-ingat ka nga.” Aniya at inalalayan akong tumayo. Naghanap naman ako ng mahahawakan pero dahil nga hindi naman ako katangkaran hindi ko maabot ‘yong hawakan.
Tumingala ako ulit para tingnan si Takore, sakto namang pagtingin ko ay nakatingin siya sa akin. Nakita ko namang natawa siya at napailing saka kinuha ang kamay ko at inilagay sa braso niyang nakahawak sa hawakan.
“Liit kasi.” Rinig ko pang pang-aasar niya. Sinamaan ko siya ng tingin at tinawanan niya lang ako.
Pagbaba namin ng tren sumakay pa kami ng jeep. Habang nasa jeep, panay ang tingin ko sa mga kasakay namin. Nagtataka ako bakit sila nakatingin sa akin. Kinalabit ko si Takore at nagtataka naman niya akong tiningnan.
“Oh? Bakit?” Tanong niya. Inilapit ko sa tainga niya ang bibig ko.
“May dumi ba ako sa mukha?” Bulong ko sa kanya. Inilayo naman niya ang tainga niya sa akin at tiningnan ako sa mukha.
“Wala. Maganda ka naman ah.” Bigla akong napanganga sa sinabi niya. Hindi ko tinatanong kung maganda ako. Nang mga oras na ‘yon para akong timang na parang naiihi dahil sa sinabi niya. Napasinghap na lang ako at inirapan siya. Narinig ko namang tumawa siya.
“Nagtataka ka ba kung bakit madaming nakatingin sa atin?” Bulong niya sa akin. Nilingon ko naman siya habang salubong ang kilay dahil sa inis sa kanya. Pero ang Takoreng ‘to hindi na yata natanggal ang ngiti sa mukha niya, naka-glue na yata ang pagiging smiling face niya.
“Kanina pa, akala ko mga holdaper sila e.” Sagot ko. Lumakas naman ang tawa niya. Mas lalo akong nainis sa kanya. Palagi niya akong pinagtatawanan. Kinurot ko siya sa braso para tumigil siya. “Umayos ka nga.” Irita kong sabi. Tumigil naman siya sa pagtawa niya.
“Pasensya na, kasi naman ang exaggerated mo mag-isip. At saka wag ka magtaka kung bakit sila nakatingin sa atin.” Aniya. Mas lalo naman akong nagtaka.
“Bakit nga ba?” Tanong ko sa kanya. Humarap naman ang mokong sa akin habang nakangiti saka niya inilagay ang isa niyang kamay sa ilalim ng baba niya at pinormang ‘pogi sign’.
“Pogi kasi ang kasama mo.” Pagmamayabang niya at kumindat pa. Naningkit naman ang mga mata ko sa pagyayabang niya. Para siyang tornado sa sobrang hangin niya. Inirapan ko siya.
Bigla naman siyang pumara kaya napatingin ako sa kanya. “Tara na.” Yaya niya sa akin. Nauna siyang bumaba ng jeep at inalalayan niya ako. Pagtingin ko sa pinagbabaan namin, nandito kami sa MOA. So ito na ang lugar kung saan ako makakalimot? Sa isang mall?
“Tara na!” Nabigla naman ako nang bigla niya akong hawakan sa kamay at hinila papasok ng MOA.
Pagdating namin sa loob dumiretso kami sa ice skating rink. Ano naman ang gagawin namin dito? Hindi naman ako marunong nito? Baka makabeso lang ng mukha ko rink nito!
“Hoy, Takore hindi ako marunong.” Angal ko sa kanya pero tumawa lang siya at pinaupo ako.
“Akong bahala sa’yo.” Aniya saka hinubad ang suot kong sapatos at saka niya sinuot ang ice skate shoes sa paa ko.
“Takore, babagukin mo ba ako? ‘Yon ba ang paraan mo para makalimot ako? Gusto ko lang makalimot pero ayaw ko pang mamatay!” Reklamo ko sa kanya. Tumawa na naman siya ng malakas.
“Ang exaggerated mo talaga. Syempre hindi. Tara na!” Hinila niya ako patayo at inalalayan niya ako papasok ng ice skating rink.
Pagpasok namin ng ice skating rink bigla naman akong iniwan ng gung-gong at nagpadulas-dulas na siya sa yelo habang ako dahan-dahan na inaalalayan ang sarili ko. Ang galing naman ang isang ‘to mag ice skating.
“Jana, anong ginagawa mo?” Pang-aasar niya pa habang nagpapaiko-ikot sa akin.
“Hoy tukmol ka, lumapit ka dito!” Inis kong sigaw sa kanya. Narinig ko namang tumawa siya at lumapit sa akin.
“Akin na kamay mo.” Aniya. Napatingala ako at tiningnan siya, nakangiti siya sa akin habang nakalahad ang kamay niya. Akmang hahawakan ko na ang kamay niya nang bigla niyang ilayo saka nagpadulas palayo sa akin.
“Kainis ka!” Sigaw ko sa kanya pero ang tukmol tawa lang ng tawa. Naglakad na ako paalis ng ice skating rink pero napahinto ako nang mapansin kong nakatayo na ako ng maayos dito sa loob ng rink. Tiningnan ko ang paa ko at nakatayo na nga ako.
Inumpisahan ko nang magpadulas sa yelo at nagagawa ko siya. Kakaibang tuwa ang naramdaman ko habang nagpapadulas ako sa yelo.
“Di ba kaya mo naman.” Napalingon ako sa tabi. Si Takore sinasabayan ako. Nginitian ko lang siya. Ang sarap sa pakiramdam na makaya mo ang isang bagay na akala mo ay hindi mo kaya. Parang ang pagkasawi ko, alam kong malungkot at mahirap pero alam kong kaya ko ring makalimot.
Naglaro pa ako sa loob ng ice skating rink. Hinahabol ko si Takore tapos tatayain ko siya at siya naman ang hahabol sa akin. Para kaming mga batang ngayong lang nakapaglaro ng mata-mataya. Pagtapos naming mag-ice skating hinila naman niya ako papuntang arcade. Naglaro na naman kami. Pero ang nag-enoy ako ay ‘yung ‘Just Dance’ ang galing palang sumayaw ng Takoreng ‘to pero natatawa ako sa kanya lalo na kapag kimikembot siya. Para bang sinasadya niyang magmukha siyang nakakatawa para tumawa ako o baka assuming lang ako. Marami tuloy ang nanunuod sa kanya. Nang matapos ang sayaw, biglang may lumapit sa kanyang dalawang babae.
“Kuya pwede pong pa-picture?” Sabi ng isang babae sa kanya. Napakunot naman ako ng noo at napairap.
“Sure.” Sagot ni Takore at mabilis kong siyang tiningnan ng masama pero hindi niya ako nakita dahil abala siya sa dalawang babaeng ‘yon.
Nakita ko namang kinuha niya ‘yung cellphone nong babae at tinapat niya sa dalawa. Bigla akong natawa sa ginawa niya lalo na sa reaksyon ng dalawang babae.
“Hindi po kuya, papapicture po kami sa iyo, kasama ka.” Paliwanag ng babae.
“Ah, sorry akala ko ako ang magpipicture sa inyo.” Natatawa niyang sabi.
“Okay lang po.” Sabi ng isang babae. Mas lalong nanlisik ang mata ko at tumaas ang kilay ko habang pinapanuod ko silang magpicture.
Inirapan ko siya at saka kinuha ang sling bag ko sa upuan at naglakad palabas ng arcade. Narinig ko namang tinawag niya ako.
“Jana!” Sigaw niya pero hindi po siya nilingon at naglakad lang. “Jana, sandali!” Aniya at hinawakan ako sa braso. Nilingon ko naman siya at sinamaan ng tingin. Bigla naman siyang napaurong at binitawan ang braso ko. Naglakad na ako ulit at iniwan siya pero naramdaman kong sumunod siya sa akin.
“Uy, galit ka ba? Ba’t ka nagagalit?” Tanong niya habang nakasunod sa akin.
“Hindi ako galit, nauuhaw lang ako.” Sagot ko at nilibot ang mall para maghanap ng mabibilhan ng inumin.
“Ah, ako na ang bibili.” Hinila naman niya ako at pinaupo sa bench. “Diyan ka lang.” Sabi niya’t nginitian ako pero hindi ko siya pinansin at iniwasan lang ng tingin.
Umalis na siya para bumili ng maiinom namin. Naiwan naman ako rito sa bench mag-isa. Habang hinihintay siya, napalingon ako sa katabi ko. Bigla akong napairap sa kanilang dalawa, dito ba naman maghalikan sa tabi ko? Jusme! Get a room dudes!
“Ganitong bitter ako, ang sarap manapak ng magjowa.” Sambit ko sa sarili ko. “Kainis!” Maktol ko at kinuha ang cellphone at earphones ko. Nilagay ko sa dalawang tainga ko ang earphone at nagkinig ng music sa phone ko. Tinatanaw ko naman si Takore kung nasaan na siya at nang mapalingon ako sa kanan ko, hindi ko inaakalang makikita ko sila dito. Bumakas na naman ang biyernes santo sa mukha ko nang makita ko sina Sena at Julius na magkasama habang naglalakad rito sa mall.
“Kung minamalas ka nga naman.” Sabi ko sa sarili ko. Nang dadaan na sila sa gawi ko, tinakip ang sling bag ko sa mukha ko at marahan na naglakad at tinitingnan sila.
Nang makalayo sila inalis ko na ang sling bag ko sa mukha ko at pinanuod na lang silang makalayo. Muli ko na namang naramdamang may sumusuntok sa puso ko. Ganto pala ang pakiramdam kapag ‘yung taong minahal mo, wala na sa’yo.
Hindi na napigilan ng luha ko ang bumuhos mula sa aking mga mata.
“Jana, ito na—bakit ka umiiyak?” Tanong ni Takore pagdating niya. Hinarap ko naman siya habang umiiyak.
“Ang tagal mo kasi! Nauuhaw na ako! Kainis ka!” Sabi ko sa kanya habang humahagulgol ng iyak at pinapalo siya sa dibdib.
“Kaya pala.” Aniya at niyakap ako. Nagulat ako sa ginawa niya. Ramdam ko ang pagtibok ng puso niya habang nasa dibdib niya ang mukha ko. “Sorry, hindi na kita iiwan.” Aniya. Tumingala ako at tiningnan siya, nakangiti na naman siya sa akin na para bang okay lang ang lahat.
“Ako si Takore, pandak at mataba…” Kumanta na naman siya ng Takore habang nakatingala ako sa kanya. “Ito ang hawakan at ito ang buhusan.” Bakit ganito ang nararamdaman ko habang naririnig ko ang pagkanta niya at habang nakikita ko ang nakangiti niyang mukha. “Pagkumukulo-kulo, kulo kulo kulo, hawakan mo ako at ibuhos mo ako.”
Ang luha ko na kanina’y parang ilog na walang katapusan sa pag-agos ay parang natuyo at nawala na.
“Huwag ka na umiyak, ang iyakin mo talaga.” Aniya’t pinunasan ang luha ko sa pisngi ko.
Humiwalay naman ako sa kanya ng yakap at inayos ang sarili ko. “Tara na, uwi na tayo.” Sabi ko rito’t nauna nang maglakad. Pero pinigilan niya ako.
“Opps, di pa tayo tapos, may pupuntahan pa tayo.” Sabi niya saka hinawakan ang kamay ko’t hinila ako. Pagkahila niya sa akin tinitigan ko ang kamay naming magkahawak. Ang lalaking ‘to, bakit ba ang bait niya sa akin? Posible bang magkagusto ako sa kanya?
Chapter 8. “Super Takore!”Jana’s POV “Saan ba tayo pupunta?” Inis kong tanong kay Takore habang nasa jeep kami. Pagtapos namin kumain kanina pumunta kaming bookstore, bumili siya ng mga libro at binigay niya sa akin. Ang sabi niya basahin ko raw ‘yon para raw malimutan ko si Julius. Sabi niya pa mas mabuti na ang ma-in love ako sa mga fictional characters at least daw hindi ako masasaktan. Hindi naman ako mahilig magbasa ng mga romance books. Mas gusto kong manuod ng anime o kaya Korean drama. “Malapit na.” Aniya saka may kinuha sa bag niya. Inilabas niya mula sa bag niya ang isang paper bag ng Adidas. “Oh, suoti
Chapter 9. “Pain of the Past”Jana’s POV Nakarating na kami sa tapat ng bahay nila Takore. Malaki ito kung titingnan sa mula sa labas, mas malaki lang ng konti sa bahay namin. Maganda rin ang style ng bahay nila at maganda ang kulay. Hindi rin naman ito ganoon kalayo sa bahay at sa school namin.Natigil ako sa pagmamasid sa bahay nila nang bumukas ang pinto ng bahay nila. Isang babae ang lumabas sa pinto at nagtungo sa gate kung saan kami nakatayo. Pagbukas ng gate ng Mama ni Takore, kukurap-kurap akong tiningnan ng Mama ni Takore na parang bang gulat na gulat nang makita ako. Tiningnan ko naman si Takore sa tabi at tumingin din siya sa akin saka ngumiti. 
Chapter 10. “Foolish King and Queen”Jana’s POVNapabangon ako sa sinabi niya. Gulat na gulat at hindi makapaniwala. Tumahimik na lang ako dahil ramdam kong ayaw naman niyang pag-usapan ang tungkol sa ex niya.Iniwas ni ang tingin niya sa akin at nilipat sa frame sa table niya. “I was so in love with her that time. Sobrang saya ko. And I can risk everything for her, gano’n ko siya kamahal.” Pag-uumpisa niya ng kwento niya. Seryoso ang tono nga boses niya habang taimtim na nakatingin sa picture frame. Tahimik naman akong nakinig sa kanya. Nakita kong malalim siyang huminga saka tumingin sa akin.“But like you, naloko rin ako. I was fooled and I didn’t even notice that she’s cheating on me with my bestfriend. That she’d just use me to
Chapter 11. “The Ex and the Rebound”Xials’s POV Nagising ako nang makaramdam ako ng pangangalay ng binti. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako rito sa sudy table. Umayos ako ng upo para iunat ang mga binti ko. Pag-upo ko nang maayos nahulog ang kumot na nasa likod ko kaya kinuha ko ito, nagtaka naman ako kaya napatingin ako sa nasa kama at doon ko nakita si Jana na nakahiga at natutulog. Napangiti ako at pinagmasdan ang mukha niya. Ang payapa nito at napakamaamo ng mukha niya. Inagaw naman ng notebook na pinasagutan ko sa kanya ang aking tingin. Kinuha ko ang notebook, pagtingin ko napasinghap ako sa nakita ko. “Hindi ni
Chapter 12. “Stay away!”Jana’s POV Monday morning. Paglabas ko ng bahay nagulat ako nang nasa gate na si Takore. Oo nga pala, kapit-bahay ko na nga pala siya ngayon. Inirapan ko siya dahil nakakainis siya, hindi niya man lang sinabi sa akin na sila pala ang bagong lilipat sa bahay na ‘yan. Papasok na kami ngayon pero parang sumasakit ang ulo ko dahil sa puyat kagabi. Pero ang isang ‘to parang fresh na fresh pa rin at wala man lang bahid ng puyat. Nakita ko namang nasa labas ng bahay nila sila Tita Xyra kasama sina Xiera at Xyron na nakauniform na rin. Kumaway sa akin si Tita Xyra kaya ngumiti rin ako at kumaway. Nakita ko namang nakatingin sa akin si Takore na bakas ang yamot sa mukha.&nbs
Chapter 13. “I’m glad that you’re safe”Jana’s POV“Pwede ba wag mo na akong pakialaman? Hindi kita kailangan! Hindi ko kailangan ng rebound! Hindi ko kailangan ng tutulong sa akin para makalimutan siya! Hindi ko kayo kailangan!”Lutang ang isip ko habang nasa harap ng pagkain ko mag-isa dito sa cafeteria. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang mga sinabi ko? Kung tama ba ‘yon o mali. Alam kong walang kasalanan si Takore. Kung tutuusin marami na siyang ginawa para sa akin. Naa-appreciate ko naman ang lahat ng ‘yon.Napabuntong hininga ako at napayuko habang nilalaro ng kutsara ang pagkain ko. “Anong gagawin ko?” Saad ko sa sarili ko. Napatingala naman ako nang may nagtungo sa harap ko. Pagkakita ko sa kanila agad na
Chapter 14. “Special Someone”Jana’s POV Nasa kwarto ko na ako habang nakahiga. Hindi ako makatulog. Hindi ko alam kung bakit pero bakit parang nagi-guilty ako sa nangyari kay Takore dahil sa mga sinabi ko. Ang sama ko bang tao? Bumangon ako mula sa pagkakahiga at sumilip sa bintana. Tinanaw ko ang bahay nila Takore na katapat na lang namin. Bukas pa ang ilaw ng kwarto niya malamang ay hindi pa siya tulog. Hindi naman na siguro siya gumagawa ng assignment dahil last week na lang ng school. Habang nakatanaw ako bigla namang nag-ring ang phone ko. Nang tingnan ko kung sino nabig
Chapter 15. “Every time with you”Jana’s POV Nakasakay na kami sa bus papuntang Baguio at nakaalis na rin kami ng terminal. Nasa NLEX na kami. Mga anim na oras ang biyahe papuntang Baguio kaya naman nakatulog na ‘tong katabi ko. Kanina pa siya kwento ng kwento ng kung ano-ano kaya baka napagod na. Pinagmasdan ko siya habang natutulog. May nakasapak sa earphones sa tainga niya. Nagtaka naman ako kung anong pinapakinggan niya o kung may music ba siyang pinapakinggan. Baka kasi nasapak lang pero wala namang music. Gano’n kasi ‘yung napanuod ko sa ‘Dream High’. Kinuha ko ang isang earphone sa tainga niya. Hindi naman siya n
EpilogueJana’s POV Messenger To: Gian Xial Bustamante Oy Takore, nandito ako ngayon sa ice skating rink. Magaling na ako! Kaya bumalik ka rito para maglaro tayo. >Download Image Sent! 08/17/16 03:41PM----------------------------------------------------------------------------------------------------------------- To: Gian Xial Bustam
Chapter 24. “Bye, Mr. Rebound”Jana’s POV Pauwi na ako galing ospital. Dumating na ang Mama ni Julius kaya nakauwi na ako. Paglabas ko ng ospital kanina ko pa iniisip si Takore. Kanina ko pa tinatawagan si Takore pero unattended ang phone niya. Nakapatay ba ang phone niya? Pagpunta ko sa room niya kanina sa ospital ay wala na siya, ang sabi ng nurse kanina pa raw nag-discharge. Napahinto ako sa paglalakad at kinapa ang kaliwang dibdib ko. Bakit ganito ang pakiramdam ko? Bakit ako kinakabahan? Pagdating ko sa tapat ng gate namin, huminto ako at nilingon ang bahay nila Takore. Madilim ang loob at patay na ang mga ilaw. Ang aga naman n
Chapter 23. “The hardest choice”Jana’s POV “Mahal kita, Jana.” Rinig kong sabi ni Takore matapos niya akong halikan. Nagulat ako sa ginawa niya maging sa sinabi niya. Ramdam ko ang malakas na kabog ng dibdib ko. Pero agad na napipigilan ang kabog ng dibdib ko ng pagkalito nang maalala ko si Julius. Napaiwas ako ng tingin at napayuko. Hindi ko alam ang sasabihin o isasagot sa sinabi niya. Naguguluhan ako. Sobra akong naguguluhan. “Jana,” Muli akong napatingin nang tawagin niya ako. “Mahal mo pa rin ba siya?” Tanong niya sa akin. Nagkatitigan
Chapter 22. “The saddest truth”Jana’s POV “Galingan mo Takore!” Sigaw ko. Napalingon naman siya sa akin at ngumiti. Nagsimula na ulit ang laro, ngayon kasali na si Takore. Sa pagpasa sa kanya ng bola mas umingay pa ang court. Marami ang sumisigaw sa pangalan niya. Yung iba mga supporters na ng kalaban nila pero si Takore ang chini-cheer. Hindi naman ako nagpatalo sa pagchi-cheer at nilabas ko na ang banner na ginawa ko para kay Takore. “Go! Takore!” Sigaw ko may ibang babae pa ang nagtaka kung sino ang chini-cheer ko dahil Takore ang sinisigaw ko.
Chapter 21. “Love is sacrifice”Jana’s POV Nakahiga si Julius at nagpapahinga. Ang sabi ng school doctor dapat daw umuwi na si Julius at magpahinga. Tinanong ko naman siya at sinabi niyang may sakit raw si Julius pero hindi na niya nasabi nang may tumawag sa kanya. Tiningnan ko si Julius na natutulog, bigla namang dumilat ang mga mata niya at bumangon. “Sandali ayos ka na ba?” Tanong ko sa kanya. Tiningnan niya ako at tumango. “Oo.” Sagot niya. “Ang sabi ng school doctor may
Chapter 20. “My rebound, My love”Xial’s POVPapunta na kaming cafeteria ni Margaret. Tulala ako habang naglalakad dahil iniisip ko si Jana. Ano naman kaya ang iniisip niya? Bakit parang may gumugulo sa isip niya?“You like her?” Natigil ako sa pag-iisip ko nang marinig ko ang sinabi ni Margaret.“Ha?” Paglilinaw ko. Tiningnan naman niya ako.“Jana, do you like her?” Tanong niya ulit. Napangiti ako at napaiwas ng tingin. “I see it in your smile. That’s why you choose to be in our section?” Natahimik ako sa sinabi niya.“How did you know?” Seryosong tanong ko. Huminga ng malalim si Margaret.“Xial, babae ako. Alam ko na ang mga pakulo niyong mga lalaki.” Natatawang sagot niya.
Chapter 19. “Love? No, its charity work”Jana’s POVIlang araw na ang lumipas nang makauwi kami rito sa Manila pero hanggang ngayon iniisip ko pa rin ‘yong mga nalaman ko no’ng nasa bus kami. Alam ko namang dapat hindi ko siya magustuhan dahil unang-una, kilala siyang playboy sa school, pangalawa maraming baliw na babae sa kanya, pangatlo baliw siya, gung-gong, mokong at sira ang tuktok. Pero bakit kapag pilit ko siyang inaayawan, naiisip ko naman lahat ng mga pagtulong at pag-aalaga niya sa akin?Hindi na naman ako makatulog dahil sa kakaisip sa mga bagay na hindi ko alam kung paano ko sosulusyunan. Iiwasan ko ba siya? O…“Oo, dahil ‘yon ang trabaho ng isang rebound.”Sasabihin ko na sa kanyang nakalimutan ko na si Juliu
Chapter 18. “Destined? Maybe we”Jana’s POV Alas-dyis na pero wala pa rin si Takore. Napapaisip tuloy ako kung pumunta ba si Jasmine sa Burnham Park para magkita sila. Pero paano kung hindi pumunta si Jasmine? Baka naman naghihintay pa rin si Takore do’n. Kanina pa siya ng tawag ng tawag e. Napabuntong hininga ako. “Ano ka ba Jana, ano ba kasing iniisip mo?” Inis kong sabi sa sarili ko’t napakamot sa ulo. “Tawagan ko na kaya? O puntahan? Tama puntahan ko na lang, sasabihin ko na lang na sumakit ang tiyan ko—“ Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang marinig kong bumukas ang pinto.&
Chapter 17. “Feelings? No, it shouldn’t”Jana’s POV “Good morning! Good morning!” Sigaw ko habang nagtatatalon sa kama ni Takore. Nagising naman siya sa ginawa ko. “Jana, ano ba umalis ka nga.” Aniya’t natulog pa ulit. “Gumising ka na Takore! Gagala tayo!” Masiglang sabi ko sa kanya. “Pwede bang mamaya na?” Natahimik naman ako sa sinabi niya at natigil sa pagtatalon sa kama niya. Kainis ang isang ‘to. Bakasyon na bakasyon ay tinatamad guma