Главная / YA/TEEN / Hey! Mr. Rebound! / Chapter 8. “Super Takore!”

Share

Chapter 8. “Super Takore!”

Автор: BadReminisce
last update Последнее обновление: 2024-10-29 19:42:56

Chapter 8. “Super Takore!”

Jana’s POV

            “Saan ba tayo pupunta?” Inis kong tanong kay Takore habang nasa jeep kami. Pagtapos namin kumain kanina pumunta kaming bookstore, bumili siya ng mga libro at binigay niya sa akin. Ang sabi niya basahin ko raw ‘yon para raw malimutan ko si Julius. Sabi niya pa mas mabuti na ang ma-in love ako sa mga fictional characters at least daw hindi ako masasaktan. Hindi naman ako mahilig magbasa ng mga romance books. Mas gusto kong manuod ng anime o kaya Korean drama.

            “Malapit na.” Aniya saka may kinuha sa bag niya. Inilabas niya mula sa bag niya ang isang paper bag ng Adidas. “Oh, suotin mo ‘yan do’n.” Sabi niya pagkaabot sa akin ng paper bag. Nagtaka naman ako kaya tiningnan ko ang laman ng paper bag. Pagtingin ko isang rubber shoes at volleyball shirt at short. Nagtataka ko naman siyang tiningnan habang nakangiti siya sa akin.

            “Ano ‘to? Para saan ‘to?” Tanong ko.

            “Basta,” Saad niya’t tumingin sa labas ng jeep. “Manong, para po.” Sigaw niya sa driver. Tulad kanina nauna siyang bumaba ng jeep at inalalayan ako. Pagbaba namin, nilibot ko nang tingin kung nasaan kami. Narito kami sa Marikina Sports Center. Nabigla naman ako at napatingin sa kanya nang hawakan niya ang kamay ko. “Tara na!” Aniya saka ako hinila papasok ng sports center.

            Pagpasok sa loob pumunta na sa cashier para magbayad ng entrance at ng pag-rent ng volleyball court. Pinapanuod ko lang siya at nang mga oras na ‘yon, mas lalo akong naguguluhan sa ginagawa niya.

            “Bakit ba ang bait mo sa akin?” Tanong ko habang taimtim na nakatingin sa lalaking Takore. Bigla naman siyang tumingin sa akin kaya nagbanggaan ang aming tingin. Nakangiti siya sa akin. Mabilis kong iniwas ang tingin sa kanya.

            Mayamaya pa nasa harap ko na siya hawak ang ticket namin at bola ng volleyball.

            “Magpalit ka na.” Saad niya. Tumango tango naman ako at naglakad na papuntang restroom para magpalit.

            Pagpasok ko ng restroom nagpalit na ako agad, sakto ang damit na binigay niya sa akin. Sakto rin ang sapatos. May knee pads pa at headband. Saan naman niya kaya ‘to nakuha? Paglabas ko ng cubicle, humarap ako sa salamin para itali ang buhok ko. Habang nakaharap ako sa salamin, pinagmasdan ko ang mukha ko. Ngayon ko lang napansin na ang laki na pala ng eyebags ko. Halata pa ring mugto ang mata ko. Ang dry pa ng labi ko.

            Jana, umayos ka na.

            Naghilamos ako ng mukha at nagpunas ng mukha. Pagtapos ko ‘non, kinuha ko ang make-up kit kong dala at nagpulbo saka nag-apply ng lipstick. Pagtapos no’n ay tinali ko ang buhok ko at nilagay ang biniling headband ni Takore. Pinagmasdan ko ulit ang mukha ko sa salamin. Mas maayos na kaysa kanina. Inayos ko na ang gamit ko at lumabas na ng restroom.

            Paglabas ko, nabigla ako nang nasa tapat ng ladies restroom si Takore, pero ang mas ikinagulat ko ay nakabihis din siya ng volleyball uniform. Ngumiti naman ‘to sa akin habang pinagmamasdan ako mula ulo hanggang paa. Nailang naman ako sa ginawa niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

            “Manyak na Takore ‘to!” Mataray kong sabi.

            “Manyak agad? Chini-check ko lang.” Natatawa niyang pagdadahilan. “Tara na, sayang oras ah.” Aniya’t nauna sa aking maglakad.

            Paglabas namin para pumuntang volleyball court medyo maggagabi na rin pala. Pagtingin ko sa oras sa phone ko, 5: 45PM na pala.  Pagdating namin sa volleyball court nasa kabilang court na si Takore habang nasa kabila naman ako. Ano naman ang naisip ng isang ‘to at napagtripan ang maglaro ng volleyball ngayon? Hindi ba dapat tinuturuan niya ako ng Math ngayon?

            “Game na, Jana! Ikaw ang magserve!” Excited niyang sigaw mula sa kabilang court. Pero ewan ko ba, parang wala akong ganang maglaro ngayon. Tinatamad akong naglakad papuntang net. Lumapit din naman siya sa akin. “Oh? Bakit? May problema ba?” Tanong niya.

            Napabuntong-hininga ako. “Wala kasi akong ganang maglaro ngayon.” Sagot ko. “Bakit ba kasi tayo nandito?”

            “Jana, tumingin ka nga sa akin.” Utos niya. Tiningnan ko naman siya, seryoso ang hitsura niya ngayon. “Maglalaro tayo, ito ‘yong paraan ko para makalimot ka ngayon. Pwede mong ibuhos lahat ng nararamdaman mo sa bola. Lakasan mo ang baway spike mo! Pwede ka ring sumigaw kapag mag-i-spike ka. Vent it out, Jana.” Paliwanag niya sa akin. Seryoso niyang sinabi ‘yon sa akin habang taimtim ko siyang tinititigan sa kanyang mata. Nakikita ko naman na gusto niya lang akong tulungan.

            “Okay, fine. Pero wag kang iiyak kapag tinamaan kita sa mukha ah!” Banta ko sa kanya saka siya tinalikuran at naglakad na sa serving area.

            “Sige! Lakasan mo ah! Ako yata si Super Takore!” Rinig kong sigaw niya na parang bata. Hindi ko alam pero napangiti ako sa pagka-excite niya.

            Xial’s POV

            “Sige! Lakasan mo ah! Ako yata si Super Takore!” Sigaw ko sa kanya. Pinagmasdan ko siyang pumorma para mag-serve ng bola. Habang pinapanuod ko siya, bigla kong naalala ang nangyari kanina.

            “Ah, ako na ang bibili.” Prisinta ko at hinila siya paupo sa bench. “Diyan ka lang.” Sabi ko’t nginitian siya saka umalis para bumili ng maiinom niya.

            Naghanap naman ako ng Cha Time o kaya Infinitea dito sa mall. Habang naghananap ako, napadaan ako sa isang botique. Pagtingin ko si Jana ang naalala ko nang makakita ako ng bola ng volleyball. Bigla akong napangiti at pumasok sa loob. Pagpasok ko bumili ako ng volleyball uniform at saka knee pads. Bumili rin ako ng para sa akin. Bigla kong naalala na hindi pala naka-rubber shoes si Jana.

            “Miss, ano ‘yung rubber shoes na magaan sa paa?” Tanong ko sa saleslady. Tinuro naman niya sa akin.

            “Ano pong size, Sir?” Tanong niya. Bigla akong napaisip. Ano bang size ng paa ni Jana?

            “Hindi ko alam e,” Sagot ko. “Basta okay na ‘yan.” Naguluhan yata yung saleslady sa akin pero binili ko pa rin yung sapatos. Sana lang magkasya sa paa ni Jana.

            Pagtapos kong bilhin lahat ‘yon, nilagay ko sa bag pack ko. Pagkabili ko ng maiinom bumalik na ako kay Jana. Paglapit ko sa kanya nagulat ako nang makita ko siyang umiiyak. b

            “Jana, ito na—bakit ka umiiyak?” Tanong ko.         

“Ang tagal mo kasi! Nauuhaw na ako! Kainis ka!” Maktol niya habang humahagulgol ng iyak at pinapalo ako sa dibdib. Hindi ko alam kung saan siya naiiyak? Dahil ba iniwan ko siya o dahil sa uhaw na siya.

Napaikot ako ng mata at saka ko napagtanto ang lahat nang makita ko sila. ‘Yong bestfriend ni Jana at ‘yong ex niya. Bakit sila nandito? Parang kanina nakasalubong ko lang ‘yong Sena na ‘yon kanina ah.

            “Kaya pala,” Sabi ko at saka siya niyakap. “Sorry, hindi na kita iiwan.” Dugtong ko. Tumingala naman siya at tumingin sa akin. Nginitianko siya. Tumigil na siya sa pag-iyak niya. Para siyang bata na kailangan pang patahanin.

“Ako si Takore, pandak at mataba…” Kumanta naman ako ng ‘Ako si Takore’ habang nakatingala siya sa akin. Alam kong nakakainis dahil palagi niya akong inaasar simula nang kantahin ko ‘to sa harap niya, pero kung ito lang ang paraan ko para hindi niya umiyak. Ayos lang sa akin kahit kumanta at sumayaw ako sa harap ng maraming tao, mapasaya ko si Jana.

 “Ito ang hawakan at ito ang buhusan…” Para kaming ewan dito sa mall. Kita kong pinagtitinginan na kami ng mga tao. Pero hindi ko sila pinapansin dahil isa lang ang gusto ko, ang mapangiti ang babaeng nasa harap ko. “Pagkumukulo-kulo, kulo kulo kulo, hawakan mo ako at ibuhos mo ako…” Natawa ako pagtapos kong kumanta. Hindi na siya umiiyak at natulala na sa akin. Tahimik lang siya habang nakatingin sa akin. “Huwag ka na umiyak, ang iyakin mo talaga.” Saad ko’t pinunasan ang luha niya. Bigla naman niya akong tinulak palayo sa kanya.

“Tara na, uwi na tayo.” Mataray niyang sabi saka naglakad pero pinigilan ko siya.

            “Opps, di pa tayo tapos, may pupuntahan pa tayo.”

            Nabalik ako sa katinuan nang malakas na i-serve ni Jana ang bola. Hindi ko nga nasalo ang bola sa sobrang bilis niyang tumira. Nanglaki ang mata ko lalo na’t ang lakas ng talbog ng bola. Sigur kung sinalo ko ‘yon, baka nabali na ang braso ko. Napalunok ako at tiningnan si Jana sa kabilang court.

            “Ano Takore? Papanuorin mo lang ba ang bola?” Irita niyang sigaw. Natawa naman ako sa sinabi niya.

            “Hindi! Game na talaga!” Sigaw ko sa kanya’t kinuha ang bola. Ako naman ang nag-serve sa kanya at nasalo niya ito. Pagtira niya sa bola pabalik sa akin hinabol ko ito at natira ko rin pabalik sa kanya pero nakita kong tumalon si Jana sa net at ii-spike na ang bola. Tumalon naman ako ng mataas para i-block ito. Nagkatinginan kami sa ere at nginitian ko siya. Nakita ko namang nagulat siya sa ginawa ko. Pagka-spike niya ng bola, na-block ko ito at bumalik lang sa kanya ang bola.

            “Whoa! Ang galing ko!” Masayang sigaw ko nang maka-score ako. “Panis si Jana.” Pang-aasar ko. Tiningnan ko naman siya at nakita kong tahimik lang siya habang nakatulala sa akin. “Wag mo seryosohin, game pa!” Ganadong sabi ko.

            Kinuha naman niya ang bola at malakas na nag-serve, this time ramdam ko ang gigil niya sa bola. Sinalo ko naman ang serve niya. Tumakbo siya para tirahin ang tira ko at nagawa naman niya. Ako naman ang humabol sa bola at tinira ‘to papunta sa kanya. Pagtira ko nakita kong tumalon agad si Jana. Nang mga oras na tumalon siya, pakiramdam ko bumagal ang oras habang pinapanuod ko siya. Bigla kong naalala ang unang beses na nakita ko siyang maglaro. She really looks so competitive. At ang lakas niya maglaro para bang iisa lang ang nasa isip niya, iyon ay ang matalo ang kalaban ng malalakas niyang spikes.

            Natulala na lang ako at hindi na nakatalon para i-block ang gagawing pag-spike ni Jana. Ang huli ko na lang naramdaman at isang bagay ang tumama sa ulo ko bago nawala ng malay.

            Jana’s POV

            “Okay ka lang?” Tanong ko habang naglalakad na kami pauwi sa bahay. Pasado alas-nuwebe na pala. Ginabi na kami kakalaro. Pero ang isang ‘to, hindi ko naman akalaing mahihimatay sa spike ko.

            “Parang naalog ang utak ko.” Sagot niya. Natawa naman ako.

            “Ginusto mo ‘yan di ba?” Mayabang kong sabi saka siya nginisian. “Super Takore pala ah.” Natatawa kong sabi habang naiiling-iling. Nauna na akong maglakad sa kanya.

            Pagdating sa bahay. Hinanap ko ang susi sa bag ko, pero wala akong mahanap. Binuksan ko ang ibang bulsa ng bag ko pero hindi ko makita ang susi ng bahay. Tiningnan ko sa paper bag na dala ko pero wala rin.

            “Anong hinahanap mo, Jana?” Tanong ni Takore.

            “Iyong susi kasi hindi ko mahanap.” Sagot ko sa kanya.

            “Nandiyan lang ‘yan. Hanapin mo.” Aniya,

            “Ano bang ginagawa ko?” Inis kong sagot ko sa kanya. Hinanap ko ulit sa bag ko pero hindi ko talaga makita. Pati sa make up kit ko wala naman. “Sandali, baka naiwan ko sa restroom kanina.” Sabi ko sa kanya. Nakita ko namang nagulat siya sa sinabi ko. Mariin kong naipikit ang mga mata ko sa inis at nasapo ang palad ko sa noon. “Ang malas naman.” Banas kong sabi at naupo sa plant box.

            “Paano ka na niyan?” Tanong ni Takore. Napanguso naman ako.

            “Sige, umuwi ka na. Okay lang ako.” Malungkot kong sabi.

            “Hindi pwede!” Sigaw niya. Nabigla naman ako sa reaksyon niya. “Tara, d’on ka na lang sa bahay.” Aniya saka ako hinila patayo.

            “Sandali, ayoko ko nga.” Reklamo ko.

            “Wag na magulo, wala ka ng choice!” Aniya’t kinaladkad na ako. Wala naman na akong nagawa kundi ang sumama na sa kanya. Pero nakakahiya, ito na yata ang unang beses kong pupunta sa bahay ng isang lalaki. Bahala na nga!

Related chapter

  • Hey! Mr. Rebound!   Chapter 9. “Pain of the Past”

    Chapter 9. “Pain of the Past”Jana’s POV Nakarating na kami sa tapat ng bahay nila Takore. Malaki ito kung titingnan sa mula sa labas, mas malaki lang ng konti sa bahay namin. Maganda rin ang style ng bahay nila at maganda ang kulay. Hindi rin naman ito ganoon kalayo sa bahay at sa school namin.Natigil ako sa pagmamasid sa bahay nila nang bumukas ang pinto ng bahay nila. Isang babae ang lumabas sa pinto at nagtungo sa gate kung saan kami nakatayo. Pagbukas ng gate ng Mama ni Takore, kukurap-kurap akong tiningnan ng Mama ni Takore na parang bang gulat na gulat nang makita ako. Tiningnan ko naman si Takore sa tabi at tumingin din siya sa akin saka ngumiti. 

  • Hey! Mr. Rebound!   Chapter 10. “Foolish King and Queen”

    Chapter 10. “Foolish King and Queen”Jana’s POVNapabangon ako sa sinabi niya. Gulat na gulat at hindi makapaniwala. Tumahimik na lang ako dahil ramdam kong ayaw naman niyang pag-usapan ang tungkol sa ex niya.Iniwas ni ang tingin niya sa akin at nilipat sa frame sa table niya. “I was so in love with her that time. Sobrang saya ko. And I can risk everything for her, gano’n ko siya kamahal.” Pag-uumpisa niya ng kwento niya. Seryoso ang tono nga boses niya habang taimtim na nakatingin sa picture frame. Tahimik naman akong nakinig sa kanya. Nakita kong malalim siyang huminga saka tumingin sa akin.“But like you, naloko rin ako. I was fooled and I didn’t even notice that she’s cheating on me with my bestfriend. That she’d just use me to

  • Hey! Mr. Rebound!   Chapter 11. “The Ex and the Rebound”

    Chapter 11. “The Ex and the Rebound”Xials’s POV Nagising ako nang makaramdam ako ng pangangalay ng binti. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako rito sa sudy table. Umayos ako ng upo para iunat ang mga binti ko. Pag-upo ko nang maayos nahulog ang kumot na nasa likod ko kaya kinuha ko ito, nagtaka naman ako kaya napatingin ako sa nasa kama at doon ko nakita si Jana na nakahiga at natutulog. Napangiti ako at pinagmasdan ang mukha niya. Ang payapa nito at napakamaamo ng mukha niya. Inagaw naman ng notebook na pinasagutan ko sa kanya ang aking tingin. Kinuha ko ang notebook, pagtingin ko napasinghap ako sa nakita ko. “Hindi ni

  • Hey! Mr. Rebound!   Chapter 12. “Stay away!”

    Chapter 12. “Stay away!”Jana’s POV Monday morning. Paglabas ko ng bahay nagulat ako nang nasa gate na si Takore. Oo nga pala, kapit-bahay ko na nga pala siya ngayon. Inirapan ko siya dahil nakakainis siya, hindi niya man lang sinabi sa akin na sila pala ang bagong lilipat sa bahay na ‘yan. Papasok na kami ngayon pero parang sumasakit ang ulo ko dahil sa puyat kagabi. Pero ang isang ‘to parang fresh na fresh pa rin at wala man lang bahid ng puyat. Nakita ko namang nasa labas ng bahay nila sila Tita Xyra kasama sina Xiera at Xyron na nakauniform na rin. Kumaway sa akin si Tita Xyra kaya ngumiti rin ako at kumaway. Nakita ko namang nakatingin sa akin si Takore na bakas ang yamot sa mukha.&nbs

  • Hey! Mr. Rebound!   Chapter 13. “I’m glad that you’re safe”

    Chapter 13. “I’m glad that you’re safe”Jana’s POV“Pwede ba wag mo na akong pakialaman? Hindi kita kailangan! Hindi ko kailangan ng rebound! Hindi ko kailangan ng tutulong sa akin para makalimutan siya! Hindi ko kayo kailangan!”Lutang ang isip ko habang nasa harap ng pagkain ko mag-isa dito sa cafeteria. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang mga sinabi ko? Kung tama ba ‘yon o mali. Alam kong walang kasalanan si Takore. Kung tutuusin marami na siyang ginawa para sa akin. Naa-appreciate ko naman ang lahat ng ‘yon.Napabuntong hininga ako at napayuko habang nilalaro ng kutsara ang pagkain ko. “Anong gagawin ko?” Saad ko sa sarili ko. Napatingala naman ako nang may nagtungo sa harap ko. Pagkakita ko sa kanila agad na

  • Hey! Mr. Rebound!   Chapter 14. “Special Someone”

    Chapter 14. “Special Someone”Jana’s POV Nasa kwarto ko na ako habang nakahiga. Hindi ako makatulog. Hindi ko alam kung bakit pero bakit parang nagi-guilty ako sa nangyari kay Takore dahil sa mga sinabi ko. Ang sama ko bang tao? Bumangon ako mula sa pagkakahiga at sumilip sa bintana. Tinanaw ko ang bahay nila Takore na katapat na lang namin. Bukas pa ang ilaw ng kwarto niya malamang ay hindi pa siya tulog. Hindi naman na siguro siya gumagawa ng assignment dahil last week na lang ng school. Habang nakatanaw ako bigla namang nag-ring ang phone ko. Nang tingnan ko kung sino nabig

  • Hey! Mr. Rebound!   Chapter 15. “Every time with you”

    Chapter 15. “Every time with you”Jana’s POV Nakasakay na kami sa bus papuntang Baguio at nakaalis na rin kami ng terminal. Nasa NLEX na kami. Mga anim na oras ang biyahe papuntang Baguio kaya naman nakatulog na ‘tong katabi ko. Kanina pa siya kwento ng kwento ng kung ano-ano kaya baka napagod na. Pinagmasdan ko siya habang natutulog. May nakasapak sa earphones sa tainga niya. Nagtaka naman ako kung anong pinapakinggan niya o kung may music ba siyang pinapakinggan. Baka kasi nasapak lang pero wala namang music. Gano’n kasi ‘yung napanuod ko sa ‘Dream High’. Kinuha ko ang isang earphone sa tainga niya. Hindi naman siya n

  • Hey! Mr. Rebound!   Chapter 16. “Bound to each other”  

    Chapter 16. “Bound to each other”Jana’s POV “Ano?” hindi makapaniwalang tanong ko. Si Jasmine ‘yong ex niya na ginamit siya to get his bestfriend na si Harold na nakwento niya sa akin noong nasa bahay nila kami dati. Nalungkot ako dahil malungkot din siya. All this time, ang gusto niya mapasaya ako pero siya rin pala ‘tong kailangan ng rebound. All this time he wants me to feel love and safe pero siya pala tong hindi pa nakakamove-on sa ex niya. Alam kong matagal na ang nakalipas pero base sa nakita ko kanina, galit pa rin siya sa nangyari. Iniwas niya ang tingin sa akin. Hindi ko naman alam pero parang kusang kumilos ang ka

Latest chapter

  • Hey! Mr. Rebound!   Epilogue

    EpilogueJana’s POV Messenger To: Gian Xial Bustamante Oy Takore, nandito ako ngayon sa ice skating rink. Magaling na ako! Kaya bumalik ka rito para maglaro tayo. >Download Image Sent! 08/17/16 03:41PM----------------------------------------------------------------------------------------------------------------- To: Gian Xial Bustam

  • Hey! Mr. Rebound!   Chapter 24. “Bye, Mr. Rebound”

    Chapter 24. “Bye, Mr. Rebound”Jana’s POV Pauwi na ako galing ospital. Dumating na ang Mama ni Julius kaya nakauwi na ako. Paglabas ko ng ospital kanina ko pa iniisip si Takore. Kanina ko pa tinatawagan si Takore pero unattended ang phone niya. Nakapatay ba ang phone niya? Pagpunta ko sa room niya kanina sa ospital ay wala na siya, ang sabi ng nurse kanina pa raw nag-discharge. Napahinto ako sa paglalakad at kinapa ang kaliwang dibdib ko. Bakit ganito ang pakiramdam ko? Bakit ako kinakabahan? Pagdating ko sa tapat ng gate namin, huminto ako at nilingon ang bahay nila Takore. Madilim ang loob at patay na ang mga ilaw. Ang aga naman n

  • Hey! Mr. Rebound!   Chapter 23. “The hardest choice”

    Chapter 23. “The hardest choice”Jana’s POV “Mahal kita, Jana.” Rinig kong sabi ni Takore matapos niya akong halikan. Nagulat ako sa ginawa niya maging sa sinabi niya. Ramdam ko ang malakas na kabog ng dibdib ko. Pero agad na napipigilan ang kabog ng dibdib ko ng pagkalito nang maalala ko si Julius. Napaiwas ako ng tingin at napayuko. Hindi ko alam ang sasabihin o isasagot sa sinabi niya. Naguguluhan ako. Sobra akong naguguluhan. “Jana,” Muli akong napatingin nang tawagin niya ako. “Mahal mo pa rin ba siya?” Tanong niya sa akin. Nagkatitigan

  • Hey! Mr. Rebound!   Chapter 22. “The saddest truth”

    Chapter 22. “The saddest truth”Jana’s POV “Galingan mo Takore!” Sigaw ko. Napalingon naman siya sa akin at ngumiti. Nagsimula na ulit ang laro, ngayon kasali na si Takore. Sa pagpasa sa kanya ng bola mas umingay pa ang court. Marami ang sumisigaw sa pangalan niya. Yung iba mga supporters na ng kalaban nila pero si Takore ang chini-cheer. Hindi naman ako nagpatalo sa pagchi-cheer at nilabas ko na ang banner na ginawa ko para kay Takore. “Go! Takore!” Sigaw ko may ibang babae pa ang nagtaka kung sino ang chini-cheer ko dahil Takore ang sinisigaw ko.

  • Hey! Mr. Rebound!   Chapter 21. “Love is sacrifice”

    Chapter 21. “Love is sacrifice”Jana’s POV Nakahiga si Julius at nagpapahinga. Ang sabi ng school doctor dapat daw umuwi na si Julius at magpahinga. Tinanong ko naman siya at sinabi niyang may sakit raw si Julius pero hindi na niya nasabi nang may tumawag sa kanya. Tiningnan ko si Julius na natutulog, bigla namang dumilat ang mga mata niya at bumangon. “Sandali ayos ka na ba?” Tanong ko sa kanya. Tiningnan niya ako at tumango. “Oo.” Sagot niya. “Ang sabi ng school doctor may

  • Hey! Mr. Rebound!   Chapter 20. “My rebound, My love”

    Chapter 20. “My rebound, My love”Xial’s POVPapunta na kaming cafeteria ni Margaret. Tulala ako habang naglalakad dahil iniisip ko si Jana. Ano naman kaya ang iniisip niya? Bakit parang may gumugulo sa isip niya?“You like her?” Natigil ako sa pag-iisip ko nang marinig ko ang sinabi ni Margaret.“Ha?” Paglilinaw ko. Tiningnan naman niya ako.“Jana, do you like her?” Tanong niya ulit. Napangiti ako at napaiwas ng tingin. “I see it in your smile. That’s why you choose to be in our section?” Natahimik ako sa sinabi niya.“How did you know?” Seryosong tanong ko. Huminga ng malalim si Margaret.“Xial, babae ako. Alam ko na ang mga pakulo niyong mga lalaki.” Natatawang sagot niya.

  • Hey! Mr. Rebound!   Chapter 19. “Love? No, its charity work”  

    Chapter 19. “Love? No, its charity work”Jana’s POVIlang araw na ang lumipas nang makauwi kami rito sa Manila pero hanggang ngayon iniisip ko pa rin ‘yong mga nalaman ko no’ng nasa bus kami. Alam ko namang dapat hindi ko siya magustuhan dahil unang-una, kilala siyang playboy sa school, pangalawa maraming baliw na babae sa kanya, pangatlo baliw siya, gung-gong, mokong at sira ang tuktok. Pero bakit kapag pilit ko siyang inaayawan, naiisip ko naman lahat ng mga pagtulong at pag-aalaga niya sa akin?Hindi na naman ako makatulog dahil sa kakaisip sa mga bagay na hindi ko alam kung paano ko sosulusyunan. Iiwasan ko ba siya? O…“Oo, dahil ‘yon ang trabaho ng isang rebound.”Sasabihin ko na sa kanyang nakalimutan ko na si Juliu

  • Hey! Mr. Rebound!   Chapter 18. “Destined? Maybe we”

    Chapter 18. “Destined? Maybe we”Jana’s POV Alas-dyis na pero wala pa rin si Takore. Napapaisip tuloy ako kung pumunta ba si Jasmine sa Burnham Park para magkita sila. Pero paano kung hindi pumunta si Jasmine? Baka naman naghihintay pa rin si Takore do’n. Kanina pa siya ng tawag ng tawag e. Napabuntong hininga ako. “Ano ka ba Jana, ano ba kasing iniisip mo?” Inis kong sabi sa sarili ko’t napakamot sa ulo. “Tawagan ko na kaya? O puntahan? Tama puntahan ko na lang, sasabihin ko na lang na sumakit ang tiyan ko—“ Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang marinig kong bumukas ang pinto.&

  • Hey! Mr. Rebound!   Chapter 17. “Feelings? No, it shouldn’t”

    Chapter 17. “Feelings? No, it shouldn’t”Jana’s POV “Good morning! Good morning!” Sigaw ko habang nagtatatalon sa kama ni Takore. Nagising naman siya sa ginawa ko. “Jana, ano ba umalis ka nga.” Aniya’t natulog pa ulit. “Gumising ka na Takore! Gagala tayo!” Masiglang sabi ko sa kanya. “Pwede bang mamaya na?” Natahimik naman ako sa sinabi niya at natigil sa pagtatalon sa kama niya. Kainis ang isang ‘to. Bakasyon na bakasyon ay tinatamad guma

DMCA.com Protection Status