Chapter 2. “Friendship Over”
Jana’s POV
Bakit hindi ko man lang nahalata? Bakit hindi ko man lang napansin? Gano’n na ba ako kamanhid para hindi ko maramdamang niloloko ako ng boyfriend ko at mismong bestfriend ko pa? Mabilis akong tumakbo habang umiiyak. Hindi ko mapigilan ang pag-agos ng luha ko mula sa aking mata. Kasabay no’n ay ang kirot sa puso ko.
Huminto ako at marahan nang naglakad. Hinihingal man ay patuloy pa rin akong umiiyak.
“Nakakainis!” Sigaw ko habang humahagulgol ng iyak habang naglalakad pauwi. “Nakakainis kayo!”
Muling bumalik sa isip ko ang nangyari kanina.
“Sandali, Sena si Julius ba ang boyfriend mo?” Nanginginig ang boses ko nang tanungin ko si Sena. Kasabay ang pagiipon ng luha sa aking mga mata. Hindi sana mali ako ng tinanong. Hindi di ba? She’s my bestfriend. Hindi niya ako magagawang lokohin.
Diretso akong nakatingin sa mga mata ni Sena. Ngumisi naman si Sena sa akin at taas-kilay akong tiningnan.
“Oo, si Julius nga. Kaya tanggalin mo yang kamay mo sa kamay ng boyfriend ko!” Sigaw ni Sena saka ako tinulak palayo kay Julius dahilan para mapaupo ako sa damuhan.
“Sena tama na!” Awat ni Julius kay Sena.
“Bakit? Naaawa ka sa kanya?”
Hindi na napigilan ng luha ko ang bumuhos. Anong nangyayari? Tumingala ako at tiningnan ko si Julius. Kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Bakit siya nalulungkot gayong siya naman ang nanloko.
“I’m sorry, Jana.” Tumayo ako at malakas ko siyang sinampal.
“Sorry? Anong magagawa ng sor—“ Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang sampalin din ako ni Sena. Nanlilisik ko siyang tiningnan. “Ikaw. Kaibigan kita. Paano mo nagawa ‘to sa akin!”
“Kaibigan?” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Sena. Hindi na siya ang Sena na nakilala ko. Hindi na siya ang Sena na iniligtas ko lang noon. “Hindi kita tinuring na kaibigan, Jana.”
“Ano?” Hindi makapaniwalang tanong ko. “May lakas ka na ng loob ngayon?”
“Oo. Hindi na ako ang Sena na nagtatago sa anino mo.” Matapang niyang sabi. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko.
“Fine, from now on. Friendship is over.” Aniko at saka sila iniwan. Pagtakbo ko napahinto ako nang makasalubong ko si gung-gong. Nakita kong seryoso siyang nakatingin sa akin pero hindi ko siya pinansin at tumakbo na lang palampas sa kanya.
“Mga walang hiya sila.” Humihikbi kong sabi. “Paano nila nagawa ‘yon?” Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko pero wala akong makapa. “Nakakainis! Pati ba naman panyo iniiwan ako?”
Akmang ipupunas ako ng mukha ko sa manggas ng blouse ko nang makita kong may panyo na nakalahad sa harapan ko. Tiningnan ko ang nag-abot, siya pala. Bakit nandito pa rin siya. Kanina niya pa ba ako sinusundan?
Inis ko siyang tiningnan pero nakita kong seryoso lang ang mukha niya na para bang nakikisimpatya sa akin. Marahan kong kinuha ang puting panyo na inaabot niya sa akin at pinunas sa luha ko.
“Okay lang bang singahan ko?” Tanong ko sa kanya. Ngumiti naman ang ungas at tumawa ng malakas.
“Okay lang siningahan ko rin naman ‘yan kanina.” Natatawa niyang sabi. Nanglaki ang mga mata ko at inihagis sa kanya ang panyo niya.
“Gung-gong ka!” Sigaw ko at akmang sasapakin siya nang bigla siyang tumakbo pauna sa akin.
“Joke lang, hindi ko ‘yan ginamit.” Natatawa niyang sabi. Umayos ako ng lakad at mabilis siyang nilagpasan pero naramdaman kong sumunod pa rin siya.
“Hoy, Jana. Kilala mo na ba ako?” Tanong niya sa akin.
“Oo,” Huminto ako sa paglalakad at hinarap siya. “Di ba playboy ka? Gian Xial Bustamante? Sikat ka sa mga babae sa campus.” Sagot ko sa kanya. Ngumiti naman ng nakakaloko si Gung-gong.
“So crush mo rin ako?” Nakaka-asar niyang tanong.
“Asa. Matapos ang nangyari sa akin ngayon wala na akong nararamdaman.” Tulala kong sabi dahil muli ko na namang naramdaman ang kirot sa puso dahil sa nangyari kanina. Para bang maya’t mayang nagrereplay sa isip ko ang mga nangyari.
“Aray ko!” Sigaw ko at mabilis na hinawakan ang ulo. “Hoy gung-gong ka! Bakit mo ako binatukan?” Sigaw ko sa kanya. Ang kapal ng isang ‘to ah!
“Sabi mo kasi wala ka nang nararamdaman e bakit ka pa rin diyan nasasaktan?” Natahimik ako sa sinabi niya. Alam kong ang ibig niyang sabihin ay ang pagbatok niya sa akin pero bakit parang ang lalim pa ng pagkakaintindi ko?
Tama siya. Nasasaktan ako. Pero hindi naman ganon kadali na pagalingin ang pusong nasaktan. Kung may ospital lang na para sa mga pusong dinurog at winasak, i-co-confine ko na ‘tong sa akin. Tapos papaturukan ko ng anesthesia para mamanhid na.
Muling umagos ang luha ko. Hindi ko sila kayang pigilang bumuhos lalo pa’t nasasaktan naman talaga ako. Kahit pa itago kong okay ako sa gung-gong na ‘to, hindi ko kaya. At hindi ako nahihiya kahit na mukha na akong tanga sa harap niya.
“Hay naku, umiiyak na naman siya. Tara nga!” Nabigla ako nang hawakan niya ako sa braso.
“Sandali, saan naman tayo pupunta?” Humihikbi kong tanong sa kanya. Seryoso naman niya akong tiningnan.
“Papagalingin natin yang puso mong winasak ng mga ‘yon!” Aniya at hinila ako ay mali, kinaladkad niya ako.
Binitawan niya ako pagdating namin sa isang court. Wala nga lang itong bubong pero may isang ring at malapit ito sa park. Bakit naman niya ako dinala rito? Gusto niya bang maglaro ng basketball? Sandali?! At ako pa talaga ang trip niyang kalaro?
“Hoy gung—“
“Xial.” Aniya at pinutol ang pagtawag ko sa kanya. “Xial ang pangalan ko.” Mukhang seryoso si tukmol ah.
“E ano bang gagawin natin dito?” Inis kong tanong sa kanya.
“Oh!” Bigla naman niyang pinasa sa akin ang bola. “Ishoot mo ‘yan, kapag na-shoot mo yan, panalo ka at lilibre kita ng ice cream, kapag naman hindi mo ma-shoot ‘yan may aalok ako sa’yo.”
Alok? Ano namang alok ‘yon? Pusher ba siya at bebentahan ako ng drugs?
“Oy di ako nagda-drugs!” Sigaw ko sa kanya.
“Anong drugs ka diyan?” Natatawa niyang sabi. Eh ano bang alok ang sinasabi niya?
“Eh ano bang ibig mong sabihing alok?” Naguguluhan kong tanong sa kanya. Tumayo siya ng maayos at taimtim akong tiningnan. Ramdam kong naging seryoso ang presensya ng tukmol na ‘to.
“Gawin mo akong rebound mo.” Seryoso niyang sabi kasabay ng pagsimoy ng hangin.
Chapter 3. “Mr. Rebound”Jana’s POV “Gawin mo akong rebound mo.” “Rebound? Ano ‘yon?” “Rebound, sa basketball ito yung kapag hindi na-shoot yung bola tapos mahuhulog sa ring, tapos kukunin mo yung bola para sa team niyo pa rin ang bola.” “So bola ka?” “Hindi, sa tao naman. Para madali mo siyang makalimutan, itutuon mo sa ibang tao &l
Chapter 4. “How to move on?”Xial’s POV“Bakit mo ba ako tinutulungan?” Seryosong tanong ni Jana sa akin. Nang mga oras na itanong niya sa akin iyon, para bang automatic na nag-flashback ang lahat sa isip ko. Ang isang pangyayari kaya ako ganito ngayon. Kaya hindi na ako nag-aabalang magmahal pa.I was once like her. Apat na taon na ang nakakaraan. I was fooled by my girlfriend and my own bestfriend. Oo, tulad ng sitwasyon ni Jana, naranasan ko na ring maloko ng sarili kong bestfriend at ng girlfriend ko. Siguro dahil sa itsura ko kaya niya ako pinagpalit. Actually, mali pala dahil in the first place, ginamit niya lang pala ako dahil bestfriend ko ang sikat at ang tinitiliang si Harold Buenamente.Nerd ako noon. Mahaba ang buhok at magulo. Nakasuot
Chapter 5. “Ako si Takore”Xial’s POV Dinala ko si Jana rito sa park malapit sa school namin. Nag-over-the-bakod pa kami para lang makalabas sa school. Ayaw niya raw kasing pumasok muna sa klase niya dahil mukha raw siyang umiyak, e umiyak naman talaga siya. Ayaw niya raw na ipakita sa mga tao ang kahinaan niya. Kinuha ko pa sa classroom nila yung bag niya at saka siya sinamahan rito sa park. Mula sa school habang papunta kami rito sa park hindi pa rin siya tumitigil sa pag-iyak niya. Ako naman ay tahimik na nakasunod sa kanya. Habang naglalakad pansin kong panay ang tingin ng mga taong madadaanan namin. Anong meron?&
Chapter 6. “Mr. Tutor”Xial’s POV Calling…Jana “Hays! Bakit hindi niya sinasagot?” Banas kong sabi saka inalis ang phone ko sa kanang tainga ko. Ang aga ko pang nagising ngayong Sabado para sa kanya tapos hindi niya sinasagot ang tawag ko? Siya na nga may kailangan eh! Tss. Nagpatuloy na ako sa paglalakad papunta sa bahay nila Jana. Ngayong araw ang umpisa ng pagtuturo ko sa kanya para sa retake exam niya sa Monday. Habang naglalakad natigil ako nang makasalubong ko siya. Nagkatinginan kami. Nakita kong parang nabigla siya nang makita ako. Hindi ba siya si S
Chapter 7. “Love On!”Jana’s POV Ang dapat ay magre-review ako ngayon para sa retake exam ko sa Monday pero heto ako ngayon, kasama si Takore at nasa labas. Nandito kami sa train station at naghihinatay sa pagdating ng train papuntang Taft Avenue. Ang sabi niya dadalhin niya ako kung saan ako makakalimot. Saan namang lugar ‘yon? Magkaka-amnesia ba ako sa lugar na ‘yon para makalimutan ang kahayupan ng mga ‘yon? Dumating na ang tren at pumasok na kami. Pinauna niya pa ako. Pagpasok ko, ang sikip na ng tren at wala nang upuan. Tumalikod ako at pagtalikod ko saktong napaharap ako sa dibdib niya. Tumingala ako at tiningnan siya, nakang
Chapter 8. “Super Takore!”Jana’s POV “Saan ba tayo pupunta?” Inis kong tanong kay Takore habang nasa jeep kami. Pagtapos namin kumain kanina pumunta kaming bookstore, bumili siya ng mga libro at binigay niya sa akin. Ang sabi niya basahin ko raw ‘yon para raw malimutan ko si Julius. Sabi niya pa mas mabuti na ang ma-in love ako sa mga fictional characters at least daw hindi ako masasaktan. Hindi naman ako mahilig magbasa ng mga romance books. Mas gusto kong manuod ng anime o kaya Korean drama. “Malapit na.” Aniya saka may kinuha sa bag niya. Inilabas niya mula sa bag niya ang isang paper bag ng Adidas. “Oh, suoti
Chapter 9. “Pain of the Past”Jana’s POV Nakarating na kami sa tapat ng bahay nila Takore. Malaki ito kung titingnan sa mula sa labas, mas malaki lang ng konti sa bahay namin. Maganda rin ang style ng bahay nila at maganda ang kulay. Hindi rin naman ito ganoon kalayo sa bahay at sa school namin.Natigil ako sa pagmamasid sa bahay nila nang bumukas ang pinto ng bahay nila. Isang babae ang lumabas sa pinto at nagtungo sa gate kung saan kami nakatayo. Pagbukas ng gate ng Mama ni Takore, kukurap-kurap akong tiningnan ng Mama ni Takore na parang bang gulat na gulat nang makita ako. Tiningnan ko naman si Takore sa tabi at tumingin din siya sa akin saka ngumiti. 
Chapter 10. “Foolish King and Queen”Jana’s POVNapabangon ako sa sinabi niya. Gulat na gulat at hindi makapaniwala. Tumahimik na lang ako dahil ramdam kong ayaw naman niyang pag-usapan ang tungkol sa ex niya.Iniwas ni ang tingin niya sa akin at nilipat sa frame sa table niya. “I was so in love with her that time. Sobrang saya ko. And I can risk everything for her, gano’n ko siya kamahal.” Pag-uumpisa niya ng kwento niya. Seryoso ang tono nga boses niya habang taimtim na nakatingin sa picture frame. Tahimik naman akong nakinig sa kanya. Nakita kong malalim siyang huminga saka tumingin sa akin.“But like you, naloko rin ako. I was fooled and I didn’t even notice that she’s cheating on me with my bestfriend. That she’d just use me to
EpilogueJana’s POV Messenger To: Gian Xial Bustamante Oy Takore, nandito ako ngayon sa ice skating rink. Magaling na ako! Kaya bumalik ka rito para maglaro tayo. >Download Image Sent! 08/17/16 03:41PM----------------------------------------------------------------------------------------------------------------- To: Gian Xial Bustam
Chapter 24. “Bye, Mr. Rebound”Jana’s POV Pauwi na ako galing ospital. Dumating na ang Mama ni Julius kaya nakauwi na ako. Paglabas ko ng ospital kanina ko pa iniisip si Takore. Kanina ko pa tinatawagan si Takore pero unattended ang phone niya. Nakapatay ba ang phone niya? Pagpunta ko sa room niya kanina sa ospital ay wala na siya, ang sabi ng nurse kanina pa raw nag-discharge. Napahinto ako sa paglalakad at kinapa ang kaliwang dibdib ko. Bakit ganito ang pakiramdam ko? Bakit ako kinakabahan? Pagdating ko sa tapat ng gate namin, huminto ako at nilingon ang bahay nila Takore. Madilim ang loob at patay na ang mga ilaw. Ang aga naman n
Chapter 23. “The hardest choice”Jana’s POV “Mahal kita, Jana.” Rinig kong sabi ni Takore matapos niya akong halikan. Nagulat ako sa ginawa niya maging sa sinabi niya. Ramdam ko ang malakas na kabog ng dibdib ko. Pero agad na napipigilan ang kabog ng dibdib ko ng pagkalito nang maalala ko si Julius. Napaiwas ako ng tingin at napayuko. Hindi ko alam ang sasabihin o isasagot sa sinabi niya. Naguguluhan ako. Sobra akong naguguluhan. “Jana,” Muli akong napatingin nang tawagin niya ako. “Mahal mo pa rin ba siya?” Tanong niya sa akin. Nagkatitigan
Chapter 22. “The saddest truth”Jana’s POV “Galingan mo Takore!” Sigaw ko. Napalingon naman siya sa akin at ngumiti. Nagsimula na ulit ang laro, ngayon kasali na si Takore. Sa pagpasa sa kanya ng bola mas umingay pa ang court. Marami ang sumisigaw sa pangalan niya. Yung iba mga supporters na ng kalaban nila pero si Takore ang chini-cheer. Hindi naman ako nagpatalo sa pagchi-cheer at nilabas ko na ang banner na ginawa ko para kay Takore. “Go! Takore!” Sigaw ko may ibang babae pa ang nagtaka kung sino ang chini-cheer ko dahil Takore ang sinisigaw ko.
Chapter 21. “Love is sacrifice”Jana’s POV Nakahiga si Julius at nagpapahinga. Ang sabi ng school doctor dapat daw umuwi na si Julius at magpahinga. Tinanong ko naman siya at sinabi niyang may sakit raw si Julius pero hindi na niya nasabi nang may tumawag sa kanya. Tiningnan ko si Julius na natutulog, bigla namang dumilat ang mga mata niya at bumangon. “Sandali ayos ka na ba?” Tanong ko sa kanya. Tiningnan niya ako at tumango. “Oo.” Sagot niya. “Ang sabi ng school doctor may
Chapter 20. “My rebound, My love”Xial’s POVPapunta na kaming cafeteria ni Margaret. Tulala ako habang naglalakad dahil iniisip ko si Jana. Ano naman kaya ang iniisip niya? Bakit parang may gumugulo sa isip niya?“You like her?” Natigil ako sa pag-iisip ko nang marinig ko ang sinabi ni Margaret.“Ha?” Paglilinaw ko. Tiningnan naman niya ako.“Jana, do you like her?” Tanong niya ulit. Napangiti ako at napaiwas ng tingin. “I see it in your smile. That’s why you choose to be in our section?” Natahimik ako sa sinabi niya.“How did you know?” Seryosong tanong ko. Huminga ng malalim si Margaret.“Xial, babae ako. Alam ko na ang mga pakulo niyong mga lalaki.” Natatawang sagot niya.
Chapter 19. “Love? No, its charity work”Jana’s POVIlang araw na ang lumipas nang makauwi kami rito sa Manila pero hanggang ngayon iniisip ko pa rin ‘yong mga nalaman ko no’ng nasa bus kami. Alam ko namang dapat hindi ko siya magustuhan dahil unang-una, kilala siyang playboy sa school, pangalawa maraming baliw na babae sa kanya, pangatlo baliw siya, gung-gong, mokong at sira ang tuktok. Pero bakit kapag pilit ko siyang inaayawan, naiisip ko naman lahat ng mga pagtulong at pag-aalaga niya sa akin?Hindi na naman ako makatulog dahil sa kakaisip sa mga bagay na hindi ko alam kung paano ko sosulusyunan. Iiwasan ko ba siya? O…“Oo, dahil ‘yon ang trabaho ng isang rebound.”Sasabihin ko na sa kanyang nakalimutan ko na si Juliu
Chapter 18. “Destined? Maybe we”Jana’s POV Alas-dyis na pero wala pa rin si Takore. Napapaisip tuloy ako kung pumunta ba si Jasmine sa Burnham Park para magkita sila. Pero paano kung hindi pumunta si Jasmine? Baka naman naghihintay pa rin si Takore do’n. Kanina pa siya ng tawag ng tawag e. Napabuntong hininga ako. “Ano ka ba Jana, ano ba kasing iniisip mo?” Inis kong sabi sa sarili ko’t napakamot sa ulo. “Tawagan ko na kaya? O puntahan? Tama puntahan ko na lang, sasabihin ko na lang na sumakit ang tiyan ko—“ Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang marinig kong bumukas ang pinto.&
Chapter 17. “Feelings? No, it shouldn’t”Jana’s POV “Good morning! Good morning!” Sigaw ko habang nagtatatalon sa kama ni Takore. Nagising naman siya sa ginawa ko. “Jana, ano ba umalis ka nga.” Aniya’t natulog pa ulit. “Gumising ka na Takore! Gagala tayo!” Masiglang sabi ko sa kanya. “Pwede bang mamaya na?” Natahimik naman ako sa sinabi niya at natigil sa pagtatalon sa kama niya. Kainis ang isang ‘to. Bakasyon na bakasyon ay tinatamad guma