Chapter 3. “Mr. Rebound”
Jana’s POV
“Gawin mo akong rebound mo.”
“Rebound? Ano ‘yon?”
“Rebound, sa basketball ito yung kapag hindi na-shoot yung bola tapos mahuhulog sa ring, tapos kukunin mo yung bola para sa team niyo pa rin ang bola.”
“So bola ka?”
“Hindi, sa tao naman. Para madali mo siyang makalimutan, itutuon mo sa ibang tao ‘yong sarili mo. Para mas mapabilis ang move on process mo.”
“Paano ka naman magiging rebound, e play boy ka?”
“Edi mas maganda, at least di ako maiinlove sayo.”
“Aba, e paano kung ako ang ma-inlove sayo?”
“Eh hindi ko na kasalanan ‘yon, pogi e.”
“Yabang…”
Sandali, bakit ba ang tukmol na ‘yon ang iniisip ko? Hindi ba dapat si Julius ang iniisip ko? ‘Yong pangloloko nilang dalawa sa akin ni Sena? Hindi ba dapat umiiyak ako ngayon? Pero hindi e, isa lang kasi ang gusto ko. Iyon ay ang makalimot. Pero si Xial na gung-gong ba talaga ang sagot?
Naalala ko ang nangyari kanina.
“So game! Shoot mo na!”
Pumiwesto ako at inayos ang pagasinta sa ring. Isa…dalawa…tatlo! Malakas kong hinagis ang bola sa ring pero bumangga lang sa ring ang bola at hindi pumasok. Nagulat naman ako nang biglang tumakbo si Xial at sinalo ang bolang bumangga sa ring.
“Iyon ang rebound!” Masiglang sabi niya. “So? Hindi mo na-shoot. So ako na ang rebound mo ah!” Nakangiting sabi niya.
“Rebound?” Tanong ko sa sarili ko habang pinagkakaruan ko ang pancit canton na niluto ko. Wala pa kasi si Mama, kaya ito lang ang niluto ko. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari ngayong araw. Nalaman kong niloloko lang ako ng dalawang importanteng tao sa buhay ko, na ngayon ay mga kinaiinisan ko na. Kung pwede lang bumaril ng tao nang hindi ka makukulong. Pero bahala na ang nasa itaas sa kanila. Kakambal naman nila ang karma.
“Nandito na ako.” Napatayo at tumakbo patungong sala nang marinig ko si Mama.
“Oh, Ma ginabi ka na?” Tanong ko.
“Hay naku, anak ang daming tao sa store. Oh? Kumain ka na ba?” Tanong ni Mama. Tumango-tango naman ako.
“Kayo po? Akin na po yan.” Saad ko at kinuha ang mga dala niyang paperbags na punong-puno ng mga gulay.
“Salamat, ay siya nga pala Jana, nagpatulong ako roon sa kaibigan mo sa labas. Ikaw kanina pa yata siya naghihintay sa labas hindi mo pinapasok.” Nabigla ako sa sinabi ni Mama.
“Kaibigan? Ma, wala na akong kaibigan. At ayaw ko na ng kaibigan.” Inis kong sabi kay Mama.
“Ha? Eh kasi oh ayan na siya.” Tiningnan ko naman ang nasa pinto at halos mahulog ang mata ko sa sahig dahil gulat nang makita ko siya.
“Ikaw?” Bulalas ko. “Anong ginaga—paano mo nalaman ang bahay ko?” Bulyaw ko sa kanya.
“Grabe ka naman, Jana. Pwede bang pahingi muna ng tubig. Ang bigat kaya nitong mga kalabasa.” Urat din nitong sabi, at siya pa talaga ang inis ah!
“Aba, hijo ngayon ko nakita. Ang gwapo mo pala.” Puri ni Mama sa gung-gong.
“Ah, salamat po Ma’am di po kayo nagkakamali.” Natahimik naman si Mama. Pati si Mama nahahanginan sa gung-gong na ‘to. “Ah—eh, hijo kumain ka na ba?”
“Hindi pa nga po e.” Sagot ni Xial.
Tumingin naman si Mama sa akin at nilalakihan ako ng mata. Ano naman ang iniisip ni Mama?
“Ah, walang pagkain.” Nanglaki ang mata ni Mama at lumapit sa akin saka ako binatukan. “Aray ko naman, Ma!”
“Ano ka ba, magluto ka ro’n!” Utos ni Mama. Inis naman akong napairap at buntong hininga. Kainis talaga ang gung-gong na ‘to.
Nasa hapag-kainan na kaming tatlo. At si Mama sige ang tanong sa gung-gong na kasama na namin. Bakit ba kasi siya nandito? Bakit ba kasi siya nasa bahay namin? Ano na namang trip ng mokong na ‘to? Tiningnan ko lang si Xial, at feel at home pa siyang kausap ang Mama ko. Ewan ko ba sa lalaking ‘to, siya yung tipo ng tao na mabilis mong makakapalagayan ng loob.
Bigla naman siyang tumingin sa akin dahilan para magtama ang mga tingin namin. Agad ko namang iniwas ang tingin ko sa kanya at tinuon sa pagkain ko.
“Hay nako, Xial ang pogi mo talaga. Mas pogi ka pa ro’n sa boyfriend nitong anak ko.” Nabuga ko ang kanin na kinakain ko at nagkatinginan kami ni Xial. Hindi pa nga pala alam ni Mama.
“Ma’am, hindi niyo pa po alam?” Tanong ni Xial sa kanya. Sinamaan ko ng tingin ang mokong. Aba! At siya pa talaga ang may balak magsabi sa Mama ko?
“Ma,” Tawag ko kay Mama na mabilis na tumingin sa akin. Puno ng pagtataka ang kanyang mukha. “Break na po kami ni Julius.” Seryoso kong sabi. Natahimik si Mama at ganon na rin kami ni Xial. Pero ilang sandali lang.
“Ayos! Mabuti naman at break na kayo!” Sigaw ni Mama at napatayo pa sa kinauupuan niya habang pumapalakpak. Laglag panga kong tiningnan si Mama. Mali yata ang naging reaksyon niya? Hindi ba dapat tatanungin niya ako kung okay lang ako? O di naman kaya mumurahin niya ang tukmol kong ex?
“Sandali, Ma! Eh bakit mukhang masaya ka pa!” Inis kong tugon kay Mama. Naupo naman ulit siya.
“Ano ka ba anak, edi pwede na kayo nitong si Xial!” Kinikilig niyang sabi.
“Po?”
“Po?” Sabay naming nasigaw ni Xial.
Natahimik kaming lahat sa naging reaksyon naming dalawa. Inis kong tiningnan si Xial at siya naman ngumiti lang ng nakakaasar.
“Hoy ano ba kayong dalawa, ayos lang naman sakin na maging kayo.” Napairap ako sa sinabi ni Mama at tumahimik na lang. Wala ring mangyayari kung makikipaglaban pa ako sa kanya. Kung anong gusto ni Mama, paniniwalaan niya.
Pagtapos ng dinner. Pinahatid sa akin ni Mama si Xial sa kanto namin. Habang naglalakad kung ano-anong sinasabi niya. Ang dami niyang kwento pero hindi ko naman naiintindihan. Isa lang kasi ang nasa isip ko habang naglalakad kami. Oo tanga man pero si Julius pa rin ang nasa isip ko. Parang gusto kong tanungin si Julius kung bakit? Gusto kong malaman ang dahilan kung bakit nila nagawa sa akin ‘yon ni Sena.
“Oo nga no’! Magbabakasyon na! Saan ka magbabakasyon, Jana?” Rinig kong tanong ni Xial pero nagpatuloy lang ako sa paglalakad. “Hoy Jana!” Aniya at kinaway-kaway ang isa niyang kamay sa harap ng mukha ko. Inis ko naman siyang tiningnan. “Tulala ka? Move on na oy!” Natatawa niyang sabi. Napabuntong hininga na lang ako at napapikit sa inis dahil sa kanya.
“Kung ang salitang move on ay kasing dali lang kung paano ito sabihin, sana ganon na nga lang.” Sabi ko rito.
Nagpatuloy na ako sa paglalakad pero napahinto ako nang magsalita siya.
“Kaya mo naman e.” Ani Xial. Nilingon ko siya at nakita kong nakangiti siya sa akin. “Di ba sabi ko nga sayo, gawin mo akong rebound? Sus, kumpara naman sa Julius na ‘yon mas pogi ako ng di hamak.” Natatawa niyang sabi. Naglakad ako pabalik sa kanya at hinarap siya.
“Alam mo matagal ko ng gustong itanong ‘to sa’yo.” Seryosong sabi ko sa kanya habang deretso siyang tinitingnan sa kanyang mga mata. Nakita ko naman ang pagkabakas ng pagtataka sa kanyang mukha.
“Ano ‘yon?” Tanong niya. Huminga ako ng malalim.
“Bakit mo ba ako tinutulungan?” Tanong ko sa kanya.
Chapter 4. “How to move on?”Xial’s POV“Bakit mo ba ako tinutulungan?” Seryosong tanong ni Jana sa akin. Nang mga oras na itanong niya sa akin iyon, para bang automatic na nag-flashback ang lahat sa isip ko. Ang isang pangyayari kaya ako ganito ngayon. Kaya hindi na ako nag-aabalang magmahal pa.I was once like her. Apat na taon na ang nakakaraan. I was fooled by my girlfriend and my own bestfriend. Oo, tulad ng sitwasyon ni Jana, naranasan ko na ring maloko ng sarili kong bestfriend at ng girlfriend ko. Siguro dahil sa itsura ko kaya niya ako pinagpalit. Actually, mali pala dahil in the first place, ginamit niya lang pala ako dahil bestfriend ko ang sikat at ang tinitiliang si Harold Buenamente.Nerd ako noon. Mahaba ang buhok at magulo. Nakasuot
Chapter 5. “Ako si Takore”Xial’s POV Dinala ko si Jana rito sa park malapit sa school namin. Nag-over-the-bakod pa kami para lang makalabas sa school. Ayaw niya raw kasing pumasok muna sa klase niya dahil mukha raw siyang umiyak, e umiyak naman talaga siya. Ayaw niya raw na ipakita sa mga tao ang kahinaan niya. Kinuha ko pa sa classroom nila yung bag niya at saka siya sinamahan rito sa park. Mula sa school habang papunta kami rito sa park hindi pa rin siya tumitigil sa pag-iyak niya. Ako naman ay tahimik na nakasunod sa kanya. Habang naglalakad pansin kong panay ang tingin ng mga taong madadaanan namin. Anong meron?&
Chapter 6. “Mr. Tutor”Xial’s POV Calling…Jana “Hays! Bakit hindi niya sinasagot?” Banas kong sabi saka inalis ang phone ko sa kanang tainga ko. Ang aga ko pang nagising ngayong Sabado para sa kanya tapos hindi niya sinasagot ang tawag ko? Siya na nga may kailangan eh! Tss. Nagpatuloy na ako sa paglalakad papunta sa bahay nila Jana. Ngayong araw ang umpisa ng pagtuturo ko sa kanya para sa retake exam niya sa Monday. Habang naglalakad natigil ako nang makasalubong ko siya. Nagkatinginan kami. Nakita kong parang nabigla siya nang makita ako. Hindi ba siya si S
Chapter 7. “Love On!”Jana’s POV Ang dapat ay magre-review ako ngayon para sa retake exam ko sa Monday pero heto ako ngayon, kasama si Takore at nasa labas. Nandito kami sa train station at naghihinatay sa pagdating ng train papuntang Taft Avenue. Ang sabi niya dadalhin niya ako kung saan ako makakalimot. Saan namang lugar ‘yon? Magkaka-amnesia ba ako sa lugar na ‘yon para makalimutan ang kahayupan ng mga ‘yon? Dumating na ang tren at pumasok na kami. Pinauna niya pa ako. Pagpasok ko, ang sikip na ng tren at wala nang upuan. Tumalikod ako at pagtalikod ko saktong napaharap ako sa dibdib niya. Tumingala ako at tiningnan siya, nakang
Chapter 8. “Super Takore!”Jana’s POV “Saan ba tayo pupunta?” Inis kong tanong kay Takore habang nasa jeep kami. Pagtapos namin kumain kanina pumunta kaming bookstore, bumili siya ng mga libro at binigay niya sa akin. Ang sabi niya basahin ko raw ‘yon para raw malimutan ko si Julius. Sabi niya pa mas mabuti na ang ma-in love ako sa mga fictional characters at least daw hindi ako masasaktan. Hindi naman ako mahilig magbasa ng mga romance books. Mas gusto kong manuod ng anime o kaya Korean drama. “Malapit na.” Aniya saka may kinuha sa bag niya. Inilabas niya mula sa bag niya ang isang paper bag ng Adidas. “Oh, suoti
Chapter 9. “Pain of the Past”Jana’s POV Nakarating na kami sa tapat ng bahay nila Takore. Malaki ito kung titingnan sa mula sa labas, mas malaki lang ng konti sa bahay namin. Maganda rin ang style ng bahay nila at maganda ang kulay. Hindi rin naman ito ganoon kalayo sa bahay at sa school namin.Natigil ako sa pagmamasid sa bahay nila nang bumukas ang pinto ng bahay nila. Isang babae ang lumabas sa pinto at nagtungo sa gate kung saan kami nakatayo. Pagbukas ng gate ng Mama ni Takore, kukurap-kurap akong tiningnan ng Mama ni Takore na parang bang gulat na gulat nang makita ako. Tiningnan ko naman si Takore sa tabi at tumingin din siya sa akin saka ngumiti. 
Chapter 10. “Foolish King and Queen”Jana’s POVNapabangon ako sa sinabi niya. Gulat na gulat at hindi makapaniwala. Tumahimik na lang ako dahil ramdam kong ayaw naman niyang pag-usapan ang tungkol sa ex niya.Iniwas ni ang tingin niya sa akin at nilipat sa frame sa table niya. “I was so in love with her that time. Sobrang saya ko. And I can risk everything for her, gano’n ko siya kamahal.” Pag-uumpisa niya ng kwento niya. Seryoso ang tono nga boses niya habang taimtim na nakatingin sa picture frame. Tahimik naman akong nakinig sa kanya. Nakita kong malalim siyang huminga saka tumingin sa akin.“But like you, naloko rin ako. I was fooled and I didn’t even notice that she’s cheating on me with my bestfriend. That she’d just use me to
Chapter 11. “The Ex and the Rebound”Xials’s POV Nagising ako nang makaramdam ako ng pangangalay ng binti. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako rito sa sudy table. Umayos ako ng upo para iunat ang mga binti ko. Pag-upo ko nang maayos nahulog ang kumot na nasa likod ko kaya kinuha ko ito, nagtaka naman ako kaya napatingin ako sa nasa kama at doon ko nakita si Jana na nakahiga at natutulog. Napangiti ako at pinagmasdan ang mukha niya. Ang payapa nito at napakamaamo ng mukha niya. Inagaw naman ng notebook na pinasagutan ko sa kanya ang aking tingin. Kinuha ko ang notebook, pagtingin ko napasinghap ako sa nakita ko. “Hindi ni
EpilogueJana’s POV Messenger To: Gian Xial Bustamante Oy Takore, nandito ako ngayon sa ice skating rink. Magaling na ako! Kaya bumalik ka rito para maglaro tayo. >Download Image Sent! 08/17/16 03:41PM----------------------------------------------------------------------------------------------------------------- To: Gian Xial Bustam
Chapter 24. “Bye, Mr. Rebound”Jana’s POV Pauwi na ako galing ospital. Dumating na ang Mama ni Julius kaya nakauwi na ako. Paglabas ko ng ospital kanina ko pa iniisip si Takore. Kanina ko pa tinatawagan si Takore pero unattended ang phone niya. Nakapatay ba ang phone niya? Pagpunta ko sa room niya kanina sa ospital ay wala na siya, ang sabi ng nurse kanina pa raw nag-discharge. Napahinto ako sa paglalakad at kinapa ang kaliwang dibdib ko. Bakit ganito ang pakiramdam ko? Bakit ako kinakabahan? Pagdating ko sa tapat ng gate namin, huminto ako at nilingon ang bahay nila Takore. Madilim ang loob at patay na ang mga ilaw. Ang aga naman n
Chapter 23. “The hardest choice”Jana’s POV “Mahal kita, Jana.” Rinig kong sabi ni Takore matapos niya akong halikan. Nagulat ako sa ginawa niya maging sa sinabi niya. Ramdam ko ang malakas na kabog ng dibdib ko. Pero agad na napipigilan ang kabog ng dibdib ko ng pagkalito nang maalala ko si Julius. Napaiwas ako ng tingin at napayuko. Hindi ko alam ang sasabihin o isasagot sa sinabi niya. Naguguluhan ako. Sobra akong naguguluhan. “Jana,” Muli akong napatingin nang tawagin niya ako. “Mahal mo pa rin ba siya?” Tanong niya sa akin. Nagkatitigan
Chapter 22. “The saddest truth”Jana’s POV “Galingan mo Takore!” Sigaw ko. Napalingon naman siya sa akin at ngumiti. Nagsimula na ulit ang laro, ngayon kasali na si Takore. Sa pagpasa sa kanya ng bola mas umingay pa ang court. Marami ang sumisigaw sa pangalan niya. Yung iba mga supporters na ng kalaban nila pero si Takore ang chini-cheer. Hindi naman ako nagpatalo sa pagchi-cheer at nilabas ko na ang banner na ginawa ko para kay Takore. “Go! Takore!” Sigaw ko may ibang babae pa ang nagtaka kung sino ang chini-cheer ko dahil Takore ang sinisigaw ko.
Chapter 21. “Love is sacrifice”Jana’s POV Nakahiga si Julius at nagpapahinga. Ang sabi ng school doctor dapat daw umuwi na si Julius at magpahinga. Tinanong ko naman siya at sinabi niyang may sakit raw si Julius pero hindi na niya nasabi nang may tumawag sa kanya. Tiningnan ko si Julius na natutulog, bigla namang dumilat ang mga mata niya at bumangon. “Sandali ayos ka na ba?” Tanong ko sa kanya. Tiningnan niya ako at tumango. “Oo.” Sagot niya. “Ang sabi ng school doctor may
Chapter 20. “My rebound, My love”Xial’s POVPapunta na kaming cafeteria ni Margaret. Tulala ako habang naglalakad dahil iniisip ko si Jana. Ano naman kaya ang iniisip niya? Bakit parang may gumugulo sa isip niya?“You like her?” Natigil ako sa pag-iisip ko nang marinig ko ang sinabi ni Margaret.“Ha?” Paglilinaw ko. Tiningnan naman niya ako.“Jana, do you like her?” Tanong niya ulit. Napangiti ako at napaiwas ng tingin. “I see it in your smile. That’s why you choose to be in our section?” Natahimik ako sa sinabi niya.“How did you know?” Seryosong tanong ko. Huminga ng malalim si Margaret.“Xial, babae ako. Alam ko na ang mga pakulo niyong mga lalaki.” Natatawang sagot niya.
Chapter 19. “Love? No, its charity work”Jana’s POVIlang araw na ang lumipas nang makauwi kami rito sa Manila pero hanggang ngayon iniisip ko pa rin ‘yong mga nalaman ko no’ng nasa bus kami. Alam ko namang dapat hindi ko siya magustuhan dahil unang-una, kilala siyang playboy sa school, pangalawa maraming baliw na babae sa kanya, pangatlo baliw siya, gung-gong, mokong at sira ang tuktok. Pero bakit kapag pilit ko siyang inaayawan, naiisip ko naman lahat ng mga pagtulong at pag-aalaga niya sa akin?Hindi na naman ako makatulog dahil sa kakaisip sa mga bagay na hindi ko alam kung paano ko sosulusyunan. Iiwasan ko ba siya? O…“Oo, dahil ‘yon ang trabaho ng isang rebound.”Sasabihin ko na sa kanyang nakalimutan ko na si Juliu
Chapter 18. “Destined? Maybe we”Jana’s POV Alas-dyis na pero wala pa rin si Takore. Napapaisip tuloy ako kung pumunta ba si Jasmine sa Burnham Park para magkita sila. Pero paano kung hindi pumunta si Jasmine? Baka naman naghihintay pa rin si Takore do’n. Kanina pa siya ng tawag ng tawag e. Napabuntong hininga ako. “Ano ka ba Jana, ano ba kasing iniisip mo?” Inis kong sabi sa sarili ko’t napakamot sa ulo. “Tawagan ko na kaya? O puntahan? Tama puntahan ko na lang, sasabihin ko na lang na sumakit ang tiyan ko—“ Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang marinig kong bumukas ang pinto.&
Chapter 17. “Feelings? No, it shouldn’t”Jana’s POV “Good morning! Good morning!” Sigaw ko habang nagtatatalon sa kama ni Takore. Nagising naman siya sa ginawa ko. “Jana, ano ba umalis ka nga.” Aniya’t natulog pa ulit. “Gumising ka na Takore! Gagala tayo!” Masiglang sabi ko sa kanya. “Pwede bang mamaya na?” Natahimik naman ako sa sinabi niya at natigil sa pagtatalon sa kama niya. Kainis ang isang ‘to. Bakasyon na bakasyon ay tinatamad guma