Share

V

Author: Deana
last update Huling Na-update: 2022-05-07 10:31:14

Chapter 5

Matapos ng naging usapan namin ni Ledger ay nanahimik na lamang siya at hindi na ako pinansin. Hinayaan ko siya dahil sigurado akong iniisip niya lamang ang magiging sitwasyon namin. Siguro nga, hindi madali para sa mga lalaki ang ganitong sitwasyon. Hindi man sinasadya pero naaapakan na ang ego nila mula sa isang maliit na kilos lang.

Inayos ko na lamang ang mga pinamili namin. Napapangiti ako nang hindi ko namamalayan habang inaayos ang mga ito sa tamang pwesto. Ganito pala ang pakiramdam ng nabibili mo ang mga bagay na matagal mo ng gustong bilhin pero ngayon mo lang nagawa. Masyado akong naging busy sa pagbabanat ng buto, nawalan ako ng oras para bumili ng mga pangangailangan ko.

Pero dahil may asawa na ako, kailangan kong gawin ang mga ito. Sigurado akong hindi sanay si Ledger sa mga bagay na kinalakihan ko nang gawin. Sa itsura at pangangatawan niya, mukha talaga siyang mayaman at dayo lang sa baryong ito. Hindi naman mahalaga sa akin ang pinanggalingan niya, hindi ko naman siya kinupkop dahil nangangailangan ako ng pera. Kinupkop ko siya dahil kailangan ko ng makakasama sa bahay. Tanggap ko naman na balang araw ay iiwan niya rin ako at babalik sa pinagmulan niya.

Nilapitan ko ang gasul at akma na itong bubuhatin nang may malaking kamay ang umagaw nito sa akin. Bahagyang namilog ang mga mata ko sa gulat at nag-angat ng tingin upang makita si Ledger. Magkadugtong na naman ang mga kilay niya na parang nagsasabing hindi niya nagugustuhan ang ginagawa ko.

"Magpahinga ka na. Ako na ang bahala rito." Masungit niyang pahayag at dinala ang gasul sa isang gilid.

Kunot-noo ko siyang pinagmasdan bago bahagyang matawa nang kunin niya ang kalan at hindi alam kung saan ito ilalagay. Napapailing ko siyang nilapitan at itinuro ang isang tabi, malapit sa pugon. Balak ko na itong dalhin sa labas at paglutuan pa rin paminsan-minsan ng mga inihaw.

Ramdam ko naman ang inis niya nang ilapag ang kalan. Humarap siya sa akin at naroon na naman ang masungit niyang mukha na mas lalong nakakadagdag sa kagandahang lalaki niya.

"What did I told you? Rest."

Tiningala ko lang siya at pinagmasdan ang kaniyang mukha. Mas lalong nagdugtong ang kilay niya nang hindi ako sumagot at pinagmasdan lang siya.

"What?"

Ngumisi ako at inabot ang matangos niyang ilong upang pisilin ito. "Huwag kang masyadong masungit. Mas lalo kang nagiging gwapo sa paningin ko."

Tinalikuran ko siya at inilagay ang foam na binili sa papag ko at sa papag niya. Nilagyan ko rin ito ng sheets na pares din nang bilhin ko kanina. Ang disenyo nito ay simple lamang ngunit maganda sa paningin, hindi rin nakakasawang titigan. Inilagay ko ang malambot na unan na binili ko para kay Ledger at inilagay naman ang dating unan sa papag ko. Napatango ako nang maayos na ito sa paningin ko.

Nang ibalik ko ang tingin kay Ledger ay pinagmamasdan lamang ako nito na aking ipinagtaka. Nag-iwas din siya ng tingin at napunta iyon sa mini fridge na binili ko rin kanina.

"Where should I put this?" Tanong niya matapos lapitan iyon.

"Doon na lang."

Hindi pa namin natapos ang pag-aayos ay napagod na kami. Napagpasyahan kong magpahinga na muna kami at bukas na lamang ituloy lalo na't lumalalim na ang gabi. Mabuti na nga lamang at pumayag din siya.

Kinabukasan, sa aking paggising ay may naamoy akong nasusunog. Mabilis akong bumangon at tinignan ang kalan na bukas, nasa kawali naman ang hotdog na nabili kahapon at ito ay sunog na sunog na. Agad ko itong pinatay at nagtatakang nilibot ng tingin ang paligid. Nasaan ba si Ledger?

Nang tignan ko ang oras ay alas kwatro pa lamang ng madaling araw. Kataka-takang naunahan ako ni Ledger sa paggising samantalang noong mga nakaraang araw, sa oras na ito ay naghihilik pa siya sa sarap ng tulog. Marahil ganoon na nga lamang ang pagod ko kahapon sa pag-aayos kaya't nahuli na rin ako ng gising.

Lumabas ako at hinanap siya mula sa dilim. Nangunot ang noo ko nang makita siyang naglalakad na may bitbit na timba at tila bigat na bigat. Ngunit bakit naman siya nag-igib gayong mayroon namang gripo rito?

"Hey, you're awake." Saad niya nang mamataan ako matapos ko siyang lapitan.

Ibinaba niya ang timba ng tubig at pinunasan ang pawisang mukha at leeg gamit ang kaniyang puting sando na suot. Hindi ko alam kung kailangan ko bang ngumanga ng malaki upang masabi kung gaano kaperpekto ang katawan ng lalaki ito. Kitang-kita ko ang mabato niyang tiyan at malaking dibdib, gayon din ang nakaukit na letrang V sa kaniyang ibaba. Kasalanan na ba kung nais ko pa itong titigan nang matagal?

Nagising lamang ako mula sa aking pagpapantasiya nang ibaba na niya ang puting sando na suot. Mabilis na umangat ang tingin ko sa kaniyang mukha upang hindi na ako matukso pa sa kaniyang braso na ngayon ay pawisan din.

"Bakit ka nag-iigib, Ledger?"

Lumapit siya sa akin at nakita ko siya nang malinaw dahil sa liwanag na nanggagaling sa kubo. Hindi lang pala sa katawan niya ako pwede matukso, gayon din pala sa kaniyang mukha na nagtataglay ng kakaibang mukha ng isang lalaki na malimit lang din masilayan, lalo na sa baryo namin, ang mga naga-gwapuhang lalaki, ngayon ay nagsusuot na ng palda at mahilig tumili.

"Walang tulo sa gripo. Pinuntahan tayo ni pareng Utoy rito kani-kanina lang. Sabi niya, mawawalan ng tubig ng tatlong araw at kailangan ko raw mag-igib sa poso dahil mamaya ay dadagsain na ang poso at hahaba ang pila." Mahaba niyang litanya.

Napatango ako at napatingin sa drum na malaki. "Kanino mo naman hiniram ang drum na 'yan?"

"Kay pareng Utoy. Marami pa naman daw siyang drum na nakatambak, hindi naman kabawasan kung hihiramin ko ang isa."

Pinagmasdan ko siya. Hindi ko akalaing madali niya lang makakasundo ang kababata kong iyon. Mabuti rin iyon at nang magkaroon naman siya ng kaibigan dito habang naririto siya sa baryo namin. Baka maburyo lang siya kung palagi na lang ang mukha ko ang makikita niya.

"Ganoon ba... sige tulungan na kita."

Balak ko na sanang bumalik sa kubo upang kumuha ng isang timba nang mabilis niyang hinawakan ang braso ko at pigilan ako sa akma kong gagawin.

"Go back to sleep, Vivian. Ako na ang bahala rito." May otoridad niyang saad.

"Hindi na ako makakatulog pa ulit sa oras na magising ako, Ledger."

"But I want you to sleep and rest more."

Tipid akong napangiti at umiling. "Sakto na ang tulog ko. Mabuti na rin na matulungan kita para mabilis nating mapuno itong drum."

Hindi na siya sumagot at binuhat ang timba upang ibuhos ang laman nitong tubig sa drum. Hindi ko man nakikita ang itsura niya, ramdam ko naman ang inis na nararamdaman niya mula sa kaniyang mga kilos. Sigurado akong magkadugtong na naman ang makakapal niyang kilay.

Pumasok ako sa loob ng bahay upang kumuha ng isa pang timba at lampara nang sa gayon ay maaninag ko ang madilim na lugar. Kinurakot na naman kasi ng Mayora ang ilaw ng poste na dapat ay ipapagawa rito kaya't heto, nagtitiis kaming gamitin ang aming mga lampara tuwing madilim na ang paligid.

Lumabas akong bitbit ang mga ito. Napansin kong hinintay pala ako ni Ledger kaya't sabay kaming nagtungo sa poso. Nakita ko roon si Utoy na nag-iigib ng tubig at pawisan. Agad niya naman kaming namataan.

"Uy, magandang umaga, Vian!" Bati niya at sumaludo sa akin.

Tumango ako bilang pagbati sa kaniya. Matapos niyang mapuno ng tubig ang dalawang timba ay inagaw niya sa akin ang timba ko upang ito naman ang lagyan niya.

"Ako na ang mag-iigib. Lalaki na naman ang muscles mo niyan. Magmumukha ka na namang brusko sa mga ka-baryo natin." Paliwanag niya nang mangunot ang noo ko sa pagtutol sa kaniyang ginawa.

"'Yan ang problema sa kanila. Mahilig silang pumuna ng katawan ng iba samantalang bulag sila sa tuwing titingin sa salamin." Sagot ko na lang at napailing.

"Sa totoo lang, maganda ka, Vian. Mas maganda ka pa nga sa anak ng Mayora rito." Saad ni Utoy bago tumawa. "Iyon nga lang, hindi ka marunong mag-ayos at baduy manuot ng damit."

Naitaas ko ang kilay. "Hindi naman kabawasan sa isang babae ang hindi pagsusuot ng damit na nauuso ngayon. Eh, sa hindi ko type ang mga sinusuot nila. Lalo na iyong crop top."

Nakita ko ang pagtango ni Ledger na mukhang kanina pa nakikinig sa usapan namin.

"Yeah, don't even try to wear those clothes, Vivian. It will not look good on you." Sabi niya matapos ng ilang sandaling pagtango.

Para naman akong nainsulto sa sinabi niya. Sumimangot ako at sinamaan siya ng tingin.

"Sinasabi mo bang pangit ako, Ledger?"

Namilog ang mga mata ni Ledger nang tignan ako. Umawang ang labi niya ng ilang sandali at naroon naman sa mga mata ang pagtutol.

Tumawa naman ng malakas si Utoy na akala mo ay naintindihan din ang sinabi ni Ledger. "Oo, Vian! Pangit ka nga!"

Lumipat ang tingin ko sa kaniya at sinamaan din siya ng tingin. Tumigil siya sa pagtawa kaya't bumaba na ang tingin ko sa timbang napuno na ng tubig. Akin itong kinuha na para bang ganoon lang ito kadaling buhatin at may sama ng loob na nilisan ang pwestong iyon.

Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang nararamdaman ko ngayon, na tila ba para akong nagtatampo dahil sa sinabi ni Ledger. Sanay naman na akong masabihan ng pangit dahil miski ako ay nakikita rin ang sarili sa salamin. Alam ko kung gaano ako kabaduy manuot pero bakit parang ganito na lang kasakit nang kay Ledger magmula ang mga salitang iyon?

Bagama't hindi naman talaga niya nasabing pangit ako, ganoon pa rin ang ipinahihiwatig niya. Ganoon na nga ba talaga ako kapangit?

Binuhat ko ang timba upang sana ay ibuhos ito sa drum nang may mga kamay ang nagtuloy niyon sa pagbuhat at siya na rin mismo ang bumuhos ng tubig sa drum. Napakurap ako at agad na na naiatras ang mga paa patalikod.

Agad lang ding napawi ang gulat ko nang tuluyang masilayan si Ledger. Sumimangot ako at pumasok na lamang sa loob ng kubo. Ramdam ko naman ang kaniyang pagsunod mula sa likuran ko.

"Vivian—"

"Paki-ayos na lang ng niluto mo. Nasunog 'yan na naging dahilan ng paggising ko." Putol ko sa kaniya.

Ayokong humingi siya ng tawad sa bagay na nasabi niya na. Ang sama talaga ng loob ko ngayon. Parang nais ko na lang magpahinga.

"Oh, shit." Rinig kong bulong niya at agad na nilapitan ang kalan. "I-I'm sorry about that—"

"Ayusin mo na lang. Huwag ka ng humingi ng tawad."

"Vivian—"

"Ikaw na lang din ang magpatuloy ng pag-iigib. Gusto ko ng matulog."

Nang sabihin ko iyon ay agad akong nahiga sa aking papag patalikod sa kaniyang gawi. Rinig ko ang kaniyang pagbuntong-hininga bago ko narinig ang kaniyang mga yapak palabas ng kubo.

Mas lalong sumama ang loob ko kaya't kunot-noo ako habang nakatitig sa kawayan na haligi ng kubong ito. Hindi ko namalayan na sa katititig ay talagang makakatulugan ko ito.

Sa aking paggising muli, si Wena ang aking nadatnan. Pumapapak siya ngayon ng Bangus na mukhang siya rin ang nagprito. Pansin kong lumamig na lang ang kanin ngunit hindi niya pa rin ito ginalaw.

"Hmm! Good morning, Vivian!" Aniya at sumaludo sa akin gaya ng ginawa rin ni Utoy kanina.

Inilibot ko ang tingin sa paligid upang hanapin si Ledger ngunit wala ito saan mang sulok ng bahay ko. Saan naman kaya nagpunta ang lalaking iyon?

"Kung hinahanap mo si Ledger, ayon, sinama ng asawa ko sa pangangahoy. Gusto pala magtrabaho ng asawa mo no? Taray! Magbubuhay prinsesa ka na ba niyan, Vivian?"

Hindi ko siya pinansin at tumayo mula sa papag. Nakasimangot akong kumuha ng plato at umupo sa sahig. Talagang iniwan niya pa ako. Ang napag-usapan namin, ako ang magtuturo sa kaniya sa pagtatrabaho pero heto't iniwan niya ako. Mas lalong sumasama ang loob ko sa ginagawa niya.

"Oh? Ano naman 'yang sinisimangot mo riyan? Hindi ka ba masaya na may magbubuhay na sa 'yo ngayon?" Tanong ni Wena.

Kinuha ko ang plato niyang may kanin na hindi niya naman ginalaw at ipinalit ang plato kong nakuha. Kumuha ako ng dalawang isda ngunit tinapik niya ang kamay ko.

"Akin lang 'to!"

"Sinong nagsabi?"

"Ako!"

Umiling ako at kinuha ang isang isda. Balak niya pa sanang magreklamo nang taasan ko siya ng kilay.

"Pagmamay-ari ko ang isdang ito." Saad ko gamit ang mahinahon kong boses.

"Wow! Nagdadamot?" Umirap siya sa akin at kinuha ang plato na naglalaman ng mga isda. "So, ayon nga. Hindi ka yata masayang buhayin ng isang lalaki, ah? Pride ba yan? Powder o Bar?"

Hindi ko siya sinagot at tahimik na kumain. Katulad ng nakagawian, hinayaan ko siyang magdaldal ng kung ano-ano. Pinapakinggan ko siya ngunit lumalabas lang ito sa kabilang tainga ko. Wala ako sa mood upang pag-aksayahan ng oras ang mga kwento niya ngayon.

"Ang tamlay mo ngayon, Vivian..." Aniya matapos ang ilang sandali. "Sanay naman akong tahimik ka talaga pero pansin ko ang pagtamlay mo. May sakit ka ba?"

Umiling ako. "Wala."

"Eh, bakit ganiyan ka? Naiinis ako sa 'yo, eh!"

"Wena."

Umangat ang kilay niya. "Bakit?"

"Sabihin mo nga..." Binasa ko ang natuyong labi. "Pangit ba ako?"

Kumunot ang noo niya. "Anong klaseng tanong 'yan? Syempre oo!"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi mo man lang ba palulubagin ang loob ko?"

"Anong lubag-lubag? Libag ang maiaambag ko sa 'yo!" Saad niya saka tumawa ng malakas. "Charot! Oo, 'day, maganda ka! Maganda ka pero wala kang ayos! Okay na?"

Bumuntong-hininga ako. "Kailangan ba talaga ang pag-aayos para sa isang babae?"

"Oo naman! Para matipuhan ka rin ng gusto mo! Ano ka ba, Vivian? Hindi ka na bata para hindi malaman ang mga 'yan!" Aniya at biglang pumorma. "Tignan mo ako, kahit mag-asawa na kami ni Utoy, nagagawa ko pa ring mag-ayos."

Pinagmasdan ko siya. Kahit na nga tumataba siya, lumalaki at nagiging kamatis ang ilong, umiitim ang kili-kili at leeg niya dahil sa kaniyang pagbubuntis, nagagawa niya pa nga ring mag-ayos sa kabila ng mga iyon. Nagagawa niya pa ngang mag-lipstick sa kabila ng malapad niyang labi at mag-makeup sa kabila ng kayumanggi niyang balat.

"Kitams? Ganda ko 'di ba?" Mayabang niyang saad bago bumalik sa pagpapapak ng mga isda. "Charot lang! Alam ko namang hindi ako kagandahan pero at least, marunong akong mag-ayos ng sarili. Kaya nga lalong nai-in love si Utoy sa akin at never siyang humanap ng iba dahil sa pag-aayos kong 'to."

Napatango ako. "Ganoon ba?"

"Oo! Kaya ikaw, dahil may asawa ka na, mag-ayos ka! Hindi natin alam, baka makahanap si Ledger ng iba at iwanan ka. Ikaw rin naman ang uuwing luhaan."

Bakit naman ako iiyak gayong wala naman akong damdamin para kay Ledger?

"Ang mga lalaki kasi, mabilis magsawa sa isang babae lalo na sa mga katulad mong baduy! Kaya habang wala pa siyang nahahanap na iba, mag-ayos-ayos ka na!"

Nanahimik na lang ako habang napapaisip sa sinabi niya. Kailangan ko nga bang gawin ang mga iyon para lang hindi ako iwanan ni Ledger?

Dahil nahuli na ako ng gising, naisipan ko na lamang na gumawa ng lamesa dahil pansin kong hindi sanay sa sahig kumain si Ledger. Hindi ko nga akalaing nagagawa ko na ang mga ito ngayon gayong nang ako ay mag-isa pa lamang ay palagi kong ginugugol ang sarili ko sa pagtatrabaho.

Sa labas ko naisipang gumawa dahil mamamawis lamang ako sa loob ng bahay at magkakalat. Nasa akto ako ng paglalagari nang mamataan ko ang isang taong nakatayo sa gilid ko at tila pinagmamasdan ako. Dahil masinag ang sikat ng araw ay hindi ko ito naaninag kaagad.

"Vivian."

Sa boses pa lamang ay napag-alaman ko na kung sino ang taong iyon. Mabilis akong tumalikod at papasok na sana ng kubo upang iwasan siya nang hawakan niya ang braso ko upang patigilin sa akma kong gagawin.

"Sandali lang, Vivian. Mag-usap naman tayo." Saad niya sa boses na tila nagmamakaawa.

Mapatang kong nilabanan ang mga titig niya. Hindi na ako mapapalambot ng mga titig niyang iyon ngayon.

"Wala tayong dapat na pag-usapan, Erick." Tinanggal ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. "Kaya umalis ka na."

"Vivian naman. Don't you missed me?"

Sumama ang timpla ng mukha ko. "Pwede ba, Erick? Umalis ka na lang bago pa ako tuluyang mainis sa 'yo."

"Vivian—"

"Umalis ka na sabi!"

Nasindak naman siya sa sigaw kong iyon kaya't napalayo siya ng kaunti. Kilala ako ni Erick. Kaya kong sumapak ng kahit na sinong tao basta't kinainisan ko, at kahit sa kaniya ay kaya kong gawin iyon.

"Who are you?!"

Isang nakasisindak na boses ang bigla na lamang sumigaw na kahit ako ay napatalon sa gulat sa lakas niyon.

Lumapit si Ledger at tinabihan ako. "Ginugulo ka ba ng lalaking 'to, Vivian?"

Nalilitong nagpapalit-palit ng tingin si Erick sa aming dalawa ni Ledger bago siya pagak na tumawa. Kumunot ang noo ko sa kaniyang tinuran. Nasisiguro kong nasisiraan na nga ng ulo ang isang 'to.

"So the rumors are true..." Saad niya habang tumatango-tango. "Are you her husband?"

"Yes, I am." Sagot ni Ledger na taas-noo.

"Can't believe you're cheating on me, Vivian." Muli siyang tumawa ng pagak.

Umangat ang kilay ko. "Kung nandito ka para ikwento ang mga ilusyon mo, mabuti pa, umuwi ka na sa inyo. Wala akong balak na makinig sa kwentong barbero mo."

Nag-igting ang kaniyang mga ngipin at pansin ko ang pagkuyom ng kaniyang mga kamao. "Babawiin kita, Vivian. You're mine and mine to begin with!"

"Pare, she said you should go home. Huwag mo nang bigyan ng pasakit ng ulo ang asawa ko," seryosong saad ni Ledger, nag-iigting din ang panga niya sa matinding galit.

Sandaling natigilan ako nang banggitin ni Ledger ang huling kataga. Ramdam ko ang kakaibang dulot niyon sa aking sikmura na para bang ako ay kinikiliti at kailangang matuwa. Ipinilig ko ang ulo.

Isang mainit na bagay ang humaplos sa braso ko na aking ikinagulat. Namimilog ang mata ko siyang hinarap, bumungad sa akin ang nag-aalalang mga mata ni Ledger na siyang aking ipinagtaka.

"Are you okay?" Tanong niya sa mas mahinahong boses.

Tumango na lamang ako at pinigilan ang pagngiwi nang magtunog malambing ang boses niyang iyon. Epekto lang 'to malamang ng gutom.

Humarap si Ledger kay Erick na ngayon ay nanlilisik ang mga mata. Pabalik-balik ang tingin niya sa mukha ko at sa kamay ni Ledger na nakahawak sa braso ko.

"Umalis ka na." Madiing sabi ni Ledger.

"You don't need to tell me what to do," galit na pahayag ni Erick. "Aalis ako ngayon pero babalikan kita."

Bago tuluyang umalis si Erick ay nagpalitan na muna sila ni Ledger ng masasamang tingin. Hindi ko na lang iyon pinansin at kinuha ang lagari upang ipagpatuloy ang paggawa ng lamesa.

"Vivian..."

Hindi ko pinansin si Ledger bagamat napaka-hinahon ng kaniyang boses nang banggitin ang pangalan ko. Ito na naman at kinikiliti ako. Pagtapos nito ay kakain ako.

Matapos ang ilang sandaling hindi ako umimik, narinig ko ang kaniyang mga yapak paalis. Hindi ko alam kung dapat ko bang manghinayang na hindi ko siya pinansin o mainis dahil mukhang hanggang doon na lang ang kaya niyang gawin.

Pumikit ako ng mariin, mas nagwagi ang damdamin kong lingunin siya kahit likuran na lamang ang aking makikita. Kumunot ang aking noo nang bigla siyang yumuko at may pinulot. Nang siya ay tumayo at humarap sa akin ay may bitbit na siyang tatlong pirasong bulaklak. Tatlong dilaw na Gumamela.

Bigla akong kinabahan nang maging dahan-dahan ang paglakad niya patungo sa akin. Sa muling pagkurap ko ay tuluyan na siyang nakalapit at ngayon ay iniaabot sa akin ang bulaklak na kaniyang hawak.

"This is for you," sambit ni Ledger habang kunot pa rin ang noo na tila may malalim na iniisip. "They said yellow flowers are usually the choice to gift when wanting to express a heartfelt apology, and I'm asking for forgiveness."

Napakurap ako at bumaba ang tingin sa hawak niyang bulaklak. Hindi ko alam kung dapat ko ba itong tanggapin. Ito ang unang beses na makatanggap ako ng hindi lang isa kun'di tatlong pirasong bulaklak galing sa isang lalaki. Kailanman ay hindi ako nagbalak magpaligaw maski kay Erick. Kaya ganoon na lamang siguro ang reaksyon ng likaw ng aking bituka ngayong inaabutan ako ni Ledger ng mga bulaklak na ito.

"I swear, Vivian, hindi lang tayo nagkaintindihan kanina but that's not what I meant. You heard it wrong." Agad niyang depensa sa sarili.

Kahit papaano ay lumuwag ang pakiramdam ko nang dahil sa sinabi at ginawa niyang ito. Hindi ko nga alam kung bakit nagagawa kong mag-inarte samantalang puro lait na nga ang natanggap ko sa iba't ibang tao. Nagulat nga rin ako sa sarili ko at sa aking inakto matapos marinig sa mismong bibig ni Ledger ang mga katagang iyon.

"What I mean—"

Kinuha ko na ang Gumamela na kaniyang hawak at tiningala siya. Naglabas ako ng isang matipid na ngiti at tumango sa kaniya.

"Hindi mo na kailangang magpaliwanag pa. Sapat na ang mga narinig ko mula sa iyo." Sagot ko.

"It means you're forgiving me, right?" Tanong niya, nakabalatay sa mga mata ang isang pag-aasam.

Tumango ako. "Oo, Ledger."

Nang araw na iyon ay maluwag sa puso kong tinuruan siya kung paano gawin ang nag-iisang lamesa namin. Mabilis niyang nakuha ang mga paliwanag ko sa kaniya. Masasabi kong hindi siya mahirap turuan para sa isang baguhan.

Sigurado akong pareho kaming walang ideya kung paano tumatakbo ang buhay ng mga mag-asawa ngunit dahil narito na kami sa tyempong ito, masasabi kong hindi iyon madali. Dahil sa bawat araw na lumilipas at sa bawat araw na nakikilala namin ang isa't isa, hinuhubog naman ang aming mga kakayanan sa bawat araw. Nagkaroon man ng kaunting tampuhan, masaya akong nauwi rin ito sa isang maayos na usapan.

Kaugnay na kabanata

  • Her Proclaimed Husband   I

    Chapter 1"Naku, grabe talaga 'yan si Vivian, ano? Trenta'y anyos na pero wala pa ring asawa!"Kailangan bang mag-asawa 'pag umabot na ng trenta? Hindi naman naka-saad sa batas na magsipag-asawa ang lahat. Pauso nitong mga tsismosang 'to!"Losyang na nga siyang tignan kahit wala pang anak! Ni hindi man lang marunong mag-ayos ng sarili!"Kung magpapaganda naman ako ngayon, sasabihan akong pokpok, malandi, at mang-aakit lang ng lalaki. Bakit ko pa papagurin ang sarili ko kung sa huli, pangungutya pa rin ang maririnig ko?"Tignan mo nga ang trabaho niyan! Daig pa ang lalaki kung magbuhat ng balde-baldeng isda! Hindi magandang tignan para sa isang babae!"Pati ba naman trabaho ko, kailangan din nilang punahin? Ano naman kung daig ko pa ang lalaki? Marangal ang trabaho ko at saka ako naman ang mahihirapan, hindi naman ako nanghi

    Huling Na-update : 2022-02-14
  • Her Proclaimed Husband   II

    Chapter 2Matagal na katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa ng lalaking ito. Pareho lang kaming nakatitig sa isa't isa na para bang sa pamamagitan niyon ay malalaman namin ang buong pagkatao ng bawat isa sa amin.Hindi ko kinakitaan ng kahit anong emosyon ang mukha niya. Tila ba sanay na rin siyang itago ang emosyon niya tulad ko. Sa dami ng natatanggap kong masasakit na salita simula nang mawala ang Itay, mas pinag-igi ko noon ang pagtatago ng emosyon.Napabuntong-hininga ako at naglabas ng alanganing ngiti. "Are you hungry? I can cook food for us."Hindi siya sumagot ngunit rinig ko naman ang pagkulo ng kaniyang tiyan. Magta-tanghali na kasi at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakapag-luto. Naging busy kaming dalawa sa pagtititigan lang simula nang dampian ko ng halik ang labi niya kanina.Iyong nangyari kanin

    Huling Na-update : 2022-02-14
  • Her Proclaimed Husband   III

    Chapter 3Madaling araw ako nagising nang umagang iyon. Nagsaing at nagluto na rin ako ng ulam habang tulog pa si Ledger sa papag.Paminsan-minsan ko siyang sinisilip dahil paikot-ikot siya sa hinihigaan niya. Hindi siguro siya sanay sa matigas na papag kahit nilagyan ko na ng ilang kumot iyon upang kahit papaano ay maging komportable siya. Inilabas ko na nga rin ang kulambo na pinakatago-tago ko para lang hindi siya malamukan. Ito at wala pa rin akong natanggap na pasasalamat mula sa kaniya.Napailing na lang ako at kumain na lang ng agahan nang sa gayon ay magkalaman ang aking tiyan. Kadalasan sa agahan, alamang lang ang inuulam ko dahil kahit sa pagkain ay nagtitipid ako, ngunit sa araw na ito ay nagluto ako ng eskabetse para sa kaniya. Hindi man ganoon ka-espesyal ngunit tama lang para matawag na normal na pagkain para sa isang tulad niya.Hind

    Huling Na-update : 2022-02-14
  • Her Proclaimed Husband   IV

    Chapter 4Sabado at linggo ang pahinga ko sa pangingisda, ngunit hindi lamang ako nakahilata lang sa aking kubo kun'di para magbenta naman ng kakanin sa palengke.Ito ang isang bagay na naituro rin sa akin ni Itay, ang pagbebenta ng kakanin. Aniya, binuhay lang daw kasi siya noon ng kaniyang ina sa pagtitinda ng kakanin, naipasa iyon kay Itay hanggang naipasa niya naman sa akin. Ito ay isa rin sa kahusayan ko. Kilala rin ako sa baryo namin hindi lang bilang isang dalagang palaging laman ng tsismis, kun'di isang dalagang masarap gumawa ng kakanin.Mula sa ginagawa, napatingin ako sa papag na kinahihigaan ni Ledger nang mapansin ko ang pagbangon niya. Pupungas-pungas na kinamot niya ang kaliwang mata habang ang kabila ay nakatingin sa gawi ko."Pasensya ka na. Mukhang nagising yata kita sa ingay."Lumabas siya mula sa kulambo at

    Huling Na-update : 2022-04-21

Pinakabagong kabanata

  • Her Proclaimed Husband   V

    Chapter 5Matapos ng naging usapan namin ni Ledger ay nanahimik na lamang siya at hindi na ako pinansin. Hinayaan ko siya dahil sigurado akong iniisip niya lamang ang magiging sitwasyon namin. Siguro nga, hindi madali para sa mga lalaki ang ganitong sitwasyon. Hindi man sinasadya pero naaapakan na ang ego nila mula sa isang maliit na kilos lang.Inayos ko na lamang ang mga pinamili namin. Napapangiti ako nang hindi ko namamalayan habang inaayos ang mga ito sa tamang pwesto. Ganito pala ang pakiramdam ng nabibili mo ang mga bagay na matagal mo ng gustong bilhin pero ngayon mo lang nagawa. Masyado akong naging busy sa pagbabanat ng buto, nawalan ako ng oras para bumili ng mga pangangailangan ko.Pero dahil may asawa na ako, kailangan kong gawin ang mga ito. Sigurado akong hindi sanay si Ledger sa mga bagay na kinalakihan ko nang gawin. Sa itsura at pangangatawan niya, mukha talaga siyang mayaman at dayo lang sa baryong ito. Hindi naman mahalaga sa akin ang pinanggalingan niya, hindi ko

  • Her Proclaimed Husband   IV

    Chapter 4Sabado at linggo ang pahinga ko sa pangingisda, ngunit hindi lamang ako nakahilata lang sa aking kubo kun'di para magbenta naman ng kakanin sa palengke.Ito ang isang bagay na naituro rin sa akin ni Itay, ang pagbebenta ng kakanin. Aniya, binuhay lang daw kasi siya noon ng kaniyang ina sa pagtitinda ng kakanin, naipasa iyon kay Itay hanggang naipasa niya naman sa akin. Ito ay isa rin sa kahusayan ko. Kilala rin ako sa baryo namin hindi lang bilang isang dalagang palaging laman ng tsismis, kun'di isang dalagang masarap gumawa ng kakanin.Mula sa ginagawa, napatingin ako sa papag na kinahihigaan ni Ledger nang mapansin ko ang pagbangon niya. Pupungas-pungas na kinamot niya ang kaliwang mata habang ang kabila ay nakatingin sa gawi ko."Pasensya ka na. Mukhang nagising yata kita sa ingay."Lumabas siya mula sa kulambo at

  • Her Proclaimed Husband   III

    Chapter 3Madaling araw ako nagising nang umagang iyon. Nagsaing at nagluto na rin ako ng ulam habang tulog pa si Ledger sa papag.Paminsan-minsan ko siyang sinisilip dahil paikot-ikot siya sa hinihigaan niya. Hindi siguro siya sanay sa matigas na papag kahit nilagyan ko na ng ilang kumot iyon upang kahit papaano ay maging komportable siya. Inilabas ko na nga rin ang kulambo na pinakatago-tago ko para lang hindi siya malamukan. Ito at wala pa rin akong natanggap na pasasalamat mula sa kaniya.Napailing na lang ako at kumain na lang ng agahan nang sa gayon ay magkalaman ang aking tiyan. Kadalasan sa agahan, alamang lang ang inuulam ko dahil kahit sa pagkain ay nagtitipid ako, ngunit sa araw na ito ay nagluto ako ng eskabetse para sa kaniya. Hindi man ganoon ka-espesyal ngunit tama lang para matawag na normal na pagkain para sa isang tulad niya.Hind

  • Her Proclaimed Husband   II

    Chapter 2Matagal na katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa ng lalaking ito. Pareho lang kaming nakatitig sa isa't isa na para bang sa pamamagitan niyon ay malalaman namin ang buong pagkatao ng bawat isa sa amin.Hindi ko kinakitaan ng kahit anong emosyon ang mukha niya. Tila ba sanay na rin siyang itago ang emosyon niya tulad ko. Sa dami ng natatanggap kong masasakit na salita simula nang mawala ang Itay, mas pinag-igi ko noon ang pagtatago ng emosyon.Napabuntong-hininga ako at naglabas ng alanganing ngiti. "Are you hungry? I can cook food for us."Hindi siya sumagot ngunit rinig ko naman ang pagkulo ng kaniyang tiyan. Magta-tanghali na kasi at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakapag-luto. Naging busy kaming dalawa sa pagtititigan lang simula nang dampian ko ng halik ang labi niya kanina.Iyong nangyari kanin

  • Her Proclaimed Husband   I

    Chapter 1"Naku, grabe talaga 'yan si Vivian, ano? Trenta'y anyos na pero wala pa ring asawa!"Kailangan bang mag-asawa 'pag umabot na ng trenta? Hindi naman naka-saad sa batas na magsipag-asawa ang lahat. Pauso nitong mga tsismosang 'to!"Losyang na nga siyang tignan kahit wala pang anak! Ni hindi man lang marunong mag-ayos ng sarili!"Kung magpapaganda naman ako ngayon, sasabihan akong pokpok, malandi, at mang-aakit lang ng lalaki. Bakit ko pa papagurin ang sarili ko kung sa huli, pangungutya pa rin ang maririnig ko?"Tignan mo nga ang trabaho niyan! Daig pa ang lalaki kung magbuhat ng balde-baldeng isda! Hindi magandang tignan para sa isang babae!"Pati ba naman trabaho ko, kailangan din nilang punahin? Ano naman kung daig ko pa ang lalaki? Marangal ang trabaho ko at saka ako naman ang mahihirapan, hindi naman ako nanghi

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status