Sabado at linggo ang pahinga ko sa pangingisda, ngunit hindi lamang ako nakahilata lang sa aking kubo kun'di para magbenta naman ng kakanin sa palengke.
Ito ang isang bagay na naituro rin sa akin ni Itay, ang pagbebenta ng kakanin. Aniya, binuhay lang daw kasi siya noon ng kaniyang ina sa pagtitinda ng kakanin, naipasa iyon kay Itay hanggang naipasa niya naman sa akin. Ito ay isa rin sa kahusayan ko. Kilala rin ako sa baryo namin hindi lang bilang isang dalagang palaging laman ng tsismis, kun'di isang dalagang masarap gumawa ng kakanin.
Mula sa ginagawa, napatingin ako sa papag na kinahihigaan ni Ledger nang mapansin ko ang pagbangon niya. Pupungas-pungas na kinamot niya ang kaliwang mata habang ang kabila ay nakatingin sa gawi ko.
"Pasensya ka na. Mukhang nagising yata kita sa ingay."
Lumabas siya mula sa kulambo at lumapit sa akin. Halata pa ang antok sa kaniyang mga mata ngunit mas piniling lapitan ako kaysa bumalik sa pagtulog.
"What are you doing?" Tanong niya gamit ang inaantok niyang boses.
Muling bumalik ang tingin ko sa ginagawa. "Magbebenta ako ng Kakanin."
"Magbebenta?" Bakas sa boses niya ng pagtataka. "But I thought, this is supposed to be your rest day?"
Tumango ako. "Pahinga sa pangingisda, pero hindi ko sinabing hindi na ako gagawa."
"No, I think you should rest. Hindi ka ba napapagod?"
"Ikaw ang magpahinga. Matulog ka na. Hayaan mo na ako rito." Saad ko bago siya tinignan sa mga mata.
Sumingot siya, halata sa mga mata ang pag-angal. "I insist. You must rest. Matulog ka sa papag."
Napatingin ako roon. Ang papag ko ay siyang naging higaan niya nitong mga nakaraang araw. Mas ginusto kong patulugin siya roon 'pagkat alam kong hindi siya sanay na humiga sa sahig. Sa papag pa nga lang ay magalaw siya dahil nahihirapan siyang makatulog bagama't patong-patong na ang kumot, pahigain ko pa kaya siya sa sahig?
Ibinalik ko ang tingin sa ginagawa. "Hindi ko kailangan ng pahinga, Ledger. Nasanay akong kumayod nang kumayod sa buong buhay ko, hindi kasama ang pagpapahinga sa bukabularyo ko."
Masungit siyang umingos at pinag-krus ang mga braso. "At least, think about your health. You've been working all day and here you are, cooking something instead of resting."
Matunog akong ngumisi. Sa buong buhay ko, tahimik itong kubo ko dahil ako lamang ang mag-isa rito simula rin ng iwan ako ni Itay, pero heto't nagkaroon ako ng kasama na kung mag-alala ay tila isa nga kaming mag-asawa. Kabaliktaran nga lang ang aming posisyon sa kadalasang gawain ng mag-asawa. Ako, na babae, na tila lalaki, ay kumakayod at nagtatrabaho samantalang siya ay tila isang babaeng pinagsasabihan ako. Nakakatawa lang ang sitwasyon naming ito.
"What are you smirking at?" Masungit niyang tanong nang makita ang ngisi kong mabilis ko ring inalis sa mukha ko. "I'm serious here, woman. Get some normal sleep and rest your fucking ass at least for a day!"
Napailing ako at natawa ngunit pumayag din naman sa gusto niya, ngunit bilang kapalit, siya ang magbebenta sa palengke ng mga Kakaning ginawa ko. Hindi naman siya umangal doon at mabilis naman pumayag sa sinabi ko.
"Grabe ka talaga, Vivian! Mantakin mong inutusan mo 'yong tao samantalang kay bago-bago lang dito!" Saad ni Wena at kumuha ng Bibingka na nakalagay sa isang plato.
Nagkibit-balikat ako. "Iyon ang gusto niya, hahayaan ko na lang siya."
Isa pa, hindi ko kailangang mag-alala. Kasama naman ngayon ni Ledger si Utoy na siyang magiging gabay ni Ledger sa pagbebenta. Isa pa, kung siya rin ang magbebenta, siguradong mas malakas ang kita kaya naman medyo tinaasan ko ang presyo. Hindi naman makakatanggi ang iba na bumili lalo na't magandang lalaki ang tindero.
Naubo si Wena kaya naman mabilis kong kinuha ang baso ng tubig upang ibigay sa kaniya.
"Magdahan-dahan ka naman, Wena. Hindi ka naman mauubusan." Pangaral ko sa kaniya ngunit wala sa akin ang kaniyang tingin kun'di sa taong nasa labas ng bintana.
Nangunot ang noo ko nang makita ang pamilyar na bulto ng isang lalaki. Malaking ngiti ang sinalubong niya sa akin habang itinataas ang dalawang kamay na may hawak na paper bags. Mabilis na sumama ang timpla ng mukha ko at agad na pinagsaraduhan siya ng bintana.
Isang hampas sa braso ang natanggap ko mula kay Wena. "Bakit mo naman pinagsaraduhan?! Mukhang ang dami pa namang bitbit! Sayang iyon, Vivian!"
Naka-simangot na hinawakan ko ang braso. "Hindi ko kailangan ng mga luho galing sa kaniya, Wena. Kung gusto mo, sa iyo na lang."
Napanguso si Wena. "Naku, mukhang umuwi pa naman siya galing Maynila para sa iyo, Vivian."
"Wala akong paki." Maikli kong sagot.
Isang pagkatok ang narinig namin sa labas ng pintuan nitong kubo ko. Hindi ako nag-abalang gumalaw para pagbuksan ang taong iyon. Bahala siyang mapagod sa kakakatok, aalis din naman iyon.
"Vivian naman! Hanggang ngayon ba naman, galit ka pa rin?!" Marinig pa lang ang boses niya ay naiirita na ako.
Sinong hindi magagalit sa ginawa niya? Siya ang nagpakilala kay Itay sa babaeng byuda na pinakasalan din ni Itay kalaunan at iniwan ako. Siya rin ang naging dahilan ng pagkasira ng magandang reputasyon ko rito sa baryo dahil sa haka-haka niyang sabi na naging mag-nobyo kami. Matapos ng mga natanggap kong paninirang puri mula sa mga ka-baryo ko at sa mga kamag-anak niya, ayon at iniwan ako upang magtungong Maynila. Sinong hindi magagalit gayong siya ang naging dahilan ng lahat kaya't heto, kung anong haka-haka ang kumalat sa buong baryo dahilan ng pag-ingay ng pangalan ko?
"Vivian, sorry na! Buksan mo naman 'tong pinto, please? Gusto kitang makita!" Sigaw ni Erick na nakiki-usap na.
Hindi ko siya pinansin at nagbingi-bingihan. Si Wena naman ay nagpatuloy lang sa pagkain ng mga Kakaning tinira ko habang bukas ang taingang nakikinig sa sinasabi ni Erick.
"Vivian!"
Mas pinili kong kumain na lang din ng Sapin-sapin kaysa pakinggan ang isang tulad niya. Kumusta kaya ang bentahan sa palengke ng Kakanin ngayon?
"Hoy! Hindi ka ba naaawa kay Erick?" Pabulong na saad ni Wena.
"Bakit naman ako maaawa sa kaniya, naawa ba siya sa akin noon?"
Napanguso naman si Wena. "Pero 'di ba, childhood best friend kayo? Ganoon na lang ba 'yon? Isa pa, labing dalawang taon na rin naman ang lumipas."
"Lumilipas ang panahon, pero hindi ang init ng ulo ko sa lalaking iyon." Masungit kong pahayag.
Oo nga't magkababata kami ni Erick. Bagama't mas matanda ako ng dalawang taon, mabilis kaming nagkasundo. Naalala ko pa nga noong mga araw na sabay kaming naliligo nang hubo't h***d, nagtatakbuhan sa dalampasingan, naglalaro sa kakahuyan at iba pa. Masayang maging kaibigan si Erick kung hindi nga lang niya pinagkalat na mag-nobyo kami dahil lang sa pagtanggi ko sa kaniyang manligaw.
Dahil mayaman rin si Erick sa baryo namin at may ipagmamayabang naman pagdating sa itsura, maraming nagkakagusto sa kaniya dahilan para siraan din ako ng mga ito at minsanan pang sumusugod sa kubo ko. Napakababaw na dahilan ngunit dahil doon ay sinira niya ang dati'y magandang reputasyon ko rito. Dati akong kinagigiliwan, ngayon ay kinasusuklaman, anong lupit naman.
Hindi ko talaga siya pinagbuksan ng pinto hanggang sa tuluyan na siyang napagod at umalis. Bagama't gawa sa kahoy ang pinto, mabuti na nga lamang at hindi niya naisipang sirain ito.
Rinding-rindi na ako sa kadaldalan ni Wena. Kung ano-ano na lang ang tsimis na umabot sa kaniya mula sa iba't ibang baryo. Hindi ko nga alam kung paano niyang nasasagap pa ang mga 'yon, para bang may tainga pa siya sa iba't ibang lugar.
Nabuburyong itinaas ko ang kanang kamay upang patigilin siya sa pagsasalita. Huminto naman si Wena at nakipag-appear sa akin na ikina-irap ko.
"Para ka namang bata, Vivian! Makikipag-appear talaga?" Natatawang saad niya.
"May martilyo, pako, at lagari kayo 'di ba?"
Kumunot ang noo niya. "Hmm? Oo, bakit?"
"Pahiram."
Dahil sa kaburyuhan, nagawa ko ng gumawa ng isa pang papag. Mas malaki ito kumpara sa papag na kasya lang talaga ang isang tao. Gawa lang ito sa kawayan ngunit siniguro kong mas komportableng pagtulugan.
Tagaktak ang pawis ko nang matapos ko ang papag. Sa ganoong tagpo ako naabutan ni Ledger nang siya ay maka-uwi. Agad na nagdugtong ang makapal niyang kilay ngunit imbis na kabahan ay nagawa ko pang hangaan.
"Anong ginagawa mo?!" Bungad niyang sigaw.
Ngumisi ako at ipinakita sa kaniya ang bagong papag na gawa ko. "Naburyo ako kaya't mas pinagbuti kong gumawa ng papag para sa 'yo."
Inis niyang inilapag ang belt bag, narinig ko pa roon ang pagkalansing ng mga barya. Base na rin sa bilaong bitbit niya, naubos nga ang kaniyang paninda.
"I told you to rest! Why are you so hard headed?!" Singhal niya at napapikit sa inis.
Nakangiti kong inabot ang belt bag at hindi pinansin ang kaniyang sinabi. Nagulat ako nang kunin niya sa akin iyon at muling ilapag sa sahig.
"Ang tigas ng ulo mo! Kaya nga ako ang pumalit sa 'yo para makapagpahinga ka! Bakit hindi mo 'yon magawa?!"
Bumuntong-hininga ako. "Ledger, huminahon ka. Hindi mo kailangang sumigaw."
"Sisigaw ako hangga't gusto ko!"
Napapangising inilingan ko siya. "Hintayin mo ako rito at magpapalit muna ako ng damit. Magpalit ka na rin dito ng damit, pawisan ka na."
Tinalikuran ko na siya at nagtungo sa drawer upang kumuha ng maisusuot ko. Kinuhaan ko na rin siya ng damit at inilapag sa papag.
"Vivian, I'm still talking to you!"
Hindi ko na siya pinansin at lumabas na upang magtungo sa palikuran para magpalit. Ilang minuto lang ang itinagal ko at bumalik din ako sa kubo. Mabuti naman at nakabihis na rin siya pagbalik ko.
"Tara na." Saad ko.
"Where?" Mahinahon na niya ngayong tanong.
"Basta."
Dinala ko ang belt bag at kumuha na rin ng naitabi kong pera. Ngayon ko lang magagastos ito sa tinagal-tagal kong pag-iipon. Ngayon lang dahil narito si Ledger. Asawa ko siya rito kaya't responsibilidad ko siya.
Sumakay kami ng tricycle at tinahak ang malubak na lugar patungo sa syudad. Tahimik kong pinagmamasdan ang magandang tanawin sa paligid lalo na ngayo't palubog na ang araw. Tinignan ko sa gilid ng aking mga mata si Ledger, pansin ko ang hirap niya sa pagyuko lalo na't matangkad siyang tao. Mukha rin siyang hindi komportable sa pwesto niya dahil nauuntog-untog na ang ulo niya sa bubungan nitong tricycle.
Pinihit ko ang ulo upang humarap sa kaniya, nagkatapat ang aming mukha nang tumingin din siya sa akin. Halos kapusin ako ng hininga sa lapit ng mukha namin. Hindi ko rin sigurado kung naitago ko ang pag-iinit ng pisngi.
Nadaanan ng aking mata ang paggalaw ng adams apple niya. Marahil ay hindi niya rin inaasahan ang paglapit ng mukha naming dalawa.
"Ayos ka lang ba?" Tanong ko at nag-iwas ng tingin, piping nagpapasalamat na hindi ako nautal.
"Y-yeah." Sagot niya.
Nang muli ko siyang daanan ng tingin ay nakapaling na ang ulo niya pa-iwas sa akin. Hindi na lang ako muli pang nagsalita at nanahimik na lamang sa buong byahe. Ilang saglit lamang ay narating din namin ang syudad. Una kaming nagtungo sa mall, maliit lang ito kumpara sa mall sa Maynila ngunit isa ito sa pinaka-sikat dito at dinadagsaan ng mga tao.
"Anong gagawin natin dito, Vivian?" Tanong ni Ledger na nakasunod lag sa akin.
Pansin ko ang iilang mga pag-ikot ng ulo ng ilang mga tao at ang pagsunod ng mga mata nila kay Ledger, karamihan sa mga ito ay babae. Bagama't ang suot ngayon ni Ledger ay pangkaraniwang damit lang na sinusuot ni Utoy, hindi naman nawala ang nakaka-attract nitong itsura.
Hindi ko na lang siya sinagot at nagtungo sa isang bilihan ng mga damit para sa lalaki. Agad akong pumili ng mga damit na bagama't pangkaraniwan lang din at hindi ganoon kamahal ay siniguro ko namang may dating.
"Sukatin mo ang lahat ng 'to, 'pag sumakto, bibilhin na natin." Saad ko nang ibigay sa kaniya ang mga damit na napili ko.
"Vivian, why—"
"Huwag ka ng maraming dada. Marami pa tayong bibilhin. Sayang ang oras." Putol ko at tinulak na siya sa fitting room.
Napapangiti ako sa tuwing lalabas siya ng fitting room suot ang mga damit na napili ko. Tamang-tama at sakto lang sa kaniyang katawan. Bumagay rin ang lahat ng iyon sa kaniya, marahil nga kahit magsuot siya ng basahan na damit, hindi pa rin mawawala ang kagandahang lalaki niya. Wala nga kasing pangit sa lalaking ito.
"Ma'am, ang gwapo naman po ng kasama niyo." Kinikilig na sabi ng sales lady nang lapitan niya ako.
Mayabang akong tumango. "Oo naman. Magaling ako pumili, eh."
Namilog ang mga mata niya. "Jowa mo po, Ma'am?"
"Asawa ko."
Ilang oras din kaming nagtagal sa mall dahil sa dami ng mga pinagbibili ko. Bumili kami ng foam para sa papag na ginawa ko at para na rin sa papag ko, bumili rin ako ng mini fridge nang sa gayon ay mapaglagyan ang mga isdang nahuhuli ko sa pangingisda at upang may mainom na malamig na tubig si Ledger, mausok ang pugon at hindi maganda sa kalusugan lalo na kay Ledger kaya't bumili na rin kami ng malaking gasul at ng maayos na paglulutuan. Marami pa akong binili na kinakailangan sa bahay at ikagaganda nito. Ngayon ko lang 'to nagawa sa buong buhay ko dahil may asawa na ako.
Habang kami ay papauwi, pansin ko ang pagbuntong-hininga ni Ledger nang paulit-ulit. Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa kaya't medyo nag-alala ako. Pag-uwi ng bahay, saka ko pang siya tinanong sa kung anong nararamdaman niya.
"Ledger, may problema ba?" Nag-aalala kong tanong bagama't hindi ko na masyado iyong ipinabakas sa boses.
Muli siyang bumuntong-hininga at umupo sa papag. "This is wrong... so wrong..."
Umangat ang kilay ko. "Ano namang mali na bumili ng mga gamit sa bahay? Kailangan din naman natin 'to."
"I'm not talking about that, Vivian." Masungit niyang saad at inirapan pa ako. "Ako ang lalaki 'di ba? Ako dapat ang nagpo-provide ng pera, not you."
Napangisi ako. "Wala namang kaso sa akin 'yon, Ledger. Hindi big deal. Pinalaki ako ni Itay na parang isang lalaki. Ayos lang naman sa akin na ako ang kumayod."
"How about my pride here, Vivian? Sabi mo mag-asawa tayo. Ako dapat ang haligi ng tahanan, right? You're the wife and I'm the husband, pero parang nagiging baliktad. I can't accept this!" Inis niyang saad at sinabunutan ang kaniyang sarili.
Napabuga ako ng hangin. "Sa mundo ngayon, Ledger, kailangan ng maging praktikal ng mga tao. Kadalasan, mga babae na ngayon ang kumakayod habang naiiwan naman sa bahay ang mga lalaki... pero sige, para sa sinasabi mong pride, tuturuan kita ng lahat ng mga ginagawa ko. Sabay tayong kakayod na dalawa."
Natigilan siya at natahimik. Unti-unti niyang ibinaba ang mga kamay mula sa pagkakahawak nito sa kaniyang buhok bago ako pinagmasdan. Nawala ang inis na nakita ko sa kaniyang mukha. Maaaring nagustuhan niya ang sinabi ko.
Umangat ang sulok ng labi ko dahilan para mapatingin siya roon. "Siguro sapat na 'yon, asawa ko?"
Chapter 5Matapos ng naging usapan namin ni Ledger ay nanahimik na lamang siya at hindi na ako pinansin. Hinayaan ko siya dahil sigurado akong iniisip niya lamang ang magiging sitwasyon namin. Siguro nga, hindi madali para sa mga lalaki ang ganitong sitwasyon. Hindi man sinasadya pero naaapakan na ang ego nila mula sa isang maliit na kilos lang.Inayos ko na lamang ang mga pinamili namin. Napapangiti ako nang hindi ko namamalayan habang inaayos ang mga ito sa tamang pwesto. Ganito pala ang pakiramdam ng nabibili mo ang mga bagay na matagal mo ng gustong bilhin pero ngayon mo lang nagawa. Masyado akong naging busy sa pagbabanat ng buto, nawalan ako ng oras para bumili ng mga pangangailangan ko.Pero dahil may asawa na ako, kailangan kong gawin ang mga ito. Sigurado akong hindi sanay si Ledger sa mga bagay na kinalakihan ko nang gawin. Sa itsura at pangangatawan niya, mukha talaga siyang mayaman at dayo lang sa baryong ito. Hindi naman mahalaga sa akin ang pinanggalingan niya, hindi ko
Chapter 1"Naku, grabe talaga 'yan si Vivian, ano? Trenta'y anyos na pero wala pa ring asawa!"Kailangan bang mag-asawa 'pag umabot na ng trenta? Hindi naman naka-saad sa batas na magsipag-asawa ang lahat. Pauso nitong mga tsismosang 'to!"Losyang na nga siyang tignan kahit wala pang anak! Ni hindi man lang marunong mag-ayos ng sarili!"Kung magpapaganda naman ako ngayon, sasabihan akong pokpok, malandi, at mang-aakit lang ng lalaki. Bakit ko pa papagurin ang sarili ko kung sa huli, pangungutya pa rin ang maririnig ko?"Tignan mo nga ang trabaho niyan! Daig pa ang lalaki kung magbuhat ng balde-baldeng isda! Hindi magandang tignan para sa isang babae!"Pati ba naman trabaho ko, kailangan din nilang punahin? Ano naman kung daig ko pa ang lalaki? Marangal ang trabaho ko at saka ako naman ang mahihirapan, hindi naman ako nanghi
Chapter 2Matagal na katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa ng lalaking ito. Pareho lang kaming nakatitig sa isa't isa na para bang sa pamamagitan niyon ay malalaman namin ang buong pagkatao ng bawat isa sa amin.Hindi ko kinakitaan ng kahit anong emosyon ang mukha niya. Tila ba sanay na rin siyang itago ang emosyon niya tulad ko. Sa dami ng natatanggap kong masasakit na salita simula nang mawala ang Itay, mas pinag-igi ko noon ang pagtatago ng emosyon.Napabuntong-hininga ako at naglabas ng alanganing ngiti. "Are you hungry? I can cook food for us."Hindi siya sumagot ngunit rinig ko naman ang pagkulo ng kaniyang tiyan. Magta-tanghali na kasi at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakapag-luto. Naging busy kaming dalawa sa pagtititigan lang simula nang dampian ko ng halik ang labi niya kanina.Iyong nangyari kanin
Chapter 3Madaling araw ako nagising nang umagang iyon. Nagsaing at nagluto na rin ako ng ulam habang tulog pa si Ledger sa papag.Paminsan-minsan ko siyang sinisilip dahil paikot-ikot siya sa hinihigaan niya. Hindi siguro siya sanay sa matigas na papag kahit nilagyan ko na ng ilang kumot iyon upang kahit papaano ay maging komportable siya. Inilabas ko na nga rin ang kulambo na pinakatago-tago ko para lang hindi siya malamukan. Ito at wala pa rin akong natanggap na pasasalamat mula sa kaniya.Napailing na lang ako at kumain na lang ng agahan nang sa gayon ay magkalaman ang aking tiyan. Kadalasan sa agahan, alamang lang ang inuulam ko dahil kahit sa pagkain ay nagtitipid ako, ngunit sa araw na ito ay nagluto ako ng eskabetse para sa kaniya. Hindi man ganoon ka-espesyal ngunit tama lang para matawag na normal na pagkain para sa isang tulad niya.Hind

Chapter 4Sabado at linggo ang pahinga ko sa pangingisda, ngunit hindi lamang ako nakahilata lang sa aking kubo kun'di para magbenta naman ng kakanin sa palengke.Ito ang isang bagay na naituro rin sa akin ni Itay, ang pagbebenta ng kakanin. Aniya, binuhay lang daw kasi siya noon ng kaniyang ina sa pagtitinda ng kakanin, naipasa iyon kay Itay hanggang naipasa niya naman sa akin. Ito ay isa rin sa kahusayan ko. Kilala rin ako sa baryo namin hindi lang bilang isang dalagang palaging laman ng tsismis, kun'di isang dalagang masarap gumawa ng kakanin.Mula sa ginagawa, napatingin ako sa papag na kinahihigaan ni Ledger nang mapansin ko ang pagbangon niya. Pupungas-pungas na kinamot niya ang kaliwang mata habang ang kabila ay nakatingin sa gawi ko."Pasensya ka na. Mukhang nagising yata kita sa ingay."Lumabas siya mula sa kulambo at