Share

II

Author: Deana
last update Last Updated: 2022-02-14 22:39:45

Chapter 2

Matagal na katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa ng lalaking ito. Pareho lang kaming nakatitig sa isa't isa na para bang sa pamamagitan niyon ay malalaman namin ang buong pagkatao ng bawat isa sa amin.

Hindi ko kinakitaan ng kahit anong emosyon ang mukha niya. Tila ba sanay na rin siyang itago ang emosyon niya tulad ko. Sa dami ng natatanggap kong masasakit na salita simula nang mawala ang Itay, mas pinag-igi ko noon ang pagtatago ng emosyon.

Napabuntong-hininga ako at naglabas ng alanganing ngiti. "Are you hungry? I can cook food for us."

Hindi siya sumagot ngunit rinig ko naman ang pagkulo ng kaniyang tiyan. Magta-tanghali na kasi at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakapag-luto. Naging busy kaming dalawa sa pagtititigan lang simula nang dampian ko ng halik ang labi niya kanina.

Iyong nangyari kanina ay siya ring unang halik ko. Oo, ang lakas nga ng loob kong gawin iyon samantalang iyon pa lang ang unang beses na h*****k ako ng isang tao. Kung nakita pa nila Aling Fe at Aling Loida ang ginawa ko, masasabihan nila akong malanding babae dahil ako ang gumawa ng unang hakbang upang mahalikan ang lalaking ito.

Tumayo na ako upang magtungo sa tinuturing kong kusina ko. Nagsindi ako ng apoy sa pugon, gamit ang hangin mula sa bibig ko ay nag-ihip ako rito upang umapoy ang kahoy. Habang hindi pa ito tuluyang nagsisindi, inihanda ko na ang kaldero na pagsasaingan ko ng kanin. Mahirap man itong gawin ngunit ito na ang kinasanayan ko. May sapat naman akong pera para bumili ng gasul ngunit hindi sapat ang oras ko para magpunta pa sa kabilang baryo para bumili nito.

Sinilip ko ang lalaki, nakaupo na siyang muli sa papag. Marahil hindi siya sanay umupo sa sahig. Ang mga mata ng lalaki ay sinusundan lang ako ng tingin. Bakas sa mukha niya ang pagtataka bawat madadaanan ng kaniyang mata ang pugon. Ngayon lang din marahil siya nakakita ng ganitong bagay.

Bumalik ang tingin ko sa pugon at kinuha ang pamaypay na karton sa gilid. Ipinagaspas ko ang kamay upang mas lumakas pa ang apoy.

"I'm sorry, this will take a while. Can you wait for a few minutes for it to cook completely?" Tanong ko nang ang mata ay naroon lang sa pugon.

Kahit papaano naman kasi ay nakapag-aral ako. Hanggang ikalawang taon nga lang sa sekondarya. Magkagayon man, ako ang pinakamatalino sa mga naging kaklase ko noon. Halos lahat ng subject ay ako ang nangunguna. Tumigil nga lang ako dahil mas pinili ko ang kumayod kaysa mag-aral. Pakiramdam ko kasi'y nag-aaksaya lang ako ng oras sa pag-aaral lalo na't sobrang layo ng eskwelahan dito, ilang sapa pa ang madadaanan at tatawirin ko bago ito tuluyang marating.

Hindi na naman ito sumagot. Hindi siguro siya madaldal na tao. Siya marahil ang tipo ng tao na mas pipiliing umupo sa isang sulok at maging mapag-isa.

Naghintay lang ako hanggang sa maluto ang sinasaing ko. Kasabay naman niyon ang sunod-sunod na katok sa pintuan ng kubo ko.

"Vian! Vian!"

Hindi na ako nagtaka nang marinig ang boses ni Utoy kasabay ng pagkatok niya ng malakas sa pinto ko na tila gigibain na ito. Alam ko naman ang pakay niya, ito ay ang lalaking nakaupo ngayon sa papag ko.

Tumayo ako at pinagbuksan ng pinto si Utoy. Ngiting aso na naman ang naabutan ko sa pagmumukha niya. May dala siyang kaldero na ikinataka ko.

"Ano 'yan, Utoy?" Tanong ko habang pinagtataasan siya ng kilay.

Sinubukan niyang sumilip sa loob ng bahay ko ngunit agad ko itong sinara upang hindi niya makita ang lalaki.

"Dito kami kakain." Sabi niya bago tumingin sa mga mata ko.

Kumunot ang noo ko. "Kami?"

"Oo, kami. Paparating na 'yong apat kong baby." Ngising sabi niya at kumindat sa akin.

Nabigla naman ako. "Ano?! Utoy naman! Bakit mo—"

"Hello, Vian!"

Napapikit na lang ako sa inis nang marinig ko ang nakakairitang boses ni Wena. Kasunod niya ang tatlo nilang anak na si Bugoy, Gardo at Lilet. Kung kaldero ang dala ni Utoy, malaking kawali naman ang dala ni Vian, samantalang ang dala ng tatlo nilang anak ay mga plato ng dilis, tuyo, at mga plato at baso.

"Dito kami kakain ngayon." Saad ni Wena at bahagya pa akong tinulak pagilid sa pinto ko. "Pasok na, mga anak."

Umawang na lang ang labi ko nang sunod-sunod na pumasok ang tatlo nilang anak. Nginisian ako ni Utoy bago rin siya sumunod sa mga ito. Wala akong nagawa kun'di ang pumasok na lang din at isara ang pintuan.

Rinig ko ang malakas na paghagikgik ni Wena habang umuupo sa sahig kasabay ang kawaling dala. Iyon pala ay nakatingin na ang mga mata niya sa lalaki ngayong nakaupo pa rin sa papag.

"Hello, gwapings! Kumusta ka naman? Pinakain ka na ba ng agahan nitong si Vian namin?" Tanong ni Wena sa lalaki.

Akala ko ay hindi sasagot ang lalaki sa tanong ni Wena ngunit napaawang na lang ang labi ko nang umiling ito. Bakit kanina ay hindi naman nito nagawang sumagot sa akin? Kailangan ko rin ba siyang purihin para sagutin niya ako?

Napa-atras ako nang hampasin ni Utoy ang braso ko ng kaniyang malaki at magaspang na palad. Umungot ako at balak na sana siyang gantihan nang mabilis siyang umupo sa sahig kasabay ng tatlo pa nilang mga anak.

"Ikaw naman, Vian! Bakit hindi mo pinakain ang bisita natin?" Kunwaring paasik na sabi ni Utoy at binuksan na ang kalderong bitbit niya.

Mabilis ko siyang tinadyakan dahil sa sinabi niya dahilan para mabitawan niya ang takip ng kaldero at maggawa ito ng ingay. Dinaanan ng mga mata ko ang lalaki at tinignan ko ang kaniyang reaksyon ngunit sa pagkain lamang ito nakatingin na tila ba bago ang mga 'yon sa kaniyang paningin.

"Ano ba naman 'yan, Utoy, Vivian? Sa harapan talaga ng pagkain?" Masungit na saway ni Wena bago ako pinanlisikan ng mata. "Oh, ano pa bang tinatayo-tayo mo riyan? Kakain na tayo kaya maupo ka na!"

Napabuntong-hininga ako. Hindi na ako nagreklamo pa at umupo na rin katabi ni Utoy at Lilet. Nakapaikot kami sa pagkain. Nagbigay naman sila ng espasyo para sa gwapong lalaking ito.

Sinandukan ni Utoy ang lahat ng kanin, kahit ang isang plato para sa lalaki ay hindi niya pinalampas. Sabay-sabay na kumain ang tatlo nilang mga anak samantalang si Utoy ay natigilan at napatingin sa lalaking nakaupo pa rin sa papag.

"Uy, pre! Upo ka na! Kain tayo!" Maangas ang boses na saad ni Utoy.

Nag-aalinlangan man ay sinunod naman ng lalaki si Utoy at inokopado ang espasyo kung saan katabi nito si Bugoy at Gardo. Nakatapat naman ito sa akin kaya't malaya kong napagmamasdan ang kaniyang kagandahang lalaki.

"Ahh... Where's the fork and spoon?" Tanong ng lalaki dahilan para mapasinghap si Wena at ngumiti ng malaki.

Napailing ako at dumakot ng dilis, tuyo at adobong pusit sa kawaling dala ni Wena. Hinalo ko iyong lahat sa plato ko bago ginamit ang kamay upang maging kutsara ko.

"Magtagalog ka. Marunong ka naman 'di ba?" Saad ko nang hindi man lang siya tinitignan.

Nasabi ko iyon dahil nang tanungin siya ni Wena ay tagalog ang ginamit nito. Sinagot niya iyon ng isang iling. Doon pa lang ay malalaman na agad iyon.

Siniko ako ni Utoy dahilan para mapatingin ako sa kaniya. "Parang sinasabi mo namang hindi kami marunong umintindi ng ingles, Vian!"

Umangat ang kilay ko. "Hindi naman talaga. Kailan ka ba nag-aral?"

"Hindi man ako nag-aral pero marami akong natutunang ingles sa social media! Katulad ng kotse, cart pala ang ingles niyon!"

Ngumisi ako at ibinalik ang tingin sa plato ko. "Kailan pa naging kotse ang cart? Sa 'yo ko lang 'yan narinig."

"Aba't—"

"Tumigil na nga kayong dalawa! Mahiya naman kayo!" Saway muli sa amin ni Wena at ininguso ang lalaki.

Natigilan ako at napatingin din sa lalaking iyon. Nakaawang lang ang labi niya habang nakatingin sa akin. Hindi ko mabasa kung anong nasa utak niya ngayon. Nandidiri ba siya dahil nagkakamay lang kami?

"Kumain ka na. Hindi uso sa amin ang kutsara't tinidor kaya magkamay ka." Sabi ko.

Nag-aalinlangan siyang napatingin sa plato niyang may kanin na. Inilibot niya rin ang tingin sa mga ulam na nakahain. Dito pa lang sa mga kilos niya, masasabi kong mayaman nga talaga siya. Sosyal siguro ang mga kinakain niya. Bakit ba kasi siya napadpad pa sa dagat at nagpalutang-lutang?

"Gardo, palit nga muna tayo ng puwesto. Diyan na maupo ang Tatang at ikaw ang maupo sa tabi ng Tiya Vian mo." Utos ni Utoy sa anak na si Gardo.

Tumango naman ang anak nito. "Opo, Tatang."

Nagpalitan sila ng puwesto. Hindi na ako nagtaka nang turuan ni Utoy na magkamay ang lalaking iyon. Pinagpatuloy ko na lamang ang pagkain hanggang matapos ko ito.

"Ano palang pangalan mo, gwapings?" Tanong ni Wena at nagbigay ng baso ng tubig sa harapan ng lalaki.

Nagulat ako nang lumingon ang lalaki sa gawi ko dahilan para mapatingin din sa akin si Wena at Utoy. Tumaas lang ang dalawang kilay ko sa pagtataka.

"You tell them. Asawa mo ako 'di ba?" Saad ng lalaki at napangisi dahilan para magulat ako.

Nagulat naman ang dalawang mag-asawa. Maski ako ay nagulat dahil sa sinabi ng lalaking ito. Malakas ang pakiramdam kong hindi siya naniniwalang asawa niya ako.

"Asawa?!" Unang reaksyon ni Wena.

"Vivian, ano 'yan—"

Itinaas ko ang kanang kamay upang patigilin sa pagsasalita si Utoy. Parehong nagtataka ang kanilang mga mukha at bakas din ang gulat sa dalawa.

"Ledger."

Sabay-sabay na nangunot ang kanilang mga noo. Ang mag-asawa ay dahil sa pagkalito at pagtataka habang ang lalaki ay marahil sa inis na nararamdaman.

"Ledger ang pangalan niya." Pagpapatuloy ko.

Ilang oras din ang itinagal ng pamilya ni Utoy rito sa kubo ko. Bagama't nagtataka ang dalawa ay nakisama na lang din sa pakulo kong ito. Kinausap at kinulit lang nila si Ledger hanggang sa magdapit-hapon. Hindi ko nga akalaing magagawang makisama ni Ledger kay Utoy at Wena pati na rin sa mga bata. Ako lang yata ang hindi niya pinapansin samantalang narito siya sa kubo ko.

Sa mga oras na ito, dapat ay naroon na sana ako sa palengke upang magtinda ng isda pero ito ako at inaaksaya ang oras para sa lalaking hindi man lang ako magawang tignan ng matagal.

Dahil nabuburyo na ako sa pakikinig at panonood lang sa kanila, lumabas ako upang kunin na lang ang mga sinampay ko. Tinupi ko na rin ito at ipinasok sa loob ng lumang drawer ko. Tinahi ko na rin ang lambat dahil lumalaki na ang butas ng ilan roon, hindi pwedeng makawala ang mga isda dahil pangkabuhayan ko ito.

"Vivian!" Rinig ko ang boses ni Utoy, lumapit ito sa gawi ko. "Ano bang sinasabi mo kanina, Vian? Kailan ka pa nagka-asawa?"

"Kahapon lang." Tipid kong sagot.

Napa-ungot si Utoy na tila siya pa ang namomroblema sa aming dalawa. "Kahapon?! Nasisiraan ka na ba ng ulo, Vivian? Ito ba ang epekto ng hindi nakaranas ng p********k sa buong buhay niya?!"

Napabuntong-hininga ako at ibinaba ang lambat na hawak upang tignan ang mukha ni Utoy. Kunot ang noo nito at bakas din ang pag-aalala.

"Sa tingin ko, wala siyang naaalala, Utoy."

"At kinukuha mo ang oportunidad na 'to para makapag-asawa?"

Tumango ako. "Ganoon na nga."

Napaawang ang labi ni Utoy matapos ay napasabunot sa sarili. Ganitong-ganito siya sa tuwing namomroblema o 'di naman kaya'y hindi niya matanggap ang isang sitwasyon.

Ngumiti ako at hinawakan ang balikat niya. "Huwag ka ng ma-stress sa bagay na ako dapat ang namomroblema. Ako na ang bahala. Isa pa, pagkakataon ko na rin ito. Para naman hindi na ako palagi ang topic ng mga tsismosa riyan."

Napailing na lang siya. "Ewan ko sa 'yo. Buhay mo naman 'yan. Ang tanging magagawa ko lang ay suportahan ka."

Sinuntok ko ang balikat niya. "'Yan ang gusto kong marinig mula sa 'yo."

Umuwi rin sila Utoy sa kanilang bahay, naiwan kaming dalawa ng lalaki na pinangalanan kong Ledger. Naniningkit ang mata niya akong tinignan. Hinanda ko na ang sarili sa mga bagay na sasabihin niya.

"You're not my wife." Sabi nito.

Hindi ako tumango, umiling o nagpakita man ng anong emosyon. Hinintay ko ang ilan niya pang sasabihin bago ko sabihin ang mga naiisip ko.

"If you are, hindi ka magso-sorry at tatanungin akong maghintay na maluto ang sinasaing mo kanina. Tinanong mo rin ako kung marunong akong magtagalog, kung asawa mo ako, dapat alam mo na ang bagay na 'yan. Hindi ako sanay na magkamay lalo na ang kumain ng mga pagkain niyo rito. I also heard your friend said that I'm your guest here." Sunod-sunod niyang sabi at pinag-krus ang mga braso. "And lastly, I saw an American suit hanging outside and I think, that's mine. Now tell me, are you still my wife?"

Ngumisi ako na alam kong ikinabigla niya. Tingin niya ba matatakot ako ngayong alam na niya ang totoo? Nagkakamali siya. Hindi ako ang klase ng tao na matatakot dahil lang sa maliliit na bagay. Pinalaki akong matapang at kayang panindigan ang mga bagay na lalabas sa bibig ko. Kapag sinabi ko, gagawin ko.

"Tama ka. Tama lahat ng hinala mo. Natagpuan kita kahapon na palutang-lutang sa dagat habang nangingisda ako. Nakakagulat ngang wala kang naaalala sa pagkatao mo."

Unti-unting nawalan ng emosyon ang gwapo niyang mukha. Hindi marahil nagugustuhan ang pag-amin ko sa kaniya ng walang takot. Sanay kaya siyang natatakot sa kaniya ang mga taong nasa paligid niya? Maaaring oo.

"Pero ito sana ang tatandaan mo..." Seryoso kong saad. "Habang hindi ka nakakaalala at habang nasa puder kita, asawa kita. Naiintindihan mo?"

Oo, ang lakas nga ng loob kong sabihin ang mga katagang ito. Ngunit mas mabuti na ito kaysa maging mapag-isa palagi sa kubong ito.

Related chapters

  • Her Proclaimed Husband   III

    Chapter 3Madaling araw ako nagising nang umagang iyon. Nagsaing at nagluto na rin ako ng ulam habang tulog pa si Ledger sa papag.Paminsan-minsan ko siyang sinisilip dahil paikot-ikot siya sa hinihigaan niya. Hindi siguro siya sanay sa matigas na papag kahit nilagyan ko na ng ilang kumot iyon upang kahit papaano ay maging komportable siya. Inilabas ko na nga rin ang kulambo na pinakatago-tago ko para lang hindi siya malamukan. Ito at wala pa rin akong natanggap na pasasalamat mula sa kaniya.Napailing na lang ako at kumain na lang ng agahan nang sa gayon ay magkalaman ang aking tiyan. Kadalasan sa agahan, alamang lang ang inuulam ko dahil kahit sa pagkain ay nagtitipid ako, ngunit sa araw na ito ay nagluto ako ng eskabetse para sa kaniya. Hindi man ganoon ka-espesyal ngunit tama lang para matawag na normal na pagkain para sa isang tulad niya.Hind

    Last Updated : 2022-02-14
  • Her Proclaimed Husband   IV

    Chapter 4Sabado at linggo ang pahinga ko sa pangingisda, ngunit hindi lamang ako nakahilata lang sa aking kubo kun'di para magbenta naman ng kakanin sa palengke.Ito ang isang bagay na naituro rin sa akin ni Itay, ang pagbebenta ng kakanin. Aniya, binuhay lang daw kasi siya noon ng kaniyang ina sa pagtitinda ng kakanin, naipasa iyon kay Itay hanggang naipasa niya naman sa akin. Ito ay isa rin sa kahusayan ko. Kilala rin ako sa baryo namin hindi lang bilang isang dalagang palaging laman ng tsismis, kun'di isang dalagang masarap gumawa ng kakanin.Mula sa ginagawa, napatingin ako sa papag na kinahihigaan ni Ledger nang mapansin ko ang pagbangon niya. Pupungas-pungas na kinamot niya ang kaliwang mata habang ang kabila ay nakatingin sa gawi ko."Pasensya ka na. Mukhang nagising yata kita sa ingay."Lumabas siya mula sa kulambo at

    Last Updated : 2022-04-21
  • Her Proclaimed Husband   V

    Chapter 5Matapos ng naging usapan namin ni Ledger ay nanahimik na lamang siya at hindi na ako pinansin. Hinayaan ko siya dahil sigurado akong iniisip niya lamang ang magiging sitwasyon namin. Siguro nga, hindi madali para sa mga lalaki ang ganitong sitwasyon. Hindi man sinasadya pero naaapakan na ang ego nila mula sa isang maliit na kilos lang.Inayos ko na lamang ang mga pinamili namin. Napapangiti ako nang hindi ko namamalayan habang inaayos ang mga ito sa tamang pwesto. Ganito pala ang pakiramdam ng nabibili mo ang mga bagay na matagal mo ng gustong bilhin pero ngayon mo lang nagawa. Masyado akong naging busy sa pagbabanat ng buto, nawalan ako ng oras para bumili ng mga pangangailangan ko.Pero dahil may asawa na ako, kailangan kong gawin ang mga ito. Sigurado akong hindi sanay si Ledger sa mga bagay na kinalakihan ko nang gawin. Sa itsura at pangangatawan niya, mukha talaga siyang mayaman at dayo lang sa baryong ito. Hindi naman mahalaga sa akin ang pinanggalingan niya, hindi ko

    Last Updated : 2022-05-07
  • Her Proclaimed Husband   I

    Chapter 1"Naku, grabe talaga 'yan si Vivian, ano? Trenta'y anyos na pero wala pa ring asawa!"Kailangan bang mag-asawa 'pag umabot na ng trenta? Hindi naman naka-saad sa batas na magsipag-asawa ang lahat. Pauso nitong mga tsismosang 'to!"Losyang na nga siyang tignan kahit wala pang anak! Ni hindi man lang marunong mag-ayos ng sarili!"Kung magpapaganda naman ako ngayon, sasabihan akong pokpok, malandi, at mang-aakit lang ng lalaki. Bakit ko pa papagurin ang sarili ko kung sa huli, pangungutya pa rin ang maririnig ko?"Tignan mo nga ang trabaho niyan! Daig pa ang lalaki kung magbuhat ng balde-baldeng isda! Hindi magandang tignan para sa isang babae!"Pati ba naman trabaho ko, kailangan din nilang punahin? Ano naman kung daig ko pa ang lalaki? Marangal ang trabaho ko at saka ako naman ang mahihirapan, hindi naman ako nanghi

    Last Updated : 2022-02-14

Latest chapter

  • Her Proclaimed Husband   II

    Chapter 2Matagal na katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa ng lalaking ito. Pareho lang kaming nakatitig sa isa't isa na para bang sa pamamagitan niyon ay malalaman namin ang buong pagkatao ng bawat isa sa amin.Hindi ko kinakitaan ng kahit anong emosyon ang mukha niya. Tila ba sanay na rin siyang itago ang emosyon niya tulad ko. Sa dami ng natatanggap kong masasakit na salita simula nang mawala ang Itay, mas pinag-igi ko noon ang pagtatago ng emosyon.Napabuntong-hininga ako at naglabas ng alanganing ngiti. "Are you hungry? I can cook food for us."Hindi siya sumagot ngunit rinig ko naman ang pagkulo ng kaniyang tiyan. Magta-tanghali na kasi at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakapag-luto. Naging busy kaming dalawa sa pagtititigan lang simula nang dampian ko ng halik ang labi niya kanina.Iyong nangyari kanin

  • Her Proclaimed Husband   I

    Chapter 1"Naku, grabe talaga 'yan si Vivian, ano? Trenta'y anyos na pero wala pa ring asawa!"Kailangan bang mag-asawa 'pag umabot na ng trenta? Hindi naman naka-saad sa batas na magsipag-asawa ang lahat. Pauso nitong mga tsismosang 'to!"Losyang na nga siyang tignan kahit wala pang anak! Ni hindi man lang marunong mag-ayos ng sarili!"Kung magpapaganda naman ako ngayon, sasabihan akong pokpok, malandi, at mang-aakit lang ng lalaki. Bakit ko pa papagurin ang sarili ko kung sa huli, pangungutya pa rin ang maririnig ko?"Tignan mo nga ang trabaho niyan! Daig pa ang lalaki kung magbuhat ng balde-baldeng isda! Hindi magandang tignan para sa isang babae!"Pati ba naman trabaho ko, kailangan din nilang punahin? Ano naman kung daig ko pa ang lalaki? Marangal ang trabaho ko at saka ako naman ang mahihirapan, hindi naman ako nanghi

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status