"Naku, grabe talaga 'yan si Vivian, ano? Trenta'y anyos na pero wala pa ring asawa!"
Kailangan bang mag-asawa 'pag umabot na ng trenta? Hindi naman naka-saad sa batas na magsipag-asawa ang lahat. Pauso nitong mga tsismosang 'to!
"Losyang na nga siyang tignan kahit wala pang anak! Ni hindi man lang marunong mag-ayos ng sarili!"
Kung magpapaganda naman ako ngayon, sasabihan akong p****k, malandi, at mang-aakit lang ng lalaki. Bakit ko pa papagurin ang sarili ko kung sa huli, pangungutya pa rin ang maririnig ko?
"Tignan mo nga ang trabaho niyan! Daig pa ang lalaki kung magbuhat ng balde-baldeng isda! Hindi magandang tignan para sa isang babae!"
Pati ba naman trabaho ko, kailangan din nilang punahin? Ano naman kung daig ko pa ang lalaki? Marangal ang trabaho ko at saka ako naman ang mahihirapan, hindi naman ako nanghihingi ng tulong kanino man.
"Vivian ang pangalan pero barako sa katawan. Kaunti na lang talaga at iisipin kong tibuin itong si Vivian. Maganda pa naman sana pero mukhang tatandang dalaga."
Napabuntong-hininga ako at binitiwan ang basang damit na hawak. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa dalawang taong kanina pa ako pinag-uusapan. Natigilan si Aling Loida at Aling Fe sa pagsasalita nang makita nila akong nakatingin. Bumaba ang tingin nila sa nilalabhang mga damit at dali-daling nagkusot.
Tumayo ako at nilapitan silang dalawa. Nakita ko ang paninigas ng balikat ni Aling Loida na tila naalarma sa presensya ko. Nag-angat ng tingin sa akin si Aling Fe at ngumiti ng malaki.
"M-may kailangan ka, Vivian?" Kabado niyang tanong.
Inilahad ko ang palad. "'Yong sabon bareta ko ho sana pakibalik na."
"Ay, oo nga!" Kinuha ni Aling Fe ang sabon panglaba sa gilid niya at ibinigay sa akin. "Pasensya ka na, malaki ang nabawas ko. Ang dami ko kasing labahin."
Kinuha ko naman iyon. "Kung sana inatupag niyo na lang ang labahan niyo, kanina pa ho kayo tapos dito."
Nangunot ang noo ni Aling Loida at pinanlisikan ako ng mata. "Anong sabi mo? Bakit? Wala naman kaming pinagkaka-abalahan bukod dito."
Hilaw akong ngumiti sa kaniya. Kung pwede nga lang na sigawan at sagutin ko ang dalawang ito ay ginawa ko na. Pero dahil may natitira pa akong respeto sa kanila ay mas pinili kong kontrolin ang sarili. Wala akong mapapala kung magagalit ako, hindi naman ako mapapakain niyon.
"Ang mabuti pa ho, itikom niyo na lang ang mga bibig niyo kung gusto niyo ho akong pagtsismisan. Lalo na ho sana kung nandiyan lang ako sa paligid." Mahinahon kong saad.
"Aba't—" Angal ni Aling Loida at tumayo na mula sa pagkakaupo sa kahoy na upuan. "Tingin mo ba ikaw ang pinag-uusapan namin dito? Ha!"
"Hindi ko lang ho tingin, dinig ko rin ho."
Napa-kurap si Aling Loida ngunit kalauna'y namula ang pisngi. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa hiya o sa inis na nararamdaman. Magkagayon pa man, hindi pa rin tama na patulan ko sila.
"Loida, tama na. Maupo ka na!" Asik ni Aling Fe kay Aling Loida.
Galit namang naupo si Aling Loida sa upuan niya. Upang hindi na siya lalong mainis pa, bumalik na lang ako sa pwesto ko sa sapa upang kunin ang balde na naglalaman ng mga damit na sinuot ko ngayong linggo. Tapos na rin naman akong maglaba, kinuha ko lang ang sabon dahil alam kong hindi na nila ito ibabalik sa akin.
Bumalik ako sa kubo kong bahay dala ang mga labahin. Isinampay ko lang ang mga damit sa sampayan bago ako pumasok sa loob upang magpahinga.
Mag-isa lang akong naninirahan sa maliit na kubong ito. Noon, kasama ko ang Itay ngunit nang mag-edad ako ng disi-otso anyos, iniwan niya rin ako at mas piniling maghanap ng bagong pamilya.
Mabuti na nga lang at bago niya ako iniwan ay marami na akong kaalaman. Siya ang nagturo sa aking mangisda, magpanday, magtanim, magluto, maglinis at maglaba. Halos lahat ng gawain ng lalaki ay naituro niya rin sa akin. Siguro ginawa niya iyon para mapanatag siyang umalis at hindi makonsensyang iwan ako. Bagama't may namumuo akong galit sa puso, nagpapasalamat pa rin naman ako kay Itay dahil hindi niya ako iniwang walang muwang sa mundo.
Ilang oras din akong nagpahinga bago ko napagpasyahang umalis upang mangisda na ibebenta ko rin mamaya sa palengke. Suot ang damit na asul na may mahabang manggas at pang-ibaba na umabot ang haba hanggang sa ibaba ng tuhod. Nagsuot din ako ng sumbrero lalo na't masakit sa mata ang sikat ng araw. Bitbit ang lambat na nagtungo ako sa aking bangka.
Ilang minuto akong nagsagwan sa dagat hanggang sa marating ko ang malalim na parte nito. Inihagis ko ang lambat at naghintay ng ilang sandali.
Nag-angat ako ng tingin sa kalangitan ngunit agad ding nagsisi dahil sa masakit na sikat ng araw. Tirik na tirik ang araw ngunit mas pinili kong mangisda sa oras na ito dahil para sa hapon at gabi naman ay ang pagtitinda sa palengke. Ayoko kasing mag-aksaya ng oras lalo na't hindi naman ako ipinanganak na mayaman.
Sa aking paghihintay, nagulat na lang ako nang may bumangga sa bangka ko. Nangunot ang noo ko nang makita ang isang itim na salbabida, nakasampay dito ang kalahati ng katawan ng isang lalaki. Nakatalikod siya sa gawi ko pero masasabi kong mayaman ang lalaking ito dahil sa pormal nitong kasuotan.
Hindi man lang kinabakasan ng takot ang mukha ko bagkus ay hinila ko pa ang katawan ng lalaki paahon sa bangka ko. Hindi naman ako nabigatan bagama't mas doble ang katawan niya sa akin. Iniharap ko siya sa akin at ganoon na lang ang gulat ko nang masilayan ang kaniyang mukha.
Oo, gwapo nga ang lalaki. Maputi ang kulay ng balat nito na bibihira ko lang makita sa mga tao rito. Bagama't basa ang buhok ay hindi naging dahilan iyon upang mawala ang angas nito. Mapilantik din ang mahaba nitong pilik-mata, habang ang kilay nito ay makapal at magandang pagmasdan. Napaawang ang labi ko sa kaniyang matangos na ilong, tila nais kong ipadulas ang hinliliit sa matangos nitong ilong. Bumaba ang tingin ko sa kaniyang mga labi. Makapal iyon at mapula, kumpara sa labi kong manipis at maitim. Ni minsan ay hindi pa ako nakakita ng ganito kagandang nilalang sa buong buhay ko.
Bago pa ako mabighani ng matagal sa kagandahan ng lalaking ito, kinapa ko na ang kaniyang pulso at pinakiramdaman ang bawat niyang paghinga. Nagtataas-baba rin ang kaniyang dibdib, indikasyon na buhay pa ito. Mukhang nahimatay lamang ang lalaki habang inaanod ng alon patungo rito.
Hindi ko na tinapos pa ang pangingisda, kalahati lang din ng balde ang isdang nahuli ko. Mabilis akong nagsagwan ngunit magdidilim na nang marating ko ang pangpang. Mabuti na lamang at walang masyadong tao ngayon, nagsasaya marahil ang lahat sa birthday party ng kapitana.
Medyo nahirapan akong dalhin ang lalaki sa kubo ko, mas mabigat nga siya kaysa sa mga binubuhat ko. Matapos ko siyang madala sa papag, pinagmasdan ko ang buo niyang katawan.
Napabuntong-hininga ako. Anong gagawin ko ngayon? Dapat ko ba siyang bihisan? Pero pang-lalaki man ang mga gawain ko, hindi pa rin naaalis niyon ang pagiging babae ko. Pero wala naman akong magagawa, hindi ba?
Napangisi ako at nakagat ang ibabang labi. Dahan-dahan akong lumapit at umupo sa gilid ng papag. Nanginig pa ang mga kamay ko habang inaabot ang butones ng kaniyang polo. Napalunok ako nang mabuksan ang dalawang butones nito, lumabas ang malapad nitong dibdib.
"Vivian! Vian!"
Napatalon ako sa gulat at agad na napalayo sa lalaki. Lintek. Kung saka naman huhubaran ko na ang lalaking ito! Sino ba itong kumakatok at panira ng araw ko?
Inis akong nag-martsa palapit sa pinto upang buksan ito. Bumungad ang mukha ni Utoy na nakangiting aso pa.
"Ano na naman bang kailangan mo, Utoy?" Inis kong singhal.
Nawala ang malaking ngiting nakapaskil sa labi niya at sumimangot. "Vivian naman, ang cheap mo talaga! Louis nga sabi! Louis Manzano 'to!"
Napairap ako. "Nangangarap ka na naman ng gising. Walang-wala ang buong pagkatao mo kahit sa kuko ng taong tinutukoy mo."
Malakas siyang napasinghap at ma-dramang humawak sa dibdib. "Ang sakit mo naman magsalita, Vian! Ganiyan ka ba talaga sa bestfriend mo?"
"Matagal na akong ganito sa iyo. Hanggang ngayon ba ay naninibago ka pa rin?"
Napabuntong-hininga na lang si Utoy. "Makahingi na nga lang ng isda, Vian. Walang patutunguhan 'to kung makikipag-bardagulan pa ako sa 'yo."
Napairap ako. "Walang isda at bawal pumasok."
Bago pa man siya makaangal ay mabilis ko na siyang pinag-saraduhan ng pinto. Ang ikinagulat ko ay hindi ko ito naisara ng tuluyan dahil nakaharang na pala ang paa ni Utoy.
"Huwag ka na magsinungaling, Vian. Naaamoy ko ang lansa ng isda sa katawan mo. Anong isda ba ang nahuli mo? May Galunggong ka ba diyan?"
"Pwede ba, Utoy? Bukas ka na lang manghingi. Busy ako!"
Napaawang ang labi ni Utoy bago tumawa. "Ano namang pinagkakaabalahan mo sa bahay mo? Huwag mong sabihing nagtatrabaho ka na rin dito sa loob ng kubo mo?"
Nainis ako at binuksan na ng tuluyan ang pinto upang itulak siya. Ngunit 'di hamak na mas malaki sa akin si Utoy, pangsisibak kasi ng kahoy ang trabaho niya. Kaya ganoon na lamang katigas ang katawan ng lalaki.
Tuluyang nakapasok ng bahay si Utoy at diretsong pinuntahan ang kulay asul na baldeng may lamang isda. Inis na lang akong napakamot sa pisngi dahil sa ginawa niya.
"Ito naman si Vian, alam mo namang buntis ngayon si Wena. Pinaglilihian niya ngayon ang Galunggong kaya sana makisama ka muna. Babawi naman ako sa iyo 'pag nakaluwag-luwag na ako—"
Natigilan si Utoy matapos mag-angat ng tingin sa papag. Napatampal na lang ako sa noo. Nakita ko na lang na nabitawan ni Utoy ang dalawang isdang hawak habang nakaawang ang mga bibig.
"Sino ang lalaking 'yan, Vian? Pinatay mo ba 'yan?"
Sinamaan ko ng tingin si Utoy. "Hindi ko magagawang pumatay, Utoy. Pero kung sa iyo siguro, walang problema."
Mabilis na tumingin si Utoy sa akin upang bigyan ako ng matalim na tingin. Nagkibit-balikat ako at muling nilapitan ang lalaking nakahiga sa papag ko.
"Mukhang yayamanin 'yan, ah? Nangangamoy pera. Yayaman ka na ba, Vian? Pabalato naman diyan!"
"Manahimik ka na nga, Utoy!" Paasik kong sabi. "Kunin mo na 'yang balde at dalhin mo sa asawa mo. Bibihisan ko pa itong bisita ko."
Lumapit si Utoy sa akin at bakas ang mapaglarong ngisi sa mukha niya. Nagulat ako nang sundutin niya ang tagiliran ko dahilan para mapalayo ako ng kaunti.
"Uy, si Vian, gusto ng makakita ng talong!"
Tinampal ko ang kamay niya. "Utoy!"
"Ganito siguro ang epekto ng walang nakatalik sa loob ng tatlong-pung taon. Hindi kita masisisi, Vian. Nakakaawa ka." Biglang saad niya at hinawakan pa ang balikat ko.
"Anong pinagsasasabi mo?" Kunot-noo kong tanong at hinawi ang kamay niya.
"Uy, kunwari inosente pero gustong makakita ng talong." Pang-aasar niya pa.
Pinanlakihan ko siya ng mata. "Hindi ka ba talaga titigil?"
Humalakhak si Utoy at napalayo sa akin, umiilag. Alam kasi niya kung anong magagawa ko kapag ininis niya pa ako lalo.
"Oo na, titigil na!" Natatawa nitong sambit. "Pero bibitinin muna kita, Vian. Ako na ang magbibihis sa lalaking 'to. Hintayin mo ako dito at kukuha ako ng damit ko para sa kaniya."
Napairap na lang ako kahit ang totoo'y nanghihinayang ako na hindi ko makikita ang katawan ng gwapong nilalang na ito. Pero tama lang naman. Isang kapangahasan ang makita ang katawan ng lalaki sa isang babaeng wala pang experience pagdating sa sex.
Muling bumalik si Utoy bitbit ang damit niya. Hindi na ako nagtaka pa na pati si Wena ay sumama sa kaniya. Isa rin kasing dakilang tsimosa si Wena na kahit tsimisan sa ibang baryo ay nasasagap niya pa.
"Ang gwapo naman nito, Vivian! Ang kinis ng mukha tapos mukhang mayaman!" Manghang sabi ni Wena.
Humarang ako sa harap niya upang hindi niya masyadong makita ang lalaki sa likuran ko.
"Huwag kang masyadong tumitig, may limitasyon ang bawat silip." Saad ko at ngumisi.
Sumimangot naman siya. "Ang damot mo naman, Vian! Para lang sana sa magiging anak namin! Malay mo sa katititig ko, maging gan'yan kagwapo ang anak ko paglabas niya!"
Tumawa si Utoy at umakbay sa asawa. "Mas gwapo naman ako ng ilang paligo diyan, mahal. Ako na lang ang titigan mo."
Tinulak ni Wena si Utoy. "Tse! Nagsasawa na ako sa pagmumukha mo! Lahat na lang ng anak natin, ikaw ang kamukha!"
"Eh, sa malakas ang dugo ko, eh! Nasa dugo na namin ang pagiging gwapo!"
"Oo nga puro dugo na lang, nawala na sa mukha!"
Natawa na lang ako sa pag-aasaran ng dalawa. Kahit naman away-bati ang mag-asawang ito, hindi pa rin maikakailang mahal nila ang isa't isa.
Matapos ang ilang sandali, nagpaalam na rin si Utoy at Wena sa akin lalo na't naghihintay rin sa dalawa ang tatlo pa nilang maliliit na anak.
Dahil okupado na ang papag na kasya lang para sa isang tao, pinili ko na lang na mahiga sa sahig. Nang magising ako kinabukasan ay naabutan ko ang gwapong lalaki na nakaupo sa papag habang hawak ang sintido nito. Kahit sa ganoong anggulo ay hindi naalis ang kakisigan nito.
Namataan niya ang pagbangon ko kaya't napatingin siya sa gawi ko. Tumalim ang tingin niya sa akin bagama't naroon din ang pagtataka. Kahit na pinapatay na niya ako sa tingin, hindi ko pa rin naiwasang humanga sa kulay itim niyang mga mata.
"Who are you?"
Kahit ang boses ng lalaki ay makapanindig-balahibo. Wala bang pangit sa lalaking ito?
Lumapit ako at nagbigay ng isang matamis ng ngiti. Magkagayon pa man, nanatiling salubong ang makapal niyang kilay.
"Who am I?" Sunod niyang tanong.
Nawala ang ngiti ko sa labi at umawang ito ng kaunti. Bakit niya tinatanong sa akin kung sino siya?
"I'm asking you. Who am I?"
Kinurap ko ang mga mata at pinagmasdan ang kaniyang mukha. Hinahanap kung nagagawa pa nitong magbiro sa ganitong sitwasyon.
"If..." Pauna kong salita dahilan para umangat ang kilay niya. "If I tell you I'm your wife, would you believe me?"
Unti-unting nawala ang pagkakakunot ng noo ng lalaki at umawang ang mga labi. Napatingin ako roon ng sandali bago muling umangat ang tingin sa kaniyang mga mata.
Nakita ko kung paano nagtaas-baba ang adams apple niya bago niya tignan ang kabuuan ko. Napalunok din ako at biglang nahiya sa suot ko ngayon samantalang hindi ko pa naman ikinahiya ito sa buong buhay ko.
"I... I don't know. Do I need to believe you?" Nalilitong saad nito.
Isang ngiti ang lumabas sa mga labi ko. Tila naka-isip ako ng isang magandang plano.
Muli akong naglakad palapit sa kaniya at hinaplos ang kaniyang pisngi. Pinagmasdan ko ang kaniyang mga mata ng ilang sandali bago ako lumayo ng kaunti.
"Yes." Sagot ko nang walang pag-aalinlangan. "Please, believe me."
Unti-unti kong inilapit ang mukha sa kaniya, hindi naman siya umangal o gumalaw hanggang sa tuluyang nagdampi ang aming mga labi.
Chapter 2Matagal na katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa ng lalaking ito. Pareho lang kaming nakatitig sa isa't isa na para bang sa pamamagitan niyon ay malalaman namin ang buong pagkatao ng bawat isa sa amin.Hindi ko kinakitaan ng kahit anong emosyon ang mukha niya. Tila ba sanay na rin siyang itago ang emosyon niya tulad ko. Sa dami ng natatanggap kong masasakit na salita simula nang mawala ang Itay, mas pinag-igi ko noon ang pagtatago ng emosyon.Napabuntong-hininga ako at naglabas ng alanganing ngiti. "Are you hungry? I can cook food for us."Hindi siya sumagot ngunit rinig ko naman ang pagkulo ng kaniyang tiyan. Magta-tanghali na kasi at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakapag-luto. Naging busy kaming dalawa sa pagtititigan lang simula nang dampian ko ng halik ang labi niya kanina.Iyong nangyari kanin
Chapter 3Madaling araw ako nagising nang umagang iyon. Nagsaing at nagluto na rin ako ng ulam habang tulog pa si Ledger sa papag.Paminsan-minsan ko siyang sinisilip dahil paikot-ikot siya sa hinihigaan niya. Hindi siguro siya sanay sa matigas na papag kahit nilagyan ko na ng ilang kumot iyon upang kahit papaano ay maging komportable siya. Inilabas ko na nga rin ang kulambo na pinakatago-tago ko para lang hindi siya malamukan. Ito at wala pa rin akong natanggap na pasasalamat mula sa kaniya.Napailing na lang ako at kumain na lang ng agahan nang sa gayon ay magkalaman ang aking tiyan. Kadalasan sa agahan, alamang lang ang inuulam ko dahil kahit sa pagkain ay nagtitipid ako, ngunit sa araw na ito ay nagluto ako ng eskabetse para sa kaniya. Hindi man ganoon ka-espesyal ngunit tama lang para matawag na normal na pagkain para sa isang tulad niya.Hind
Chapter 4Sabado at linggo ang pahinga ko sa pangingisda, ngunit hindi lamang ako nakahilata lang sa aking kubo kun'di para magbenta naman ng kakanin sa palengke.Ito ang isang bagay na naituro rin sa akin ni Itay, ang pagbebenta ng kakanin. Aniya, binuhay lang daw kasi siya noon ng kaniyang ina sa pagtitinda ng kakanin, naipasa iyon kay Itay hanggang naipasa niya naman sa akin. Ito ay isa rin sa kahusayan ko. Kilala rin ako sa baryo namin hindi lang bilang isang dalagang palaging laman ng tsismis, kun'di isang dalagang masarap gumawa ng kakanin.Mula sa ginagawa, napatingin ako sa papag na kinahihigaan ni Ledger nang mapansin ko ang pagbangon niya. Pupungas-pungas na kinamot niya ang kaliwang mata habang ang kabila ay nakatingin sa gawi ko."Pasensya ka na. Mukhang nagising yata kita sa ingay."Lumabas siya mula sa kulambo at
Chapter 5Matapos ng naging usapan namin ni Ledger ay nanahimik na lamang siya at hindi na ako pinansin. Hinayaan ko siya dahil sigurado akong iniisip niya lamang ang magiging sitwasyon namin. Siguro nga, hindi madali para sa mga lalaki ang ganitong sitwasyon. Hindi man sinasadya pero naaapakan na ang ego nila mula sa isang maliit na kilos lang.Inayos ko na lamang ang mga pinamili namin. Napapangiti ako nang hindi ko namamalayan habang inaayos ang mga ito sa tamang pwesto. Ganito pala ang pakiramdam ng nabibili mo ang mga bagay na matagal mo ng gustong bilhin pero ngayon mo lang nagawa. Masyado akong naging busy sa pagbabanat ng buto, nawalan ako ng oras para bumili ng mga pangangailangan ko.Pero dahil may asawa na ako, kailangan kong gawin ang mga ito. Sigurado akong hindi sanay si Ledger sa mga bagay na kinalakihan ko nang gawin. Sa itsura at pangangatawan niya, mukha talaga siyang mayaman at dayo lang sa baryong ito. Hindi naman mahalaga sa akin ang pinanggalingan niya, hindi ko

Chapter 1"Naku, grabe talaga 'yan si Vivian, ano? Trenta'y anyos na pero wala pa ring asawa!"Kailangan bang mag-asawa 'pag umabot na ng trenta? Hindi naman naka-saad sa batas na magsipag-asawa ang lahat. Pauso nitong mga tsismosang 'to!"Losyang na nga siyang tignan kahit wala pang anak! Ni hindi man lang marunong mag-ayos ng sarili!"Kung magpapaganda naman ako ngayon, sasabihan akong pokpok, malandi, at mang-aakit lang ng lalaki. Bakit ko pa papagurin ang sarili ko kung sa huli, pangungutya pa rin ang maririnig ko?"Tignan mo nga ang trabaho niyan! Daig pa ang lalaki kung magbuhat ng balde-baldeng isda! Hindi magandang tignan para sa isang babae!"Pati ba naman trabaho ko, kailangan din nilang punahin? Ano naman kung daig ko pa ang lalaki? Marangal ang trabaho ko at saka ako naman ang mahihirapan, hindi naman ako nanghi