MATAAS ang sikat ng araw ngunit hindi ‘yon alintana ng lalaking nagngangalang Esteban. Pasipol-sipol lamang ito habang nasa palengke. Maraming napapatingin sa kanya na tila ba hinuhusgahan siya dahil sa suot niyang damit na halos yakapin na ng kalumaan at may munting mga butas ngunit hindi niya ‘yon pinapansin. Hindi man niya aminin ay nasanay na lamang siya sa mga pangmamata ng mga tao sa kanya. Tahimik niyang hinihintay ang binili niyang regalo sa isang tiangge. Ilang saglit pa ay lumapit sa kanya ang tinderang babae dala ang kanyang binili. “Salamat,” magalang niyang wika sa babae bago ito talikuran saka naglakad na pauwi. Nangingiti niyang sinipat ng tingin ang regalong sinadya sa palengke. “Señorito.” Napahinto siya nang may biglang humarang na lalaki sa kanyang daanan. Nakasuot ito ng itim na tuxedo. Kumunot ang noo ni Esteban, nagtataka ang mukha kung sino ang lalaking kaharap niya ngayon. “Naparito ako para sunduin ka, kailangan ka ng mga Montecillio.” Napaatras si
Tumingin sila sa kakarating lang na matanda, si Senyora Rosario. Simula noong namatay ang matandang Lazaro, ang Lolo nilang si Senyora Rosario na ang kumontrol sa lahat. Lahat ng desisyon ng angkan lalo na pagdating sa negosyo ay dapat munang dumaan sa kanya. Maraming may gustong mawala ang matanda ngunit animo’y isa itong masamang damo, malakas pa at alam na alam pa ang nangyayari sa paligid niya kaya marami ring takot na kalabanin siya. Wala pa ni isa ang nagtagumpay na pagbagsakin ito dahil alam nila kung kakalabanin nila ito, sila lang din ang mapapahamak. “Lola…” bati ng mga apo nitong nakalinya na kasama ang kanilang mga pamilya. “Lola, si Frederick. Mukhang bibigyan ka pa ng pekeng designer bag,” si Anna ang nagsalita na may kaba sa d****b. Tumingin siya kay Frederick nang hawakan nito ang kamay niya. Kumunot naman ang noo ng matanda at nagtataka sa sinabi ng kanyang apo na si Anna. “Lola, don’t believe them. Alam mo namang hindi kita bibigyan ng mga cheap na bagay,” mabi
Kinuha ni Estrella, isa sa mga apo ni Donya Agatha, ang listahan ng mga regalo na nagmula sa pamilya ng mga Montecillo. Nanlaki ang mata nito habang nanginginig ang kamay nang makita kung ano ang mga regalo."Beach Resort…" aniya. “At may titulo!”"Susi ng isang Bugatti La Voiture Noire..."Habang nakikinig sa listahan ng mga regalo ay hindi maiwasan na magtinginan ng mga taong naroon. Paanong hindi? Ang mga regalo para kay Donya Agatha Lazaro ay tila regalo sa babaeng ikakasal noong sinaunang panahon.“And cash gift… 500 million,” hindi makapaniwala nitong big
Sa isang sikat at mamahaling hotel, naglalakad ang isang babaeng magarang suot at naka-make-up na halatang mamahalin. Maraming suot na silver at gold sa katawan. Mapulang labi at suot ang yayamaning sumbrero, kitang-kita mo talagang isa itong senyora. Umupo siya sa harap ni Esteban na pinagmasdan lang naman siya ng walang emosyon. Ngumiti siya sa binata at kahit hindi niya ipakita, ramdam niya ang galak nitong makita si Esteban.“My son…” Hindi sumagot si Esteban nang magsalita ang kanyang ina.Siya si Senyorita Yvonne, ang kanyang ina. Masama ang tingin ng binata sa babaeng prenteng naka-upo sa harap nito. Gusto niya namang tanungin agad kung ano talaga ang pakay ng ina at kung bakit gusto nitong makipagkita. Hindi pa yata sapat sa kanila na tinaboy nito si Flavio noong nakaraang araw lang.&ldqu
"Ruben, yosi?" Inihain ni Esteban ang isang kaha ng sigarilyo kay Ruben na siyang may-ari ng maliit na karinderya sa construction site na isa sa mga negosyo ng pamilya ni Anna. Kumuha ng isa si Ruben habang nakangiting umiiling. “Hindi ka ba nagsasawa sa ginagawa mo?" tanong nito at kumuha ng lighter sa bulsa sa sinindihan ang sigarilyong hawak. Tuminhin ito sa kawalan. Bumuntong-hininga si Esteban at humithit ng sigarilyo saka pinaglaruan ang usok. Sa loob ng tatlong taon, araw-araw ay lilitaw nang napakaaga si Esteban umulan man o umaraw sa likuran ng construction site. Makalipas ang ilang linggo ay nagkaroon ng hinuha si Ruben tungkol
Sa sumunod na araw, nagmemeeting ang pamilyang Lazaro at sakop ng buong confession room ang malakas na tawa ni Frederick."Anong nakakatawa, Fred? May kailangan ka bang sabihin sa amin?" tanong ng isang pinsan niya, lahat ng kamag-anak nito ay nakatingin sa kanya at inaantay siyang magsalita."Paano ba naman kasi, itong si Anna magpapahatid kay Esteban eh ano namang susuotin ng basurang iyon? Nakakahiya, at kapag nakita iyon ng may-ari ng kompanya. Panigurado, hindi tatanggapin ang offer dahil may kasama siyang basura." Malakas siyang tumawa at ganoon din ang iba, sumang-ayon sa sinabi ni Frederick.Iniisip niya na kung makita ng may-ari ay mapapahiya si Esteban kasama na si Anna at sa pamamagitang iyon, magiging palpak si Anna makipag-ugnayan sa kompanya. Lilipat kay Frederick ang oblgiasyon kapag nangyari iyon, siya ang papaboral ng Lola nila at higit sa lahat, mawawala sa landas ng pamilya nila si Esteban, matagal na niyang gustong mawala si Esteban kaya guma
Panibagong araw panibagong meeting na naman ng angkan ng Lazaro. Pinag-uusapan nila ang ibinigay nilang mission para kay Anna at kahit isa sa kanila walang naniniwala na magagawa ni Anna."Ipupusta ko ang magiging position ko dito sa kompanya, hindi niya magagawang papirmahin ang Desmond Corp.""Tama, paniguradong magagalit si Lola sa kanya. Tama ba, Frederick?" Natigil si Frederick kakaisip nang banggitin ang pangalan niya, ngumisi siya sa kanila at sumang-ayon sa mga sinasabi."Tama, at mapapatakwil na sila sa pamilya lalo na ang Esteban na iyon." Kinuyom niya ang mga kamo na tila ba nanggigil.Hindi talaga mawawala sa buhay niya ang galit kay Anna at kay Esteban, wala namang ginagawa ang tao sa kanya ngunit kung umasta ay parang may malaking kasalanan sa kanya sina Anna at Est eban.Natigil ang kanilang pag-uusap nang bumukas ang pinto ng conference room, tumayo silang lahat upang magbigay galang sa matandang Lazaro na kakarating lan
"Lola, sigurado akong hindi kakayanin ni Anna. Paano kaya kung ako na ang makipag-ugnayan sa kompanya nila?"Panibagong araw, nakipag-usap si Frederick at ang kanyang ama na si Francisco."Si Anna ang nakipagsundo at sa kanya ang pirma, siya pa rin ang kakausap." Apila ng kanyang Lola.Gusto ni Frederick na siya na ang kakausap sa Desmond Corporation dahil ayaw niyang makuha ni Anna ang sa tingin niyang para sa kanya."I'll make sure to you, this will be successful kung ako na po. I mean, Anna can't do it for sure dahil wala naman siyang history sa negosyo. Paano kung sa pagpirma lang naging okay pero pagdating sa ibang bagay magiging palpak siya. Lola, iniisip ko lang din ang kapakanan ng kompanya natin. This is a big opportunity we can't lose." Mahabang wika niya."Lola, sigurado akong hindi kakayanin ni Anna. Paano kaya kung ako na ang makipag-ugnayan sa kompanya nila?"Panibagong araw, nakipag-usap si Frederick at ang kanyang ama na si F
Ginugol ni Liston ang napakaraming oras, enerhiya, at pera sa bato na ito. Naghanap siya ng mga dalubhasa sa iba't ibang bahagi ng mundo upang pag-aralan ang mga nakaukit na simbolo rito. Ngunit hanggang ngayon, wala pa rin siyang natanggap na sagot. Walang sinuman ang nakakakilala sa mga karakter na nakaukit sa stone tablet, kaya nagsimula siyang maghinala na baka hindi ito nagmula sa mundo.Kung hindi ito galing sa mundo, ibig sabihin, may iba pang mundo sa kalawakan.Tuwing naiisip ito ni Liston, hindi niya maiwasang makaramdam ng matinding excitement. Matagal nang misteryo sa sangkatauhan ang posibilidad ng ibang mundo maliban sa Earth, at umaasa siyang matutuklasan niya ito sa kanyang buhay—o mas mabuti pa, magkaroon siya ng pagkakataong makita mismo ang mundong iyon.Sa mundo, wala nang hinahangad pa si Liston. Nasa kanya na ang lahat ng kayamanang kayang makuha sa lupa, at ito ang nagtutulak sa kanya para hanapin ang mas malalim na kahulugan ng kanyang buhay.Samantala, bagamat
Ngumiti nang may kumpiyansa si Liston sa sinabi ni Esteban at sagot niya, "Kapag lubos mo nang naunawaan ang lugar na ito, magbabago ang pananaw mo."Hindi alam ni Esteban kung ano ang tinutukoy ni Liston, pero sigurado siyang hindi ito simpleng lugar. Kilala niya si Liston bilang isang taong lubos na maingat, kaya't alam niyang kung mukhang simple ang isang bagay, malamang mas komplikado ito sa likod ng lahat.May isang makitid na daanan patungo sa ipinagbabawal na lugar, at ito ay binabantayan ng daan-daang guwardiya. Imposibleng makapasok ang isang ordinaryong tao.Pagpasok nila sa lagusan, napansin ni Esteban na may isang elevator sa harapan nila. Wala namang matataas na gusali sa itaas ng lagusan, kaya't malinaw na patungo ito sa ilalim ng isla."Makakakita ba ako ng tanawin sa ilalim ng dagat?" pabirong tanong ni Esteban. Hindi ito imposible para kay Liston, dahil may sapat siyang kayamanan para gawin ang kahit anong maisipan niya.Unang pumasok si Liston sa elevator, saka siya
Makalipas ang dalawang araw, sa wakas ay dumating na si Esteban sa isla ng pamilya Santos.Hindi ito ang unang beses ni Esteban na bumisita rito, kaya wala nang bago sa kanya pagdating sa isla.Pero si Andres, ibang usapan. Litong-lito siya.Hindi niya akalaing may taong kayang gawing tahanan ang isang buong isla. Bukod pa roon, ang mga guwardiyang nagbabantay rito ay may totoong mga armas—parang isang buong hukbo. Napaisip tuloy si Andres, totoo ba ang lahat ng ito, o isang palabas lang? May taong talagang nabubuhay sa ganitong antas? Bumili ng isang buong isla at ginawang sariling tahanan?At higit pa roon, may sariling hukbo para sa seguridad. Isang bagay na imposibleng abutin ng isang pangkaraniwang tao.Pagkababa nina Esteban at Andres mula sa helicopter, naghihintay na sa di kalayuan si Liston."Boss, siya ba ang may-ari ng isla?" tanong ni Andres kay Esteban na halatang kinakabahan.Kitang-kita niya na mas makapangyarihan ang lalaking ito kumpara kina Donald at Ruben. Hindi niy
“Patawad po, Mr. Montecellio.” Agad na yumuko ang lalaking naka-suot ng suit bilang pag-amin ng kanyang pagkakamali kay Esteban. Alam niyang kapag nalaman ito ni Liston, hindi niya kayang isipin ang magiging kahihinatnan.Bukod pa rito, hindi basta-bastang tao ang batang ito para sindakin. Kung minamaliit niya si Esteban, tiyak na may kabayaran ito.May bahagyang ngiti si Esteban nang magsalita. “Sa kapatid ko ka dapat humingi ng tawad. Wala kang karapatang hamakin siya.”Napatulala si Andres sa narinig. Bilang tauhan ni Esteban, isang karangalan para sa kanya na tawagin siyang "kapatid."Lumaki si Andres sa gilid ng lipunan at alam niya ang kanyang katayuan bilang isang hamak na tauhan ng isang boss. Kadalasan, ang mga tulad niya ay itinuturing lamang na tauhan—mga utusan, protektor, at tagasunod. Halos walang boss ang tunay na kumikilala sa kanilang mga tauhan bilang kapatid.Ngunit iba si Esteban. Hindi lang siya basta tinatrato bilang isang tauhan—itinuturing siya nito bilang kapa
Kinagabihan, isinama ni Esteban si Jane upang kumain sa labas ng hotel. Sinabi rin niyang aalis siya ng Laguna nang ilang araw.Nagbago ang ekspresyon ni Jane nang marinig iyon. Sa katunayan, ang dahilan kung bakit siya pumunta ng Laguna ay si Esteban. Ngayon na aalis ito at halatang hindi siya isasama, hindi niya iyon matanggap."Aalis ka pero hindi mo ako isasama. 'Yan ang ibig mong sabihin, hindi ba?" malamig na sabi ni Jane.Ang ganitong klase ng katahimikan ay parang bagyong paparating.Alam ni Esteban na hindi nagugustuhan ni Jane ang kanyang desisyon, pero buo na ang kanyang pasya at hindi na ito magbabago.Walang panganib na haharapin si Esteban sa pagpunta sa pamilya Santos, pero ayaw niyang malaman ni Jane ang masyadong maraming bagay tungkol sa kanya. Bukod pa rito, maraming komplikasyon ang konektado sa pamilya Santos na mahirap ipaliwanag. Kapag nagtanong si Jane, siguradong magiging abala ito para kay Esteban.Samantalang si Andres naman ay sinasadyang sanayin ni Esteban
Isang gusali ng opisina.Napatingala si Andres hanggang sumakit ang leeg niya bago pa niya makita ang pinakataas na palapag. Hindi pa rin siya mapakali sa sinabi ni Esteban kanina—bibilhin daw nito ang buong gusaling ito!"Boss, sigurado ka bang gusto mo talagang bilhin 'to?" tanong ni Andres na halos hindi makapaniwala. Iniisip niya kung gaano kalaking halaga ang kakailanganin para gawin iyon. Pero hindi lang pera ang problema—maraming kumpanya ang kasalukuyang nag-o-operate sa gusaling ito. Kailangan munang mapaalis ang lahat ng iyon, at hindi basta-basta mangyayari iyon sa maikling panahon."Ito ang magiging headquarters ng Fengqian sa hinaharap, at ikaw ang magiging boss ng Fengqian," sabi ni Esteban na nakangiti.Napalingon nang bigla si Andres, halos lumuwa ang mga mata niya.Sumusunod lang siya kay Esteban sa mundong ito, pero ngayon siya na raw ang magiging boss?"Bo... Boss, ako? Ako ang gagawin mong boss?" Napalunok si Andres, halatang nabubulol na ang dila niya."Bakit? Nat
Pagdating nila sa napag-usapang lugar, wala pa roon ang mga dating kaibigan ni Donald. Ngunit hindi dahil sa late ang mga ito, kundi dahil si Donald ang napaaga sa pagdating.Sa unang pagkakataon, naunang dumating si Donald sa isang pagpupulong—isang bagay na hindi pangkaraniwan para sa kanya. Kaya naman nagulat ang kanyang mga kaibigan nang makita siyang naroon na."Aba, parang sisikat na ang araw sa kanluran! Nauna ka ngayon, Donald!""Teka, hindi ito tama. Malamang may kailangan ka sa amin, kaya napaaga ka.""Donald, magkakaibigan na tayo nang matagal. Kilalang-kilala ka namin. Ano ba talaga ang pakay mo?"Nagulat sila sa pagiging maaga ni Donald at agad na inisip na may hinihingi ito sa kanila. Kung hindi, imposible itong mangyari.Ngumiti lang si Donald. Alam niyang madalas siyang pagdiskitahan ng mga kaibigan niya dahil palagi siyang late sa kanilang mga pulong noon. Kaya naman hindi na siya nagtaka na pinagtatawanan siya ng mga ito ngayon."Huwag kayong mag-alala. Magandang bal
Samantala, nakipag-ugnayan si Donald sa ilan sa kanyang matagal nang kaibigan—mga taong may mataas na katayuan sa Sandrel at halos kumakatawan sa gobyerno. Kung may planong paunlarin ang kanlurang bahagi ng lungsod, tiyak na may kakayahan silang magdesisyon tungkol dito.Matapos mapagkasunduan ang oras at lugar ng pagpupulong, handa na si Donald umalis.Pagkauwi ni Tian Honghui, napansin niyang tila may pupuntahan ang kanyang ama. Dahil sa pag-uusisa, agad siyang nagtanong, "Dad, saan ka pupunta?""Makikipagkita ako sa ilang matagal ko nang kaibigan. Malapit nang magkaroon ng malaking pagbabago sa Laguna City," sagot ni Donald.Napakunot-noo si Tian Honghui. Bilang isang lungsod na nasa ika-18 antas ng kaunlaran, limitado ang posibilidad na magkaroon ito ng pag-unlad—lalo na ang isang malaking pagbabago."May mag-i-invest ba sa Laguna City?" tanong niya.Tumango si Donald. "Oo, at kilala mo ang taong ito.""Ha?"Nagsimula agad maghanap si Tian Honghui sa kanyang isipan ng mga taong ma
Nabigla si Donald sa narinig. Napagtanto niya na hindi si Esteban ang masyadong inosente, kundi siya ang masyadong minamaliit si Esteban.Bagamat may mataas na pamantayan ang mga kilalang brand pagdating sa pagpili ng lokasyon, ang pagkatao ni Esteban ay tila kinatatakutan pa nga ng mga nakatatanda. Ipinapakita nito kung gaano kalakas ang impluwensiya niya sa mundo. Malamang, para kay Esteban, napakadali lang kumbinsihin ang mga sikat na brand na magbukas sa kanyang proyekto.Napangiti nang mapait si Donald at sinabi kay Esteban, "Mukhang ako ang masyadong nag-isip nang simple. Kung seryoso ka talaga sa planong ito, tutulungan kitang dumaan sa tamang proseso at makipagnegosasyon sa kanila.""Salamat. Ang pangalan ng kumpanya ay archfiend. Ang archfiend Commercial Building ang magiging sentro ng buong kanlurang bahag