MATAAS ang sikat ng araw ngunit hindi ‘yon alintana ng lalaking nagngangalang Esteban. Pasipol-sipol lamang ito habang nasa palengke. Maraming napapatingin sa kanya na tila ba hinuhusgahan siya dahil sa suot niyang damit na halos yakapin na ng kalumaan at may munting mga butas ngunit hindi niya ‘yon pinapansin. Hindi man niya aminin ay nasanay na lamang siya sa mga pangmamata ng mga tao sa kanya.
Tahimik niyang hinihintay ang binili niyang regalo sa isang tiangge. Ilang saglit pa ay lumapit sa kanya ang tinderang babae dala ang kanyang binili.
“Salamat,” magalang niyang wika sa babae bago ito talikuran saka naglakad na pauwi. Nangingiti niyang sinipat ng tingin ang regalong sinadya sa palengke.
“Señorito.” Napahinto siya nang may biglang humarang na lalaki sa kanyang daanan. Nakasuot ito ng itim na tuxedo.
Kumunot ang noo ni Esteban, nagtataka ang mukha kung sino ang lalaking kaharap niya ngayon. “Naparito ako para sunduin ka, kailangan ka ng mga Montecillio.”
Napaatras si Esteban sa huling sinabi nito. Napahigpit ang kapit niya sa dalang plastic. Ang pangalang binanggit ng lalaki ay animo’y isang bangungot na kinaiinisan niya.
“Sino ka? Ahh… wala akong pakialam kung sino ka at nag-aaksaya ka lang ng oras na sunduin ako dahil hindi ako sasama sa ‘yo.”
“Flavio po ang pangalan ko. Inutusan ako ng iyong Lola na sunduin ka at ibalik sa mansyon.” Ngumiwi si Esteban sa sinabi ni Flavio.
Marinig pa lang niya na binanggit ng lalaking kaharap ang kanyang Lola ay sumagi na agad sa isip niya na may kailangan ito sa kanya. Hindi mag-aaksaya ng panahon ang matandang ‘yon na hanapin at puntahan siya kung wala itong malaking kailangan sa kanya.
‘Kailangan niya ako dahil wala ang magaling niyang apo?’ Natawa siya naisip. Hinahanap lang siya kapag may kailangan. Natawa siya ng mapait nang maalala kung paano siya pinagtabuyan ng kanyang pamilya. Hanggang ngayon ay ramdam niya ang sakit ng pang-aalipusta sa kanya na animo’y hindi siya parte ng pamilya.
Matapang at seryoso niyang hinarap ang lalaki. “Umalis ka na. Wala kang mapapala sa akin.” Akmang aalis na sana siya nang lumingon siyang muli sa lalaki. “Pakisabi sa amo mo na mali siya ng nilapitan. Hindi ako babalik sa impyernong kung saan siya naroon.”
Hindi nagsalita si Flavio nang tumalikod na si Esteban. Huminga na lamang nang malalim ang binata dahil sa tigas ng ulo ng isang apo ni Donya Agatha. “Wala nga siyang pinagkaiba sa kapatid niya,” bulong nito sa sarili sabay iling habang pinagmasdan si Esteban na hindi man lang nililingon ang paligid.
SA KABILANG dako, naghihintay ang isang magandang dalaga at bakas sa mukha nito ang inis.
“Nasaan na ba ang lalaking ‘yon?” inis niyang bulong, kanina pa siya nakabihis at hindi pa rin bumabalik ang hinihintay niyang si Esteban.
Siya si Hadrianna Lazaro o kung tawagin ng lahat ay Anna, ang asawa ni Esteban. Tatlong taon na silang kasal, at tatlong taon na rin siyang nagtitiis sa kanilang sitwasyon. Labag sa kalooban niya na ipakasal sa lalaking hindi niya naman talaga kilala sa simula pa lang. Gayunpaman ay sinunod na lamang niya ang gusto ng kanyang Ama at Lolo.
“Ang tagal mo! Saan ka ba galing ha, ma-le-late na tayo, Esteban!” bungad niya sa asawa nang makauwi ito. Pawisan pa ito na tila mukhang hinahabol ng kung ano. “Oh, ba’t ang dungis mo? Ano bang nangyari sa ’yo?”
“Bumili lang ako ng regalo para kay Lola,” sagot naman ni Esteban sa asawa at saka yumuko. Palihim niyang inaamoy ang sarili dahil nahihiya siya sa kanyang itsura.
“Sana ‘di ka na lang nag-aksaya ng oras. Hindi rin naman iyan tatanggapin ni Lola.”
“Wala rin namang masama na bilhan ng regalo ang Lola mo, Anna,” seryosong sagot ni Esteban.
Umiling na lamang si Anna habang nakatingin sa asawa. Naiirita siya sa mga katwiran nito.
“Magbihis ka na at bilisan mo! Naghihintay na silang lahat doon! Ang dungis mo… nakakahiya ka talagang isama!”
Hindi na lamang sumagot si Esteban, nasaktan siya sa huling linyang sinabi ng asawa.
Alam niya namang matagal ng ayaw ni Anna sa kanya at kahit asawa siya nito, iba rin ang trato nito sa kanya. Wala rin naman siyang magagawa, ni hindi siya makapag-reklamo dahil si Anna na lamang ang tanging naiwan sa kanya ngayon.
Si Anna lang din naman ang tanging taong uuwian niya…
Hindi kinausap ni Anna ang asawa habang papunta sila sa venue kung saan gaganapin ang birthday party ng kanyang Lola, si Senyora Rosario.Pangalawa ang pamilya nila Anna sa pinaka-mayamang angkan sa buong Laguna. Dahil na rin sa estado nila sa lungsod ay alam na niyang engrade ang magiging party ng Lola niya ngayong araw.
“Huwag kang gagawa ng kalokohan dito, Esteban. Kung wala ka namang alam sa mga bagay-bagay, pwes manahimik ka na lang,” bulong ni Anna kay Esteban. Hindi na lang sumagot si Esteban dahil paulit-ulit na rin naman iyong sinasabi ng asawa sa tuwing may dadaluhan sila ng kasiyahan sa lungsod.
Habang nag-uusap ang iilang tao sa loob mansyon ni Senyora Rosario, mayabang na naglakad ang isang lalaki habang may dala itong regalo. Si Frederick Lazaro, isa sa mga pinsan ni Anna na walang ibang ginawa kung hindi bwisitin silang mag-asawa.
“Wow! Good evening to you cousin–” Pasimple itong tumingin kay Esteban na hindi rin naman siya pinansin. “--and to your trash.”
“Problema mo?” walang ganang tanong ni Anna sa pinsan at bahagyang inilibot ang tingin sa paligid.
Imbis na sagutin ni Frederick si Anna, dumapo ang mga mata niya sa dalang regalo ni Esteban. Tinawanan niya ito dahil sa isip niya, sa pagkakabalot pa lang nito ay halata na mumurahin lang ang laman niyon, hindi tulad ng hawak niya.
“What’s this?” Gulat na tumayo si Esteban sa kinaupuan niya nang kunin ni Frederick ang regalo niya. “Magreregalo ka ng b****a kay Lola? Are you that stupid? Itatapon niya lang ito. Nag-aksaya ka lang ng barya mo, Esteban!” Tumawa siya nang nakaka-insulto.
Ngunit hindi natinag si Esteban at pinagmasdan lang niya ang binata na dahan-dahang nilabas ang regalo sa loob ng nilagyan nito.
Unang tingin pa lang ni Esteban sa dala ni Frederick ay alam niya masasabi na niya kung tunay ba ito o peke.
“Look at mine. This is the most fashionable bag in our town. Bagong labas ito mula sa ibang bansa. I bought this from a prestigious shop in Manila.” Ngumisi siya habang pinapakita sa mga tao ang dala niyang bag, nagyayabang.
Palihim na umiling at ngumisi si Esteban saka lumapit kay Frederick. “Sigurado ka bang totoo iyang nabili mo?”
Kumunot naman ang noo ni Frederick dahil sa sinabi ni Esteban. Napalingon na rin si Anna sa kanya.
“Kung titingnang mabuti iyang bag, mukha ngang mamahalin talaga at nagmula sa sikat na brand. But look.” Kinuha ni Esteban ang bag sa kamay ni Frederick na siyang ikinagulat niya pa lalo. “Hindi mo ba napansin na parang dinikitan lang ito ng tag na katulad sa mga original design? Halatang imitation.”
“A-anong pinagsasabi mo? Baliw ka na ba?” Umiling si Esteban sa sinabi ni Frederick, halata na sa mukha ng lalaki na kinakabahan ito. Totoo ang sinabi ni Esteban pero ang ipinagtataka niya, kung bakit alam niya ang ganitong bagay. Mas lalo tuloy siyang nainis sa binata.
“Hindi ka ba natatakot na magalit si Lola dahil bibigyan mo siya ng pekeng bag?” asar pa niya lalo kay Esteban.
“Original ang binili kong bag! Sinisiraan mo lang ako sa harap ng mga tao!” giit ni Frederick.
Napangisi lamang si Esteban. Alam niya na isa sa magaling kung tumingin ng mga bags si Senyora Rosario kaya siguradong-sigurado siya na mabubuking si Frederick sa oras na malaman nito na niloloko siya ng sariling apo.
“Wala ka namang alam sa mga ganyang bagay, Esteban. Huwag mong siraan ang anak ko,” saad ng ina ni Frederick nang makalapit na sila kina Esteban kasama ang asawa nito na Tatay ni Frederick.
“Kung umasta ka ay parang ang laki ng ipinagmamalaki mo. Walang-wala ka sa anak ko dahil isa ka lang namang b****a sa pamilya ito,” segunda naman ng Tatay ni Frederick.
Hindi na lamang sumagot si Esteban dahil kung sasabihin niya sa mga taong kaharap niya ngayon na ang Nanay niya ay isa rin sa sikat na fashion designer sa bansa at magaling din ito kumalitis sa kung ano ang totoo sa hindi, hindi rin sila maniniwala. Pagtatawanan lang din siya ng mga ito.
“ANONG nangyayari dito?”Isang matandang boses ang dumating.
Tumingin sila sa kakarating lang na matanda, si Senyora Rosario. Simula noong namatay ang matandang Lazaro, ang Lolo nilang si Senyora Rosario na ang kumontrol sa lahat. Lahat ng desisyon ng angkan lalo na pagdating sa negosyo ay dapat munang dumaan sa kanya. Maraming may gustong mawala ang matanda ngunit animo’y isa itong masamang damo, malakas pa at alam na alam pa ang nangyayari sa paligid niya kaya marami ring takot na kalabanin siya. Wala pa ni isa ang nagtagumpay na pagbagsakin ito dahil alam nila kung kakalabanin nila ito, sila lang din ang mapapahamak. “Lola…” bati ng mga apo nitong nakalinya na kasama ang kanilang mga pamilya. “Lola, si Frederick. Mukhang bibigyan ka pa ng pekeng designer bag,” si Anna ang nagsalita na may kaba sa d****b. Tumingin siya kay Frederick nang hawakan nito ang kamay niya. Kumunot naman ang noo ng matanda at nagtataka sa sinabi ng kanyang apo na si Anna. “Lola, don’t believe them. Alam mo namang hindi kita bibigyan ng mga cheap na bagay,” mabi
Kinuha ni Estrella, isa sa mga apo ni Donya Agatha, ang listahan ng mga regalo na nagmula sa pamilya ng mga Montecillo. Nanlaki ang mata nito habang nanginginig ang kamay nang makita kung ano ang mga regalo."Beach Resort…" aniya. “At may titulo!”"Susi ng isang Bugatti La Voiture Noire..."Habang nakikinig sa listahan ng mga regalo ay hindi maiwasan na magtinginan ng mga taong naroon. Paanong hindi? Ang mga regalo para kay Donya Agatha Lazaro ay tila regalo sa babaeng ikakasal noong sinaunang panahon.“And cash gift… 500 million,” hindi makapaniwala nitong big
Sa isang sikat at mamahaling hotel, naglalakad ang isang babaeng magarang suot at naka-make-up na halatang mamahalin. Maraming suot na silver at gold sa katawan. Mapulang labi at suot ang yayamaning sumbrero, kitang-kita mo talagang isa itong senyora. Umupo siya sa harap ni Esteban na pinagmasdan lang naman siya ng walang emosyon. Ngumiti siya sa binata at kahit hindi niya ipakita, ramdam niya ang galak nitong makita si Esteban.“My son…” Hindi sumagot si Esteban nang magsalita ang kanyang ina.Siya si Senyorita Yvonne, ang kanyang ina. Masama ang tingin ng binata sa babaeng prenteng naka-upo sa harap nito. Gusto niya namang tanungin agad kung ano talaga ang pakay ng ina at kung bakit gusto nitong makipagkita. Hindi pa yata sapat sa kanila na tinaboy nito si Flavio noong nakaraang araw lang.&ldqu
"Ruben, yosi?" Inihain ni Esteban ang isang kaha ng sigarilyo kay Ruben na siyang may-ari ng maliit na karinderya sa construction site na isa sa mga negosyo ng pamilya ni Anna. Kumuha ng isa si Ruben habang nakangiting umiiling. “Hindi ka ba nagsasawa sa ginagawa mo?" tanong nito at kumuha ng lighter sa bulsa sa sinindihan ang sigarilyong hawak. Tuminhin ito sa kawalan. Bumuntong-hininga si Esteban at humithit ng sigarilyo saka pinaglaruan ang usok. Sa loob ng tatlong taon, araw-araw ay lilitaw nang napakaaga si Esteban umulan man o umaraw sa likuran ng construction site. Makalipas ang ilang linggo ay nagkaroon ng hinuha si Ruben tungkol
Sa sumunod na araw, nagmemeeting ang pamilyang Lazaro at sakop ng buong confession room ang malakas na tawa ni Frederick."Anong nakakatawa, Fred? May kailangan ka bang sabihin sa amin?" tanong ng isang pinsan niya, lahat ng kamag-anak nito ay nakatingin sa kanya at inaantay siyang magsalita."Paano ba naman kasi, itong si Anna magpapahatid kay Esteban eh ano namang susuotin ng basurang iyon? Nakakahiya, at kapag nakita iyon ng may-ari ng kompanya. Panigurado, hindi tatanggapin ang offer dahil may kasama siyang basura." Malakas siyang tumawa at ganoon din ang iba, sumang-ayon sa sinabi ni Frederick.Iniisip niya na kung makita ng may-ari ay mapapahiya si Esteban kasama na si Anna at sa pamamagitang iyon, magiging palpak si Anna makipag-ugnayan sa kompanya. Lilipat kay Frederick ang oblgiasyon kapag nangyari iyon, siya ang papaboral ng Lola nila at higit sa lahat, mawawala sa landas ng pamilya nila si Esteban, matagal na niyang gustong mawala si Esteban kaya guma
Panibagong araw panibagong meeting na naman ng angkan ng Lazaro. Pinag-uusapan nila ang ibinigay nilang mission para kay Anna at kahit isa sa kanila walang naniniwala na magagawa ni Anna."Ipupusta ko ang magiging position ko dito sa kompanya, hindi niya magagawang papirmahin ang Desmond Corp.""Tama, paniguradong magagalit si Lola sa kanya. Tama ba, Frederick?" Natigil si Frederick kakaisip nang banggitin ang pangalan niya, ngumisi siya sa kanila at sumang-ayon sa mga sinasabi."Tama, at mapapatakwil na sila sa pamilya lalo na ang Esteban na iyon." Kinuyom niya ang mga kamo na tila ba nanggigil.Hindi talaga mawawala sa buhay niya ang galit kay Anna at kay Esteban, wala namang ginagawa ang tao sa kanya ngunit kung umasta ay parang may malaking kasalanan sa kanya sina Anna at Est eban.Natigil ang kanilang pag-uusap nang bumukas ang pinto ng conference room, tumayo silang lahat upang magbigay galang sa matandang Lazaro na kakarating lan
"Lola, sigurado akong hindi kakayanin ni Anna. Paano kaya kung ako na ang makipag-ugnayan sa kompanya nila?"Panibagong araw, nakipag-usap si Frederick at ang kanyang ama na si Francisco."Si Anna ang nakipagsundo at sa kanya ang pirma, siya pa rin ang kakausap." Apila ng kanyang Lola.Gusto ni Frederick na siya na ang kakausap sa Desmond Corporation dahil ayaw niyang makuha ni Anna ang sa tingin niyang para sa kanya."I'll make sure to you, this will be successful kung ako na po. I mean, Anna can't do it for sure dahil wala naman siyang history sa negosyo. Paano kung sa pagpirma lang naging okay pero pagdating sa ibang bagay magiging palpak siya. Lola, iniisip ko lang din ang kapakanan ng kompanya natin. This is a big opportunity we can't lose." Mahabang wika niya."Lola, sigurado akong hindi kakayanin ni Anna. Paano kaya kung ako na ang makipag-ugnayan sa kompanya nila?"Panibagong araw, nakipag-usap si Frederick at ang kanyang ama na si F
"Sino ’yon?" tanong ni Anna kat Esteban pagkatapos ibaba ang cellphone sa lamesa."Pinsan mo, siguro pinatawag ka ng iyong Lola. Ang sabi ng kaklase ko'y hindi siya pumayag na hindi ikaw ang naroon.""Talaga?" Akmang tatayo si Anna nang pigilan niya ito, kumunot naman ang noo ng dalaga. "Bakit? Aalis na ako kung ganoon, pupuntahan ko si Lola.""May sakit ka, Anna." Maotoridad na banggit ni Esteban."Maayos ako, Esteban.""Makinig ka." Huminto si Esteban sa pagsasalita at tiningnan sa mata si Anna, "Hayaan muna natin na hindi ikaw ang lalapit sa kanila. Hindi mo ba naisip na kapag nadala mo si Flavio sa kompanya ninyo, kukunin ulit ni Frederick ang pagkakataong agawin sa'yo ang proyekto. Kilala ko ang kaklase ko, Anna. Isa rin siyang suwail at matigas pagdating sa ganitong bagay, let them beg to you to comeback."Hindi maintindihan ni Anna ang mga sinasabi ni Esteban pero isa lang ang natitiyak niya, tama si Esteban. Hindi dapat na nagp
Nang makita ni Elena si Esteban, medyo nahihiya pa rin ito. Marahil ay naramdaman niyang masyado silang naging mabilis ni Ruben sa pagtibay ng kanilang relasyon, kaya hindi maiwasang makaramdam siya ng konting hiya.Sa sandaling iyon, bahagyang humanga si Esteban kay Ruben.Mas nauna pa nga silang magkakilala ni Anna, pero hanggang ngayon, hindi pa rin niya lubos na mapasakanya ito.Samantalang si Ruben, sa loob lang ng ilang araw, nakuha na agad si Elena. Naisip tuloy ni Esteban—baka may mga kakaibang diskarte si Ruben pagdating sa panliligaw?Hindi niya napigilang maisip na baka kailangan na niyang humingi ng tips kay Ruben."Ipakikilala ko kayo—siya ang mabuting kapatid ko, si Esteban," sabi ni Ruben habang tumingin kay Galeno. Hindi man pamilyar sa kanya ang mukha nito, alam niyang kung kasama ito ni Esteban, may espesyal itong papel sa buhay ng kaibigan niya."Siya si Galeno. Tawagin mo na lang siyang 'Twelve'. Isa rin siyang mabuting kapatid," sabi naman ni Esteban.Inabot ni Ru
Walang nakuhang kapaki-pakinabang na impormasyon si Esteban mula sa hindi mapakaling gabi, pero hindi siya nababahala. Dahil alam na ng organisasyong Black Sheep kung saan siya nakatira, tiyak na magpapadala pa ulit ang mga ito ng mga tao.Kung sakaling hindi siya mapatay ng mga tauhang 'di gaanong bihasa, siguradong darating rin ang mga pangunahing eksperto ng Black Sheep Organization. Hindi naniniwala si Esteban na kaya talagang panatilihing lihim ng organisasyon ang lahat. Walang organisasyong walang kahinaan—lalo na kung may humahabol dito.Kinabukasan, pagkagising ni Jane, wala naman siyang napansing kakaiba. Ni hindi niya naisip na may limang mamamatay-tao na pumasok sa bahay nila kagabi, at tahimik na pinaslang ni Esteban.Pagsapit ng tanghali, sa wakas ay bumalik si Galeno sa villa sa burol.Hindi na siya tinanong ni Esteban kung saan siya nanggaling nitong nakaraang dalawang araw. Para sa kanya, kahit itinuturing niyang kapatid si Galeno, may karapatan pa rin ito sa kanyang p
Gabi na at tahimik ang paligid, nang biglang dumilat si Esteban mula sa kanyang pagkakatulog. May bahagyang ngiti sa sulok ng kanyang labi. Tahimik siyang bumangon, nagbihis nang kalmado, at naupo sa sofa sa sala.Wala siyang sindi ng ilaw, pero ramdam niya—may ilang taong pumasok sa loob ng villa. Hindi ordinaryo ang mga kilos ng mga ito, halatang bihasa sa galaw.Alam ni Esteban: dumating na ang mga tauhan ng Black Sheep Organization.Kailangang aminin, mabilis ang kilos nila. Dalawang araw pa lang ang nakalilipas ay nalaman na nila ang tungkol sa kanya—malinis at halos walang iniwang bakas.“Nahuli pa kayo,” mahinahong sambit ni Esteban nang maramdaman niyang nakapasok na sa loob ng bahay ang mga kalaban.Nagulat ang mga tauhan sa dilim.Sanay silang pumatay nang tahimik. Marami na silang misyon na matagumpay. Pero ngayon, parang alam na ng target nila ang galaw nila—isang bagay na hindi pa nila naranasan.“Alam mong nandito kami?” tanong ng isa.Ngumiti si Esteban at sagot niya, “
Pagkarinig pa lang ni Isabel sa salitang "diborsyo," agad siyang kinabahan.Ngayon pa namang nakuha na ni Alberto ang mataas na posisyon sa kumpanya—mukhang magsisimula na ang magagandang araw niya. Kung hihiwalayan niya si Alberto ngayon, hindi ba't parang nasayang lang lahat ng tiniis niya?Ayaw ni Isabel na matapos nang ganito ang lahat. Alam niyang hindi na niya puwedeng tratuhin si Alberto tulad ng dati. Iba na si Alberto ngayon.Matapos ang ilang sandali, sabi ni Isabel, “Uuwi na 'ko para magluto. Umuwi ka nang maaga, sabay tayong kumain.”Bagamat parang nakakababa ng pride ang sinabi niya, para sa kinabukasan na maginhawa, handa si Isabel na magpakumbaba. Ganoon talaga siya—mahalaga ang pride, pero kung pera ang kapalit, kaya niyang isantabi ito.Nagulat si Alberto. Hindi niya inaasahan na sasabihin 'yon ni Isabel. Sa pagkakaalam niya, si Isabel ay isang mayabang at dominante, walang pakialam sa iba kundi sa sarili lang.Pero ngayon, si Isabel ay tila nagbago.Hindi na lang siy
May isa pang balita na lubos na ikinagulat ni Isabel—si Alberto ay ganap nang itinaguyod sa pamilya Lazaro at siya na ngayon ang namamahala sa isang napakalaking proyekto. Ang kinabukasan ng buong pamilya Lazaro ay nakasalalay na ngayon sa kanyang mga balikat.Dati, isa siyang inutil.Ngayon, siya ang inaasahan.Hindi inasahan ni Isabel ang ganitong pagbabago, kaya naman nagsimula siyang mabahala.Noon, hindi siya natatakot makipagtalo kay Alberto. Madalas niya itong sinasaktan at ginagawang kaawa-awa dahil alam niyang wala itong magagawa kundi lunukin ang kanyang pang-aapi.Pero iba na ngayon. Ang pagtaas ng estado ni Alberto ay nangangahulugan ng kayamanan. At kapag ang isang lalaki ay nagkaroon ng pera, madali na lang para sa kanya ang makahanap ng ibang babae.Hindi hahayaang maagaw ni Isabel ang magandang buhay na matagal na niyang pinapangarap.Kaya, kahit na nakakahiya, bumalik siya sa Laguna.Pagdating niya sa opisina ng Lazaro Company, hinarang siya ng mga guwardiya sa gate.
Makalipas ang dalawang araw, nagdala ng balita si Liston kay Esteban. Ngunit hindi ito kasingsigurado gaya ng inaakala ni Esteban. Maging si Liston mismo ay hindi alam kung ano talaga ang organisasyong nasa likod ni Galeno. Tungkol naman sa kinaroroonan ng kanilang punong tanggapan, imposibleng matukoy ito, kaya’t hindi alam ni Esteban kung saan magsisimula.Sa totoo lang, sa lawak ng impluwensya ni Liston sa mundo, isa na siya sa pinakamakapangyarihang tao. Ngunit may isang organisasyong hindi man lang niya magalugad—isang bagay na labis niyang ikinagulat."Sinubukan ko na ang lahat, pero wala akong magawa pagdating sa punong tanggapan ng Black Sheep." Paliwanag ni Liston, upang ipakita kay Esteban na hindi siya inutil."May mga bagay rin palang hindi mo kayang alamin. Mukhang talagang misteryoso itong Black Sheep." Sagot ni Esteban."Ang Black Sheep ay umiiral na nang daan-daang taon, pero hanggang ngayon, walang nakakaalam kung sino ang tunay na pinuno nito. Napakakaunti rin ng imp
Si Liston ang taong pinaka nakakakilala sa lakas ni Esteban. Alam niya kung gaano ito kalakas dahil nakita niya mismo gamit ang sarili niyang mga mata.Kaya nang marinig niya ang apat na salitang "isda sa lambat," napangiti siya nang mapait.Hindi niya alam kung aling kawawang organisasyon ang nagkaroon ng tapang na uminis kay Esteban. Pero tiyak niyang hindi lang ito basta magdadala ng kapahamakan sa sarili. Kapag si Esteban ang nakabangga, walang matitira—pati pinakapinagmulan ay buburahin."Huwag kang mag-alala, hindi ako magpapalabas ng impormasyon. Ibibigay ko sa iyo ang sagot sa loob ng dalawang araw," sabi ni Liston.Diretsong ibinaba ni Esteban ang tawag. Alam niyang dagdag na problema lang ito sa kanya, pero hindi rin niya kayang balewalain si Galeno. Sa dami ng nakilala niyang tao noon, kakaunti lang ang tinuturing niyang kaibigan—at isa na roon si Galeno.Maya-maya, may kumatok sa pinto.Hindi na kailangang tingnan ni Esteban kung sino. Agad niyang naalala ang isang sitwasy
Bago siya muling isinilang, si Galeno, na kilala ni Esteban, ay isang taong tahimik. Bukod sa madalas niyang pagsasalita sa harap ng kanyang anak na babae, bihira siyang magsalita sa ibang pagkakataon. Bukod pa rito, simple at direkta ang paraan niya sa paglutas ng mga bagay.Pero ngayon, para siyang batang mausisa na may maraming tanong, kaya't medyo naiilang si Esteban."Curious lang ako kung sino ka talaga," sabi ni Galeno. Hindi man siya madaldal noon, pero maraming bagay ang gusto niyang malaman tungkol kay Esteban. Lalo na’t iniligtas siya nito sa bingit ng kamatayan—at isa pa, bata lang si Esteban. Sino ba namang hindi magiging curious?"Mahalaga ba kung sino ako? Ang kailangan mo lang malaman ay buhay mo na ngayon ang hawak ko," sagot ni Esteban nang walang emosyon.Natigilan sandali si Galeno bago tumango. Tama nga naman, hindi na niya kailangang malaman kung sino si Esteban. Wala rin namang pinagkaiba sa pagiging alipin ang sitwasyon niya ngayon.Tahimik siyang sumunod kay E
Nang lumitaw si Esteban sa harap ni Galeno, agad na nanigas sa kaba ang dalawang natitirang lalaki. Kahit nakita nilang lumitaw siya, hindi nila alam kung saan siya nanggaling. Para siyang multo na bigla na lang nagpakita—isang senyales na napakadelikado para sa kanila.Hindi man nila maunawaan kung paano siya lumitaw, paano pa kaya nila siya lalabanan?"Sino ka ba talaga? Anong kalokohan 'to?""Pinapayuhan kitang huwag kang makialam. Kapag hinarap mo kami, mamamatay ka lang."Sinubukan nilang takutin si Esteban, umaasang mapapaalis nila siya sa pamamagitan ng kanilang pagbabanta.Pero para kay Esteban, ang mga ganitong banta ay isang biro lang.Sa lupa, may kahit sino bang makakapanakot sa kanya?"Ayos ka lang ba?" tanong ni Esteban kay Galeno.Tumingala si Galeno kay Esteban. Ngayon na mas malapit na ito, kitang-kita niya ang mukha ng binata—at laking gulat niya nang mapagtanto niyang isa lang itong bata! Dahil dito, naging mas maingat siya. Sino ba naman ang lilitaw nang bigla-bigl