Sa isang sikat at mamahaling hotel, naglalakad ang isang babaeng magarang suot at naka-make-up na halatang mamahalin. Maraming suot na silver at gold sa katawan. Mapulang labi at suot ang yayamaning sumbrero, kitang-kita mo talagang isa itong senyora. Umupo siya sa harap ni Esteban na pinagmasdan lang naman siya ng walang emosyon. Ngumiti siya sa binata at kahit hindi niya ipakita, ramdam niya ang galak nitong makita si Esteban.
“My son…” Hindi sumagot si Esteban nang magsalita ang kanyang ina.
Siya si Senyorita Yvonne, ang kanyang ina. Masama ang tingin ng binata sa babaeng prenteng naka-upo sa harap nito. Gusto niya namang tanungin agad kung ano talaga ang pakay ng ina at kung bakit gusto nitong makipagkita. Hindi pa yata sapat sa kanila na tinaboy nito si Flavio noong nakaraang araw lang.
“Mabuti’t pumayag kang makipagkita sa aki---”
“Bilisan mo na lang kung ano ang pakay mo, Yvonne.” Nagulat si Yvonne dahil sa pagtawag ng kanyang anak.
“What are you saying? Ina mo pa rin ako, Des—”
“Esteban…Esteban ang pangalan ko, tawagin mo akong Esteban.” Mas lalo pang nagulat ang ina dahil sa narinig mula sa anak.
Hindi niya akalain na pati pangalan ng anak ay pinalitan nito. Habang pinagmasdan niya ang kanyang anak na hindi maayos ang suot, sumisikip ang d****b niya ngunit hindi niya ito pinapakita dahil alam niyang ayaw ni Esteban na nagpapakita ito ng awa sa kanya.
“A-anak…”
“Cut the crap, Yvonne. What do you need right now? Ilang taon na ang lumipas at ngayon mo pa gustong magpakita sa akin?” galit na tanong ni Esteban.
Seryoso lang siyang nakatingin sa ina na halatang hindi nababakas sa kanyang pakiramdam ang galak nang makita si Yvonne. Galit siya sa ina dahil sa nangyari sa kanya simula noong bata pa lang siya at hanggang sa lumaki siya. Kinamumuhian niya ang kanyang ina at dahil doon nasaktan si Yvonne kahit hindi niya ipakita.
“Ang mga nangyari noong tatlong taon ang nakalipas ay desisyon ni Mama---”
“Na hindi kayo gumawa ng paraan para hindi matuloy,” putol niya sa sinasabi ng ina. Umiling si Yvonne.
“Nagkakamali ka, Des…Esteban. Wala lang akong lakas na lumaban sa mga Montecillo.” Napailing si Esteban sa narinig. Wala ng saysay kung magpapaliwanag ba ang ina dahil nangyari na.
“Anong kailangan mo? Anong kailangan niya?” diretsong tanong ni Esteban, huminga nang malalim si Yvonne at diretsong nakatingin sa anak.
“Balak niyang magtayo ng bagong kompanya sa bayan at…ikaw ang kailangan niyang mamamahala no’n.”
Nakikinig lang si Esteban, tama ang nasa isip niya. Malaki ang pangangailangan ng pamilya. “Is this a test for me? Tapos na ba ang exam na ginagawa niya para sa akin? Nakapasa ba ko sa loob ng tatlong taon na wala kayo sa tabi ko? Oh, sandali. Hindi lang pala sa loob ng tatlong taon, simula noong bata pa lang ako. Wala na kayo sa tabi ko.”
“Anak, hindi totoo iyan.”
Tumawa si Esteban nang bahagya dahil sa pagdadahilan na naman ni Yvonne. “Naalala mo noong birthday naming dalawa ng kapatid ko, pangalan niya lang ang nasa cake samantalang ako, nasa gilid nakatingin sa masasaya niyong mukha habang masayang pinagmasdan ang kapatid ko. Yvonne, limang minuto lang ang agwat naming dalawa pero bakit hindi ko naramdaman na anak niyo rin ako,” mahabang sabi ni Esteban, sumisikip ang d****b niya sa pagkukuwento.
Umiwas ng tingin si Yvonne dahil naalala niya rin ang nangyari noon. “At noong pinalayas ako, tatlong taon na ang nakalipas. Umaasa akong ipaglalaban mo ako dahil nga anak mo rin ako at apo niya ngunit tanging asa lang pala ang nangyari.”
“Magpapaliwanag ako.”
“Hindi ko kailangan ng paliwanag mo, gusto ko lang sabihin sa’yo na wala kang kwentang ina at wala siyang kwentang Lola. Kahit anong gawin kong galing sa bahay at sa klase, hindi niyo pa rin ako nakikita. Tanging siya lang.” Umiwas ng tingin si Esteban at huminga nang malalim. “Kung nandito ba siya ngayon at hindi nakakulong, pupuntahan mo qko?”
Hindi na napigilan ni Yvonne ang luhang kanina pa gustong kumawala, “P-patawad…”
“Gagawin ko ang gusto ninyo hindi para sa pamilya ninyo kundi para sa asawa ko, ayaw ko nang maranasan niya ang kalupitan ng mundo. Huwag ninyong isipin na dahil sa inyo kung bakit ako papaya sa gusto ninyo, matagal na kayong hindi parte ng buhay ko.”
Pagkatapos niyang sabihin iyon, tumayo na siya at lumabas na ng hotel. Pinunasan ni Yvonne ang luhat at kinalma ang sarili, kinuha niya ang telepono at may tinawagan.
“He agreed, Mom.”
“Mabuti, at dapat huwag niya akong biguin dahil hindi niya alam ang gagawin ko sa oras na pumalpak siya.”
Hindi na lamang nagsalita si Yvonne dahil naisip niya na naman ang sinasabi ng kanyang bunsong anak kanina na tumatagos sa kanyang d****b ang sakit. Hindi niya maipagkaila na nagkulang siya bilang ina nito.
Kinabukasan, isang mabigat na balita ang nalaman ng buong Laguna. Tungkol sa bagong kompanya na itatayo ng pamilya Montecillo. Ito ay naghahanap ng bagong kasusyo para sa bagong kompanya na itatayo kaya ang mga mayayamang tao sa Laguna ay nagbabalak na magpresinta. Desmond Estate Corporation ang pangalan ng bagong kompanya. Nagtataka ang mga tao kung bakit kakaiba ang pangalan ng bagong kompanya, hindi nila mawari kung ano ang meron dito. Kahit maraming nagtatayuan na mga bagong kompanya o negosyo at maraming nanghihinang negosyo rin, naniniwala ang tao na ang Lugar nila ay maggiing isa sa pinakamagandang City.
Ang pamilya Lazaro ay nagtatayo ng mga materyales para sa mga building kaya ang inakala nila ang pamilyang Montecillo ay magbibigay ng malaking halaga sa pamilya nila para sa negosyo. Ang mga kababaihan ng pamilyang Lazaro na hindi pa kasal ay hindi makatulog dahil sa galak na narinig, lahat sila ay gustong magpakasal sa isang Montecillo kahit hindi pa nila ito kilala. Sino ba naman ang aayaw sa isang mayamang estranghero kung ikakasal sila? Sa pagkakataon na iyon maranasan nila ang mga bagay na gusto nilang maranasan.
Araw ng Lunes, dumalo lahat ang pamilya Lazaro para pag-usapan ang malaking balitang natanggap nila. Sa harap na upuan, kinikilalang Board of Director, nakaupo si Donya Rosario na nakatingin sa angkan niyang halatang marami ring iniisip. “Listen everyone,” panimula niya. “Sa panahon ngayon, dumami na ang competitors natin. Imagine if we’re going to lose this opportunity na pagbutihing paangatin ang negosyo, tayo na ang mangunguna sa lugar natin.”
“Ma, pagod tayong lahat. Hindi pa nga natin kilala ang may-ari ng bagong kompanya.”
“Exactly, ngayon pa lang ay alamin na natin kung paano makukuha ang loob ng may-ari ng bagong kompanya.”
Takot ang pamilyang Lazaro na pumalpak at sa oras na mangyari iyon, ikakahiya sila sa buong bayan.
Yumuko si Anna nang maramdaman niyang tumingin sa kanyan ang pinsan nitong si Frederick na nakangisi na, “Lola, marami tayong ginagawa sa kompanya. Look at Anna, wala naman siyang ginagawa why not give her the opportunity to know the owner of the new company.”
Natahimik ang lahat. “Yes, wala rin naman siyang magagawa.”
“Hindi rin naman pwedeng gawin na lang siyang pabigat sa kompanya since lahat tayo rito ay nagsasakripisiyo. Dapat lang ay siya rin. Work harder.”
“Okay, let her do this pero…” Yumuko ulit si Anna dahil naramdaman niyang nag-vibrate ang cellphone nito. Nang makita niya ang pangalan ng taong nagpadala sa kanya ng mensahe, napangiti siya. Si Esteban. Simple lang naman ang nasa mensahe.
‘Huwag mong sayangin ang opportunity, ilaban mong makipag-ugnayan sa bagong kompanya.’
Hindi niya alam kung bakit sinabi iyon ni Esteban, ang lahat ng kamag-anak niya ay nahihiya sa gagawin. Gagawin niya ba ito?
“Anna, payag ka ba?” tanong ng matanda na hindi tinitignan ang dalaga.
Hindi pa nagagawa ni Anna ang ganitong klaseng trabaho kaya hindi niya alam kung tatanggapin niya ba ang hamon o hahayaan na lang din. Huminga siya nang malalim at diretsong tumingin sa matanda.
“Gagawin ko,” saad nito.
Ngumisi si Frederick at tumingin kay Anna, “Huwag kang tamad-tamad, kapag nasayang mo ang pagkakataon na makilala at makipag-ugnayan sa may-ari malalagot ka.”
“Yeah, isa itong opportunity para sa’yo ngunit huwag ka muna magsaya dahil hindi mo pa nagagawa.”
“How about, pasundan natin siya para malaman talaga na ginagawa niya ang ipapagawa sa kanya?”
Habang pinapakinggan ni Anna ang mga nagmula sa mga bibig ng mga kamag-anak niya, galit ang umibabaw sa kanya. Hindi niya inakala na hanggang ngayon mababa pa rin ang tingin ng mga ito sa kanya. Parte rin naman siya ng pamilya ngunit iba ang trato nito sa kanya na para bang ibang tao.
“Actually, that’s a good idea. Bantayan siya.”
Tumango-tango ang matanda na tila sumang-ayon sa mga gusto ng mga tao, “Kung ganoon, magsama ka ng ibang tao para gawin ito at ibalita sa amin lahat-lahat.”
Hindi niya kaya ang mga sinasabi ng mga ito, ikinuyom niya ang mga kamao at humarap sa kanilang matapang. “Huwag kayong mag-alala, kaya kong gawin mag-isa iyon at hindi ako tatamad-tamad.” Tumingin siya kay Frederick na may ngiti sa labi.
Nang sabihin niya iyon ay natahimik ang mga tao, ngunit may isang pinagtatawanan siya. “Hindi ka ba nag-iisip? Lahat ng nagawa namin ay gagawin mo, sa tingin mo ba ay kaya mo?” tanong ni Frederick.
“Nakakatawa, ito ang pinakanakakatawang birong narinig ko mula sa’yo,” sagot niya naman sa pinsan.
Baliktarin man ang mundo, isa pa rin siyang Lazaro at kung mawala man ang Lola nila ay paniguradong may makukuha itong mana kahit kaunti lamang.
“Well, nanggaling na rin sa’yo mismo na kaya mo. Paanong kung hindi mo magawa?” mapang-asar na tanong ni Frederick. “Kung nagawa mo, pagsisilbihan kita, Ipagtitimpla ng tsaa at tubig and will call you, Ate Anna.”
“Okay,” simpleng sagot ni Anna sa pinsan.
“Pero kung hindi mo nagawa, itatapon sa labas ng pamilya ang basurang si Esteban.”
"Ruben, yosi?" Inihain ni Esteban ang isang kaha ng sigarilyo kay Ruben na siyang may-ari ng maliit na karinderya sa construction site na isa sa mga negosyo ng pamilya ni Anna. Kumuha ng isa si Ruben habang nakangiting umiiling. “Hindi ka ba nagsasawa sa ginagawa mo?" tanong nito at kumuha ng lighter sa bulsa sa sinindihan ang sigarilyong hawak. Tuminhin ito sa kawalan. Bumuntong-hininga si Esteban at humithit ng sigarilyo saka pinaglaruan ang usok. Sa loob ng tatlong taon, araw-araw ay lilitaw nang napakaaga si Esteban umulan man o umaraw sa likuran ng construction site. Makalipas ang ilang linggo ay nagkaroon ng hinuha si Ruben tungkol
Sa sumunod na araw, nagmemeeting ang pamilyang Lazaro at sakop ng buong confession room ang malakas na tawa ni Frederick."Anong nakakatawa, Fred? May kailangan ka bang sabihin sa amin?" tanong ng isang pinsan niya, lahat ng kamag-anak nito ay nakatingin sa kanya at inaantay siyang magsalita."Paano ba naman kasi, itong si Anna magpapahatid kay Esteban eh ano namang susuotin ng basurang iyon? Nakakahiya, at kapag nakita iyon ng may-ari ng kompanya. Panigurado, hindi tatanggapin ang offer dahil may kasama siyang basura." Malakas siyang tumawa at ganoon din ang iba, sumang-ayon sa sinabi ni Frederick.Iniisip niya na kung makita ng may-ari ay mapapahiya si Esteban kasama na si Anna at sa pamamagitang iyon, magiging palpak si Anna makipag-ugnayan sa kompanya. Lilipat kay Frederick ang oblgiasyon kapag nangyari iyon, siya ang papaboral ng Lola nila at higit sa lahat, mawawala sa landas ng pamilya nila si Esteban, matagal na niyang gustong mawala si Esteban kaya guma
Panibagong araw panibagong meeting na naman ng angkan ng Lazaro. Pinag-uusapan nila ang ibinigay nilang mission para kay Anna at kahit isa sa kanila walang naniniwala na magagawa ni Anna."Ipupusta ko ang magiging position ko dito sa kompanya, hindi niya magagawang papirmahin ang Desmond Corp.""Tama, paniguradong magagalit si Lola sa kanya. Tama ba, Frederick?" Natigil si Frederick kakaisip nang banggitin ang pangalan niya, ngumisi siya sa kanila at sumang-ayon sa mga sinasabi."Tama, at mapapatakwil na sila sa pamilya lalo na ang Esteban na iyon." Kinuyom niya ang mga kamo na tila ba nanggigil.Hindi talaga mawawala sa buhay niya ang galit kay Anna at kay Esteban, wala namang ginagawa ang tao sa kanya ngunit kung umasta ay parang may malaking kasalanan sa kanya sina Anna at Est eban.Natigil ang kanilang pag-uusap nang bumukas ang pinto ng conference room, tumayo silang lahat upang magbigay galang sa matandang Lazaro na kakarating lan
"Lola, sigurado akong hindi kakayanin ni Anna. Paano kaya kung ako na ang makipag-ugnayan sa kompanya nila?"Panibagong araw, nakipag-usap si Frederick at ang kanyang ama na si Francisco."Si Anna ang nakipagsundo at sa kanya ang pirma, siya pa rin ang kakausap." Apila ng kanyang Lola.Gusto ni Frederick na siya na ang kakausap sa Desmond Corporation dahil ayaw niyang makuha ni Anna ang sa tingin niyang para sa kanya."I'll make sure to you, this will be successful kung ako na po. I mean, Anna can't do it for sure dahil wala naman siyang history sa negosyo. Paano kung sa pagpirma lang naging okay pero pagdating sa ibang bagay magiging palpak siya. Lola, iniisip ko lang din ang kapakanan ng kompanya natin. This is a big opportunity we can't lose." Mahabang wika niya."Lola, sigurado akong hindi kakayanin ni Anna. Paano kaya kung ako na ang makipag-ugnayan sa kompanya nila?"Panibagong araw, nakipag-usap si Frederick at ang kanyang ama na si F
"Sino ’yon?" tanong ni Anna kat Esteban pagkatapos ibaba ang cellphone sa lamesa."Pinsan mo, siguro pinatawag ka ng iyong Lola. Ang sabi ng kaklase ko'y hindi siya pumayag na hindi ikaw ang naroon.""Talaga?" Akmang tatayo si Anna nang pigilan niya ito, kumunot naman ang noo ng dalaga. "Bakit? Aalis na ako kung ganoon, pupuntahan ko si Lola.""May sakit ka, Anna." Maotoridad na banggit ni Esteban."Maayos ako, Esteban.""Makinig ka." Huminto si Esteban sa pagsasalita at tiningnan sa mata si Anna, "Hayaan muna natin na hindi ikaw ang lalapit sa kanila. Hindi mo ba naisip na kapag nadala mo si Flavio sa kompanya ninyo, kukunin ulit ni Frederick ang pagkakataong agawin sa'yo ang proyekto. Kilala ko ang kaklase ko, Anna. Isa rin siyang suwail at matigas pagdating sa ganitong bagay, let them beg to you to comeback."Hindi maintindihan ni Anna ang mga sinasabi ni Esteban pero isa lang ang natitiyak niya, tama si Esteban. Hindi dapat na nagp
"Hayop ka, ang kapal ng mukha mong babaan ako ng telepono!" Akmang susuntokin ni Frederick si Esteban nang agad itong makaiwas. Napasuntok ulit sa hangin si Frederick ngunit sa pangalawang pagkakataon, nakaiwas ulit si Esteban at siya na mismo ang sumuntok kay Frederick. Nagulat naman si Francisco sa nangyari, nawalan ng balanse ang ang anak at dumugo ang labi. "How dare you to hurt my son!" Sinugod niya si Esteban at bilang isang magaling din sa karate ang binata, nakaiwas ito. Hinuli niya ang kamay ng matanda at nilagay sa likod nito. "How dare you to come here, old man?" Nanlaki ang mga mata ng mag-ama nang sabihin iyon ni Esteban. Hindi nila inakala na kakalabanin sila ng isang b****a. Matagal na rin namang nagtitimpi si Esteban sa pagtatrato ng mga tao sa kanya, sadyang ginagawa niya lang na huwag pumatol dahil kay Anna. Kung tutuosin, kaya niyang labanan lahat ng nang-aapi kanya ngunit naisip niya rin na sayang sa oras niya. Ang dahi
Chapter 11Ang pinakamalalim na hangarin ni Isabel ay humanap ng paraan para mapaalis si Esteban sa pamilya ng Lazaro. Galit na galit siya dahil tinulungan ni Anna si Esteban na ipagtanggol ang sarili at tinanggap nito ang kaniyang kasal kay Esteban. Hindi niya kayang paniwalaan ang desisyon ni Anna."Anna, sinasabi ko sa iyo... hindi mo pwedeng mahalin ang basurang ‘yan. Wala siyang magandang maidudulot sa buhay mo! Look at me, I will be your lesson!” angal ni Isabel.Sa loob ng tatlong taon hindi ipinakita ni Anna ang tunay niyang nararamdaman upang maprotektahan ang sarili at asawa. Hindi niya hihiwalayan si Esteban kahit hindi siya tinulungan ni Esteban na makuha ang kontrata sa Desmond Estate Corporatio
“Nakalabas na si Lola! Pupunta daw siya sa bahay ni Tito Alberto!” balita Geneva sa kaniyang mga pinsan.Matapos kumalat ang balita sa pamilya ni Lazaro, ang bawat kamag-anak ay nabigla nang hindi masabi. Sa loob ng maraming taon, hindi pumunta ang matandang babae sa lugar kung saan nakatira ang kanyang mga anak.“Talaga?” paniniyak ni Felicia hindi pa rin makapaniwala.“Gusto talagang pumunta ni Lola sa bahay ni Anna.” Kibit-balikat na sambit ni Laura habang busy ito sa
‘Go home for dinner!’Ang apat na salitang iyon ay lubos na nagpagulo kay Yvonne. Pakiramdam niya tuloy ay namamalikmata siya. Kung hindi, paanong lalabas ang ganoong mga salita mula kay Senyora Rosario?“Mom, tama ba ang narinig ko? Pinapapunta mo si Esteban dito para maghapunan?” tanong ni Yvonne na gulat na gulat.Sa natural na ekspresyon, sumagot si Senyora Rosario, “Ano’ng nakakapagtaka roon? Gawin mo na lang ang inuutos ko.”Ganoon ang ugali ni Senyora Rosario sa kanilang tahanan—matapang at dominante. Para sa kanya, ang lahat ng ginagawa niya ay para sa kapakanan ng Montecillo family, kaya kahit ano pang desisyon ang gawin niya, panatag ang konsensya niya.Ngunit hindi sang-ayon si Demetrio. Hindi niya matanggap na papayagan ng lola niya si Esteban na bumalik. Katatapos lang niyang lumuhod at humingi ng tawad kay Esteban, at ayaw niya itong muling makita.“Grandma, hindi mo siya puwedeng papuntahin dito. Hindi ito bahay niya,” reklamo ni Demetrio.“Demetrio, huwag kang mag-alal
Narinig ang tatlong salitang iyon, halatang hindi natuwa si Elai. Sa antas ng pagtitipon ng Chamber of Commerce na ito, may maglalakas-loob bang sumalungat sa kanya?"Sa loob ng isang linggo, kaya kong burahin ang Montecillo family sa European shopping mall. Maniniwala ka ba?" malamig na sabi ni Elai.Sa narinig, maraming tao na may koneksyon pa sa Montecillo family ang agad na nagdesisyon na tapusin na ang ugnayan nila dito, upang hindi madamay sa gulo. Samantala, ang mga kalaban ng Montecillo family ay ngumingisi at halatang natutuwa.Kung ang Corpuz family ang tatapos sa Montecillo family, baka nga hindi na ito magtagal nang isang linggo.Nanggigil na si Senyora Rosario, at halata ito dahil sa pagkakakuyom ng kanyang kamao na namuti na. Plano sana niyang gamitin ang pagtitipon na ito upang makabangon ang Montecillo family, ngunit mas napasama pa ang sitwasyon nila.Ang lahat ng ito ay dahil kay Esteban."Montecillo family, paano kayo napunta sa ganitong kalagayan dahil sa isang wal
“Elai!”“Bakit nandito si Elai?”“Hindi ako namamalik-mata. Si Elai nga!”Nang makita kung sino ang nagsalita, marami ang napabulalas. Halos lahat ay nagulat sa pagdating ni Elai.Bilang isa sa mga pamilya na may pinakamalaking impluwensya sa Europa, ang Corpuz family ay kayang makipagsabayan sa buong Chamber of Commerce. Halos imposibleng makita ang isa sa tatlong pinakamalalaking pamilya sa ganitong pagtitipon.Pero ngayon, narito si Elai.Nakakagulat ito, ngunit nakaka-curious din kung bakit siya narito.“Ano raw? Sinong kaibigan ang tinutukoy niya?”“Parang... parang si Esteban ang kaibigan niya.”“Imposible!”“Hindi ba Esteban ang inutil na Montecillo? Paano siya naging kaibigan ni Elai?”Napatingin ang lahat kay Esteban na may halong pagkadismaya at hindi makapaniwala. Sa tingin nila, napakalayo ng estado ni Esteban sa estado ni Elai. Paano sila naging magkaibigan?Sa lahat ng naroroon, si Nick ang pinakanagulat. Ngayon lang niya naintindihan kung bakit kampanteng-kampante si Es
Nagulat si Nick sa matigas na ugali ni Senyora Rosario. Kahit alam niya na ang pangkalahatang sitwasyon ng pamilyang Montecillo at ang agwat ng pakikitungo ni Senyora Rosario sa magkapatid na Montecillo, hindi niya inakala na magiging ganito ka-lupit si Senyora Rosario. Para bang isa lang si Esteban na outsider sa kanyang paningin."Hindi ko inaasahan na totoo pala ang mga bali-balita, at mas malala pa kaysa sa inaakala ko," sabi ni Nick kay Esteban.Ngumiti lang si Esteban nang walang emosyon. Sanay na siya sa ganitong mga bagay kaya hindi na ito nakakasakit ng kanyang damdamin."Ito pa lang ang simula," sagot ni Esteban.Napabuntong-hininga si Nick at sinabing, "Kung talagang hahanapin niya ang presidente, mukhang magiging mahirap ito."Alam ni Nick na kaya niyang ipasok si Esteban sa Chamber of Commerce party, pero kung tatanggihan siya ng presidente, malamang na mapaalis ito, at wala nang magagawa si Nick."Hindi na kita magagawang protektahan kapag dumating ang presidente," sabi
Medyo nagtataka si Senyora Rosario sa sinabi ni Nick. Sino kaya ang sinasabi niyang kilala rin niya?Alam ni Senyora Rosario ang tungkol sa problema ni Nick. Pero sa lahat ng kakilala niya, sino ang may ganitong kalaking kakayahan para resolbahin iyon?At bakit sinasabi ni Nick ito sa kanya?Para magyabang ba?Parang hindi naman kailangan."Nick, hindi ko alam kung ano ang ibig mong sabihin?" deretsong tanong ni Senyora Rosario. Ayaw niyang mag-isip pa ng kung anu-ano, kaya mas mabuting itanong na lang nang diretso.Nakangiti si Nick, na para bang nagmamayabang. Alam niyang hindi agad maniniwala si Senyora Rosario kung sasabihin niya nang diretso. Sa huli, kahit paano tingnan, si Esteban ay itinuturing na walang silbi sa pamilya Montecillo. Sa lahat ng nakakakilala kay Esteban, isa lang ang naiisip nila kapag narinig ang kanyang pangalan—isang walang kwenta."Darating din siya maya-maya. Kapag nakita mo siya, maiintindihan mo." sagot ni Nick.Pinipigilan ni Senyora Rosario ang pagkain
Hindi nagmadali si Esteban bumangon. Alas-nuwebe na nang siya’y tumayo mula sa kama at saka dahan-dahang nagtungo sa banyo upang maligo. Unang araw niya ngayon na ipakilala ang sarili sa buong business circle ng Europa. Bagamat napakaimportante ng araw na ito, hindi niya gaanong binigyan ng halaga.Kasi kahit walang ganitong pagtitipon ng mga negosyante, alam niyang oras na lang ang kailangan para makilala siya sa Europa.Habang suot ang custom suit na hinanda ni Lawrence para sa kanya, tumayo si Esteban sa harap ng salamin. Sa kanyang bihis, naroon na ang karisma ng isang tunay na ginoo. Bata pa rin ang kanyang hitsura, ngunit ang tingin sa kanyang mga mata ay may lalim na hindi basta-basta makikita sa kaedad niya."Senora Rosario, magsisimula na ang iyong pagsisisi ngayon," mahinang sabi ni Esteban habang nakatitig sa repleksyon sa salamin. Ang ginagawa niya ay para ipamukha kay Senora Rosario ang kanyang pagkakamali. Alam niya na hindi ito magiging madali, dahil ang katigasan ng ul
Chapter 1226Dahil sa sobrang pagmamahal kay Demetrio Montecillo, bihirang magalit si Senyora Rosario sa kanya. Pero nang marinig niya ang sinabi nito, hindi na niya maitago ang kanyang galit.Sa mga oras na iyon, ang iniisip ni Demetrio Montecillo ay ang laro!Hindi ba niya nararamdaman ang banta at napapansin na ang kanyang posisyon ay nauuga ni Esteban?Sa harap ng mga malalaking pangyayari, ang iniisip pa rin niya ay laro—parang hindi na talaga siya magbabago.Pak!Sinampal ni Senyora Rosario si Demetrio Montecillo sa mukha.Hinding-hindi niya hahayaan na siya’y mabigo dahil kay Demetrio Montecillo; kahit pa nga wala itong silbi, sisikapin pa rin ni Senyora Rosario na magtagumpay siya.Hawak ni Demetrio Montecillo ang kanyang pisngi, hindi makapaniwala. Sinampal siya ng lola niya?Sa buong buhay niya, ni minsan ay hindi siya nasaktan. Kahit na nagkamali siya at nagalit sina Abrahan Montecillo at Yvonne Montecillo, lagi siyang pinagtatanggol ni Senyora Rosario. Alam niya na habang
Chapter 1225Para sa karamihan ng mga lalaki, malaking bagay na magkaroon ng mga babaeng magpapakita ng interes sa kanila. Ngunit si Esteban ay kakaiba—hindi niya hinahanap ang mga ganitong bagay, at ang maraming babae sa paligid niya ay nagdudulot lamang ng sakit ng ulo."Kung gusto mo, tulungan mo akong hadlangan ang mga 'peach blossoms' na ito," sabi ni Esteban kay Elai Corpuz.Nais ni Elai Corpuz na magkaroon ng ganitong pagkakataon. Bagaman siya ang batang amo ng pamilya Corpuz at bihirang makaranas ng paghihirap pagdating sa mga babae, may ilang hindi niya kayang makuha. Alam din niya ang kanyang kakayahan. Paano nga naman niya mapapalitan si Esteban sa paningin ng mga babaeng iyon?“Huwag mo akong biruin. Paano kita matutulungan? Sa mata ng mga babaeng iyon, ikaw lang ang nakikita. Ako? Parang wala lang,” sabi ni Elai Corpuz na may mapait na ngiti.Natuwa si Yvonne Montecillo sa narinig. Kung mismong si Elai Corpuz ay humahanga sa kagalingan ni Esteban, hindi ba’t sapat na iyon
Chapter 1223“Esteban, ano ang napag-usapan ninyo?” tanong ni Yvonne Montecillo kay Esteban sa daan pauwi, hindi mapigilang maging mausisa.Bagama’t alam ni Yvonne Montecillo na hindi siya dapat makialam, alam din niyang kaya ni Esteban na asikasuhin ang mga bagay na ito nang maayos. Ngunit ang pagiging mausisa ay likas sa tao, at hindi siya eksepsyon.“Inimbitahan niya akong pumunta sa Pamilya Santos,” sagot ni Esteban kay Yvonne Montecillo nang simple. Ayaw na niyang mag-aksaya ng oras sa pagpapaliwanag ng mga bagay na mahirap ipaliwanag.“Huwag!” Agad na nagseryoso si Yvonne Montecillo sa narinig.Sa kanyang pananaw, hindi mabuting tao si Liston Santos. Sa pagpunta sa Pamilya Santos, posibleng nakahanda na ang isang patibong para kay Esteban. Kung mahuhulog siya sa bitag, paano siya makakabalik ng buhay?“Bakit?” tanong ni Esteban.Tinitigan siya ni Yvonne Montecillo at sinabing, “Nagpapakabobo ka ba sa pagpunta sa Pamilya Santos? Obvious na patibong ito! Kung pupunta ka, palalayai