"Ruben, yosi?" Inihain ni Esteban ang isang kaha ng sigarilyo kay Ruben na siyang may-ari ng maliit na karinderya sa construction site na isa sa mga negosyo ng pamilya ni Anna.
Kumuha ng isa si Ruben habang nakangiting umiiling.
“Hindi ka ba nagsasawa sa ginagawa mo?" tanong nito at kumuha ng lighter sa bulsa sa sinindihan ang sigarilyong hawak.
Tuminhin ito sa kawalan. Bumuntong-hininga si Esteban at humithit ng sigarilyo saka pinaglaruan ang usok.
Sa loob ng tatlong taon, araw-araw ay lilitaw nang napakaaga si Esteban umulan man o umaraw sa likuran ng construction site. Makalipas ang ilang linggo ay nagkaroon ng hinuha si Ruben tungkol sa katauhan ni Esteban ngunit hindi niya ito sinabi sa lalaki.
Bawat pamilya ay may mga banal na kasulatan na mahirap bigkasin. Ang manugang na lalaki ng pamilyang Lazaro na ito ay itinuturing na b****a ng buong Laguna. Marahil ay ayaw niyang malaman ng iba ang tungkol sa kanyang tunay na katauhan.
"Bakit naman ako magsasawa kung masaya ako sa ginagawa ko?" Natatawang anas ni Esteban at sumulyap sa lugar kung nasaan si Anna. Kahit hirap na hirap sa trabaho ay pursigido ito. Biglang nakaramdam siya ng pagkainis ng makitang pinagtitinginan ito ng ibang kalalakihan roon.
Labis na hinahangaan ni Ruben si Esteban. Sa loob ng tatlong taon matapos nilang ikasal ay tahimik na nagmamasid si Esteban tuwing sasapit ang 4:30 ng hapon upang siguraduhing makakauwi ng ligtas ang asawa. Pinagmamasdan niya si Anna at pinakiusapan rin si Ruben na bantayan ang asawa.
"Kailan mo ba siya balak na sunduin mula sa trabaho at hindi nagtatago lang dito?” seryoso nitong sabi at humalukipkip.
Tumingin si Esteban sa pintuan ng kumpanya at ngumisi, "Hindi pa oras, Ruben."
“Hanggang hindi pa oras ay patuloy kang magtatago?” Kunotnoong tanong nito.
“Dahil kailangan…”
"Sa tingin ko hindi ka mukhang ordinaryong tao tulad ng inaakala ng karamihan. Bakit mas pinili mong manatili sa tahanan ng mga Lazaro?"
Sa kanyang mga mata, kakaiba si Esteban sa iba. Hindi niya masabi kung ano ang nararamdaman, iniisip lang ng ni Ruben na hindi siya dapat maging sayang sa mga taong iyon. Bawat kilos at takbo ng isip Esteban ay hindi mababasa nino man. Msayo itong maingat at misteryoso.
"Isa lang akong ordinaryong tao na madalas ay hindi makakain ng tatlong bess sa isang araw." Natatawang sabi ni Esteban.
"Alam mo kung ano ang ibig kong sabihin," nag-alinlangan sandal si Ruben.
"Nagtitiis ako ng napakaraming pangbabatikos. Kung mayroong babagsak ay hindi ako iyon dahil isa lang akong b****a sa pamilya ni Anna…” Ngumiti si Esteban. Bilang isang b****a at inabandunang anak, ipinikasal ni Don Placido sa kanyang apo. Gumuho ang mundo ni Anna nang ipakasal silang dalawa ngunit nanatili itong matatag. Kaya hindi siya pwedeng bumagsak dahil lang sa sinasabi ng mga tao sa kanya.
Sa mata ng karamihan tinitiis ni Esteban ang kahihiyan. Ngunit sa kanyang mga mata, si Anna ay mas maraming pinagdaanang pangkukutya kaysa sa kaniya.
"Ang sakit na nararamdaman ko ay walang halaga kumpara sa kaniya…" mahinang bulong ni Esteban at kinuyom ang kamao. Biglang bumalik sa malamig ang mga mata nito na hindi nakaligtas sa kausap.
Bumuntonghininga si Ruben at tinapik na lamang ang balikat. Hindi na nagbigay ng komento ng makitang alas singko na ng hapon.
Nang makitang paalis na si Anna sa trabaho ay nagpaalam na si Esteban gaya ng dati at sumakay sa lumang motorsiklo. Habang nanatiling nakatayo si Anna sa pintuan ng kumpanya hanggang sa mawala si Esteban. Sa loob ng tatlong taon, hinintay ni Esteban ang oras ng uwian ni Anna sa trabaho araw-araw. At hinihintay rin ni Anna na umalis si Esteban bago sumakay ng tricycle pauwi sa kanilang bahay.
Pagkarating pa lang ng bahay ni Anna ay sinalubong siya ng kanyang ina habang nasa tabi nito ang ama.
‘Marahil ay sinabi ni papa ang napag-usapan sa meeting kanina.’
"Anna, nababaliw ka na ba? Naisip mo na ba kung paano tayo mabubuhay sa oras na palayasin tayo ng Lola mo?” hestirikal nitong sigaw. "Hindi mo ba naisip na sine-set-up ka ng pinsan mong si Frederick upang tuluyan tayong palayin ng mga Lazaro?!” dagdag nito.
"Dahil hindi papayag si Lola na hatiin ang mana kay Papa hangga’t wala akong maiaambag sa pamilyang ito! Hindi ko na rin alam kung ano ang dapat kung gawin, Mama… Hanggang kailan ko ba dapat pagdusahan ang kasalanang hindi ko naman ginusto? Biktima rin po ako…”
Napaupo si Isabel sa sahig na agad na inilalayan ng asawa matapos marinig ang sinabi ng anak. Namutla ang kanyang mukha sa galit.
“Pero hindi mo kailangan sumang-ayon sa gusto nila. Hindi nila magagawa, kaya ikaw ang ipinag tulakan. Umpisa pa lang ay plano na nila ang alisin tayo sa kanilang pamilya na parang utang natin ang lahat sa kanila!” Umiiyak nitong sigaw.
Naguguluhan si Anna hindi niya alam kung tama bang sinunod niya ang payo ni Esteban sa kaniya. Masyadong komplikado ang haharapin niyang pagsubok dahil hindi lamang siya o si Esteban ang nakataya kundi pati ang buhay ng mga magulang niya.
‘Dahil sa pagpapakasal ni Papa kay Mama hindi ito nagustuhan ni Lola. Tapos ako ipinakasal kay Esteban ni Lolo na mas lalong ikinagalit ni Lola. Kaya kami ang itinuring na pinakamababang –uri sa pamilya dahil hindi kami pumili ng mayamang mapapangasawa na makakatulong sa kumpanya.’
.Sa oras na palayasin sila ni Donya Agatha ay wala silang makukuha kahit singkong duling o kahit na bahay na maaaring tuluyan.
"Ma, wala ho ba kayong tiwala sa akin?" tanong ni Anna.
Hinampas ni Isabel ang kanyang d****b, "Paano mo ako mapapaniwala sa iyo, ang mga kamag-anak ng pamilya ng Papa mo ang may masamang plano…”
‘Bakit?’ Tanong ni Anna sa sarili. Hindi niya alam kung bakit pumayag siya sa bagay na ito dahil sa mensaheng natanggap niya mula kay Esteban. Hindi sila nagkaroon ng maayos na pag-uusap sa loob ng tatlong taon. Inaalipusta niya ito ngunit buo ang tiwala niya sa asawa na hindi siya nito ipapahamak.
"Nay, dapat kang magtiwala sa kaniya, tiyak na magagawa ito ni Anna," sabat ni Esteban na kakarating lang. Dumeretso ito sa tabi ni Anna.
“At sino ka para sumali sa usapan? Ang kapal ng mukha mo! Anong kinalaman mo dito, kung hindi ka sumama sa pamilya namin, ang ganda-ganda ng anak ko, siguradong mapapangasawa siya ng isa sa mayamang pamilya, sinira mo ang buhay ng anak ko, ang buhay naming!” sumbat nito habang nanlilisik ang tingin.
Hindi nagsalita si Esteban at tinalikuran ang tatlo sa sala upang magluto ng hapunan. Kumuha siya ng baso at nilagyan ng tubig bago uminom.
"Paano ka nakasisigurong magagawa ko, Esteban?” Biglang tanong ni Anna na sumunod sa kusina.
Mabilis na pumihit si Esteban upang lingunin si Anna.
“Dahil may tiwala ako sa’yo,” malambing nitong saad.
Biglang namula ang pisngi ni Anna, "A-ano?"
Ngumisi lang si Esteban habang mataman niyang pinagmamasdan ang reaksyon ni Anna. Ni minsan ay hindi niya inasahan na magkakaroon sila ng ganitong pag-uusap. Humakbang siya papalapit kay Anna ngunit huminto ito ng makitang ang ina ay paparating.
Umuusok ang ilong ni Isabel ng may ma-realize ito.
“May kinalaman ka ba sa desisyon ng anak ko?!” nagtatakang tanong nito.
Biglang kinabahan si Anna dahil alam niyang kapag nalaman ng kaniyang Mama na si Esteban ang dahilan ng kaniyang pagpayag ay hindi ito matututwa. Tiyak niyang ipapahiya si Esteban ng ina at maaaring itaboy si Esteban palabras ng bahay.
Nakita ni Anna na ang dahan-dahang pag-awang ng labi ni Esteban na tila isang slow moa ang lahat.
"Ma, ganito po ang nangyari. Nagpasya ako at wala itong kinalaman kay Esteban," mabilis pagtatanggol ni Anna. Huli na ng ma-realize niya ang ginawa. Napakagat labi na siya at nag-iwas ng tingin sa ina.
Nagpalipat-lipat ang tingin ni Isabel kay Esteban at sa anak na kahit kailan ay hindi niya nakita ang ganitong ekspresyon. Namumula ang pingi at may tuwa ang mga mata.
“Mukhang nabighani kang talaga sa basurang ito at naniniwala ka sa pinagsasabi niya. Nababaliw ka na.” Ismid ng ina sa kaniya.
Mahigpit na hinawakan ni Isabel ang balikat ng anak, “Gumising ka, Anna. Hindi ang tipo moa ng magmamahal sa isang b****a at walang kwentang lalaki!”
“M-ma, nasasaktan ako…” Pilit na inaalis ni Anna ang kamay ng ina sa kanyang balikat.
Hindi nakatiis si Esteban sa nakikita. Nging malamig ang ekspresyon nito ng makitang nasasaktan ang asawa sa kamay ng sariling ina. Hinablot niya ang pulso ni Isabel at marahas na inilayo kay Anna.
“Anong klase kang ina para saktan ang sarili mo anak?” Nanggagalaiti nitong sambit. “At wala ka ring tiwala sa kakayahan niya?” patuloy nito.
Hindi makapaniwla si Isabel sa nasaksihan. Sa loob ng tatlong taon ay hindi niya ito nakitang nagreklamo ngunit ngayon ay mahigpit ang pagkakakapit nito sa kanyang pulso na ano mang oras ay mababali. ‘Kailan pa natutong manlaban ang basurang ito?’
"Pakawalan mo ako, hayop ka! Wala kang karapatan ang isang tulad mong magsalita sa pamilya namin!” bulyaw nito at patuloy na kumawala.
Malamig na tiningnan ni Esteban si Isabel, hindi binibitawan. Ito ang unang pagkakataon na napakalakas niya sa pamilyang Lazaro.
Sa pagtingin ni Esteban sa mga mata ni Isabel ay bigla siyang nakaramdam ng kaunting guilty. Isa lang itong inang naghahangad ng mataas na pangarap para sa anak.
Nakita ni Alberto na may mali kaya dali-dali siyang lumapit.
“Esteban, bitawan mo si Isabel. Hindi masosolusyunan ang problema ng isa pang problema,” seryosong suway ni Aberto sa manugang.
“Esteban…” Hinaplos ni Anna ang likuran ni Esteban at saka lang nito binitawan si Isabel.
“Magluluto na ako,” malumanay sa sambit ni Esteban kay Anna at mabilis na lumihis ng tingin.
Nagngitngit ang ngipin ni Isabel habang tinitingnan ang namumulang pulso. Hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari.
“Hindi pa tayo tapos. Gagawin ko ang lahat mapatalsik ka lang sa pamamahay na ito,” paghahamok nito.
“Ma, tama na!” sita ni Anna sa ina.
Nanlaki ang mata ni Isabel sa sigaw ng anak. Sinisisi niya si Esteban dahil marunong ng manlaban si Anna.
Hindi pumunta si Isabel sa mesa sa oras ng hapunan. Maraming sinabi si Alberto sa dalawa tungkol sa negosyo ng mga Montecillo. Labis siyang natatakot dahil kung hindi magagawa ni Anna ang pagsubok ay hindi niya alam kung saan sila pupulutin. Kailangan nila ang kayamanan ng mga Montecillo.
Pagkatapos ng hapunan, naligo si Esteban at bumalik sa silid upang hanapin si Anna na nakaupo sa kama, diretsong nakatingin repleksyon sa salamin.
Bumuntonghininga si Esteban bago nagsalita, "Kaklase ko ang boss ng Desmond Estate Corporation."
"Oh!” simpleng tugon ni Anna at hindi na nagpatuloy sa pagtatanong kahit na naguguluhan. Paanong nagkaroon ng kaklase si Esteban na galing sa isang kilalang pamilya kung mahirap lang ang asawa? Tanong niya sa sarili. Sinulyapan niya si Esteban habang inaayos ang sariling higaan sa sahig sa paanan ng kama. Sa loob ng ilang taon nilang pagsasama ay hindi ito kalian nagtangkang hawakan siya kahit na responsibilidad niya iyon bilang asawa.
Humiga siya sa kama at tumitig sa kisame. Biglang nag-flash sa utak niya ang nangyari. Kung paano nag-iba ang reaksyon at ugali ni Esteban ng makita siyang sinasaktan ng ina. Natatandaan niya ang malamig nitong titig na tila isang mabangis na hayop sa kagubatan. ‘May nararamdaman kaya siya para sa akin? Alam kong narinig niya ang sinabi ko, na mahal klo siya. Ngunit hindi niya sinabing mahal niya rin ako.’ Biglang sumakit ang kanyang puso sa isiping siya lang ang nahulog sa kanilang dalawa.
"Huwag mo na akong bantayan at hinatyin sa likod ng kumpanya,” untag niya at nagtabun ng unan sa kanyang mukha.
Nagulat si Esteban sa sinabi ni Anna dahil hindi niya inaasahan na alam ng asawa ang ginagawa niya sa loob ng tatlong taon at wala itong sinasabi. “Sige…”
Napakagat labi siya sa sagot ng asawa. Naghahangad siya ng paliwanag kung bakit niya ito ginawa para sa kanya. Palagi niyang iniisip na maaari niyang hiwalayan si Esteban nang walang kahirap-hirap, ngunit nang banggitin ito ng ina kahapon ay napagtanto niya na hindi niya ito magagawa. Iniisip niya pa lang ay parang tinutusok ng milyong-milyong karayom ang puso niya. Itong lalaking ito, kahit gaano siya kawalang kwenta tatlong buong taon na siyang nasa tabi niya at hindi siya iniwan. Marami siyang nasabing masasakit na salita ngunit wala siya narinig sa asawa. Kahit gaano pa kalala ang mga komento sa kanya ng mga tao, gaano man kalamig ang pakikitungo nito sa kanya, lagi itong nakangiti ng matamis sa harap niya. Na-realize niyang hindi siya pusong bato dahil si Estaban ang tinitibok nito.
“Sunduin mo ako sa harapan ng kumpanya at huwag kang magtago sa likuran…" paos niyang sermon.
Parang tinamaan ng kidlat si Esteban habang nakatingin sa likod ni Anna na nakatagilid. Unti-unting naging puno ng kaligayahan ang kaniyang ang puso.
Hindi nakita ni Anna ang ekspresyon ni Esteban, at hindi niya narinig ang sagot ni Esteban makalipas ang ilang minute.
"Kung ayaw mo, kalimutan mo na lang,” naiinis nitong babala.
Napaupo si Esteban at tuwang-tuwa dahil sa tono ng boses ng asawa. “Y-yes, I do. I mean… s-sige, susunduin k-kita.”
Ramdam ni Anna ang pananabik ni Esteban at bahagyang natawa ng mautal ito. Bumalik sa kaniyang alaala ang tatlong taong lumipas kung paano niya trinato si Esteban. Naninikip ang kanyang d****b sa isiping mag-isa nitong tinitiis ang lahat ng masasakit na salita mula sa kanyang pamilya, magulang at sa kanya. Naramdaman niya ang mainit na luha galling sa kanyang mga mata.
"Itong tatlong taong nakalipas, pasensya na… Esteban."
Sa sumunod na araw, nagmemeeting ang pamilyang Lazaro at sakop ng buong confession room ang malakas na tawa ni Frederick."Anong nakakatawa, Fred? May kailangan ka bang sabihin sa amin?" tanong ng isang pinsan niya, lahat ng kamag-anak nito ay nakatingin sa kanya at inaantay siyang magsalita."Paano ba naman kasi, itong si Anna magpapahatid kay Esteban eh ano namang susuotin ng basurang iyon? Nakakahiya, at kapag nakita iyon ng may-ari ng kompanya. Panigurado, hindi tatanggapin ang offer dahil may kasama siyang basura." Malakas siyang tumawa at ganoon din ang iba, sumang-ayon sa sinabi ni Frederick.Iniisip niya na kung makita ng may-ari ay mapapahiya si Esteban kasama na si Anna at sa pamamagitang iyon, magiging palpak si Anna makipag-ugnayan sa kompanya. Lilipat kay Frederick ang oblgiasyon kapag nangyari iyon, siya ang papaboral ng Lola nila at higit sa lahat, mawawala sa landas ng pamilya nila si Esteban, matagal na niyang gustong mawala si Esteban kaya guma
Panibagong araw panibagong meeting na naman ng angkan ng Lazaro. Pinag-uusapan nila ang ibinigay nilang mission para kay Anna at kahit isa sa kanila walang naniniwala na magagawa ni Anna."Ipupusta ko ang magiging position ko dito sa kompanya, hindi niya magagawang papirmahin ang Desmond Corp.""Tama, paniguradong magagalit si Lola sa kanya. Tama ba, Frederick?" Natigil si Frederick kakaisip nang banggitin ang pangalan niya, ngumisi siya sa kanila at sumang-ayon sa mga sinasabi."Tama, at mapapatakwil na sila sa pamilya lalo na ang Esteban na iyon." Kinuyom niya ang mga kamo na tila ba nanggigil.Hindi talaga mawawala sa buhay niya ang galit kay Anna at kay Esteban, wala namang ginagawa ang tao sa kanya ngunit kung umasta ay parang may malaking kasalanan sa kanya sina Anna at Est eban.Natigil ang kanilang pag-uusap nang bumukas ang pinto ng conference room, tumayo silang lahat upang magbigay galang sa matandang Lazaro na kakarating lan
"Lola, sigurado akong hindi kakayanin ni Anna. Paano kaya kung ako na ang makipag-ugnayan sa kompanya nila?"Panibagong araw, nakipag-usap si Frederick at ang kanyang ama na si Francisco."Si Anna ang nakipagsundo at sa kanya ang pirma, siya pa rin ang kakausap." Apila ng kanyang Lola.Gusto ni Frederick na siya na ang kakausap sa Desmond Corporation dahil ayaw niyang makuha ni Anna ang sa tingin niyang para sa kanya."I'll make sure to you, this will be successful kung ako na po. I mean, Anna can't do it for sure dahil wala naman siyang history sa negosyo. Paano kung sa pagpirma lang naging okay pero pagdating sa ibang bagay magiging palpak siya. Lola, iniisip ko lang din ang kapakanan ng kompanya natin. This is a big opportunity we can't lose." Mahabang wika niya."Lola, sigurado akong hindi kakayanin ni Anna. Paano kaya kung ako na ang makipag-ugnayan sa kompanya nila?"Panibagong araw, nakipag-usap si Frederick at ang kanyang ama na si F
"Sino ’yon?" tanong ni Anna kat Esteban pagkatapos ibaba ang cellphone sa lamesa."Pinsan mo, siguro pinatawag ka ng iyong Lola. Ang sabi ng kaklase ko'y hindi siya pumayag na hindi ikaw ang naroon.""Talaga?" Akmang tatayo si Anna nang pigilan niya ito, kumunot naman ang noo ng dalaga. "Bakit? Aalis na ako kung ganoon, pupuntahan ko si Lola.""May sakit ka, Anna." Maotoridad na banggit ni Esteban."Maayos ako, Esteban.""Makinig ka." Huminto si Esteban sa pagsasalita at tiningnan sa mata si Anna, "Hayaan muna natin na hindi ikaw ang lalapit sa kanila. Hindi mo ba naisip na kapag nadala mo si Flavio sa kompanya ninyo, kukunin ulit ni Frederick ang pagkakataong agawin sa'yo ang proyekto. Kilala ko ang kaklase ko, Anna. Isa rin siyang suwail at matigas pagdating sa ganitong bagay, let them beg to you to comeback."Hindi maintindihan ni Anna ang mga sinasabi ni Esteban pero isa lang ang natitiyak niya, tama si Esteban. Hindi dapat na nagp
"Hayop ka, ang kapal ng mukha mong babaan ako ng telepono!" Akmang susuntokin ni Frederick si Esteban nang agad itong makaiwas. Napasuntok ulit sa hangin si Frederick ngunit sa pangalawang pagkakataon, nakaiwas ulit si Esteban at siya na mismo ang sumuntok kay Frederick. Nagulat naman si Francisco sa nangyari, nawalan ng balanse ang ang anak at dumugo ang labi. "How dare you to hurt my son!" Sinugod niya si Esteban at bilang isang magaling din sa karate ang binata, nakaiwas ito. Hinuli niya ang kamay ng matanda at nilagay sa likod nito. "How dare you to come here, old man?" Nanlaki ang mga mata ng mag-ama nang sabihin iyon ni Esteban. Hindi nila inakala na kakalabanin sila ng isang b****a. Matagal na rin namang nagtitimpi si Esteban sa pagtatrato ng mga tao sa kanya, sadyang ginagawa niya lang na huwag pumatol dahil kay Anna. Kung tutuosin, kaya niyang labanan lahat ng nang-aapi kanya ngunit naisip niya rin na sayang sa oras niya. Ang dahi
Chapter 11Ang pinakamalalim na hangarin ni Isabel ay humanap ng paraan para mapaalis si Esteban sa pamilya ng Lazaro. Galit na galit siya dahil tinulungan ni Anna si Esteban na ipagtanggol ang sarili at tinanggap nito ang kaniyang kasal kay Esteban. Hindi niya kayang paniwalaan ang desisyon ni Anna."Anna, sinasabi ko sa iyo... hindi mo pwedeng mahalin ang basurang ‘yan. Wala siyang magandang maidudulot sa buhay mo! Look at me, I will be your lesson!” angal ni Isabel.Sa loob ng tatlong taon hindi ipinakita ni Anna ang tunay niyang nararamdaman upang maprotektahan ang sarili at asawa. Hindi niya hihiwalayan si Esteban kahit hindi siya tinulungan ni Esteban na makuha ang kontrata sa Desmond Estate Corporatio
“Nakalabas na si Lola! Pupunta daw siya sa bahay ni Tito Alberto!” balita Geneva sa kaniyang mga pinsan.Matapos kumalat ang balita sa pamilya ni Lazaro, ang bawat kamag-anak ay nabigla nang hindi masabi. Sa loob ng maraming taon, hindi pumunta ang matandang babae sa lugar kung saan nakatira ang kanyang mga anak.“Talaga?” paniniyak ni Felicia hindi pa rin makapaniwala.“Gusto talagang pumunta ni Lola sa bahay ni Anna.” Kibit-balikat na sambit ni Laura habang busy ito sa
Chapter 13Nag-organisa si Donya Agatha ng isang maliit na pagdiriwang para kay Anna tulad ng ipinangako niya, at naroon ang lahat ng mga kamag-anak ng pamilya sa mansion.“Sit here beside me, Hadrianna,” ani Donya Agatha.“Yes po, Lola.”Marahang umupo si Anna sa kaliwang bahagi ng mahabang lamesa habang nasa centro naman si Donya Agatha. Napatuwid ng upo si Frederick na nasa kanang bahagi, hindi nagustuhan ang sinabi ng kaniyang Lola ngunit hindi siya umapila.&
Chapter 1212Nakikita ang pagkakawalang-dangal ni Handrel sa harap ni Brooke Quijano, hindi natuwa si Domney Del Rosario. Sa huli, si Brooke Quijano ay hindi si Esteban kundi isang karaniwang babae lamang. Hindi siya karapat-dapat na maging mapangahas sa harap ng pamilya Del Rosario.Ngunit dahil alam niyang nasa likod niya si Esteban, kahit na hindi siya masaya, tinanggap na lang ni Domney Del Rosario ang sitwasyon."Gumawa tayo ng kasunduan. Ito ang pagkakataon para baguhin ang buhay mo. Magkano ang gusto mo?" tanong ni Domney Del Rosario kay Brooke Quijano. Hindi niya maisip na makatatanggi ang isang tulad ni Brooke Quijano sa pera, kaya't ang pinakamadaling paraan para masolusyonan ang problema ay sa pamamagitan ng pera.Isang ordinaryong babae lamang si Brooke Quijano. Mahi
Chapter 1211Sa OspitalDahil dito, nagkaroon si Brooke Quijano ng kaunting trauma sa kanyang isipan. Sa katunayan, ilang araw na siyang pinahirapan. Ang matinding takot at presyon sa kanyang puso ay halos nagdala sa kanya sa punto ng pagbagsak. Sa kabutihang palad, ang agarang pagdating ni Esteban ay nagbigay kay Brooke Quijano ng pakiramdam ng kaligtasan, na iniwasan ang mas malalalang kahihinatnan.Ngunit tuwing isinasara ni Brooke Quijano ang kanyang mga mata, ang eksena ng kanyang pagdurusa ay patuloy na bumabalik sa kanyang isipan. Sa tuwing sumisilip ang mukha ni Handrel sa kanyang alaala, nanginginig siya sa takot.Sa kabutihang palad, si Elai Corpuz ay naghanap ng taong mag-aalaga kay Brooke Quijano. Sa tuwing natatakot si Brooke Quijano, may maririnig siyang banayad na mga salitang nagpapatahan sa kanya, at sa ganoon ay napapakalma ang kanyang pakiramdam.Ngunit nang pumasok si Handrel sa silid, tuluyan nang sumabog ang emosyon ni Brooke Quijano."Ano'ng gusto mo? Huwag kang
Chapter 1210Hindi alam kung paano patagilid si Esteban, kaya’t tanging ang karaniwang pamamaraan ng mga magulang sa pagdidisiplina sa anak ang tanging magagawa niya.Siyempre, si Handrel ay spoiled ni Domney Del Rosario. Kahit na may mga pagkakamali siya, hindi maglakas-loob ang kanyang mga magulang na magsalita laban sa kanya. Wala ni isa man sa pamilya Del Rosario ang mangahas magsabi ng masama kay Handrel, maliban kay Domney Del Rosario.Kaya, sa ilang mga aspeto, ang ugali ni Handrel ngayon ay bunga ng labis na pag-aaruga ni Domney Del Rosario, at ang ina ni Handrel ay hindi kailanman tunay na nagturo o nagdisiplina sa kanyang anak.Ayon nga sa kasabihan, ang pinakamagandang paraan para maturuan ang mga anak ay ang parusahan sila.Naglakad ang kaniyang ina na si Hillary patungo kay Handrel at bigla itong binigyan ng malakas na sampal sa mukha.Ito ang unang pagkakataon na binigyan ng sampal si Handrel sa tunay na kahulugan. Karaniwan ay humihingi siya ng tulong kay Domney Del Ros
Chapter 1209Ang galit ng pamilya Del Rosario ay parang matigas at walang buhay.Simula nang dumating si Esteban, parang napapalibutan ng madilim na ulap ang buong pamilya Del Rosario.Walang sinabi si Esteban, kaya't lahat ng miyembro ng pamilya Del Rosario ay hindi makagalaw.Pati na rin si Domney Del Rosario, ang pinuno ng pamilya, ay nakaramdam ng hindi maipaliwanag na takot sa oras na iyon.Maraming miyembro ng pamilya Del Rosario ang hindi maintindihan kung bakit si Domney Del Rosario, na sanay sa laban at pamumuno sa paraang marahas, ay natatakot sa isang batang labing-apat na taong gulang ngayon.Ngunit si Domney Del Rosario ay mayroong malinaw na pag-unawa. Sa mga mata ni Esteban, ang pamilya Del Rosario ay wala lang. Kaya niyang wasakin ito ng madali."Naalala ko, sinabi ko na hindi ko aantingin ang pamilya Del Rosario, pero ang kundisyon ay hindi kami ang unang mang-aaway," matagal na sinabi ni Esteban.
Chapter 1208Ang mga salita ni Esteban ay naghalo-halong damdamin kay Brooke Quijano. Malupit at walang kaluluwa pa rin siya, walang anumang pag-aalala o pagpaparaya."Umalis ka na," sabi ni Brooke Quijano."Magpahinga ka," limang salitang iniwan ni Esteban bago tuluyang umalis.Para kay Brooke Quijano, ito'y parang isang ilusyon. Hindi niya inaasahan na talagang aalis si Esteban!Para kay Esteban, ito na ang pinakamagandang resulta. Hangga't buhay si Brooke Quijano, hindi mahalaga ang mga sugat. At maaari niyang hilingin kay Elai Corpuz na maghanap ng paraan para magbigay ng kompensasyon. Bagamat hindi kayang lutasin ng pera ang lahat ng problema, ito ay may malaking tulong sa mga ganitong sitwasyon.Dahil hindi kayang punan ni Esteban ang lahat ng ito gamit ang emosyon.Pagbaba ni Esteban mula sa ospital, nakita niya si Elai Corpuz na may kasamang isang middle-aged na babae. Tila siya ang taong ipinadala ni Elai Corpuz
Chapter 1207Ang matinding sakit sa kanyang mukha ay nagpapaalala kay Handrel na talagang galit si Domney Del Rosario ngayon.Mula pagkabata, pinalaki siya ni Domney Del Rosario nang may labis na pagmamahal. Hindi lamang siya hindi pinapalo, kundi hindi rin siya pinagsasabihan nang malakas.Ngunit ngayon, ang malakas na slap sa kanyang mukha ay naging daan para ma-realize ni Handrel kung gaano siya kasuwail at kung gaano kahalaga si Esteban kay Domney Del Rosario.Kahit na siya ay apo ni Domney Del Rosario, hindi siya makaka-kumpara kay Esteban!"Lolo, mali ako. Alam kong mali ako. Patawarin niyo po ako," umiiyak na sabi ni Handrel kay Domney Del Rosario.Pinagkagat ni Domney Del Rosario ang kanyang mga ngipin. Hindi ganun kadali para kay Handrel na mag-sorry lang at magtulungan. Bagamat nais niyang tulungan ang apo, nakasalalay pa rin sa reaksyon ni Esteban.Mabilis na dumaan si Esteban sa tabi ni Handrel at pumasok sa living room.Doon, nakita niya si Brooke Quijano, nakaupo sa sahi
Chapter 1206"I have a friend who is missing. It is very likely that Handrel did it. She retaliated against my friend for Eryl Bonifacio," said Esteban.Ang mga salitang ito ay nagpabilis ng tibok ng puso ni Domney Del Rosario. Kung totoo ito, malaki ang magiging pagkakamali ni Handrel!Ngayon, si Esteban ang pinakamahalagang tao na nais makuha ni Domney Del Rosario. Kung magkakaroon ng lamat ang relasyon ng pamilya Del Rosario kay Esteban dahil dito, hindi na ito kayang ayusin ng pamilya Del Rosario.Mas mahalaga, para sa isang inutil tulad ni Eryl Bonifacio, hindi karapat-dapat magbayad ng ganitong malaking presyo."Mapapalakas ang loob mo. Kung si Handrel ang may gawa ng lahat ng ito, bibigyan kita ng isang tamang paliwanag," sabi ni Domney Del Rosario, na parang kinakagat ang kanyang mga ngipin.Bagamat si Handrel ang paborito ng Domney Del Rosario na kabataan, hindi siya magpapakita ng awa sa harap ng ganitong malaking isyu. Dapat mong malaman na lumaki siya sa matinding kalagaya
Chapter 1205Pumunta ang dalawang tao at isang linya sa wasak na komunidad. Nang makita ni Yvonne Montecillo ang hitsura niyang nag-aalala, tila talagang may malasakit siya sa kaligtasan ni Brooke Quijano, at ito'y nagbigay ng hindi kapanipaniwala kay Esteban.Paano nga ba naging ganito ang relasyon ng dalawa?Hindi maunawaan ni Esteban ang nararamdaman ni Yvonne Montecillo dahil hindi siya nasa posisyon ni Yvonne Montecillo.Para kay Yvonne Montecillo, si Brooke Quijano ay isang tunay na kaibigan. Sa nakaraan, ang mga kaibigan ni Yvonne Montecillo ay mga tao na nakipagkaibigan sa kanya dahil sa mga interes. Sa madaling salita, ang mga kaibigang iyon ay nakipagkaibigan sa kanya dahil sa mga kapakinabangan. Sa isang paraan, hindi sila tunay na mga kaibigan.Ngunit si Brooke Quijano ay iba. Wala sa kanilang usapan ang mga interes, at ang kanilang pagkakaibigan ay hindi batay sa pera o anumang materyal na bagay. Para kay Yvonne Montecillo, si Brooke Quijano ang kanyang unang tunay na kai
Chapter 1204"Hindi ko in-expect na matutunton ako niya," sabi ni Claude na may kabuntot na buntong-hininga. Nang magretiro siya mula sa mundo, halos tinapos niya ang lahat ng ugnayan sa labas. Pumili siya ng matinding bundok at sinaunang kagubatan upang magtuon sa pagpapalaki kay Noah Mendoza, ngunit hindi niya akalain na madidiskubre siya ni Liston Santos."Walang makakatakas sa mga bagay na gustong malaman ng may-ari," sagot ni Mariotte Alferez nang malamig.Tumango si Claude. Talaga namang kahanga-hanga ang impluwensiya ni Liston Santos. At mula nang mangako siya kay Liston Santos noon, wala na siyang dahilan upang tumanggi ngayong natagpuan siya.Tumingin siya sa kunehong kinakain niya, at nagtanong, "Ano ang gusto niya na ipagawa sa akin?""Magho-host ang Europe ng Wuji summit. Nais niyang dumalo ka," sagot ni Mariotte Alferez."Wuji summit?" nagulat si Claude. Bilang isang martial artist, kilala niya ang Wuji summit, ngunit hindi niya maintindihan kung bakit ito ang dahilan na