Share

Chapter 2

last update Terakhir Diperbarui: 2021-12-28 18:09:55

Tumingin sila sa kakarating lang na matanda, si Senyora Rosario.

Simula noong namatay ang matandang Lazaro, ang Lolo nilang si Senyora Rosario na ang kumontrol sa lahat. Lahat ng desisyon ng angkan lalo na pagdating sa negosyo ay dapat munang dumaan sa kanya. Maraming may gustong mawala ang matanda ngunit animo’y isa itong masamang damo, malakas pa at alam na alam pa ang nangyayari sa paligid niya kaya marami ring takot na kalabanin siya. Wala pa ni isa ang nagtagumpay na pagbagsakin ito dahil alam nila kung kakalabanin nila ito, sila lang din ang mapapahamak.

“Lola…” bati ng mga apo nitong nakalinya na kasama ang kanilang mga pamilya.

“Lola, si Frederick. Mukhang bibigyan ka pa ng pekeng designer bag,” si Anna ang nagsalita na may kaba sa d****b. Tumingin siya kay Frederick nang hawakan nito ang kamay niya.

Kumunot naman ang noo ng matanda at nagtataka sa sinabi ng kanyang apo na si Anna. 

“Lola, don’t believe them. Alam mo namang hindi kita bibigyan ng mga cheap na bagay,” mabilis na saad ni Frederick, pinipigilang ipakita sa mga tao ang labis na kaba. Sa oras na malaman ng kanyang Lola niya na totoo ang sinasabi nina Esteban at Anna, tiyak na magagalit ito. 

“Sinong nagsabi niyan?” tanong ng matanda. 

Tinuro naman ng iilan si Esteban na seryoso lang na nakatingin sa matanda. Malakas ang loob niyang tama siya at papanigan siya ng matanda. Ito rin ang sa tingin niyang dahilan para matanggap siya ng pamilya. Ganoon din si Anna, umaasa siya na kung totoo man ang sinabi ng asawa niya at mapaniwala ang kanyang Lola, tatanggapin na nila si Esteban.

Kahit naman sa loob ng tatlong taon nilang kasal sa papel at pagsasama, may pake pa rin naman siya sa asawa. Hindi niya lang pinapakita.

“Totoo ba?” seryosong tanong ng matanda kay Esteban habang nakatingin ito sa kanya, dahan-dahan namang tumango si Esteban. “Let me see,” saad ng matanda at kinuha ang bag.

Kinabahan na si Frederick dahil kumunot ang noo ng kanyang Lola habang sinusuri ng mabuti ang regalong dala niya. Nagdadasal na rin sa kanyang isipan si Anna na sana totoo nga ang sinabi ni Esteban. Lumingon siya sa asawa na ngayo’y wala namang nababakas na kaba sa mukha na siyang ipinagtaka ni Anna.

‘Totoo ba talagang may alam siya?’ tanong nito sa kanyang isipan.

“What are you talking about? This is real.” Natahimik ang lahat at tanging pagsinghap ang narinig mula sa kanila. Nagulat naman si Esteban sa narinig mula sa matanda. “Sinisiraan mo ba ang aking apo? Anong karapatan mong gawin iyon! Isa ka lang sampid sa pamilyang ito...”

“L-lola, tingnan niyo po nang mabuti. Sigurado akong hindi ito totoo---”

“Are you saying that I am too old? Hindi pa ako bulag para hindi ko malaman ang totoo sa imitation.”

“P-pero…”

“Wala ka talagang kwenta!” Humarap siya kay Anna nang sumigaw ito. “Akala ko pa naman may maibubuga ka kahit simpleng bagay lang, pinapahiya mo lang ako at ang pinsan ko!” Hinampas niya si Esteban na ininda lang din ang sakit ng palad ni Anna.

Palihim na ngumisi si Frederick dahil sa nasaksihan ngunit siya rin ay nagtataka kung bakit iyon ang nakita ng kanyang Lola. Malabo na nga ba ang mata nito o iniligtas lang siya mula sa kahihiyan?

“Mag-sorry ka kay Frederick. Wala kang karapatang ipahiya ang kahit sino sa pamilya ko dahil isa ka lang b****a rito,” saad ng matanda.

Hindi na siya nasaktan sa sinabi nito dahil sanay naman siya ngunit nakaramdam siya ng kirot nang makitang tumulo ang luha ng kanyang asawa na si Anna. “N-nakakahiya ka…” Gusto niyang yakapin ang asawa ngunit umatras ito.

“S-sorry…nagkamali ako.” Umiling si Anna nang lumapit si Esteban sa kanya.

“Kay Frederick ka mag-sorry,” mariing saad ni Anna.

Labag man sa loob ni Esteban ang nangyari, lumingon siya kay Frederick na ngayo’y nakangisi na sa kanya. Tumingin siya sa matanda na walang emosyong nakatingin din sa kanya. Alam niyang nagsisinungaling lang ang matanda. Kung dahil sa katandaan o kalabuan ng mata kung bakit niya iyon nasabi, naiintindihan niya ngunit kung ginawa ng matanda iyon para sa apo niya, siguro nga hindi niya na dapat ipagsiksikan ang sarili na magustuhan ng pamilya ni Anna. 

Dahan-dahan siyang lumapit kay Frederick. 

“Sa tingin mo ba kakampihan ka ng Lola ko? Huwag ka ng umasa dahil sampid at b****a ka lang dito na dapat nang itapon,” bulong ni Frederick sa kanya.

“Pasalamat ka, mahal ka ng Lola mo.” Nagulat si Frederick sa ibinulong ni Esteban. “Kasi kung hindi, baka sa labas ka na rin pinag-pipyestahan ng mga bangaw at lamok.” 

Lumunok si Frederick. Hindi niya akalain na masasabi iyon ni Esteban na isang b****a lang sa kanyang paningin. Mas lalo siyang nainis sa binata at mas lalong lumala ang kagustuhan nitong patalsikin si Esteban mula sa kanilang pamilya.

“I’m sorry, Frederick. Hindi na mauulit,” seryosong saad ni Esteban sa kanya.

Bumalik siya sa pwesto kung nasaan si Anna. “Sampalin mo na ako,” sabi niya sa asawa.

“Huwag ka nang umasa na magugustuhan ka ng pamilya ko, Esteban. Dahil sa mata nila at sa mata ko, isa ka lang b****a na dapat linisin balang araw. Don’t worry, hindi naman tayo magtatagal pa lalo dahil mawawalang bisa na rin ang kasal natin,” mahabang sabi ni Anna.

“Anna…” Huminto si Anna sa pagtawag ni Esteban sa kanya, “alam mong ikaw lang ang mayroon ako. Ikaw lang magpapabago sa akin,” dagdag niya pa. 

Umiwas ng tingin si Anna sa asawa, pinilit niyang huwag maluha dahil sa sinabi ng asawa niya.

Simula pa naman noon, sinabi na ng kanyang Lolo at Ama niya na huwag maliitin si Esteban at siya lang ang magpapabago sa binata ngunit wala naman siyang alam kung sa paanong paraan iyon. Kinasal siya sa lalaking hindi niya kilala ng lubusan. Kahit gaano man niya kagustong hiwalayan ito ay hindi niya magawa dahil iyon ang huling habilin sa kanya ng kanyang Lolo.

“Senyora! May nagpadala ng regalo!” habol hiningang sigaw ng isang lalaki, agad naman napunta ang atensyon ng lahat doon maliban kay Esteban na tahimik lang na nakaupo sa mesa.

“Kanino galing?”

“Montecillo raw po.” Bakas sa mukha ng lalaki ang pagtataka at ng iilan nang marinig ang pangalang iyon. Hindi nila mawari kung bakit magpapadala ang Montecillo ng regalo gayong hindi naman nila ito kasosyo sa kumpanya. 

Lumingon naman si Anna kay Esteban na wala pa ring reaksyon nang narinig niya ang pangalang Montecillo. Naalala niya ang sinabi ng kanyang Lolo. May koneksyon si Esteban sa mga Montecillo ngunit bakit wala man lang itong sinasabi? Si Anna lang ang nakakaalam ng bagay na iyon. 

“Montecillo.” Napahinto si Esteban at dahan-dahang umangat ang ulo para tingnan kung tama ba ang narinig niya mula sa asawa. “Kilala mo ba ang mga Montecillo?” dagdag na tanong nito.

Kinabahan si Esteban sa biglaang pagtatanong ng kaniyang asawa ngunit hindi niya ito pinahalata. “Narinig ko lamang ang pangalan sa tabi-tabi ngunit hindi ko kilala. Bakit?” 

Napailing si Anna.

‘Sinungaling,’ sa isip nito.

Komen (5)
goodnovel comment avatar
Ayan Bonayos
nice story
goodnovel comment avatar
Lowie Andrew Lozada Astellero
nice like darrly darby
goodnovel comment avatar
Marlene Grafiel
i love the story
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

  • Her Hidden Billionaire Husband   Chapter 3

    Kinuha ni Estrella, isa sa mga apo ni Donya Agatha, ang listahan ng mga regalo na nagmula sa pamilya ng mga Montecillo. Nanlaki ang mata nito habang nanginginig ang kamay nang makita kung ano ang mga regalo."Beach Resort…" aniya. “At may titulo!”"Susi ng isang Bugatti La Voiture Noire..."Habang nakikinig sa listahan ng mga regalo ay hindi maiwasan na magtinginan ng mga taong naroon. Paanong hindi? Ang mga regalo para kay Donya Agatha Lazaro ay tila regalo sa babaeng ikakasal noong sinaunang panahon.“And cash gift… 500 million,” hindi makapaniwala nitong big

    Terakhir Diperbarui : 2021-12-28
  • Her Hidden Billionaire Husband   Chapter 4

    Sa isang sikat at mamahaling hotel, naglalakad ang isang babaeng magarang suot at naka-make-up na halatang mamahalin. Maraming suot na silver at gold sa katawan. Mapulang labi at suot ang yayamaning sumbrero, kitang-kita mo talagang isa itong senyora. Umupo siya sa harap ni Esteban na pinagmasdan lang naman siya ng walang emosyon. Ngumiti siya sa binata at kahit hindi niya ipakita, ramdam niya ang galak nitong makita si Esteban.“My son…” Hindi sumagot si Esteban nang magsalita ang kanyang ina.Siya si Senyorita Yvonne, ang kanyang ina. Masama ang tingin ng binata sa babaeng prenteng naka-upo sa harap nito. Gusto niya namang tanungin agad kung ano talaga ang pakay ng ina at kung bakit gusto nitong makipagkita. Hindi pa yata sapat sa kanila na tinaboy nito si Flavio noong nakaraang araw lang.&ldqu

    Terakhir Diperbarui : 2021-12-28
  • Her Hidden Billionaire Husband   Chapter 5

    "Ruben, yosi?" Inihain ni Esteban ang isang kaha ng sigarilyo kay Ruben na siyang may-ari ng maliit na karinderya sa construction site na isa sa mga negosyo ng pamilya ni Anna. Kumuha ng isa si Ruben habang nakangiting umiiling. “Hindi ka ba nagsasawa sa ginagawa mo?" tanong nito at kumuha ng lighter sa bulsa sa sinindihan ang sigarilyong hawak. Tuminhin ito sa kawalan. Bumuntong-hininga si Esteban at humithit ng sigarilyo saka pinaglaruan ang usok. Sa loob ng tatlong taon, araw-araw ay lilitaw nang napakaaga si Esteban umulan man o umaraw sa likuran ng construction site. Makalipas ang ilang linggo ay nagkaroon ng hinuha si Ruben tungkol

    Terakhir Diperbarui : 2022-01-09
  • Her Hidden Billionaire Husband   Chapter 6

    Sa sumunod na araw, nagmemeeting ang pamilyang Lazaro at sakop ng buong confession room ang malakas na tawa ni Frederick."Anong nakakatawa, Fred? May kailangan ka bang sabihin sa amin?" tanong ng isang pinsan niya, lahat ng kamag-anak nito ay nakatingin sa kanya at inaantay siyang magsalita."Paano ba naman kasi, itong si Anna magpapahatid kay Esteban eh ano namang susuotin ng basurang iyon? Nakakahiya, at kapag nakita iyon ng may-ari ng kompanya. Panigurado, hindi tatanggapin ang offer dahil may kasama siyang basura." Malakas siyang tumawa at ganoon din ang iba, sumang-ayon sa sinabi ni Frederick.Iniisip niya na kung makita ng may-ari ay mapapahiya si Esteban kasama na si Anna at sa pamamagitang iyon, magiging palpak si Anna makipag-ugnayan sa kompanya. Lilipat kay Frederick ang oblgiasyon kapag nangyari iyon, siya ang papaboral ng Lola nila at higit sa lahat, mawawala sa landas ng pamilya nila si Esteban, matagal na niyang gustong mawala si Esteban kaya guma

    Terakhir Diperbarui : 2022-01-10
  • Her Hidden Billionaire Husband   Chapter 7

    Panibagong araw panibagong meeting na naman ng angkan ng Lazaro. Pinag-uusapan nila ang ibinigay nilang mission para kay Anna at kahit isa sa kanila walang naniniwala na magagawa ni Anna."Ipupusta ko ang magiging position ko dito sa kompanya, hindi niya magagawang papirmahin ang Desmond Corp.""Tama, paniguradong magagalit si Lola sa kanya. Tama ba, Frederick?" Natigil si Frederick kakaisip nang banggitin ang pangalan niya, ngumisi siya sa kanila at sumang-ayon sa mga sinasabi."Tama, at mapapatakwil na sila sa pamilya lalo na ang Esteban na iyon." Kinuyom niya ang mga kamo na tila ba nanggigil.Hindi talaga mawawala sa buhay niya ang galit kay Anna at kay Esteban, wala namang ginagawa ang tao sa kanya ngunit kung umasta ay parang may malaking kasalanan sa kanya sina Anna at Est eban.Natigil ang kanilang pag-uusap nang bumukas ang pinto ng conference room, tumayo silang lahat upang magbigay galang sa matandang Lazaro na kakarating lan

    Terakhir Diperbarui : 2022-01-10
  • Her Hidden Billionaire Husband   Chapter 8

    "Lola, sigurado akong hindi kakayanin ni Anna. Paano kaya kung ako na ang makipag-ugnayan sa kompanya nila?"Panibagong araw, nakipag-usap si Frederick at ang kanyang ama na si Francisco."Si Anna ang nakipagsundo at sa kanya ang pirma, siya pa rin ang kakausap." Apila ng kanyang Lola.Gusto ni Frederick na siya na ang kakausap sa Desmond Corporation dahil ayaw niyang makuha ni Anna ang sa tingin niyang para sa kanya."I'll make sure to you, this will be successful kung ako na po. I mean, Anna can't do it for sure dahil wala naman siyang history sa negosyo. Paano kung sa pagpirma lang naging okay pero pagdating sa ibang bagay magiging palpak siya. Lola, iniisip ko lang din ang kapakanan ng kompanya natin. This is a big opportunity we can't lose." Mahabang wika niya."Lola, sigurado akong hindi kakayanin ni Anna. Paano kaya kung ako na ang makipag-ugnayan sa kompanya nila?"Panibagong araw, nakipag-usap si Frederick at ang kanyang ama na si F

    Terakhir Diperbarui : 2022-01-11
  • Her Hidden Billionaire Husband   Chapter 9

    "Sino ’yon?" tanong ni Anna kat Esteban pagkatapos ibaba ang cellphone sa lamesa."Pinsan mo, siguro pinatawag ka ng iyong Lola. Ang sabi ng kaklase ko'y hindi siya pumayag na hindi ikaw ang naroon.""Talaga?" Akmang tatayo si Anna nang pigilan niya ito, kumunot naman ang noo ng dalaga. "Bakit? Aalis na ako kung ganoon, pupuntahan ko si Lola.""May sakit ka, Anna." Maotoridad na banggit ni Esteban."Maayos ako, Esteban.""Makinig ka." Huminto si Esteban sa pagsasalita at tiningnan sa mata si Anna, "Hayaan muna natin na hindi ikaw ang lalapit sa kanila. Hindi mo ba naisip na kapag nadala mo si Flavio sa kompanya ninyo, kukunin ulit ni Frederick ang pagkakataong agawin sa'yo ang proyekto. Kilala ko ang kaklase ko, Anna. Isa rin siyang suwail at matigas pagdating sa ganitong bagay, let them beg to you to comeback."Hindi maintindihan ni Anna ang mga sinasabi ni Esteban pero isa lang ang natitiyak niya, tama si Esteban. Hindi dapat na nagp

    Terakhir Diperbarui : 2022-01-11
  • Her Hidden Billionaire Husband   Chapter 10

    "Hayop ka, ang kapal ng mukha mong babaan ako ng telepono!" Akmang susuntokin ni Frederick si Esteban nang agad itong makaiwas. Napasuntok ulit sa hangin si Frederick ngunit sa pangalawang pagkakataon, nakaiwas ulit si Esteban at siya na mismo ang sumuntok kay Frederick. Nagulat naman si Francisco sa nangyari, nawalan ng balanse ang ang anak at dumugo ang labi. "How dare you to hurt my son!" Sinugod niya si Esteban at bilang isang magaling din sa karate ang binata, nakaiwas ito. Hinuli niya ang kamay ng matanda at nilagay sa likod nito. "How dare you to come here, old man?" Nanlaki ang mga mata ng mag-ama nang sabihin iyon ni Esteban. Hindi nila inakala na kakalabanin sila ng isang b****a. Matagal na rin namang nagtitimpi si Esteban sa pagtatrato ng mga tao sa kanya, sadyang ginagawa niya lang na huwag pumatol dahil kay Anna. Kung tutuosin, kaya niyang labanan lahat ng nang-aapi kanya ngunit naisip niya rin na sayang sa oras niya. Ang dahi

    Terakhir Diperbarui : 2022-01-12

Bab terbaru

  • Her Hidden Billionaire Husband   1328

    Lumingon si Anna kay Esteban na may halong pag-aalinlangan sa mukha. Sabi nito, kung may mang-bully sa kanya, pwede siyang lumapit para humingi ng tulong. Pero sino ba ang may lakas ng loob na magbitiw ng kung anu-anong salita sa Sandrel?Ang pinakamakapangyarihang tao na kilala ni Anna ay sina Villar at Ruben. Mas makapangyarihan ba siya kaysa sa dalawang ito?"Bakit ganyan ang tingin mo?" tanong ni Esteban na may pagtataka."Ang hilig mo yatang magyabang," sagot ni Anna.Napakurap sandali si Esteban bago mapait na ngumiti. "Hindi ako nagyayabang. Ang lahat ng sinabi ko, isang daang porsyentong totoo."Umiling si Anna. "Bata pa ako, pero ilang beses ko nang narinig si Lola na sinasabi na sina Villar at Ruben ang pinakamakapangyarihang tao sa Sandrel. Sabi mo, kaya mong tulungan kahit sino'ng manggulo sa akin. Hindi ba ‘yon puro kayabangan lang?""Hindi ba pwedeng mas makapangyarihan ako kaysa kina Villar at Ruben?" seryosong tanong ni Esteban.Ngumiti si Anna pero hindi na nagsalita.

  • Her Hidden Billionaire Husband   1327

    Just isang minuto lang ang nakalipas, si Anna ay puno pa rin ng takot at pag-aalala. Pero sa sandaling ito, nakaramdam siya ng hindi pa niya nararanasang seguridad sa presensya ni Esteban. Dahil dito, nagbago ang tingin niya sa binata.Hindi niya alam kung bakit biglang lumitaw si Esteban sa tabi niya, pero pakiramdam niya ay parang may nakatakdang koneksyon sa pagitan nila.Siyempre, sa puntong ito, hindi pa lubos na nauunawaan ni Anna ang tungkol sa tadhana. Ang alam lang niya ay maaari siyang makipagkaibigan sa binatang nasa harapan niya. Dahil sa kanya, alam niyang hindi siya masasaktan o aapihin.Samantala, hinarap na ni Esteban si Frederick.Ganoon na lang ang takot ni Frederick kaya nanghina ang kanyang mga tuhod. Kung hindi siya nakasandal, marahil ay bumagsak na siya sa lupa.Ngunit kahit anong pilit niyang magpakalakas, patuloy pa rin sa panginginig ang kanyang mga binti, at namutla na ang kanyang mukha.“Narinig ko, may gustong paluhurin?” matalim na tanong ni Esteban kay F

  • Her Hidden Billionaire Husband   1326

    Nakita ni Esteban ang takot sa mga mata ni Anna, na nagpapatunay kung gaano siya kabahala kay Ruben. Dahil dito, mas lalo niyang naramdaman ang matinding pagnanais na protektahan si Anna.Lumapit siya kay Anna, marahang ipinatong ang kamay sa balikat nito, at sinabi, "Bakit ka matatakot? Si Ruben lang 'yan. Habang kasama mo ako, wala kang dapat ikatakot kahit kanino.""Hindi ako natatakot kay Ruben."Sa Sandrel, ito ay isang pahayag na imposibleng seryosohin ng iba—isang biro na hindi mo mapipigilang pagtawanan.Pero nang maramdaman ni Anna ang init ng palad ni Esteban, nagkaroon siya ng kakaibang pakiramdam ng seguridad.Dito siya naguluhan. Kung hindi man lang kinatatakutan ni Esteban si Ruben, saan nanggagaling ang pakiramdam niyang ligtas siya rito?"Bata, mukhang hindi mo alam kung anong pinapasok mo. Sumama ka na sa amin." sabi ng isa sa mga tauhan ni Frederick habang kinukuha ang braso ni Esteban.Dahil nasa pampublikong lugar sila, hindi siya basta-bastang masusugatan sa harap

  • Her Hidden Billionaire Husband   1325

    Nararamdaman ni Anna ang panganib sa kanyang dibdib habang iniisip kung paano sasagutin ang tanong ni Esteban.Sa tuwing nakakaramdam siya ng ganitong pakiramdam, kadalasan ay lumalabas si Frederick.Madalas na tama ang pakiramdam ng mga babae, at kailanman ay hindi siya nagkamali sa bagay na ito.Nang itinaas niya ang kanyang ulo, tama nga ang hinala niya—papalapit na si Frederick kasama ang kanyang grupo.Dahil dito, bahagyang kinabahan si Anna at agad na sinabi kay Esteban, "Mas mabuti pang umalis ka na.""Bakit?" tanong ni Esteban na may halong tawa. Alam niyang nakita na ni Anna si Frederick, kaya naiintindihan niya kung bakit siya pinaaalis nito."Nandiyan si Frederick," sagot ni Anna.Umiling si Esteban at sinabing, "Hindi ko tinatanong kung bakit mo ako pinaaalis, kundi kung bakit ako matatakot kay Frederick?"Alam ni Anna ang sagot sa tanong na ito. Hindi lang dahil naroon si Frederick kundi may kasama rin siyang grupo ng mga tauhan. Halatang-halata na hindi maganda ang balak

  • Her Hidden Billionaire Husband   1324

    Nang lumabas si Anna mula sa eskwelahan, nakita niya si Esteban sa unang pagkakataon. Dahil madalas siyang harangin nina Frederick at Marcella, naging automatic na sa kanya ang pagtingin sa paligid para tiyaking ligtas siya.Pero hindi niya inaasahang nandoon si Esteban.Sa unang pagkikita pa lang nila, may kakaibang pakiramdam na si Anna. Pakiramdam niya, parang hindi simpleng tao si Esteban. At ngayon, pangatlong beses na niya itong nakita. Parang hinihintay talaga siya.Dahil sa madalas na pambubully sa kanya, naging alerto na si Anna sa mga estranghero. Iniisip niyang baka ipinadala rin ito ni Frederick para lokohin siya.Kaya nang makita si Esteban, agad niyang ibinaba ang ulo at nagmadaling umalis, kunwaring hindi siya napansin.Napansin ito ni Esteban, kaya lumapit siya mismo kay Anna.Alam niyang posibleng mailang o matakot si Anna sa kanya, pero hindi niya mapigilang lapitan ito. Sa isip niya, ito na ang magiging asawa niya balang araw. Ibang klaseng pakiramdam ang dala ni An

  • Her Hidden Billionaire Husband   1323

    Habang pinag-uusapan ang pagkakakilanlan ni Esteban, napasinghap si Ruben.Tungkol dito, kahit siya ay hindi masyadong nag-isip noon, ngunit nang makita niya kung paano tratuhin ni Donald si Esteban, agad niyang napagtanto na si Esteban ay isang makapangyarihang tao. Para kay Ruben, sapat nang malaman iyon sa ngayon.Tungkol naman sa tunay na pagkatao ni Esteban, balak niyang magsaliksik kapag dumating ang tamang panahon. Hindi siya kailanman gagawa ng padalos-dalos na hakbang. Ayaw niyang magdala ng gulo sa sarili at lalong ayaw niyang makagalit si Esteban.Nagsimula si Ruben sa kanyang karera gamit ang lakas ng kanyang kamao. Sa prinsipyo, siya ay matapang at walang takot. Pero pagdating kay Esteban, may natatagong takot sa kanyang puso na hindi niya maitanggi. Sa kabila nito, ramdam niyang gusto niyang kumilos.Para kay Ruben, malinaw na senyales ito. Kahit ang kanyang kutob ay nagsasabing kung hindi niya kayang sagupain si Esteban, mas mabuting huwag na lang.“Ang taong nakabangga

  • Her Hidden Billionaire Husband   1322

    Biglang sumugod si Sandrel sa harapan ni Esteban at hinawakan ang kwelyo nito, parang gusto na niyang lapain si Esteban.Sa mga sandaling ito, hindi niya napansin si Ruben na nasa loob din ng bahay.Nang makita ni Sandrel ang sitwasyon, nanlaki ang kanyang mata at napuno ng takot ang kanyang puso.Sanay siyang maging arogante at walang kinatatakutan, pero hindi niya matanggap na may isang taong tila walang pakialam sa kanya.Ang buhay at kapalaran ng pamilya Castillo ay nasa mga kamay ni Esteban—at ngayon, naglakas-loob pa siyang pagbantaan ito!Dahil sa matinding galit, lumapit si Sandrel sa anak niya at sinuntok ito sa mukha."Walang utang na loob! Napakalaking gulong ginawa mo, hindi ka man lang nagsisisi?" sigaw ni Sandrel.Nanlumo si Sandrel matapos matanggap ang bigwas.Nasa loob siya ng sariling bahay niya, at ang sumuntok sa kanya ay ang mismong ama niyang palaging nagtatanggol sa kanya.Saglit siyang natulala, hindi alam kung ano ang nangyayari."Tay, bakit niyo ako sinuntok?

  • Her Hidden Billionaire Husband   1321

    Nararamdaman ni Sandrel na nanghina ang kanyang mga tuhod habang nagugulat si Ruben sa kanyang nakita.Sa kanilang maikling pag-uusap, napagtanto niyang magkakilala sina Esteban at Ruben—at tila may malalim silang ugnayan. Bukod pa rito, napansin niyang nananatiling mayabang at mataas ang tingin ni Esteban sa harap ni Ruben.Napapailing si Sandrel at hindi mapigilang ikuskos ang kanyang mga mata.Pakiramdam niya ay namamalikmata siya—hindi makapaniwala sa kanyang nakikita."Isang musmos lang 'yan, paano niya nagagawang magpakita ng ganitong ugali kay Ruben?"Ngunit matapos niyang kuskusin ang kanyang mga mata, walang nagbago sa kanyang paningin.Lalo pa siyang naguluhan nang mapansin niyang parang natatakot si Ruben kay Esteban, dahilan upang tumigil sa pag-iisip ang kanyang utak."Anong klaseng tao ang nakalaban ko? Pati si Ruben natatakot sa kanya!"Sa totoo lang, hindi mismo si Esteban ang kinatatakutan ni Ruben, kundi ang hindi niya alam tungkol dito. Hindi niya alam kung anong ko

  • Her Hidden Billionaire Husband   Chapter 1320

    Chapter 1320 Sa harap ng mga pagdududa ng kanyang mga tauhan, ngumiti si Marcopollo ng malamig. Tanging ang mga tanga lamang ang mag-iisip na ang pagpatay kay Esteban ay makakalutas ng problema.Ngunit alam ni Marcopollo na kapag pinatay niya si Esteban, malamang ay magdudulot ito ng hindi maipaliwanag na malalaking problema para sa kanya, at ang ganitong problema ay hindi lang magpapabagsak sa kanyang posisyon sa Laguna City, kundi pati na rin ang kanyang buhay.Ang Laguna City ay isang maliit na siyudad lang. Para sa mga malalaking lungsod, ang pamumuno dito ay wala lang.Ang pinakaunang tao sa Laguna City Road, siguro sa mga mata ng ibang tao, ay isang biro lang.Wala talagang plano si Marcopollo na magpalawak ng teritoryo dahil sa kanyang posisyon. Sa halip, alam niyang mabuti na kung may puwang siya sa Laguna City, maaari siyang magmataas dito. Kapag lumabas siya ng Laguna City, hindi na siya magiging bahagi ng mundo

Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status