MINSAN, habang nag-aayos ako ng mga lumang gamit ni Mommy, nakita ko ang isang kahon na puno ng mga sulat at litrato. Litrato namin noong masaya pa kami, buo pa kami. Mga sulat ni Mommy noong mga panahon na mahirap ang buhay pero patuloy siyang lumalaban.
Lumipas ang mga buwan, pilit kaming bumabangon. Mahirap, masakit, pero alam naming kailangang magpatuloy. Si Ate Ophelia ang naging gabay ko, ang sandalan ko matapos mawala si Mommy. At si baby Quila, palaging may ngiti — inosente, walang muwang sa kawalan, pero nagbibigay ng pag-asa.
Sa bawat hakbang, dala ko ang mga alaala ni Mommy. Ang mga payo niya noong mga gabing hindi siya makatulog dahil sa chemotherapy. Akala ko, kahit papaano, natutunan ko nang tanggapin ang lahat. Akala ko, kahit paunti-unti, nakakaahon na ako. Pero hindi pala gano'n kadali.
Nang mawala si Mommy, bumagsak ang mundo ko, pero naroon si Ate Ophelia na malakas, nagpakatatag. Siya ang tumayong ilaw ng buhay namin. Siya ang nagtrabaho kahit pagod na pagod siya mula sa pag-aaral, nagpapakahirap para sa amin ni Quila. Siya ang unang nagising at huling natutulog, pilit na nilalabanan ang lahat ng hirap para buhayin kami.
Pero isang gabing tila ordinaryo lang, isang tawag mula sa kapitbahay ang gumising sa akin.
Isang aksidente — isang trahedyang bumasag sa akin nang tuluyan. Nawala si Ate Ophelia, ang natitirang sandalan ko. Ang sabi sa akin ng mga kapitbahay ay nasagasaan siya habang naglalakad pauwi. Sinubukan daw siyang dalhin sa ospital, pero ini-announce na dead on arrival.
Pagkalipas ng ilang linggo, unti-unting nagbalik ang katahimikan. Ang dating masiglang bahay ay tila naging malamig na kulungan. Ako na ang nag-aalaga kay Quila, nagbabaon ng natitirang ipon ni Ate, at pilit na itinataguyod ang pag-aaral ko. Pero paano? Halos wala kaming pera. Wala akong trabaho. Hindi ko alam kung paano magsisimula.
Isang hapon, pauwi ako mula sa klase nang may isang itim na sasakyan ang huminto sa harap ko. Mula roon, bumaba ang isang lalaking naka-itim na coat. Matangkad siya, malamig ang titig, at tila hindi natitinag ng kahit anong emosyon.
"Ikaw ba si Phoebe Concepcion?" Tanong niya, diretsahan.
"Opo. Sino po sila?"
"I'm Darius Villarosa."
"Ano po ang kailangan nila?"
Iniabot niya ang isang envelope. Pagbukas ko, bumungad ang mga dokumento — kasulatan ng utang ni Ate Ophelia. Halos kalahating milyong piso. May mga resibong nakadikit sa likod — mga bayarin sa ospital, chemotherapy, mga gamot. Hindi ko alam na nangutang si Ate, hindi ko alam na ganito kalaki ang iniwang responsibilidad niya.
"Si Ophelia Concepcion ay nangutang sa kompanya namin. Dahil siya'y pumanaw na, ikaw ang natitirang tagapagmana ng responsibilidad na ito," malamig na sabi niya. "Kung hindi mo mababayaran ang utang, kakasuhan ka namin ng e****a."
Parang natuluyan nang gumuho ang mundo ko. Kalahating milyon? Ni pangkain namin ni Quila hirap akong kitain, tapos ngayon, ganito?
"Sir, estudyante lang ako... Wala akong trabaho... Wala na akong pamilya... Paano ko po mababayaran 'yan?" Halos paluhod na ang pagsusumamo ko, pero hindi man lang natinag ang lalaking nakatayo sa harapan ko.
Tahimik niya akong tinitigan, tila sinusuri ang kabuuan ko. Para akong hayop na ikinulong, hinubaran ng lahat ng dignidad. Hanggang sa ngumiti siya—isang ngiti na hindi para magbigay ng saya, kundi isang babala.
"May isang paraan," malamig niyang sabi. "Magpakasal ka sa akin. Sa loob ng isang taon, magiging asawa kita, at ako ang magbabayad ng lahat ng utang ni Ophelia."
Kasal?
Hindi ko siya agad naintindihan. Ang naririnig ko lang ay ang lakas ng tibok ng puso ko, ang malamig na pawis na dumaloy sa batok ko. Isang estranghero ang nasa harapan ko, isang lalaking ni hindi ko kilala, at ngayon, nag-aalok siya ng kasal?
"H-hindi ko po kayo kilala," mahina kong sabi.
"Sinasabi ko na sa'yo na ako si Darius Villarosa. Ngayon, ang kailangan mo lang malaman ay kaya kong burahin ang utang na iyan sa isang iglap." Yumuko siya nang bahagya, ang mabangong samyo ng mamahalin niyang pabango ay sumayaw sa pagitan naming dalawa. "Isang taon. Maging asawa kita. Wala kang ibang kailangang gawin kundi sundin ang lahat ng ipag-uutos ko."
Para akong binuhusan ng malamig na tubig. May kung anong mas matalim sa kanyang mga salita, isang bagay na hindi niya pa sinasabi.
"A-ano pong kapalit bukod sa pagpapakasal sayo?"
Napangiti siya, ngunit sa halip na init, para akong nilamig sa titig niya. "Simple lang." Dahan-dahan siyang lumapit, at naramdaman ko ang bigat ng presensya niya, para bang pinapalibutan ako ng isang bagay na hindi ko matakasan. "Gusto ko ng isang asawa. At gusto ko ng isang anak."
Napatigil ako.
"H-hindi ko po kayo naiintindihan."
Lumalim ang kanyang titig. "Gusto kong magkaanak, Phoebe. At ikaw ang gusto kong magsilang sa kanya."
Parang nawalan ako ng kakayahang huminga. Parang biglang lumiit ang mundo ko, parang gumuho ang lahat ng nakapaligid sa akin.
"Bakit ako?" Halos hindi ko na marinig ang sarili kong boses.
"Alam kong wala kang mapupuntahan." Diretso siyang tumitig sa akin, walang kahit anong pag-aalinlangan. "Alam kong wala kang ibang kakapitan. Wala kang pera. Wala kang pamilya. Pero ako, kaya kitang bigyan ng tahanan, ng pagkain, ng seguridad. Ang kapalit lang? Isang taon. Isang anak."
Halos lumubog ako sa kinatatayuan ko.
"Hindi po ako isang gamit na pwedeng bilhin," mahina kong sabi, pilit na binibigkas ang mga salita kahit parang lumulunok ako ng kutsilyo.
"Ngunit isa kang babae na walang pagpipilian," tugon niya. "At ate na hindi kayang ipaglaban ang kapatid na naiwan sa kanya. Kaya sabihin mo sa akin, Phoebe—tatanggihan mo ba ang alok ko?"
Alam niyang mahina ako. Alam niyang wala akong laban.
Alam niyang kahit anong gawin ko, ako pa rin ang talo.
ANG buhay ko ay isang gulo na hindi ko na alam kung paano aayusin.Dahil sa utang na iniwan ni Ate Ophelia, ngayon, nakatayo ako sa harapan niya… hinihintay ang desisyong babago sa buhay ko.At sa pagitan namin, isang kasunduan ang nakalatag sa mesa.“Pakakasalan mo ako.”Akala ko nagkamali lang ako ng dinig.Pero hindi.Nanatili siyang nakatitig sa akin, ang malamig niyang mga mata ay parang kutsilyong unti-unting sumasaksak sa pagkatao ko.Hindi siya nagbibiro.Napakurap ako, pilit na nilalamon ang katotohanang ito. Kasal? Sa isang lalaking halos hindi ko kilala?“H-hindi magandang biro ito.” Mahina kong sabi.Nag-angat siya ng kilay, halatang nababasa ang takot sa mukha ko.“Sa tingin mo ba, nagbibiro ako?” malamig niyang tugon.Hindi ko na nagawang sumagot. Ang kaba sa dibdib ko ay parang sasabog.“Wala kang ibang pagpipilian, Phoebe.”Napakuyom ako ng palad. Alam kong totoo ang sinasabi niya. Wala ng natira sa akin.Ang natitira kong ipon? Hindi na aabot para sa susunod na buwan.
PAGDATING namin sa bahay niya—hindi, bahay namin—pakiramdam ko ay pumasok ako sa isang lugar kung saan hindi ako nababagay.Masyadong malaki, masyadong tahimik. Para bang isang rehas na ginintuan—maganda sa panlabas, pero isang bilangguan sa loob. Bigla kong naaalala ang mansion ng lola ko.Mas malaki ang bahay na ito kumpara roon. Oo nga at doon kami nakatira pero hindi namin kailanman naranasan ang mamuhay ng marangya. Lahat ng bagay na hinahawakan, ginagamit at pagkain na kinakain namin ay limitado.Bantay-sarado ang bawat galaw namin sa bahay na iyon. Ganoon din kaya rito?May lumapit sa amin na isang matandang katulong, tantiya ko ay nasa edad sixty na ito. Akmang kukunin niya ang mga bag na dala ko pero pinigilan siya ni Darius."Dalhin mo ang sanggol sa kwarto niya." Sabi nito na para bang pinaghandaan niya talaga ang pagdating namin ngayong araw na ito. Kinuha niya si Quila mula sa akin, nagdadalawang-isip pa akong ibigay ang kapatid ko. Kung hindi lang nagsalita si Darius...
TAHIMIK akong umupo sa kabilang dulo, pinipilit maging kampante sa hindi pamilyar na kapaligiran. Ngunit nang magtaas siya ng tingin at tiningnan ako nang diretso, para akong nakuryente."Kumain ka."Iyon lang ang sinabi niya, pagkatapos ay bumalik sa pagbabasa.Tahimik akong kumuha ng pagkain, kahit wala akong ganang kumain. Sa ilalim ng hapag, mahigpit kong hinawakan ang kubyertos, sinusubukang pigilan ang kaba sa loob ko.“Simula ngayon, may mga pagbabago sa buhay mo.”Halos mabilaukan ako sa tinig niyang biglang bumasag sa katahimikan.Napatingin ako sa kanya. “Ano?”Ibinaba niya ang dyaryo at tinapunan ako ng malamig na tingin. “Simula ngayon, ikaw na si Phoebe Villarosa.”Malamig, matigas, walang bahid ng emosyon.“Alam ko,” mahinang sagot ko. Dahil iyon ang presyong kailangan kong bayaran sa kasunduang ito.“Ibig sabihin, may mga tungkulin kang kailangang gampanan.”Napakunot ang noo ko. Tungkulin?Napansin niya ang reaksyon ko kaya nagpatuloy siya, “May mga pagtitipon akong ka
MAAGA akong gumising at dumiretso sa kwarto kung saan naroon si Quila. payapa siyang natutulog sa kanyang crib. Pinakiusapan ko si Darius na sa kwarto na lang siya matutulog pero hindi niya ako pinagbigyan. Masama ang loob ko sa kanya pero wala akong ibang magawa. Hawak niya ako at ang buhay ko—ang buhay namin ni Quila, kaya wala na akong magagawa pa.Bumalik na ako sa kwarto ko para plantsahin ang mga damit ko sa eskwela at ang isusuot niya sa trabaho. Asawa na niya ako at kailangan kong gampanan ang papel ko bilang asawa niya. “Ano’ng ginawa mo?” Isang dumadagundong na boses ang nagsalita sa akin kaya dahil sa gulat. Lumihis ang plantsa at nadaganan ang kamay ko kaya nabitawan ko naman agad ito.Ang sakit!Pero tiniis ko na lamang at dali-daling kinuha ang plantsa na nahulog sa sahig. “Sorry, sorry!” Hinging paumanhin ko sa kanya habang pinulot ang plantsa.“Tss. Clumsy,” komento niya pero hindi na ako nagsalita. Halos ipikit ko ang mga mata ko para hindi ko makita ang hubad niyang
AGAD kong naramdaman ang dahan-dahang pagtakbo ng sasakyan. Maya-maya lang ay gumilid ito at huminto. Nasa tapat na pala kami ng unibersidad, hindi ko man lang napansin.“I’ll fetch you later. Same spot.” Striktong sabi nito kaya tumango lang ako. Akmang bubuksan ko na ang pinto ng sasakyan nang tawagin niya ang pangalan ko. “Phoebe!”Agad naman akong lumingon sa kanya. Nagkasalubong ang mga tingin naming dalawa pero agad naman akong umiwas. “Ano?” Mahina kong sagot pero sapat naman para marinig niya. “Don’t ever mention to anyone that you're married.” Sabi nito, ang mga tono ay may halong pagbabanta, na kung hindi ko sundin ang gusto niya ay may matatanggap akong parusa. “Pero diba ang sabi mo ay hindi ko kailangan magpanggap, dahil asawa mo ako at totoo ang kasal natin?”Ang akala ko ay hindi na siya sasagot kasi bigla siyang tumahimik, pero maya-maya lang ay bigla naman siyang nagsalita.“There are selected people who need to know about you. Ang mga taong iyon ay ang mga taong
Darius' POV"YOU sure about this girl?" Tanong ni Kael, ang matalik kong kaibigan. Alam niya na nagpakasal ako kay Phoebe Concepcion. "No! Isang taon lang naman.""Be careful! You might get hooked at the end." Natatawa na asar pa nito. Matalik na tingin lamang ang aking ibinigay sa kanya. Umiling ako. Imposible yun! Hinding-hindi ako magkakagusto sa babaeng hindi ko naman labis na kilala. Kung tutuusin, wala siya sa kalingkingan ng mga tipo kong babae.“Nai-handa mo na ba ang mga dokumentong kakailanganin ng bagong eskwelahan niya?” Walang gana kong tanong. Kahit papaano, gusto kong may ipagmalaki siya. Ewan ko ba, nangako naman ako sa sarili ko na hinding-hindi siya makatikim ng pera kahit barya mula sa akin, pero ngayon, papaaralin ko pa siya sa private school. Parang may nagsabi sa akin na kailangan niyang lumipat doon, hindi ko alam kung bakit.“Yup! Nagawan ko na ng paraan ang tungkol diyan. Nalaman ko rin pala na galing siya sa unibersidad na yun dati. Ano’ng nangyari at nag-a
Phoebe's POVNAGLALAKAD ako sa gilid ng dalampasigan habang iniisip kung gaano kasakit ang nangyari sa buhay ko. Kakadrop ko lang mula sa school ko at kahapon lang naputol ang ugnayan ng mga magulang ko dahil hindi na raw nagkakasundo si mommy at si daddy. Sobrang sakit at wasak ang pakiramdam ko. Ayokong magkaroon ng pamilyang sirâ. Dati, masaya ako dahil buo kami, pero ngayon, alaala na lang lahat. Miss na miss ko si daddy, pero nagdesisyon na siya at mas pinili niya ang bago niyang pamilya kaysa sa amin. Hindi ko mapigilang umiyak. Gusto ko na lang bumitaw para matapos na lahat ng sakit pero naiisip ko si mommy at ang kapatid ko. Ayokong madagdagan ang labis na kalungkutan nila. Ayokong masaktan pa si mommy nang dahil sa akin. Kaya heto ako, naglalakad nang mag-isa, nilalasap ang bawat hapdi ng alaala. Sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari, pero si mommy, palaging sinasabi na kasalanan niya raw lahat. Na kung may nagkulang man, siya 'yun. Wala akong magawa kundi umiyak at maghina
HINDI namin nakita ang mga "alagad ni satanas" — sina lola, lolo, Rochelle, Glyzza, at Glydel. Mas mabuti na rin siguro. Kung nakita nila kami, baka lalo lang nilang pahirapan si Mommy, baka pigilan pa kami, pero hindi dahil mahal nila kami — kundi dahil gusto lang nilang kontrolin ang buhay namin."Girls, tara na," mahina pero matatag na sabi ni Mommy. Her voice was soft but firm, though her eyes were red and tired. Sa kabila ng pagod niya, mahigpit pa rin ang hawak niya kay Quila, na mahimbing na natutulog sa kanyang mga bisig.Si Ate Ophelia tahimik lang, bitbit ang maleta niya, pero kita ko ang tensyon sa mga mata niya. Wala siyang masyadong sinabi mula kagabi, mula nang mangyari ang sigawan, mga paratang, at mga banta na parang mga bala na tumama sa amin. Alam kong nasasaktan din siya, marahil higit pa sa akin, pero si Ate laging magaling magtago ng emosyon.Ako? Pakiramdam ko may nakadagan sa dibdib ko — mabigat, nakakasakal. Naririnig ko pa rin ang mga boses ni Lola, ang mga in
Darius' POV"YOU sure about this girl?" Tanong ni Kael, ang matalik kong kaibigan. Alam niya na nagpakasal ako kay Phoebe Concepcion. "No! Isang taon lang naman.""Be careful! You might get hooked at the end." Natatawa na asar pa nito. Matalik na tingin lamang ang aking ibinigay sa kanya. Umiling ako. Imposible yun! Hinding-hindi ako magkakagusto sa babaeng hindi ko naman labis na kilala. Kung tutuusin, wala siya sa kalingkingan ng mga tipo kong babae.“Nai-handa mo na ba ang mga dokumentong kakailanganin ng bagong eskwelahan niya?” Walang gana kong tanong. Kahit papaano, gusto kong may ipagmalaki siya. Ewan ko ba, nangako naman ako sa sarili ko na hinding-hindi siya makatikim ng pera kahit barya mula sa akin, pero ngayon, papaaralin ko pa siya sa private school. Parang may nagsabi sa akin na kailangan niyang lumipat doon, hindi ko alam kung bakit.“Yup! Nagawan ko na ng paraan ang tungkol diyan. Nalaman ko rin pala na galing siya sa unibersidad na yun dati. Ano’ng nangyari at nag-a
AGAD kong naramdaman ang dahan-dahang pagtakbo ng sasakyan. Maya-maya lang ay gumilid ito at huminto. Nasa tapat na pala kami ng unibersidad, hindi ko man lang napansin.“I’ll fetch you later. Same spot.” Striktong sabi nito kaya tumango lang ako. Akmang bubuksan ko na ang pinto ng sasakyan nang tawagin niya ang pangalan ko. “Phoebe!”Agad naman akong lumingon sa kanya. Nagkasalubong ang mga tingin naming dalawa pero agad naman akong umiwas. “Ano?” Mahina kong sagot pero sapat naman para marinig niya. “Don’t ever mention to anyone that you're married.” Sabi nito, ang mga tono ay may halong pagbabanta, na kung hindi ko sundin ang gusto niya ay may matatanggap akong parusa. “Pero diba ang sabi mo ay hindi ko kailangan magpanggap, dahil asawa mo ako at totoo ang kasal natin?”Ang akala ko ay hindi na siya sasagot kasi bigla siyang tumahimik, pero maya-maya lang ay bigla naman siyang nagsalita.“There are selected people who need to know about you. Ang mga taong iyon ay ang mga taong
MAAGA akong gumising at dumiretso sa kwarto kung saan naroon si Quila. payapa siyang natutulog sa kanyang crib. Pinakiusapan ko si Darius na sa kwarto na lang siya matutulog pero hindi niya ako pinagbigyan. Masama ang loob ko sa kanya pero wala akong ibang magawa. Hawak niya ako at ang buhay ko—ang buhay namin ni Quila, kaya wala na akong magagawa pa.Bumalik na ako sa kwarto ko para plantsahin ang mga damit ko sa eskwela at ang isusuot niya sa trabaho. Asawa na niya ako at kailangan kong gampanan ang papel ko bilang asawa niya. “Ano’ng ginawa mo?” Isang dumadagundong na boses ang nagsalita sa akin kaya dahil sa gulat. Lumihis ang plantsa at nadaganan ang kamay ko kaya nabitawan ko naman agad ito.Ang sakit!Pero tiniis ko na lamang at dali-daling kinuha ang plantsa na nahulog sa sahig. “Sorry, sorry!” Hinging paumanhin ko sa kanya habang pinulot ang plantsa.“Tss. Clumsy,” komento niya pero hindi na ako nagsalita. Halos ipikit ko ang mga mata ko para hindi ko makita ang hubad niyang
TAHIMIK akong umupo sa kabilang dulo, pinipilit maging kampante sa hindi pamilyar na kapaligiran. Ngunit nang magtaas siya ng tingin at tiningnan ako nang diretso, para akong nakuryente."Kumain ka."Iyon lang ang sinabi niya, pagkatapos ay bumalik sa pagbabasa.Tahimik akong kumuha ng pagkain, kahit wala akong ganang kumain. Sa ilalim ng hapag, mahigpit kong hinawakan ang kubyertos, sinusubukang pigilan ang kaba sa loob ko.“Simula ngayon, may mga pagbabago sa buhay mo.”Halos mabilaukan ako sa tinig niyang biglang bumasag sa katahimikan.Napatingin ako sa kanya. “Ano?”Ibinaba niya ang dyaryo at tinapunan ako ng malamig na tingin. “Simula ngayon, ikaw na si Phoebe Villarosa.”Malamig, matigas, walang bahid ng emosyon.“Alam ko,” mahinang sagot ko. Dahil iyon ang presyong kailangan kong bayaran sa kasunduang ito.“Ibig sabihin, may mga tungkulin kang kailangang gampanan.”Napakunot ang noo ko. Tungkulin?Napansin niya ang reaksyon ko kaya nagpatuloy siya, “May mga pagtitipon akong ka
PAGDATING namin sa bahay niya—hindi, bahay namin—pakiramdam ko ay pumasok ako sa isang lugar kung saan hindi ako nababagay.Masyadong malaki, masyadong tahimik. Para bang isang rehas na ginintuan—maganda sa panlabas, pero isang bilangguan sa loob. Bigla kong naaalala ang mansion ng lola ko.Mas malaki ang bahay na ito kumpara roon. Oo nga at doon kami nakatira pero hindi namin kailanman naranasan ang mamuhay ng marangya. Lahat ng bagay na hinahawakan, ginagamit at pagkain na kinakain namin ay limitado.Bantay-sarado ang bawat galaw namin sa bahay na iyon. Ganoon din kaya rito?May lumapit sa amin na isang matandang katulong, tantiya ko ay nasa edad sixty na ito. Akmang kukunin niya ang mga bag na dala ko pero pinigilan siya ni Darius."Dalhin mo ang sanggol sa kwarto niya." Sabi nito na para bang pinaghandaan niya talaga ang pagdating namin ngayong araw na ito. Kinuha niya si Quila mula sa akin, nagdadalawang-isip pa akong ibigay ang kapatid ko. Kung hindi lang nagsalita si Darius...
ANG buhay ko ay isang gulo na hindi ko na alam kung paano aayusin.Dahil sa utang na iniwan ni Ate Ophelia, ngayon, nakatayo ako sa harapan niya… hinihintay ang desisyong babago sa buhay ko.At sa pagitan namin, isang kasunduan ang nakalatag sa mesa.“Pakakasalan mo ako.”Akala ko nagkamali lang ako ng dinig.Pero hindi.Nanatili siyang nakatitig sa akin, ang malamig niyang mga mata ay parang kutsilyong unti-unting sumasaksak sa pagkatao ko.Hindi siya nagbibiro.Napakurap ako, pilit na nilalamon ang katotohanang ito. Kasal? Sa isang lalaking halos hindi ko kilala?“H-hindi magandang biro ito.” Mahina kong sabi.Nag-angat siya ng kilay, halatang nababasa ang takot sa mukha ko.“Sa tingin mo ba, nagbibiro ako?” malamig niyang tugon.Hindi ko na nagawang sumagot. Ang kaba sa dibdib ko ay parang sasabog.“Wala kang ibang pagpipilian, Phoebe.”Napakuyom ako ng palad. Alam kong totoo ang sinasabi niya. Wala ng natira sa akin.Ang natitira kong ipon? Hindi na aabot para sa susunod na buwan.
MINSAN, habang nag-aayos ako ng mga lumang gamit ni Mommy, nakita ko ang isang kahon na puno ng mga sulat at litrato. Litrato namin noong masaya pa kami, buo pa kami. Mga sulat ni Mommy noong mga panahon na mahirap ang buhay pero patuloy siyang lumalaban. Lumipas ang mga buwan, pilit kaming bumabangon. Mahirap, masakit, pero alam naming kailangang magpatuloy. Si Ate Ophelia ang naging gabay ko, ang sandalan ko matapos mawala si Mommy. At si baby Quila, palaging may ngiti — inosente, walang muwang sa kawalan, pero nagbibigay ng pag-asa.Sa bawat hakbang, dala ko ang mga alaala ni Mommy. Ang mga payo niya noong mga gabing hindi siya makatulog dahil sa chemotherapy. Akala ko, kahit papaano, natutunan ko nang tanggapin ang lahat. Akala ko, kahit paunti-unti, nakakaahon na ako. Pero hindi pala gano'n kadali.Nang mawala si Mommy, bumagsak ang mundo ko, pero naroon si Ate Ophelia na malakas, nagpakatatag. Siya ang tumayong ilaw ng buhay namin. Siya ang nagtrabaho kahit pagod na pagod siya
NAGING kontento na ako sa buhay na mayroon ako. Unti-unti kong natutunan na tanggapin ang bagong takbo ng buhay namin. Masaya ako kasama si Ate Ophelia, si baby Quila, at si Mommy. Masaya ako sa mga bago kong kaibigan sa public school na sina Grace, Hannah, at Liza. Masaya ako kahit na simpleng ulam lang ang nakahain sa hapag-kainan, dahil buo kaming magkakasama.Pero ang akala ko ay maayos na ang lahat, pero hindi pa pala.Napapansin ko ang pagiging matamlay ni Mommy kahit na pilit niyang itinatago sa akin. Madalas siyang tulala kapag akala niya'y walang nakatingin. Kung dati ay laging puno ng enerhiya ang mga kilos niya, ngayon ay tila mabagal na, parang mabigat ang dinadala. Kapag kinakausap ko siya, ngumiti siya nang pilit — ngiti na hindi umaabot sa mga mata niya.“Okay ka lang ba, 'My?” Tanong ko habang naghuhugas ako ng pinggan.“Okay naman ako, anak. Pagod lang siguro,” sagot niya, sabay abot ng basang plato na akala niya’y nahugasan na.Nagtama ang tingin namin. Alam kong pag
ISANG umaga, habang pinapakain ni Ate Ophelia si baby Quila, dumating si Mommy mula sa labas. Bitbit niya ang ilang papel at folder, pawisan pero nakangiti. Agad niyang inilapag ang mga iyon sa mesa, halatang puno ng excitement."Mga anak, may magandang balita ako!" Masayang sabi ni Mommy, bakas ang saya sa mukha niya.Napatingin kami ni Ate Ophelia — halatang nagtataka pero may halong pananabik. "Ano 'yon, 'My?" Tanong ko."Nakahanap na ako ng eskwelahan para sa inyo! Dito lang sa malapit, sa public school. Nag-inquire ako kanina, at sabi nila na pwedeng mag-transfer kahit gitna na ng taon. Kailangan lang nating kumpletuhin ang mga requirements na 'to," paliwanag ni Mommy, sabay turo sa mga papel.Agad kong sinilip ang mga dokumento. Listahan ng requirements, enrollment form, at ilang guidelines. Iba ito sa nakasanayan namin na private school dahil wala itong striktong uniporme at mas simple ang mga patakaran."Okay lang ba sa inyo, mga anak?" Tanong ni Mommy, bakas ang pag-aalala sa