
Hearts Under Contract
Si Phoebe Concepcion ay isang babaeng nawalan na ng pag-asa. Matapos silang palayasin ng kanyang ama kasama ang kanyang ina at mga kapatid na babae, inakala niyang makakabuo pa rin sila ng isang payak ngunit masayang buhay. Ngunit nagkamali siya dahil sunod-sunod na trahedya ang nangyari sa buhay niya. Namatay ang kanyang ina dahil sa sakit na cancer at ang panganay na kapatid niya ay namatay dahil sa isang aksidente. Pakiramdam niya ay wala nang patutunguhan ang kanyang buhay, at ang tanging liwanag na lang na natitira ay ang bunsong kapatid niyang si Quila. Labis niyang kinamumuhian ang ama dahil mas pinili nito ang ibang pamilya kaysa sa kanila.
Sa gitna ng kawalang pag-asa, nakilala niya si Darius Villarosa — isang lalaking wasak at walang-awang makitungo. Her late sister left a massive debt to Darius, and with no means to repay, he offers a cold solution: a marriage contract.
Wala nang ibang pagpipilian si Phoebe. Desperado at walang matatakbuhan, tinanggap niya ang alok. The contract binds them, but will it also warm her heart, or will it shatter her completely? Sa pagitan ng dalawang taong parehong sugatan, may puwang pa kaya ang pagmamahalan o mananatiling malamig na kasunduan lamang ang lahat?
Baca
Chapter: CHAPTER 11Darius' POV"YOU sure about this girl?" Tanong ni Kael, ang matalik kong kaibigan. Alam niya na nagpakasal ako kay Phoebe Concepcion. "No! Isang taon lang naman.""Be careful! You might get hooked at the end." Natatawa na asar pa nito. Matalik na tingin lamang ang aking ibinigay sa kanya. Umiling ako. Imposible yun! Hinding-hindi ako magkakagusto sa babaeng hindi ko naman labis na kilala. Kung tutuusin, wala siya sa kalingkingan ng mga tipo kong babae.“Nai-handa mo na ba ang mga dokumentong kakailanganin ng bagong eskwelahan niya?” Walang gana kong tanong. Kahit papaano, gusto kong may ipagmalaki siya. Ewan ko ba, nangako naman ako sa sarili ko na hinding-hindi siya makatikim ng pera kahit barya mula sa akin, pero ngayon, papaaralin ko pa siya sa private school. Parang may nagsabi sa akin na kailangan niyang lumipat doon, hindi ko alam kung bakit.“Yup! Nagawan ko na ng paraan ang tungkol diyan. Nalaman ko rin pala na galing siya sa unibersidad na yun dati. Ano’ng nangyari at nag-a
Terakhir Diperbarui: 2025-04-01
Chapter: CHAPTER 10AGAD kong naramdaman ang dahan-dahang pagtakbo ng sasakyan. Maya-maya lang ay gumilid ito at huminto. Nasa tapat na pala kami ng unibersidad, hindi ko man lang napansin.“I’ll fetch you later. Same spot.” Striktong sabi nito kaya tumango lang ako. Akmang bubuksan ko na ang pinto ng sasakyan nang tawagin niya ang pangalan ko. “Phoebe!”Agad naman akong lumingon sa kanya. Nagkasalubong ang mga tingin naming dalawa pero agad naman akong umiwas. “Ano?” Mahina kong sagot pero sapat naman para marinig niya. “Don’t ever mention to anyone that you're married.” Sabi nito, ang mga tono ay may halong pagbabanta, na kung hindi ko sundin ang gusto niya ay may matatanggap akong parusa. “Pero diba ang sabi mo ay hindi ko kailangan magpanggap, dahil asawa mo ako at totoo ang kasal natin?”Ang akala ko ay hindi na siya sasagot kasi bigla siyang tumahimik, pero maya-maya lang ay bigla naman siyang nagsalita.“There are selected people who need to know about you. Ang mga taong iyon ay ang mga taong
Terakhir Diperbarui: 2025-03-29
Chapter: CHAPTER 9MAAGA akong gumising at dumiretso sa kwarto kung saan naroon si Quila. payapa siyang natutulog sa kanyang crib. Pinakiusapan ko si Darius na sa kwarto na lang siya matutulog pero hindi niya ako pinagbigyan. Masama ang loob ko sa kanya pero wala akong ibang magawa. Hawak niya ako at ang buhay ko—ang buhay namin ni Quila, kaya wala na akong magagawa pa.Bumalik na ako sa kwarto ko para plantsahin ang mga damit ko sa eskwela at ang isusuot niya sa trabaho. Asawa na niya ako at kailangan kong gampanan ang papel ko bilang asawa niya. “Ano’ng ginawa mo?” Isang dumadagundong na boses ang nagsalita sa akin kaya dahil sa gulat. Lumihis ang plantsa at nadaganan ang kamay ko kaya nabitawan ko naman agad ito.Ang sakit!Pero tiniis ko na lamang at dali-daling kinuha ang plantsa na nahulog sa sahig. “Sorry, sorry!” Hinging paumanhin ko sa kanya habang pinulot ang plantsa.“Tss. Clumsy,” komento niya pero hindi na ako nagsalita. Halos ipikit ko ang mga mata ko para hindi ko makita ang hubad niyang
Terakhir Diperbarui: 2025-03-28
Chapter: CHAPTER 8TAHIMIK akong umupo sa kabilang dulo, pinipilit maging kampante sa hindi pamilyar na kapaligiran. Ngunit nang magtaas siya ng tingin at tiningnan ako nang diretso, para akong nakuryente."Kumain ka."Iyon lang ang sinabi niya, pagkatapos ay bumalik sa pagbabasa.Tahimik akong kumuha ng pagkain, kahit wala akong ganang kumain. Sa ilalim ng hapag, mahigpit kong hinawakan ang kubyertos, sinusubukang pigilan ang kaba sa loob ko.“Simula ngayon, may mga pagbabago sa buhay mo.”Halos mabilaukan ako sa tinig niyang biglang bumasag sa katahimikan.Napatingin ako sa kanya. “Ano?”Ibinaba niya ang dyaryo at tinapunan ako ng malamig na tingin. “Simula ngayon, ikaw na si Phoebe Villarosa.”Malamig, matigas, walang bahid ng emosyon.“Alam ko,” mahinang sagot ko. Dahil iyon ang presyong kailangan kong bayaran sa kasunduang ito.“Ibig sabihin, may mga tungkulin kang kailangang gampanan.”Napakunot ang noo ko. Tungkulin?Napansin niya ang reaksyon ko kaya nagpatuloy siya, “May mga pagtitipon akong ka
Terakhir Diperbarui: 2025-03-27
Chapter: CHAPTER 7PAGDATING namin sa bahay niya—hindi, bahay namin—pakiramdam ko ay pumasok ako sa isang lugar kung saan hindi ako nababagay.Masyadong malaki, masyadong tahimik. Para bang isang rehas na ginintuan—maganda sa panlabas, pero isang bilangguan sa loob. Bigla kong naaalala ang mansion ng lola ko.Mas malaki ang bahay na ito kumpara roon. Oo nga at doon kami nakatira pero hindi namin kailanman naranasan ang mamuhay ng marangya. Lahat ng bagay na hinahawakan, ginagamit at pagkain na kinakain namin ay limitado.Bantay-sarado ang bawat galaw namin sa bahay na iyon. Ganoon din kaya rito?May lumapit sa amin na isang matandang katulong, tantiya ko ay nasa edad sixty na ito. Akmang kukunin niya ang mga bag na dala ko pero pinigilan siya ni Darius."Dalhin mo ang sanggol sa kwarto niya." Sabi nito na para bang pinaghandaan niya talaga ang pagdating namin ngayong araw na ito. Kinuha niya si Quila mula sa akin, nagdadalawang-isip pa akong ibigay ang kapatid ko. Kung hindi lang nagsalita si Darius...
Terakhir Diperbarui: 2025-03-27
Chapter: CHAPTER 6ANG buhay ko ay isang gulo na hindi ko na alam kung paano aayusin.Dahil sa utang na iniwan ni Ate Ophelia, ngayon, nakatayo ako sa harapan niya… hinihintay ang desisyong babago sa buhay ko.At sa pagitan namin, isang kasunduan ang nakalatag sa mesa.“Pakakasalan mo ako.”Akala ko nagkamali lang ako ng dinig.Pero hindi.Nanatili siyang nakatitig sa akin, ang malamig niyang mga mata ay parang kutsilyong unti-unting sumasaksak sa pagkatao ko.Hindi siya nagbibiro.Napakurap ako, pilit na nilalamon ang katotohanang ito. Kasal? Sa isang lalaking halos hindi ko kilala?“H-hindi magandang biro ito.” Mahina kong sabi.Nag-angat siya ng kilay, halatang nababasa ang takot sa mukha ko.“Sa tingin mo ba, nagbibiro ako?” malamig niyang tugon.Hindi ko na nagawang sumagot. Ang kaba sa dibdib ko ay parang sasabog.“Wala kang ibang pagpipilian, Phoebe.”Napakuyom ako ng palad. Alam kong totoo ang sinasabi niya. Wala ng natira sa akin.Ang natitira kong ipon? Hindi na aabot para sa susunod na buwan.
Terakhir Diperbarui: 2025-03-27