Share

CHAPTER 3

Author: Kaye Elle
last update Last Updated: 2025-03-26 17:38:13

ISANG umaga, habang pinapakain ni Ate Ophelia si baby Quila, dumating si Mommy mula sa labas. Bitbit niya ang ilang papel at folder, pawisan pero nakangiti. Agad niyang inilapag ang mga iyon sa mesa, halatang puno ng excitement.

"Mga anak, may magandang balita ako!" Masayang sabi ni Mommy, bakas ang saya sa mukha niya.

Napatingin kami ni Ate Ophelia — halatang nagtataka pero may halong pananabik. "Ano 'yon, 'My?" Tanong ko.

"Nakahanap na ako ng eskwelahan para sa inyo! Dito lang sa malapit, sa public school. Nag-inquire ako kanina, at sabi nila na pwedeng mag-transfer kahit gitna na ng taon. Kailangan lang nating kumpletuhin ang mga requirements na 'to," paliwanag ni Mommy, sabay turo sa mga papel.

Agad kong sinilip ang mga dokumento. Listahan ng requirements, enrollment form, at ilang guidelines. Iba ito sa nakasanayan namin na private school dahil wala itong striktong uniporme at mas simple ang mga patakaran.

"Okay lang ba sa inyo, mga anak?" Tanong ni Mommy, bakas ang pag-aalala sa boses niya. "Alam kong ibang-iba ito sa dati ninyong eskwelahan, pero ito lang ang kaya ko ngayon."

Pumagitna ang sandaling katahimikan.

Alam kong iniisip din ni Ate Ophelia ang mga bagong kakaharapin namin — mga bagong kaklase, bagong sistema, at ang mga pagbabagong hatid ng buhay sa public school. Iniisip ko rin sina Glyzza at Glydel, mga laging mapanghusga, baka malaman nilang lumipat kami sa public school at magpakalat ng tsismis. Pero alam kong mas mahalaga ang patuloy naming pag-aaral kaysa sa opinyon nila.

Nagkatinginan kami ni Ate Ophelia. Kita ko ang tapang sa mga mata niya kahit may kaunting alinlangan.

"Okay lang, 'My," sabi ni Ate Ophelia nang may tapang. "Kahit saan, basta makapagpatuloy kaming mag-aral."

Huminga ako nang malalim at ngumiti rin. "Oo nga, 'My. Kakayanin namin."

Ngumiti lamang si mommy dahil sa naging sagot namin. 

Kinabukasan, pumasok kami ni Ate sa bagong eskwelahan. Mainit ang panahon, at ramdam ko ang kaba habang naglalakad kami sa maalikabok na daan papunta sa gate. Hindi tulad ng dati naming eskwelahan na may mga guwardiya at malinis na pasilyo, mas simple ang itsura ng public school — mga luma at sira-sirang upuan, mga nakaukit na pangalan sa mesa, at mga pader na tila ilang beses nang napinturahan ngunit natutuklap na.

Nakahanap ako ng upuan sa pinakadulo ng classroom, malapit sa bintana. Si Ate Ophelia, ay pumasok na rin sa klase niya. Maya-maya'y lumapit ang isang babaeng may mahabang buhok na nakatali sa likod.

"Bagong lipat kayo, 'no?" Tanong niya, nakangiti.

Tumango ako, medyo alanganin. "Oo, from... another school."

"Okay lang 'yan," sabi niya, simpleng ngiti. "Ako nga pala si Grace. Dito, basta magpakabait ka lang, may makakasundo ka rin."

Parang nabunutan ako ng tinik. Hindi ko akalaing may magiging mabait agad sa amin. Sa dati naming eskwelahan, sanay akong nag-iingat sa mga tulad nina Glyzza na laging mapanghusga. Pero si Grace, iba — simple, walang halong panlalamang.

Habang tumatagal, mas nakikilala ko si Grace. Madaldal siya kapag nakakausap nang matagal, pero tahimik kapag maraming tao. Ipinakilala niya kami sa mga kaibigan niyang sina Crystal at Jessa. Mabait din ang dalawa — si Cystal ay palatawa, habang si Jessa naman ay seryoso pero kalog din kapag nakikilala na.

At dahil magkakasama kami araw-araw dahil iisa lang ang classroom namin, naging kaibigan na rin nila si Ate Ophelia. 

"Bagong lipat din ako dati," sabi ni Crystal habang kumakain kami ng baon sa ilalim ng puno ng mangga. "Nakakatakot nung una, pero masasanay ka rin."

Tumango si Ate Ophelia, halatang gumagaan na rin ang loob. Sa bawat kwentuhan, ramdam kong unti-unti nang nawawala ang takot ko sa mga magiging reaksyon ng iba. Nagkakapalitan na kami ng mga kuwento — tungkol sa mga paborito naming palabas, mga guro na nakakatakot, at mga pangarap namin sa buhay.

Pakiramdam ko, sa simpleng lugar na ito, mas totoo ang bawat tawanan, mas malaya kaming magpakatotoo.

Hindi maiiwasan, minsan may mga matang nakatingin sa amin. Minsan may mga bulung-bulungan kapag dumadaan kami ni Ate. Hindi ko alam kung dahil ba bago kami o dahil may narinig sila tungkol sa amin.

Naiisip ko sina Glyzza at Glydel, kung ano ang iisipin nila kung makita nila kami rito. Baka pagtawanan nila kami, pero hindi na iyon mahalaga ngayon.

"Huwag mong pansinin 'yan," sabi ni Grace nang minsang napansin niyang nag-aalangan ako. "Ganyan lang talaga sa umpisa, pero kapag nakilala ka na nila, magiging maayos din lahat."

Nakakatulong ang mga salita ni Grace. Sa kabila ng mga pag-aalinlangan, alam kong mas marami ang handang tumanggap kaysa humusga.

Habang nililingon ko ang lahat ng nangyari, napagtanto kong ang mga pagbabago ay hindi palaging masama. Oo, mahirap noong una, pero nagdala rin ito ng mga bagay na mas totoo — mas malalim na pagkakaibigan, mas buo at malayang pamilya, at mga pangarap na mas nakikita ko nang malinaw.

Ang public school ay hindi lang basta isang lugar ng pag-aaral. Isa itong tahanan na nagturo sa akin ng tunay na halaga ng pagtanggap, pagkakaibigan, at katatagan. 

Dito ko nakilala sina Grace, Crystal at Jessa. Sa kanila ko nakita ang sinserong pagkakaibigan — hindi batay sa kung ano ang mayroon ka, kundi sa kung sino ka bilang tao. Kapag recess, nagkukuwentuhan kami ng mga simpleng bagay — tungkol sa mga crush, sa mga nakakatawang pangyayari sa klase, o minsan ay mga pangarap na tila imposible pero masayang isipin.

Nakikita ko rin kung gaano ka-determinado si Ate Ophelia kahit na may trabaho siya. Sa aming dalawa, siya ang mas nakakatanda, pero minsan pakiramdam ko ay para na rin siyang pangalawang ina. Tuwing gabi, nag-aaral siya ng mabuti habang pinapatulog si baby Quila. Nakikita ko siyang nagpupuyat, nagbabasa ng mga libro, at nagsusulat ng notes kahit na pagod na pagod mula sa pagtulong kay Mommy. Alam kong mahirap para sa kanya pero hindi siya sumusuko. Inspirasyon ko siya para magpatuloy upang makapagtapos ng pag-aaral.

Si Mommy, mas madalas na ang ngiti niya ngayon. Kahit pagod mula sa pagtatrabaho, ramdam kong mas buo kami ngayon bilang pamilya. Nakahanap siya ng trabaho bilang tindera sa isang maliit na grocery store malapit sa amin. Hindi kalakihan ang kita, pero malaki na itong tulong para sa amin. Minsan, kapag may sobrang gulay o tinapay na hindi naibenta, iniuuwi niya para idagdag sa hapunan namin. Mas madalas na kaming magkakasama sa hapag-kainan, at kahit pagod si Mommy mula sa trabaho, laging may oras siya para sa amin.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Related chapters

  • Hearts Under Contract   CHAPTER 4

    NAGING kontento na ako sa buhay na mayroon ako. Unti-unti kong natutunan na tanggapin ang bagong takbo ng buhay namin. Masaya ako kasama si Ate Ophelia, si baby Quila, at si Mommy. Masaya ako sa mga bago kong kaibigan sa public school na sina Grace, Crystal at Jessa. Masaya ako kahit na simpleng ulam lang ang nakahain sa hapag-kainan, dahil buo kaming magkakasama.Pero ang akala ko ay maayos na ang lahat, pero hindi pa pala.Napapansin ko ang pagiging matamlay ni Mommy kahit na pilit niyang itinatago sa akin. Madalas siyang tulala kapag akala niya'y walang nakatingin. Kung dati ay laging puno ng enerhiya ang mga kilos niya, ngayon ay tila mabagal na, parang mabigat ang dinadala. Kapag kinakausap ko siya, ngumiti siya nang pilit — ngiti na hindi umaabot sa mga mata niya.“Okay ka lang ba, 'My?” Tanong ko habang naghuhugas ako ng pinggan.“Okay naman ako, anak. Pagod lang siguro,” sagot niya, sabay abot ng basang plato na akala niya’y nahugasan na.Nagtama ang tingin namin. Alam kong pag

    Last Updated : 2025-03-26
  • Hearts Under Contract   CHAPTER 5

    MINSAN, habang nag-aayos ako ng mga lumang gamit ni Mommy, nakita ko ang isang kahon na puno ng mga sulat at litrato. Litrato namin noong masaya pa kami, buo pa kami. Mga sulat ni Mommy noong mga panahon na mahirap ang buhay pero patuloy siyang lumalaban.Lumipas ang mga buwan, pilit kaming bumabangon. Mahirap, masakit, pero alam naming kailangang magpatuloy. Si Ate Ophelia ang naging gabay ko, ang sandalan ko matapos mawala si Mommy. At si baby Quila, palaging may ngiti — inosente, walang muwang sa kawalan, pero nagbibigay ng pag-asa.Sa bawat hakbang, dala ko ang mga alaala ni Mommy. Ang mga payo niya noong mga gabing hindi siya makatulog dahil sa chemotherapy. Akala ko, kahit papaano, natutunan ko nang tanggapin ang lahat. Akala ko, kahit paunti-unti, nakakaahon na ako. Pero hindi pala gano'n kadali.Nang mawala si Mommy, bumagsak ang mundo ko, pero naroon si Ate Ophelia na malakas, nagpakatatag. Siya ang tumayong ilaw ng buhay namin. Siya ang nagtrabaho kahit pagod na pagod siya mu

    Last Updated : 2025-03-26
  • Hearts Under Contract   CHAPTER 6

    ANG buhay ko ay isang gulo na hindi ko na alam kung paano aayusin.Dahil sa utang na iniwan ni Ate Ophelia, ngayon, nakatayo ako sa harapan niya… hinihintay ang desisyong babago sa buhay ko.At sa pagitan namin, isang kasunduan ang nakalatag sa mesa.“Pakakasalan mo ako.”Akala ko nagkamali lang ako ng dinig.Pero hindi.Nanatili siyang nakatitig sa akin, ang malamig niyang mga mata ay parang kutsilyong unti-unting sumasaksak sa pagkatao ko.Hindi siya nagbibiro.Napakurap ako, pilit na nilalamon ang katotohanang ito. Kasal? Sa isang lalaking halos hindi ko kilala?“H-hindi magandang biro ito.” Mahina kong sabi.Nag-angat siya ng kilay, halatang nababasa ang takot sa mukha ko.“Sa tingin mo ba, nagbibiro ako?” malamig niyang tugon.Hindi ko na nagawang sumagot. Ang kaba sa dibdib ko ay parang sasabog.“Wala kang ibang pagpipilian, Phoebe.”Napakuyom ako ng palad. Alam kong totoo ang sinasabi niya. Walang natira sa akin.Ang natitira kong pera? Hindi na aabot para sa susunod na buwan. P

    Last Updated : 2025-03-27
  • Hearts Under Contract   CHAPTER 7

    PAGDATING namin sa bahay niya—hindi, bahay namin—pakiramdam ko ay pumasok ako sa isang lugar kung saan hindi ako nababagay.Masyadong malaki, masyadong tahimik. Para bang isang rehas na ginintuan—maganda sa panlabas, pero isang bilangguan sa loob. Bigla kong naaalala ang mansion ng lola ko.Mas malaki ang bahay na ito kumpara roon. Oo nga at doon kami nakatira pero hindi namin kailanman naranasan ang mamuhay ng marangya. Lahat ng bagay na hinahawakan, ginagamit at pagkain na kinakain namin ay limitado.Bantay-sarado ang bawat galaw namin sa bahay na iyon. Ganoon din kaya rito?May lumapit sa amin na isang matandang katulong, tantiya ko ay nasa edad sixty na ito. Akmang kukunin niya ang mga bag na dala ko pero pinigilan siya ni Darius."Dalhin mo ang sanggol sa kwarto niya." Sabi nito na para bang pinaghandaan niya talaga ang pagdating namin ngayong araw na ito. Kinuha niya si Quila mula sa akin, nagdadalawang-isip pa akong ibigay ang kapatid ko. Kung hindi lang nagsalita si Darius...

    Last Updated : 2025-03-27
  • Hearts Under Contract   CHAPTER 8

    TAHIMIK akong umupo sa kabilang dulo, pinipilit maging kampante sa hindi pamilyar na kapaligiran. Ngunit nang magtaas siya ng tingin at tiningnan ako nang diretso, para akong nakuryente."Kumain ka."Iyon lang ang sinabi niya, pagkatapos ay bumalik sa pagbabasa.Tahimik akong kumuha ng pagkain, kahit wala akong ganang kumain. Sa ilalim ng hapag, mahigpit kong hinawakan ang kubyertos, sinusubukang pigilan ang kaba sa loob ko.“Simula ngayon, may mga pagbabago sa buhay mo.”Halos mabilaukan ako sa tinig niyang biglang bumasag sa katahimikan.Napatingin ako sa kanya. “Ano?”Ibinaba niya ang dyaryo at tinapunan ako ng malamig na tingin. “Simula ngayon, ikaw na si Phoebe Villarosa.”Malamig, matigas, walang bahid ng emosyon.“Alam ko,” mahinang sagot ko. Dahil iyon ang presyong kailangan kong bayaran sa kasunduang ito.“Ibig sabihin, may mga tungkulin kang kailangang gampanan.”Napakunot ang noo ko. Tungkulin?Napansin niya ang reaksyon ko kaya nagpatuloy siya, “May mga pagtitipon akong ka

    Last Updated : 2025-03-27
  • Hearts Under Contract   CHAPTER 9

    MAAGA akong gumising at dumiretso sa kwarto kung saan naroon si Quila. payapa siyang natutulog sa kanyang crib. Pinakiusapan ko si Darius na sa kwarto na lang siya matutulog pero hindi niya ako pinagbigyan. Masama ang loob ko sa kanya pero wala akong ibang magawa. Hawak niya ako at ang buhay ko—ang buhay namin ni Quila, kaya wala na akong magagawa pa.Bumalik na ako sa kwarto ko para plantsahin ang mga damit ko sa eskwela at ang isusuot niya sa trabaho. Asawa na niya ako at kailangan kong gampanan ang papel ko bilang asawa niya. “Ano’ng ginawa mo?” Isang dumadagundong na boses ang nagsalita sa akin kaya dahil sa gulat. Lumihis ang plantsa at nadaganan ang kamay ko kaya nabitawan ko naman agad ito.Ang sakit!Pero tiniis ko na lamang at dali-daling kinuha ang plantsa na nahulog sa sahig. “Sorry, sorry!” Hinging paumanhin ko sa kanya habang pinulot ang plantsa.“Tss. Clumsy,” komento niya pero hindi na ako nagsalita. Halos ipikit ko ang mga mata ko para hindi ko makita ang hubad niyang

    Last Updated : 2025-03-28
  • Hearts Under Contract   CHAPTER 10

    AGAD kong naramdaman ang dahan-dahang pagtakbo ng sasakyan. Maya-maya lang ay gumilid ito at huminto. Nasa tapat na pala kami ng unibersidad, hindi ko man lang napansin.“I’ll fetch you later. Same spot.” Striktong sabi nito kaya tumango lang ako. Akmang bubuksan ko na ang pinto ng sasakyan nang tawagin niya ang pangalan ko. “Phoebe!”Agad naman akong lumingon sa kanya. Nagkasalubong ang mga tingin naming dalawa pero agad naman akong umiwas. “Ano?” Mahina kong sagot pero sapat naman para marinig niya. “Don’t ever mention to anyone that you're married.” Sabi nito, ang mga tono ay may halong pagbabanta, na kung hindi ko sundin ang gusto niya ay may matatanggap akong parusa. “Pero diba ang sabi mo ay hindi ko kailangan magpanggap, dahil asawa mo ako at totoo ang kasal natin?”Ang akala ko ay hindi na siya sasagot kasi bigla siyang tumahimik, pero maya-maya lang ay bigla naman siyang nagsalita.“There are selected people who need to know about you. Ang mga taong iyon ay ang mga taong

    Last Updated : 2025-03-29
  • Hearts Under Contract   CHAPTER 11

    Darius' POV"YOU sure about this girl?" Tanong ni Kael, ang matalik kong kaibigan. Alam niya na nagpakasal ako kay Phoebe Concepcion. "No! Isang taon lang naman.""Be careful! You might get hooked at the end." Natatawa na asar pa nito. Matalik na tingin lamang ang aking ibinigay sa kanya. Umiling ako. Imposible yun! Hinding-hindi ako magkakagusto sa babaeng hindi ko naman labis na kilala. Kung tutuusin, wala siya sa kalingkingan ng mga tipo kong babae.“Nai-handa mo na ba ang mga dokumentong kakailanganin ng bagong eskwelahan niya?” Walang gana kong tanong. Kahit papaano, gusto kong may ipagmalaki siya. Ewan ko ba, nangako naman ako sa sarili ko na hinding-hindi siya makatikim ng pera kahit barya mula sa akin, pero ngayon, papaaralin ko pa siya sa private school. Parang may nagsabi sa akin na kailangan niyang lumipat doon, hindi ko alam kung bakit.“Yup! Nagawan ko na ng paraan ang tungkol diyan. Nalaman ko rin pala na galing siya sa unibersidad na yun dati. Ano’ng nangyari at nag-a

    Last Updated : 2025-04-01

Latest chapter

  • Hearts Under Contract   CHAPTER 22

    Maya’s POVMAAGA akong gumising kinabukasan. Gusto kong ipaghanda ng agahan si Darius. Hindi ko naman ito karaniwang ginagawa pero… kailangan kong gampanan ang papel ko bilang asawa niya.Ilang linggo na rin akong nagpapaturo kay Manang Lita tungkol sa mga paboritong pagkain ni Darius. Nahihiya lang akong magluto para sa kanya at baka hindi pa ako masyadong magaling. Baka hindi niya magustohan ang luto ko.Pinuntahan ko na muna si Quila at kinarga saka pinupuno ng halik ang buong mukha. Maya-maya lang ay ibinalik ko na siya sa kanyang crib pagkatapos ay dumiretso agad ako sa kusina.“Maaga ka ngayon, anak,”“Ipagluto ko po sana si Darius… para makakain po siya ng maayos, manang.”Isang makahulugang ngiti ang binigay niya sa akin pero binalewala ko na lang. Sinamahan ako ni Manang Lita sa pagluluto ngunit ako lang ang gumagawa ng lahat. Gusto kong subukan na ako lang. Ang niluluto ko ay ginataang kalabasa. Hindi ako sigurado kung magugustuhan niya ang lasa nito dahil hindi naman tala

  • Hearts Under Contract   CHAPTER 21

    Darius’s POVSHE’S peacefully sleeping in my bed. Hindi ko mapigilang haplusin ang kanyang makinis na mukha. Hindi ko rin maiwasan ang ngumiti dahil sa nangyari sa amin sa private suite ko. At nasundan pa ang pangyayaring iyon. Ako ang unang halik niya. Ako ang unang lalaking kumuha sa kanyang pagkabirhen. Tungkol naman sa pag-angkin ko sa kanya, hindi ko inaakalang inaalagaan pa niya ang kanyang puri gayong nagmula siya sa isang galanteng angkan. Ang akala ko ay hindi ako ang una.Iyon talaga ang inaasahan ko noong unang gabing pagkatapos naming ikasal. Ang akala ko ay isa siyang liberated na babae tulad na lang ng ibang nakilala ko. But I was her first… in everything.Yun ang dahilan kung bakit ako nagalit noong makita ko siyang may kasamang ibang lalaki. Gusto ko siyang saktan gamit ang mga masasakit na salita mula sa aking bibig. Iyon ang parusa ko sa kanya dahil hinawakan siya ng lalaking iyon. Hindi ko alam kung bakit ako biglang nagalit kahit na narinig ko naman ang pinag-u

  • Hearts Under Contract   CHAPTER 20

    PAGKAUWI ko ay agad kong naramdaman ang bigat dahil sa katahimikan sa loob ng bahay. Walang akong narinig na kahit anong tunog—maliban na lang sa mahinang tunog ng orasan sa may dingding.Nanlaki ang mga mata ko dahil sa bumungad sa akin.Si Darius.Nakaupo habang nakasandal siya sa may sofa, hawak ang isang baso ng whiskey. Hindi siya agad tumingin sa akin, pero alam kong alam niyang naroon na ako. Tahimik lang siyang tumungga, saka dahan-dahang inilapag ang baso sa mesa.Kinapa ko ang aking dibdib. Mabilis ang pagtibok nito, halos hindi ako makahinga dahil sa sobrang bilis.“Anong oras na?” malamig niyang tanong. Hindi agad ako nakasagot. Hinubad ko na muna ang suot kong sapatos saka ako dumiretso sa sofa at umupo. Galit siya!Nararamdaman kong galit siya. Nanlamig ang mga kamay ko. Gusto kong magpaliwanag, pero natatakot ako at baka mas lalo pa siyang magalit. Alam kong kahit anong sabihin ko, may mali pa rin ako.Hindi man lang ako nagpaalam sa kanya kung saan ako pupunta. Pero ku

  • Hearts Under Contract   CHAPTER 19

    NASA harapan ako ng gate ng dati kong unibersidad. Oo, ngayon ang unang araw ko sa unibersidad na ito. Kasama ko ang isang staff ng eskwelahan. Kinakabahan ako at baka magtagpo ang landas namin nina Glyzza at Glydel.Pero wala na akong magagawa pa, dahil narito na ako. Baka magiging magkaklase pa nga kaming tatlo. Kung mangyayari iyon, wala akong ibang pagpipilian. Kailangan kong ipagtanggol ang sarili ko… dahil wala na akong ate, na siyang magtatanggol sa akin.“Malapit na tayo,” nakangiting saad ng professor kaya nginitian ko na lang din siya.Nang makarating kami sa magiging classroom ko, huminto kami saglit sa may pintuan. Hinihintay na matapos ang pagsasalita ng pamilyar na professor sa harapan ng klase. I despised this school so much, after everything that happened to us. Pero heto ako, pinapabalik ng asawa ko rito.Kung tutuusin, hindi na niya ako kailangan pa na pag-aralin sa paaralang ito. Kontento na ako sa pampublikong eskwelahan lang. Mas mabuti roon, mayroon akong mga tot

  • Hearts Under Contract   CHAPTER 18

    HINGAL na hingal kaming pareho nang magkahiwalay ang mga labi naming dalawa. “Ako lang ang nagmamay-ari sa’yo. Ako lang Phoebe… akin ka lang,” namamaos ang kanyang boses habang sinabi niya ‘yun.Tama nga kaya ang hinala ko? Na nagseselos siya kay Mark? Hinahalikan niya ang aking leeg, hindi ko maiwasan ang makaramdam ng kakaibang kiliti—isang kiliti na tanging siya lang ang nakapagparamdam sa akin. Umakyat ang mga halik niya patungo ulit sa labi ko at walang sawa akong hinalikan."Sa totoo lang, kaya kong matulog sa tabi mo buong araw." Bulong niya sa malanding boses, sa pagitan ng aming paghahalikan. Hindi ko siya sinaway dahil gustong-gusto ko ang paraan ng pananalita ngayon. Hindi malamig ang pagkakasabi niya at ang bawat salitang lumabas mula sa bibig niya ay punong-puno ng init.Sana ganito nalang siya palagi sa tuwing normal na araw… iyong walang init ng katawan ang namamagitan sa aming dalawa. Patuloy lang siya sa paghalik hanggang sa maramdaman ko ang mga kamay niya na huma

  • Hearts Under Contract   CHAPTER 17

    KANINA pa kami tahimik dito sa loob ng sasakyan. Tahimik lang siya... parang may malalim na iniisip. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya sa mga oras na ito. Dapat ba akong humingi ng tawad? Bakit naman ako hihingi ng tawad?Wala naman akong ginawang masama, ah?Maya-maya lang ay pinaandar na niya ang sasakyan. Napansin ko rin ang mahigpit na hawak niya sa manibela. Gusto ko siyang kausapin pero natatakot ako. Ramdam na ramdam ko ang malamig na aircon ng sasakyan ngunit mas ramdam ko pa rin ang malamig niyang aura. Nang makarating kami sa bahay ay agad siyang dumiretso sa loob. Sumunod naman ako at nagpunta sa kwarto. Naabutan ko siyang nakabihis na, kaya nagbihis na rin ako. Nang lumabas ako mula sa bathroom ay nakikita ko siyang nakasandal sa may pader malapit sa pinto nitong bathroom. Naka-crossed arms lang siya… mukhang may malalim siyang iniisip. Hindi ko alam kung galit ba siya sa akin o hindi. Bakit naman siya magagalit sa akin? “Darius,” tawag ko sa pangalan niya. Hind

  • Hearts Under Contract   CHAPTER 16

    KINABUKASAN, wala na si Darius sa tabi ko nang magising ako. Ngunit may napansin akong isang sobre na nakalagay sa maliit ng mesa, agad ko naman itong kinuha.To: PhoebePara sa akin ito.Nagulat na lang ako dahil sa pagbubukas ko, isang blankong papel ang bumungad sa akin. Blangko? Bakit blangko ito?Akala ko ba ay isang revised condition ang ibibigay niya sa akin? Ano ‘to? Nakaalis na kaya siya?Nagmamadali akong bumaba ng hagdan at dumiretso sa kusina. Naroon siya sa mesa naka-upo habang umiinom ng kape. Mayroon na rin na mga pagkain ang nakahanda sa mesa.“M–Morning,” bati ko.Tumango lang siya. Nakasuot na siya ng damit pang-opisina, kaya alam kong aalis na ito pagkatapos niyang kumain. “Have a seat and eat.” Sabi nito. Umupo naman ako at nag-sandok na ng kanin. Nanunuot sa ilong ko ang mabangong amoy ng ham. Natatakam tuloy ako. “Maaari ba akong magtanong?”“Go ahead,”“Para saan ang blankong papel na naroon sa mesa?” Hindi ko maiwasang itanong.Ang tasa ng kape ay nilapag n

  • Hearts Under Contract   CHAPTER 15

    GABI na nang nakapag-desisyon siyang umuwi. Tahimik na rin ang buong building. Ayaw niya talagang malaman ng mga empleyado niya ang tungkol sa pagsasama namin. Sino ba naman ako.Tahimik ang sasakyan habang binabaybay namin ang madilim na kalsada. Ang mga ilaw naman sa may gilid ng kalye ay mabilis na dumaan sa mga bintana. Kasama ko ngayon sa loob ng sasakyan ang pinaka-dominanteng lalaki sa balat ng lupa.Nag-aalala ako sa quiz ko dahil maaaring magkaroon ako ng mababang grado sa quarter na ito at natatakot ako. Gusto ko pa na mapabilang sa Dean’s Lister pero paano ko pa magagawa ‘yun? May isang quiz na akong hindi ko man lang napuntahan… kahit attendance ko na lang, wala. Tinignan ko si Darius na tahimik lang habang nagmamaneho nitong sasakyan, nakatuon ang mga mata niya sa kalsada, at walang bakas ng pag-aalala o pagkabahala sa kanyang mukha. Hindi ko kayang basahin ang iniisip niya. Napaisip tuloy ako kung bakit kailangan niyang tratuhin ako ng ganito? Hindi naman ako masamang t

  • Hearts Under Contract   CHAPTER 14

    NANG magising ako kinabukasan, wala na siya sa aking tabi. Namalayan ko na lang din ang sarili ko na nakasuot na ng coat ni Darius. Siya ba ang nagsuot nito sa akin? Malamang! Alangan naman kung sino. “Ano’ng oras na kaya?” Mahinang tanong ko sa sarili ko. May quiz pa kasi ako mamaya."Alas-nuebe na," matipid na sagot niya na para bang naririnig niya ako, ngunit ang mga tingin ay wala sa akin. At least, hindi bingi.Ang kaharap ko ngayon ay iba... ibang-iba sa Darius na nakilala ko kagabi. Naging malamig na naman ang pakikitungo nito sa akin. Paano ko nasabi? Nararamdaman ko lang... basta ramdam ko lang na naiiba siya sa Darius na nakasama ko kagabi.“Iyong nangyari kagabi…”“It's part of the contract.” Sabi niya, inaabala ang sarili sa pagtingin sa laptop na nasa kanyang harapan. Wala palang halaga sa kanya ang nangyari kagabi. Siya ang unang halik ko… siya ang unang lalaki na umangkin sa akin pero parang wala lang sa kanya. Syempre pinahalagahan ko yun kasi siya ang lalaking naka-

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status