Share

CHAPTER FOUR: LIES

HINDI akalain ni Ranus na mahihirapan siya sa paglapit kay Infinity. Kaya pala ganoon na lamang ang pagpigil sa kaniya ng sekretarya nito nang tangkain niyang pumasok nang walang permiso sa opisina nito.

Ilang araw na niyang tinatangkang lumapit dito at magpakilala, ngunit ni minsan ay hindi man lang yata siya nito tinapunan ng tingin at lagi pa siyang ipinadadampot sa mga tauhan nito.

Ang amo-amo ng mukha pero kung makatingin, akala mo tigreng handang manlapa oras na pasukin ng sino man ang teritoryo. Iyon nga lang kahit pa yata anong gawin nito sa hitsura upang magmukhang masungit ay balewala.

Hinding-hindi niya makakalimutan ang maganda at maamong mukha ng dalaga nang bisitahin siya nito sa ospital. Nakapikit siya ngunit naririnig niya ang paligid. Kaya naman natuwa siya nang may marinig siyang tinig na nagsalita. Tinangka niyang imulat ang mga mata ngunit tila ba napakabigat ng kaniyang mga talukap.

Mas lalong nanaig ang kagustuhan niyang idilat ang mga mata nang makarinig ng ikalawang boses. Nag-uusap ang dalawa tungkol sa kaniya. At nang tuluyan niyang naimulat ang mga talukap ay nasa pintuan na ang dalagang nagmamay-ari ng unang tinig. Saglit itong sumulyap sa kaniya bago tuluyang lumabas.

Nakaramdam siya ng panghihinayang na hindi man lang niya ito nakausap. Ngunit mabilis man ang ginawa nitong paglingon sa kinahihigaan niya ay hindi niya makakalimutan ang kagandahang taglay ng dalaga.

"Watch me, ney-ney." Malawak ang pagkakangiting pinasadahan niya ng mga kamay na may hair lotion ang kaniyang buhok at kagat labing kininditan ang sarili sa harap ng salamin.

"I don't need your money, honey." Napangiwi siya nang maaalala ang bodyguard nitong inabutan siya ng tseke, matapos siyang itapon na naman palabas ng Hasson building.

"This handsome will get you. So, brace yourself, baby!" Isang tapik ng hinlalaki sa matangos na ilong ang ginawa niya bago tuluyang nilubayan ang kawawang salamin.

Tinungo niya ang hindi-gaanong-mamahaling abuhing Toyota Camry sa hindi-kalakihang-garahe ng hindi-kalakihang-bahay niya at minaneho iyon palabas sa hindi-gaanong-sikat-na-village. At saka niya binaybay ang daan patungo sa kaniyang pakay.

Samantala, subsob sa trabaho si Infinity nitong mga nakaraang araw. Sunod-sunod ang mga meeting niya sa mga head ng bawat department matapos ang anomalyang kinasangkutan ni Mr. Calixto. Mukhang naging kampante ang mga ito na hindi mabubulilyaso ang mga hindi magagandang gawain ng mga ito.

Hindi niya tanggap ang mga dahilang ibinibigay ng mga head department. Na kesyo kinailangan ng pera pampaopera para sa mga mahal sa buhay. Mapapalampas pa sana niya kung isang beses lamang nito iyon ginawa. Ngunit iyong ilagay sa alanganin ang kompaniya at hayaang makawala ang matinong supplier ay isang pagpapabaya.

Maliit man ang porsyento, kapag pinagsama-sama ay lumalaki rin iyon. Pagnanakaw ring matatawag ang pakikipagsabwatan nito sa supplier at sirain ang kompaniyang kinabibilangan.

She gave him choices. He will resign, demote or terminate.

Nagawa na rin niyang makausap ang R.S Food upang makipag-tie up muli sa mga ito. At hindi naman siya nahirapan.

Ngayon naman ay ang branch sa CDO ang kaniyang pinagtutuunan. She was reviewing the proposal of expansion that submitted to her by the branch manager. Maliit lamang ang branch nila roon, at ayon dito ay lumalaki ang bilang ng mga turista, maging ang mga lokal na taga-Cebu at hindi na ma-accommodate ang mga demand ng mga ito.

Nasa ganoon siyang sitwasyong nang…

"I guess, your father told you already about the 'marriage-before-position' rules of the Hasson Group of Companies, Lady," bungad ni Mr. Johnson na bigla na lamang sumulpot sa kaniyang opisina.

Nag-angat siya ng tingin at tahasang tinaasan niya kilay ang ginoo. Isa sa lahat ng pinakaayaw niya ay ang walang pasabing susulpot na lamang ang kung sino sa harapan niya.

"So, when do you plan to get married?"

"Why are you so interested? Too excited to get the higher position, Mr. Johnson?" Lihim na napangiti si Infinity nang makitang bahagyang natigilan ang kaharap. She hit his intention, she knew it.

"Well, sad to say, you don't have a chance and I won't give you any chances." Umismid siya at muling itinuon ang atensiyon sa papeles na kanina pa pinag-aaralan.

"I don't know what are you pointing at me, Lady. This is a serious matter. I am just concerned about Hasson's and—"

"You did get my point, Mr. Vice President. And I am telling you, you have nothing to worry."

"I see. Then, that is good. So, kailan namim makikilala ang mapapangasawa mo?"

Hindi agad nakasagot si Infinity. Iniisip ang maaari niyang sabihin. Ngunit, ano nga ba ang isasagot niya, kung ang totoo ay wala naman?

Ibubuka na sana niya ang bibig upang sagutin ito, pero siya namang pagbukas muli ng pinto.

"Hello, my angel!" nakangising bati ni Ranus at walang hiya na basta na lamang lumapit sa mesa niya.

"Lady, I'm so sorry hindi ko po napansin ang pag—" Aligagang bungad ni Karla na hindi rin natapos ang sasabihin nang tanguan na lamang niya ito. At saka muling lumabas ng opisina.

"I brought your lunch. Nag-aalala akong baka hindi ka pa kumakain."

Dumako ang paningin niya mula sa mukha nito patungo sa supot na inilapag ng binata sa ibabaw ng office table niya.

"Uhummm…"

Lumipad ang tingin ni Infinity kay Mr. Johnson nang tumikhim ito. At muling bumaling kay Ranus.

"And you are?" tanong ni Mr. Johnson kay Ranus nang hindi magsalita ang dalaga.

"Oh, I'm sorry. I am Teranusjulio del Prado, sir. I am—"

"He is my fiancè…"

Mabilis na pumaling ang ulo ni Ranus paharap kay Infinity. Bakas ang pagkabigla dahil sa uri ng pagpapakilala nito sa kaniya.

"Ranus, meet Mr. Eugene Johnson, Hasson's Vice-President. Mr. Johnson, meet my fiancè Teranusjulio del Prado," pormal na pagpapakilala ni Infinity sa dalawa.

Bakas naman ang pagdududa sa mga mata ni Mr. Johnson, ngunit nakangiti nitong inabot ang kamay sa lalaki upang makipagkamay rito.

"Oh! We're just talking about you, young man. It is too soon to meet you."

"Nice to meet you, Mr. VP."

"My pleasure to meet you too, Mr. del Prado. So, when is your wedding?"

"Excuse me, Mr. Johnson. I guess it is not the right time to talk such a thing. My fiancè and I are having lunch. I'm already starving."

"Oh! I'm sorry about that. I guess, I have to go."

"Yes, you should. And please, next time you want to talk to me, ask my secretary for your appointment, Mr. Johnson. You are not an exemption," sarkastikong pagtataboy ni Infinity.

Nakahinga nang maluwag si Infinity nang tuluyang makalabas ang ginoo. Daig pa niya ang sinasakal kanina habang tinatahi ang kasinungalingang iyon.

Muli niyang itinuon ang atensiyon sa binabasa at binalewala ang presensiya ng binata.

"So, you are my fiancèe now? Wow! I can't believe it!" hindi makapaniwalang bulalas ni Ranus nang balingan nito ang dalaga.

Bahagya itong yumukod at ipinatong ang mga kamay sa lamesa. Alanganin itong natawa, halatang hindi makapaniwala.

"Really? I'm suddenly become your husband-to-be. Amazing!" Yumuko pa ito upang lumebel sa mukha ng dalagang nakayuko.

"Hey, future wife."

Natigilan si Infinity matapos marinig ang itinawag sa kaniya ng lalake. Salubong ang kilay na inangat niya ang ulo, upang mapagtanto lang na ga-dangkal na lang ang pagitan ng mukha nila. Blangko ang ekspresyong ipinakita niya sa binata.

"It's nothing. You may leave my office."

"Woah! After you declare that we are engaged, you are about to dump me? Ouch!"

"Shut up."

"How about my reputation, future wife? I can't. You are my soon-to-be-my-wife. So, I'm not going to leave."

"I said, shut up!" Idinaan ni Infinity sa galit ang nararamdaman niya. Nag-iinit kasi ang mukha niya sa paulit-ulit nitong pagbigkas sa salitang 'future wife' at 'soon-to-be-my-wife'. She knew how red is her cheeks now.

"My wife-to-be is blushing." Hinaplos ni Ranus ang pisngi ni Infinity dahilan upang makaramdam ng panghihina ang dalaga. Ngunit pilit siyang nagmatigas sa harap nito.

"Leave now," mahina ngunit mariin niyang utos dito.

"Okay, okay. I will leave, but make sure to eat those food. Bye, future wife." Mahina nitong tinapik-tapik ang pisngi niya bago nakapamulsang naglakad patungo sa pinto.

Muli pang sinulyapan ni Ranus si Infinity at kininditan bago tuluyang lumabas ng opisina.

Marahas na nabitiwan ng dalaga ang hawak na papel nang mawala sa paningin niya ang lalake. Kung kanina ay hindi siya makahinga nang maayos habang kaharap at tumatahi ng kasinungalingan kay Mr. Johnson, tila naman aatakihin siya sa puso nang maiwan silang dalawa ng binata.

Hindi niya maipaliwanag ang klase ng kabang nararamdaman kanina lang. At kung bakit nga ba siya kinakabahan. Hindi rin maipaliwanag kung bakit pakiramdam niya ay nanghihina siya sa tuwing tatawagin siya nitong future wife.

What is happening to her? She was now in doomed because of her lies!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status