Share

Chapter Seven: Get Lost

"WHAT are you really doing here, father?" iritadong tanong ni Infinity sa ama. Hindi dahil sa ayaw niya itong makita, ngunit dahil naabutan nito si Teranus sa opisina niya.

"I told you, daughter. I wanted to meet my future son-inlaw."

"You got to be kidding me. You can meet him on the wedding day."

"No, I can't wait on that day. And in fact, you haven't told me when is your wedding date." Bumaling ang tingin ni Mr. Hasson sa binata na abala sa pakikipag-usap sa kung sinong staff ng restaurant.

Ilang sandali lang ay umupo na ito sa tabi ng dalaga. Kaharap nila ang ginoo.

"I hope you will like the food I ordered," ani Ranus.

"You seem familiar in this restaurant?"

"Yes, Pa. Well, I am a part owner of this," bahagya pang nahihiyang tugon ng binata.

Hindi na nagulat si Infinity dahil iyon ang ini-report sa kaniya ni Anton kanina.

"Oh, that is great! A business minded man. Really great! So, how did you two met each other?"

Kapwa natigilan ang dalawa. Hindi napaghandaan ni Infinity ang araw na ito. Hays, her father is really a mess! Napapitlag pa ang dalaga nang sapuin ng binata ang kamay niyang nasa table. Iniangat iyon habang titig na titig sa mga mata niyang dinala iyon sa mga labi.

"I met her in Greece," panimula nito na hindi pa rin natitinag sa pagtitig sa kaniya, "I had no chance to introduce myself. So, when she left for Philippines, I followed her."

Napaawang ang mga labi ni Infinity. Hindi niya magawang magsalita dahil sa malalim na pagkakatitig nito sa kaniya. Matamis pa itong ngumiti matapos ang huli nitong sinabi. Nanghihina siya sa mga titig at sa pagkakahawak nito sa kamay niya. Damn it! What is happening to her. For Pete sake! Kaya wala siyang tiwala sa Tetanus na `to.

Pero ang mga sinabi nito. Hindi niya alam kung paano iyong hinabi ng binata. She was in Greece before she came here. So part of what he said was true.

"And then? You courted her?"

"Yes, Papa."

"But, It's just a short of time. She's been here for a month and half. Right, daughter?" tanong ng ginoo na dumako ang mga mata sa anak.

Ngunit hindi iyon pinansin ni Infinity. Nasa binata pa rin ang atensiyon niya.

"True, Papa. I just don't wanna waste time, kaya pinursige ko nang sagutin ako."

"Well, it doesn't matter how long did you know each other. The fact that you love my daughter and you don't have any agenda. Whom am I to say no in your relationship."

Patuloy ang pag-uusap ng dalawa kahit pa na dumating na ang pagkain nila.

"I love your daughter, Mr. Hasson," seryosong wika ng binata na muling tumitig sa kaniya. At iyon na naman ang puso niya. Dumadagundong ng malakas at halos mabingi na siya.

"I want to marry her, because I love her that much, Papa. We can ask for conjugal property so you won't think that I'm into her wealth. But she can own mine." Pinisil nito ang kamay niyang hawak nito saka bumaling sa kaniyang ama.

Idinaan ni Infinity sa pag-irap ang kaba, saka pasimpleng binawi ang kamay niya. Dinampot niya ang mga kubyertos para hindi na mahawakan pa ng binata ang kamay niya.

Sasandok na sana siya ng isa sa mga nakahain sa mesa nang maagap na ipinagsandok siya ni Teranus.

"May allergy ka ba sa seafoods?" tanong nito bago ilagay sa plato niya ang pagkaing weird sa paningin niya. Kanin iyon na kulay orange tapos may nakahalo nang seafoods, meat, at vegetables. Umiling siya bilang sagot dito, saka lang iyon isinalin ni Teranus sa plato niya.

Kumutsara siya nang kapiranggot sa kanin para subukan ang lasa niyon. Napandilatan niya ang pagkain sa plato nang kumalat sa panlasa niya ang malasang pagkain. It's giving an earthy, sweet, and slightly musky flavor. Kumutsara pa siya at muling sumubo. She was really drooling of the taste, she couldn't over it.

"Did you like it?" malambing na tanong ni Teranus nang muli siyang kumutsara at nguyain iyon nang mabagal.

Tumango siya bilang sagot.

"Good. Pero may alam akong mas masarap diyan," anito na nagpalingon sa kaniya rito.

Tinaasan niya ito ng kaliwang kilay, saka muling sumubo habang hinihintay ang karugtong ng sasabihin nito.

"Ako. Mas masarap ako diyan sa kinakain mo," saad ni Teranus na nagpasamid kay Infinity.

Sunod-sunod ang naging pag-ubo ng dalaga. Tawa naman nang tawa ang binata habang inaabutan ng inumin si Infinity at hagod-hagod ang likod.

"Grabe ka naman, future wife. Isinusuka mo talaga ako, ano?" tanong ni Teranus pero ang mukha, mukhang naghahamon. Nilingon niya ang ama ng dalaga at dito nagpaawa. "Papa, pangit ba ako? Kasuka-suka ba ako? 'Tong guwapo kong ito?"

Hindi na napigilan ng matandang Hasson ang tumawa nang malakas dahil kanina pa rin nito pinagmamasdan ang dalawa.

Nahampas naman ni Infinity sa balikat ang binatang tatawa-tawa matapos na makabawi sa pagkakasamid. "Shut up!" gigil niyang pigil dito.

Natapos ang tanghalian ng tatlo. At dahil sasakyan ni Teranus ang dala nila, inihatid lang ng binata ang ama ni Infinity sa Hasson Hotel 'saka ibinalik ang dalaga sa Hasson building na nasa kalapit na area lang din.

"Please stop this, Mr. del Prado," ani Infinity nang nasa parking lot na sila ng gusali.

"Stop what?"

"C'mon, alam kong alam mo kung ano ang tinutukoy ko. Stop fooling around."

"Oh! Alam mo, future wi—"

"Never call me that, Tetanus. And please, stop coming to my office. Masiyado nang lumalaki ang kasinungalingan ko. Pati si Dad nadadamay na," pagputol ni Infinity sa sasabihin pa ng binata.

Tumagilid sa upuan niya si Teranus para harapin ang dalaga. "That's the point. Kilala na ako ng papa mo. Can't we just continue this?"

"And you are deciding for me now?"

Inangat ni Teranus ang dalawang kamay na animo sumusuko na. "Nagtatanong lang ako." Humarap siya sa manibela at pabalagbag na ipinatong doon ang kaliwang kamay.

Inirapan ni Infinity ang binata saka binuksan ang pinto ng sasakyan. "I know my father. At alam kong alam niyang palabas lang ang kung anong namamagitan sa atin. So, get lost, please." Walang ganang bumaba siya ng sasakyan at malakas iyong isinara.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status