"SA TINGIN ko kailangan mong gumawa ng paraan para mapatigil mo ang bibig ko." Nanlaki ang mga mata ni Infinity nang matumbok ang pinapahiwatig ng binata. Ha! Gusto nitong halikan niya ito para matigil ito? Never! Damn him! "You are blushing, future wife. Are you imagining on how are you going to ki—" Okay, damn it! Damn it! She kissed him! Oh, no! Mabilis na halik lang sana ang gagawin ng dalaga. Ngunit nang akma na niyang ilalayo ang labi rito ay sinuwelyuhan agad iyon ng binata. Hinawakan pa nito ang kaniyang batok upang hindi siya makapiglas. Wala siyang nagawa kundi ang muling mapahawak sa mga balikat nito, dahil hayun na naman ang panghihina ng kaniyang mga tuhod. Napahigpit pa ang kapit niya sa damit nito nang pangahas nitong pinapasok ang dila upang saliksikin ang loob ng kaniyang bibig. Narinig pa niya ang kapwa nila pag-ungol nang mapaawang ang kaniyang mga labi dahilan upang mapasok nito nang tuluyan ang kaniyang bibig. Namalayan na lamang niyang bumitiw nang kusa an
"RANUS..." usal ni Infinity nang dahan-dahang bumaba ang mga labi ni Teranus, ngunit bago pa iyon lumapat sa mga labi niya, mabilis niyang iniilag ang mukha paiwas dito. Saglit na natigilan si Teranus sa pag-iwas na ginawa ng dalaga, nang ma-realize ang ginawa, bahagya siyang dumistansiya rito. "My apology. All right, if you are uncomfortable with what I'm doing, I will lessen myself from being clingy." Matunog ang buntonghiningang pinakawalan niya at tahimik na isinandal ang likod sa backrest ng inuupuan. Dinampot niya ang kutsarang ibinaba niya at siya na ang kumain ng laman niyon na dapat isusubo niya sa dalaga. He wanted to open his mouth to say something but he will immediately shut it to avoid annoying Infinity. Hindi niya alam kung ilang buntonghininga na ang ginawa niya para lang pigilan ang sariling magsalita. Panay ang sulyap niya sa babaeng katabi lang niya pero pakiramdam niya ang layo ng distansiya sa kaniya. "By the end of November ipapakilala na kita sa board mem
"I WAS glad that you picked the right man, Ms. Hasson. His background isn't that bad. You are managing a travel agency, Mr. del Prado? And you are a co-owner of a Michelin star restaurant, that's quite impressive." Tumatango-tango si Mr. Fitzgerald habang pinapasadahan nito ang papel kung saan nakasaad ang mga impormasiyon tungkol kay Teranus. Daig pa tuloy ng binata ang nasalang sa isang final interview at iniinteroga ng mga executive.Inilapag ng ginoo ang hawak. Pinagsalikop ang mga kamay na ipinatong sa tiyan nang tingnan si Infinity. "I guess you are ready now. Kailangan na lang kayong maikasal sa lalong madaling panahon. Papasok na ang December bukas. When do you plan to set your wedding? I will be glad to be your major sponsor, hija.""Hindi na kailangan, Mr. Fitzgerald. I just want a civil wedding.""That can't be. You are the heiress of your father. Sigurado akong hindi—""He agreed. And it's final. Ayokong ma-pressure sa kasal ko, so I want it simple." Pagputol ni Infinity s
"YES, Lady Boss?" bati ni Karla nang sagutin ang tawag ni Infinity. "Are you done?" "Yep! Dumaan lang ako sa mall to buy doughnuts. Do you need something?" "What mall are you at?" "At Loyola Mall. May ipapabili ka?" "Nope, but I need you to pick up my order at Fancy and Classy Jewelry. It's paid, you just have to pick it up." "All right. Is that all? Nasa orphanage ka na?" "That's all. Almost there. Naghahanap na lang ng mapagpaparadahan ng sasakyan si Anton. See you in my office." "Oh, babalik ka pa ng office?" Sinipat ni Karla ang wristwatch, maaga pa naman pero kung aabutin ang lady boss slash bff niya ng rush hour, maaabutan ito ng uwian ng mga empleyado. "I have to. May ilang documents pa akong kailangang pirmahan." "Alright, see you then." Hinintay niyang si Infinity ang pumutol sa tawag bago ibinalik sa handbag ang cellphone. She bought her favorite doughnut first bago niya pinuntahan ang jewelry shop na tinutukoy ni Infinity. "Hello! I'm here to pick up
NANGUNOT ang noo ni Infinity nang magsalubong ang tingin nila ni Karla habang papalapit siya. She was staring at her like she did horrible things. "Did you get what I need, Karla?" pormal niyang tanong nang daanan ang table nito. It is still office hour. Alas kuwatro y medya pa lamang. Tumayo ito bitbit ang black and gold paper bag at ang maliit na tray, saka sumunod sa kaniya. "Yes, boss," dinig niya sa tinig nito ang pagiging sarkastiko. Hinanda na niya ang sarili dahil alam niyang marami itong itatanong. Hindi pa man siya nakakaupo sa office chair, dinampot na niya ang folder na nakapatong sa mesa niya bago siya umupo. Inilapag naman ni Karla ang bitbit nito sa kanang espayo ng mesa. "Para kay Tito ba iyan?" umpisa nang tanong ni Karla. Dumako ang mata nito sa itim na paper bag na kinalalagyan ng relo. "Papa have it already." "Kung gano'n, kanino mo pala ibibigay `yan?" Bumuntonghininga si Infinity at iniangat ang tingin sa babaeng nakatayo sa harapan ng office table
"Naguluhan ka ba? Hmmm, to make it clear. I am Teranusjulio's fianceè. The real and only," maarte pa nitong saad. An 'o' draws on Infinity's lips on what she just heard. She did not know that Teranus has a girlfriend. And if it's true, does she even care? Why does she needs to feel a little pang of pain in her chest? "Well, seeing you makes me undoubt of TJ." Muli siya nitong tinapunan ng mapang-uyam na tingin. "You are not his type. So naive and—" Bahagya itong natawa at itinakip pa ang isang palad sa bibig nito, marahil upang pigilin ang pag-alpas ng nakaiinsultong tawa. At saka muling pinasadahan ng tingin ang kabuuan niya. "And so out of fashion. Are you for real? Black wide trouser and a turtle neck longsleeve under your coat? So plain." Harapang panlalait nito habang tinuturo-turo ng daliri nito ang kasuotan niya. "Excuse me, Miss," Karla butted in. "Kung wala kang importanteng sasabihin will you give us way? Hindi mo kilala ang nasa harapan mo kaya—" "I knew her very
NANDILAT ang mga mata ni Infinity nang lumapat ang mga labi ni Teranus sa labi niya. It was just a simple kiss that sent chills to her system. And when his lips started teasing her lips, napapikit na siya. Naging agresibo pa si Teranus, marahan nitong kinagat ang pang-ibabang labi niya dahilan para mapaawang ang bibig niya, and Teranus take the chance to slid his tongue inside her mouth. Napahawak si Infinity sa balikat ni Teranus nang lumalim pa ang paghalik nito. Hinawakan pa nito ang batok niya at iginigiya ang ulo sa tuwing iibahin nito ang anggulo ng labi nila. They were breathing heavily as their lips parted, ngunit hindi naman lumayo nang tuluyan sa kaniya ang binata. Nasa harap pa rin ng mukha niya ang mukha nito. Their nose touching each other, their lips were brushing. "Ang ganda, ganda mo," puri ni Teranus na naghatid ng kakaibang init sa bahagi ng dibdib niya. Humabol pa ito ng isang mabilisang halik pagkatapos ay bumuntonghininga bago ikinabit sa kaniya ang seatb
THE DATE that he prepared was ruined. At naiwang nakatulala si Teranusjulio sa kulay itim at gintong paperbag na iniwan ni Infinity. Hindi siya nanghihinayang sa mga nasayang na pagkaing kakaunti lang ang nagalaw. Natuloy pa rin naman ang dinner, ngunit hindi tulad ng inaasahan niya o ng gusto niyang mangyari. Nanghihinayang siya dahil ang inaasahan niya—makakasama niya nang matagal ang dalaga. Ngunit sumubo lang ito nang isa para lang masabing nagalaw ang pagkain, pagkatapos ay nagpaalam na. Siya rin ang dapat na maghahatid rito pabalik sa Hasson Tower, pero nagulat na lang siya na naroon na ang sasakyan nitong minaneho ng bodyguard-driver nitong si Anton. Bakit nga ba niya inasahang magiging maayos ang dinner nila? After what he had done. After Karla saw him in the mall with another woman, he still had the guts to act in front of Infinity that everything will be fine. But Karla was right. Kahit hindi ito magsumbong sa amo nito, malalaman at malalaman iyon ni Infinity. And it happ