"Naguluhan ka ba? Hmmm, to make it clear. I am Teranusjulio's fianceè. The real and only," maarte pa nitong saad. An 'o' draws on Infinity's lips on what she just heard. She did not know that Teranus has a girlfriend. And if it's true, does she even care? Why does she needs to feel a little pang of pain in her chest? "Well, seeing you makes me undoubt of TJ." Muli siya nitong tinapunan ng mapang-uyam na tingin. "You are not his type. So naive and—" Bahagya itong natawa at itinakip pa ang isang palad sa bibig nito, marahil upang pigilin ang pag-alpas ng nakaiinsultong tawa. At saka muling pinasadahan ng tingin ang kabuuan niya. "And so out of fashion. Are you for real? Black wide trouser and a turtle neck longsleeve under your coat? So plain." Harapang panlalait nito habang tinuturo-turo ng daliri nito ang kasuotan niya. "Excuse me, Miss," Karla butted in. "Kung wala kang importanteng sasabihin will you give us way? Hindi mo kilala ang nasa harapan mo kaya—" "I knew her very
NANDILAT ang mga mata ni Infinity nang lumapat ang mga labi ni Teranus sa labi niya. It was just a simple kiss that sent chills to her system. And when his lips started teasing her lips, napapikit na siya. Naging agresibo pa si Teranus, marahan nitong kinagat ang pang-ibabang labi niya dahilan para mapaawang ang bibig niya, and Teranus take the chance to slid his tongue inside her mouth. Napahawak si Infinity sa balikat ni Teranus nang lumalim pa ang paghalik nito. Hinawakan pa nito ang batok niya at iginigiya ang ulo sa tuwing iibahin nito ang anggulo ng labi nila. They were breathing heavily as their lips parted, ngunit hindi naman lumayo nang tuluyan sa kaniya ang binata. Nasa harap pa rin ng mukha niya ang mukha nito. Their nose touching each other, their lips were brushing. "Ang ganda, ganda mo," puri ni Teranus na naghatid ng kakaibang init sa bahagi ng dibdib niya. Humabol pa ito ng isang mabilisang halik pagkatapos ay bumuntonghininga bago ikinabit sa kaniya ang seatb
THE DATE that he prepared was ruined. At naiwang nakatulala si Teranusjulio sa kulay itim at gintong paperbag na iniwan ni Infinity. Hindi siya nanghihinayang sa mga nasayang na pagkaing kakaunti lang ang nagalaw. Natuloy pa rin naman ang dinner, ngunit hindi tulad ng inaasahan niya o ng gusto niyang mangyari. Nanghihinayang siya dahil ang inaasahan niya—makakasama niya nang matagal ang dalaga. Ngunit sumubo lang ito nang isa para lang masabing nagalaw ang pagkain, pagkatapos ay nagpaalam na. Siya rin ang dapat na maghahatid rito pabalik sa Hasson Tower, pero nagulat na lang siya na naroon na ang sasakyan nitong minaneho ng bodyguard-driver nitong si Anton. Bakit nga ba niya inasahang magiging maayos ang dinner nila? After what he had done. After Karla saw him in the mall with another woman, he still had the guts to act in front of Infinity that everything will be fine. But Karla was right. Kahit hindi ito magsumbong sa amo nito, malalaman at malalaman iyon ni Infinity. And it happ
INFINITY couldn't feel anything after the ruined dinner with Teranusjulio. Umuwi siya sa Hasson Tower na walang nararamdaman maliban sa kung anong mabigat na nakadagan sa dibdib niya. And she couldn't name what is it. Never naman niyang naramdaman ang ganitong bigat tuwing nahuhuli niyang tino-two-time siya ng mga nanliligaw sa kaniya. She can easily ignore it. And she was trying to ignore this unnamed feelings. The ruined dinner was weeks ago. Mahigit tatlong linggo nang hindi nagpapakita sa kaniya ang binata. Ilang oras na lang, magki-Christmas eve na, at isang linggo na lang, magba-Bagong Taon na. Nakabakasyon na ang mga empleyado ng Hasson's, siya naroon sa opisina niya, isinusubsob ang sarili sa trabaho.Ayaw niyang maramdaman ang kalungkutan ng pag-iisa. First Christmas na hindi niya makakasama ang kaniyang ama. Hindi ito makakapunta dahil kailangan nitong asikasuhin ang mga kamag-anak nilang nagpasabi na doon sa kanila sa Slovenia magse-celebrate ng Christmas.Her dad invite
'Tiffany' it was curved in Italic gold.“Iyan si Tifanny at ang batang lalaki ay si Johnny,” anang superyora na hindi niya namalayang nasa likuran na pala niya.Tumingala siya at sinundan ito ng tingin hanggang sa makaupo ito sa tabi niya.“Sila ang pinakabatang natagpuan namin sa labas nitong ampunan. Sa tingin ko ay magdadalawang taon si Tiffany ng mga panahong iyon at si Johnny ay tatlo. Nauna ng isang buwan si Tifanny nang dumating dito. Simula noon, hindi na namin mapaghiwalay ang dalawang iyan. Kung hindi si Tifanny ang nakabuntot kay Johnny, si Johnny naman ang nakasunod kay Tifanny.” Inilipat ng madre ang pahina at tila inaalala ang k'wento sa nakaraan ng mga nasa larawang iyon.“Isang taon ang lumipas nang may umampon kay Johnny. Iyak nang iyak noon si Tifanny. Nahirapan kaming patulugin siya dahil hinahanap niya ang kaibigan niya. Tumatahan lang iyon kapag damit ni Johnny ang ipinapasuot namin sa kaniya,” nangiti ang superyora at maging siya ay bahagyang natawa. Akala niya
TERANUSJULO rushed to the floor where Infinity's office was located. Umaasang maaabutan pa niya roon ang dalaga. Ang sabi ng guwardiya ay naroon pa raw ito. The door has a sensory door lock and he has the access. Ngunit gayon na lang ang pagkadismaya niya ng wala nang tao roon. Infinity has left. Marahas siyang napabuga habang mahigpit ang pagkakahawak sa regalong dala. Lumapit siya sa maayos na lamesa at inilapag doon ang hawak. He scanned the room. Wala nang bakas doon ang dalaga. Then, his eyes laid on the table. Infinity is a neat person. Nasa ayos ang mga gamit nito roon. Parang walang gumamit dahil wala ni isang kalat. Maliban sa kahon na naka-gift wrapped. Kunot ang noong inabot niya iyon at sinuri. He saw a small card attached on it and he read it. To: Mr. del Prado Happy Holidays and Godbless. From: Ms. Hasson Ang pormal ng pagbati, ngunit nagdulot ng ngiti sa kaniyang mga labi. He's n
“Come in.” Natigilan si Ranus at muling nilingon si Infinity. Nakabukas na nang maluwang ang pinto at nakatayo ang dalaga sa gilid niyon. "Hindi ka pa kumakain." It wasn't a question, it was a statement. Kung naghintay ito roon nang ganoon katagal at nakatulog na, sigurado siyang hindi pa ito kumakain. At hindi naman siya masamang tao para hindi ito papasukin man lang sa tahanan niya. Nakagat nito ang pang-ibabang labi at bahagyang naningkit ang mga matang tila pinipigilan ang nadarama. "Are you sure?" "Kung ayaw mo ayos lang. Makakaalis ka na." "Hey, I just want to make sure. Hahaha." Hindi na nito napigilan ang pagtawa dahil sa tuwa nang iharang nito ang sarili sa papasarang pinto. "So, where did you spend your Christmas eve?" he asked. "Somewhere." Kinuha ni Infinity ang cellphone sa purse at nag-dial. "May I know who's with you?" alanganing tanong nito. Tinapunan ni Infinity ng tingin ang binata at inihalukipkip ang mga braso sa dibdib matapos na ibaba ang tawag. "Just
"ARE YOU FOR REAL, TJ? You've spend your Christmas with her, and now, sasabihin mong sa kaniya ka rin sa New Year's eve? How about me?" nanggagalaiti sa galit si Shie nang sabihin ni Teranusjulio dito na hindi siya nito makakasama sa meja noche. Kausap lang niya ito sa phone kanina at ngayon nga ay nag-aalburuto itong sumugod saa opisina. Napapatiim-bagang siyang tiniklop ang binabasang papeles na nasa folder bago ito hinarap. Alam niyang mahabang argumento na naman ito. Knowing Shiela having her mental condition. "Look, honey. She already knew about us, right? Kaya alam ng babaeng iyon kung kanino dapat ang oras mo! Pinagbigyan na kita noong Christmas since you don't want to come with me in L.A, hinayaan kita. But this time, it's a NO!" "She's my wife now, Shie," tila balewalang tugon ni Teranus. "That 'stupid' is just your wife by papers! By laws, TJ! And I am your fianceè!" "She has a name, damn it! Don't call her that way!" Napatayo si Teranusjulio at naikuyom ang mga kamay n
"But yeah, Tifanny is pregnant." Pinakatitigan ni Teranusjulio ang kapatid ng asawa. Sa hawak nitong baso ito nakatitig habang marahang iniikot-ikot iyon na parang pinaglalaruan ang alak na laman. Maingay niyang nailapag ang sariling baso at mabilis na tumayo nang hindi na nito sinundan pa ang sinabi. "I need to see her." "That's not possible," sagot ni Jasson na nagpahinto sa kaniya sa balak na pag-alis. "Fvck it, Mr. Luther! My wife is pregnant. She needs me!" asik niya rito. "No. She doesn't need you." Bumuntonghininga ito bago sumimsim ng alak sa baso. "She's pregnant!" "Yeah, I know." Nanggigigil na nilapitan niya si Jasson at halos sumiksik sa harapan nito para lang mahawakan ang magkabilang kuwelyo para kuwelyuhan ito. "Kaya nga kailangan niya ako! Tangina naman, Luther! Kung hindi ka makausap
"WALA naman pong sino sa amin ang may kakayahang pumunuan ang Hasson Group, Sir. Nakapagtapos man ako sa kolehiyo pero hindi po iyon sapat para magkaroon ako ng lakas ng loob para ibilang sa maaaring pagpilian para sa posisyon ng CEO," ani Mr. Mendoza, kuwarenta'y sais anyos na matagal nang empleyado sa Hasson Massion. Ito rin ang namumuno sa UNION na itinatag para sa maliliit na empleyado."Nagpapasalamat kami sa ibinagay ninyong pagkakataon ni Lady Hasson para pakinggan ang boses naming maliliit. At isang malaking tulong para sa amin ang shares na ibinahagi sa amin ng inyong asawa. Kung ipagpapatuloy ninyo ang adhikain ni Lady Hasson, mas gugustuhin naming ibigay ang boto namin sa inyo, Sir del Prado," pagpapatuloy pa nito.Napabuntonghininga na lang si Teranusjulio sa naging desisyon ng mga empleyado. Ibinigay ni Infinity ang five percent ng shares nito sa kompaniya sa mga empleyado, kaya naman may karapatan ang mga itong bumoto. Ayaw niyang saluhin ang posisyon ng asawa kaya nga k
“She may be look tough from the outside, but no one knew how soft she is in the inside. Kaya nga employees issue kaagad ang inayos niya pagkahawak niya sa puwesto dito. For Infinity, employees are the backbone of this company. Kung wala ang maliliit na empleyado, Hasson Group won't operate.” Bumuntonghininga si Karla. Hindi niya alam kung bakit kailangan niyang sabihin ang mga sinabi, but she thought, it's just the right thing to do para naman magising at ma-realize ng lalaking kaharap kung ano ang pinababayaan nito. “Kaya kung hindi mo kayang patakbuhin ang Hasson Group, ngayon palang ipasa mo na lang ang posisyon sa kayang magpatakbo nito.” Inalis niya ang kanang binti sa pagkakapatong sa kaliwang binti, saka siya bahagyang dumukwang sa lamesita para abutin at iurong palapit kay Teranusjulio ang brown envelop. “Nasa loob ang annulment paper ninyo ni Infinity. She wanted you to sign that. I guess, the hearing procees is just enough for the remaining month na napagkasunduan ninyo?
HUMIGIT ng malalim na buntonghininga si Karla bago pinindot ang doorbell sa dating penthouse ng kaibigang si Infinity. Nagpadala naman siya ng email kay Teranusjulio na siya nang nakatira doon, na dadaan siya, so he should be expecting her. Pero nakakatatlong doorbell na siya, wala pa ring nagbubukas ng pinto para sa kaniya. Nauubusan na siya ng pasensiya. Today is Sunday and it should be her rest day. But since the penthouse was just near her place, kaya ngayon na rin niya ihahatid ang ipinabibigay ng kaibigan para wala na siyang iisipin pa bukas. Sinubukan niyang i-message si Infinity para hingiin ang passcode ng pinto. Nasa boarding pa lang naman siguro ang kaibigan. Hindi nagtagal, sumagot ito laman ang hinihingi niya. She entered the passcode, and the door opened. Napangiwi siya nang wala man lang kaliwa-liwanag sa buong sala. Kinapa niya ang pader sa tabi ng pintuan para sa switch ng ilaw. Napapabuntonghininga na lang siya nang lumiwanag ang kabahayan. The huge
"INFINITY, are you alright?" nag-aalalang dinaluhan ni Lucy ang kapatid ng asawa matapos nitong marinig ang pagduduwal nito sa lababo. Hinagod-hagod niya ang likod ng dalaga. Hawak ang sikmura, halos mapangiwi si Infinity dahil sa pait na nalalasahan niya matapos iluwa ang kaniyang mga kinain. Nailabas na yata niya ang lahat ng laman ng kaniyang tiyan at mapaklang likido na lang ang lumalabas sa kaniyang bibig. Binuksan niya ang faucet at naghilamos. Inabot niya ang tubig na ibinigay sa kaniya ni Lucy. "Thank you, Lucy. I'm fine don't worry." "Are you sure? Should I call Martin to take you to the hospital?" "No, don't bother him. I'm fine." "Mom, what happened to Tita Anny? Is she sick?" ani Martina na lumapit sa dalawa, yakap nito sa mga braso ang may kalakihang unicorn na kulay light blue. Napangiti si Infinity, halata sa magandang mukha ng pamangkin niya ang pag-aalala. Sa isang buwan na narito siya sa poder ng mga ito ay napalapit agad siya sa mga pam
"SON, enough of that," saway ni Mr. Hasson sa anak. Inagaw niya rito ang basong may alak na akmang tutunggain nito. Simula nang mawala ang anak niyang si Infinity or should he say, simula nang hindi ito umuwi ilang linggo na ang nakararaan ay halos araw-araw nang nagpapakalango sa alak ang anak niyang si Johnny o nakilala niyang si Teranunsjulio. Ang buong akala nila ay may nangyari nang masama rito, not until the Luther's called him at ipagbigay alam na nasa pangangalaga ng mga ito ang adopted daughter. Gusto sana niya itong makausap, makapagpaliwanag. He missed his daughter so much, ngunit wala siyang magagawa dahil ayaw pa raw nitong humarap sa kanila. Alam niyang kasalanan niya ang lahat. Kung noon pa lang ay sinabi na niya rito ang katotohanan, marahil ay hindi ito nabigla nang ganoon. "Why my life is so unfair?" suddenly, Teranusjulio spoke. Nilingon ni Mr. Hasson ang binata at nakita niya kung gaa
INFINITY felt lost after everything had happened. Iyong pakiramdam na you resolved a problem but you had been tricked. At ang mas masakit pa, ang mga taong mahalaga pa sa buhay mo ang luminlang sa `yo. She was living a life with full of confindence. Pero sa isang iglap, lahat ng kumpiyansiya niya sa sarili, gumuho na lang bigla. Ang lahat ng tapang niya, naglaho na lang na parang bula. Hindi na niya nakikilala ang sarili. Kung sino ba talaga siya. Kung ano ba talaga ang tunay na pagkatao niya. Yesterday, she's a Hasson. Now, a Luther claimed her as their sister. Ang gulo! Ang gulo-gulo na! Then, she screamed. She cried all the pain that she felt right now. She messed everything around her. From the pillows to blanket. From bed covers to lampshade. She threw everything she handed just to ease the ache. Daig pa niya ang may amnesia. She became anonymous to herself. Sino ba talaga siya? "Is she okay?" nag-aalalang lumapit si Lucy sa asawang nakamasid lamang sa kapatid. "
Nanlalamig ang mga kamay na itinuon niya ang paningin sa labas ng bintana ng sasakyan. Piping nagdarasal na sana mali ang kaniyang hinala. Sa halip na sa bahay ng kaniyang ama ay sa Hasson Manssion siya nagpahatid kay Anton. Sa Hasson Bridge siya dumaan patungo sa penthouse niya. Patungo na siya sa kaniyang unit nang bumukas ang elevator na katapat ng pinto ng Hasson bridge. Mula roon ay lumabas ang kilalang modelo at alam niyang isa sa mga kapatid ni Jasson. Nangunot ang kaniyang noo nang mapansing tila wala ito sa sarili. Nanginginig ang mga kamay at wala sa ayos ang paglalakad. Mabilis niya itong dinaluhan dahil sa pag-aalala. She volunteered to Emmanuelle to help her to take to her unit. Inasikaso niya ito hanggang sa maging maayos ito bago siya nagpaalam. Tinungo niya ang sariling unit. At nang maalala ang disket na ibinigay sa kaniya ni Shiela, dere-deretso niyang tinungo ang isang silid na ginagawa niyang opisina kapag ayaw niyang pumunta sa Hasson Building. Sandalin
"Are you okay, Lady?" tanong ni Anton nang nag-aalalang lumabas sa sasakyan at abutang tulala sa bagay na hawak ng dalaga. "Yeah, I'm fine. Sa orphanage na tayo kumain. Gusto kong makasama ang mga bata," tugon ni Infinity rito saka lumigid sa sasakyan. Kinuha niya ang tawagan at tinawagan ang asawa. Kailangan niyang marinig ang boses nito upang kumalma ang puso niya. "Kumakain ka na, wife?" bungad na tanong ni Teranusjulio nang sagutin nito ang tawag. "Paano akong makakakain, hinarang lang naman ako ng 'fianccee' mo," ipinagdiinan niya ang salitang 'fianceè' dito. "Hinarang? What? Teka may ginawa ba siya sa`yo? Sinaktan ka ba niya?" buong pag-aalalang sunod-sunod nitong tanong. Huminga siya nang malalim bago ito sinagot, "Nadatnan ko siya sa harap ng Hasson. Well, hindi naman siya nanggulo..." Narinig niya ang pagbuga nito ng hangin na para bang nabunutan ng tinik sa dibdib. "What did she told you? Wife, kung anuman ang mga sinabi niya, please, don't believe her." "I