Her smile didn't fade as the metal door closed, and her eyes were on Teranusjulio that was standing there, looking at her. Nawala ang pekeng ngiti sa mga labi ni Infinity nang tuluyan nang sumara ang elevator, kasabay ng pagtakas ng mga luha niya sa mga mata, na mabilis niyang pinunasan. Hindi siya dapat nasasaktan. Hindi dapat siya umiiyak. Ang tali-talino niyang tao para lang masaktan sa isang lalaki. Minsan na siyang naisahan ng mga taong akala niya totoo sa kaniya, and now, hindi rin siya makapapayag na maisahan at masaktan ng katulad ni Teranusjulio. She heaved a deep sigh as she called Karla to cancel her meeting. Wala siya sa huwisyo para makipag-usap sa kahit na sino. Masiyadong sumisikip ang kaniyang dibdib at hindi niya iyon makontrol. Kasalanan naman niya. Noong una palang binalaan na niya ang kaniyang sarili. Pero hindi nakinig ang puso niya. Posible pala iyon. Posible palang mas manaig ang puso, kaysa sa isip. Ang buong akala niya, kayang pasunurin ng utak ang
KAPWA walang imik ang mag-asawa habang lulan ng sasakyan ni Teranusjulio. Ipinagpapasalamat na lamang ni Infinity at mas ginusto ng ama na sa binili nitong bahay tumuloy at hindi sa condo niya. Hindi nila kailangang magpanggap na dalawa.Hindi na niya hinintay na pagbuksan siya ng lalaki ng pinto nang i-park nito ang kotse sa basement parking. Nagpaumuna siyang bumaba at tuloy-tuloy na pumasok sa bumukas na pintong metal ng elevator. Ngunit sadyang mabilis si Teranusjulio. Pinigil nito ang tuluyang pagsasara ng metal door at pumasok sa loob.Nagtataka man si Infinity kung bakit pa ito naroon. Ang alam niya ay ihahatid lang siya nito at aalis na rin ito, pero hindi na siya nagtanong.Malalaki ang mga hakbang niyang lumabas ng lift nang bumukas iyon sa floor kung nasaan ang penthouse niya. Mabilis niyang in-enter ang code at pumasok sa loob. Ngunit gayon na lang ang gulat niya pagkakita sa tatlong malalaking maleta na nakabalandra sa maluwang na sala.
"ARE YOU SURE WITH THIS?" Nilingon ni Infinity ang asawa nang makaupo nang maayos matapos nitong ilagay sa compartment ang hand carry bag nila. Kasalukuyan silang nasa eroplano ngayon at ang destinasyon nila ay ang Davao. Ang hometown ng kaniyang asawa. Nasunod ang 'planong' sinabi nito sa kaniyang ama. At talagang hindi na siya nakahindi dahil doon condo niya pumirmi ang ama. "Absolutely, yes. Want to back out?" he answered. "How about Shie? Umaasa siya na makakasama ka niya sa New Year's eve." Matipid itong ngumiti saka nito hinawakan ang kaniyang ulo at kinintilan ng halik sa noo. "You are my wife now, Infinity. I'd rather spent my New Year's alone than not being with you," malambing ang tonong wika nito habang ikinakabit ang seatbelt niya nang mag-queue ang piloto. Pakiramdam niya ay nanaba ang puso niya sa sinabing iyon ni Teranusjulio. May hatid iyong kakaibang saya sa kaniya at hindi niya mapigilan ang pagsilay ng ngiti sa kaniyang mga labi, kaya n
"I'm sorry," anas ni Infinity habang ang paningin ay nasa dibdib ni Teranus. "Sorry kung hindi ako expert katulad ni Shie. I can't make you satisfied in bed." Namamanghang napatitig ni Teranusjulio sa ulo ng asawa. Hindi ba nito alam kung gaano nag-uumapaw ang puso niya sa kaalamang siya ang unang umangkin sa buong pagkatao nito para isipin nitong hindi siya nito napaligaya? For goodness sake! Iyon nga lang kusa siya nitong hinalikan kanina, sobrang saya na niya. Ito pa kayang nagpaubaya na ito sa kaniya? Sa sobrang pagkamangha ni Teranusjulio sa kainosentehan ng asawa, hindi niya napigilan ang sarili. Alam niyang pagod pa ito sa katatapos lamang nilang pagniniig, ngunit sumiklab muli ang panibagong init sa katawan niya dahil sa mga sinabi nito. Pumihit si Teranusjulio para kubabawan si Infinity, at nang gulat itong napatingin sa kaniya ay mabilis niyang inangkin ang mga labi nito. The taste of her lips were sweet as honey. Hinuli niya ang mga kamay ni Infinity at di
THEY SAID that matalino man daw ang tao, pagdating sa pag-ibig, nabobobo. Infinity knew how it feels to have suitors. No boyfriend since birth man siya, but that doesn't mean she has zero suitor. It was her choice not to be in a relationship since she had witnessed how boys was not contented in one prospect. The more choices, the more chances, they said. She was a people pleaser. Noong nasa Greece siya para sa OJT niya, which she started in lower position, she never thought that being kind toward her colleagues would open her eyes that not everyone close to you has good intention. And that's how she started to build walls and avoid people being close to her, aside from Anton and Karla which she had known since grade school and never turned her down. She knew how it feels to be courted, but it was new to her and she has no idea how it feels to be in a relationship, what more of feeling in love. Does it required to have butterflies in t
SUNOD-SUNOD na pagtunog ng telepono ang gumising kay Infinity. Sinulyapan niya ang night table kung saan nakapatong ang cellphone nilang mag-asawa. And it's Teranusjulio's phone that keep on ringing. Tinapik niya ang asawa sa balikat para gisingin ito. "Hubby, wake up." "Uhmmm…" "Wake up, your phone is ringing." "Let it, wife. I'm not expecting a call. We're on our vacation, remember?" gasgas ang boses na ani Teranus saka niya isinuksok ang kanang braso sa batok ni Infinity para doon ito pag-unanin, bago ipinulupot ang kaliwang braso sa baywang nito. Sinulyapan na lang ni Infinity ang teleponong tumigil na sa pagtunog. Hindi na sana niya iyon papansinin, kaso muli iyong tumunog. "Tetanus! What if it's emergency?" "Baka si Shie lang iyan." "Then better answer it." "C'mon, wife." Kinintilan ni Teranusjulio ang labi ng nangungulit niyang asawa saka isiniksik ang mukha sa leeg nito. "Let's just sleep, hmmm." Gusto pa nga sanang matulog ni Infinity, subalit patuloy sa p
KAHIT may dalawang araw pang nalalabi sa bakasyon ni Infinity ay pumasok na siya the day after they arrived. Inabala niya ang sarili as the CEO of HGC. Kinausap din niya ang secretarya'ng si Karla na tawagan ang kaniyang lawyer at sabihin dito ang tungkol sa katabing lupa ng orphanage. Lumipas ang araw na ganoon ang cycle ng buhay niya. Tulad ng mga naunang araw niya rito sa Pinas. Trabaho-bahay-trabaho. Ngunit may pagkakaiba na ngayon. She's doing it with purpose. Gusto niya ng magandang buhay para sa binubuo nilang pamilya. Pamilyang bubuuin nila ni Teranusjulio. Speaking of her husband, huling tawag nito sa kaniya ay noong sabihin nitong naroon na ito sa Taiwan. She watched the news at mukhang malaking problema ang ginawa ng pinagkakatiwalaan nitong manager, na ngayon ay nagtatago sa kung saan. After that call, hindi na ito nakatawag pa. Naiintindihan niyang kailangan nitong pagtuunan ng pansin ang problema kaya naman hinayaa
INFINITY ran toward her father's room with teary-eyed, nang makarating sila sa hospital kung saan ito naka-confine. Madali siyang nakauwi ng Slovenia sa tulong ni Jasson at ng kapatid nitong si Norman. Hindi niya alam kung coincidence ang pagkikita nila sa airport nang maabutan siya ng dalawa, almost pleading to one of the airlines to give her the early ticket to her country. Mayroon ngang available pero connecting flight at eight hours ang stop-over niyon sa Hong Kong. She cannot wait for that long. Her father needs her. Kaya laking pasasalamat niya nang lapitan siya ng magkapatid at walang pag-aalinlangang inihatid siya ng mga ito gamit ang private plane ng mga ito. "W-what happened to papa, Nicholas?!" natatarantang tanong ni Infinity habang nanginginig ang mga kamay na nakahawak sa pinto at tinatanaw sa maliit na salamin ang inooperahang ama. "Lady…" "What happened to my papa?!" aniya sa salitang Slovenian. "He got ambushed, Lady." Nanlaki ang mga mata niya sa narini