"I WILL Be at CDO for a week, Karla. You know what to do," habilin ni Infinity sa sekretarya.
"Yes, Lady. Tatawagan kita in case of emergency. I won't let anyone enter your office. And any important document should be sent to your email." Tumango siya bilang sagot. "But, Lady, are you sure you don't need me in CDO?" "I need you here, Karla. You know what I mean." Malaki ang tiwala niya sa sekretarya. Kaya ito ang hahalili sa kaniya habang nasa CDO siya. Kabisado na nito kung paano at kailan siya nagdedesisyon, kaya panatag siya rito. Mahirap siyang magtiwala sa tao. Pero iyon ang kagandahan kapag nakuha nino man ang tiwala niya. "Okay, Lady." Kinuha nito ang patong-patong na papeles na kailangan nitong i-file bago lumabas sa kaniyang opisina. Hindi pa man lumalapat ang pinto ay… "Hi there, future wife!" malaki ang ngiting bati ni Ranus nang pumasok ito. "Calla lilyCHAPTER NINE DALAWANG araw nang hindi nakikita ni Infinity si Teranus. Good thing that he doesn't know where she is. Well, that what was she thought. Hindi naman niya kailangang ipaalam sa binata kung nasaan siya. Pero laking gulat niya nang mabungaran ang dalawang lalaki sa labas ng pintuan ng hotel suite na tinutuluyan niya. "F-father?" Pinandilatan niya ng mga mata ang ama nang mapagbuksan ito ng pinto. Sa likuran nito ay ang lalaking hindi niya akalaing makikita pa rin pala niya rito sa CDO. Nagtatago sa likuran ng ama niya na akala mo naman ay hindi makikita, e ang tangkad nitong tao. "Good morning, future wife. Surprised?" Malawak ang ngiti ni Teranus nang umalis sa pagkakakubli kuno nito. Nilapitan ang dalaga at humalik sa pisngi niya. Pagkatapos ay inabot ang itinatago nitong bungkos ng mini lilac calla lily sa likuran. Tinanggap niya iyon sa kanang kamay nang wala sa loob. "W-what are you two doing here?" tanong niyang nasa ama ang paningin. "Hindi mo sinabihan ang map
"Damn that man!" asik niya na hindi nakaligtas sa pandinig ng ginoo. "Is there something wrong, daughter?" Hindi siya nakaimik. Hindi niya alam kung kailangan ba niyang sabihin sa ama ang nangyari. Ngunit mas minabuti na lamang niya na huwag iyon ipaalam. "Wala, father. I just felt that he just tricked us." "Yeah, I know. Don't worry, we still have a target investor, okay?" "Yes, father." "I will cut this call, daughter. I have a meeting with the board members." She sighed. Batid niyang ma-o-open na naman sa meeting na iyon ang tungkol sa kasal niya. "Okay, take care yourself." "I will. I love you, daughter." "I love you too, father." Ibinalik niya ang tawagan sa lamesita at akmang tutungo sa kusina. She needs to eat to calm her system. Ngunit hindi pa man niya nararating ang pakay ay sunod-sunod na tunog ng doorbell ang nag-ingay sa buong unit niya. Kunot noo at iritadong tinungo niya ang pinto. Hindi na niya inabala ang sariling tingnan sa peephole ang nasa labas. Binuk
"It's good to know that the net profit of the Hasson Mansion for the whole month remained stable. However, our goal is to hit the sixty percent net profit percentage before the year end. And we only have not more than two months. And Ms. Hasson is not doing good so far. I heard you had made changes in your office?" Tumaas ang isang kilay ni Infinity nang tahasan siyang kuwestiyunin ni Mr. Johnson. Isinandal niya ang likod sa backrest ng kinauupuan niya. Nasa armrest ang magkabila niyang siko habang pinaglalaruan ang pindutan ng ballpen na hawak. "I did not make a building renovation, Mr. Johnson. It's just a simple office refurbishment. And if you are worried that it may affect the financial stability which I highly doubt, don't worry I will tell the accounting to reimburse it under my salary." "That's not what I mean—" Mabilis na binuksan ni Infinity ang palad at inilapat iyong sa hangin upang patigilin ito sa pagsasalita. "Yeah, that's not what you mean. I'm not stupid." Isa-isa
"May problema ba, Infinity?" Napalingon si Infinity sa nagmamay-ari ng tinig na iyon at nakita niya si Sister Rexha. Nakapagkit sa mga labi nito ang matamis na ngiti na nagpapagaan sa pakiramdam niya. "Sister Rexha…" Naupo ang madre sa bakanteng swing at tinanaw rin ang mga bata. "Kanina pa kita pinagmamasdan. Nag-e-enjoy ka sa pakikipaglaro sa mga bata. Pero halatang bothered ka. May problema ba?" Nilingon niya ito at nagtama ang paningin nila. Tipid siyang nginitian ng batang madre na ginantihan din niya ng tipid na ngiti. Humigit muna siya ng malalim na hininga saka iyon ibinuga. "There is a man—he lend me his shoulder. I mean, alam mo naman iyong tungkol sa rules ng HGC, di ba?" Tumango si Sister Rexha at hinintay ang sasabihin pa niya. "In-offer niya ang sarili niya na maging fiancè ko. He is willing to marry me para makuha ko ang posisyon ng pagiging CEO." "Eh, di, answered prayer ka na pala?" lumawak ang ngiting tanong ng madre. Umiling siya. "I refused. I
"W-WILL YOU MARRY ME? I mean—" Natigilan at namangha si Ranus sa narinig. Napatitig siya sa nakayukong dalaga. Alam niyang sa mga oras na ito ay pulang-pula na ang maganda nitong mukha. And he wanted to see it. He did not expect it. The last time they talk, he has a little chance that they will meet again. He knew that Infinity is not the type of a person that will beg for help, unless if it's necessary. "What did you just say?" Hindi niya namalayan kung paanong nakalapit na pala siya sa dalaga. Nasa likod na siya nito at ramdam niya na nanigas ito sa kinatatayuan nito. "Ahm…" Infinity couldn't speak. Did the cat bit her tongue? This is something. Bakit ba ganito na lang ang nagiging reaksiyon ng sistema niya sa tuwing nagkakalapit sila ng binata. She was inches away from him and she can feel the warm of his body. Ang panlalaki nitong pabango na nanunuot sa kaniyang pang-amoy ay mas nakadaragdag sa kaniyang kaba. 'What happened Infinity? What is happening with you?' "Face me an
HABOL ang hininga ni Shie nang pabagsak nitong inihiga ang sarili sa kama. Mariin itong pumikit nang may ngiti sa mga labi. At nang makabawi ng lakas at manumbalik sa ayos ang tibok ng dibdib ay muli itong dumilat. Dumapa ito at gumapang paitaas upang pumantay sa mukha ng kasintagan at nangalumbaba sa mabalbon nitong dibdib "So, when is our wedding, honey?" tanong nito sa katipan. "I'm still working on it, Shie. I'm not sure yet," sagot ng lalaki habang matiim na nakatitig sa kisame ng silid. Sinulyapan nito ang dalaga nang sumiksik ito sa kili-kili "Akala ko ba tinanggap na niya?" Pinaikot-ikot ni Shie ang hintuturo sa gitna ng hubad na dibdib ng binata. "Yeah, but I have a deal with Mr. F. Just a little more time and I'm done." "I will hold on to that, Honey. I will hold on to that," malambing na aniya nito at isiniksik pa ang sarili sa binata bago ipinikit ang mga mata. Muling sinulyapan ng lalaki ang dalagang nasa kaniyang tabi at nakatulog na. Napapabuntonghininga niy
"SA TINGIN ko kailangan mong gumawa ng paraan para mapatigil mo ang bibig ko." Nanlaki ang mga mata ni Infinity nang matumbok ang pinapahiwatig ng binata. Ha! Gusto nitong halikan niya ito para matigil ito? Never! Damn him! "You are blushing, future wife. Are you imagining on how are you going to ki—" Okay, damn it! Damn it! She kissed him! Oh, no! Mabilis na halik lang sana ang gagawin ng dalaga. Ngunit nang akma na niyang ilalayo ang labi rito ay sinuwelyuhan agad iyon ng binata. Hinawakan pa nito ang kaniyang batok upang hindi siya makapiglas. Wala siyang nagawa kundi ang muling mapahawak sa mga balikat nito, dahil hayun na naman ang panghihina ng kaniyang mga tuhod. Napahigpit pa ang kapit niya sa damit nito nang pangahas nitong pinapasok ang dila upang saliksikin ang loob ng kaniyang bibig. Narinig pa niya ang kapwa nila pag-ungol nang mapaawang ang kaniyang mga labi dahilan upang mapasok nito nang tuluyan ang kaniyang bibig. Namalayan na lamang niyang bumitiw nang kusa an
"RANUS..." usal ni Infinity nang dahan-dahang bumaba ang mga labi ni Teranus, ngunit bago pa iyon lumapat sa mga labi niya, mabilis niyang iniilag ang mukha paiwas dito. Saglit na natigilan si Teranus sa pag-iwas na ginawa ng dalaga, nang ma-realize ang ginawa, bahagya siyang dumistansiya rito. "My apology. All right, if you are uncomfortable with what I'm doing, I will lessen myself from being clingy." Matunog ang buntonghiningang pinakawalan niya at tahimik na isinandal ang likod sa backrest ng inuupuan. Dinampot niya ang kutsarang ibinaba niya at siya na ang kumain ng laman niyon na dapat isusubo niya sa dalaga. He wanted to open his mouth to say something but he will immediately shut it to avoid annoying Infinity. Hindi niya alam kung ilang buntonghininga na ang ginawa niya para lang pigilan ang sariling magsalita. Panay ang sulyap niya sa babaeng katabi lang niya pero pakiramdam niya ang layo ng distansiya sa kaniya. "By the end of November ipapakilala na kita sa board mem