Share

Chapter Six: Two Nosy Men

"WELL, Teranusjulio del Prado is the only son of Mr. Julio and Mrs. Teresa del Prado. Graduate of Business Management in Dela Salve University, Manila with Cum Laude title. He owned a travelling agencies here and outside of the country. Aside from that, he has investment in different kind of businesses, big or small. So, let's just say, his business are not as big as yours. But the fact that he has all of that. I might say, Mr. del Prado is still a good catch," saad ni Anton nang iabot nito ang report ng pinatrabaho nito sa kaniya.

Binasa ni Infinity ang mga dokumentong ibinigay sa kaniya ni Anton. Iyon ang kinalabasan ng pag-iimbestigang ginawa nito sa background ni Teranus, nang utusan niya ito the day after their talked in the restaurant. His status is not her issue. She just wanted to make sure on who was she dealing with. And what he just said is true. Teranus doesn't need a cash from her. Then, what is he up to?

Inalok ang sarili para mapangasawa niya nang walang kabayarang hinihingi? Does that Tetanus think she's stupid to believe him like that?

Inilapag niya ang folder sa table saka isinandal ang likod sa backrest ng swivel chair niya.

"Anton, find me a husband," animo pagod na utos niya sa bodyguard.

Tinaasan siya nito ng kanang kilay habang nanunuri ang tingin na ipinukol sa kaniya.

"How about that man?" Anton asked, referring to Teranusjulio.

Napangiwi si Infinity, "I'm not yet sure. I don't trust him."

Tumango-tango si Anton. "All right. What do you prefer for a husband?"

"Middle class is fine as long as may stable job. Knows business but should know who's the boss. With pleasing personality, and of course, hygiene is important for me."

"Time for lunch, future wife! I already passed the pleasing personality." Biglang sulpot ni Teranus na halos ikagulat ni Infinity.

Mabilis ngunit pasimple niyang tinipon ang mga dokumento at itinago iyon sa drawer ng kaniyang table. Sinulyapan niya ang bodyguard at tinanguan ito. Yumukod naman ang lalaki bago siya talikuran at lumabas ng opisina.

"For sure kita mo naman, di ba? Malinis at mabango rin ako, wanna smell?" aniya pa saka inilapag ang paper bag na may pangalan ng sikat na fine dine-in restaurant sa mesa ni Infinity.

"What are you doing here?"

"Acting as your fiancè?"

"Ang sabi ko pag-iisipan ko muna, di ba?"

"Yes!" Itinukod ni Teranus ang mga palad sa mesa ng dalaga at bahagya pang yumuko para magpantay sila ng dalaga. "But for the meantime, I should play along or else they will doubt you."

"You don't have to do this. Hindi naman nila ako babantayan oras-oras o araw-araw."

"Still. Hindi natin alam baka may mga mata ang board members na isa mga tao mo. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan n'yo ng bodyguard mo, ah. Kailangan ko na bang magselos dahil siya kinakausap mo, samantalang ako na fiancè mo ay dini-dead-ma mo?"

Palihim na kinagat ni Infinity ang pang-ibabang labi upang pigilin ang kaniyang ngiti. Natatawa siya sa hitsura nito na akala mo ay totoong nagseselos.

"Talagang pinandigan mo na ang fiancè role mo, ano? Parang hindi pa naman yata ako pumapayag."

"Ah, hindi pa ba?" Kakamot-kamot sa ulong naupo siya sa kanang visitor's chair, ipinatong ang nakatuping braso saka bahagyang inilapit pa ang mukha at ngumisi. "Akala ko kasi okay na since ikaw na nga ang nagpakilala sa akin bilang fiancè mo," pagpapaalala nito.

Hindi magawang makapagsalita ni Infinity. Hindi dahil wala siyang masabi, kundi dahil sa distansiya ng mukha nila sa isa't isa. Dahil sa sobrang lapit nito, muli na naman niyang naramdaman ang malakas na kabog sa kaniyang dibdib. Ang dahilan ng kaniyang panghihina.

Bakit ba ang kulit ng lalaking `to?

Nasa ganoon silang ayos nang muling bumukas ang pinto at iluwa niyon ang isang lalaking nasa fifties na ang edad.

Bakit ba hindi na nagiging ugali ng mga tao ngayon ang kumatok muna bago pumasok?

"Halloo, daughter. Father is he—" Natigilan ang dumating nang makitang may kasamang lalaki ang anak.

At hindi lang kasama. Dahil sa kinatatayuan ng ginoo ay mapagkakamalang naghahalikan ang dalawa.

"Oh! I'm sorry for the disturbance. But, hey, young man! Will you stay away from my daughter?"

"What are you doing here?" bakas ang pagkabiglang tanong ng dalaga.

"I told you that I was coming, right?"

"Yeah. But I did not take it seriously." Salubong ang kilay na pasimple niyang sinulyapan ang binatang ngayon ay tuwid nang nakatayo at nakaharap sa kaniyang ama.

"Well, that is your problem, daughter. You always took me for granted," kunwa'y nagtatampong tugon ng ginoo. Lumigid ito sa gawi niya. "I missed you so much, Any," tawag nito sa palayaw niya na madalang nitong itawag sa kaniya, bago ibinuka ang mga brasong nanghihingi ng yakap.

Tumayo siya at ibinigay ang mainit na yakap dito. Kapagdaka'y kusa ring bumitiw ang kaniyang ama at nakapamulsang humarap sa gawi ng binata.

"Siya na ba ang future son-inlaw ko?" seryoso ang tingin nito kay Ranus.

"Fath—"

"I'm Teranusjulio del Prado, sir. Your daughter's handsome fiancè," magalang ngunit may kahanginang pagpapakilala ni Ranus sa kaniyang ama. Inilahad pa nito ang kamay.

Ngunit sa halip na tanggapin iyon ni Mr. Hasson ay tinapunan lamang ng tingin ang kamay na nakalahad. Atsaka ito umalis sa tabi ng anak.

Puno ng kaba ang dibdib ni Infinity nang mag-umpisang humakbang ang kaniyang ama palapit sa binata. At gayon na lamang ang pag-awang ng kaniyang bibig nang bigla na lamang nitong yakapin si Ranus!

"At last! I finally meet my daughter's man!" Tatawa-tawa nitong tinapik-tapik ang likod ng binata. At malaki ang pagkakangiting humiwalay ito rito at humarap sa kaniya. "My daughter is keeping secrets to me now. Mas nauna ka pang makilala ni Mr. Johnson, hijo," aniya na nakaakbay pa rin sa lalaki.

"Actually, sir. Gusto ka lang namin sorpresahin. Napilitan lang kaming isiwalat kay Mr. VP, dahil masiyado niyang napi-pressure ang future wife ko sa katatanong. Ayaw kong nai-stress ang anak ninyo," para namang close na close na sa ama ng dalagang paliwanag ni Ranus.

"Well, that is good. Very good, hijo. Don't stress my daughter. Dahil iba magalit iyan kapag nai-stress," aniya na halos pabulong na sinabi iyon sa binata.

"Papa!" Ganoon na ang tawag niya sa ama sa tuwing naiinis o di naman kaya ay kapag may kasalanan siya rito.

Hindi siya pinansin ng ama. Sa halip ay dumako ito sa paper bag na nakapatong sa mesa ng dalaga.

"Is this your lunch?"

"I cooked that for my future wife, sir. Lately, I had been into business trip and I heard that she doesn't eat on time. So, next time I'm away, I will make sure that my chef will deliver nutritious food for her."

"Oh! You know how to cook? Well, Infinity loves to eat. Hindi ko lang alam kung saang parte ng katawan niya inilalagay ang mga kinakain niya. And oh, please stop calling me sir, son. You should call me papa from now on."

"Papa, will you stop it? Nakakahiya ka na!"

"If that is the case, it's my pleasure to call you papa, sir. I mean, papa."

"I love to hear it, son. I guess, this food is not enough for the three of us. So, can we eat lunch outside? But, I will bring this. I want to taste it." Binitbit nito ang paper bag at muling nilapitan at inakbayan si Ranus.

Hindi makapaniwalang nakatunganga lang si Infinity sa dalawang naglakad na patungo sa pintuan. Tila ba nakalimutan ng mga itong naroon siya.

Nang mabuksan ang pinto ay nilingon siya ng mga ito na tila ba gustong sabihin kung ano pa ang itinatayo-tayo niya roon. Nakita niyang may sinabi si Ranus sa kaniyang ama na hindi niya narinig. Natatawa namang tinapik muli ng kaniyang papa ang balikat nito, saka naglakad ang binata palapit sa kaniya.

Para namang itinulos siya sa kinatatayuan nang hawakan nito ang kaniyang baywang at bahagyang inilapit ang mukha sa kaniyang tainga.

"I'm sorry, future wife," bulong nito bago nakangising iginiya siya palabas ng opisina.

Oh! This is great! Her life will be doom with this two nosy man!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status