Share

Chapter Five: Chasing

NAGULAT si Infinity nang paglabas niya ng opisina ay bumungad sa kaniya ang lalaking halos araw-araw na lang yatang naroon at hinihintay ang paglabas niya, maliban sa ilang araw na wala ito.

Ngunit kakaiba ang araw na iyon. Dahil ngayon ay may bitbit na ito ng bungkos ng mga bulaklak at malaki ang pagkakangiting iniabot iyon sa kaniya.

Tinanggap niya iyon gamit ang kaliwang kamay (which means it is a 'no'). At saka iyon ipinatong sa table ni Karla at walang paalam na iniwan ang binata.

Ngunit dahil alam niyang makulit ito, hindi na siya nagulat na nakasunod pa rin ito.

"I'm sorry, future wife. I have a business meeting to attend to these fast few days. I texted you, actually. Did you recieve it? You never text back," paliwanag ni Teranus, ngunit walang nakuhang sagot mula sa dalaga.

"Hey, future wife, didn't you like the flowers? Hmmm, sige iba naman ang dadalhin ko bukas," pangungulit pa rin ng binata. At kahit wala siyang sagot na nahihita, nagpatuloy pa rin siya sa pagsunod.

"Future wife, are you mad?" This time Ranus held her hand to make her stop from walking.

Marahas na binawi ni Infinity ang sariling kamay nang daig pa niya ang makuryente ng libo-libong boltahe na nagpanindig sa balahibo at katawan niya. Pinandilatan niya ito ng mga mata at humakbang paatras.

Laking gulat naman ni Teranus nang tutukan siya ng baril ng tauhan ng dalaga na nasa likuran na pala niya. Sunod-sunod ang naging paglunok ng binata nang maramdaman ang malamig na bagay na nakalapat sa batok niya. Hindi na siya nagtangkang manlaban sa takot na baka ihampas sa guwapo niyang mukha ang baril nito.

Sayang naman ang kaguwapuhan niya kung mamantsahan iyon ng pasa at bukol. Hindi na niya tinangkang habulin pa ang dalagang kinuha ang pagkakataong iyon upang takasan siya.

Marahas niyang pinakawalan ang hanging naipon sa kaniyang bibig nang maramdamang ibinaba na ng taong nasa likod ang baril na nakatutok sa kaniya. At saka siya iniwan doon na namumutla.

*****

"Daughter, when I'm going to meet my future-son-inlaw?"

Napabusangot ang magandang mukha ni Infinity nang iyon agad ang ibinungad sa kaniya ng ama. Inilagay niya ang telepono sa cellphone stand na nasa ibabaw ng countertop table at iprinepara ang mga kakailanganin niya sa pagluluto. They were video chatting.

"Let me guess, Mr. Johnson gossiped you that, right?"

"Well, I'm a little bit sullen, baby. Mr. Johnson was the first to meet your fiancè. You forgot that I am your father."

"And you forgot that I am your daughter to let me hang in this situation," pahaging niya.

"I know you understand me, daughter. Tell me, kailan ko makikilala ang son-in-law ko?"

"Forget about it, father. Wala akong maipapakilala sa iyo."

"You are being secretive now, huh? Hmmm, I will book a flight going there. I will meet him wether you like it or not."

"You are gonna waste your time, Mr. Antonov Hasson."

"I guess, I'm not, Lady Infinity Hasson."

Saglit na natahimik ang dalawa. Abala ang dalaga sa salad na ginagawa habang pinapanood siya ng ama.

"I have to go, Infinity. I have to rest. Will meet you soon. And I missed you, daughter."

"I missed you too, father."

Nakaramdam ng kahungkagan si Infinity nang muling mapag-isa. Simula nang magdalaga siya ay napalayo na siya sa mga magulang. They let her do what she wanted to do in her life. They let her decide for herself. Not knowing that her mother is suffering from cancer. And died soon without her.

Iyon ang dahilan kung bakit mas ginusto ng kaniyang mama at papa na mag-aral siya sa ibang bansa at iwan ang mga ito sa Slovenia. They don't want her to see her mother suffered. Dahil alam ng mga ito kung gaano niya kamahal ang ina. That she almost break down when she heard the news that her mom is dead. She almost hate her father for hiding it from her.

Ipinilig niya ang ulo upang alisin ang mga alaalang nasa isip. Napapabuntonghiningang pinagmasdan niya ang mga pagkaing inihanda para sa sarili. Mga pagkaing madalas ihanda ng kaniyang mama.

Muli, isang malalim na hininga ang pinakawalan niya at walang ganang naupo sa stool na nasa tabi ng counter table. She's eating alone. All by herself.

Kinabukasan ay tila robot na naka-program si Infinity dahil sa isang buwang paulit-ulit na routine ng kaniyang buhay.

Ngunit kakaiba ang araw na ito. Pakiramdam niya ay kaygaan ng kaniyang katawan at handang harapin ang tambak na trabahong sasalubong sa kaniya.

Wala sa loob na sinulyapan niya ang mga sofa na nakalaan para sa mga bisita. At nang hindi makita ang mukha ng taong palaging nanggugulo sa kaniya ay gayon na lamang ang pagbigat ng kaniyang pakiramdam.

Agad niyang binawi ang paningin at hindi pansin ang pagbati ng receptionist at ng kaniyang sekretarya nang pasukin ang kaniyang opisina. Nagpatuloy sa ganoong takbo ang araw niya.

Isinusubsob niya sa mga paper works ang kaniyang buong atensiyon. Maging ang pagkain sa oras ay nakakaligtaan na niya.

Buong akala niya ay tuloy-tuloy na ang pagtahimik ng kaniyang mundo. Ngunit gano'n na lang ang gulat niya nang paglabas niya ng opisina ay ang makulit na binata agad ang nabungaran niya

"What is this?" iritadong tanong ni Infinity nang abutan siya ng mga bulaklak ni Ranus.

"Flowers for my future wife," malawak ang pagkakangiting tugon ng binata.

"I know that these are flowers. What I mean is why are you giving me this again?"

"You are my soon-to-be-my-wife, and I think, I was obligue to give you gifts."

"Tetanus—"

"It's Teranus," nakangusong pagtatama ng binata na inirapan lang ng dalaga.

Saglit na katahimikan ang naghari sa dalawa. Nang muling bumaling sa lalaki si Infinity.

"About the— about what happened in the office. I don't mean it. I'm sorry. I was just pissed and I just thought you are the best escape that I can do. Sorry if I used you," nag-iwas ng tingin ang dalaga nang makita ang paglambong sa mga mata ng binata. No, imagination lang niya iyon.

"I know. And it's okay!" masiglang sagot ni Ranus dahilan upang lingunin niya ito.

"Then, why are you doing this?"

"Because, I want to."

Natigilan si Infinity. Hindi maapuhap ang sasabihin. Ibubuka na sana niya ang bibig nang muling damputin ng kaniyang dalawang bodyguard ang binata.

Ilalayo na sana ng mga ito si Teranus, ngunit sinenyasan niya ang mga ito na bitiwan ang binata.

Wala pa ring namutawing salita sa mga labi niyang naglakad siya patungo sa elevator.

"Can I?" nag-aalalang paalam ni Ranus nang habulin ang dalaga.

Hindi sumagot si Infinity, pero umalis ito sa kinatatayuan at binigyan ito ng espasyo.

"I think you need me. And I am willing to help you. Base sa ginawa mong pagpapakilala sa akin bilang fiancè mo, kailangan mo ng lalaking pakakasalan, di ba? Alangan namang babae! Haist! Stupid me. Since ako na ang ipinakilala mong fiancè, we can work on it."

Nanatiling tahimik ang dalaga.

"I'm a good choice, future wife. Wala kang talo sa akin. Look at my handsomeness. Every girls drooling over me."

Hindi makapag-isip si Infinity dahil sa ingay ng bibig nito, ngunit wala siyang nararamdamang inis ngayon. Hinayaan lamang niya ito sa mga sinasabi nito.

"At bagay tayo. Bagay na bagay tayo."

Napatingin siya rito. At wala sa loob na tinitigan ang mukha nito. May kahanginang taglay ang lalaki. Gwapong-gwapo ito sa sarili, at hindi niya ito masisisi. Yes, he has that irresistable drooling sex appeal. At magiging sinungaling siya kung sasabihin niyang hindi niya pansin ang nagsusumigaw nitong kagwapuhan. Sadyang nakakarindi lang ang kaingayan nito.

"See, kahit ikaw natutulala sa kakisigan ko. Sabi ko na, may lihim ka ring pagnanasa sa akin."

Muntik nang mapabunghalit ng tawa ang dalaga, ngunit nagawa pa rin niya iyong pigilan. Iyon nga lang hindi nakaalpas sa bibig niya ang pagpipigil na matawa. Kaya naman itinago niya ang mukha upang hindi iyon mahalata ng binata.

"You smiled! Oh my goodness! You smiled! You really smiled!" hindi makapaniwalang bulalas ni Ranus dahil hindi nakaligtas sa paningin nito ang pinipigilang ngiti ng dalaga.

Agad na sumeryoso ang mukha ni Infinity. Balik sa blangkong ekspresyong hinarap niya ang binata.

"H'wag mong pigilan. Mas maganda ka kapag nakangiti."

Muli niyang binawi ang paningin dito saka niya inihakbang ang mga paa palabas sa lift ng bumukas ang metal na pintuan.

Kinuha niya ang susi kay Anton na naghihintay sa tabi ng sasakyan niya. At inihagis iyon sa binata.

"Drive," utos niya rito.

Malaki ang ngiting pinaglaruan ni Ranus ang susing hawak. Hindi na nito nagawang pagbuksan ng pinto ang dalaga dahil nauna na iyon sa front seat.

"Saan tayo?" tanong ng binata matapos na makaupo sa driver's seat at paandarin ang makina niyon.

"Just drive. And stop smiling."

Sinunod ni Ranus si Infinity. Ngunit hindi nawala sa mga labi nito ang pagkakangiti. Sinabi ng dalaga na tahakin ang kalsada papunta sa lugar kung saan siya nito nabangga. Nagtataka man ay hindi na siya nagtanong pa.

Hanggang sa pinahinto siya nito sa tapat ng isang restaurant.

"Dito ka ba dapat papunta noong araw na nadisgrasya mo ako?" tanong niya. Nunit hindi umimik ang kausap.

"Sandali," awat niya rito nang tangkain nitong buksan ang pinto sa gawi nito.

Mabilis siyang umibis ng sasakyan at nagtungo sa gawi ng dalaga at pinagbuksan ito. "This is how a gentleman should act. Especially to his fiancèe," wika niya sabay lahad ng palad upang alalayan ito sa pagbaba.

Tiningnan ni Infinity sa mga mata si Ranus bago bumaba sa kamay nitong nakalahad, ngunit hindi niya iyon tinanggap. At tulad pa rin ng dati. Walang magawang binuntutan lamang siya ng binata.

She sat on the two-seater table na itinuro sa kaniya ng waitress. Binigay niya ang order para sa kanilang dalawa nang hindi tinatanong ang kasama.

"So, how much do you want?" tanong niya nang makaalis ang serbidora.

Napaawang ang mga labi ni Ranus, bahagyang naguguluhan.

"If I will accept your help. How much do you want as your payment?"

"You are really hurting me, future wife. I'm not asking for payment and I don't need your money."

Siya naman ang naguluhan. Kung hindi nito kailangan ng pera. Ano ang intensiyon nito?

"I just love to help. That's all," he declaired.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status