Share

Chapter Three: Her Visitor

INABALA ni Infinity ang sarili sa mga papeles na ibinigay sa kaniya ng kaniyang sekretarya. Ito iyong mga report na hiningi niya sa mga head department.

Masusi niya iyong pinag-aaralan, ngunit tila wala roon ang kaniyang isip. Lumilipad sa kung saan. Kaya naman napipikon niyang isinara ang hawak na folder at isinandal ang likod sa swivel chair na kinauupuan.

Pinisil-pisil ang buto ng ilong at mariing ipinikit ang mga mata. Mayamaya lamang ay tumayo siya at kinuha ang brown cardigans sa pagkakasabit. Maayos na isinukbit iyon sa braso saka kinuha ang purse.

"I'll be outside for a while, Karla," pagbibigay-alam niya sa sekretarya.

"Yes, Lady."

Tinungo niya ang elevator at pinindot ang ground floor. She knew that three of her bodyguard were on the basement, waiting for her command and the remaining two, including Anton were on the ground floor.

Nagpalinga-linga siya paglabas ng elevator. At nang makitang abala ang dalawang bantay ay mabilis siyang humakbang palabas ng Hasson Manssion. Agad siyang pumara ng taxi at nagpahatid sa Ramos Hospital.

Oo, pupuntahan niya ang lalakeng dahilan kung bakit hindi siya mapalagay. Sisilipin lamang niya ito upang alamin ang kalagayan nito. Hindi siya mapapanatag sa kaalamang may taong nakaratay sa kama ng ospital ng dahil sa kaniya. Kahit pa sabihing inasikaso at sinigurado na ni Anton at ng mga kasama nito na ligtas na ito.

Ilang minuto lamang ay pumarada na ang cab na sinasakyan sa harap ng Ramos Hospital. Matapos niyang bayaran ang driver ay agad siyang umibis ng taxi. Hindi na siya dumaan sa nurse's station dahil alam na rin naman niya kung anong silid ang inookupa nito.

Maingat niyang pinihit ang seradura at tahimik na pumasok sa kuwarto. Nakita niyang mag-isa lamang ang lalake sa silid na iyon. Wala itong bantay na labis niyang ikinapagtaka. Wala ba itong kamag-anak na maaaring dumalaw at samahan ito rito?

Sinikap niyang huwag maglikha ng ingay ang takong ng kaniyang stilleto nang humakbang siya papalapit sa kinahihigaan nito.

Kumibot-kibot ang mga labi niya nang tuluyang mapagmasdan ang taong nabangga niya kahapon. May maliit na bandage ito sa bandang noo at may gasa ring nakapalibot sa ulo nito. Ngunit kahit nasa ganoong ayos ang lalake, hindi maitatago ang taglay nitong karisma.

"To je samo manjša poškodba glave, ampak zakaj še niste budni?" usal niya sa salitang Slovenian na ang ibig sabihin ay 'It's just a minor head injury, pero bakit hindi ka pa rin nagigising?' Ngunit wala man lang reaksiyon buhat sa pasyente.

Napapitlag si Infinity nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto, pero nakahinga siya nang maluwag nang nurse ang pumasok.

"Good morning, ma'am. Kayo po ba ang kamag-anak ng pasyente?"

Muling ibinaling ng dalaga ang paningin sa lalake. "How is he?"

"The patient is doing well, ma'am. He will be awake anytime soon."

"Good," matipid niyang tugon at muling tiningnan ang nakahiga saka walang paalam na nilisan ang silid.

Pagkalabas niya ng ospital ay nagulat pa siya nang pumarada sa harapan niya ang Audi niya na minamaneho ni Anton. She opened the door at the back seat and placed herself.

"You hard-headed woman," patutsada ng lalaki nang makaupo siya. Inirapan lamang niya ito.

Ibinalik siya nito sa Hasson Manssion at itinalaga ang dalawa niyang bodyguard na magbantay sa harap ng opisina niya. Naiinis man ay binalewala na lamang niya iyon.

Hindi nga niya maintindihan kung bakit kailangang lima ang bodyguard niya. Para sa kaniya, her father is overreacting when it comes to her security.

Muli niyang binalikan ang mga papeles na binabasa kanina at doon na itinutok ang buong atensiyon.

"Karla, please bring Mr. Calixto here," aniya sa intercom.

Ilang minuto ang nagdaan nang bumukas ang pinto ng kaniyang opisina at iniluwa niyon ang kaniyang sekretarya kasama ang empleyadong ipinatawag niya.

Pinapasok lamang iyon ni Karla saka muling lumabas at isinara ang pintuan.

"Have a seat, Mr. Calixto," utos niya rito.

"Than—"

"What happened to our previous supplier?" pagpuputol niya sa sasabihin sana nito. Nabasa kasi niya sa report nito na pinalitan ang R.S Food na dati at matagal na nilang supplier ng mga perishable goods na ginagamit para sa restaurant ng hotel at employees cafeteria.

"Yes, Lady. Due to shortages and delayed of their products, I decided to pull-out their contract to us and choose SMF Foods as replacement."

"I see. But according to your report. SMF Foods are ten percent more expensive than the R.S Foods."

"Yes, Lady. But they give us discounts for bulk orders—"

"How can a small discount give us the profit if we loss too much of our income due to putrefaction of goods?"

"T-there is no putrefaction—"

"Really? Then I will call the kitchen staff meeting now." Pinindot ni Infinity ang intercom at inutusan si Karla na ipatawag ang head chef at nutritionist ng Manssion.

Ilang sandali nga lamang ay kaharap na niya ang mga ipinatawag. Pasimple niyang sinulyapan si Mr. Calixto at napansin niya ang pagkabalisa nito.

Tumango ang dalawang tauhan nang makalapit ang mga ito sa harapan niya.

"So, tell me, Chef, what is happening inside the kitchen?"

"Lady, nagkakaroon ng overstocking of goods nitong mga nakaraang buwan. Wala namab po sanang problema noong mga nakaraan. I ignored it since it's just few pieces, but then, recently, umaabot na ng kilo ang mga nabubulok."

Tiningnan ni Infinity si Mr. Calixto at bakas sa mukha ng ginoo ang kaba.

"What did you do then?" tanong niya na ang tingin ay nasa nutritionist.

"We already reported to Mr. Calixto about the incident. We also suggest to reduce the amount of goods that we order."

"And?"

"He said, nothing to worry about since we can get discounts if we ordered in bulk."

"Bakit hindi ninyo ginawan ng paraan para hindi masira ang mga ingredients?"

"Lady, we did our best. Sa katunayan po niyan. Iniluluto namin ang mga malapit nang masira and give it to the street children."

"You let the street children to eat rotten food?"

"Hindi naman po iyong mga talagang bulok. It's not that fresh but it's not that rotten, Lady. We made sure that it is still safe to eat. Naisip lang po namin iyon, kaysa naman mapunta iyon sa basurahan. Hindi naman po pwedeng i-consume namin ang mga iyon para i-serve sa mga guest ng hotel."

"Okay, you may leave. Mr. Calixto, I need your explanation about this."

"Y-yes, Lady." Tungong-tungo at kuyom ang mga palad na tugon nito.

Nang tuluyang makaalis ang tatlo ay muli niyang pinindot ang intercom button. Inutusan niya si Karla na imbestigahan ang kaugnayan ni Mr. Calixto sa SMF Food.

"EXCUSE ME, SIR, bawal po kayo riyan." Habol ni Karla sa lalakeng bigla na lamang sumulpot at diretsong tinungo ang opisina ng CEO.

"Oh! I am Teranusjulio del Prado, but you can call me Ranus and I need to talk to my angel."

Napansin ni Ranus ang biglang pagkatigagal ng babae nang lingunin niya ito at magpakilala. Hindi pa nga ito agad nakahuma at suno-sunod ang naging paglunok.

Well, hindi na iyon nakapagtataka. He always get attention from his opposites and even gays. His handsomeness can tell.

"Ah… e-excuse me, s-sir?" nauutal na tanong nito na hindi yata nakuha ang ibig niyang sabihin.

"My angel is your boss. And I want to see her to thank her."

"I'm sorry, sir. If you need to talk to Lady Hasson, you should ask for appointment first."

"Oh, come on, babe! Do I need to do that? Have mercy on me. I need to talk to her or else my life will be incomplete," he gave her a puppy-look eyes as he pointed his fingernail on his bruises. "Don't you see this? I'm sure, your lady will be worried of me," he exaggerated.

"I'm really sorry, sir," nagpipigil ng tawang iniharang ni Karla ang sarili sa harap ng pinto. "My lady will fire me if I allow you to enter her cave."

Laglag ang balikat na napabuntonghininga si Ranus nang hindi niya madaan sa pagpapa-cute ang babae.

"Or maybe I will wait her here, right?" Inayos niya ang cotton longsleeve, bahagya iyong tinupi hanggang siko. "Aside from this…" He pointed his bandage on her forehead. "… do I still look handsome?"

"Honestly? Yes, you are." Karla answered as she walked back to her table.

Lumapit si Teranusjulio sa mesa ng babae. Bahagya siyang yumukod at ipinatong ang mga braso sa ibabaw niyon.

"And you look beautiful with your dress. And I'm sure you are more gorgeous without that," he winked and tapped her cheek that gets reddened. "But I prefer to see your boss. What time she will be out?"

"Kung kailan niya maisip," Karla answered not to mention that her boss has a meeting to attend in a minute.

"Your lady boss is an angel. I remember the first time I saw her. She seem like an angel sent from above."

"I'm sorry to ask, sir. But where did you meet my boss?"

"At the hospital. Her men sent me to the hospital because of the accident. And the day after, she visited me."

"An accident?"

"Yes. Your boss got h—" Naputol ang sasabihin pa sana niya nang may babaeng lumabas buhat sa pintong papasukan sana niya. Lumiwanag ang mukha ni Ranus nang makilala iyon.

"Hi, I am Teranusjulio del Prado. You can call me Ranus. But it's my pleasure if you call me handsome." Inilahad ng binata ang palad ngunit nilampasan lamang siya ng dalaga.

Lihim naman na natatawa ang sekretarya nitong mabilis na sumunod sa amo.

"Hey, I was the patient that you visited at the hospital. And my name is Teranusjulio del Prado." Aligagang humabol pa rin sa dalaga si Teranus.

At nang hindi pa rin siya pinansin ni Infinity ay inilang hakbang lamang niya ang pagitan nila saka iniharang ang sarili sa daraanan nito.

"Hi! I'm Teranusjulio del Prado. You can call me Ranus or handsome," malawak ang mga ngiting inilahad ng hindi nakikilalang lalaki ang kamay sa kaniyang harapan.

Nag-uumpisa nang mainis ang dalaga dahil sa kanina pa ito bumubuntot sa kaniya. Kanina pa rin ito nagpapakilala na parang sirang plaka. At ngayon nga ay ang lakas na ng loob nitong humarang pa sa daraanan niya.

Alerto namang hinawakan ng dalawa niyang bodyguard sa magkabilang braso ang Tetanus na ito nang makita ang kaniyang reaksiyon.

"Hey, hey, hey. Gusto ko lang magpakilala sa anghel ko. Sandali!" Nagpupumiglas ito nang bitbitin ng dalawang tauhan palayo kay Infinity.

"Kanina pa iyon nandito, Lady. Papasok na nga po sana sa opisina ninyo, mabuti na lang at nakita't napigilan ko," ani Karla na ikinakunot ng noo niya.

Ano bang kailangan ng Tetanus na iyon?

Nilingon niya si Anton. "Maybe he needs payment."

Tumango ang bodyguard na batid na ang ibig sabihin ng dalaga. Tinalikuran nito ang babaeng amo at nilapitan ang lalaking hawak-hawak ng dalawa niyang kasama. Inilabas niya sa bulsa ng suot niyang suit ang isang itim na calling card at inabot iyon sa lalaki.

"Tawagan mo na lang ang nasa numerong iyan para sa kabayaran. Nabayaran na ang hospital bill mo at bibigyan ka na lamang para perwisyong nagawa ng amo ko."

Patabig na binawi ni Teranus ang mga brasong hawak ng dalawang bodyguard at matiim na tinitigan ang lalaking kaharap.

"Hindi ako naparito para magpabayad. Itong guwapo kong `to mukha ba akong walang pera?" Ipinaling niya ang ulo para makita ang dalagang nakatayo sa haparan ng elevator at naghihintay sa pagbukas niyon. Inginuso niya ito. "Siya ang gusto kong makausap. Since I am the victim of her reckless driving, I have the rights to demand."

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Red Delta
Eww ka, Ranus. Yabang .........
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status