Share

HIDING THE BILLIONAIRE'S HEIRS
HIDING THE BILLIONAIRE'S HEIRS
Author: PlumaNiClara

KABANATA 1

KABADO at kanina pa hindi mapakali ni Athena.Mabilis ang bawat pintig ng kanyang puso. Nag-iisip siya ng kung ano-ano habang naghihintay sa resulta ng kanyang test. Hanggang sa biglang pinatawag na ang pangalan niya ng assistant ng Doctor na nag check up sa kanya. 

“Mrs. Ruiz!” tawag nito sa pangalan niya. 

Agad namang sumagot si Athena sabay taas ng kaliwang kamay nito para makita siya ng assistant ng Doctor. 

“Nandito ako, Miss.”

“Sige po, tuloy na po kayo Mrs. at hinihintay na po kayo ni Doc para sa resulta ng test mo.”

“Umm, salamat.” nakangiting sagot ni Athena sa assistant ng Doctor bago tuluyang pumasok sa loob ng kwarto nito na kung saan ang tanggapan ng mga pasyente nito.

Pagkapasok pa lang ay agad na bumungad sa kay Athena ang nakangiting mga labi at maliwanag na mukha ng Doctor sa kanya. 

“Hello Mrs. Ruiz, upo po kayo.” pagbati ng Doctor. 

Agad namang tumungo si Athena sa upuan na nasa harap ng table ng doctor. Komportableng umupo si Athena at ng maayos na ay agad siyang ngumiti rin sa doctor na kasalukuyang nakatingin rin sa kanya at hinihintay siya na makaupo ng maayos. 

“Hello din po Doc…” 

“Sige Mrs. Ruiz, make yourself comfortable then I’ll discuss with you ang tungkol sa result ng test mo.”

Tumango naman ng ulo si Athena bilang pagsang ayon, “ Okay po, Doc. I’m ready to hear the result. Salamat.”

Seryoso nagkatinginan ang doctor at si Athena, kaya biglang mas bumilis pa ang takbo ng tibok ng puso nito. Napahawak siya sa kanyang dibdib at pilt na maging kalmado. 

After a seconds naman ay biglang nag-iba ang tingin ng doctor, unti-unti itong ngumiti kaya na confuse si Athena sa mga nangyayari, 

Magtatanong na sana siya sa doctor kung may problema ba o wala sa result ng test pero nangunot ang kanyang noo ng makita niyang unti-utning lumapad ang ngiti ng doctor sabay sabing, “Congratulations Mrs. Ruiz, you are 3 weeks pregnant according to the result ng pregnancy test mo!” 

Nang marinig iyon ni Athena ay hindi niya napigilang hawakan ang kanyang tiyan. All this time hindi niya inakalang merong munting buhay na namumuo na pala sa kanyang sinapupunan. 

Tahimik lang siya habang nire-resitahan siya ng gamot na pwede niyang inumin para sa pagbubuntis at pinapayuhan sa mga bagay na dapat at hindi niya dapat gawin habang nagbubuntis siya. 

Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na rin siya sa clinic ng doctor sa loob ng hospital na iyon. At habang naglalakad siya sa may parte ng hospital na may mga halaman ay napaupo siya sa isang bench at nagmuni-muni. 

Masaya siya sa magandang balita ngunit may isang bagay siyang inaalala, si Mikael. 

Napabuntonghininga ng malalim si Athena sa pag-iisip kung sasabihin niya ba kay Mikael ang pagbubuntis niya o hindi. 

Sa loob ng halos mag ta-tatlong taon nilang magkasama ay alam na alam niya kung ano ang turing sa kanya ni Mikael at kung ano lang siya para dito. Hindi naman siya sa nagrereklamo kasi hindi niya naman masisisi si Mikael. 

Naalala niya pa ang mga panahon na una silang nagkita nito. Nagkataong bumisita ang Lolo niya na si Teodoro Sta. Ana sa Lolo ni Mikael na asi Don Simplicio Ruiz na naka confine sa parehong hospital na pinag check-up-an niya ngayon. 

Ilang taon na rin kasi ang nakalipas at biglang nakatanggap ng tawag ang Lolo niya na nagsasabing gusto siyang makita ng kanyang matalik na kaibigan at iyon nga ang Lolo ni Mikael. Kaya lumuwas sila ng lungsod para bisitahin ang Lolo nito. 

Nagkataon na sa pagbisita nila ay si Mikael ang sumalubong sa kanila upang ihatid sila sa kwarto ng Lolo nito. Napangiti si Athena ng maalala ang unang pagkikita nila ni MIkael kung saan nagkasalubong ang kanilang mga mata. Sa di maipaliwanag na dahilan ay parang na love at first sight siya dito. 

Given na gwapo ito, matipuno ang katawan pero aside sa pisikal nitong kagandahan ay may nararamdaman na kakaiba at especial si Athena para kay Mikael. Hindi niya mapigilang kiligin at mamula sa tuwing nakasalubong ang kanilang mga mata. 

Hanggang sa nagpatuloy ang kanilang pagkikita sa tuwing nagkikita at nag bo-bonding ang Lolo Teodoro niya at si Lolo Don ni Mikael may isang taon rin na ganun at talagang sinulit ng magkaibigan ang pag e-enjoy na magkasama samantalang silang dalawa ang madalas na magkasabay ni Mikael. 

Sa mga panahong magkasabay sila ay matipid si Mikael kausap. Hindi ito pala salita samantalang si Athena naman ay ganun rin. Maririnig mo lang ang boses nito pag may initanong ka sa kanya. Marahil ay nasanay rin si Athena na marunong mag adapt kaagad sa kung anong uri ng personalidad ang kanyang kasama o nakakasalamuha. 

Okay na sana siya sa ganun na lang. ANg masilayan si Mikael sa tuwing nag bo-bonding ang mga Lolo nila pero nagbago ang lahat ng isang araw ay naaksidente ang Lolo Teodoro ni Athena, namatay ang Lolo nito sa pagliligtas sa Lolo Don ni Mikael. 

Isang araw kasi habang naglalakad ang dalawang matanda sa sidewalk ng isang park ay may na walan ng preno na sasakyan at tumungo sa direksyon ng dalawa ng makita iyon kaagad ni Lolo Teodoro ay agad niyang tinulak si Lolo Don para makaiwas. Ang Lolo ni Athena ang nasagasaan at dahil sa head injury ay binawian rin ito ng buhay dahil nagkaroon ng internal bleeding. 

Simula ng araw na iyon ay nag-iba ang lahat sa buhay ni Athena. Ulilang lubos na siya dahil wala na rin siyang mga magulang at tanging si Lolo Teodoro niya na lang ang meron siya. Isang araw ay pinatawag siya at si Mikael sa office ng Lolo Don nito sa kanilang Villa pagkatapos mailibing ang kanyang Lolo Teodoro. 

Sa loob ng opisina nito ay bigla siyang tinanong ni Lolo Don Simplicio kung gusto niyang pakasalan si Mikael, ng marinig ang tanong ay hindi niya maiwasang mamula ang mukha.. 

Hindi siya nakasagot kaagad at ng mapatingin siya kay Mikael ay mataimtim itong tumitingin sa kanya halatang hinihintay ang magiging kasagutan niya. Matulis at seryoso ang bawat titig nito sa kanya kaya hindi siya matingin ng diretso.

Na pre-pressure siya tuloy at parang naputol ang dila niya dahil wala siyang mahagilpa na sagot.

“Huwag kang mag-alala Hija dahil payag si Mikael sa kasal na ito.” sabi ni Lolo Don kay Athena na may malapad na ngiti sa mukha nito tapos tumingin siya sa direksyon ni Mikael, “ di ba apo, payag ka at walang problema sa iyo?” 

Tahimik lang si Mikael at tumango ng ulo bilang pagsang ayon sa tanong ni  Don Simplicio. Ayon naman sa kay Lolo Don ang pagpapakasal niya sa apo niyang si Mikael sa kay Athena ay sadya upang may rason si Athena na manatili sa kanilang poder dahil sa nangako siiya sa matalik nitong kaibigan na si Lolo Teodoro na siya na ang bahala sa kay Athena.

Hindi namalayan ni Athena na matagal siyang natahimik at di makapagsalita kaya hindi niya napansin ang paglapit sa kanya ni Mikael. Tinabihan siya nito at nagsalita.

“Umm, Lo pwede po bang kausapin ko muna si Athena bago po siya magbigay ng kasagutan, dahil halatang nagulat siya sa mga sinabi mo.” tapos pabalik-balik ang tingin nito sa kay Athena at sa Lolo niya.

“Sige apo baka nga naman, “ pag sang ayon nito, “pasensiya kana Hija, desperado lang itong Lolo mo na maging opisyal ka na parti ng pamilya namin dahil hindi ka na iba sa akin.” 

“Na-naiintindihan ko po Lolo Don, salamat po.” sagot ni Athena sabay yuko upang magbigay ng respeto dito. 

Agad naman na hinila ni Mikael si Athena sa braso sa isang sulok ng opisina at kinausap ng masinsinan. Mahina ang boses nito para walang marinig ang Lolo Don nito at pasimpleng may binulong sa kanya kasabay nito ay nanlaki ang mga mata ni Athena sa narinig mula sa bibig ni Mikael.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status