"WALA akong balak na pakasalan ka ngunit si Lolo ay nagpupumilit,may kung anong pagbabanta ang ginawa nito at ayaw ko namang atakihin siya sa puso ulit kaya wala akong magawa, kaya heto at pumayag ako sa gusto niya since naiintindihan ko naman ang rason niya at di ko kinakaila na malaki ang naging utang na loob ng aming pamilya sa Lolo mo kaya.”
Tahimik lang si Athena at pino proseso ang bawat katagang binibitawan ni Mikael habang patukoy ito sa pagsasalita.
“At sa tingin ko naman hindi magiging problema iyon sa iyo o sabihin na lang natin kahit alang-alang nalang sa Lolo ko at sa Lolo mo.”
Napailing ng ulo si Athena ng bahagya at diretsong tiningnan si MIkael dahil hindi niya ata naintindihan ang ibig sabihin nito.
“Pa-pasensiya na pero hindi ko maintindihan paano na involve si Lolo dito.”
Tumayo ng tuwid si Mikael at mas lalong lumapit pa kay Athena, si Athena naman ay napaatras hanggang sa naramdaman niya ang likod niya sa pader. Nakailang beses siyang napalunok ng laway sa sobrang lapit ni Mikael sa kanya.
“Bago nangyari ang trahedya ay narinig ko ang Lolo mo at si Lolo na nag-uusap,matagal na pala silang may kasunduan na ipakasal a ng kanilang m ga anak kung sakaling meron, kaso parehos silang nagkaanak ng lalaki kaya naisip ni Lolo na bakit hindi na lang tayong dalawa.”
Halos di makapaniwala si Athena sa narinig, para sa kanya isang kalukuhan ang mga naging kasunduan ng mga Lolo nila.
“Huwag kang mag-alala, kung papayag ka ay sisiguraduhin kong ibibigay ko sa iyo ang titulong Mrs. Ruiz, magiging totoong mag-asawa tayo, at pagkatapos ng tatlong taon ay magpapa annul tayo at maghihiwalay.” sabi ni Mikael sa kanya sabay tingin nito sa mga mata niya ng diretso, “ what do you think?”
Nang marinig ni Athena ang mga sinabi ni Mikael ay biglang nabagabag ang kanyang loob pero aware naman siya na possibleng sabihin ni Mikael ang mga bagay na sinasabi nito sa kanya. Alam na ni Athena na siya lang ang nagnanais na magpakasal na bukal sa kanyang kalooban.
Iyon ang totoo niyang nararamdaman. Sino ba ang ayaw magpakasal sa isang Mikael Angelo Ruiz?
Para sa kay Athena ay isa itong prebilihiyo sa katulad niya. Alam niya rin sa saloobin niya na unang kita niya pa lang sa kay Mikael ay gusto niya na ito. Pinangarap niya. Kaya kanina ng tanungin siya ni Lolo Don kung gusto niya ba makasal sa kay Mikael ay hindi siya nakapagsalita dahil sa ayaw niya. Ang totoo ay natameme siya sa sobrang galak at saya, kahit mukhang makasaril at one sided.
Kalaunan ay pumayag rin siya sa mga sinabi ni Mikael nagkasundo silang dalawa na magpakasal ngunit may mga kondisyon si Mikael at wala naman siyang magagawa dun.
Pero masayang-masaya ang Lolo Don sa naging desisyon nilang dalawa ganun din ang mga magulang ni Mikael.
Gumawa si Mikael ng kasunduan tungkol sa kanilang pagpapakasal. Hindi niya binasa ang nilalaman dahil hindi niya nais na makita ni Mikael na atat na atat siyang magpakasal dito.
Isa pa hindi niya nais na mapahiya, kaya't mabilis niyang pinirmahan ang kanyang pangalan at ibinigay ito kay Mikael ang kasunduan kaagad.
Kinabukasan, matagumpay na nakuha nilang dalawa ang kanilang mga sertipiko ng kasal, walang bonggang kasalan, sa kagustuhan rin ni Mikael na wag isa publiko dahil ayaw nya ng issue at pag pyestahan ng media na sinang ayunan naman ng pamilya niya. Iyon ang naging kondisyon niya para pumayag siya magpakasal.
Pagkatapos magpakasal,lumipat si Athena at Mikael sa sariling villa nila. Dahil ayaw ni Mikael na may ibang taong umaaligid sa loob ng bahay nila ay hindi sila kumuha ng katulong. Kaya hindi nagtrabaho si Athena, siya mismo ang nagluluto araw-araw at ang umaasikaso sa kay Mikael bago ito pumasok sa trabaho at ganun rin pag umuwi ito. Naging full time housewife si Athena para kay Mikael.
Sa unang taon nilang magkasama ay maayos naman sila. Natutulog sila sa magkahiwalay na kwarto, at kumakain sila sa ancestral house ni Lolo Don kasama ang isa't isa tuwing weekend, dahil hindi madalas nasa bahay ang ama ni Mikael at ang ina nito.
Kung sobrang abala naman si Mikael, si Athena ang palaging kasama ni Lolo Don, palagi niya ring nararamdaman na ang pagkikita nila ni Lolo Don ay parang pagkikita at bonding na rin sa alaala ng Lolo niya.
Sobrang mapagmahal ni Lolo Don sa kanya at gayun din ang mga magulang ni Mikael, lubos din nilang nagustuhan si Athena, hindi nila nito hinahamak o pinagmataasan dahil lamang siya ay isang babae mula sa probinsya.
Kaya si Athena ay kahit na casual at discrete lang sila ni Mikael ay okay lang sa kanya, bawing-bawi rin naman kasi sa pamilya nito na sobrang mahal na mahal siya.
Pero habang binabalikan ni Athena ang nangyari sa mga nakaraan na taon ay napangiti siya ng mapait ng maalala ang minsan na sinabi ni Mikael.
‘Ayaw ko na magkaanak tayo, magiging komplikado ang lahat at maapektuhan ang kontrata.”
Agad siyang napahawak muli sa tiyan niya, hinimas niya ito habang iniisip na sana ay nararamdaman ng bata sa sinapupunan niya ang kanyang haplos at pagmamahal kahit na hindi niya pa ito nakikita o nahahawakan.
“ Ano ba sa tingin mo ang kailangan kong gawin baby?”
NAGSIMULA ang pagbabago isang taon matapos magpakasal ang dalawa, isang gabing, dumating si Mikael na sobrang lasing. Halatang naparami ang inom nito ng alak. Nagulat na lang si Athena ng makita niya ang sasakyan ni Mikael na huminto sa labas ng gate nila at nag doorbell ito. Nagkataon na nakadungaw si Athena sa may bintana dahil sa hinihintay niya ang pag uwi ni Mikael. Mabilis na lumapit si Athena upang pagbuksan ng pinto ang drayber na akay-akay ang lasing na si Mikael.Agad naman niyang iginiya ang drayber patungo sa kwarto kung saan si Mikael natutulog habang alalay pa rin nito si Mikael. Nagbigay suporta rin si Athena sa pagpapahiga kay Mikael sa kama at ng matapos ay nagpasalamat si Athena sa drayber sa pagtulong nito at agad naman itong umalis.Tumingin si Athena sa kay Mikael na nakahiga sa kama, hindi niya mapigilang di lumapit at pagmasdan ito at habang ginagawa niya iyon ay napansin niya na basa ito ng pawis kaya naisip niyang palitan ito ng damit. Una niya munang inalis
NANG dumating si Athena sa ancestral house ng mga Ruiz , ay nadatnan niya lang ang isa sa mga katulong na kasalukuyang naglilinis sa harapan ng malaking bahay, "Magandang gabi po Maam.” bati nito sa kanya. “Good evening din po, nandyan ba si Lolo at sina Mama at Papa?” tanong naman ni Athena dito.“Uhm sina Maam at Sir po ay umalis pero si Don Simplicio po ay nasa loob Maam nasa study room niya po.” “Ah okay, sige salamat at didiretso na lang ako kay Lolo.”Ngumiti ng bahagya si Athena sa katulong at tuluyan na ring pumasok sa loob ng bahay. Pumunta si Athena sa study room ni Don Simplicio at ng nagkataon na nakabukas ng bahagya ang pintuan nito kaya sumilip siya ng kaunti sabay katok sa pintuan. Narinig at nakita kaagad ni Don Simplicio si Athena sa may pintuan na sumisilip kaya agad niya itong niyayang pumasok. Lubos naman ang kasiyahan ni Don Simplicio habang lumalapit si Athena sa kanya. "Nandito ka pala apo. Halika dito, mag-isa ka lang ba at hindi ba't sumama si Mikael sa'
"BAKIT naman siya uminom nang sobra-sobra? May problema pa naman siya sa tiyan niya nakaraang dalawang araw, medyo mas maayos na ngayon." nagtatakang tanong ni Athena."Uh... alam mo kasi pag sobrang masaya siya umiinom talaga iyan ng marami, huwag kang mag-alala sa susunod pagsasabihan namin." Casual na sagot ni Sandro para maiwasan niyang sabihin ang totoong dahilan.Tapos nakita ni Sandro ang kunot na noo ni Athena at seryoso itong nakatingin sa kay Mikael habang inaayos nito ang suit na halos nagusot na at pinapatayo kaya agad naman na lumapit si Sandro para tulungan si Athena na akayin si Mikael."Athena , nagmamaneho ka naman siguro ano, kasi hindi ako pwedeng maghatid sa inyo ngayon at ito ang susi ng kotse ni Mikael." sabi ni Sandro sabay bigay ng susi ng sasakyan ni Mikael sa kay Athena."Oo marunong ako, isa pa sumakay ako ng taxi papunta dito kaya, ako na ang magmamaneho pauwi huwag kang mag-alala.""Mabuti naman kung ganun, okay, sige tulungan na kitang isakay siya sa sasa
MAAGANG nagising si Athena at hindi na niya namalayan kagabi na nakatulog rin pala siya. Naginsing siya sa kwarto ni Mikael kung saan palagi naman silang magkatabing natutulog. Agad na bumangon at bumaba upang magluto ng almusal, nag-aalala kasi siya na baka may hindi komportableng hangover si Mikael, kaya nagluto ito ng lugaw upang maging okay ang tiyan nito.Nakasuot si Mikael ng puting tshirt at casual pants lang. Nakasimangot na naman ito, habang bumababa sa hagdanan patungo sa kanilang dining area." Mabuti at gising ka na,haika ka at kumain na tayo ng agahan." paanyaya ni Athena rito.Aware si Athena na medyo galit si Mikael nang bumangon, wala ito sa mood at nasanay na rin siya na laging seryoso ang mukha nito kapag siya ay bumabangon tuwing umaga,na nakakunot ang noo. Nakita niyang umupo ito at humigop ng lugaw, hindi ito nagsalita, at umupo na rin si Athena sa tapat nito at kumain ng agahan.Ang lugaw na niluto ni Athena ay napakalambot at makapal, at naramdaman ni Mikael na
HINDI umuwi si Mikael ng gabing iyon, samantalang si Athena ay patuloy na naghihintay, hindi siya makatulog. Nag-aalala siya para dito ngunit wala naman siyang magawa kundi ang tumunganga at maghintay nga.Napa buntong hininga siya ng malalim.May suspetsa si Athena na may nangyayaring hindi niya alam at ayaw sabihin sa kanya ni Mikael dahil sa napansin niya ito na labis na nagmamadaling lumabas ng bahay kaninang umaga, na para bang nag-aalala na may mangyayari kaya dahil dun ay bigla niyang naisipang tawagan ito pero hindi ito sumasagot sa tawag niya, kaya naisipan niyang tawagan ang assistant ni Mikael."Hello po, Assistant Cruz, kasama mo ba si Mikael? ""Hello din po Mrs.Ruiz, uhmm, si Mr. Ruiz ay hindi ko po kasama ngayon, at hindi naman siya nag-arrange ng overtime ngayon, may problema po ba?""Ahh ganun ba, sige o-okay, walang problema, salamat, paalam.""Walang anuman po ma'am, paalam."Matapos ibaba ang telepono, ay bigla namang naging hindi komportable sa tiyan ang nadama ni
NAGSIMULA nang lutuin ni Athena ang pansit guisado para sa kanilang hapunan ni Mikael. Isa pa mabilis lang naman itong lutuin at mabuti na lang ay may kompleto siyang mga sahog sa loob ng fridge. Panay rin ang pagnanakaw niya ng sulyap sa kay Mikael at tingin sa mukha nito na kanina pa nakasimangot at nakakunot ang noo. Nakaupo lang ito sa isa sa mga dining chair sa kanilang dining room. Nakapikit ang mga mata. “Hmm, okay lang ba talaga siya?” naitanong ni Athena sa sarili habang nag mi-mixed na ng pancit at mga sahog nito. Mabilis lang naluto at ng patayin na ni Athena ang apoy ay napangiti kahit papaano.‘Mukhang masarap.’ Iyan naman ang nasaisip ni Mikael ng makita ang ilapag ni Athena ang niluto nitong pansit sa lamesa. Nanunuot ang magandang amoy nito sa kanyang ilong at takam na takam na siyang kumain dahil sa gutom na gutom na rin siya. Nang magsimula ng silang kumain ay wala sa kanila ang nagsalita. Sa isip ni Athena ay marahil sobrang gutom talaga si Mikael dahil ang bi
PAGKATAPOS umalis ni Trisha ay umupo si Athena sa sofa at tiningnan ang relo na nakalatag sa center table. Totoong kay Mikael ito, isinuot niya ito halos araw-araw dahil ibinigay ito sa kanya ng kanyang ama noong siya ay nagtapos ng kolehiyo, minsan niya itong nakita na nilagay niya sa tabi ng kama at kinuha naman ito ni Athena upang tingnan, at may tatlong titik na ‘MAR’ na inukit sa likod nito. Kaya nakumpirma niyang kay Mikael ang relos at hindi nagsisinungaling si Trisha. Dahil dito ay kung ano-ano ang pumapasok sa isipan ni Athena. Naputol lang ang pag-iisip niya niya ng malalim ng biglang mag ring ang kanyang cellphone.Nang tingnan niya ito ay nakita niyang si Mikael ang tumatawag kaya agad nya naman itong sinagot, “In 10 mins ay makakarating na ako sa bahay, maghanda ka na para lumabas.”“O-Okay.” sagot ni Athena at agad niyang inayos ang kanyang sarili at nagsimulang magligpit ng mabilisan sa kusina. Pilit niyang kinakalma ang kanyang emosyon. Nang matapos sa mga liligpitin
MAINGAT si Athena na naglagay ng band aid sa noo Mikael , pero hindi niya maiwasang isipin kung ano kaya ang tumatakbi sa isip nito ngayon. “Ayan okay na,” sabi ni Athena at saka niligpit ang mga firstaid kit. “Halika ka na at bumababa na tayo, huwag nating pahintayin nang matagal si Lolo.”“Hmm…” tanging sagot ni Mikael.Agad naman silang lumabas sa study room at bumaba patungo sa dining area. Nadatnan nila si Lolo Don na nasa mesa na, agad naman silang nakita ni Lolo Don na magkasabay na lumalakad patungo sa hapagkainan. Ngumiti si Lolo Simplicio ng sobrang lapad at inanyayahan si Athena para kumain.“Apo, halika ka at dito ka maupo, magmadali ka at lumapit ka na dito para kumain!” masiglang paanyaya ni Lolo Simplicio kay Athena.“Opo Lolo.” masiglang sagot naman ni Athena at masunurin itongumupo sa tabi ng kanyang lolo kasama si Mikael.Tunay na gusto at mahal na mahal ni Lolo Simplicio si Athena, hindi lamang dahil sa ipinagkatiwala ito ng kanyang matalik na kaibigan kundi dahil