Share

KABANATA 8

NAGSIMULA nang lutuin ni Athena ang pansit guisado para sa kanilang hapunan ni Mikael. Isa pa mabilis lang naman itong lutuin at mabuti na lang ay may kompleto siyang mga sahog sa loob ng fridge.  

Panay rin ang pagnanakaw niya ng sulyap sa kay Mikael at tingin sa mukha nito na kanina pa nakasimangot at nakakunot ang noo. Nakaupo lang ito sa isa sa mga dining chair sa kanilang dining room. 

Nakapikit ang mga mata. 

“Hmm, okay lang ba talaga siya?” naitanong ni Athena sa sarili habang nag mi-mixed na ng pancit at mga sahog nito. Mabilis lang naluto at ng patayin na ni Athena ang apoy ay napangiti kahit papaano.

‘Mukhang masarap.’ Iyan naman ang nasaisip ni Mikael ng makita ang ilapag ni Athena ang niluto nitong pansit sa lamesa. Nanunuot ang magandang amoy nito sa kanyang ilong at takam na takam na siyang kumain dahil sa gutom na gutom na rin siya.

 Nang magsimula ng silang kumain ay wala sa kanila ang nagsalita. 

Sa isip ni Athena ay marahil sobrang gutom talaga si Mikael dahil ang bilis nitong kumain ngunit nakailang plato din ito bago matapos kumain.

Nang matapos na si Mikael ay agad itong nagsalita, “Siyanga pala mauna ka nang pumasok sa kwarto para makapagpahinga ng maayos dahil didiretso muna ako sa study room at may tatapusin lang.” 

Tumango lang ng ulo si Athena at si Mikael ay nagsalita ulit, “Bukas tayo pupunta kina Lolo para maghapunan kaya maghanda kasa hapon dahil susunduin kita upang sabay na tayo.”

Umiling naman ng ulo si Athena, sabay sabing, “Hindi mo na kailangan mag-abala na bumalik dito, pwede naman akong mag taxi papunta kina Lolo kaya, huwag ka ng mag-abala pa.”

 “Wala naman akong masyadong gagawin bukas, kaya babalikan kita at susunduin, isa pa hindi maganda na sumakay ng taxi.”

Seryosong tugon ni Mikael. Medyo nangunot naman ang noo ni Athena sa sinabi nito. 

‘Kailan pa hindi naging maganda ang sumakay sa taxi?’ naguguluhan man ay sumang-ayon na lang siya sa kagustuhan ni Mikael kahit ang weird nitong mag-isip minsan.

 “Umm, o-okay sige.” 

Tahimik na ibinaba ni Athena ang kanyang ulo at ipinagpatuloy ang pagkain ng pansit. Agad namang tumalikod si Mikael at nagsimulang maglakad patungo sa taas kung nasaan ang study room nito.

….

KINABUKASAN ay tinanghali ng nagising si Athena at wala sa tabi niya si Mikael, marahil ay maaga itong nagising patungo sa  kumpanya. Samantalang si Athena ay agad na nag-ayos at ng matapos ay bumaba siya upang kumain para sa  tanghalian, bagaman wala siyang gana, ngunit iniisip niya na mayroon siyang munting anghel sa kanyang sinapupunan. Kaya hindi puwedeng hindi siya kumain at magpalipas ng gutom.

Pagkatapos kumain ay agad siyang tumayo para ligpitin ang pinagkainan ay siya ring may narinig siyang nag doorbell sa labas ng kanilang gate. 

Nagtaka siya kung sino kaya’y agad niyang iniwan muna ang mga liligpitin at sumilip sa may bintana para makita kung sino ang nag do-doorbell sa labas. 

Nang sumilip siya sa bintana ay agad naman siyang nakita ng isang babae nasa labas ng gate nila kaya wala siyang kawalang umiwas. Kumaway ang babae sa kanya kaya tumungo sa siya sa pintuan upang buksan ito at makapunta na rin sa gate ng bahay nila upang pagbuksan ang di inaasahang bisita.

Pagkabukas ng gate ay agad siya nitong binati.

“Hello Miss Athena, right?” tanong nito at tumango naman si Athena ng ulo, “ ako  nga pala si Trisha Buenavista, at kaibigan ako ni Mikael.” 

Malapad ang ngiti ni Trisha habang nagpapakilala sa kay Athena. She was trying to intimidate her with her confidence and most especially her looks.

“A-Alam ko.” mahinang sagot ni Athena. Naisip niya kung ikukumpara nga siya sa ganda at kutis porselanang meron si Trisha Buenavista ay wala siyang kalaban laban, kung baga para siyang ugly duckling at si Trisha Buenavista ay isang swan na sobrang ganda. 

Nagbigay daan si Athena sa kay Trisha upang anyayahan itong pumasok sa sa loob ng gate hanggang sa loob ng kanilang bahay. 

Nakasunod si Trusha sa kanyang likod hanggang sa pinapasok niya ito sa kanilang bahay at inanyayahang maupo sa kanilang sofa sa may living room. SI Athena naman ay dumiretso sa kusina upang kumuha ng isang basong tubig at inilagay ito sa mesa sa harap ni Trisha.

Nagpasalamat si Trisha at agad na nagsalita.

“Pasensiya kana sa abala, gusto ko lang kasing isauli ang bagay na ito.” pagsisimula ni Trisha at may kinuha sa loob ng kanyang bag.

Napatingin naman si Athena sa kung ano ang bagay na kinuha ni Trisha sa loob ng bag niya. Tahimik lang siya.

“Naiwan ito ni Mikael kahapon, at hindi ko pa naman siya nakakausap ngayon, At since nagkataon na malapit lang ang tinutuluyan ko dito ay naisip ko na lang na idaan dito.”

Ang boses ni Trisha ay napakaganda, at ang ngiti sa kanyang mukha ay nagliliwanag din, at ang mga salitang kanyang sinasabi ay tunay na nakakapukaw ng damdamin.

“Ah ganun ba, o-okay, ibibigayko na lang ito sa kanya, at pasensiya ka na Miss Buenavista sa abala.” sagot naman ni Athena ng abutin niya ang relo na bigay ni Trisha.

Sinikap ni Athena na tiisin ang pagkabalisa, at medyo malamig ang kanyang tinig. Dahil sa tinuran ni Trisha ay kung ano-ano ang naglalaro sa kanyang isipan. Parang gusto niya na lang matapos ang pag-uusap kaya ay naglakas loob siyang magsalita ulit.

“At huwag mo sanang mamasamain Miss Buenavista kung wala na po kayong iba pang sadya ay nais ko na sanang magpahinga.”

Tumaas ang sulok ng bibig ni Trisha ng mapansin niya na uncomfortable sa preseniya niya ang babaeng kaharap at nagugustuhan niya ito. 

 “Okay, hindi na kita aabalahin, aalis na ako.” Paalam ni Trisha na may disenteng ngiti.

Habang lumalabas sa gate ng villa, ang ngiti sa mukha ni Trisha ay bumaluktot. 

Totoo nga na pumunta si Mikael sa airport upang sunduin siya, at nang maihatid siya nito sa hotel, ay nagkataon na nag banyo ito at hinubad ang relos, pagkalabas nito galing banyo ay agad naman umalis si Mikael at nakalimutang dalhin ang kanyang relo.

Naiinis siya dahil hindi man lang ito nag abalang manatili sa lugar niya ng matagal.

Nang marinig niya ang balita na kasal na si Mikael, ay hindi siya naniniwala, alam niya na si Mikael ay naghihintay sa kanya sa mga taong ito, at naniniwala rin siya na maghihintay si Mikael sa pagbabalik niya. 

Kahit na kailan ay naging kampante si Trisha na siya lang ang babae sa puso ni Mikael. Alam niya na siya ang first love nito. Kahit nasa ibang bansa siya ay nagbabantay siya ng balita patungkol kay Mikael. At sa ilang taon ay ang alam niya walang sino mang babaeng umaaligid dito.

Pero hindi niya inaasahan na talagang ikinasal na siya, pero alam niya na dahil lang ito sa Lolo niotng si Don Simplicio. Kaya naisip ni Trisha ay may pagkakataon siyang agawin si Mikael sa asawa nito. ISa pa para sa kanya ay siya naman talaga ang may karapatan sa kay Mikael dahil siya ay tunay na mahal nito. 

Kaya gagawin niya ang lahat upang mabawi si Mikael. Hindi siya papayag na hindi niya makuha si Mikael ngayon pang hindi naging maganda ang career niya sa Paris dahil sa pinsala nito sa binti. Kailangan niyang magpahinga ng matagal para makapagrampa ulit pero ito’y matatagalan kaya’t nagkaroon siya ng pagkakataong bumalik sa bansa. 

“Akin ka lang Mikael, hinding-hindi ako papayag na tuluyang kang maagaw sa akin ng kung sino lang. I will do everything to have you back, hook or by crook!”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status