MEDYO nataranta si Athena dahil sa tanong ni Mikael kaya agad siyang gumawa ng alibi while hoping na sana makalusot.“Ah, e wala ang ibig kong sabihin unbelievable talaga ang pangyayari sa teleseryeng pinapannod ko, iyon ang ibig kong sabihin.”Tumango lang ng ulo si Mikael kaya nakahinga ng maluwag si Athena. At dahil sa wala namang balak na umalis ni Mikael ay nag focus na lang si Athena sa kanilang pinapanood na palabas. Si Mikael naman ay umuupo nang nakataas ang binti sa sofa na may unan sa likod. Kumportable itong nakatingin sa kanyang cellphone samantalang si Athena naman ay nakapokus ang atensyon sa TV. Timing naman na ang teleseryeng inaabangan niya ang palabas. Palagi niya itong inaabanagn gabi-gabi bago siya matulog. Isang drama na may temang pang-aabuso, hindi perpekto ang huling kabanata, ang mga pangunahing karakter na lalaki at babae ay pinaghiwalay ng langit at lupa, si Athena ay sobrang na touch sa teleseryeng napapanood kaya hindi nito maiwasan na maiyak. Nakaupo
NANG makita ni Mikael na tuluyan ng pumasok sa banyo si Athena ay lumakad ito patungo sa balkonahe upang sagutin ang kanina pang caller niya na walang humpay sa pagtawag.“Mikael, sa wakas ay simnagot mo rin sa tawag ko. Ayoko nang mag-stay sa hotel, natatakot ako sa gabi, pwede mo ba akong samahan?”Napa hugot ng malalim na buntong hininga si Mikael.“Nasa bahay ako ngayon ni Lolo at impossible ang hinihingi mo.” malamig na tugon nito, “huwag kang mag-alala dahil bukas na bukas ay uutusan ko si Sandro na hanapan ka ng apartment sa lalong madaling panahon para makalipat ka na rin kaagad.”Hindi niya alam kung may nararamdaman pa ba talaga siya para kay Trisha, dahil sa hindi niya talaga ito magawang balewalain. Pero naisip niya rin na habang kasal sila ni Athena, hindi siya gagawa ng anumang bagay na ikakasama ng loob nito. “Hmmm, okay, at pasensiya ka na, alam kong kasal ka na, at hindi kita dapat abalahin, ngunit hindi ko talaga kayang kontrolin ang aking puso, at miss na kita ng
PAGLABAS ni Mikael mula sa shower, ay napatingin siya sa kay Athena na nakahiga sa kama, tahimik na humihinga, at ang mga mata'y tahimik na nakapikit. Agad naman siyang tumungo nang dahan-dahan sa kabilang gilid ng kama at unti-unting humiga.Naramdaman ni Athena na ang taong nasa likod niya ay humihiga na rin, at ang pag-ihap ay nagsimula nang maging pantay, dahan-dahang binuksan ni Athena ang kanyang mga mata, oo, siya ay nagpapanggap lang na natutulog, isa sa mga dahilan ay dahil buntis siya, natatakot siya na isipin ni Mikael ang bagay na gusto niya munang iwasan sa ngayon. Napikit ulit siya ng mga mata at mahinang huminga ng malalim habang naalala ang mga titig sa kanya ni Mikael kanina, hindi niya tuloy maiwsang kabahan pero at the same time ma excite sa kung ano ang gusto nitong gawin sa kanya ngayong gabi. Sa halos tatlong taon nilang magkasama ay alam na alam niya rin ang mga tingin ni Mikael na may halong pagnanasa sa kanya. Isa pa naalala niya ang sinabi ng doktor na mas
TUMINGIN si Sandro sa table ni Mikael. Kasalukuyan silang nasa loob ng opisina ni Mikael. Busy si Bryan sa mga papeles na kakailanganin niya sa pagpunta sa Europa samantalang si Sandro naman ay nababagot na sa kanyang nilalaro kaya agad niyang naisipang tabihan si Bryan at binulungan ito sa itinawag ni Mikael sa kanya kagabi.“Alam mo bang inuutusan ako niyan ni Mikael na hanapan ng matutuluyan si Trisha, kagabi?.” “As I expected.”sabi ni Bryan habang patuloy na nag-aayos ng mga papeles. “Pero di ko maintindihan bakit pa niya binibigyan ng pansin iyang si Trisha pagkatapos ng ginawa sa kanya.” napahawak si Sandro sa kanyang baba habang nag-iisip ng malalim, “Ibig sabihin ba nito dahil sa first love ni Mikael si Trisha ay tuluyan na niyang iiwan si Athena?.” “I don’t think so.” sagot ni Bryan ng diretso, napatingin si Sandro na nagtaas ng kilay.“Ano ang ibig mong sabihin?” tanong nito. Patuloy lang si Bryan sa ginagawa habang sinasagot ang tanong ni Sandro, “As you can see 3 years
“ATHENA, hello pa-pasensiya ka na di ako nakasagot agad si Mikael kasi inaagaw iyong cellphone ko.”“Hmmm, okay…”“Anyway iyon nga napatawag ako kasi magpapaalam sana kami ni Bryan na sasama kami sa kanya pauwi diyan sa bahay niyo at kung pupwede sana dyan kami maghahapunan.” Pagkarinig ni Athena sa mga sinabi ni Sandro ay kahit papaano ay nakahinga siya ng maluwag. Akala niya kung ano na. "Pagpasensiyahan mo na iyang si Sandro, Athena binibiro ka lang niyan!"Sambit naman ni Mikael sa background. “Naku okay lang naman isa pa nakapagsimula na akong magluto, dadagdagan ko na lang para sa ting lahat, ilan ba kayo?"Kami lang ni Bryan.” nakangising tugon ni Sandro.“Okay sige, mag-ingat kayo sa pagpunta rito at papapatuloy ko lang ang pagluluto para matapos na rin kaagad at makakain kayo sa pagdating niyo.”Pagkatapos ay ibinaba na ni Sandro ang cellphone niya ng eh end call ni Athena ito.Napatingin siya kay Mikael na kulang nalang sakalin siya nito literal dahil sa inis sa ginawa n
HINDI rin nagtagal ay umuwi na rin sa wakas sina Sandro at Bryan at bumalik sa dating tahimik ang bahay nina Mikael at Athena. Kahit papaano ay nag enjoy si Athena sa naging presensiya nina Sandro at Bryan, lalong- lalo na si Sandro. Si Sandro ang pinakabata sa apat na magbabarkada, walang masyadong ginagawa dahil mas ini-enjoy niya ang pagiging chill lang at walang pressure. Gayunpaman siya ang pinakamalapit sa kay Athena.Si Bryan naman ay ang pinaka matatag at mahinahon, ngunit madalas siyang nasa ibang bansa, kaya't hindi sila madalas magtagpo ni Athena, at sa bawat pagkakataon na magkita sila, siya ay magalang at mabait, kaakit-akit, at komportableng kausap.Si Damien naman ay ang tipong hindi mahilig magsalita, at simpleng bati lang ang sinasabi kapag nagkikita sila ng ilang beses, at minsan narinig niya kay Mikael na ito ay talagang mabagsik, mukhang malamig,kayang pumatay ng tao nang walang pagdadalawang isip. Masasabing ito ang pinakamaitim ang budhi, at hindi ito kayang ha
NAGKAROON ng katahimikan sa pagitan nina Athena at Mikael. Tanging buntong hininga at tibok ng kanilang puso ang siyang maririnig mo sa loob ng kwarto na iyon. Si Athena naman ay iniisip pa rin ang mga bagay na dapat niyang gawin habang papalapit ang araw na mapawalang bisa ang kasal nila ni Mikael.Gusto niyang gawin ang sa palagay niya ay tama ngunit may parti rin sa kanyang utak at puso na gusto niyang maging makasarili minsan, sabihin man na siya ay mapanlinlang o maramot, hindi siya aalis hanggang sa magbukas si Mikael mismo ang magpapaalis sa kanya, gusto niyang hintayin na bumalik si Mikael mula sa biyahe nito at sabihin sa kanya ang tungkol sa kanyang pagbubuntis, at lumaban para sa kanyang sarili at sa magiging anak nila.Ilang saglit pa ay naramdaman ni Athena na niyakap siya ni Mikael ng mahigpit at dahan-dahang hinagkan ang kanyang likuran mula sa balikat niya hanggang sa batok nito. Tapos ay agad siyang inalalayan ni Mikael na humarap sa kanya upang hagkan ang kanyang mga
MAAGANG nagising si Athena para mag ready sa pag uwi sa kanilang bayan pero bago siya tuluyang dumiretso dun ay naisipan niyang pumunta muna sa kay Lolo Don niya para magpaalam dito ganun din sa mga magulang ni Mikael. Pagkarating niya ng ancestral house ng mga Ruiz ay diretso siyang pumasok sa loob at nagkataon na nakita niyang pumasok ang mayordoma ng mga Ruiz na si Aling Magda sa kusina. Kaya doon na rin siya dumiretso at nadatnan niya itong naghahanda ng mga lulutuin.“Magandang araw po Aling Magda.” bati ni Athena. “Ikaw pala po Maam, magandang araw rin po, “ bati rin nito sa kanya, “ At kung si Don Simplicio po ang hanap niyo ay kasalukuyan ata siyang natutulog sa taas.” ani nito. “Ah ganun po ba siguro habang hinihintay ko siyang magising ay mabuti na rin natulungan kita rito sa ginagawa mo po.” si Athena at agad na kumuha ng iilang gulay at hinugasan ito sa malapad na lalabo ng kusina. “Naku Ma’am huwag na po kaya ko na po ito, mas mabuti pa pong maghintay na lang po kayo