MAAGANG nagising si Athena para mag ready sa pag uwi sa kanilang bayan pero bago siya tuluyang dumiretso dun ay naisipan niyang pumunta muna sa kay Lolo Don niya para magpaalam dito ganun din sa mga magulang ni Mikael. Pagkarating niya ng ancestral house ng mga Ruiz ay diretso siyang pumasok sa loob at nagkataon na nakita niyang pumasok ang mayordoma ng mga Ruiz na si Aling Magda sa kusina. Kaya doon na rin siya dumiretso at nadatnan niya itong naghahanda ng mga lulutuin.“Magandang araw po Aling Magda.” bati ni Athena. “Ikaw pala po Maam, magandang araw rin po, “ bati rin nito sa kanya, “ At kung si Don Simplicio po ang hanap niyo ay kasalukuyan ata siyang natutulog sa taas.” ani nito. “Ah ganun po ba siguro habang hinihintay ko siyang magising ay mabuti na rin natulungan kita rito sa ginagawa mo po.” si Athena at agad na kumuha ng iilang gulay at hinugasan ito sa malapad na lalabo ng kusina. “Naku Ma’am huwag na po kaya ko na po ito, mas mabuti pa pong maghintay na lang po kayo
NAMILOG ang mga mata ni Athena ng unti-unti niyang nakikilala ang lalaking umupo sa driver seat ng trysikel at nagtanong sa kanya. Maya-maya pa ay ang gulat na mukha at pagkalito ay napalitan ng malapad na ngiti sa mga labi. “OMG! Marco, ikaw na ba iyan!?” gulat na tanong ni Athena, sabay hampas sa braso ng lalaki, “ grabe ka halos di kita nakilala, kailan ka pa dumating? Huh?” sunod-sunod na tanong ni Athena dito. Natawa lang si Marco sa naging reaksyon ni Athena sa kanya. Kung sabagay ay hindi niya naman ito masisi. Matagal na panahon na rin kasi siyang di nakauwi dito sa bayan nila buhat ng mag abroad siya last 3 years ago. Tapos ngayon lang siya nakauwi dahil sa kinailangan niyang ayusin ang buhay niya, maging stable para sa mga plano niya in the future na ngayon niya pa lang niya sisimulan. Halos ginugol niya ang tatlong taon upang maiangat niya ang kanyang pamumuhay at mabigyan ng magandang buhay rin ang Mama Belen niya. Alam niyang ampos lang siya nito at kikupkop at sobrang
PAGKAPASOK ni Athena sa bahay nila ay naabutan niyang naghahain na ng pagkain ang Tiya Belen niya. “Ateng, ikaw ba iyan?” gulat na tanong nito sa kanya.Ngumiti lang si Athena at agad na dumiretso sa Tiya niya at agad naman siyang bumati rito at nagmano. “Magandang umaga po Tiya at mano po.” sabi nito.“Ikaw na bata ka ni hindi ka naman nagpasabi na uuwi ka pala dito, eh di sana napasundo kita sa kay Marco.” “Naku po, okay lang naman po ako, isa pa po hinatid po ako ni Mang Kanor ang driver po ni Mikael kaya di po ako nahirapan at di ko rin kinailangang mag commute.” “Ah ganun ba, mabuti naman kung ganun.” sabi ni Tiya Beleb habang hinahain ang ulam sa lagayan nito at lagay sa mesa. “Tulungan na po kita sa pag-aayos ng mga pinggan Tiya.” sabi ni Athena, “ At kumusta po pala kayo dito?”“Naku hayaan muna ako na lang at ikaw umupo ka na lang dun at maghintay.” pigil naman sa kanya ng Tiya Belen niya sa pagtulong, “ isa pa okay lang naman ako, tapos iyon nga yung pinsan mong si Ma
ISANG katahimikan ulit sa gitna nina Athena at Marco. Hindi na rin nagulat si Marco sa naging tanong sa kanya ni Athena. Expected niya na rin na darating ang araw na ito, kaya pinaghandaan niya na rin. Pero sa kasamaang palad ay parang natameme siya at hindi niya alam kung paano niya sasagutin o sisimulan ang pagpapaliwanag kay Athena. Sakto namang kung saan na siya ready magpaliwanag ay biglang tumunog ang cellphone ni Athena. May tumatawag kaya napakuha si Athena ng cellphone niya sa kanyang bulsa. Wala sana siyang planong sagutin pero ng makita niya ang pangalan sa screen ng cellphone niya ay agad siyang nag excuse sa kay Marco. “Sandali lang Marco, sasagutin ko lang ito.” Hindi na rin hinintay ni Athena ang sagot ni Marco at agad itong pumunta sa labas ng bahay at doon sinagot ang cellphone at kausapin ang tumatawag. Napahugot ng malalim na hininga si Marco sa nangyari. Hindi rin nakaligtas sa kanya ang pangalan ng taong tumatawag sa kay Athena. Naningkit ang kanyang mga mata
PAGKATAPOS ng paglalakad ng mga sampung minuto, ay dumating sina Athena at Marco sa libingan ng kanilang lolo. Nang huling pumunta si Athena sa puntod ng Lolo niya ay noong nakaraang mga buwan pa, marami nang mga damo sa harap ng libingan nito. Agad niyang sinimulang alisin ang mga damo kasama si Marco. Habang ginagawa nila ang pag-aalis ng mga damo ay tahimik lang ang dalawa. Simula kaninang pag-alis nila sa bahay ay parang na putolan sila ng dila at hindi makapagsalita. Panay ang nakaw na tingin ni Marco sa kay Athena habang binubunot ang bawat damo na nasa likod ng puntod ng Lolo Teodoro nila, samantalang si Athena ay nasa harap nito. May dala rin silang walis tingting at tambo, pati dust pan para pagkatapos bunutin ang mga damo ay wawalisan nila ang paligid, pati na rin ang puntod nito dahil puno na ito ng alikabok. Habang panay ang pasimpleng tingin ni Marco kay Athena ay naalala niya kanina ay pina praktis niya na sa kanyang isipan ang sasabihin nito. Ramdam niya na may tampo
MATINDING katahimikan ang namayani sa pagitan nina Marco at Athena. Matagal ring di nakapag react si Athena sa mga narinig niya sa kay Marco. Nagulat siya at hindi siya makapaniwala. ‘Paanong gusto ako ni Marco?’ tanong ni Athena sa kanyang sarili. Nangunot ang kanyang noo sabay hugot ng malalim na buntotng hininga tapos nailing siya ng ulo. May parte ng utak niyang ayaw maniwala. Iniisip niya na baka pinagtri-tripan lang siya ni Marco. ‘Tama baka nga pinagtri-tripan lang ako ng mokong na ito!’ natawa bigla si Athena, kalaunan ay humalakhak ng malakas at napahawak sa kanyang tiyan sa sobrang tawa. Nagsabong ang dalawang kilay ni Marco, dahil ang kaba na kanyang naramdaman kanina sa pagsabi ng totoong nararamdaman kay Athena ay napalitan ng pagkainis dahil sa tinawanan lang siya nito. Napismid si Marco ng tuluyan. Hindi siya natutuwa. Nagawa pa siyang tapikin sa balikat ni Athena dahil sa sobrang pagtawa nito. “Tss, Athena ano ba, seryoso ako!” inis na sambit nito. “So-sorry Mar
KAHIT masakit sa kalooban ay naisipan ni Marco na lapitan si Athena para bigyan ito ng comfort. Pero bago niya iyon ginawa ay dumistansya muna siya kay Athena para sa isang tawag na kanyang gagawin. Siniguro niya na hindi siya maririnig ni Athena at hindi siya nito maramdaman na nandun lamang siya sa likod nito sa di kalayuan. Agad niyang kinuha ang cellphone sa bulsa niya at gumawa ng tawag sa taong pinagkakatiwalaan niya. “Gaya ng pinag usapan natin kanina, walang magbabago sa desisyon ko sa ngayon, gusto ko siyang pahirapan kaya pagpatuloy niyo lang ang ginagawa niyo.” Pagkatapos sabihin ni Marco iyon ay agad niyang tinapos ang tawag at binaba ang cellphone niya at binalik ito sa bulsa niya. Hindi nawawala ang mga mata niya sa kay Athena. Huminga siya ng malalim bago nagpatuloy s apaglalakad para lapitan ito. Nagulat naman si Athena ng makita niya ang isang panyong inilahad sa harapan niya habang nagappahid ng luha at sabay singhot. Napatingala siya sa taong nag offer ng panyo
AGAD umalis sina Athena at Marco ng matapos silang kumain sa batchoyan ni Aling Nadia. Dumaan rin sila sa palengke upang mamili ng lulutuin ni Athena sa hapunan nila. Nakasunod lang si Marco sa likod ni Athena habang namimili ng gulay na pangsahog niya sa sinigang na lulutuin niya ngayong gabi. Si Marco ay may hawak na mga plastic bag sa magkabilang kamay niya.“Okay na ba lahat ng ito Marco?” tanong naman ni Athena dito. “Oo naman okay na ito, dami na nga eh!” “Talaga lang ha, sigurado ka?” Tumango ng ulo si Marco at sabay na itinaas ang dalawang kamay niyang may hawak ng mga supot ng gulay at karne na pinamili nila ni Athena. “Kunti lang ba ito sa tingin mo? Huh?” Napangisi na lang si Athena sa tanong ni Marco ng makita niyang marami na ang napamili nila. “Oo nga ano, marami na nga kaya halika ka na at umuwi na tayo, “ nakatawang tugon ni Athena at lumapit rin sa Marco para kunin ang ibang supot, “akin na ang iba at ako na ang magdadala.”Pero si Marco iniwas niya ang mga kam